'Goodbye Summer of 2015. Thank you for the memories in the bath-tub.' |
Mayo 29, 2015, dalawang araw na lamang bago mag Hunyo, lumulungkot na sila, unti-unti nang na tatapyas ang mga araw ng mga huling sandali, tila babalik na ang pinakaaayawan nilang mga araw pero kinakailangan. Ganun talaga mga bata maski ang summer o araw ng tag-init at bakasyon engrande ninyo ay walang nakasulat na may poreber. Balik-eskuwela, pagwawakas ng vacation leaves at pagtatapos ng bakasyon summer. Pero ang gusto kong tukuyin ngayon ay kamusta ba ang naging bakasyon niyo? Kamusta ang araw ng tag-init?
Pero kung ako muna ang inyong tatanungin, paano ko ba sinabayan ang init ng araw? Sabihin na natin na isa ako sa may mga barkada na nag-aya sa tabing-dagat bago pa lang mag-umpisa ang Marso, isa ako sa kanila na naging excited dahil sa kanilang paanyaya, pero alam mo Mayo na mga kaibigan , anyare na usapan na magpupunta tayo sa dagat at magtatampisaw sa tubig-alat sa ilalim ng tindi ng sikat ng araw? Maaga pa lamang eh bumili na ako ng aking mga summer stuffs, kagaya ng hapit na boxer shorts, sunglasses, off lotion (mali ang bili ko, hindi pala malamok sa beach), salbabida, hiram na kamera, beachwalk sandals, extrang abs (san nakakabili?) sando sa Baclaran na may disenyong plorera at kung anu-ano pa na may kinalaman sa Summer. Pero mukhang ang lahat ng ito ay nalusaw ng dahil sa mga paanyayang drawing nila. Ayos lang kaya ko pa rin i-ispend ang tag-init kahit hindi sa beach. Dito na lang ako sa bahay, kung tatalunin lang naman ang init ay maraming paraan.
Ngunit kapag titingin ako sa mga telebisyon, commercial ads, internet pop-up ads at sa pagtulog ay hinahunting ako ng mga kasiyahang puwedeng idulot ng summer. Shet, tangna nakakaiingit at sabi ko sa sarili ko, "mapalad ang mga taong kapiling ang dagat sa mga araw na ito." Yung mga ads sa TV ng ABS CBN na campaign ads nila tungkol sa Summer, yung makikita mo yung mga nakabikini na katulad nila Anne Curtis at Coleen Garcia, napakaswabe. Yung mga pormahan ng mga kalalakihan na nakasandals, shorts, polka dots na manipis na polo shirts at naglalakihang abs eh hahanga ka sa kanilang OOTD. Ganun ang pakiramdam sabay sasabayan pa ng mga kantahang reggae na nagaayang magbabad sa tubig kagaya nito:
Reggae + Summer = Relaxation (performing artist, Engkanto - Tubig-Alat)
Nakita ko rin sa mga commercials yung mga pampalamig na makakaen at maiinom, kaya ko rin naman bumili ng mga yun kaso siyempre iba kapag nasa tabing-dagat ka at white sands. Okay na sana kahit dito na lang ako pumuwesto sa tapat ng ilog ng Tanzang Luma e, ang kaso puta bawat higop mo ng malamig na pampalamig gaya ng Slurpee o Chillz siya ring langhap mo ng sari-saring amoy ng tae na sumasama sa hangin, oo may mga scenery din dito, yung mga nakapanty lang na tumatambay sa tabing ilog, mga nakapanty na mga batang-uhugin sa tabing ilog. May mga kalalakihan din naman na may abs ang kaso lang kulay charcoal na yung abs nila at ang sarap nila hiluran ng liha. Naging ganito sila dahil lagi sila nakabilad dun sa ilog at nangunguryente ng makakaing janitor fish na malnourished.
Hah! (gigil) nakakainis din itong mga ads na nagpo-pop up sa Internet, kaya gumamit muna ko software na ad-blocker hanggang sa mag tag-ulan. Nakakaasar yung mga paanyaya sa mga free package trip sa Boracay, Dakak, Aman Pulo, Ilocos beaches at kung anu-ano pa. Sunod-sunod ang pag-bulaga sa akin ng mga ads na yan at malapit na akong mabaliw noon at pasalamat na lang ako na gumana pa yung software. (Bitter amputa) Hindi, hindi ako ampalaya ayoko lang muna talaga siguro ngayon ng summer fun. Kung katapusan pa lamang ng Abril ay puwede ko pa maremedyuhan kahit siguro wala akong makasama, o kaya kahit mag-imbita na lang ako ng mga taong-grasa sa kalye para may makasama okay lang at nakatulong pa ako sa social life nila kahit panandalian lang. At least puwede na ulet silang hindi maligo pagdating ng tag-ulan.
'sun-kissed' |
Ang tagal ko na rin kasing hindi nakakatapak sa mainit na puting buhangin at magvolleyball habang nakayapak. Na-miss ko na rin na iligtas ako ng isang katulad ni David Haselhoff na kilalang aktor sa Baywatch sa tuwing aakting ako na nalulunod, kahit tuhod lang ang nalulunod sa akin. Nakakamiss ang nagagandahang katawan sa beach, alam mo ba kung bakit ako laging may dalang sun block lotion? Hindi ko ito ginagamit sa akin, likas na akong negro at wala na akong pake kung mangitim pa ko sa ilalim ng matinding sikat ng sun. Ang mahalaga hawak ko ang lotion na ito at kapag may nakita akong sexy chiq na nakadapa sa buhangin na mala Erika Eleniak at Pamela Anderson ang wangkata, eh magooffer ako na pahiran ng lotion ang kanilang mga likuran. Minsan lang eh, napeke ako, maganda ang katawan, maputi at tisay, blonde ang buhok kaso nung tapos ko na pahiran ang kanyang likod sabay harap niya at sabay sambit na tinig ni Inday Badiday, "Salamat koya , sa uulitin" putang'na bakla pala!! Gusto ko na lang talaga magpakalunod nun at magpasagip ulet kay David Haselhoff na mala-slow motion ang takbo sabay babanat ng themesong ng Baywatch: "Some people stand in the darkness afraid to step into the light...."
Baywatch - sikat na palabas noong 90's sa TV primetime every Summer, Friday evening.
Iba rin kasi ang tsibugan kapag summer, yung simpleng hotdog on stick na karaniwang mong niluluto sa bahay eh mas lalong sumasarap habang kinakain mo sa tabing beach. Ba't nga ba ganun? Nadadala siguro tayo ng paligid at mga tanawin. Yung saya ng damdamin isa rin sa mga factor yan. Siguro kahit ampalaya on stick makakaen ko basta kapiling ko ang kagandahan ng environment.
Paano mo nga ba mabebeat ang heat kapag nasa bahay ka lang? Sabi ko nga kanina maraming paraan basta kapiling ko ang rubber ducky ko sa aming bath tub okay na ako. O di kaya ay gawing beach ang bakuran, maglatag ng mini pool na puwedeng magkasya ang tatlo o apat puwede ka na magtampisaw, magpagawa at magpa print ng tarpaulin na ang design ay pang beach. Puwede mo rin isara ang kalye niyo at duon maglatag ng pool kung gusto mo talagang maramdaman ang rays ng sun.
Mag sunglass at buksan ng malakas ang DVD at patugtugin muli ang themesong ng Baywatch. Puwede ka ring manood ng mga pelikulang may kaugnayan sa beach stories ka tulad ng Jaws o kaya Piranha, budburan ng piranha ang pool para mas true to life ang panonood. Huwag kalimutang ipaskil ang life size poster ni David Haselhoff para sa inspirasyon ng summer. Kapag dadaan na ang trak ng basura sabihin na lang na sa kabilang kalye na lamang dumaan.
Nagtanong ako sa ilang mga kabataan dito sa aming lugar na naglalaro ng DOTA at COC kung ano pa nga ba ang ibang dapat gawin para mapawi ang init ng tag-init. At ito ang kanilang mga tugon na isinalin din natin sa Ingles para naman sa mambabasa natin sa ibang sulok ng mundo.
Question: Ano'ng ginagawa mo kapag mainit ang araw o panahon?
What do you do when the weather is hot?
Ano'ng puwedeng gawin kapag matindi ang sikat ng araw?
What can one do when the sun is shining intensely?
Answers ng mga DOTA, COC, TETRIS and former FARMVILLE players
Umakyat ng puno
climb a tree
Lumangoy sa dagat
swim in the ocean
Kumain ng sorbetes
eat ice cream
Uminom ng malamig na tubig
drink cold water (just be careful of tonsilitis)
Umakyat ng bundok
hike up a mountain
Maghanda ng inihaw
prepare a barbecue
Magtampisaw sa tubig
play in the water but not in the drainage or canal
Buksan ang bintana
open the window and the Windows 7
Mangisda (isa sa kuryente boys)
fishing
Mamangka sa dalawang ilog
betray your girlfriend
Gumamit ng pamaypay
use a handheld fan
Buksan ang bentilador
turn on the electric fan
Magdilig ng halaman
water the plants
Mag pik-nik
have a picnic
Tunay nga naman na naguumapaw ang saya kapag tag-init at bumabiyahe ng malayo para magbakasyon at magbabad tayong lahat sa lamig ng tubig, maraming paraan para mapawi ang taglay na init ng panahon pero ang pinaka perpektong paraan na alam ng nakakararami ay makapiling ang dagat at ang kaligayan na dulot nito. Tayong lahat ay may mga memorya sa nagdaang summer at ito'y magiging alaala na naman sa mga susunod pang taon. Mayroon tayong kanya -kanyang aksiyon para labanan ang init ng araw mula sa simple hanggang sa pinaka engrande. Plain man o espesyal na pamamaraan ang mahalaga ay nakakapagdulot ng masasayang alaala at damdamin sa mga kapamilya man, mga kaibigan, at mga espesyal na minamahal. Kaya sa mga susunod na araw, kung may plano pa ang barkada gawin na yan. Huwag nang antayin ang tag-ulan at baka sa tubig-baha na lang tayo magtampisaw sa mga susunod na araw.
Maligayang araw sa inyong lahat at nawa'y lagi ka sanang naliligo maski hindi man sa dagat. Kolektahin ang mga memorya ng nagdaang tag-araw at huwag kalimutang i-post sa Facebook sabay damihan ng hashtags #sunkissed #boracaybabe #beachselfie #sandalbida #instasummermoments #summerlovin
Goodbye Summer! sealed with a kiss! :*