Linggo, Mayo 10, 2015

Love your Super Nanay A.K.A (Malambingus Maalagasis)



'Isang uri ng  species ang mga Nanay, hindi alien ngunit isang tunay na regalo mula sa langit.'
        Maraming uri ng Nanay sa buong mundo, merong nanay na sobrang kabaitan, merong
sobrang lambing, merong  istrikto, merong seryoso at business minded, merong  mga nanay na nabubuhay sa kalungkutan sa kasalukuyan, may mga nanay na mataba, payat, katamtaman, meron din namang nanay na sexy at karaniwan ay tawag ay hot moms, merong mga nanay na simple lamang. meron tayong mga nanay na emosyonal at meron din namang masayahin, merong mahilig manood ng telenobela, at meron din namang mga cyber nanay, merong mga nanay na  mahilig sa social media, merong mga nanay na dakila na nantatrabaho abroad habang ang mga anak ay petiks lang sa buhay, may mga nanay na pilit pinalaki ang mga anak dahil sa sikap nitong magtrabaho mula sa pagtitinda sa palengke, pagkakatulong, paglalabada, pag lalady guard sa gabi, pagtatrabaho sa isang pabrika, call center, malls bilang sales ladies, bangko, teacher, trabaho sa gobyerno at marami pang iba, may mga nanay din naman na masarap magluto, maalagain  kapag maysakit ang mga anak,may mga nanay na pinaiiyak ng mga anak dahil sa konsumisyon, may mga nanay na lumalaban sa malalang sakit, may mga nanay na madasalin, may mga nanay na tatay, merong mga nanay na nakakulong sa rehas at me ron din naman tayong mga nanay na pumanaw na...

Hep! Pause muna. Narito ang isang kanta na nagbibigay impresyon kung paano tayo inalagaan ni Nanay habang tayo ay nasa loob ng kanyang sinapupunan.

Massive Attack - "Teardrop"


Love, love is a verb
Love is a doing word
Fearless on my breath
Gentle impulsion
Shakes me, makes me lighter
Fearless on my breath

Teardrop on the fire
Fearless on my breath

Night, night after day
Black flowers blossom
Fearless on my breath
Black flowers blossom
Fearless on my breath

Teardrop on the fire
Fearless on my...

Water is my eye
Most faithful mirror
Fearless on my breath
Teardrop on the fire
Of a confession
Fearless on my breath
Most faithful mirror
Fearless on my breath

Teardrop on the fire
Fearless on my breath

You stumble in the dark
You stumble in the dark

    Pero kahit ano pa man ang kaugalian at karakter ng iyong Nanay paniguradong ang tanging hangad lamang ay magtagumpay ang mga anak sa buhay. Para sa akin isang uri ng species ang mga Nanay hindi alien ngunit isang regalo na galing sa langit. Napakasarap mag-alaga ng isang ina, uhugin ka pa lang sa kindergarten ay inalagaan niya na ang ilong mo sa pagtulo ng iyong sipon para maging presentable sa klase, pinunasan niya ang   iyong mga laway habang ikaw ay mahimbing na  natutulog, hindi siya makatulog minsan kung ikaw ay maysakit, si nanay ang unang mong guro na nagturo sa iyo ng abakada, siya rin ang nagturo sa aking magsintas ng sapatos na halos isang buwan ko bago matutunan, pesteng anak ang dali malito sa mga pagtatali tali. Kay nanay ka rin unang nakarinig ng isang malamyos na tinig na pagkanta bago ka matulog, ito yung "Rock-a-bye-baby on the tree tops, when wind blows the cradle will rock". Kahit hindi mo alam pa ang ibig sabihin ng kanta ay makakatulog ka na lang o di kaya yung "Tulog na beybi ko  habang tinatapik-tapik niya pa ang iyng puwit habang pinapaypayan ka habang natutulog. Kausuhan kasi ng brownout nuon. Sa araw, sa duyan ka niya inihehele at binabantayan sa kagat ng mga lamok o kahit anong insekto sa gabi naman ay sa kulambo ang iyong hideout. Sa loob ng kulambo kung saan binabasahan ka niya ng mga bed time stories at duon ko unang nakilala sila Cinderella, Snow White at Rapunzel ang malalanding hitad na may magandang kuwentong pag-ibig, minsan naman eh  komiks ang binabasa sa akin ni Ina. Mayroong kababalaghan, katatakutan, at katutuwaan.
'Ang aking Supernanay'
      At sa komiks ko naman unang nakilala si NikNok ang batang ubod ng bibo. Hindi talaga matatawaran ang pag-aasikaso ng isang Ina, nariyan ang paghahanda niya ng almusal sa umaga, paggising ng mga anak ay meron nang nakahandang pagkain sa lamesa at bibig mo na lang ang ihahanda mo sa masarap na almusal. Ang sorpresa na  luto niya sa tanghalian kung saan galing ka sa eskuwela ay napaka espesyal. Masarap at malinamnam  na tanghalian at sa  gabi naman ay maghahain ng may sabaw na ulam. Masarap talaga sa piling ni Nanay ang sabi ko nga sa isang kanta ni Andrew E. "mawalay man ang tatay, hindi ka iiyak kaya maging loyal ka kay Nanay at ibigin mong tunay." Aba eh sino  ba ang unang kasama mo nang ikaw ay unang pagupitan ng buhok, siyempre si Nanay lang at kahit pa na-divirginize ang aking mga mata sa   mga hubad na kalendaryo ng aking barbero ay okay lang at pumikit na lamang ako. Malamang ang iba sa atin ay si Nanay din ang nakasama sa pagputol ng excess  na balat sa ating pututoy nung ikaw ay dinala sa  klinik para magpatuli. Hindi ka  takot sa gunting at karayom at sinulid, ang kinatatakutan mo ay yung bading na tutuli sayo. Walang palya si Nanay sa pagsundo't-hatid sa iyong eskuwelahan, si Nanay  din ang taga-gawa ng iyong baong sandwich na hotdog ang palaman at hinding hindi niya makakalimutan na samahan ng Magnolia Chocolait sa iyong lunchbox na baunan dahil alam  niyang sobrang paborito mo ito. Nagkakaron ka ng sigh of relief kapag nakita mo na ang Nanay mo sa gate na tuwang-tuwa habang pinagmamasdan ka niyang nakasuot ng uniporme ng eskuwelahan, natutuwa siya dahil unti-unti ka nang lumalaki at nadadagdagan ang mga natutunang mabubuting asal sa eskuwelahan. Tuwing Linggo at araw ng simba, pagkatapos manalangin sa isang misa, siyempre dadalhin kayo ni Nanay sa Jollibee ang tila  one stop kainan ng mga bata. oorder ka ng paborito mong Jolly  hotdog at french fries minsan kapag may promong laruan ay ibibili ka niya. Katulad na lamang ng Teenage Mutant Ninja Turtles na promo noon at iyon ay aking nakumpleto. Hindi ko na lang nga  alam ngayon kung saan na ito lahat napunta. Ang natira na lang sa akin ay si Dona, oo si  Donatello. Nagkandawalaan na rin ang aking mga laruan, pero most of all my toys are provided ni erpat. Naging masaya rin ako sa mga high-tech na laruan na yan kagaya na lang ng remote control na kotse, pero simula talaga bata hilig ko na ang komiks dahil   hilig ko talaga ang magbasa. Pasalamat na rin sa aking yumaong tatay na ipinakilala sa akin ang mga gadget at computer habang si Nanay naman ay mga simpleng bagay pero mas enjoyable. 


Pero habang lumalaki tayo, aminin mo man o hindi minsan hindi na natin nabibigyang pansin ang ating mga Nanay. Habang lumalaki ka minsan ay hindi ka na nagiging malambing at matulungin sa kanya, maaaring lumuluwang na ang bigkis ng pagmamahal sa Ina dahil nakokornihan ka na minsan sa pagsasabi ng "I love you" sa kanya. Ba't nga ba minsan habang lumalaki ang tao mas nagiging siraulo ang ilan? Bakit kung kelan nadedevelop na ang mga buto,balat, laman at mga ugat sa ating utak ay dun pa tayo naluluwagan ng tornilyo sa ulo. Bakit ba paglaki mo ng hayskul ay sobra mo nang pasaway at matigas na ang ulo, bakit nalulong ka na sa  bisyo ng simula kang maging malaya? Bakit nasasagot mo na ang iyong Ina ng pabalang dahil  hindi siya pumapayag sa kagustuhan mo kapag nagpapaalam ka na umalis ng gabi sa inyong tahanan? Hindi mo ba naisip na para lamang ito sa iyong kaligtasan? Bakit naging mas makasarili ang mga anak at ang tanging kagustuhan lamang nila ang nasusunod? Habang patuloy ang  paglaki mo patuloy rin ang pagbagsak mo sa eskuwelahan at minsan napapasama pa sa trouble? At bakit ba hindi kaya ng mga anak isipin ang kanilang mga magulang na  pinilit  silang mapalaki ng mabubuti, hinubog sa mabubuting asal ngunit lahat ng gintong aral ay tila ibinabasura ng mga ito. 

Ang ating mga Nanay pa rin ang  numero unong taga-payo tungkol man ito sa trabaho, eskuwelahan o pag-ibig. Masuwerte tayo't nariyan  siya upang gabayan tayo sa ating  mga ginagawa mali man ito o tama. Inaamin ko na ako'y maka Nanay sapagkat siya ang nagturo at naghubog sa akin sa magagandang asal, respeto sa tao maging man sa hayop at siya ang humubog sa amin para maging ganap na tao para hindi maging perwisyo sa lipunan. Masasabing kong walang labis at walang kulang  at walang kapantay ang  pagmamahal ng ating mga Nanay kaya't marapat natin siyang pasalamatan sa araw na ito ng mga Nanay.

Happy Mother's day sa lahat ng  mambabasa ng blog na ito ng Ubas na may Cyanide. Mabuhay ang ating mga Nanay! Let all our Nanay's unite! Magandang gabi sa lahat!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento