Linggo, Pebrero 22, 2015

Anong Klaseng Tao ka..... Pang-gabi o Pang-umaga? + Childhood Memories



'Hirap akong ngumit bago mag alas-diyes ng umaga. Kahit iharap mo pa sa akin si Jose Manalo o kaya si Empoy hindi mo ako mapapatawa.'

Taong gabi ka ba o taong umaga?

Kung ako ang inyong tatanungin. Walang duda - panggabi ako.

Wala kang maaasahan sakin before 10am.

Wala akong gana kumain kapag maaga pa (before 10 am). Kahit Century Tuna pa at pandesal ang almusal ko, o kanin (Hot and Spicy flavor), eh siguradong hindi ako aabot ng dalawang pinggan. After 10am, ayan, makaka-tatlong pinggan pa ako kahit kalahating lata na lang ng tuna ang natitira.

Hirap din ako ngumiti bago mag alas-diyes ng umaga. Kahit iharap mo pa sa akin si Jose Manalo o kaya si Empoy hindi mo ako mapapatawa. Kahit pa ipakita mo sakin yung eksenang may nakataling tinapa sa gitna ng lamesa nina Babalu at Panchito at inaamoy lang nila yung ulam sabay subo ng kanin eh, malamang sa lamang, hindi pa din ako tatawa. Hahayaan kong gusot ang mukha ko kahit habulin pa ako ng plantsa. Siguro, ngingisi nang konti pero hindi tatawa nang may tunog. Hindi!

Ipakita mo sakin ulit yung saktong eksenang yun sa tanghali o sa gabi at siguradong bubuhos ang uhog ko sa kakatawa. Kaya ang galing ng Sine Klasiks sa Channel 5 non kasi after lunch siya pinapalabas. Pagkatapos ng Eat Bulaga sa Siyete sa natural na pagpapatawa ni Jose Manalo at Wally Bayola samahan mo pa ng akting ng kabaklaan ni Paolo Ballesteros eh dun palang sasakit na tiyan mo sa kakatawa pero mas walang tatalo sa Klasiks eh. King of comedy yan eh. Dolphy. Lagi ako tawa nang tawa kina Dolphy, Babalu at Panchito. Pati sa pelikulang Robin Good (starring Jimmy Santos) eh tawang tawa ako.

May naaalala akong scene sa isang pelikula ni Jimmy Santos e, yung security guard siya sa isang village tapos isang araw antok na antok siya. Eh kelangan niyang magbantay sa guard house. Kaya ang ginawa niya eh, nilagyan niya ng pekeng dilat na mata yung eyelids niyang nakapikit para habang tulog siya eh mukha siyang nakadilat. Bwahahahaha! Klasik Jimmy mga brad!

Ayun nga panggabi ka ba o pang-umaga?  Sabi ko sayo hindi ako pang-umaga. For sure yan. Actually, never ata ako naging pang-umaga simula prep to grade 4. Kaya ok sa akin yun. Pero nung pagyapak ko ng grade 5 at simula rin na pantalon na ang suot ko, e puta lahat kelangan nang gumising ng maaga. Ayun. Bwiset. Sarap manapak ng lasing.

Pag gabi naman eh ok na ok talaga ang buhay ko. Anjan na ang kwentuhan sa tapat ng tindahan ni Aling Meding, kung saan may balkonahe na tindahan nandoon kameng magtotropa. Anjan din ang kulitan sa harap ng lamesa kapag kakain na, kasama ko pa mga pinsan noon sa iisang bahay. Pag-abang kay Manong Balot, harutan, kwentong takutan, hampasan, habulan, tadyakan at kung anu ano pang childhood afternoon-evening activities.

Maautusan pa akong bumlili ng yosi ni Lolo Jose tapos kung anong sukli eh pwede kong pambili ng Choc-nut or pop-rice. Naaalala niyo pa ba yung pop-rice? Yung parang kanin na kasing lutong ng kropek na nakabilog na kulay dilaw? Sarap nun. Pag maliit ang sukli, eh Choc-nut ang babanatan ko. Kasi noon bentsingko lang ang isang tsoknat eh puta ngayon piso na maliit pa tapos tinatapak-tapakan pa daw pala yun habang ginagawa (sabi yan ng balita ni Mike Enriquez sa Siyete). Pero kapag malaki, e pop-rice naman.Talong bilog sa isang plastik yun e. Mga P3.50 ata yun dati. Ganyan si Lolo eh galante sa sukli. Hahahaha! sa sukli e!

Minsan pa, makakasabay ko si Jograd sa tindahan kasi nautusan naman siya ng Tatay niyang bumili ng Gold Eagle Beer.

Ako: "Iinom nanaman mag-isa yung tatay mo noh?"

Jograd: "Oo, eh. FPJ sa GMA na e."

Ako: "Naaamoy mo ba yun?"

Jograd: (tingin agad sa ilalim ng tsinelas niya) "Ay puta..."

Simula noon parati na akong pang-umaga sa skul. Isang beses na lang uli naging pang-hapon noong 2nd year hayskul na. Habang nagsusuot na'ko ng sapatos bago pumasok sa skul e palabas na ang  Teysi ng Tahanan. Okay din' tong panoorin kasi sanay na sanay mag-host si Tessie Tomas e. Swabeng-swabe 'to sa panlasa ng sambahayang Pilipino. 'Di ko na masyadong naaabutan ang Eagle's Nest segment dahil baka ma-late pa ko sa skul.

Siyempre kapag pang-umaga ka e alas 12 lang ang uwian mo. Pagkatapos mong kumain ng tanghalian e magpapahinga ka ng konte bago matulog habang patapos na ang Bulagaan portion. Kapag Valiente na, kelangan e nakapikit na ang mga mata mo. 'Di mo na masusubaybayan masyado ang magaling na aktres na si Odette Khan na gumanap bilang nanay ni Teo Braganza, ang mapusok na kontrabida pposite Gardo, hindi Gardo Versoza ha, Gardo Valiente na ginampanan ni Michael de Mesa (sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa) "Valiente....Valiente....Hinubog ka ng panahon. Valiente, Valiente...." Umabot pa yan ng ikalawang aklat. Klasik ka talaga, Gardo Valiente. Panis!

Kapag alas-4 na e pwede nang maglaro sa labas. Naka-school uniform pa ko pwera ang polo, nalabas na ko kasi "Jolen Tournament" na ng mga 4:00 - 4:45 pm. Meron akong kalarong nakakainis kasi sobrang asintado sa jolen e. Si Ramboyong. Simpleng payabang kapag nakakasapul e. Parati niya pang hawak yung sando niyang may lamang mga napanalunang jolen. Bihira lang sigurong matalo 'yun. Anyway, pagkatapos e basketball na ng mga alas-5 pm up to sawa na yun. Halfcourt lang 3 on 3 pero masaya. Kung anong ikinagaling ni Ramboyong sa jolen e siya namang ikinasugapa niya sa basketball.

"Hoy mamasa ka naman!"

"Tira ng tira e!"

"Tangina mo nakawin ko jolen mo diyan e! Sumbong ka pa sa nanay mo!"

Sinipa 'yung garapon niya ng mga jolen. Iyak si Ramboyong. Technical foul. Out of the playing court. Ejected. 

So ikaw sagutin mo naman ako...... Ano ka taong pang-umaga o pang-gabi?


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento