Miyerkules, Abril 1, 2015

Makatang Umagang Kaytamis



'Ako'y tutula pero hindi mahaba'

Umaga na Sinta <3

ang hirap bumangon sa umaga kung puyat,
pero kelangan gawin ang hilig para pumayat,
pero sidetrip lang naman talaga ang pagpapayat,
at nais ko'y ilagay sa aking kamay ang ulap.


tatakbo ako kung saan hinahabol ko ang pagsikat ng araw,
kung saan ang pagdapo ng mga ibon ay aking natatanaw,
ang pag-ihip ng hangin, at pagpatak ng hamog sa lupang uhaw,
at ang luntiang damo na animo'y sumasayaw.


sa umaga gusto ko ikaw ang kaulayaw,
at sundin ang pusong naguumapaw sa galak na parang sabaw,
damhin ang piling sa umagang sabik sa halik,
wag ka lamang pipikit sa aking halik binibini kong marikit.


gusto kong tumakbo at lumipad patungo sayo,
hawakan ang ulap at ibigay ito,
gusto kong tumakbo at sumigaw ng todo,
ako'y tatakbo sa piling mo,


masarap masdan ang iyong mga matang namumungay
wag mo lang ako sabihan sinta na ako'y mahalay
dahil sadyang ako'y nahuhumaling
sa mga mata mong kinaiingitan ng duling.


wala na akong hahanapin pa sa umagang kasama ka,
kahit pa maglako man si manong ng kanyang namumutiktik na arnibal sa kanyang taho,
di ako lalapit sa kanya, sapagkat kuntento na ako sa pagmamahal at tamis
na kapag ako'y iyong nilisan ay aking mamimis.


sigurado ako sa aking nararamdaman,
umulan o umaraw man,
ikaw lang ang nais sa buhay na walang hanggan,
kahit na itanong mo pa kahit sa kaninuman.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento