Huwebes, Hulyo 5, 2018

Superpowers





Ako ay isang hero. Herodes. Tagapagligtas ng mga nayayamot naaapi.

Joke lang. Ito ang kagaguhang ginagawa ko kapag ako'y walang magawa. Kagaya ngayong panahon na tambay lang muna. Tangina, kasama na pala ko sa mga maaaring hulihin. Wag naman sana pero isasampal ko sa kanila ang medikal sertipikeyt ko kapag nagkataon. Ako'y nagmumuni-muni lang lamang sa aking sarili at pinapangarap na ako'y isang nilalang na maraming superpowers.

Napaka ordinaryo lang naman kasi ng layp ko. Walang excitement. Kung ihahambing ako sa mga maaaring sakayan sa karnabal ay malayong malayo ako sa tayog at thrills at excitement ng roller coaster ang buhay ko'y isa lamang tren, yung tren sa SM na nagiikot lamang sa mall  maghapon. Boring at walang excitement. Kung hindi ako nakatunganga sa kawalan, malimit binibilang ko ang kalyo sa aking kamay o di kaya ay kinakagat ang aking kuko. Kaya naisip ko, ang angas ko siguro kung meron me na kakaibang lakas. Lakas na pagnanasaan kaiingitan ng lahat.

Pero hindi e. Kapal lang ng mukha meron ako.

Sino ba naman ang hindi nangangarap ng gising ngayon sa hirap ng buhay sa bayan ni Juan? Ang haba kaya ng pila sa mga lotto station. Kahit alam kong milyon ang posibilidad na makuha ang winning combination, nakikipila na rin ako. Na kalimitan ay isang numero lang ang nakukuha ko. Sayang ang sampung piso o kung minsan beinte. Pang text text na rin  yun sa mga pakontes sa TV at pang load para magka data ako sa Internet o kung minsan pang boto sa Tawang ng Tanghalan.

Actually hindi naman talaga ko nangangarap ng mala superman na superpowers, hindi bagay sa akin wala akong super hero appeal at hindi bagay sa aking magsuot ng kapa. Ang gusto ko lang talaga ay mapababa ang presyo ng gasolina. Katulad sa kasalukuyan na nagtaas na naman ng dagdag na piso sa pamasahe. Baka makita natin na nagpaparkour na lang ang mga kababayan natin papasok sa trabaho. Magulat ka naka-heels, naka tuxedo nagpaparkour. Astig din naman.

                                       Foo Fighters - My Hero



Ang pinakagusto ko rin talaga ay magkaroon ng kakaibang laser vision. Para makita ko kayong lahat na na hubad habang naglalakad.Para mapasok ko maging ang kukote ng masasamang tao at maisuplong kaagad ang maitim nilang mga binabalak. Para makita ko kaagad kung sino ang may dalang armas, patalim, ice pick, yung mga kamay na itinatago sa loob ng dyip (nagjajackol na pala) ,droga pati na rin condom.

Pero kung gusto mo ng walang halong kalokohang sagot gusto yung power to turn back time. Yung time na hindi pa gaano nilalamon ang lahat ng social media. Yung tamang pa yahoo yahoo messenger lang tapos mamimilit ka buksan yung video niya. Yung time na ang kabataan ay mananatiling kabataan, may respeto sa sarili at higit sa lahat sa nakakatanda. Tutok sa payo ng mga magulang, takot sa magulang. Parang ngayon kasi magulang na ang takot sa anak. Takot na ang aso sa pusa, takot na ang pusa sa daga. Nag-aaral ng mabuti upang magkaroon ng kaalam para makatulong sa pamilya at hindi nagsasayaw ng boom boom at humugot na may kasama nang visual aids. Anlala na ee. Kahit ganyan lang ang maibalik ayos na yun. 

Pero wala e. Kapal lang ng mukha ang meron ako. Tsaka mga kalyo at mga kukong hindi pantay ang pagkakakagat.

Ganito lang talaga ako. Isang tao na pilit nagpapaka hero.

O isang hero na pilit nagpapaka gago ordinaryo.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento