Miyerkules, Hunyo 3, 2015

Bakit Nga ba Single pa rin Ako Hanggang Ngayon?



'Tell me why?'

Ito na nga siguro ang tamang oras at panahon para itanong ko yan sa sarili ko. Sakto ang lamig ng temperatura na ito para pagnilay-nilayan ang mga bagay na hindi ko nabibigyang pansin sa aking sarili. Tama ang timpla ng aking kape, swabe ang usok na dadampi sa aking mga labi habang lumalagok-lagok at humihigop higop, dahan dahan at unti-unting guguhit sa aking lalamunan. All systems go para bigyang repleksiyon ang sarili. Haharap muna ko sa salamin, pagmasdan ang sarili, at sambay isasambit at isisigaw ang salitang Chitaeeeeehhhhh Ganda Lalakeeeeeee ke ke ke ke (alingawngaw) kukulog at kikidlat ng pagkalakas-lakas bilang pagtutol ng kalangitan at magdudulot ng isang masamang panahon. Pero siyempre scene na yan sa dating pelikula at natural mente ako ay nagbibiro lamang.

So katanungan: Bakit nga ba Single pa rin ako Hanggang ngayon?

Ipinaglihi ata ako dun sa taong nasa loob ng bilog sa tuwing ipapapalabas yung Kapwa ko, Mahal Ko yung puro lang hand gestures habang nagsasalita ang host. Para yata akong silent films. O isang naka-mute mode na TV. Ewan ko ba, hindi lang talaga ako masalita, ang sarap kasing ipunin yung lawa y sa loob ng bibig hanggang mapanis, pag panis na duon pa lang ako hihikab ng pagkahaba-haba at hindi pa rin ako magsasalita. Bukod kasi sa mas madalang pa sa pag-ikot ng mundo sa araw kung magsalita ako, di ako  tumitinag sa pagkakaupo na parang estatwa sa mga gusali ng Roma at Italya. Lotus position. Aayain nila a ko kumain, tatango lang ako.  Yosi raw, ngingiti lang ako. Para akong magmemeditate sa harap ng computer.

Oo nga no, ang tahimik ko talaga, kapag kinausap ako ng babae ngingitian ko lang kahit wala naman akong  killer smile at makalaglag panty na dimple na katulad kay Rico Yan eh ginagawa ko pa rin. Sa isang araw,  ito lang ang lumalabas sa bibig ko: "Bayad po". "Para ho". "Pabili". "Hello". "Tang-ina". "Una na kayo". "Di pa ako  gutom". at "Okay". Pero nababahala din naman ako minsan. Baka  tuluyan na kasi ako mawalan ng salita. Kaya 'yon, thinking aloud mode muna ako minsan. Parang drama sa radyo ni Papa Dudut: "A, manonood pala ako ng TV." "Um, buti nga sa'yo." "Huhugasan ko na ang mga gulay". "Hay ang init naman. Mabuksan nga ang bintana". "Tangina ang tanga ko."

Yan ganyan lang ako mag thinking aloud dito sa bahay.

Wala akong katalent-talent sa pagiging chummy. 'Yong iba, susme, wala pang isang segundong magkakilala, sobrang close na sa isa't-isa (literal na close ha). Nakakapagkuwentuhan na tungkol sa sex life, love life, family life at kung anu-anu pang life forms. Samantalang ako, hanggang hi-hello lang. Kahit ilang taon na kaming magkakilala. E ewan ko ba.

Allergic ako sa mga kasama sa aking kwarto, wala pa akong naisasamang kaibigan sa aking sariling hide out. Ayoko kasi minsan ng may nangengealam sa mga puwede nilang sabihin. Gusto ko may sarili akong rules na sinusunod at sisirain kapag ayaw ko na ng rules na yun. Kahit mga kasama sa bahay ayoko ng pinapatambay sa kwarto ko. At least walang sasaway sa akin kung gawin ko mang sampayan ng brief ang aking sariling electric fan. Di rin ako mag-aala Incredible Hulk kung may manggugulo sa pagkakaayos ng mga DVD  ko o kung may manlulukot ng mga naka display kong libro.

No'ng bata ako (hanggang ngayon), 'pag may reunion ang angkan  (tunog richness) namin, kulang na lang  ay hilahin ako ng mga kamag-anak palapit sa kanila. Eh,  yung mga ibang pinsanin ko hindi ko naman talaga yun nakakasama sa matagal na panahon. Ano naman ang kailangan kong sabihin sa kanila? Hi-hellow? Tapos nun? tara maglaro tayo ng jackstones? Ahhh wag ako iba na lang. Ayoko nun, bakit ba mas enjoy ako  magbasa ng libro o komiks eh. 

Concerned ang isang kaibigan. Naba-bother yata sa "mental illness" ko. Sabi niya mag reach out naman daw ako. Maging friendly daw ako. Sabi ko naman, "oo magrereach out ako 'pag may kelangan ako sa kanila." Bawas-bawasan ko rin daw ang pgsimangot, kasi nagmumukha daw akong masungit. Ako, masungit? Di naman ako kumakain ng tao. Ayy, mali lumalamon pala ako ng tanga.

Meron akong classma te noon sa college, nakita niya raw ako sa LRT, Sabi niya, di na raw niya ako tinawag. Para daw  kasing lukot na papel ang  muka ko. At baka supladuhan ko lang daw siya. Pwes, para sabihin ko sa kanya hindi ak o nagsusungit noong mga oras na yun. Nakakairita lang yung maraming pawisang balat na kumikiskis sa balat ko, At ayaw na ayaw kong may taong humihinga sa batok ko. Asar!

Aswang ang  tawag sa 'kin ng kapatid ko at ilang kapitbahay. Kapag umuuwi kasi ako ng probinsiya, never akong lumalabas ng bahay. 

Ako yung taong kapag tinanong mo kung may gerlprend na ako ay ngingitian lang kita. Pero kung ang tanong mo ay kung may crush ako dun kita masasagot, dahil hanggang crush lang ako sa isang babae. Marami sila just like an ocean that has   plenty of fishes to choose from but I don't know how  to fish them out from the shore. May problema ata sa paen kong mga bulate kaya hindi ako makabingwit ng isang fresh na dalagang bukid. Medyo torpe ata ang mga bulate ko sa katawan at ayaw magpakagat sa isang isda ang problema mga hipon ang kumakapit na paen sa aking mga bulate. 

Pero ang sabi nga nila bilog ang mundo, darating ang panahon na ang isang panget na Chitaeng katulad ko ay makakahanap at makakakilala ng isang prinsesa, prinsesang nakaupo sa tasa. Ang prinsesang makakapagpabago sa  prinsipeng walang alam  na salita kungdi "kokak, kokak" (hi-hello) at mula sa bpagkakataong yun, I will live my life happily ever after!

Tapos na ang ulan. Malamig na ang kape. Balik sa tamang-sarili.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento