Huwebes, Enero 28, 2016

Starbucks: Konyotic Guide for Pasosyal Humans



'Peace tayo Starbucks, model ko lang si Minnie, nyehehehe!'


Hindi ko sisipsipin ha, medyo kakagatin ko lang ng kaunti itong mga salitang ito "Porke ba naka-Starbucks ka, mayaman ka na?"

Hindi naman kasi porket maganda ang pangalan ng brand at bumili ka ng produkto dun eh mayaman ka na. Issue na ito sa karamihan. Sabi nga "if you can't pronounce it, you can't afford it." Eh puta naman bakit naman yung bagong masarap ng produkto sa Mini-Stop eh nababanggit ko hindi naman ako mayaman tohl pero kaya kong banggitin yung tinatawag nilang "Chicken Schnitzel" sa murang halaga na singkwenta pesos. Oh si Pacquiao ba nababanggit niya lahat ng maayos at tama ang mga mamahaling restaurant na pinupuntahan niya? Ang kaibahan lang namin, siya mayaman ako simpleng mamamayan lang. Lahat ba ng brands na may teknikal na pangalan eh nasasabi niya   ng maayos? At una sa lahat hindi naman lahat ng bagong restaurant o pangalan ng brand  ng sapatos o damit kaya ibigkas ng dila natin ng saktong pronuncitaion.

Example nalang yung Dolce and  Gabbana, yung Gabbana mapopronounce mo pa ng tama ee. Kung bago sa pakinig mo anong unang bigkas  mo sa Dolce? Hindi ba't "Dolse" tapos magugulat ka kung sasabihin ko sa iyo na "Dolche" ang basa diyan. Di ka maniniwala sa akin kasi walang letter "H". Silent C kasi  yan tohl. Tapos mumurahin mo ko at sasabihin mong ang dami kong alam. Leche!

Oh ayan tandaan,  hindi lahat ng mayaman, magaling mag English. Oh sige sabihin mo nga  Marithe Francois Girbaud!!

Pero ang tanong porke ba naka Starbucks ka yayamanin ka na? Sino bang nilalang ang nagsabi na lahat ng umiinom ng 100 plus na kape eh magarbo na ang buhay? Issue din sa karamihan na ang mga may picture na may hawak na Starbucks na baso at  may nakasulat na pangalan. Pero kung susumahin mo anong masama? may nilabag ba silang batas sa konstitusyon ng Pilipinas? baka naman sa Treaty of Paris? Naiinis? Natatawang may halong pagka-asar? Eh ano naman? Pera naman nila yung pinangbili nila di ba?

Tandaan: lahat ng earthlings sa mundong ito mayaman man o mahirap may backbones o wala may karapatang hangarin o gustuhin lahat ng nakikita niya sa mundo. May karapatan siyang tikman ang mga pagkain o inumin na hindi niya pa natitikman. Lahat tayo may karapatang mangarap at abutin ang lahat ng gusto niya nasain  o pangarapin habang nabubuhay pa siya.

Yan eh  diyan tayo magaling ang manghusga ng kapwa. Nagkape lang yung tao eh nahusgahan na mayabang na?  Yan ang  hirap sa atin tohl, wala naman tayong alam, mahilig tayong makialam. Malay mo yung isang tao diyan na tinatawanan mo, dalawang linggong nagtipid para lamang makapagkape sa Starbucks na araw-araw mong iniinom. Yung isang padre de familia na sampung buwan sa ibang bansa  na walang binili sa sarili niya pa ra mapakaen ang kanyang pamilya sa isang magarbong restaurant.

Hindi mo alam yun tohl, kasi ang alam lang natin manglait at manghusga ng kapwa.

Kaya wake up. Ang buhay ay parang gulong. Biyahe ng biyahe, paiikot-ikot. Ngayon nakakapag S tarbucks ka, baka sa susuno d na araw naka-ordinaryong kape ka na lang. Buwenas na kung may creamer pa.

Hindi lahat ng umiinom ng Starbucks, sosyal na pagkain at inumin ay Social Climber na. Kaya mas mabuti pang itali na lang ang makakating dila at irespeto na lang natin sila.

Kaya dito sa Ubas na may Cyanide tuturuan namin kayo kung paano ang galawan sa loob ng masarap na kapehang ito. Advise para hindi mag-aanga anga kung first time mo makapagkape sa Starbucks...


Radio Active Sago Project - "Kape"

*Oo, sabihin nating may bago kang Go Pro Camera at excited ka sa  unang pag order. Pero wag mo na naman i-GO PRO tohl  hindi extreme adventure ang pagkakape.

*Maging natural kung paano ka magsalita sa labas, ganun din dapat sa loob. Hindi bagong dimensiyon ang Starbucks pa ra makapag Ingles ka ng wala sa hulog. Hindi ka human-Grammarly app para itama mismo ang Ingles mo. Nakakahiya. Mag-Tagalog at bigkasin ng tama ang Frapuccino at hindi Frapuscino. Wag na isama ang "Puccino ", FRAP na lang para safe.

*Kapag sinabi ng barista na "Venti", wag na wag magrereply ng "Naku sobra naman! Isa lang pu ang oorderin ko hindi bente." Umoo na lang para safe.

*Kung di na kaya tiisin ang gutom, wag na wag tatanungin ang barista kung may tinda silang siopao. Piliin na lang ang croissant, pinakamura na yan. Kung hindi alam banggitin, ituro na lang. Wag nguso ang ipanturo dahil pang-asal kalye yan. Mas light ang daliri panturo pag oorder ng pagkain.

*Kung may mga kasama at makikipag tsikahan sa kaibigan. Siguro tantyahin ang higop, mga dalawang higop lang per 15 minutes. Yan ay para hindi agad maubos. Kung uhaw-uhaw bili ng mineral water para parang may chaser ka o alternative na pang-inom. Siguraduhing ding maraming topic na paguusapan.

*Kung may balak bitbitin palabas ang Java Chip Light frap mo kahit isang higop na lang naman. Balutan ng tissue para hindi halatang wala ng laman. Okay lang alam pa rin nilang Starbucks yan kasi berde ang kulay ng straw mo.

*Kung ikaw yung tipong free FB lang kadalasan at ang tanging dahilan mo lang sa pagpasok ng Starbucks ay para sa free wifi, tohl mahiya ka naman. Order order din kahit donut lang. Tagalan ang pagkain ng donut at gayahin si pabebe girl sa pagbukas at pagkagat ng kanyang mamon. Hanggat matagal maubos mas matagal kang makakapag-wifi.

*Bulungan lang ang moves sa paghingi ng sticker para sa planner. Wag na wag magmamakaawa dahil isang malaking kadukhaan yan. Kung di ka talaga binigyan, iblog mo at sabihing may daga sa kape nila.

*Alam ko namang magseselfie ka sa nabili mong kape. Kapag magseselfie mas maiging wag masyado iharap ang logo para mas sosyal. Understood na yun ng mga likers at FB, Instagram friends mo dahil green ang straw.

*Gawing sosyal ang pangalan para maganda pakinggan kapag tinawag na ng barista, "TEAVANA OPRAH CINNAMON CHAI CREME FRAPUCCINO for PEKTO!" Kunyari di mo narinig para tawagin ka ulet na may sir sa unahan. "Sir, Sir Pekto here's your frap!"





Huwebes, Enero 21, 2016

Long, Long Distance Love Affair v2.0





Para sa mga LDR....

Sa unti-unting pagbuka ng aking mga mata sa kamang aking hinimlayan sa haba ng gabi, eto na naman ang pakiramdam na wala ka sa aking tabi. Malayo sa'yo. May buwan at bituin na diyan habang ako'y nasisilaw sa sinag ng araw sa aking bintana. Almusal ko, hapunan mo.

Ang katotohanan ay nakakapagod na, mas makapangyarihan ang sakit na nararamdaman kaysa sa mala-impiyernong ngalay na bumabalot sa aking likod. Pagod na ako at marapatin na ako'y mamili kung ipagpapatuloy ko pa ba ito o diyan na lang na kasama ka. Ngunit mas malala pa ata sa sakit na kanser na, palaging hindi ikaw ang pinipili ko. Ngunit ikaw ang palaging gamot sa kanser na pinili ko, paulit-ulit mo pa ring tinanggap ang desisyon ko, sapagkat naiintindihan mo na kailangan ko itong gawin para sa pamilya ko at para sa kinabukasan natin. Isangdaan at isang beses kitang tinatanong, "kaya mo pa ba?", "napapagod ka na ba?", pero paulit-ulit mo ring ibinibgay sa akin ang sagot...."kayang-kaya."

Sheena Easton - Telefone (Long Distance Love Affair)

Pero tama ka naman eh. Masaya na tayo sa simpleng Sweet Corn at Vinegar Pusit  na nabibili natin sa  tindahan ni Aling Meding na tigpipiso lang. Olats lang kapag may nahalong tatlong piraso lang ang laman. Minsan Cheepee lang talaga katapat mo at Boogeyman Crunch ang sa akin. Tanggap na natin na tatlong beses sa isang ta on lang tayo manood ng sine. Eh kasi may torrent naman di ba? Masaya na tayo sa pa-torrent-torrent lang. Pero mangiyak ngiyak tayong dalawa nung nawala ang Pirate Bay buti na lang at nasagip tayo ng Kickass. Palihim akong aakyat sa puno ng niyog na diresto sa bintana niyo at duon tayo manonood ng mga dinownload natin. Nakatalukbong tayo ng kumot habang ilaw lang ng monitor ng computer ang makikita. Masaya yun ee. Sa  tuwing meryenda, magluluto tayo ng Instant Lucky Me Pancit Canton pero mas gusto mo yung kay Kim Chui yung Pancit Shanghai na green eh amoy ihi ng kabayo naman ang sauce. Pero ok lang trip mo yan eh. Ang makulit pa dun ayaw mo na kainin natin agad at pipigilan mo ako sa unang subo at sasabihin mo sa akin na piktyuran muna natin tapos ipopost sa  Facebook at Instagram. Iisip pa tayo nun ng cheezy captions at kilig na kilig ka sa tuwing may nagcocomment na mga kaibigan ko na "breezy boy" ako. Naknamputs pero ayos lang basta sa ikakasaya mo.

Naalala ko rin na lagi kang bumibili ng Snacku sa tuwing manonood tayo ng sa kwarto niyo. Kapag napuno ng namuong flavor sa daliri mo isusubo mo sa bibig ko at ganun din naman ako sa yo. Hanggang sa hahalikan mo ko, hahalikan din kita, huhubaran mo ko, huhubaran din kita, magkikilitian at mag...........(long bleeeeeppppppp). Hanggang sa makalimutan natin kung sino talaga yung pumapatay dun sa pelikula. Tapos magtatanong ka sa akin kung sinong pumatay. May panahon ding tumatambay tayo sa Mini-Stop kasi gusto mo mag Chillz. Magkukuwento ka. Magkukuwento ako. Tawa lang tayo ng tawa hanggang di natin namamalayan na tinatawanan na rin tayo ng buwan at  mga bituin. Uuwi na, sasakay tayo ng jeep, at hindi ka papara ng jeep hanggat walang tao sa unahan. Kunyare may sarili tayong kotse at driver natin si koya jeepney driver. Tapos pagkauwi  mo isang minatamisan na halik ang ibibigay ko sa'yo sa ulo, sa ilong at sa labi. Tapos magpapabebe wave ka habang naglalakad paurong di mo napansin na nauntog ka na sa pinto niyo. Pagkatapos nun, bukas na lang  ulet  for new adventure.

Kahit ganito lang ang buhay, irewind ng paulet ulet hindi ko ipagpapalet sa mga unique adventure. Pero kung ikaw ang kasama at papalarin ayos na ayos.

Para tayong may sariling mundo. It's just you and me against the universe.  Wapakels sa sasabihin ng ibang tao. May mga sarili kayong puso kaya gumawa kayo ng sarili niyong love story.

May kumagat na lamok at sinabing tama na ang pagmumuni-muni. Bukas gigisng na naman akong malayo sa'yo. Gabi na diyan, umaga pa lang dito. Breakfast ko, hapunan mo....

Hanggang Skype na lang uli ang pag-ibig na ito.

Lunes, Enero 18, 2016

The February Heartbeat: Chocolates,Golds and Silvers



'Panahon na naman ng pag-ibig, gumising ka'


Oh tapos na ang Disyembre nilalamig ka pa rin ba at hanggang ngayon suot mo pa rin ang varsity jacket mo sa ilalim ng tindi ng sikat ng araw? Ano namang klaseng hugot ang ipapagwawagwagan mo ngayong Pebrero kung saan Pista ng mga pusongnag mamahalan. Ang sakit noh? kaya kung single ka, payo ko lang distansiya muna amigo/amiga sa blog post na ito. Hindi ko sinasadyang saktan ang mga ugat mong frozen na ang dugo dahil hindi man lang nakakaramdam ng pagyanig sa puso mong tila mannequin na walang galawan, walang pag-ibig. Walang pag-ibig na nararamdaman.
Kaya't kung single ka pasyal pasyal muna sa mga Chinese buffet sa Chinatown at makipagdiwang sa Chinese New Year, tutal nagiisa ka lang naman sa a-katorse ng Pebrero. Sumali sa mga dragon dance at magpa feng shui kung kelan dapat umibig at baka suwertehin sa pakikipagrelasyon sa pagpasok ng taon ng Chinese New Year.

Dito sa Ubas na may cyanide tutulungan natin ang mga girlie at boyet kung anu-ano ang puwede nilang ipanregalo sa kanilang mga kapareha sa darating na Valentine's day! Pero ang rules kung susundun ninyo ang mga tips, dapat walang kuriputan. Itago muna ang pagiging ugaling Intsik at maglabas ng sapat na panggastos.

Rivermaya - 'Panahon na naman'

Tandaan hindi namamatay ang kilig sa araw na ito kaya't panatilihin ang landian sa darating na Araw ng mga puso. Ito na yung tamang oras at pagkakataon para magbigay ng isang makabuluhang regalo para sa isa't-isa na hindi niyo makakalimutang dalawa. Hindi yun ha,baka kung anong kulimlim na naman ang nagtatago sa kulay berdeng ulap sa isipan mo. Ilang isla na naman kaya ng Bataan ang isusuko at ilan ang luluhod......ops  hindi yun ungas. Ilang kalalakihan ang luluhod sa harap ng mga kasintahan para hingin ang kamay neto at magpropose na magpakasal. Sa haba haba ng introduksiyon sa kasalan at pag-iibigan din naman ang tuloy natin, kaya isa-isahin na natin ang mga romantic ideal gifts para sa inyong mga iniirog.

MESSAGE IN A BOTTLE  GIFT SET.


What do you think? 

Is this something a unique way  to express your love this Valentine? Tsong, panahon pa ni mahoma yung card. I know it's still exist pero siyempre skip mo na yung card ang think something different. Pero tol, hindi naman sinabing pag bote ee, puwede na yung mga bote ng softdrinks at gin. Hindi romatic yun at baka basagin pa sa ulo mo ni girlie yung bote. Maghanap ng boteng magara yung kasya yung isang buong rosas. Kagay neto, this is a 12 inch glass bottle na puwede mong ipersonalize yung makalaglag panty mong message para sa kanya. Tirahin mo ng mga mala-Leav Leang na quotes o kaya Nicholas Sparks or Charles Schulz. Humanap ka rin ng box na kasya yung bote at duon isilid sa loob. Ilagay ang mga rose petals at durugin na parang gumamela at pwede ka nang gumawa ng bubbles. Deh joke lang! Ilagay ang rose petals at ipasok sa loob ng bote yung message mo sa kanya. Gandahan ang papel, dapat humahalimuyak pa sa  rosas  at hindi lamang stationary at pang highschool lang yun. Ikaw na bahala maghanap ng quotes mo pero sana lagyan mo rin ng personal message. Irolyo ang papel at itali. mamili ng magandang pangtali. Ayan parang may diploma na siya. Haha! Wag lalagyan ng sulat ang bote at baka ilagay mo pa ang pangalan niya. Hindi yan Starbucks. Mas maganda siguro kung sticker, simpleng sticker lang pro wag jologs. Make it plain but meaningful logo. Ops isa pa, wag takip ng tansan ng Red Horse ang ilagay sa bibig ng bote. Maghanap ng cork yung pantakip sa champagne at yun ang mas nababagay. Ayos na yan tol, swabe na yan. Pasado na ang kilig diyan.


ART OF APPRECIATION BASKET.
























Common na sa magsing-irog yung kumaen sa labas di ba? Bakit kaya di subukan ang kumaen sa loob? Romantic dinner? Babaguhin natin yan dito sa Ubas na may cyanide. Kung kakaen kayo sa labas hindi lang kayo ang mag couple dun. Oo! sa  totoo lang, maingay sa  restaurant at wala kayong privacy to shw your lovin' and affection sa isa't-isa. Tsaka baka magkita pa kayo ni X. Aminin na rin natin na malalaki ang tax sa mga mamahaling resto na yan, kow! Baka diyan pa lang ubos na ang breads mo tohl. 

Kaya kung ako sa'yo stay in your comfy living room, chillax  in a cold night and nothing can be most romantic picnic night. Open a bottle of wine an d unpack  your art appreciation basket. Bakit art appreciation? Kapag may "art", dapat may kaartehan. Kumbaga hindi lang basta basket puwede mo lagyan ng kolorete para mas presentable mong ipapakita sa kanya. Ang laman, ikaw na bahala punuin mo ng tsokolate, maraming marami at iba't-ibang tsokoleyts. Gusto mo lagyan mo ng "Hany bars" hahahaha!Dapat sa mga ganitong   basket huwag kakalimutan ang Sunshine spaghetti kung gusto ni labs ng pasta . Kaso magluluto ka pa. Kaya all the sweet foods aboard na lang ang ilagay. Puwede rin naman ang biskwit, kung trip mo Eggnog, lagyan mo. Hahahaha! Huwag kalimutan ang candle lights sa lamesa, pero wag naman  yung candle na Liwanag candle tohl,  hindi naman kasi brownout sa inyo. Naka dim lights lang. Kaya dumiskarte ng scented candles na amoy Lacoste. Gawing masaya at makabuluhan ang kwento all night long.

K's Choice  - 'Almost Happy'

I LOVE YOU JOURNAL

Eto mga beh, kung medyo hilig mo ang magsulat o magsagot ng essays at magpahaba ng isang kwentong makatotohanan sa  inyong dalawa eh puwede kang gumawa ng isang journal. Nakapaloob sa parang notebook na ito yung mga explanations na bakit unque a ng pagmamahalan niyo, bakit kakaiba ang relasyon niyo. Kung ano yung mga differences niyo at similarities. Mga pictures na pinuntahan niyo na magkasama kayo, mga vacation trips, birthdays ang occasions, mga gifts niyo sa isa't-isa at kung anu-ano pang kalandian. Usually babae ang mahilig gumawa ng ganito ee. Kasi trip ng mga babae ang magupit-gupit, magpaste paste, maquotes-quotes at maghugot-hugot. Ganyan yang mga yan ee. Ikaw na lalake siyempre aapreciate mo yan. Ang tanga tanga mo naman kung hindi mo yun maaapreciate.

Low-cost, but yet extremely romantic gift that you will cherish both for a very long time. At kung magka-anak man kayo, someday your kids can flip through these journal pages and learn all about the early days of your relationship. Remembering memories are the sweetest as we grow old kasi nakakalimutan natin yun ee. Di ba ang sweet? <3 font="">

24 K THE WORLD SAYS "I LOVE YOU" NECKLACE


Ibang usapan na yan kapag karat karat na ang regaluhan. Pero tohl, kung kaya lang naman ng bulsa mo. Ito ay suhestiyon lamang. Maraming paraan para magsabi ng "I love you" at itong kwintas na ito ang nagpapatotoo at literal na sinasabi na I love you in 120 languages of the world. Astig diba? Nakaukit ang mga salitang iyon sa pinaka pendant ng kwintas.Minsan mahal ang umibig, pero if she only speaks one language, she will love the idea that you love her in so many languages. 

But there's more, uulitin ko lang.. this is a 24 karat gold and black onyx. Kaya't wag na mag-atubili, bumili na kayo.

MOONSTRUCK CHOCOLATES



Since then isa na nga ang tsokolate na simbolo ng Valentine's Day, kumabaga sa Pasko ay parol at belen sa Araw ng mga puso ay ang mga walang kasing tamis na tsokolate. If you're up for a romace factor, the best gift for girlie is somewhat like gourmet chocolates. Ito yung mga tsokolateng maraming nakakaappreciate sa lasa. Iyo ung mga panlasa na patok sa mga kritiko o mga food blogger and kadalasang nirerecommend. If you're looking for something  unique batch of chocolates, go for Moonstruck Chocolates. Medyo isteytside nga lang. The gift box contains 9 chocolate truffles and critic say's every bite is heavenly.


ME WITHOUT YOU BOOK



Giving a book is the best example of your love too. This cute book by Lisa Swerling and Ralph Salazar illustrate how two people just work better together than they are apart. Ah para nga rin siguro ito sa may mga long distance love affair. Pero tignan mo ung illustration, pamilyar ba sa'yo? Of course kilala mo yan. Siya yung character na may Wish and Happiness. And these two authors ang lumikha sa  kanya, because they are also a cartoonist and a greeting card artists as well.


TWO HEARTS IN A SING-SING ARE BETTER THAN ONE.
















Onga naman,  kasi feeling single ka pag isa lang. Op ba wal din pag tatlo. Ang pag-ibig ay pandalawahan lamang, bawal ang sabit, di puwede ang may humihirit. Some girls finds jewelry as a romantic tangible piece as a proof of your love to her. Lagi ang kanyang pagsilay sa kanyang mga daliri and she finds out every single day how much you care about her. The ring has heart shaped stones, the white one is topaz and red is garnet. Simple lang naman ang gustong ipahiwatig ng disenyo ng singsing kundi ang pagmamahalan na pinagsasaluhan ng dalawang pusong nagmamahalan. Wala na sigurong mas roromanti pa ba diyan?


Eh  kamusta naman yung single na nagbasa. Are youstill alive and breathing? Hindi pa naman huli ang lahat at meron pa kayong 25 araw na nalalabi para maghanap ng inyong Romeo o Juliet, Jack at Rose, Samson at Delilah, John Lloyd at Bea, Jolina at Marvin (sila pa ba?) at Madam Auring at Victor Wood. 

Pag wala talaga, itreat na lang ang sarili sa mga Chinese buffet, manood ng dragon dance, magpausok sa insenso at manood ng fireworks, umuwi, maligo, matulog at kinabukasan February 15 na. Kung saan balik na ulet sa normal ang buhay mong single.










Sabado, Enero 16, 2016

KKK: The Killer Kilay Koalition



'Aahitan kita....♫♩♬'


Una sa lahat magandang umaga sa libu-libong imahinasyon ng nagsusulat na tagasubaybay ng blog na ito. Boring at walang magawa kaya pag usapana natin ang isang parte ng mukha ng tao na naglalahad din naman ng sari saring emosyon sa bawat paggalaw, pagsalubong at pagkunot ng mga ito. 

Ang tinutukoy ko ay ang mga KILAYng ating mga nagagandahang ate.

Pero nais ko lang linisin ng pambura ang pangalan ko. Wala naman akong hinanakit sa mga mapang akit at perpektong kurba ng kilay niyo. Gusto ko lang ilatag ngayon sa breakfast table ang balitaktakan tungkol sa kilay.

Alam niyo tohl na sa lahat ng mga bagay at  nilalang na nilikha sa mundong ibabaw, para sa akin, ang mga babae ang pinaka misteryoso at pinakamahirap ispelengin, mas madali ko pa ngang naiispel ang czechoslovakia at s upercalifragilisticexpialidocious ng nakapikit kaysa sa intindin ang hiwagang nababalot ng mga kababaihan. Tingin ko rin naman na kahit sila sila ay na hihirapan intindihin ang mga equations ng mga sarili nila. Pero wala  naman problema dun eh, wala  naman talaga gusto ko lang talaga magtanong kung bakit nag-aahit ang mga ateng natin ng kilay?

Oo inaamin ko namang mang-mang ako sa mga ganyang kaalaman, wala akong dunong sa pagpapaganda o kung anong maayos o panget sa mukha. Pero siguro nga noh andun na rin yung kasagutan, nag-aahit siguro sila ng kanilang mga kilay para mas gumanda ang hugis ng kanilang mga mukha? Tama ba? kasi sa aming mga kalalakihan, nagkakaron ng malaking pagbabago sa itsura sa mukha kung magpapabigote kame o magpapabalbas. Tama naman di ba? Maaaring parehas lang tayo ng dahilan, pero mas mainam sigurong manggaling sa tunay na babae ang kasagutan ng lalo nating mas maunawaan.

"The Kilay Dance"

Isandaang porsiyento naman akong sang-ayon na kailangang tabasan ang mga buhok buhok natin sa katawan. Nandiyan na magpapagupit tayo ng buhok, para mas magmukha tayong malinis at kaaya-ayang tignan, nariyan ang tinatawag na waxing, eto yung pagtatanggal ng buhok sa legs ng mga babae lalo na kung  balbon sila at gusto lang nila na plain at makinis ang mga binti, inaaplay din ang waxing sa buhok ng kili kili o kung short ka naman sa pera ay  puwede nang mano-mano ang pagbubunot ng buhok sa kilikili using the tyani. Bigyan mo na lang yung anak  mo o kung sinong  puwede mong mautusan s apagbubunot mo ng buhok sa kili kili pero for sure pag bata piso isang buhok. Kaltas piso kapag natyani at nagsugat kasama ang balat, para  fair ang laban. May mga kababaihan din naman na nagbubunot ng buhok sa ilong, kasi hindi nga naman kaaya-aya tignan na lumalawit na yung buhok mo sa ilong at humihimlay na ang buhok na yun sa upper lip mo. Ang tawag nga pala sa buhok sa ilong ay tutsang. May mga babae rin bang nagshashave? deh, kasi d iba kung inyong papansinin merong mga kakababaihan talaga na sobrang balbon at minsan meron silang mabalahibong pusang bigote. Wala naman sigurong ate na tinutubuan ng "goti" eh noh? ito yung maliliit na buhok sa lower lip sa mga lalake. San pa ba  may buhok?  ahhhh medyo sensitive, sa may parteng  baba pero  huwag na natin munang pagusapan sa lamesang  pang almusalan. For sure naman na meron pa rin naman na nagtatabas ng kagubata na iyan.

Sa lahat ng kabuhukan na nabanggit so meron din palang nagbubunot ng buhok sa kilay. Hindi ba napasakit nun kuya Eddie? Ang feeling siguro nun para sa akin ay pinatilyahan ako ng titser ko sa Math dahil hindi ko mahanap ang x at y coordinates. 

Women says they are shaping their eyebrows to make it stunning ang yung moment na pagtingin mo sa kanya eh yung kilay niya agad ang mapapansin mo. Some kilay designs are just like my paintbrush strokes tool sa Adobe Photoshop, ang kyut, ang ganda, ang swabe ng pagkakakorte parang "stroke sa  enye" na binaliktad. Merong mga kilay na sobrang nipis na lang kung titignan at para nang transparent yung kilay niya pero kung lalapit ka at hahawakan mo balat na pala yung kinakapa mo at wala nang buhok dahil nakatattoo na pala yung kilay niya. Kung merong permanent teeth, merong permanent eyebrows. Ang galing noh? Usually sa Pilipinas ang kadalasang may tattoo eyebrows eh yung may edad na, pero yung totoo kasabay din ba ng pagkalugas ng buhok ang pagkalugas din ng kilay kaya nila pinapatatuan na lang? Eh bakit ang buhok hindi puwedeng tattoo na lang din? Ahahaha!

Pero sa bandang dulo medyo naiintindihan ko na e, ganun nga siguro yun....ika nga "the eyes are the window to your soul. But no one will see  through your soul if bushy eyebrows block the view. Ok getz ko na. Panget nga naman na yung buong  talukap ng mata mo eh sakupin na ng kilay mo at kung ang mga mata mo ay nagniningning sa gabing madilim, smiley eyes, china eyes ay hindi mapapansin dahil sa kasing kapal na kilay ni Eric Fructuoso at Jeffrey Santos. Kaya tama i-frame ang mga matang nangungutitap, kortehan at gawing kaakit-akit.

Tapos ang usapan. Tapos na rin ako mag-almusal. Magandang Linggo ng umaga!


Ay teka! Ano naman pala yung sa pilikmata? Bakit iniipit ng isang gamit na animo'y gunting ang hawakan at ang ulo ay parang pang scroop ng ice cream?  Ano nga tawag dun?

Ah sige tsaka na lang.....

Biyernes, Enero 15, 2016

Timeless Machines: San Miguel,Bulacan Trip



'Dito lang may poreber, malayo sa realidad ng mundo, kung saan nakakahilo at nakakasuka nang mamuhay.'

"I'd like to meet you in a timeless placeless place. Somewhere out of context and beyond all consequences."

Sinasabi nila na walang katulad ang saya at excitement sa tuwing meron kang babalikang lugar na matagal ka nang hindi nakakabalik. Hindi magkamaliw ang isipan sa kung anong pagbabago ang makikita sa lugar na iyong pinagbabakasyunan at ang probinsiya naging parte na rin ng buhay mo. Ang mga katanungang kumukulit sa isipan na, nandito pa ba ang tambayanan nuon, nanduon pa ba ang puno ng mangga na aming tinatambayang magpipinsa sa ilalim ng sikat  ng araw habang nagduduyan at   nagbabasa ng pinakatatagong koleksiyon ng mga lumang komiks at magasin. Tawagin mo na akong makaluma, ayos lang at ngingitian lang kita ang mahalaga sa akin ay naipon ko ang mga masasayang alaala ng lumipas na panahon. Tawagin  mo na akong madrama, tatawanan lang kita. Sapagkat wala nang  hihigit pa sa nararamdaman kong emosyon sa tuwing may makikita akong mga inaalikabok na bagay o kasangkapan at magpapaalala kung ano bang naging istorya sa akin ng  isang bagay na yun. Hindi kakornihan o kababawan ng kaligayahan ang pasalamatan ang mga koleksiyon ng mga itinanim mong alaala sa isang lugar lalo na kung napakaespesyal sa iyo nito. Malungkot, masaya, mapait na pangyayari o katatakutan man ang lahat ng iyan ay parte na ng alaala mo. Ngitian ang mapapait na alaala at yakapin at dakilain ang lahat ng pinakamasasayang araw na nakasama mo ang isang mapagmahal na kamag-anak at ang espesyal na lugar kung saan binuo at pinatatag ang mga memorya sa lumipas na taon.

Enigma - Return to Innocence (Timeless place)

Alas tres ng madaling-araw bago sumikat ang araw ay nilusong na ang dilim, kumaway kaway sa ning-ning ng mga bituin. Nagmistulang gabay ang liwanag ng buwan sa kadiliman ng lansangan. Kinamusta ang buwan ngunit hindi siya umiimik. Mabilis ang biyahe, walang trapik, walang MMDA. Sana lagi na lang madaling-araw at lalo sanang sana na wala na lang MMDA sa kalye. Maluwag ang daanan at presko pa ang hangin. Halos trenta minutos lang ang biniyahe papuntang Tambo sa Baclaran kung saan nag almusal muna sa isang fast food chain na kulay dilaw at  pula ang haligi kung saan nakatayo ang isang payaso  na mas makapal pa ang pulang lipsticks sa labi ni Angelina Jolie. Nakangiti ang payaso at animo'y sinasabi niya sa  isipan na "halika  mag almusal ka muna", kung makakausap ko lng din siya sa aking isipan ay tatanungin ko siya kung ililibre niya ba ako. Pero alam kong parang buwan lang din siya at hindi rin siya iimik. "Good morning sir" ang sabi  ng staff sa cashier. Inunahan ko na siya, huwag ho kayong mag-alala oorder po ako take-out at hindi po ako oorder ng may kasamang hugot.  "Isang hashbrown lang miss  at isang sausage sandwich with egg." "Isa lang sir?" "Oo isa lang, wag mo na kong hayaang humugot at sabihing.......table for 1 yan alam ko, pero lahat ng inoorder ko kain for 2. Kakausapin ko na lang  ang hashbrown baka sila sakaling umimik." Paglabas ko sa  tahanan ni Ronald rekta na at sakay na ng biyaheng Nichols para ihatid sa bus terminal.


I'm coming home!!!


Medyo dim lights pa ang kalangitan ng nakarating sa Terminal. Kaunti pa lamang ang mga tao at ang iba ay nakaupo sa gilid at naghihintay ng bus kung saan sila babiyahe. Iba't-ibang biyahe sa  terminal ng 5 star bus lines. May mga biyaheng pa Sorsogon, Pangasinan, Dagupan, Tarlac at Cabanatuan. Tiyempo naman na naroon na ang bus na rutang Nueva Ecija at hindi ko na kailangang maghintay pa. Maluwang pa at komportable ang upuan ng Five Star bus na aking sinakyan. Malinis, mabango at swabeng pahingahan ng aking likod na nananakit at mga matang mapanglaw na sukdulan na ang eyebag. Hindi na kasi ako nakatulog pa pag-uwi galing sa trabaho at nakipag chat na lang at nakipag tsismisan sa aking tukayo. Sekreto kung sino siya. Hehe! Ang alam ko may nakalimutan pa akong bilhin at tama kailangan ko ng pasalubong kaya bumaba muna ako ng bus at bumili ng isang box na Mister donut bilang pasalubong. Itong donut pa nga ata ang naging highlights ng pagpunta ko doon. Pero siguro natutuwa lamang sila dahil hindi sila makapaniwala na itong batang uhugin at hikain noon ay ako na daw mismo ang nagbibigay ng pasalubong ngayon. Ganun nga ba ko kakunat? Haha!

Sa bus hindi mawawala ang mga Blue ray disc  movies kaya nagsalang ang konduktor ng pelikulang mapapanood ng mga pasahero. Kailangan siguro all ages dahil pag-akyat ng 4:45 pm ay napupuno na ang bus, bata, matanda, lalake, babae, teenagers at paslit, pogi at magaganda eh welcome aboard na. Kaya siguro naisipan ni mamang konduktor na isalang yung PAN hindi po isasalang ang pan na literal na magDedelmonte Kitchenomics si koya. Kung di po yung pelikulang PAN na may temang fantasy at comedy. Yun ang kanyang napili bago ko napansin ang bahagyang cover ng barely legal sa drawer ng bus. Ops ops ayan ka na naman ha, hindi yun. Yung pelikula talagang barely legal nung   2011. Akala mo ha. Gentleman kaya si koya kong  konduktor. Tingin ko bihasa na siya sa trabaho niya dahil ang bilis kumilos ng kanyang mga daliri sa pagbutas ng mga tiket. Kasabay ng pagbutas ng tiket ang pag-nguya niya ng  bubble gum at puwedeng pang musica.ly si koya kung lalapatan lang ng musika at kaunting epeks.

Arko ng San Miguel, Bulacan
Tanawin bawat tanawin, bukid by bukid. Yan lamang naman ang mga tanawin na makikita mo dito sa amin sa Bulacan, wala kaming mga bundok o mga kilalang lugar along the highway. Pero siyempre  naman kahit bukid lamang ang makikita mo dito ay walang katulad pa rin naman ang kagandahan at kaluntian ng mga palayan. Yung unti unti paglabas ng sinag ng araw na maghehello sa malawak na bukirin ay kaakit akit. Ang pag-aagaw ng liwanag at dilim sa may di kalayuan ay nakamamanghang pagmasdan. Pinili ko ang kanta ng Beatles na "Dear Prudence" na aking naririnig sa earphones para may background ang pagtanaw ko mga tanawin at mula dito ay mapapasabay ako sa mga linyang "The sun is up, the sky is blue, it's so beautiful and so are you."  Ito rin ang mga kataga kong ipinopost sa social media sa tuwing hindi ko maramdaman ang positive vibes sa umaga.

Beatles - Dear Prudence


Along the way nadaanan ng bus ang 8 Waves water park na minsan na ring nakapagswimming ang buong Faculty and staff ng aking paaralan na pinagtuturuan bilang isa sa lugar na pinuntahan nuong field trip ng mga college students. Ang matandang simbahan ng Barasoain na nasa sampung piso na lumang pera ay nasa loob ng bayan ng  Malolos kaya hindi na nasilayan. Ang Bahay na Pula na kilalang haunted house sa San Ildefonso ay isa na ring  atraksiyon ng lalawigan ng Bulakan. Marami nang naganap na shooting ng mga nakakatakot na pelikula sa bahay na ito at dito rin dati nag shu-shooting ang Okat-tokat ng Channel 2 na dating palabas tuwing gabi sa TV.

Pagkalipas ng tatlong oras na biyahe ay nakarating na sa bayan ng Oriente. Ang San Miguel Bulacan na nga mismo ang pinakahuling bayan ng Bulacan at pinaka dulo. Dahil mula sa aking pagkakatayo sa waiting shed ng mga toda eh tanaw  mo na ang arko ng "Welcome to  Nueva Ecija". Nakangiti na si manong drayber at may puntong tinanong ako kung saan ako bababa. Ang sambit ko naman ay sa Barrio ng Batasang Bata pagkalampas lang ng malaking electric lines at funeraria. Medyo hindi lang maganda ang palatandaan ko pero maganda naman ang pangalan ng funeraria dahil "Dasal" ang kaakibat nitong ngalan. Habang biyahe din, habang daan at maraming parte pa na bako-bako kaya chineck ko ang vital organs ko kung nakakapit pa sa laman. (calling Mayor, konting tapal naman ho) Ito ang pinakagusto kong aroma sa  tuwing nauwi ako sa probinsiya. Yung amoy ng siga sa mga tuyong dahon. Masarap singhutin ang usok ng siga na dala ng malamig na hangin sa umaga habang ang ilan ay nagkakape na habang nakatambay sa harap ng kanilang mga tahanan at tindahan, kuwentuhang walang palya, kuwentuhang walang patutunguhan para lamang patayin ang oras. Timeless, ika nga. May mga kabataang naglalaro pa ng holen at nagkukusot ng mata sa bukirin habang nakaupo sa kawayang upuan, sa may di kalayuan ay may umiigib ng tubig sa may poso, mga nagsisipilyo at may ilang kalalakihan na nagbabasketball sa isang ring na gawa sa isang matibay na kahoy.


Susie and Simon 
Pagkaraan ng bente minutos ng pagkakaalog ko sa lubak na daan ay nakarating na rin sa bahay ng aking tiyahin. Nakasarado pa ang gate pero tanaw na ako ni tito Danny mula sa loob. Isang pagmano, pagkamay at respeto ang aking pagbati sa kanya. Batian, kuwentuhan at tawanan ang aming pinagsaluhan habang inaantay ang aking tita Martha na nasa palengke sa kasalukuyan. Sinalubong din ako ng aking mga bagong kaibigan  na sila Susie at Simon ang kanilang mga alagang aso. Tahol, kahol sa una pero nung nahawakan ko ang mga pisngi nila e parang may magical touch ata ako sa mga aso at tumahimik sila sa pagkahol. Nariyan yung nilulundag ka na at wala ng tigil ang pagkawag ng kanilang buntot.


Mini Farmville 
Tuloy ang kwentuhan namin ng aking tito pero mas nakasanayan kasi namin silang tawaging "Papa" at "Mama" si Tito Danny na asawa ng kpatid ng aking nanay ay nasa 80 anyos na at si  tita naman ay 69. Napakasimple at payak lamang ng buhay nila dito, sila na nga siguro yung masasabi kong "may  poreber". Silang dalawa lang nasa bahay at umuuwi lamang ang mga apo nila at mga pinsan ko tuwing weekend para makasama ang kanilang mga lolo at lola.
Ang sabi nila ay kung sino lamang daw ang mapagod sa kanila sa gawaing bahay ay magpahinga ang may gusto at kung wala kang magawa ay maghahanap ng gagawin katulad na lamang ng pagtatanim ng iba't-ibang gulay at prutas sa likod ng  bahay. Mayroon kaming sapat na hardin sa likod kung saan maraming puno at halaman, mga alagang hayop katulad ng mga manok,itik at baboy ramo. Yep! merong baboy ramo sa mini farmville ng aking tito at tita. Makikita
mo na lang na nagkalat ang mga itlog ng manok, hanapin mo na lang kung san sila naglimlim. Nasa pito hanggang walong itik na mayroon ding itlog. Sari saring tanim katulad ng kangkong, aloe vera, kamias, upo, sili, guyabano, saging, kamote, sitaw at kung anu-ano pang malalalim na salitang hindi ko na maintindihan sa Tagalog kung anong klaseng gulay o prutas yun. Meron din silang tanim na mga herbal plants para sa mga may sakit. Pagkalabas ng mini farmville ay bubungad sa iyo ang isang napakalawak at mahamog na bukirin. Alas otso na, pero malamig pa rin at banayad lamang ang init. Hindi ako mahilig magpa letrato pero para naman may remembrance ay nagpakuha ako at kame ng larawan ni tito. Kagaya nga ng sinabi ko, walang bundok, walang magandang tanawin, simple, payak at kulay bughaw na  kalangitan  at luntiang bukirin lamang ang makikita dito. 

Maya maya pa dumating na si tita, pagmano, pag-akap at respeto ang aking pambungad na pagbati. May asawa ka na ba? Ayun na. Dun na pumasok sa parteng iyon ang katanungang walang hanggan. "Wala pa po" ang aking tugon. Pagbablush na lang at konting landing mukha ang ipinakita ko sa kanya at buti na lang wala ng follow up questions. Ay meron pala, "ilang taon ka na". Siyempre lagi ko lang sinasabing "trenta" kasi pag niround off yung 34 nasa trenta pa rin yun. Kaya ok na ang tugon na trenta. Never ending story ang sumunod nangyari, magluluto sana siya ng nilagang baboy pero sabi ko na wag na siyang mag-abala dahil mapapagod pa siya at ayoko naman na mapagod pa sila na dahil lang sa akin. "Sa Linggo na lang po kayo magluto pagbisita nila nanay." Sapagkat itong darating na Linggo ang mga tao naman dito sa bahay at mga kapatid ni ermats sa Menela ang bibisita sa kanila. 



Pagdating ng alas diyes y media ay nagpaalam na ako sa kanila at pinadalhan niya ako ng pasalubong na chicharon na isa sa patok  na pagkain at pasalubong sa Bulacan. Crunchy, malinamnam at may laman.Nagpaalam na rin kay tito at  ipinangako sa  kanla na muling babalik at dadalasan ang pagbisita sa kanila. Nag-goodbye na rin sa dalawang tapat na alaga ng haligi  ng tahanan, ang mga friendly fur babies na sila Susie  at Simon. 

Sumakay na ulit ng traysikel pabalik sa kanto at isang matamis na wagayway ang aking inalay sa aking tito at tita na may pangakong ako'y babalik kung saan ang lugar ay tahimik, wala kang iisiping panganib dahil hindi nagtatalo talo ang mga tao, yung may simpleng pamumuhay at kung saan puwede patayin ang bilis ng takbo ng oras at pagod. Masarap din pa lang mawalay sa mundo ng teknolohiya, Internet at social media sa maikling oras. Minsan napapahalagan natin ang ating mga mahal sa buhay kung tatakasan natin ang ating nakagisnan na gawain. Yung walang Facebook, Twitter, Instagram at mga app games na niloloko lang naman tayo. Kahit sa kaunting saglet tumigil ang  mundo ko, nakalimutan ang problema at ang pinakamahalaga ay nakabuo na naman ako ng isang magandang alaala sa istorya ng  buhay ko. Timeless place o pook pahingahan ito ang kailangan ng bawat tao kung saan sa realidad na mundo ay nakakahilo na at nakakasuka nang mamuhay.

Ako'y babalik,

Pangako...

Biyernes, Enero 8, 2016

Singularity: Bakit nga ba Single ka pa rin ngayon? Part 2



'Coz I'm confidently single with a heart'


Noong nakaraang taon Hunyo 2015  nagsulat ako at tinimbang ang sarili. Hindi literal na timbang kung ano na nga ba ang bigat ko. Kung di nagreflect sa sarili at tinanong ang aking kaluluwa kung bakit single pa rin ba ako hanggang ngayon.

Napuna ko na napakatahimik ko kasing nilalang, sa araw-araw "oo", "hindi", "kumain ka na ba?", "para ho", "tanginamo", "ha", "kamusta", "ganda mo", "bayad ho" lang ang aking mga nasasabi sa loob ng bente kwatro oras. Bilang lang sa daliri ng kamay hanggang paa ang mga nailalabas kong salita mula sa aking bibig. Hindi naman maikli ang dila ko at hindi rin naman ako nagdodroga para umikli ang dila ko at walang masabi. Sadyang tahimik lang po talaga ako at napagkakamalang pipi. Siguro kung may miyak lang ako sa pagitan ng labi maiintindihan nila ako na hindi magsalita. Pero hindi rin naman ako ngo-ngo para mahiya magsaad ng aking mga sasabihin. Ayoko lang magsalita ng walang katuturan at walang saysay. Pero kung kakausapin mo naman siguro ako, hindi ako magsasign language sa'yo katulad nung maliit na bilog na may tao sa gilid ng TV sa Kapwa ko Mahal ko na palabas. Ayoko rin naman kasi isipin niyo na galit ako sa mundo o dahil bad breath ako kaya hindi bumubuka ang bibig ko.Pero ang totoo talaga tahimik lang ako kaya siguro kung makakahanap ako ng partner ay gusto ko yung parang talk show host sa TV. Pero wag naman si  Tito Boy Abunda o si Nap Gutierrez. Ang  dapat siguro na para sa akin eh yung mga kasing daldal na katulad nila Toni Gonzaga, Bianca Gonzales, Heart Evangelista at Lolit Sol.....ay move on.

Ang sabi kasi ng karamihan kung hahanap ka ng makakasama mo sa  buhay eh yung magkaiba kayo ng gusto pero hindi niyo pagtatalunan sa halip ay ishashare niyo iyon sa bawat isa. Kung ikaw gusto    mo Milo dapat siya Ovaltine, kung Royal spaghetti dapat ikaw Sunshine spaghetti, kung Colgate ikaw Happee, kung Nilaga dapat Tinola, kung 7-11 ikaw Mini Stop, kung Likas Papaya ikaw Kojik, kung mabango siya dapat ikaw mabaho para ishare niya sa'yo  kung paano naman bumango at turuang maligo araw-araw.

Okay lang maghanap ng kapartner na madaldal, kasi nga masayahin at paniguradong mahahawa ako sa kadaldalan niya di ba? Natutuwa ako sa mga babaeng maraming kwento at  kalog. Op, opp, opps ano yang nasa isip mo na naman? Ang ibig kong sabihin e yung maboka, makulet at yung hindi ka maboboring. Yung maraming jokes sulit na sulit ang buong araw na magkasama kayo kapag maraming nakakatawang usapin. Wala kong pakealam kahit ikwento mo sa akin yung una mong pag-utot, pangungulangot in public places o kahit pa lumobo ang sipon mo sa kakatawa. Patok na patok sa isang katulad ko yun  at hinding hindi ko makakalimutan ang mga ganung topic. Masarap sa isang relasyon ang pagkekengkoyan, hanapan ng kiliti, magpitik bulag sa bubongan sa ilalim ng buwan, tumambay sa dalampasigan at humiga sa  buhangin na tanaw niyo ang milyon-milyong bituin sa gabing mapang-akit. Wala na siguro akong hihilingin pa sa bulalakaw kung sakaling makakatagpo ako ng isang kasintahan na ganito ang trip.

TEETH - "Darating"

Pero wala eh, single pa rin tayo. Kaya uulitin ko ang tanong bakit nga ba single pa rin tayo?

Ang pinakaayaw ko yung umaatend ng mga handaan ng kamag-anak. Kapag nagmano ka sa mga tiyahin, lolo at lola mo ang sasabihin sa'yo: "O. ang  gwapo-gwapo naman ng apo ko ah! Tutoy kelan ka ba mag-aasawa ha?" Yung katulad kong hindi nagsasalita eh, tatahimik lang at ilalabas ko ang   aking pinakamatamis na ngiti sa nagtanong at magbablush. (Talande epeks!) Napagisip-isip  ko rin naman na sigurado namang  hindi ako nag-iisa at marami akong ka-edad na hanggang ngayon ay wala pa rin asawa. Bakit  kaya? At least ako medyo alam ko na ang dahilan para sa sarili ko. Eh ikaw ? Kung single  ka hanggang ngayon, alam mo ba ang dahilan? Tohl, mga bhe 2016 na bakit hindi tayo sumubok at baka  ngayon na ang panahon, panahon ng mga unggoy tayo makahanap  ng  ungg... este ng ating makakapartner o makakarelasyon sa buhay.

Ako ay ipinanganak na.......
ERASERHEADS - "Torpedo"


Ngayon kung di mo alam,  heto marahil ang ilang dahilan.

Baka naman kasi....CAREER ORIENTED ka?

Sige trabaho kung trabaho. Ayos lang overtime to the max. Pero ang sasabihin ko lang sa'yo hindi mo naman mapapangasawa yang "spreadsheet" eh, hindi mo magiging best man ang "powerpoint" at hinding hindi mo magiging ring bearer ang "Microsoft word". Nandoon na  tayo gusto nating ma-promote at makatulong sa pamilya. Understood na yun kasi bread winner ka. Halos taon-taon may promotion ka. Ang saya-saya nga naman. Pero naman bhe, kumustang love life mo? Ni hindi mo man lang naranasang mag blush :(  Wala ka man lang kikay kit o kahit Revlon na pampaganda sa maganda mo rin namang mukha. Ang meron ka lang suklay at ang standard reply mo kapag tinanong ka kung kelan ka mag-aasawa: "Kapag bongacious kasi ang career, zero ang  lovelife!" Asa ka pa bhe! Huwag kame, iba na lang! Tapos nagiging bitter tayo kapag mayroong naglalampungang mag nobya sa harap mo. Awwtsuuu inggit ka noh?

Hmmmnn HOMEBODY KA LANG TALAGA?

Iniisip ko rin na baka nga ganito lang din ako. Tsar! Pero oo lagi lang naman akong nasa bahay, lalabas lang naman ako  ng bahay kapag sumweldo na on or before seven pm. Kapag hindi ako homebody ako yung tipong gala na sarili, lagalag kahit saan. Yun nga lang tatlo ang kasama ko: me, myself and  I. #4r4yk0Bh3

Balik tayo sa'yo, kasi conservative ang family mo? Ayan tuloy naiwan ka na ng panahon. Lumabas ka rin minsan at suminghot naman ng fresh na hangin. Amuy-amuyin ang mga bulaklak sa hardin, magpaulan sa ulan at sumali sa mga foam discoparties. Pumunta ka rin ng malls, magbingo ka. Tumaya sa Jai-Alai. Tumaya sa lotto, malay mo manalo ka at bumili ng maraming boyprend. Subukan mo sumali sa mga organizations. Ay wag lang sa Singles for Christ ha, dahil mas mawawalan ka ng pag-asa  dun. Kaya bhe lumabas ka, life is fresher when you breathe in breathe out   inside and outside  your environment. Lumabas ka lang marami nang nakatambay na tsismosa diyan sa bahay niyo for sure maaaliw ka sa kanilang mga kuwento.

Baka naman mas mataas pa sa Burj Khalifa ang STANDARDS mo?

Patay tayo diyan. Payo lang, bago mo i-set sa sarili mo ang pagiging high standards mo, tingin ka  muna  ng sampung beses sa salamin. Dalawang beses sa umagahan, dalawa sa tanghalian, dalawa sa hapunan, dalawa sa  midnight snack, isa bago matulog at isa sa panaginip (maghanap ng salamin sa panaginip). Kung di ka naman masyadong kagandahan at kaguwapuhan, magdecide ka naman. Kung di maganda at gwapo siyempre ilaban na yan, dahil yan lang ang mukhang meron ka. Ipusta na yan, kaya yan, tiwala lang sa karakas. #puso

Puwede na yung medyo may attitude dahil puwede naman ang kahit na sino magbago. Ipagpray over mo siya gabi-gabi bago kayo matulog. Dasalan mong maigi, ewan ko na lang kung hindi pa magbago yan. Wag maghanap ng mayaman, dahil hindi lahat ng marangyang buhay masaya.  Okay na yung hindi mayaman basta maayos ang trabaho at sapat ang kinikita para mabuhay ang pamilya at masustentuhan ang kinabukasan ng inyong magiging kids. Ang mahalaga pa rin talaga yung makakasundo mo sa araw-araw at hindi magsasawa sa'yo.

Siguro BURARA KA?

Utang na loob bhe, tohl wala naman sigurong itinayong bahay na walang suklay o brush sa loob ng tahanan nila. Make sure naman na kapag lumabas ka ng bahay hindi ka mukhang kagigising lang. Hindi ka pusa o aso na naninigas ang muta sa gilid ng mata nila. Mabuti pa nga sila marunong magtanggal sa pamamagitan ng pagkukusot ng mga paa nila sa kanilang mata. Eh ikaw, ayos na yung ganun? Magsalamin kahit naasiwa sa iyong pagmumukha. Walang masama sa pag aayos, new  year, new me! tsar! Oo, hindi naman siguro masama mag eksperimento sa itsura natin di ba? Maging simpleng fashionista na hindi ka naman gagastos ng ganun kalaki. Kahit hindi ka pogi o maganda ang mahalaga hindi ka amoy imburnal. Alalahanin mo sa sarili mo na hindi ka taong-grasa. Maligo ng maayos kuskusin ang mga kasingit-singitan, gumamit ng sabon na dun ka mahihiyang. Dahil ang pagligo ang isa sa malaking pagbabago ng kaanyuan ng isang tao. At magpagupit ng naaayon sa hugis ng mukha.

O baka, FEELING GENIUS ka!

Ito ang mahirap sa  mga feeling henyo e. Pakiramdam nila isa silang malaking regalo sa mga naghahanap ng kapartner sa buhay. Nakakaturn off kaya ang masyadong mautak. Boring din siguro kung masyadong kang maraming alam hanggang sa hindi na makarelate yung nililigawan mo. Anong paguusap ang ihahain mo sa lamesa tungkol sa siyensiya? Metaphysics? Hydraulics? Chemical reactions of paminta? Thermodyamics? Economics? Gross production rate of Somalia? Napakakorni nun tohl, wag ganun. Ang gusto ng karamihan ay yung masarap kausap go on with the flow     hanggang saan kayo dalhin ng usapan, walang kwentuhang teknikal siyempre ang mahalaga hahaluan mo ng sense of humor para  naman mapatawa mo si girlie. Ang bagong gwapo kasi ngayon ay yung sandamukal ang sense of humour. Pero siyempre  hindi lahat ng babae ganyan. Ang sasabihin ng iba "hindi rin". Okay this is a free country and you have your own opinions. Yan lang naman ang sa akin. Puwede rin ilagay sa lugar ang katalinuhan, kailangan mo lang humanap ng pagkakataon kung kelan mo isisingit.

MASUNGIT KA PA SA PUSANG KABUWANAN?

Oh eto maraming ganito ee, porke't  magaganda at gwapo ay kasusungit. Kung akala mo eh kyut ang pagsusungit, think again. Aba mga bhe, toxic na nga ang life ibabalandra mo pa yung mukha mong nakasimangot. Siguro frustrated principal ka noh?  o di kaya frustrated terror teacher ng Math? Ngiti naman diyan. Hindi naman halos lahat ng nakakasalamuha mo araw araw e may balak na gawing masama sa'yo. Wag na wa g magiging pintasero kung kapintas pintas din naman ang karakas. Teh, hindi ka lioness na laging umaangil kapag kinakausap ka.  Just smile and the whole world smiles at you. I-stretch ang mga labi at ipakita ang mapuputi mong ipen, say chess at  for sure susuwertehin ka na makahanap ng kapartner mo for life.

TORPENG BOYET AT DEADMANG  GIRLIE ka

Tohl alalahanin mo wala tayo sa Europa o Amerika para babae ang manligaw sa'yo. Kung tiyempo ang hinahanap mo, 2016 na tohl tiyempo pa rin? Sabi nga ng  mga payo ng mga bruskong tiyuhin natin, "If you really like someone, go for it. Dapat buo ang loob and make the best of it." Onga naman tapos iiyak iyak ka diyan kapag naunahan ka ng katunggali mo sa pag ibig? 

Kung single lady ka naman at deadma ang dating, then ang tawag sa'yo  numb o walang pakiramdam. Galet sa mundo at nagpapakamanang. Mag mamadre ka ba teh? May nagpaparamdam na nga para ka pa ring mannequin na walang pakiramdam. Matagal pa ang Pasko ulet para hintayin. Wag na mag-antay ng Pasko isang buwan na lang Valentines na. Kaya go for it and entertain him.

KURIPOT KA!

Ayaw mong gumastos sa mga lakad niyo pero nagaaya ka ng date? Mahirap yan tohl. Kung aakyat ka ng ligaw e kailangan mo rin naman siyempre maglabas ng pera. Saan mo siya dadalhin sa first date niyo? Hanggang sa palengke treats mo lang ba siya mapapakaen sa sobrang kakuriputan mo? May mga babaeng gusto rin naman na ganun, pero tohl wag naman sa unang pagkakataon. Gusto mo ikaw lang ang gagamit ng  suweldo pero gusto mong magkaroon ng lovelife? Sige yakapin mo sa gabi ang pera mo, ewan ko lang kung yakapin ka nila pabalik. Sasaya ka niyan!

BEKI KA O TIBO.

Yun lang, may rason ka naman pala. Pero marami pa rin naman sa kanila ang nakakahanap ng matagumpay na relasyon. Wala nga lang kasing same sex marriage sa Pinas.  Puwede ka pa rin naman sumaya kahit single kang bading or tibo. Hanapin ang kasiyahan at ikaw lamang ang makakasolusyon diyan.







NASA GUHIT NA NG PALAD MO MAGING SINGLE FOREVER.

Dala mo na siguro ang weight of the world kung kapalaran mo nang maging single forever. Ito ang pinakamabigat na laban. Baka naman meron kang spiritual insight sa pagkatao mo or sabihin na natin na may calling ka. Naranasan mo na bang magsuot ng abito? Bagay ka bang magpari o mag madre? Bow  your head and kneel down at humingi ng sign kay Lord. Amen!


Pero kung iispin mo tohl ah, ano naman kung single ka di ba? Kung halimbawang sakupin man tayo ng mga aliens at predator eh wala kang aalahanin na asawa o anak at kaya mong iligtas ang sarili  mo ng wala kang iniisip. Hindi naman sa pagiging makasarili mga bhe, yun lang siguro ang advantage ng pagiging single. Kung single ka solve solve ka na sa 100 pesos sa isang araw at mabubusog mo na ang sarili mo, makakakain ka pa rin sa Jollibee ng 1 or 2  pc burger steak with 3 shanghai rolls di ba? Pero ang tanong ang mga single ba na namatay ipinapatapon ng langit sa impiyerno kasi sabi ng Panginoon di ba, "Huma yo kayo at magpakarami." Baka naman nasuway natin siya? Pero siguro sa panahon ngayon yung hindi na nagfafamily planning  yung napapatapon sa dagt dagatang apoy kasi naman hindi na nila nasusustensiyahan yung mga anak nila, anakan pa rin sila ng anakan. Baka yun ang ireason ko kay San Pedro kapag namatay akong single. Na dapat papasukin niyo po ako sa langit dahil  hindi na po ako nagdagdag ng lahi ko sa lupa dahil punong puno na po ang Earth ng tao kaya po minarapat ko na lang maging single habambuhay. 

Pero siyempre kung uukol, bubukol. Baka naman ipapanganak pa lang yung para sa'yo? Ano ka Madam Auring?  Chiz Escudero? Haha! Kung para sayo talaga yan, darating yan.

IN THE MEAN TIME, BE HAPPY. MASARAP PA RIN MABUHAY!