Biyernes, Disyembre 21, 2018

Yesterday Once More: Ang Pasko Noon at Ngayon

'Ang Pasko Noon at Ngayon sa Pilipinas'


Lumipas ang napakaraming taon marami ng mga pangyayari ang nagpabago sa buhay ng tao. Dala ito marahil ng patuloy na pag unlad ng lahat ng mga bagay sa ating kapaligiran.

Noon sulat lamang at wired telephone ang komunikasyon. Namimis mo ba si mamang kartero na isinisigaw ang apelyido mo sa tuwing may sulat kang dumating? Nakakamis din ang teleponong paikot mong ididial ang phone number na gusto mong tawagan. Pero ngayon bukod sa maari mo ng dalhin kahit saan ang tinatawag na cellular phone eh pwede ka pang mag-send ng mensahe o text messages.

Masarap na ring manood ngayon ng mga palabas sa telebisyon dahil puro high defnition na ang mga flat screen TV set na ating mabibili sa mga appliance store. Naalala ko noon yung TV namin na de pokpok kapag ayaw lumabas ang pictures sa TV frame at kapag panay linya lang ng alon ang makikita sa isang pokpok lang eh aayos na bukod pa sa black and white ang TV namin at de antenna pa. Gayundin sa mga sine at maging ang dating tinitipang mga makinilya o typewriter ngayon ay isang pindot mo na lang sa computer ay madali na ang komunikasyon. Lahat halos ng ating mga lumang teknolohiya ay nabago na, naging komersiyalismo na ika nga.

Maging ang selebrasyon natin ng Kapaskuhan na siyang nakamulatan nating araw ng kapanganakan ng dakilang manunubos na si Hesukristo ay naimpluwensiyahan na rin ng bagong mundo ng siyensiya, dahil parang isa na lamang itong ordinaryong selebrasyon, na bagamat naroon pa ang kasayahan ay tila ba parang wala ang dating tunay at ganap na diwa ng ating pagdiriwang na lilipas din pagkaraan ng maghapon.

The Carpenters - 'Yesterday Once More'

Dati, may mga nakikita tayong parol na nakasabiy sa mga bahay-bahay na mayroon pang mga kumukutikutitap na mga ilaw at Christmas tree, pero ngayon iilan na lamang ang mayroon nito. Madalang na rin ang mga batang nangangaroling na siyang tradisyon sa lahat halos ng panig ng mundo na naniniwala sa Kristiyanismo.

Naging tradisyon na sa mga Pilipino ang magdaos ng isang selebrasyon tuwing sasapit ang araw ng kapanganakan ng Panginoong Hesukristo. Hindi mawawala ang makukulay na kalsada, palamuti sa labas at loob ng bawat tahanan, mga handang pagkain para pagsaluhan ng pamilya. May iba't-ibang paraan ang bawat pamilyang Pilipino sa pagsalubong sa kaarawan ng Diyos. Ang iba'y nasa simbahan upang magpasalamat sa handog na ligaya at kaligtasan para sa kanilang pamilya, mayroon din namang mga pamilyang nagpupunta sa iba't-ibang lugar upang doon magdaos ng Pasko ay mayroon din pamilyang nasa kani-kanilang tahanan lamang na sabay sabay nagsasalu-salo sa hapagkainan at masayang nagbubukas ng ga regalo para sa bawat isa.

Sa aming pamilya noong dekada nobenta at nasa iisang tahanan pa ang bawat kamag-anak ay isang maligayang pasko ang laging bida. Hindi maaaring mawawala ang piniritong manok, ham at keso de bola sa la mesa at halu-halong putaheng pagsasaluhan naming magkakapamilya para sa Noche Buena. At kaysarap bilang musmos pa ay ikaw ang taga tikim sa tuwing may matatapos na putahe. Ang saya tignan ng may nag-iihaw, may nagpiprito, may nagpapaikot ng lechon, may nagagayat ng mga rekado para sa bawat ulam na niluluto habang kayong mga kabataan ay punung puno ng galak at laro habang  hinihintay ang gabi para salubungin ang Kapaskuhan at siyempre excited ka para buksan ang regalo mo. At pagdating ng Noche Buena mapapagod ang panga ng bawat isa hindi lamang dahil sa walang tigil na kain kun'di pati na rin sa walang katapousang kuwentuhan ng pamilya na tila hindi nauubusan ng mga bagay na pupuwedeng pag-usapan at kawilihan. Kuwentuhan dito, kuwentuhan diyan. Kain dito, kain doon. Kain mul kasabay ng walang tigil na kuwentuhan, ngunit titigil kapag bukasan na ng regalong makikita sa ilalim ng Christmas tree sa tahanan. Makikita ang ngiti ng bawat isa, habang isa isa na nilang binubuksan ang mga regalong natanggap nila. Sa mga ganitong pagkakataon masayang makatanggap ng mga materyal na bagay kahit pa anong presyo nio, maliit man o malaki dahil hindi lang ito isang bagay o gamit na iniregalo sa bawat isa; ito'y mga regalong mula sa puso dahil gusto ka nilang mapasaya.

The Carpenters - 'Merry Christmas Darling'

Fast forward. Pagdaan ng maraming taon, hindi na pala ako bata. Mahigit dalawampung taon na rin pala ang nakalipas noong huli kong maranasan ang ganiyang klaseng selebrasyon ng pasko sa aming tahanan. Noong ako'y bata pa, lahat ng pagkain sa lamesa ay unti-unti kong titikman lalo na ang paborito kong fried chicken ni Nanay. Pagkatapos ay makikipagkulitan sa mga pinsan at kapatid na kapwa ko kabataan, na tila walang katapusan ang tawanan at tila susulitin ang mga oras na kami'y magkakasama dahil pagkatapos ng Kapaskuhan, hindi na muli kami pupwedeng maglaro at magkuwentuhan na aabot ng madaling-araw. Pero ang pinakapaborito kong pa rte ng Pasko noong ako'y musmos pa ay 'yung bukasan ng regalo dahil tiyak kong kung hindi mga bagong kasuotan ang matatanggap ko, mga bagong laruan ang makikita ko pagkatapos kong pilasin ang balot ng mga regalo. Galak, tuwa, saya. Iyan ang aking nadarama noon tuwing Pasko.

Dahil ngayon, wala na gaanong masasarap na pagkain sa lamesa. Hindi na rin buo ang pamilya sa hapagkainan, kahit pa sa pagsalubong sa Kapaskuhan. Ngayon, wala na rin ang pinakapaborito kong parte ng kapaskuhan noong ako'y bata pa dahil wala na rin ang mga regalo sa ilalim ng Christmas Tree na tila lumisan na rin ang aming Santa Claus para mag-iwan pa ng mga regalo rito. Lungkot, sakit at luha. Iyan na ngayon ang nadarama ng karamihan sa tuwing sasapit ang Pasko.


Lunes, Setyembre 3, 2018

Nostalgic Brownouts: Power Crisis in the 90s

'Noon dekada nobenta nakakaranas ang buong bansa ng halos 4-8 oras na rotating brownout'


Summer, 1992

Dito sa aking kinauupuan ngayon kung maaari lamang sa isang pitik ng aking mga daliri ay magbabago ang atmosphere at maibabalik ko ang panahon ng dekada nobenta ay gagawin ko kahit pa sa panahon nag nagkukulang ng supply ng kuryente ang buong Pilipinas. Pero kung mangyayari yun baka hindi ko matapos ang blog post na ito dahil mawawalan nga ng kuryente.

Mga bandang alas siyete ng gabi:

"Nyaaay! Pota bran awt nanaman! Gabi-gabi no'n ay brownout, minsan bago mag-tanghali mamamatay na ang kuryente babalik ng alas-kuwatro o alas singko. Kapag gabi naman nawalan asahan mo umaga na babalik ang supply ng kuryente. Black out daw ang tawag kung sobrang tagal at sobrang laki ng sakop ng perwisyo. Para sa batang kalyeng tulad ko, walang pinagkaiba yun. Nakaka-iritang isipin na tumutulo ang iyong pawis at walang elektrik fan na sasagip sayo. Isa pa sa nakakairita eh yung lagi kang pagsasabihan ng Nanay mo na maglagay ng bimpo sa likuran mo para sipsipin ang pawis eh maya-maya naman ay nahuhulog ang panapin na iyon sa likod.

Bagama't tunay ngang nakakaperwisyo ang ganitong sitwasyon ay meron pa ding mga masasarap na ala-ala ang brownout days. Ating alamin ika nga ni Ka Gerry Geronimo.

1. Dahil sa brownout ay natutunan kong pwede palang idaan ang iyong daliri sa apoy ng kandila nang hindi ka napapaso. Puwede mo itong ipampasikat sa inyong mga batang pamangkin. Siguraduhin mo lang na naka-ready ang mga timba, tubig at ang mga kapitbahay niyo para sa sunog na parating.

"O-haaa.. O... O-ha... galeng no...panis!"

2. Dahil sa brownout ay muling nagbalik ang mga masasarap na laro sa dilim tulad ng taguan, cops and robbers at shempre pa ang klasik na bahay-bahayan sa gabi...hmmm (figurative meaning ng "maglaro ng apoy?")

3. Ang hirap matulog kapag brownout! Mas bwiset pa ito kesa sa Pritos Ring na hindi magkasya sa daliri!! Balat-kalabaw kasi ako kaya pag walang elektrik fan eh unti-unti akong natutunaw sa init at nagpapanic na ako dahil baka hikain ako. Pero huwag mag-alala! May teknik akong alam diyan. Habang nakahiga ka sa kama ay ilagay mo ang iyong kamay sa ilalim ng unan mo dahil sigurado ay mayroon itong naiwang lamig. Ohaa di niyo alam yun noh? Kapag nawala na ang lamig nito ay baligtarin mo lang ang unan at tandaan! Presko na ulit sa kamay!

4. Generator - sa bawat pitumpung madidilim na bahay ay mayroong isang maliwanag na bahay na naka-generator. Vrrrrrrrrr....pugak...pugak... vrrrrrr!!!! Wow ang liwanag ng bahay eh di kayo na.

5. Lamok. Ang panahon na ito ay ang panahon ng piyesta ng mga lamok na 'yan. Halos maligo ako ng Caladryl tuwing brownout dahil andami kong kagat ng lamok.

Naalala ko naglalaro kame ng mga kasama kong batang kalye ng Streetfighter. Sonic boom!! Hadoukeeen! "Oh ako na susunod na  titira ha" Hadu.............."Pucha bran awt na naman hindi umabot yung panira ko. Kuhanan na ng kanya-kanyang tsinelas yan at takbuhan na palabas ng bahay. Hasel talaga ang brownout pero hindi kame patatalo nuon at makakapag-isip pa rin ng pangontra sa hasel na 'to.

6. Taguan - magdasal ka na, na sana hindi ikaw ang maging taya sa pompyang niyo. Dahil kapag nataya ka, malamang burot ka na. Sa dilim ba naman ng paligid kapag brownout e malamang malulusutan ka palagi ay makakapag-base sila. Sa sobrang dilim eh mali ka pa ng mabu-bung kaya wala ka talagang pag-asang makataya. Kelangan mo mag-isip ng ibang gawin na lang na masaya at mahihikayat mo ang buong tropa para lang makaalis ka sa pagiging burot. Ang isang istayl e mag-aya ka lang ng...

7. Kwentuhang nakakatakot - dito bangka ang mga lider o kaya ang pnakamatanda sa grupo. Kailangang umihi ka na bago magsimula ang kwentuhan dahil  kapag nagumpisa na at nailahad na ang lahat ng kwentong katatakutan eh magpapasama ka pang umihi dahil namuo na sa imahinasyon mo ang mga kababalaghan. Katakot takot lamang na pang-aasar ng mga kaibigan mo ang mangyayari sayo. Dito uupo kayo ng pabilog at magsisimula na ang kwento. Katulad doon sa opening ng paborito kong palabas tuwing Biyernes ang "Are You Afraid of the Dark". Habang tumatagal ang kwento e unti-unti na rin kayong nagsisiksikan at natatakot na. "Nung pagtingin ko sa likod ko ay bigla kong may nakitang...multooo!!!. Yan palagi ang nagiging ending ng kwento. Dahan-dahan sasabihin ang linya tapos manggugulat sa huli. Yan ang palaging istayl sa pagkwento ng nakakatakot at epektib naman saming mga bata dahil nagugulat talaga kami.

Yano - 'Kaka'


Hindi lang naman mga batang kalye ang lumalabas. Special mention rin ang mga nanay. Pagkakataon nila ito para ma-update sila sa mga bagong tsismis sa lugar. Parang CNN na naman sila nsa mga tsismis at balitang pinaguusapan nila. Kahit sa kabilang baranggay ay animo'y may mga radar at alam nila ang mga nangyayari. Jusko pati ang latest kila  Juday at Wowie. Kung sino ang mga naghiwalay n amag-asawa, sino ang naputulan ng kuryente, sino ang drug addict, sino ang maraming utang na hindi pa nakakabayad at kung anu-ano pa. Walang makakalusot sa tsismisan ng mga nanay. Fiesta tsismis talaga kapag brownout kahit nilalamok.

Regal Presents na, tuwing Lunes yan eh pagkatapos ng TV Patrol. Tapos na ring maghapunan at nakahanda naman ang Snacku na binili ko kila Aling Meding. Automatic ko 'yung kakainin habang nakasalukbaba sa kakanood ng isa sa mga paborito kong palabas sa TV. Minsan kasi horror movie ang ipinalalabas sa Regal Presents na karaniwang and direktor ng palabas ay si Mother Lily.

"Ay anak ng animal!" sambit ng magaling na nanay. Ika-20 sunod na gabi niya na 'yang sinasabi (araw-araw na-s-surprise e noh?).

Lintik na bran awt. Wala na namang ilaw. Mainit na naman. Matagal na hintayan nanaman bago ko ulit maramdaman ang ihip ng ganging nagmumula sa aming lumang elektrik fan. Noon kasi tumatagal ang brownout ng mahigit 4 hanggang 8 oras.

Grade 3 ako noon. Gabi-gabi nalang namamatayan ng ilaw ang Kamaynilaan at paulit-ulit kong nararamdaman ang pagkapikon. Pano ko napapanood ang Baywatch and Doogie Houser MD? Talagang hindi pinroblema ang pag-aaral sa gabi ee.

Ang mga grupo ng tao, kadalasan, nasa tapat ng mga bahay nila. O nasa tindahan. O nasa loob ng dyip. Paulit-ulit na kuwentuhang hindi nakakasawa gabi-gabi. Haaayyyy....

Minsan kapag tinamaan ka talaga ng kamalasan e madadatnan ka pa ng ulan. Aba, ilabas na ang baraha! Kandila lang ang katapat at ready na ang pekwa, pusoy-dos, ungguy-ungguyan, at ang pinakasikat 1-2-3 pass! Kundi dahil sa brawn out, hindi sana ako natuto sa sugal.

Ang pinakahasel sa parte ng gabi-ang pagtulog. Automatic ko nang kukunin ang pamaypay naming kulay dilaw para ipaypay sa sarili ko habang natutulog sa loob ng kulambo. Swerte naman at minsan e may battery ang aming radyo at nakakapakinig ako ng mga sikat na programa sa AM stations.

Kaya noon kahit brawn out masaya naman dahil sa mga kwentuhan at mga laro. Sa panahon kasi ngayon mag brawn out man sa gabi mas pipiliin mo na lang magpaypay at mag-stay sa loob ng bahay dahil napaka-delikado na tumigil ngayon sa labas hindi katulad dati kahit dis-oras ng gabi malayang nakakapagpahangin ang tao sa daan at walang humpay ang tawanan at kuwentuhan hanggang magkaroon ng kuryente.

Ang pinapaka-paborito kong parte kapag nagkaroon na ng kuryente ay unahan kaming magpipinsan na hipan ang kandila at sabay sabay na maghihiyawan ang mga kapitbahay bilang hudyat na nagbalik na ang supply ng kuryente ng Meralco.

Sabado, Setyembre 1, 2018

Manigong Bagong Edad

'Sa dami na ng kandila buong taon para nang alayan ng kandila sa simbahan'

Birthday.
Ito ang nag-iisang araw sa kalendaryo na puwede mong akuin na sa iyo. Araw mo. Ito yung araw na una mong nasilayan ang liwanag sa mundong ibabaw. Ito yung araw na pinagmumura ng nanay mo ang tatay mo sa hospital dahil sa hirap mong iere dahil bata ka palang ay malaki na ang ulo mo.
Araw ng kapanganakan, birthday, natal day, kaarawan. I will celebrate mine this Saturday 18th of August kaya ko naisipang sumulat tungkol dito. Well, yearly ako gumagawa ng post about my born day to thank friends and families for their special greetings which I really appreciate. Being in 36 years of age is one hell of a ride. Siguro ito na nga yung pinaka-memorable. It's a death thrill. Ang dami kong first time experience, a not so good experience but I'm still blessed because God allowed me to still live. From here allow me to tell you a story. It's 2016 when I was diagnosed that I have a heart condition and sa una ang nararamdaman ko talaga is ang hirap tanggapin and I begin to question myself "hala bakit ako, ba't ako pa?", it's hard to accept kasi I am not a smoker nor a liquor drinker and I've been hated by some of my friends nga siguro kasi hindi talaga ako sumasama kung magyayaya sila ng happy drinking hour. The fact is, even if I gain 73 kilos, I am more of an athletic guy. I use to spend my time strolling with my bicycle while feeding strays at dawn every rest days of my work at a BPO company. I even use to play basketball every morning. Having a heart condition makes your movement limited it's because the blood that use to circulate the body was unable to supply the blood flow from the heart that makes you get easily tired and have a shortness in breathing. The doctors said that I have a clog in three arteries, a plaque that blocks the blood flow. The one artery had an 80% clogged and they recommend me to have an open heart surgery (bypass surgery) hopefully by the end of the year. The dawn of May 19, 2018 akala ko biyaheng langit/impiyerno na ako. My shift is 4pm to 1am that time. When I got home I decided to have a little snack before I go to sleep. I'm watching a basketball game in YouTube (pampaantok), suddenly I felt sharp pains on my chest. I've been battling the pain for 2 hours hoping that I can still revive it and I don't want to wake up anyone from the house. The situation comes when I really having a hard time to breathe and at that moment I decided to get some help. My mother rush outside and look for a nearest trike. I went outside and luckily with a strong determination that I can get by to the hospital I was able to walk despite of the difficulty of breathing. I was taken to MCI hospital and admitted for one week. After 3 days in the hospital I was scared kasi nakaramdam ako ulet and there was a sharp sharp pain in the middle of my chest. My body curls in the agony of pain and my sister and niece don't know what to do. They called a nurse but the nurse told them that they need to call my doctor over the phone to instruct what to do. Luckily, the pain slowly go away after 5 to 8 minutes of battling. At that very night my doctor came, visited me and said that I must go through "Andiogram" operation. Morning comes and I was taken out from MCI, and taena first time ko nga na ma-admit sa hospital at pinakaunang beses din ako makasakay sa ambulansiya to transfer naman to Perpetual Help Hospital in Las Pinas kung saan duon gagawin yung operation. Kahit nakahiga ako at dinadala sa operation room sabi ko "shet, ang gaganda naman ng nurse dito." I was taken to a side room. My doctor's team prepared me for the operation. A device same like from the electro cardio gram has been connected to my chest and there was also an automatic blood pressure monitor strap in my shoulder. Maya-maya sabi nung gay na nurse (not judging, but I think he is) I have to remove my underwear. Fuck! sabi ko why, lol! Eh ilang araw na ko walang goli at tsaka naman kapag hinubad ko talaga yun tangina manamis names! Ganun pala yun may small catheter na ipapasok sa skin it's either in the singit or sa wrist. Doc decided sa singit, haha so they need to shave the jungle within. So, ayun pumikit na lang ako sa kahihiyan and let them finish what they're doing. Despite of my condition, siyempre wag nating tatangalin sa kukote natin na maikli lang ang buhay and our goal pa rin is to be happy. With the support of my family and friends nanduon yung spiritual cure and you feel that you are not neglected. I never question God "why". I believe that God gives his toughest battles to His strongest soldiers. ... but He supplies His strength and power to us to help us overcome those trials." Sabi nga ng Neo Colours sa isang awitin "Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko". Naks!

Within Temptation - 'Memories'

Tatlong bagay lang naman ang pwede mong gawin kapag sumapit ang iyong kaarawan. Magdiwang, magmukmok o dedmahin ito.
Sa ayaw man at sa gusto, ang ating kaarawan ay isang mabisang paalala sa mga kapalpakan o achievements natin sa buhay. Nakakalungkot nga namang isipin na isang taon na naman ang madaragdag sa edad na ilalagay mo sa iyong resume pero wala ka namang maidagdag sa listahan ng mga accomplishments mo. Madadagdagan na naman ang edad mo pero ang timbang mo di pa rin nababawasan at ang pangarap mong healthy at sexy figure ay produkto pa rin ng iyong ambisyosang imahinasyon.

Ngunit ano nga ba ang dapat ipagdiwang? Naalala lang ng mga tao ang birthday mo dahil sa libreng notification ni Facebook. Sinubukan mo na ring minsan na magdeactivate ng Facebook bago ang iyong birthday upang tignan kung sino talaga ang mga totoo mong kaibigan na makakaalala ng kaarawan mo, pero epic fail din ang social experiment mo kasi si Jobstreet lang at ang paborito mong porn site ang bumati sayo sa birthday mo. Na-miss mo tuloy na mag-like at magcomment sa mga birthday greetings na dati ay bumabaha sa wall mo sa tuwing sumasapit ang iyong araw ng kapanganakan.

Sa kabaligtaran, kung may magagandang nangyayari sa buhay mo, you have all the reasons to celebrate. Datapuwat, subalit para sa iba dedma lang. Ang araw na ito ay lilipas din. Isa lang itong ordinaryong araw na may 24 oras, 1,440 minuto at 18,600 segundo. Hindi nga naman hihinto ang pag-inog ng mundo dahil birthday mo. Hindi maiibsan ang traffic at hindi malulutas ang mga problema ng lipunan dahil birthday mo. Huwag ka ring mag-ambisyon na dahil birthday mo ay magkaka-zero crime rate sa bansa.
At the end of the day, kaarawan mo ito. You can spend it any way you want it. Pero para sa akin, ang kaarawan ay isang araw na dapat ipagpasalamat. Hindi man lahat ng nangyayari sa buhay natin ay naaayon sa ating mga plano, ang kaarawan natin ay isang paalala na biniyayaan tayo ng oras upang maisakatuparan ang mgagusto nating gawin sa buhay at makasama ang mga taong mahal natin at mahalaga sa atin. Isang taon na naman ang lumipas ngunit eto nakatayo pa rin tayo at hindi sumusuko sa mga hamong dumarating sa ating buhay.
Wala ka mang natanggap na regalo mula sa mga mahal mo sa buhay, wag mong balewalain ang pinakamalaking regalo na natanggap mo. Buhay ka pa at iyon ang mahalaga.

Maraming salamat po Lord sa sapat na handa. Wala ring programa para ipagdiwang ang birthday ko. Ganon pa man, kahit siguro sa pinakasimpleng dahilan ay naging makabuluhan ang araw na ito para sa akin. Naging masaya ang aking kaarawan dahil sa mga bumati sa akin sa pamamagitan ng text, tawag, twitter at siyempre sa Facebook. At sa mga nakalimot kahit matagal ko na silang kaibigan at kakilala eh siyempre I love you pa din.
At muli kagaya ng mga nakaraang blog post ko sa tuwing sasapit ang aking kaarawan. Ako'y galak at minarapat na ipangalandakan lahat ng pangalan ng mga bumati sa akin. Hahaha! At may celebrity pa at mga taong kilala sa gaming at modeling. Naks! Maraming maraming salamat po sa inyo: Nanay ko siyempre Jessica - utol ko at nagsponsor ng cake Titas of Manila Pinsans of Paranaque Si Coco (aso ko)
Nhel Muniz-Buraga
14 cats (too many names to mention) Ate Ladee Villareal Princess Danna Yassi Jrn Joy Nino Sarmiento Vaughn Mendoza Joann Pamute TL Karen Tarriela TL Phi Castillo Donna Elzee Vintola Lei Mocorro Rhonz Alarcon Kathleen Siahay Gina Garcia TL Kristine Joie Jerome Ocampo Si Earn Von Ortega Greg Del Rosario Prof Harold Aquino Sir Jason Madamba (adviser/teacher ko sa Physics, high school) Apple Figueroa Rain Ambre Cathleen De Ere
Dev Gerson Palacio (aka Dalisay)
Jhoan Santarin Zira Pagar - insan Ella Raymond Cajife April Crystal Sapphire Martinez Teacher Abegail Manalastas Belle Osorio Jacquelyn Gozum Alyssa Kristie Roperez Nica De Castro Teacher Jorene Abagon Melody Payopay Zhen Ortega Joshua Calianga Angelica Gabriel Refeoj Alc Joy Ochoco Kyle Cristobal Noreen Rodriguez Jobelle Ongonion Ace Gara Jeffrey Tejuco (NSD diehard) TL Jaq Clement Layca Gatmaitan Amhille Mhille
Lilah Skirts
Celine Cavero Ohoy (mis ko mga tsika mo) Tonee Amora Robles Gerald Sasis Francis Saria (conyo name "Inyaki") Whena Caimol Kathrina Celynne Sir/Pastor Alexander Natcher Brian Semilla Marielle Dela Cruz - Atienza Warrock Elizalde (another NSD die hard) Sir Joseph Verdida Jherlene Ramos Elvin Manuel Maria Camille Go (edit queen) Karla Patrisha Quebec Roi Marvin Dih Ambagan Cyr Al Sayo Jelay Lingo Arjay Legaspi Abbytot Remulla Yuri Bells Jayson Baculod
Jacqueline Gayoso
Paul Gabriel Ong Mark Russell Villaluz Angel Samorin Paula Maricris Anacay John Dove Reyes June Alvarez Jhec Villanueva Novilyn Dizon Eric Santia Sherie Gabrino Sir Marvin Carandang Ate Sabrina Cuenca Ivan Ilano Alyssa De Guzman Kuya Jay Corral Duane Escoton
John Carlo Miranda

Emily Bloom (adult sexy model)
GRP/gllty (Pro Street Fighter player @teamGRPHT)
Rufa Mae Quinto



Huwebes, Hulyo 5, 2018

Superpowers



Ako ay isang hero. Herodes. Tagapagligtas ng mga nayayamot naaapi.

Joke lang. Ito ang kagaguhang ginagawa ko kapag ako'y walang magawa. Kagaya ngayong panahon na tambay lang muna. Tangina, kasama na pala ko sa mga maaaring hulihin. Wag naman sana pero isasampal ko sa kanila ang medikal sertipikeyt ko kapag nagkataon. Ako'y nagmumuni-muni lang lamang sa aking sarili at pinapangarap na ako'y isang nilalang na maraming superpowers.

Napaka ordinaryo lang naman kasi ng layp ko. Walang excitement. Kung ihahambing ako sa mga maaaring sakayan sa karnabal ay malayong malayo ako sa tayog at thrills at excitement ng roller coaster ang buhay ko'y isa lamang tren, yung tren sa SM na nagiikot lamang sa mall  maghapon. Boring at walang excitement. Kung hindi ako nakatunganga sa kawalan, malimit binibilang ko ang kalyo sa aking kamay o di kaya ay kinakagat ang aking kuko. Kaya naisip ko, ang angas ko siguro kung meron me na kakaibang lakas. Lakas na pagnanasaan kaiingitan ng lahat.

Pero hindi e. Kapal lang ng mukha meron ako.

Sino ba naman ang hindi nangangarap ng gising ngayon sa hirap ng buhay sa bayan ni Juan? Ang haba kaya ng pila sa mga lotto station. Kahit alam kong milyon ang posibilidad na makuha ang winning combination, nakikipila na rin ako. Na kalimitan ay isang numero lang ang nakukuha ko. Sayang ang sampung piso o kung minsan beinte. Pang text text na rin  yun sa mga pakontes sa TV at pang load para magka data ako sa Internet o kung minsan pang boto sa Tawang ng Tanghalan.

Actually hindi naman talaga ko nangangarap ng mala superman na superpowers, hindi bagay sa akin wala akong super hero appeal at hindi bagay sa aking magsuot ng kapa. Ang gusto ko lang talaga ay mapababa ang presyo ng gasolina. Katulad sa kasalukuyan na nagtaas na naman ng dagdag na piso sa pamasahe. Baka makita natin na nagpaparkour na lang ang mga kababayan natin papasok sa trabaho. Magulat ka naka-heels, naka tuxedo nagpaparkour. Astig din naman.

                                       Foo Fighters - My Hero



Ang pinakagusto ko rin talaga ay magkaroon ng kakaibang laser vision. Para makita ko kayong lahat na na hubad habang naglalakad.Para mapasok ko maging ang kukote ng masasamang tao at maisuplong kaagad ang maitim nilang mga binabalak. Para makita ko kaagad kung sino ang may dalang armas, patalim, ice pick, yung mga kamay na itinatago sa loob ng dyip (nagjajackol na pala) ,droga pati na rin condom.

Pero kung gusto mo ng walang halong kalokohang sagot gusto yung power to turn back time. Yung time na hindi pa gaano nilalamon ang lahat ng social media. Yung tamang pa yahoo yahoo messenger lang tapos mamimilit ka buksan yung video niya. Yung time na ang kabataan ay mananatiling kabataan, may respeto sa sarili at higit sa lahat sa nakakatanda. Tutok sa payo ng mga magulang, takot sa magulang. Parang ngayon kasi magulang na ang takot sa anak. Takot na ang aso sa pusa, takot na ang pusa sa daga. Nag-aaral ng mabuti upang magkaroon ng kaalam para makatulong sa pamilya at hindi nagsasayaw ng boom boom at humugot na may kasama nang visual aids. Anlala na ee. Kahit ganyan lang ang maibalik ayos na yun. 

Pero wala e. Kapal lang ng mukha ang meron ako. Tsaka mga kalyo at mga kukong hindi pantay ang pagkakakagat.

Ganito lang talaga ako. Isang tao na pilit nagpapaka hero.

O isang hero na pilit nagpapaka gago ordinaryo.


Linggo, Hulyo 1, 2018

High School Memories: Recitation

'Our  lesson for today is about the parts of the reproductive system'


Kamusta na mga batang uhugin ng dekada nobenta? Uhugin pa rin ba kayo after all these years? Pagod na ba kayo kakaaral at kakatrabaho? Sawa na ba ako tawagin ang pangalan ko at ma-call out gabi gabi? Nahahassle ka na ba sa trabaho mo? Iniisip mo bang palaging may lalabas na serbidora ng kape sa ceiling ng mga kuwadra-kuwadradong styropor sa floor tuwing magsasalita yung babae sa mikropono na "Good morning, deliveroo?" Kung sagad na sa pagoda, sige recess muna. May pag-uusapan tayo ngayon. Doon muna tayo tatambay sa mga classrooms niyo. Pikit ang mga mata at tayo'y bibiyahe 25 years pabalik sa upuan mong kahoy na may kasamang arm chair. I-set nating ang oras 8:30 ng umaga, alas dos ng hapon, o kahit anong patay na oras. Ano nga bang meron sa klasrum ng ganitong mga oras?

Titser: Our lesson for today is about the parts of the reproductive system.

(sabay taas ng kamay si Carlos)

Titser: Yes Carlos?

Carlos: Tite!

Buong klase: *Hagalpakan sa tawat't halakhakan at yung iba lumolobo pa ang ilong sa kakatawa*

Titser: (80% galit) Bastos kang bata ka ha at may tinanong na ba ako ha?

Carlos: Eh, mam sorry po pero kasama naman po talaga ang tite sa reproductive organ.

*TAWANAN NA PANGMALAKASAN*

Titser: Aba't nagdadahilan ka pa talaga? Gusto mong bisitahin ang principal? Tama ka pero hindi Filipino ang subject natin.

Sori, pero kapag alam mo na talaga yung paksa talagang gaganahan kang mag-recite eh lalo na alam mong kakatawanan at katotohanan yung isasagot mo. Ginawang takdang-aralin pero kinabisado mo na kinagabihan pa lang. Anyway, mabalik tayo. Iba-iba ang strategies ng mga estudyante tuwing recitation. Syempre kapag nerd ka o nagtatalinutalinuhan ka e mag-aaral ka na in advance para epektib ang pagpapasiklab mo. Kung row 4 ka naman eh hindi na kailangan ng aklat o notebook. Tuloy-tuloy lang ang paglalaro ng pogs sa labas kahit pa alam mong pag-iinitan ka ng titser mo kinabukasan.

Titser: O ikaw Kit (kahit hindi nagtaas ng kamay), magbigay ka nga ng kahit isang part of the Reproductive system?

(mabagal na tatayo si Kit,  lilinga-linga sa mga katabi habang ang iba naman ay nagpipigil na ng tawa)

Kit: Ah, eh, etits po! (sabay ngiti)

Titser: Magsilabas nga kayong dalawa! Labas! Nangongopya ka lang ng sagot sa kaibigan mo at hindi talaga mapigilan yang mga bibig niyo!

Kit: (nangatwiran pa) E ma'am hindi ko naman itinuring na kaibigan 'yan e.

*Tawanang pangmalakasan ang buong klase*

Titser: AYAN SIGE TUWANG TUWA KAYO SA KALOKOHAN NG MGA KAKLASE NIYO. TUMAYO KAYONG LAHAT!!! REMAIN STANDING! WALANG UUPO!!

NAGWALK OUT SI MA'M!

Green Day - "Good Riddance"

Ang sarap ng ganitong memories. Talagang itatago mo ang tawa mo para hindi ka mahuli ng titser. Mahirap din kapag masyadong seryoso sa klasrum. Kaya ginawa ang mga taong row 4 para bigyan ng kulay ang gawain natin, tulad na nga kapag recitation.

May mga pagakakataon namang halos magiba na ang klasrum sa 2nd floor dahil sa dami ng nagtataas ng kamay. May mga ibang magtatampo pa nga dahil hindi sila tinatawag para mag-recite. Kasama din ang pagkalabog ng paa, at sumisigaw pa ng "Ma'am ma'am ma'am!" "Sir sir sir!!" Halos lahat sila e naka-ulraman-raise-my-hand-stance. Kapag may tinawag sa wakas ang titser e may hihirit pa ng, "Tsk!" akala mo nalugi sa pustahan e.

Sino nga ba ang hindi nakaranas ng matinding suspense at thriller kapag Math na nag subject? Kapag multiplication table of 7 e talaga nga namang hindi mo alam ang gagawin mo para hindi kabahan. Magtatanong ang titser mo sabay tawag sa kahit sinong estudyanteng trip niyang tawagin. Kaya noon gamit na gamit ang notebook namin e, actually nagpalit ako ng notebuk noon, pinalitan ko si Jolina Magdangal covered notebook ko sa Math ng may multiplication table sa likod. Sorry na Jolina, kailangan ee. Paminsan naman ay magtatawag siya ng isang lalake at babae sabay patatayuin sila sa may aisle sa bandang likod para sa isang contest. Maglalabas siya ng mga flash card at paunahan kayong dalawa sa pagsagot. Isang tamang sagot = isang hakbang pasulong. Ang matalo, sira ang pride.

Sino ba naman batang kalye ang hindi nagkamot ng ulo sa klasrum kapag tinawag na ng guro?

Malamang sa alamang ay naranasan niyo na din ang biglang yumuko at unti unting lumulubog sa upuan kapag nagsimula na ang recitation....ooops correction GRADED RECITATION ito yung mga oras na gusto mo na ayaw mo matawag. Tangina yung daga sa dibdib mo nagwhiwhirpool ee ayaw mo naman din na hindi ka matawag kasi mabebetlog ang marka mo sa graded recitation magkamali man ang sagoit mo atleast may grade ka pa rin. Tuwing magsisimula na ang oras na 'to ay biglang mamamawis na ang mga palad ko kahit hindi ako pasmado. Parang magic na titikom ang mga bibig namin sa kakadaldal. Sisimulan kong alalahanin ang kahit anong salitang alam ko sa libro - square root, Malay at Indones, Treaty of Paris, mammals, vertebrae, non-vertebrae, mammals, Amanda Paige, Priscilla Almeda pota hindi yan... ano pa ba?

APO Hiking Society - "Saan na nga ba'ng barkada ngayon?"

"Maico stand-up!" Ayan na. Hindi pinakinggan ang aking dasal. Wala akong lusot. Ito na ang moment of truth. Tinawag na ako at nakatayo na. Unang gagawin ko ay hahanapin agad and pinakamatalinong kaklase na kaibigan ko. Bat ko sinabing kaibigan ko? Dahil kung hindi mo kaibigan ang matalinong kaklase ay 'wag ka nang umasang tutulungan ka niya. Kailangan dito magaling ka sa sign language o kaya lip reading dahil kapag  tatanga tanga bumasa ng senyales ay malamang, kung anu ano lang ang isasagot mo sa titser.

May oras naman na pagalingan sa pagtaas ng kamay lalo na kapag alam na alam ng lahat yung sagot. Yung tipong maaabot mo na ang elektrik fan sa kisame. Sorry ka hindi ka matatawag kapag ganyan. Kasama ka ba sa mga napaka-ayos magtaas ng kamay at hawak pa ng kabilang kamay ang siko ng kamay na nakataas? Sorry, hindi ka din matatawag ng ganyan. Isa ka ba sa mga nagdodrowing ng etits at lettering sa pahina ng libro o kwaderno mo? Congrats sayo. Matatawag ka, pero sa susunod na tanong ni Mam.

Recitation talaga yung pinaka hasel na oras sa skul. Mas gusto ko pa mag-exam kaysa mag-recitation. Sa exam maraming oras o tsansa para mangopya. Dito on the spot jackpot ka. Segundo lang ang bibilangin mo bago ka mapagalitan at mapahiya eh kapag recitation ikaw  lang nakatayo at kitang kita yung pagmumukha mo habang sinesermonan ka ng titser.

Pero siyempre hindi puwedeng walang diskarteng ganap sa recitation na yan. Ito ang ilan na aking naaalala.

1. Taingang-kawali style - Ilang beses nang tinawag ang pangalan mo pero hindi ka pa rin tumatayo. Kunwari eh hindi mo naririnig o kaya naman may sinusulat ka kunwari. Hindi lang makadadagdag segundo 'to. Pwede ring sumimple ka nang naghahanap ng sagot sa libro. Plus 8-10 seconds.

2. Slow-mo na pagtayo - Ito naman yung lahat ng klaseng pagpapakyut ginagawa mo para dahan-dahan ka makatayo. Nagkakamot ng ulo, pangiti-ngiti at pwede rin yung nahulog kunwari ang libro o notebook mo sa sahig. Plus 6-8 seconds rin 'to.

3. Ano po uli yung tanong? - Yan isa ring pampatagal yan. Ipapaulit mo nang ipapaulit sa titser mo ang tanong. Plus 10-15 seconds.

4. Thinking style - ito naman ang kunwaring pag-iisip nang  mabuti sa tanong sa'yo. Tumitingin ka pa kunwari kung saan-saan pero tinitignan mo talaga ang mga signals sa'yo ng tropa mo. Plus 10 seconds.

Sa mga istayl na  yan eh pwede mong gawaing isang minuto o higit pa ang oras mo para makasagoteee. May panahon ka nang intindihin ang mga signals, pakinggan mabuti ang mga bulong na sagot sa likod mo o kaya naman makahanap ng sagot sa kwaderno o libro.

Titser: Bigyan niyo ako ng isang anyong-tubig.

(Tinatapat ko na ang mukha ko sa ulo ng nasa harap ko para hindi ako makita)

Titser: Maico! Patago-tago ka pa diyan ha. Sige tayo!

(Pangiti-ngiti, ginawa ko na lahat ng delaying taktiks)

Me: Hmmmm...Swimming Pool mam!

Remain standing!




Sabado, Hunyo 30, 2018

Hinugot sa Ulan: Window Pain

'This post is brought to you by Vicks Vapor Rub'


Kapag ganitong umuulan ako'y sinisipon. Lugmok at nakatulala sa kawalan. Iniisip ang panahong tag-init at ikaw ay nariyan. 

Oras na naman para magbitbit ng payong. Itim na payong para masaya. Hindi na ako mnahihirapang ipaalam ang kulay ng aking nararamdaman. Pero bakit ganun? Pati ata utak ko sinisipon. Bakit mukha mo ang nakabara sa aking isipan. Ayan tuloy, palagi kong nakakalimnutan iuwi ang payong. Di ko maalala kung saan ko ito naiwan. O kung may humiram. O kung ito'y napaginteresan. Kaya kadalasan...basa pa rin ako ng ulan.

Kaya marahil sinisipon ako kapag ganitong umuulan. Buong araw akong amoy Vicks at palaging may bitbit na inhaler. Mahirap huminga at ewan ko kung ito nga ang dahilan kung bakit naninikip itong dibdib. Kelangan kong uminom ng maraming tubig at humigop ng sabaw. Pero walang lasa ang sopas. Hindi na ito kasing-init at kasing-sarap ng mga panahong ako ay may kasalo.

Wala munang love songs ngayon tag-ulan. Bawal muna ang mga himig tungkol sa mga walang hanggang pangako. Hindi ko naman maririnig ito habang maingay ang bubong at kumukulog. Ayaw ko mag-momol sa ganitong masarap na lamang itulog ang pagbibigay ng langit ng pansamantalang lamig. Mas ikatutuwa ko pa ang mga tugtog na puwedeng sabayan ng indak para pagpawisan. Baka sakaling mabawasan ang hirap na dala ng baradong puso ilong.

                                     IV OF SPADES - Mundo



Mas marami akong libreng oras kapag ganitong sakitin ako at walang nag-aalaga. Mas masusundan ko ang lovelife nina KathNiel, JaDine, LizQuen, Piolo at Sam. Nakakasanayan ko na rin manood ng Ang Probinsiyano alam ko namang hindi pa huli ang lahat dahil alam naman nating lahat na mahaba pa ito. Mas magkakaron ng extension ang aking oras mag Facebook at magview ng profile mo ng mga taong di ko kilala.

Umiyak man ang langit, di ako makikiramay. Mas nalulungkot ako sa bawat buhay na nawawala sa giyera sa Mindanao, sa bawat pamilyang nagdidildil ng asin, sa bawat pisong napupunta sa korapsyon. Sana sipunin din ang mga taong may pakana nito.

Alam kong magiging malamig ang bawat gabi sa susunod na mga araw. Pero hindi ako giginawin. Marami akong kumot na magsisilbing pananggalan. Meron akong makakapal na jacket na magbibigay ng init laban sa mga alaala. Hindi ko lalabanan ang antok. Mariin kong ipipikit ang aking mga mata at bibilangin ang pagkarami-raming tupa. Wala akong mapapaniginipang buhangin, sun block, si David Haselhoff man o tag-araw.

Kapag ganitong umuulan ako'y sinisipon. Kaya huwag kayong magtataka kung ako'y palaging sumisinga o sumisinghot-singhot.  Hindi ako umiiyak kala niyo. Mawawala din ang sipon na ito.

Kung sana meron lamang kamay na magpapahid ng Vicks sa aking dibdib.

Miyerkules, Abril 25, 2018

160



NOW PLAYING NO ONE WILL SAVE YOU NOW by THE AVIATORS

dagdag na kanta at kasama na sa gothic entry ng playlist ko, bagong diskubre na banda at solid at juicy ang mga liriko.

"Don't cry when lanterns fade
Soon we'll be awakened
But it breaks my heart to say
No one will save you now"

Najejebs ako kakakain ko lang ng burger ng Burger Machine

Thanos is now friends with Kim Jong Un

Jhemerlyn likes your photo.

Johnny Sins retweeted.

Twitter, Tumblr, Plurk at Facebook killed my writing skill.

Ba't ka magsusulat kung pwede ka naman kumuha ng litrato at iexpress ang nararamdaman mo sa larawan na iyon.

Bakit ka gagawa ng pagkahaba-habang blog entry kung kaya mo naman sabihin ang gusto mo ipahiwatig sa loob lamang ng 160 characters.

Ang lungkot na dito sa mundo ng blogosperyo, Tsk! Hindi na tulad dati na maraming may sense na entries. Karamihan sa mga bloggers na palagi kong binabasa ay huminto na sa pagbablogging hindi ko na alam kung nasaan na sila o kung mga deads na ba? Sumalangit nawa ang kanilang mga kaluluwa.

Aminado ako na hindi naman talaga ako mahusay magsulat dati pero naniniwala ako na mas maayos akong magsulat noon kesa ngayon. Halos ilang buwan na rin akong di nakakapagsulat pero last week naumpisahan ko naman uli. Minsan nakukulangan na talaga ng oras at panahon. Nakakabasa na lang paminsan minsan ngunit unti unti na rin lumalabo ang mga mata at  karaniwan ay kakaantukan na lamang hanggang sa makatulog. Pumurol na rin ang paraan ko sa pagsusulat dahil nakuntento na lang sa pagbabasa ng katha ng iba kesa sa isulat ko sa ilang paragraph ang gusto kong sabihin.

Well, ngayon? napirmi ako sa pagkukuwento ng mga pangyayare sa buhay ko sa 160 characters.  Gusto kong magsulat ulet yung umaabot ng hanggang 500-700 mahigit na words na nalilimbag ko sa blog ko hindi yung 100 words pa lang suko na at wala na akong masabi o maidagdag pa.

160 characters.

160 fucking characters lagi na akong nababad diyan. Rekta na wala nang pasikot-sikot.

Ano ang kulay ng rosas? sasagutin ko yang ng Pula wala ng karugtong hindi tulad dati na maari kong sagutin yan na ang rosas ay kasing-kulay ng pag-ibig ko sa isang dilag na umakit sa akin at ang tanging kulay na bumihag sa puso ko. Ang kulay ng dugo na naghatid ng sugat, ,nadarang at natinik sa kagandahan ng rosas sa hardin blah blah blah

Ibig kong magsulat ulet, gusto kong magsulat ng may sense hindi yung nagsulat lang ako dahil sa gusto kong may bagong entry. Nais kong magsulat ng higit sa 160 characters yung pagsusulat.

Basta, bahala na si Bat...oops iba na sikat ngayon. Hail the Villains! Bahala na si Thanos!


Linggo, Abril 22, 2018

Superhero 2018 and Beyond

'Ang Tagapagligtas ng mga Broken-Hearted'


After all these years in my life nakapag decide na ko. Wala nang makapipigil sa akin, wala nang urungan. Bata pa lang ako pangarap ko na talaga ito, joke lang yung mga nilagay ko noon sa yearbook na gusto kong maging astronaut.Marami na akong napanood na pelikula pero ang lahat ng iyon ay pawang mga kathang isip lamang. Gusto ko this time kung gagawa ang mga direktor ng pelikula ay  makatotohanan. Yung true to life story at ako ang bida. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Ayoko ng kasabihan ng iba na bago man lang daw sila mamatay gusto nilang makapunta o makalibot sa iba't ibang magagandang  lugar sa ibang bansa. Ang tanging hiling ko lang bago ako malagutan ng hininga ay maging isang kapaki-pakinabang na nilalang. Yung makikilala ka sa mga kabutihang iyong mga nagawa at hindi yung puro katarantaduhan. Kung matotodas man ako ng umaga sa sakit ng pusong ito ang isa ko pang kahilingan sa mga mad scientist na pagsasamantalahan ang carcass ko ay buhayin akong muli hindi para maging zombie yun ay para maging isang SUPERHERO! Tangina! shet! kung mamatay ako dahil sa atake sa puso gusto ko ang magiging monicker ko ay Heart Attack man o di kaya eh Kuya Cardio para mas in, pangmatagalan, matikas at parang si The Flash dahil matibay sa takbuhan kasi nga ang special powers ko ay bihasa sa cardio gaming. Kung sa outfit naman ng pagiging superhero ayoko na siguro ng mga kapa kapa effects. Ipapaubaya ko na kila Batman at Superman  yung ganung outfit at hindi ako tangang superhero na kailangan isuot ang brief sa labas ng mismong costume. Simple lang ang gusto kong costume yung tipong hindi ka pagkakamalan na superhero. Okay na siguro ako dun sa pormahan ni Will Smith sa Hancock. Yung tamang naka cocky shorts lang naka shirt at may bonet na nakashades, may tiyaleko. Yung bonnet ko may burda na KC sa bandang noo. Anong powers ko? Siyempre yung may super strength yung kaya bumali ng adamantium na bakal, yung hindi na kailangan mag-gym at mag selfie para makakuha ng sapat na lakas. Tapos lahat ng makakasagupa ko bibigyan ko ng heart burn, wag muna heart attack kasi kailangan din natin sila bigyan ng chance para magbago. 

                              Aviators - No One Will Save You


Lagi kong dinarasal kay Lord na sana ay may mahulog na meteorite at ako ang makakatuklas nito pagkatapos nung magkakaroon ng mutation churva at maaangkin ko na ang ninanais kong cool na power. Naniniwala akong di totoo si Santa Claus, ang Easter Bunny o Tooth Fairy pero naniniwala akong mayroon Superhero.

Naglaho na ang paniniwala ko sa lahat ng bagay, hindi na ko naniniwala sa pangako ng mga lintek na pulitiko. Naging heretic na din ako pero hindi pa rin nawawala ang paniniwala ko na may mga taong lumilipad, may x-ray vision, may ice blast power, yung mamang kulay berde na kayang pitpitin ang mga naglalakihang trak, yung aleng kayang baguhin ang kahit anong trip niyang weather conditions, ung may laser beams na pula na naka shades forever, may kakayahang kontrolin ang mga bagay bagay, may fast cell regeneration, may kakaibang lakas at kung anu anong anik anik pang kapangyarihan. 

Yung lang ang tanging bagay na ninais kong makamit ang maging isang superhero pero nagising na lang ako sa katotohanang isang gago lang ang mag iisip na totoo ang mga ganitong klase ng tao. Kahit ngayon na nasa trenta anyos pataas na ako iniisip ko kung paano kaya kung totoo ang mga superhero? mas magiging maayos kaya ang mundo? 

Hayaan na nga natin. Wala nga siguro talagang superhero, pero lahat tayo may kakayahan para iligtas ang mundo at siguro para sa akin isa lang ang pagba-blog sa mga kakayahan ko upang baguhin ang mundo. Tulad nga sa tagline ng pelikulang Schindler's List: "Whoever saves one life, saves entire world." Lahat tayo ma y kapangyarihan magligtas ng buhay kinakailangan lang natin gamitin ang ating kakayahan, talento o kaalaman natin para magawa ito.

Hindi nga ako superhero pero may kakayahan naman akong magsulat at ilathala ang mga ito sa aking blog na Ubasnamaycyanide.blogspot.com Hindi nga siguro kasing cool ng mga superhero ang mga kakayahan ko pero at least kahit papano alam kong sa bawat nilalathala ko may isa o dalawang nilalang na natutuwa sa mga ginagawa ko at maaaring nililigtas sila sa plano nilang pagpapakamatay dahil nalaman nilang mas emo pa ako kesa sa kanila.

Well, umaasa pa rin akong maging si Kuya Cardio balang-araw. Ang tagapagligtas ng mga broken-hearted.

Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...