Sabado, Setyembre 27, 2014

A Long and Lifetime Diary with HT Family: "Exit with flying colors" (Part 2)



"Sleigh bells ring, are you listening; in the lane, snow is glistening. A beautiful sight,  we're happy tonight. Walking in a winter wonderland." (TaskUs Christmas Party 2013, @Trader's Hotel Manila)

-Mula sa nagbabagang trangkaso ng panulat at sumusulat. Tuloy ang kwento, powered by Vicks vapor rub.

KALOKOTRIP

Ang sabi nila opisyal na miyembro ka na ng HT kung kasali ka na sa mga "Kalokotrip" ng buong campaign. Wala pa ang aming grupo tradisyon na pala ang ilang aktibidad na nakakatuwa sa loob ng aquarium. Kung trainee ka magugulat ka na lang na biglaang magkukumpol kumpol ang isang grupo sa isang natutulog na teammate ang isa may hawak na kamera. Isang flash ng kamera sa natutulog habang nakapaligid ang karamihan na kanya kanya ang mga posed. Hagikhikan na mahihinang tawanan habang kumakalas sa napiktyuran. Magugulat ka na lang at nasa album ka na ng mga natutulog at nka post sa Facebook at sandamakmak ang likes at comments. Kaya kung ayaw mong mapasama sa "sleep collectibles" hindi ka matutulog dahil anjan lang sila nag-aantay ng mabibiktima. Kung baga sa pelikula ng Nightmare on Elm Street kapag nakatulog ka sa sobrang antok yari ka. Malas mo lang kung malaway-laway ka pa. 

Hindi rin makakalimutan ang Halukay Ube trip. Yan ang tawag ko dun sa mga naghahalukay ng mga lumang pictures sa Facebook, kokomentan ang di kaaya-ayang lumang larawan mo para maging active ulet sa newsfeed at pagpiyestahan ng mga nakakatuwang mga memes. Ang lahat lang naman na yan ay side dish para mawala ang antok. Olats ang mapikon at bawal.

PS: Kung koleksiyon lang pala ng mga memes walang tatalo kay aling maliit si Maan Soriano. Talagang meron yang koleksiyon, na nakatago sa email add nya at tinalo niya si Kuya Bobby sa paramihan ng mga memes. Wapak!

BAWAL ANG SAD! 

Isa sa mga motto ng tropa sa likod ng aquarium. Kapag dun ka nakapwesto parang circus, welcome to the jungle ang tema kaya yung mga panahon na nasa aquarium pa, di pa ko makapag nap. Mararamdaman mo na lang sa sarili mo na tatawa ka. Pinaka cool si Don Roberto Balintong, ang lider, ang bangkero sa loob ng aquarium. Di pa naman gaanong katandaan, onga naman life begins at 40's at kayang kaya pa mag stretching at magja jumping jacks. At wag ka, bilang patunay active siya magbasketball nung mga panahon na naglalaro pa ang team ng US at UK sa Justinville. Iiwas ka nga lang sa kanya pagdating sa rebound dahil may sapi siya ni Tatang Jawo dumipensa for short "magulang." Imaginin mo na lang na tumatalsik si Allan Francisco sa pwestuhan ng rebound. Ganun kalakas! Siya daw ay may-ari ng ekta-ektaryang lupain. Boss san ba yan? Baka puwede diyan tayo mag farewell party? Si Boss Bobby simple lang yan pumorma but with a touch of a teenager from his signature polo shirts at varsity jacket down to his lonta at sneakers swabe ang dating. Isa sa mga talent niya ay magpatawa in a way na hindi niya kailangang gusutin ang mukha, kengkoyin ang sarili o ibahin ang boses. Siya yung may sense of humor, kung pilosopohan ang labanan awww wala kang panalo kay Don Balintong. Pero kapag patandaan na ang balik na depensa ng kalaban minsan kailangan din issurrender ang puting bandila. Duon olats! Kupi!

Meron din namang "gwapo" sa grupo, kumbaga front face, front act, muse ng tropang kalog bet...Sabi nila kapag lagi mong katabi o kasama ang isang tao magiging kamukha mo na siya. Pero bakit ganun Kenneth? Parang mas lalong humihiwalay ang itsura namen kapag nakakatabi ka? Lamang na lamang siya ng halos isang dekadang ligo with matching shampoo and sabon pa. Pero wag ka, usually yung mga ganitong itsura akala mo kilos mayaman o kilos maarte. Hindi tol, jan ka nagkakamali. Koboy itong tropa na ito, kung bangkaan lang din hindi siya papahuli. Ka tandem siya nitong susunod nating ifefeature, kapag nagsama na ang dalawa na yan panay hagalpakan at tawanan na. Binansagan siyang "babyboi" ng isang ultimate fan. Itong ultimate fan na ito ay fanatic ni Beyonce at Jesse J. Pero bakit nga ba "babyboi" ang tawag sa kanya Redge? Explain in essay form with smileys at hart hart kung kinakailangan. Si Kenneth din naman yung mini businessman ng HT, nariyan ang benta nyang iba't-ibang chocolates. Pwede mo yan bayaran sa sweldo mismo, kumbaga "study now, pay later" namnamin mo muna ang tsokolate bago mo bayaran. Cool di ba? Meron din siyang mga Avon-avon, Natasha, Nathaniel at Board Walk. Suki ako sa order diyan! Dito naman ang bayaran ay fifty-fifty sa madaling salita 2 gives, maaaring dalawang bigayan ang bayad. Ewan ko lang kung natuloy yung order ni Iye na wonder bra? 


Moving along with Jesus Villanueva a.k.a "Jhec". Kabaliktaran naman siya ni Don Balintong, siya si Jekoy kenkoy. Kilala bilang stand-up comedian ng grupo, awkward, at may uniqueness magpatawa gamit ang muka at mga hand gestures. Kung kilala niyo si Tikboy sa "Abangan ang Susunod na Kabanata" ganun ang kanyang karakter. "bH0s$z jH3c" mahilig sa fliptop at may pagka gengster! San ka nakakita ng naka polo checkered longsleeve na nagrarap at nagtutugma ng mga salita. Pero Ok "chicano" ang dating. Unique diba?  Isa sa mga promotor ng "halukay ube" trip at palaging nabibiktima ang mga piktyur ni lidilyn. Gumagangster moves na lihim na pag-ibig kay June Camille pero joke lang daw yun. Actually araw-araw siyang nagjojoke "Ikh@wzz luNgzZ $aphuat nwU@hhh." 


Nariyan din ang trip na palitan ng status sa Gmail chat. Kapag hindi mo nai-lock ang account mo at umihi ka saglet yari na ang status mo. Gone in sixty seconds na rak na ito, bigla ka na lang magiging "pink butterfly" sa status or bigla na lang "I love Hello kitty." Pambihira! naka-ilang beses din akong nabiktima ng status gang. Ang malupit pa papalitan din ang background theme mo sa Gmail. Kapag log-in mo ng account, makikita mo na lang na "Chicsers" na ang background, oh di kaya'y "K-pop Korean girl group." Malala na siguro yung "Powerpuff girls", kay Rico Adriano naman ata yun nai-apply. Pero siyempre lintek lang walang ganti vice-versa lang ang palitan ng status at background.

NAPAGTRIPAN SI MASCULADO

Isa sa mga hindi ko makakalimutan ay yung trip ni Kenneth kay Rico. Nakalog-in ang macho papa ng HT sa Grooveshark.com, at nag set siya ng playlist. Ang genre kasi nito ni Rico ay yung tipong punk rock at screamo. Maya-maya pa nakatulog at hindi na-ilock ang account. Hindi mo na-ilock? Yari ka! Mula sa pagkahimbing ng nap, nagising at nagulantang dahil nag-iba ang tugtugin sa headset. Yun pala tumutugtog na ang "Barbie Girl" ng Aqua sa magkabilang sides ng earpiece. Nauwi na lang lahat sa tawanan, ikaw ba naman kumpleto ang six pack abs mo tapos aalingangaw sa tenga mo ang "Hi Ken, wanna go for a ride? Sure Ken" . Sabi naman ni Henric Floranda kaya daw nagising si Rico dahil sa sobrang paborito nya raw ang kantang Barbie Girl, iyon daw talaga ang tumulak sa diwa ni Rico para magising dahil matagal na niyang hindi naririnig ang paboritong kanta. 

FIRST WAVE NEWBIES & TERROR MARKETS

Pagkatapos ng aming batch nila Eljhay, Maan, Butch, Mark, Celine at Ivan. Eto na! Simula na ang pagyabong ng pinakamalaking campaign. Umpisa na ng paglaki ng pamilya. Unti-unti nang nagpapasukan ang mga bagong muka, mga bagong applicants at trainees. Iba't-ibang personalidad, iba't-ibang karakter ang taglay. Merong bata, matanda, dalaga, binata, tomboy at bakla. Ayos kumpleto ang castings! Puwedeng gumawa ng isang pelikulang pang Regal Shocker. Joke lang po! Unang wave, unang batch pagkatapos namen. Minsan nasa loob sila ng aquarium at kadalasan nasa Great Hall; ipakilala natin ang mga nakasama pa sa dating building hindi ko na matandaan ang pagkakasunod sunod pero sila yung fresh crew: Redge, Ate Iya, Iye, Ansherina, Jardin, Ralph, Mak, Cyril, Ken, Glennard, King, Nelsie, Anette, Henric, Lester, Kresta at Denz Bulatao na dati ko nang nakasama sa Chicken and Egg Campaign also known as CHEGG. Ewan ko hindi ko na matandaan kung sino pa ang ilan. Say "present" na lang kung kasama ka pa sa kapanahunan ng lumang building.

Pero bakit ko nga ba nasabi na "minsanan" lang namen sila makasama sa aquarium? Bakit yung iba sa Great Hall? 


Kumbaga kasi sa HT, meron kameng tinatawag na "first come, first seat" the "early bird gets the more comfortable seats". Walang seating arrangements, kung saan may bakante at kapag dumating ka ng maaga dun ka pwede mag station. Pero minsan parang hindi rin naman. Dahil mas okupado talaga ng mga tenured teammates ang Aquarium, noong batch lang namen talaga meron pang mga ilang seats na hindi occupied ng mga tenured. Kadalasan yung mga newbie dun talaga sila sa Great Hall. "Chat systems" na lang or chat group para sa mga bago kung merong mga hindi maintindihan lalo na kung merong mga "keys" sa mga hotel. Kasi kapag meron susi sa isang hotel parang ibig sabihin nun 60-40 ka na pwede magka error.Yabit ka! Kung bago-bago ka pa at natyempo sa iyo ang New York Markets mapapa shet ka sa dami ng susi. Kung newbie ka pinapanalangin mo yan na wag mapunta sa iyo, dahil kakain at uubos talaga ng oras sa pag-iintindi ng mga misteryosong susi. Isa pa sa mga kilabot na markets ay yung mga Mexican kailangan mong mag multi tasking kapag napapunta sa iyo ang mga markets na ito. Sabi ko nga ayoko ng Math, kailangan mong ilabas ang kalkuleytor at konberter para matagumpay mong masagutan ang problem solving. Buti nga walang fractions pero merong mga decimals. Kung pwede ko nga lang i-call a friend si Dora para siya na ang sumagot sa problema ko. Hindi naman kasi ko Mehikano o Espanyol. Nung napunta ako sa isang website na iba ang lengguwahe talagang isinisigaw na ng utak ko "Doraaaaaaaaahhhh!!!" bakit ba kasi mga basic lang na Mexican words ang pini-feature sa Dora the Explorer, hindi ko tuloy alam kung saan dito ang "submit" button, anyway common sense na rin naman yung kalendaryo, madali naman matagpuan at alam ko rin naman magbilang ng "uno, dos, tres un pasito pa'delante Maria, uno, dos, tres, un pasito pa'atras Whopaaaaaaaa." Si Ricky Martin kaya alam kung saan ang submit button? Dala ng katangahan nakalimutan ko mag explore, 'enang yan idol ko si Dora tapos di ako marunong mag explore? Bwiset! Yun pala pwede naman itranslate to English ang webpage. Heaven! Ayos! OK na! Isang click lang nasakop na ulet ng mga Amerikano ang website ng Mexicano. Pero natutunan ko rin malaunan ang translation ng submit yun pala ang tawag dun sa Mehikano ay "Buscar". Ngayon hindi ko na kailangan yan itranslate nakasanayan na rin at no more lonely nights na pagdating sa mga Mexican markets at mga susi.

Pero alam nyo ba na dahil sa mga first come, first seat na yan the best ang attendance ng HT. Namannnn! bihira ang nalalate. Kadalasan one hour before the shift kumpleto na ang cast sa aquarium. Sipag di ba? Kumbaga naging motivation ng lahat na pumasok ng maaga dahil kapag late ka duon ka sa Great Hall mauuupo at kapag malas malas ka pa at wala talagang puwesto duon ka sa malayo katabi ng ibang campaign. Ewan ko na lang kung hindi matuyo ang laway mo dahil malayo ang mga ka tropa. Sana nga nuon pa nauso yung merit na 600php kapag wala kang late at absent malamang lahat kame nun nagkaroon.

H_T CREWS
Kasabay ng paglago ng campaign, gayundin naman ang paglago ng balbas ni Mcking Etuc or Mark Fernan Pasayon a.k.a "King" isa sa mga naging unang friendship. Kung paramihan ng buhok sa katawan champion siya at 2nd place lang si Ralph Lumio dahil dibdib nya lang ang mabuhok na maihahalintulad mo kay Sergio ito ung isa sa primary cast sa isang Mehikanobela nung dekada nobenta at kasintahan ni Marimar. James Harden ang tawag ko dahil sa pamosong makapal na beard na bumabalot sa kanyang pisngi at bibig. Ka-tandem nuon ni King si "Boy Bakal" sa training ngunit nangibang landas si Mister Bakal dahil mas pinili niyang makatulog sa shift. Sa tingin ko morning person siya at dahil duon lumagpak siya sa training. Ang mas pinakamalapit na karakas at datingan ni King ay si Wolverine, mahahabang kuko na lang ang kulang meron na tayong mutant hero sa HT. Tahimik lang pero kapag naging tropa mo na, hihingan ka ng pera, bigla na lang lilitaw ang pangalan sa gmail chatbox at magugulat ka sa chat na "penge pera." Minsan di ko alam kung dapat kong katakutan o biro lang ang lahat. Pero dahil sa kanyang killer smile alam kong 100% na joke lang yun. May talento din sa pagpophoto shop at kadalasang nagpapahula ng mga may kamukhang celebrity sa HT. 

Next stop is the three brotherhood with different characteristics, isang malamig ang boses, isang rakista at ang 2nd placer sa pakapalan ng buhok sa katawan. Sa karamihan na hindi nakakaalam, isa sa singer ng HT si Mak Villaruel, malamig ang boses parang menthol candy na Snow Bear. Bilang proof kumanta na yan sa harap ng madla, CEO at big bosses ng company nuong nakaraang Christmas Party. Medyo nanginginig sa una dahil nga sa kalamigan ng boses, kinanta niya ang "Have Yourself a Merry Little Christmas" na sinuportahan naman ng buong palakpakan at hiyawan na may kasamang kantyawan ng buong HT teammates. Isa na siguro yun sa pinaka highlight ng career niya dito sa kumpanya. Best performance ever!  Yun nga lang ang tanong kung Krismas ba talaga o Krisismas ang haharapin natin pagdating ng Pasko. Malalaman natin yan pagdating pa ng ilang araw. 

Mula sa bandang SLipknot at hardcore metal eto naman ang bandera ni Neil Ivan Ilano. Sa lakas ng tugtugan na nanggagaling sa kanyang headset alam mo na ang genre ng music. Mula sa dumadagundong na drums na animoy magkakatapusan na ang mundo hanggang sa pag-iyak ng gitara habang sinasabayan ng sigawan ng mga bokalista at mga japormang T-shirt ng Pulp Summer Slam, hardcore metal mayhem ang tropa! Pero wag ka ang softside naman ni Ivan ay ang magmahal, kumbaga sa WWE o World Wrestling Entertainment siya pa rin ang Heavyweight Champion pagdating sa pag-ibig ng kanyang sinisinta. Title holder ika-nga at loyal at wala pang nakakatalo. Ideal guy. Best boyfriend ever! Astig diba rakista at romansa! 

Lastly, wala siyang genre ang meron lang siya ay long strands of hair hindi sa ulo kungdi sa dibdib. Sabi ng ilang mga tsikabebots "extremely hot" daw ang isang lalake lalo na kapag nagkukumpolan ang buhok sa dibdib. Pero ano nga ba ang tawag sa buhok sa dibdib? Meron bang pwedeng makasagot? Kung sa ilong, ang tawag duon ay "tutsang", ang buhok naman sa kili-kili ay "asogue", "mulmul" naman ang katawagan ng buhok sa malalaking nunal, "weneklek" naman ang buhok na makikita sa utong ng  mga lalake. Pero ang di ko lang talaga mahagilap ay ang tawag sa buhok sa dibdib. Ang makasagot ililibre ko ng lunch sa October 16. Itigil na natin ang usapang buhok. "Wreck it Ralph" pagdating naman sa basketball wag ka na mangangamba lalo na pag pustahan, kapag kakampi mo siya siguradong hahakot tayo ng pusta. Deadly-shooter on the 3-point arc, siya ang laging kumakada ng puntos lalo na nung nakaraang Sportsfest, mejo lightweight ni Noli Locsin pero streak shooter kapag naiwan mong libre. Quits na ah! Pero madalang talaga yung lalakeng may buhok sa dibdib eh, asset na yan kasi para ka na ring European.

Wala na siguro akong ipagtataka kung bakit lumabo ang mata ni JM Guevarra. Maraming paraan bago daw lumabo ang mata ng isang human being, andiyan ang magbasa sa harap ng kandila, magbasa sa dim lights at magbasa sa patay-sinding ilaw.Patay-sinding ilaw? Wow! Maaari rin dahil sa impact ng radiation ng computer at mga gadgets. 21st century man ganyan si Boss JM. Nagbabasa at nagreresearch siya ng mga cheats at strategies upang todasin agad ang laban sa mga video games. Kaya nga research and cheats analyst siya in his own way. The Game Master, President of the PSP Nation at Leader of Game Strategies with Manual. Malupet at walang monster level na inuurungan kahit anong position kahit nakapatiwarik, patagilid kahit pa nakayuko! Pero wag ka! Basketball is his game too, fastbreak and slashing is his ability to score at mga alahoy na tirang pabanda. Despite of his blurred vision he can score more baskets through fastbreaks and that's the talent of our main man Joe Marwin Guevarra!

BARKADA TREATS
Heto na lumaon pa ang panahon, yung mga friendships dito parang mga islang nabubuo kung saan. Unahin muna natin ang Luzon, siyempre sila yung pinakamalaking grupo ang 6 to 3 crewship ang circle of friends nila Boss Pher, sila na ata yung pi....................nakamaraming group of friends along the campaign. Some of them I only know from their faces and I don't know their names yet. Pero obviously this group contains fresh teens (fresh teens? parang pang 18+ ang description) sabihin na lang natin sa tagalog na mga "tropang bagets." Sila din yung mga mahilig mag midnight snacks sa McDonalds at yung mga gawain ang mag "i-e" sa dulo just like "SELFie, GROUPie, at ang pinakamasarap mag FOODie. A flash of camera, a bunch of food and hungry smiles. Ayos kainan na! At eto ang list ng kanilang TROUPie (hula lang): Boss Pher (poging pic), Julie (cutie patootie), CJ (Rico ano nga yun?), Cla (bat biglang lumiit yung font), Mkts (ano nga po basa jan?), Almira Milcah, Raii, Odin, Riden, Borres, Jake, Lotik at etsetera, etsetera! Mga ilan kaya ang tama kong sagot?

Nandiyan rin naman ang mga tropang "vapers league of smoking devices." Kung kailangan mo ng usok at maraming lamok sa inyo sila yung tropang pwede mo kontakin. Pero hindi siguro mateteypok ang lamok dahil hindi naman kasinglakas ng Dragon katol ang dala ng usok nila kasi may flavorings ang amoy at baka maging tambayan pa ng mga mosquito vapers ang usok. Eto siguro hindi ako gaanong magkakamali: Sila Ken, Pau (na minsan sa profile pic nya yung usok at may colorful na isdang tattoo), Glennard (na laging palabati pero minsan tatawagin pa rin akong Clutch), at Cyril (that always wear his happy braces).

Eh kung rakrakan naman ng 90's ang pag-uusapan, bigyan mo lang siguro ng elektrik guitar, at drums, papormahin, piktyuran at  palumain ang picture mga black and white ang settings babalik tayo sa kapanahunan ng kasikatan ng Siakol na si Pej ang bokalista, si Choy sa base at si Charles Dano sa lead at meron na tayong instant album cover ng isang banda wayback from the 90's.

Meron din naman tayong mga barkada beauties sa HT sila ata yung mga may part-time na modeling,  matatangkad, sexy bodies at mga long legged yan naman sila Nelsie Guevarra, Camille Gabo at John Michael Cuerdo. John Michael Cuerdo??? Ha?

Teka mukang napapahaba na, wala pa talaga tayo dun sa parteng magkakalabasan ng uhog at hikbi. Mukang kailangan ng Pangatlong parte. Marami pang profiling ang magaganap. Matagal tagal pa naman ang "Rest day nating lahat."

Ikaw ramdam mo na ba ang pagtatapos? Feel na ba ng mga daliri mo na pindutin ang panic button? Samahan na lang natin ng dasal at pag-aaral at review tungkol sa mga interviews. Andiyan ang Google, research tayo ng mga katanungang pwede itanong sa atin sa interview! Good luck sa ating lahat at galingan ang mga exams. 

Everything will be ok! 

Kitakits na lang sa Part 3 :)



Huwebes, Setyembre 25, 2014

The Struggle of Little Kermit




Alas nueve impunto. Gabi!

Papasok sa trabaho. (nightshift)

Umuulan....Malakas!

Palakas ng palakas ang ulan. Kidlat.Hangin.Kulog! Paulet ulet Kidlat.Hangin.Kulog!

Bitbit ang knapsack sa harapan upang hindi mabasa sa lakas ng rumaragasang ulan, patawid ng kalye. Hawak ang payong kakapaayos ko pa lang nung nakaraang Sabado. Kailangang malakas ang grip sa payong at baka tangayin ng hangin at malamang pumasok akong bagong ligo sa ulan kapag nabitawan. Nakatawid naman ng matiwasay sa kabilang kalye mula sa aming subdivision, wala pang tricycle at konti lang ang bumibiyahe. Ramdam ko na, na medyo basa na ang medyas ko at maya-maya pa maaari ng bumaha sa kinatatayuan ko.

Umaapaw na ang tubig, bumabaha na. Kailangan ko na munang gumilid malapit sa mga damuhan. Wala na akong maaninag kung di mga ilaw na lang ng mga sasakyan at mula sa ilaw ng mga kotse tanaw ang lakas ng buhos. Mula sa damuhan maraming maiingay na nilalang, mga insekto na sama-samang nagkukumpulan sa dilim ng makapal na damo. Ngunit ang pinaka matining kong narinig ay mga palaka. Kooookaaaakkk!!! Koookaaaakkk!!  Koookaaaakkk!! kanya kanyang himig, kanya kanyang huni. May matining, may di kalakasan, merong malaking boses ito ata yung tinatawag na palakang bato at meron din namang maliit ang pagkokak.

Sabi ko sa sarili ko, mukang malalate na ako dahil wala talagang nabiyaheng jeep at tricycle kung meron mang tricycle hindi ka mapaparahan dahil yung iba gagarahe na at pauwi na, yung iba naman puno na rin ang sakay. Meron nga bakanteng upuan sa likuran pero sabi ko wag na lang, dahil parang nagpaka basa basa na rin ako kung duon ako pupwesto. Sa baha pa lang na daraanan along the way, malamang nag shower na ang bagong sapatos na binili ko kay Kenneth Camerino. Bago pa lang eh malalabhan na ng tubig ulan? Never! Pero ikaw aminin mo man at hindi kapag bago bago pa lang ang gamit mo dun ka lang maingat pero kapag nagtagal na ang gamit na bago malamang babalasubasin mo na rin ang paggamit dito. Sa madaling salita sa una ka lang nag-iingat kasi bago. Hindi ba't ganyan ang ilang Pinoy?

Pero hindi talaga yun ang umagaw ng atensiyon ko sa gabing maulan na iyon. Kung di sa isang mumunting palaka. Tama ka sa isang froglet na paslit. Maaari kang matawa sa akin pero ayos lang at tanggap ko naman. Sa isang bumabagyong gabi nauwi ang atensiyon ko sa isang palaka. Baliw na nga ata ako? Tama nga ang kanta ng Rivermaya "sinong hindi mababaliw sa ulan?"

Isang palaka ang napahiwalay sa kanyang grouplets at bigla ko na lang siyang naaninag na tumatalon talon sa kalye. Pinangalanan ko siyang Kermit mula sa isipan. Di alintana ni Kermit ang dulot na panganib na pagtawid niya sa kalye. Baby frog pa lang si Kermit sa aking pagkatantiya dahil maliit pa ang kanyang mga paa, ang pagtalon niya ay hindi pa kataasan. Maaaring hindi pa siya nakakatikim ng mas pinakamasasarap na insekto sa mundo. Kung hindi lang talaga delubyo ang ulan sa pagkakataon na yun irerescue ko ang aking palaka. Pero hassle, malabo ang daan walang pag-asang matulungan. Naging likas na rin kasi sa akin ang maging maawain sa hayop o insekto man kahit pa yung iba naninira at peste kagaya na lang ng isang daga. Natatandaan ko nun, sa banyo namin sa lumang bahay sa Paranaque merong na trap na daga sa isang lumang hawla na sira-sira na at wala na rin naman duon ang mga ibon. Nakita ni Super Nanay at sabi hatawin ko raw ng tubo at baka maka alpas pa. Sabi ko sige at ako na ang bahala. Umalis na si ermats. Hinawakan ko ang tubo. Pero yung iyak at daing nung daga, di ko kaya hambalusin pa siya. Wala kong lakas dahil ang sabi ko sa sarili ko di ko kayang pumatay ng kahit anong nilalang na buhay na ginawa ng Diyos sa mundong ito. Ipit ang kanyang tiyan sa talas ng alambreng hawla. Suwabe na siguro ang sakit nun eh. Bakit ko pa hahambalusin ang kawawang nilalang? Makikita mo rin ang luha na umaagos sa gilid ng mata niya at nangangausap na mga mata na nagmamakaawa. Dahil sa sobrang di ko rin nmn talaga kinaya, kumuha ako ng gunting at unti-unting kong pinutol ang alambre ng hawla para lumuwang ang pagkakaipit niya at mula duon pina eskapo ko na lang ang kawawang daga. At pinarinig ko na lang kay Ermats ang hataw ng tubo sa pader. Eh anong gagawin ko? Ikaw kakayanin mo ba? Yan naman ang kwento ng struggle ni Doding daga.

Paparating ang isang ten wheeler truck, tensiyon ang bumabalot sa akin dahil ayokong masagasaan ang kawawang palaka. Heto na! Malapit na ang truck. Buti na lang at nahagip lang si Kermit tuloy ang kanyang pagtalon. Sa bawat pagtalon niya hindi siya tumutuloy at tumitigil muli. Eto na naman ang isang jeepney na biyaheng Imus. Wagas safe ulet ang ating bidang palaka. 2nd life niya na ito. Animo'y parang nanonood ako ng nakaka thrill na pelikulang live! Isang tricycle naman ang lumiko, mula sa pagkakahagip ng tricycle alam kong may tama na si Kermit dahil mas natagalan na siyang kumilos bago tumalon muli. 3rd life pero may tama. Eto na, sa tingin ko wala na siyang lakas tumalon pa hindi na siya nakagalaw mukang ang jeep na ng biyaheng PAG-ASA ang tatapos sa kanyang buhay. Kung pwede ko lang siya kausapin sa isip at i-cheer na konti na lang Kermit konti na lang gumalaw ka na at nasa safe zone ka na at matagal pa rin naman nagbaba ang jeep ng pasahero. Ngunit ubos na ang oras, umandar na ang jeep at tuluyan ng nagulungan ang batang palaka. Lagutok na lang ng parang daliri ang narinig ko sa katawan niya ng magulungan siya ng jeep na hindi siya binigyan ng PAG-ASANG mabuhay. Pisat na ang katawan ng aking munting palaka wala ng buhay. Wala na.

Natapos rin ang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba. At mula duon tumila ang ulan tapos na ang paghihirap. Paghihirap na sa kakaunting pagsubok na lang akala mo maliligtas ka na,ngunit hindi rin pala. Maikukumpara mo sa mga taong akala nila tapos na ang paghihirap sa malalang sakit ngunit biglang binalikan at tuluyang kinuha ang kanilang buhay. Duon sa may mga kanser na akala mo nanalo ka na sa laban ngunit bumalik at patraydor na kinuha ang buhay ng kawawang maysakit.  

"Para sa mga lumalaban sa sakit, ngunit pilit pa ring kinalawit ni kamatayan."

Magandang gabi sa lahat!



Linggo, Setyembre 21, 2014

A Long and Lifetime Diary with HT Family: "Exit with flying colors" (Part 1)



Hotel Tonight Family US and UK teammates.

Warning: This blog post contains deep emotions that will surely make you cry. Prepare a lot of tissue from the company's comfort room or if you are in your houses please bring a towel with you. Amen.


-"Don't be sad because you're saying goodbye. You should be happy. Because you have memories with them that you'll cherish......FOREVER!"

-"Goodbye, goodbye ang sabi niya, goodbye goodbye hanggang sa muling pagkikita."

Breathe in. Breathe out muna, baka quotes pa lang humihikbi ka na. Mahaba pa itong post na ito. May Part 1 at Part 2. Reserve mo muna yang teary eyes mo. Ibalik mo muna lahat yan sa mata mo. 

I've made this post because we are very special, special in a way na "magtataropa" lahat tayo dito. I just want for us to remember those days in the past, that we are all stick into one team yung mga days na wala pang division with two shifts. Panahon ng awesome aquarium, nung panahon na tayo pag nagmamay-ari ng Great Hall of China dun sa kabila, dahil tayo ung pinakamalaking family. There were a lot of great memories, panigurado yan kahit magkakaiba ng tropa naguuusap-usap pa rin naman.

AKO MUNA

Eh hindi naman ako yung madramang tao, hindi wala sa bokabularyo ko yun. Gagawin ko lang ito kasi mga special kind of something ang bawat isa sa campaign na ito. Kung baga sa pelikula may kanya kanyang casting para maalala ang bawat character. OO "character" kanya kanya yan eh, kung baga maihahalintulad mo rin sa high school may makukulit in a way naman na nakakatawa, may mga taong uhog bakit? kasi green, mga berde ang utak pero hindi pa rin naman malaswa (sometimes), merong mga kikay, may mga tipong payaso na mahilig magpatawa all night long, meron naman kabaliktaran ang mga kikay ang tawag ko naman sa kanila ay mga "matineek idol" este matinee, mga matinik sa chicks sa ibang campaign. At hindi syempre papahuli ang mga oldies but goodies diba Kuya Bo....J2x, Kuya Bu, Kuya Jo... Ate Yn..Ate El... Ate Iy... Ayos fill in the blanks! Bahala na di ko na kailangan magpakontes para masagutan yan. 
At meron din naman yung mga may sariling mundo, sila yung mga pro-gadget kids, mga movie live streaming buddies at mga facebook addicts. Noon yun ha kasi di na pwede ngayon may screenshots na, mahirap na magka NTE diba? Ano nga acronym nun Kuya Butch? "Ninja Turtle Extreme" ohhh yeah, kung gusto mo matuto ng mga bagong salita na wala sa Webster at Oxford Dictionary tatabi ka lang kay Butch Digao siya ung taong pwede mo lapitan kapag nalolongkot ka kasi automatic ka tatawa ng tatawa para kang naka high on drugs, na ang epekto ay laughing trip. Mahirap yung NTE "notice to explain" kasi naman obvious naman bistado ka na, tapos mag eexplain ka madadagdagan lang kasalanan mo kasi makakagawa ka pa ng kasinungalingan. Ok naman umamin para walang hassle. Buti wala ko nyan! 

Ok ako muna, kame muna. Konting kwentong experience bago totally naging official member ng campaign. That was in a month of July or August of 2013 ata when we took the exam for HT. Friday morning ang interview. Ayos nakapasa naman and then pinababalik for the exam. We were six people invited to take the exam. We were divided into two groups. At first I really dunno, no idea what will be the exam is. A little bit nervous kasi gabi kame pinapunta di pako sanay sa dilim ng lansangan nun. 11 pm! Wow all girl group ang kasama ko, ang tahimik pa nun ni Celine, together with ate Eljhay and Maan na tahimik pa rin. Yan yung tipong wala pang labasan ng kulet, wala pang hampasan at tadyakan kapag natutuwa si Celine. All freshmen for the campaign, feeling scared, unknown feeling!

A few minutes pa 11:30pm nag exam na kame, syempre tabi-tabi, nagbabadya ang tanungan at kopyahan, high school style! Bumulaga ang isang spreadsheet sa kanya-kanyang email. Watdapak! maraming links, maraming numero. Wow men tinakasan ko na ang Math nung kolehiyo, hayskul at elementary ano ito bakit maraming numero? bakit kailangan ng kalendaryo? Ano yan kailangan ng calendar method? Syempre basa-basa rin may instruction. We need to get the daily rates for 1 week of every hotels. Tapos may link ng mga hotel websites. I-klik yung link, siguraduhing tama ang address, hanapin ang kalendaryo, tig iisang araw ang hanap, tapos dalawang oldies na guest. Tadaaaa click na yung submit, at maglalabasan na yung rates. Tapos ilalagay mo yung rates dun sa patlang sa spreadsheet katapat ng hotel na pinagklikan mo ng link. Pero hindi pala basta-basta ang kuha, kelangan ng rulings. Yes! may mga batayan sa pagkuha. Nasa instruction kaya basa-basa na naman ulet! Pagkalipas ng ilang oras natapos ang exam. Maglunch daw muna kame! Tambay sa baba konting usap-usap with the three mariyas. Ayos akyat ulet para malaman ang resulta. Photo-finish! Pasado kameng tatlo. PInababalik kame ng aming pinaka cool na TL, si Mam Joy para sa training! Walang kapares ang tuwa kasi training na, pag nalampasan mo pa yun official member ka na ng campaign.

AQUARIUM DAYS
Heto na nga! Training day! Nagkita kita kameng anim, yung isang grupo sila Ivan, Mark Poblete at Butch. Nagka kwentuhan sa ibaba, nag share sila kung pano sila muntikan ng lumagpak sa exam. Katulad lang din ng sa amin, kailangan makakuha ng rates sa isang buong linggo pero depende sa kama merong mga kama na hindi pwedeng kunin ang rates. Iyon daw two double deck at one-queen folding bed yan , yan daw ang kailangan hanapin. Wala naman pala talagang ganun. Parehas ang exam namin, pero sa pagkakakuwento ni Butch magkaiba kame ng sagot. Dahil kung sa amin panay numero at rates ang inilagay sa patlang ang sa kanilang tatlo daw ay panay website links ang inilagay nilang tatlo. HAHAHAHAHA! Dun pa lang malalaman mo nang joker itong three stoogies na ito. Sa kabutihang-palad nabigyan daw sila ng chance para umulit. At mula duon naging OK na naman.

Wagas! unang araw ng training day.

Mula sa pagbaybay sa tinatawag nilang "Great Hall" inihatid kame ng aming mga paa mula sa isa pang kwarto sa may bandang gilid. Iyon daw ang pinaka sentro ng working station ng HT. Iyon na nga dahil dun mo makikita ang isang animoy flag na kulay itim na may puting logo at sulat ang maliit na letrang h na pinalapad. Sa pagkakalapad ng letra para na ngayon siyang isang building, isang hotel. Isang logo pero dalawang letra ang kinalabasan. Naroon rin ang white board kung saan naman nakalagay ang mga rulings ng bawat pagkuha ng mga rates, conversions at mga ilang instructions. 

Ang silid ay tinawag na "Aquarium" bakit? hindi ko rin alam sa una. Pero kung titignan mo nga ang buong paligid nababalot ka ng salamin na kita sa labas. Isang solidong salamin na maihahalintulad mo sa isang aquarium. Tubig na lang ang kulang at mga korales at buhangin meron ka ng Aquarium. Pero hindi kame isda lahat ng nasa loob ay grupo ng mga magaganda at nagwagwapuhang mga sirena at sireno. Meron bang mga syokoy at syokla? Haha! Ewan ko kayo na ang sumagot. 

Kung ala-ala lang marami sa loob ng apat na sulok ng silid na iyon. Duon kame una nag "shadowing" yes aninoing in tagalog, kung saan tatabi ka sa matured este tenured na teammates para tignan ang tamang proseso ng pagkuha ng rates. Natatandaan ko pa kung kanino ako nagshadow, pagpasok sa loob dumiretso ako sa unahan ng kwarto. Dalawang lalaking nasa unahan. Tingin lang ako sa una, dahil medyo nahihiya pa tayo magtanong hinintay ko sila magsalita bago ako magtanong-tanong. Panahon pa nuon ng mga laban ng Gilas Pilipinas. Yung dalawa nanonood ng live video streaming, Philippines vs. Qatar eh di nood lang din muna ko tutal hilig ko rin naman ang basketball. Natapos ang panonood. Maya-maya pa akala ko umpisa na ang discussion, yun pala magkwekwentuhan pa sila. Di ko alam kung kaluluwa na lang ako ng mga panahong yun. Di ko alam kung nalunod ako sa aquarium at sumalangit nawa ang aking kaluluwa dahil hindi nila ako nakikita. Mga konting sandali pa pinansin na rin nila ako. Hanggang sa magsalita ang isa at binigyan ako ng mga puntos na kailangan matutunan. Yung isa naman sabi lang, manood ka lang at magtanong kung mayroong di naiintindihan sa ginagawa namin. Yan nga pala si JV at ang macho papa ng HT si Rico.

Kapag seryoso na ang lahat sa dami ng workloads, wala kang maririnig kung di palatik lang ng keyboards at pag click ng mouse. Ito na yung oras na maramihan ang pina process na hotels. Kailangan bilisan dahil kada oras may missed deadlines. Lagot ka kay Mam kapag sumobra ka sa tamang oras. Akala ko nga nun ililista ang pangalan sa white board kapag ikaw ay na missed deadline eh. 

Sa loob, animoy parang classroom ang settings dahil kanya kanyang grupo bawat area ng stations. Umaalingawngaw ang tawanan kapag may bumabangka sa mga jokes. Lalo na sa likod ang grupo nila Kuya Roberto, Kenneth, Jhec, Allan at JM. Walang humpay ang katuwaan at saya lalo na kung merong nakakatawang napapanood sa YouTube. Ang bandang gitna naman ng station ay panay kababaihan. Sila yung girl group composed of Grace, Sab, Cathleen, Pamu at ang mused nila si June. Sila yung pwede mo lapitan kapag nagugutom ka dahil dun pa lang sa table nila "fiesta" na sa food trip hanggang ala-sais na ng umaga ang supply nun. Sa unahan naman yung mga pro gadget kids at Tetris Battle fanatics sina Mai at Gelo. Nakalaban ko pa sila nun sa Tetris kahit "God-like" na ang level ko olats pa rin. Mahusay ang dalawa pagdating sa computer games pero wala pa ring tatalo kay JM.
Bandang hulihan naman merong chick Abie ang pangalan, one of very approachable pagdating sa mga bagong trainee at mahilig mag share ng foods pero pag natikman mo na kailangan kang umorder. And my taste buds won't forget that Spaghetti meatballs I ordered to you. Kung paliitan naman ng boses andiyan si Cla, matangkad pero ang boses "microscopic" kailangan mo ng sound booster para marinig mo yung sagot niya sa tinatanong mo. Pero Ok naman, very approachable too.

Duon naman malapit sa pintuan ng aquarium ang grupo nila CJ, Julie at Danna at ang tandem na ATL's Pher at Leds. Sa parteng yun naman walang humpay ang kwentuhan kahit anong kwento basta masaya. Si Pher at Leds ang dalawa sa approachable assistant leaders ng HT, they are the one who check the quality of the team. They will remind you if may nakalimutan kang gawing markets or may error ka sa ganitong hotels. And sila din yung nagpapaexam sa mga bagong applicants. Kung nagkamali ka man, they will not put you down, they just simply remind you to ask if you're confused at kung meron kang di maiintindihan. They are very supportive ATL's. Si Leds yung may seasonal hair color, last year all blonde, tpos naging all black and now swakto lang. This girl knows fashion.

And in front of the room, there was our Queen! our beloved Team Leader Ms. Joy! For all of us she is one of the coolest TL we've had. A great motivator for us and full of positive vibes and energetic as well. Pero wag na wag kang magkakamali sa pag change ng currencies kung kinakailangan dahil kung may error ka she'll caught your attention. Si mam din ang may promotor ng pang fonebre na kanta ng Happy Birthday. Kung meron may birthday sa araw na yun may gantimpala kang kanta pero para kang hinahatid sa huling hantungan mo dahil sa tono ng kanta. And the laughter will surround the room after that. Si mam yung pinaka maasikasong TL pagdating sa mga attendance she never failed to remind us to always check that software tool called Zen if we forgot to punch that day. For us she is truly a  mother and a teacher. So, if ever we transfer to different campaigns we will never forget our Queen Ms. Joy Penecilla.

So san ka pa? andito na yung pinaka kwela, pinaka mababait na teammates, ATL's at TL's This was my experience with them. Hanggang sa lumaki na ng lumaki ang HT. Mas maraming teammates pa ang pumasok from US to UK. Mas maraming characters sa Part 2 at maraming kamukhang celebrities. Ikaw ano ang pwede mo ishare? Ano yung memories na hindi mo makakalimutan with this campaign? Share ka naman tropa! 




Lunes, Setyembre 15, 2014

Nasa puso ko si Shaider!




Panatiko at tagasubaybay kahit anong Channel ang lipatan mo for sure nakasunod ang anino ko sayo. Sabado man o Linggo walang paltos ang bawat episode lahat yan napapanood ko. Idolo kita ng kamusmusan ko. Hinding hindi kita makakalimutan Hiroshi Tsuburaya a.k.a Pulis Pangkalawakan o Alexis or sa mas kilalang codename: SHAIDER!

Batang uhugin pa lang ako, pangarap ko nang maging isang superhero. Ngayong malaki na ako, hindi pa rin naman nawawala sa akin ang pangarap na ito. Lalo na ngayon na sobra na ang krimen sa mundo nandiyan ang holdapan, rape cases, karnap at kung ano ano pang masasamang elemento na naglipana sa Metro. Napapanahon na talaga na kinakailangan na natin ng Superhero. Dito ko sobrang namimiss ang idol kong Pulis Pangkalawakan, ang sumusugpo sa di magkamayaw na mga bad guys sa lipunan, isama mo na ang mga buwayang pulitiko.

Ayokong maging katulad nila Batman at Superman na naka leggings at bakat ang mga utong sa sobrang fit ng costume at isa pa na nakalabas ang brip ng dalawa. Baduy sila para sa akin. Ang gusto ko ay maging isa sa mga metal heroes ng Japan. Robot ang tema at yung tipong tutulpit lang ang mga bala ng baril ng mga villains kapag binabaril na sa katawan at ulo. Hanggang ngayon ay hinihintay ko pa rin na i-recruit ako unexpectedly ng Galactic Union Patrol at gawing isa sa mga pulis pangkalawakan o "space sheriffs."

Una kong napanood si Shaider sa IBC13 sa taong 1985. Sobrang namangha ako nung una ko siyang nakita dahil ang astig niya talaga pare kulay asul at silver na metal casings ang bumabalot sa buong katawan niya, meron siyang headgear na parang helmet ng nagmomotorsiklo pero mas astig at di pangkaraniwan. Ok pa mga palabas nun sa Channel 13 unlike ngayon na 24/7 na yung Home TV Shopping ewan ko nga kung may nanonood pa dun. Nalipat si Shaider sa tahanan ng Kapamilya sa dos noong early 90's at tuwing Sabado naman ito ng hapon pinapalabas kasabay ng pagbili ng tigpipisong chichiria diretso sa bahay bubuksan ang TV mga bandang alas kwatro o alas singko at ayun rekta na sa sopa hanggang sa di na kumurap at ngumangata na ng junk foods habang nanonood.

Crush na crush ko rin nun yung leading lady niya si Annie, isa pang puntos kung bakit nahiligan ko manood ng Shaider. Napakagandang babae, Haponesa, ang sexy ng outfit niya. Naka chaleko siya na brown pero madalas kulay yellow, puting long sleeves sa loob at naka skirt na maikli na brown kadalasan yellow at nakilala din siya sa "yellow na panty" dahil habang nakikipag action scenes sa mga pag sipa sipa niya sa mga alagad ng dilim na dilat ang mata, talaga nga naman dumudungaw ang panty ni Annie, kaya din siguro dilat na dilat yung mga kalaban niya. Kapag Annie scene na sisigaw ako noon ng "Lights! camera! panty! Ang tunay na pangalan niya ay si Naomi Morinaga, sige search mo lang sa Google baka may makita kita pero for sure hindi siya kabilang sa mga Japanese Idols mo.

Balik tayo kay idol, meron silang headquarters sa labas ng Earth at ang tawag dito ay Babilos. Sa loob ng Babilos maraming sandata andiyan ang Babilos beams na handang dumipensa kahit outside ng Earth. Meron din siyang Babilos lasers na nanggagaling naman sa kamay niya bilang panira. Sinisigaw niya ang katagang Babilos para lumabas ang pinaka final weapon niya na Big Magnum para totally todasin na ang kalaban kumabaga finishing move ang tawag sa Wrestling sa WWE. At doon yari na ang kalaban na halimaw. Sabay susundan ng magiting na sound effects na signal na nanalo na naman ang kabutihan sa kasamaan.

Ang plot ng palabas na ito ay tumatakbo sa pagtatanggol ni Shaider sa ating daigdig laban sa puwersa ng kasamaan ni Fuuma Ley-Ar. Sino nga ba si Fuuma Ley-Ar?

Kung talagang kinaadikan mo ang programa malalaman mong si Fuuma ay may kakaibang istilo ng paghahasik ng lagim, hindi siya yung tipong terrorista ala Bin Laden na magpapasabog ng gusali, magpapaulan ng missiles, hindi siya tipong yung umaatake at naninira ng establishments. Wala siyang destructive moves. Cool lang siya! Dahil ang pinakamadalas na ginagawa niya ay inuuna niya kontrolin ang mga tao, ang lagi niyang ginagawa ay ang mag hipnotyze sa mga kawawang nilalang para angkinin ang mga ito. Merong isang episode na hinihikayat ng pangkat ni Fuuma ang mga bata na maging isang hayop para hindi na sila mag-aral o gumawa ng mga gawaing-bahay. Meron ding episode na kalaban niya ay isang nakakatakot na kupido at nanghihipnotyze at kumakanta ng Fushigi song habang nagmamartsa. At meron ding tema na yung mga nahypnotize kain lang kain 24/7 hanggang sa sila ay maging cocoon. Hanep ang strategem, diba? 

Pero siyempre hindi lang si Fuuma itself ang naghahasik ng lagim, meron siyang mga kanang kamay. Isa isahin natin ang iba pang kontrabida.

Naaalala mo pa ba si IDA? Tangina! hanggang ngayon hindi ko pa rin mapagwari kung ano ang kasarian nya? Hindi ko alam kung nao siya dahil lalaki ang boses pero pang-bebot ang kanyang fashion. Gumagamit ata ito ng gluta dahil sobrang puti-puti ng muka niya. Pero huwag ka tsong kahit backlash ang itsura niya mataas ang katungkulan niya sa grupo. Siya lang naman ang apo ni Fuuma Ley-Ar. Siya ang nangunguna sa ritwal kapag nangingitlog na si Fuuma ng bagong halimaw (take note ah lalaki si Fuuma pero nakakagawa ng egg) at ang bagong halimaw na yun ang sasagupa kay Shaider kung baga monsters factory ang matres ni Fuuma. Kay Ida rin galing ang magic words na "Time Space Warp......ngayon din!" Ang taray lang di ba?

Si DRIGO, siya naman ay iba kay Ida. Apo rin siya ni Fuuma pero hindi katulad ni Ida na katabi lagi ang lolo. SIya yung tipong field worker ng grupo, siya yung laging nasa site at nagmamanman kay Shaider. Nakakatakot ang itsura niya at bruskong brusko kung kumilos. Wagi!

AMAZONAS. Para silang bioman, girl group ang mga hitad, Powerpuff girls ang tema pero mga bitchy girls. Sila yung may style na isa isa muna makikipagkilala bago makipagrambol.

At ang pina walang silbing FUUMA ARMY ang mga alagad ni Ley-Ar na kahit isa sa dami ng episode hindi man lang nakurot si Shaider. Kay Annie nga lang sila eh, isang sipa lang ni Annie dedo na itong mga ito hindi pa kasi nuon uso ang Multivitamins kaya weak ang bataan ni Fuuma Ley-Ar.

Balik uli tayo sa mga bida. Hinding hindi ko rin makakalimutan ang sasakyan motorsiklo ni Shaider na ang tawag ay BLUE HAWK ito ang madalas niyang gamitin kapag may mga rush hour. Wag nga lang siyang mapapadpad sa Edsa dahil paniguradong mapipilitan siyang gamitin yung SKY STRIKER yan naman ang pang himpapawid kung kalaban naman niya ay mga space ships ng kalaban. At BLUE PLASMA ENERGY naman ang tawag sa pag tatransform ni Alexis bilang si Shaider.

Bukod sa mga arsenal ay may mga sariling kagamitan ang ating bida. May malufet na espada si Shaider, ang LASER BLADE habang si Annie naman ay baril ang LASER BLASTER.

Hindi corny yung naging tag-team ni Annie at Shaider dahil walang namagitan na love story sa dalawa. Walang mga lecheserye stories ang naisingit para maging baduy ang adventure. Talagang pure protection lay Mother Earth laban sa masasama, trabaho lang walang pag-ibig.

Yun lang natapos ang Shaider ng walang ending sa Pilipinas. Hindi ko na alam kung anong pinakahuling istorya ng idol ko sa kamusmusan. Wala na kong balita. Wala na. Tapos na ang maliligayang araw ng kabataan. Hanggang sa nalaman ko na lang........

Sa totoong buhay, ang ending ni Shaider ay naganap nang sumakabilang-buhay na si Hiroshi noong July 24,2001.  Trentay sais palang si idol namatay dahil sa liver cancer na nakuha niya sa pagiging alcoholic. Ayun ang tumalo na halimaw sa kanya ang tunay na halimaw na nasa loob ng isang bote ng alak. But wait, there's more. Ang idol naman natin na si Annie or si Naomi Morinaga ay ipinagpatuloy ang karera sa showbiz sa pamamagitan ng pagganap sa mga soft porn movies. Sabi ko na nga ba, may senyales ang mga boso moves niya noon. Sabi sayo eh I-SEARCH mo! (:

Pero gayunpaman, si Shaider ay patuloy na nakabalabal sa aking isipan. Kahit bumigay ang iyong tali sa pag-iinom ng alak, idol pa rin kita habang-buhay. Salamat Alexis. Salamat Pulis Pangkalawakan.Salamat Shaider.

Paalam!






Huwebes, Setyembre 11, 2014

Baryacology 101




Isang magandang gabing tahimik para sa lahat!

Ayoko mag-isip kung anong isusulat ko sabi ng guru ko magsulat ka lang ng magsulat wag mong planuhin, kung anong iniinterpret ng mensahe sa utak mo isulat mo. Ngayong gabi di ako nag-isip hinayaan ko lang gumalaw ang mga bagay sa paligid, hinayaan kong kalmado ang membranes, kung anong unang pumukaw sa isip at magpapansin sa mga bagay sa loob ng apat na kwadradong kwartong ito iyon ang bibigyang kong pansin.

Hanggang sa........

May umalingawngaw sa sahig isang bagay na nagbigay panaghoy sa tahimik na gabi. Kagulat-gulat, kapansin-pansin. Mula sa ibabaw ng aking computer table nahulog, gmulong at lumagapak sa sahig ang tatlong bilog na bagay. Hindi isa, hindi dalawa kung di tatlong bente singkong barya ang nagbigay ning-ning sa aking mata. Gumana ang natutulog na balbula ng isipan, nagalawan ang mga spaghetti-like nerve cell sa utak, ngayon puno na ng kuryente ang diwa powered by three 25 centavos that kiss the floor.

Hindi kaya dahil nagparamdam ang mga bente singko sentabos sa sahig dahil hindi ako nagbabayad ng tamang pamasahe sa jeepney? Mula otso pesos, ngayon otso-singkwenta na ang pamasahe. Sinasabi kaya ng tatlong bentsingkong iyon na wag ka madugas at magbayad ka ng tama. Ngayon ko lang napansin na marami pala akong barya sa ibabaw ng kompyuter table. Pero minsan kung magbayad ka naman ng nueve pesos eh ang siste hindi ka rin naman susuklian kaya quits lang tayo Manong driver.

Nagparamdam kaya ang tatlong bente singko dahil ba narinig ko ang kanta ni Dingdong Avanzado kaninang tanghali sa isang OPM radio station? Naaalala ko pa ang lyrics "Tatlong bente singko lang ang aking kailangan. Upang makausap ka kahit sandali lang." Isang kantang pang romantiko, na ginamit ang tatlong bente singko bilang bridge para makausap ang sinisinta sa isang phone booth. Walastik mahalaga pala talaga ang mga barya, pwedeng gamiting medium panglandi sa nakukursunadahang ligawan. 

Marami naman talagang advantage ang barya, hindi ka naman siguro makakakita ng sticker sa jeep na "BARYA LANG SA UMAGA" kung hindi talaga mahalaga ito. Paano kung wala kang barya? Paano kung walang panukli si Manong ng ganun kaaga? Puwedeng hindi ka na niya pagbayarin dahil malapit ka ng bumaba. Oo advantage sayo kasi nakalibre ka, pero naman tsong hindi mo naman kasalanan yun. At wag naman sana ko sisihin ng isang pang sticker na "HUDAS NOT PAY" dahil may pambayad naman ako wala lang talaga silang panukli.

No doubt maraming silbi ang barya, lalo na noong dekada nobenta. Sa pamamaraan ng transportasyon kung ikaw ay galing Vito Cruz station at gusto mo mapadali ang byahe pwede ka mag tren o LRT hanggang Baclaran sa halagang piso. Yun ang token mo yung piso mo at hindi pa uso noon yang mga swiper no swiping ngayon sa LRT at MRT. Dati hinuhulog lang ang token, sais pesos lang noon makakabiyahe ka na ng hanggang apat o limang destinasyon. Ngayon ang mahal na ng presyo para ka pang nasa loob ng lata ng sardinas sa sikip at hindi na safe ngayon magbiyahe sa mga tren. Kamakailan lang sunod-sunod ang disgrasiya. Iba na nga ang akronim para sa akin ng MRT sa ngayon dahil sa mga naghihiwa hiwalay na bagon habang bumibiyahe, bigyan natin ng bagong akronim ang MRT "Mamamatay Rin Tayo." Sa kasalukuyan ang halaga ng piso mo mauuwi na lang sa mga Piso Net.

Gayunpaman, mahalaga pa rin naman sa akin ang barya kahit pa yang mga sinusukli sa SM na diyes sentimo na may butas ang gitna itago mo pa rin yan dahil hindi mabubuo ang piso mo kung wala ang maliliit na value. Tsaka baka magalit si Dingdong Avanzado, sa barya ata siya namuhunan ng pag-ibig kay Jessa Zaragosa kaya naman napasambit ito pabalik ng "Parang di ko yata kaya kung ikaw ay mawawala pa." 

Paalam! yun lang at sanay may nakapulutan kang kalokohan sa gabing ito. :p 

[Gettysburg]




"Three hundred thirty three long years from Spain, Forty years with the Americans and three to fours years enslaved by the Japanese soldiers and yet our fore fathers brought us today peace and freedom, a new nation, a new hope, just like a new Earth with a perfect blue sky and  lushes of green grass enveloping the whole peaceful island of the archipelago. This is the day we stand on our own, we lived by ourselves. The greatest gift. The Independence! Given us by our heroes withstanding all the conqueror's mighty force to bring his people flee from the dark colonizations from the past."

"For all the rich history written in the books I can only imagine how this heroes fought for our future, the agony of war, the pain and sacrifices. I stand straight and salute my grand fathers and give them all my respect for the bravery they have shown to fight for their countrymen. From Jose Rizal's silent but powerful pen of war that brings sovereignty, from Andres Bonifacio's gulok and The Katipunan's itak that paints the history bloody red, for the ladies of war Gregoria de Jesus and Melchora Aquino, and for the leader of Independence General Emilio Aguinaldo who raised the flagship of the Philippines in Kawit, Cavite signifying on that day we all achieved freedom."

"Now it is down to us, the future compatriots, the people of the nation rather if we can sustain that Great Independence leave us by our heroes. We honor the dead from their graves, now you may rest in the battlefield and the memories of war, and sleep now in the fields of Heavens. The future now has a great task to keep the oneness of the people, under one God, and that Government of the people by the people, for the people shall not vanish from the Earth."

Martes, Setyembre 9, 2014

A Blog's Life




Dear blog/web surfer/stranger,


"Nand'yan ka na naman

Tinutukso-tukso ang aking puso
Ilang ulit na bang
Iniiwasan ka di na natuto."


Well today is just a regular day in my life. I wake up at 3 p.m. in the afternoon after I spend my graveyard shift at work. After 9 grinding working hours I went home. I ate my daily meal a hot pandesal, a pancit canton usually it's "Lucky Me", a brand of instant noodles, can be cooked for 5 minutes in a hot boiling water, rinse the noodles and finally put the special sauces on top of it then...... Tadaaaaaa!!! in just a few minutes you have a very tasty preservative breakfast. Ohh I forgot to mention eggs! Yes eggs! Fried egg in the morning you choose either a "sunny side up" or "scrambled eggs" but because it's not sunny today I decide to cook it scrambled, just like my life five weeks or four from now my life is like an egg waiting to be a mix-up, jumbled! Ask why? Our campaign is pulling out and many of us will be in a limbo, a soul floating freely in thin air waiting for a  bright light that can save us all. Well, I don't like dramas though. I am not panicking and I'm not ready yet to push the panic button. I hope, I could be my brand of noodle "Lucky Me" not only me, not you, but we, "Lucky You", "Lucky Us". 
If I could have a crystal ball like "Manang Bola" in Batibot,I can predict my own future, your future but we are here in reality where "surprises" rules the game. It can be either we go up, we go down, whose gonna struggle and whose souls take a leap of success it's all just breaks of the game. Ok! moving on, so much for the emotions! 

After this, I am gonna take a nap, gonna wake up take a very quick merienda "Skyflakes" or "Marie Biscuits" for particular and drink a cup of coffee while watching some crap-tv for a couple of minutes. After a flashy thin-bite siesta, yours truly gonna prepare a "bugong" or baon a rice packed lunch for the shift. Taking a chill for an hour in front of my desktop computer saying hi's and hello's to my i-prends in Facebook or Twitter before ironing my clothes for the night. A sweet dinner with the family is the highlight for every night before going at work, and a warm tongue-lashes from "Garci" and "Coco" two guard dogs saying goodbye and there wagging tails telling you "see you in the morning" will top it all.

Tomorrow will be another exciting day! Yay!

Always,
Jack  (:

Linggo, Setyembre 7, 2014

Ang Pagbabalik ng Kuwago



Sa lahat ng tagahanga, umuunawa at patuloy na nagmamahal........"I love you all."

Sa lahat ng mga naaasiwa kahit hindi ko naman pinisil ang taba sa batok mo for 5 seconds, sa mga nag freaked out dahil mas adik sila sa'ken, at doon din sa continuous looping ang pagmumura...... "p%$*&^ mo ka rin." Sagad!

Sa lahat ng naaawa daw sa aking pagdadaldal sa blogosperyong ito......."i pity you too."

At sa lahat ng nagsasabing papansin lang ako....."salamat ng marami. nakita mo naman, nakuha ko ang atensiyon mo".

Pero siyempre ang lahat ng yan eh jokes lamang dahil hangin lang naman ang mga fans ko dito. Yung iba nandiyan lang titingin magscroll down hanggang dulo titignan ang mga larawan sabay ka-boom paalam sa mga nilalaman ng blog mo. Ang iba ang sabi walang kwenta, walang patutunguhan, kaya siguro itinigil ko na ang aking kalokohan. 

Pero kung meron mang kaluluwang ligaws na bumisita at nagbasa maraming salamat. Yamang nandito ka na rin lang, pwede mo naman basahin lahat ng post ko wala namang bayad at hindi naman ako nanghihingi ng credit cards at ng sign up para basahin lahat ito sa porno sites lang ata yun. Libre at dagdag kapilosopohan ang naidudulot ng blogosperyong ito. Matuto ka ng karate, jujitsu, krav maga, taekwondo at kung ano-ano pang martial arts sa pamamagitan ng salita para maipagtanggol mo sarili mo kapag binubully ka. Katulad ng kapag binully ka ng isang matabang tao, sabihan mo siya H.I. ka oyyy!!! Ngayon siguradong magtatanong yun kung ano ang H.I. siyempre bilang ganti hindi mo sasabihin ang meaning nun, hahayaan mo ngayon siyang mag-isip at di makatulog ng ilang araw hanggang sa magtanong yan sa mga magulang nya. As if naman masasagot yan ng mga mga magulang niya sa dinami daming pwedeng maging meaning ng H.I. na yan!!!

Ngayon kapag nagkita kayo dikdikin mo siya ng H.I. ka! H.I. ka! Putaenamo ka H.I ka sabay hagalpakan mo ng tawa! BWAHAHAHAHHA!!! Malakas BWAHAHAHAHA!!! Kung gusto mong mas gumulo pa ang mundo niya at magpapilipit pilipit ang wirings ng nerves sa utak niya kumuha ka pa ng mga back-up crew mga kakilala mo rin kuntsabahin mo na lang bigyan mo ng kendi at yosi pwede na yan. Mga tatlo o apat pa tapos pang-lima ka. At doon sabay-sabay ituro ang taba niya at parang choir H.I kaaa!!!!! Sabay sabay kayong lima H.I. kaaaaahhhhh! Yanigin nyo ang mundo niya H.I. kaaaaaaahhhhhhhh!!!! Dalawa para sa pag H.I. at tatlo para sa nakakapraning na halakhak BWAHAHAHAH!!! BWAHAHAHA! MWAHAHAHAH!!! At duon natatapos ang maliligayang araw niyan tatakbo na lang yan habang tumutulo tula ang luha sa lupa. Panalo ka! Paniguradong hindi ka na nyan bubulihin. Pero siyempre hindi diyan nagtatapos ang lahat alam mo naman kung bakit dahil mismong pati ikaw malamang hindi mo alam ang sinasabi kong H.I.

Now is the time to talk to your victim peacefully, if nakarecover na siya sa disasterpiece na ginawa mo kausapin mo na siya. Mag sorry ka wag kang ngingiti kahit gusto ng mga muscles sa labi mo. Sabihin mo na lang na "kasi ikaw ang nauna eh ayaw ko rin kasi na binubully ako" kapag nagsorry na rin siya tanggapin mo. Pero siyempre andiyan pa rin ang misteryosong akronim na H.I. na bumabalot sa isipan niya at sa isipan mo. Magtatanong yan, malumanay, may konting nginig sa boses sa pagtanong "eh....ano ba talaga yung H.I.?" 

Umpisahan mo ang pagsagot sa pagtawa ng one-fourth inch isang bugang halakhak within 0.2 ticks. Para mas maimpressed siya sayo sagutin mo sa Ingles........"This are the chemical messengers in the body that travel the bloodstream to the organs and tissues.They slowly work and affect many of the processes of the body overtime." Kung naka-nganga na lang siya sayo tagalugin mo na, "Kung ikaw ay halos wala nang balanse kapag nakatayo ka sa bigat ng iyong katawan ay maaaring H.I. ka na, kung nararamdaman mong kumakapal na ang batok mo at lumolobo at pwede ko nang paglaruan sa pamamagitan ng pagpipisil at parang gulaman sa taba kapag pinitik H.I ka na, at kung maka kumpleto ka ng layers ng cloud transformation sa tiyan mo H.I. ka na. Kung di na magkasya ang lonta mo at sobrang sikip na at hindi mag abot ang butones at di mo na maisara at maigalaw pataas ang zipper H.I ka na." Ngayon sabihin mo na sa kanya yung akronim ng H.I.............(drumrollsssss on your ears) Ang ibig sabihin ng H.I. ay.........HORMONAL IMBALANCE!!! ngayon kung wala siyang reaction huminga ka malalim, iready mo na paa mo sa pagtakbo sabay sambit ng BABOOOYYY kaaaahh! BABOYYYYY!!!  BWAHAHAHAHAHA! Sabay takboooo!

Teka ang pagbabalik ko ang nakasentro sa post na ito napakwento na ata ako ng todo. Sabihin na lang natin na pauna lang yan sa pagbabalik ng kuwago. Bakit nga ba kuwago? Hindi dahil malaki ang mata ko ha, maaaring gising lagi sa gabi. Oo isa ko sa mga nocturnal people na hindi natutulog sa gabi, isang bampirang wala pang nakakagat na leeg dahil toothless. Minarapat at pinili kong maging kwago dahil sa taglay nitong pagka misteryo, tahimik at magsasalita lamang kung may napapansing mga bagay-bagay. Isang obserberong kuwagong nag-aabang, tumitingin sa karamihan, umaanalisimo at maririnig mo lang ang huni kung kinakailangan. "It's better to be quiet than a shit for life." Ang motto ko, ang motto ng kuwago. Ang kuwago na kumokolekta ng ideya at tinitimbang bago humuni kesa sa huni ng huni na wala namang ritmo at tyempo ang hinuhuni.

Alam nating marami na sa mga paborito nating blogeristang Pinoy ang nagpaalam, umalis at ang ilan ay matagumpay nang nakapagdelete ng mga blogs. Yung iba naman ay nahimasmasan at sinapian muli ng kaadikan sa Ineternet kaya naman nagbalik at gumawa o nagpatuloy ng kanilang blog. Congrats at Condolence. Congrats sa mga magiging successful na magpatuloy at condolence na baka maulet ang pagrerehab sa sarili sa pagtigil ulet magblog. Ganyan lang naman dito parang palitaw ika nga "lulubog-lilitaw." Mga ideyang nawawala at bumabalik, mga pagiisip na nahuhugasan at nangangalawang.

At eto na nga nagbabalik ang inyong abang lingkod sa pagsusulat hindi ko lang alam kung hanggang saan, hindi ko lang alam hanggang kaylan. Pero isa lang ang gas na makakapagpatuloy sa akin sa araw-araw sa pagsusulat hindi Petron, di rin Shell, never na Caltex at hinding hindi yung mga tsipipay na gas stations. At hindi rin dahil wala na kong ink sa pagsusulat. Ang tanging kailangan ko sa kasalukuyan ay INSPIRASYON!

Sinsero,
Ubasero, Jack Maico