'Guidelines 2018 para sa mga boyet' |
At dahil wala namang magawa ngayong Biyernes ng umaga bukod sa pag antay ng trak ng basura ay magsusulat na lang muna ako. Kakausapin na naman ang sarili, magmumuni muni para makagawa na naman ng isang piyesa na ako lang din naman ang magbabasa pagkatapos. Ang saya di ba? Pero bahala na malay mo naman may isang kaluluwang bibisita na puwedeng sumabay sa trip ko ng istilo ng pagsusulat. Malay niyo lang naman...
8:08AM wala pa rin yung trak ng basura mukhang may Christmas hangover pa ang mga tropa. Kaya naman nagtanong si ermat kung saan daw ako pupunta:
"San ka punta? tapon basura?", ewan ko kung nagbibiro pero seryoso ang tinig. Natatawa ako ng palihim kahit alam kong seryoso siya sa tanong niya. Ang sabi ko antayin na lang natin at maya-maya pa ay darating na rin ang hahakot ng mga basurang nakaayos naman ngunit pinuputakte na ng langaw.
Tumungo ako ng kusina para magtimpla muli ng kape. Masuwerte naman at mainit pa ang tubig sa takure. Umuusok pa ang tubig sa init ng inilagay ko sa aking baso. Inalok ko si ermat kung gusto niyang ipagtimpla ko siya ng kape. Napangiti siya at narinig niya pala akong inaalok ko rin ang mga pusa at aso na tambay sa kusina namin kung gusto rin nila ng kape. Likas na kasi sa akin ang kausapin ang mga hayop kahit nakatingin lang sila sa akin. Ewan ko baka siguro kapag nagsalita ang mga ito at pangaralan ako sa buhay ay ayos lang, eh di parang nasa cartoons na kame ng Family guy, meron na akong instant "Brian" the dog.
Putangina 9:47 AM wala pa rin yung trak ng basura.
Pumasok ako ng aking kwarto at nilapag ang umuusok sa init na kapeng itinimpla upang magising ang aking kamalayan. Napatingin ako sa aking dingding, ang ganda niya talaga, kahali-halina ang babaeng isang taon ko nang kasama sa aking kwarto. Seksi, maputi at dyosa ang kagandahan. Katulong ko siya sa araw-araw upang ipaalam niya sa aking kung anong araw na ba at kaagapay sa pagpapaalam kung anong araw papatak ang sweldo. Pinalitan ko na si Bb. Ellen Adarna at salamat sa isang taong pagpapaligaya pagtambay. Welcome 2018, Bb. Erich Gonzales!
10:25AM hindi na fresh yung basura. Asan na sila?
Kailan Pa Man - Kevin Roy
Pero kung iisipin mo sa kagandahang taglay ng mga tsiks na yan, ano kaya yung hanap nila sa isang lalake? Bukod sa kargada ni John Lloyd? Bilang ako,bilang ikaw na lalakeng nagbabasa nito isang katarantanungang iiwan: Bakit ka Magugustuhan ng Isang Tsiks?
Maraming Pogi analyst ang nagsisilabasan para magbigay ng tips or guidelines para sa mga lalake tungkol sa kung pano mo malalaman kung gusto ka ng isang babae, pano ka magugustuhan ng isang babae etc. This time, para mas intense, subukan nating mag fact check sa ating mga sarili bago natin gawin ang mga mababanggit na tips. Tumingin ka sa salamin, huminga ng malalim, kausapin ang sarili, tanungin ang sarili, "Bakit nga ba ako magugustuhan ng isang babae?" Ito ay para maiwasan ang sablay na habit ng pag-aassume o pagbibilang ng sisiw habang di pa napipisa ang itlog.
MAY ITSURA
Actually lahat naman ng nilalang ay may itsura, hindi ka naman ipinanganak na muka kang abstract painting. Hindi ka kaguwapuhan at di mo rin kasing katawan si Channing Tatum pero naman muka kang tao, may sense of fashion ka kahit papaano o marunong ka magdala kahit kaunti. Ikaw rin yung taong may tunay na ngiti pang-Pepsodent. Gusto ng mga babae yung hindi pa cute at hindi masyadong maporma. Kung ikaw naman yung type na walang duda at gwapo kang talaga, mas okay kung simple ka lang. Wag mo masyadong ipangalandakan dahil hindi tungaw ang mga tao sa paligid mo, nakakita na rin sila ng gwapo at tandaan na hindi lang ikaw ang gwapo sa mundo ang nagsusulat rin. Panatilihin ang tamang postura, makuntento sa kung anong itsura ang meron ka dahil at the end of the day, character pa rin ang mangingibabaw sa isip niya.
BE HUMBLE
Hindi dapat mala-bagyo ang mga banat mo at walang bahid na pagmamataas ang kilos at pananalita mo. Though hindi absolute na wala ka talagang kayabangan sa katawan, at least meron kang sapat na amount para maging confident ka pero hindi dapat too much confident.
Kung tanungin ka ng babae kung magkano bili mo ng iPhone X mo at ano ang mga features nito, sagutin mo ng maiksi at wag mo na pahabain pa or else magmumukha kang taga O-Shopping. Hindi ka salesman (unless salesman ka talaga). Kung may mga katangian at may possession ka nga naman talaga na kapansin pansin, sabihin mo sa kanya yun in a way na sapat lang para makilala ka niya at wag magmamalabis kung ayaw mong mamis-interpret niya ang pagkatao mo. Kadalasan kapag marami kang hangin sa katawan, nababawasan mo ang pagkakataon ng isang babae para siya naman ang magsalita at magpakilala. Iwas-iwas sa vulcanizing shop dapat sakto lang ang hangin sa katawan. Kapag ganoon, ang resulta, marami kang na-ishare na kayabangan pero halos pangalan lang ang natandaan mo sa kanya.
CONFIDENT
Marami nang shy type na kaluluwa ang naglipana sa mundong ito at wag ka na sanang dumagdag pa. Kung ano ang intensyon mo kay girlie, ipaalam mo na agad though hindi mo kailangang gawing literal sa lahat ng oras at lalong hindi kelangang sa paraang garapalan. Dito sa puntong ito papasok ang mga tips na nagkalat sa interwebs kung paano ipaalam sa isang babae ang nararamdaman mo. Kung nasa rookie stage ka ng pagkakataong ito, hindi ko inaadvise na magpaka-romantic ka na trying hard naman dahil baka magmukha ka lang ulol. Pero kung beterano ka na, ang kailangan mo na lang alamin ay kung anong istilo ang uubra. Basta tandaan na may gauge ang pasensya ng babae at alam nilang hindi sila ang dapat na gumawa ng first move. Kaya kung kasimbagal ng internet connection ng PLDT ang diskarte mo, halika sumali ka na lang sa aming kulto irerefer kita na taga sindi ng kandila sa tuwing oorasyunan ko ang modem ng PLDT para bumilis.
KWELA
Laging mong intensiyon na mapatawa siya pero di ka trying hard na gawin yun. Hindi sa pamamaraan ng paglulukos ng muka o mag make faces ka para patawanin siya, ano siya sanggol? Putangina! Ang kailangan mo ay sense of humor.
Sa unang conversation sa mga babae, mahalaga na mapangiti sila at kung mapatawa mo sila, ibang level ka na. Siguraduhin lang na kung magpapatawa ka ay hindi sa extent na magmumukha kang stand up comedian. Always make sure na hindi mako-compromise ang respeto niya niya sayo at mah ingat sa pagbitaw ng mga green jokes at baka masampal ka out of nowhere. Ayaw nila sa pervert.
NAG-IISIP
Hindi ka henyo, hindi ka katalinuhan at hindi ka rin kabobohan. Dapat sapat lang. Hindi ka man magkaroon ng mala Einstein na utak o kahit mala-Kuya Kim man lang, nakikita niya na gumagamit ka ng utak na nasasalamin sa kilos at pananalita mo.
Tandaan naiimpress ang mga tsiks sa matatalinong tao pero natuturnoff sila sa una pa lang pag nakakita na sila ng signs na hindi ka nila kayang kontrolin. Gusto rin ng mga babae ay yung mapagtatanungan nila tungkol saa mga hindi kalalimang bagay na mayroon ding hindi kalalimang sagot. Tangina kita mo si Eugene ng The Walking Dead kahit ganun siya katalino pota ang boring ng character niya. Gusto nila yung may praktikal na kasagutan na malinaw na mabe-visualize kesa sa mga mala E=mc2 ang mga response. Nagegets niyo ba?
Kakambal ng mga thinking na tao ang pagiging maunawain na needless to say ay tinitignan din ng mga babae sa mga lalaki ang pagiging pasensiyoso. At ayaw nila sa mga makikitid ang pag-iisip.
MAALALAHANIN.
Alam mo na ang ibig sabihin nito ay ang hindi palagiang pag check sa kanya at pag remind sa kanya ng mga bagay na obvious namang part na ng routine niya or else magmumuka kang AI o machine na nakaprogram para gawin yun. Katulad ng common na tanong: "Kumain ka na ba?" Pero alam mo kung kelan na dapat na alalahanin siya at iparamdam sa kanya na you're there, that you exist, that you care.
Ang problema sa mga Pinoy, masabi lang na maalalahanin, nawawalan na ng sense of reality. Ang riyalidad ay -hindi kailangan ng mga babae na palagian silang itext o tawagan para lang ipaalam sa kanila ang ginagawa ng normal na tao o kaya'y ihnatid o sunduin sila palagi dahil wala na sila sa gradeschool. Tandaan magkaiba ang maalalahanin sa pabida, hindi ka si Jollibee na bida ang saya. Hindi masaya ang mga ganung gawain sana nagtayo ka na rin ng security agency kung lagi kang nakabantay baka isipin nila na masyado ka nang obsessed. Ang maalalahanin, tyumetyempo at sincere sa intensiyon, ang pabida, kahit kelan lang o sadyang palagian at gusto lang talaga magpapansin.
GALANTE.
Hindi ganun karami pera mo, hindi ka anak ng mayaman at lalong hindi ka anak ng corrupt na politiko. Gumagastos ka ng pera hindi para magyabang kundi para ilaan sa okasyong iyon na hindi na kelangan ng accountant para kwentahin ang mga nagastos mo. Dahil habang nakikita mong nag-eenjoy ang kasama mo at may sapat kang means para ituloy yun, go lang. Maaaring kuripot ka minsan pero alam mo kung kelan.
Isipin mo kung inaya mo siya ng date at pagdating sa venue ay ipinaalam mo sa kanya na KKB kayo. Hindi lang makapal ang mukha mo brad, ang tapang pa ng apog mo. Ang least na magagawa mo kung talagang short ka sa budget ay hintayin siyang mag initiate pero pota sana wag na umabot sa ganun, dahil naka focus ka sa date niyo, dapat nakahanda ang bulsa mo in the first place. Tandaan rin na may kusa ang mga girlie at ang iba sa kanila ay ayaw isipin na gold digger sila, bilmoko o namemera lang. Ngayon kung talagang rich kid ka, e hinay lang wag mo naman bilhin ang buong pagkatao ni ate...hindi siya for sale.
HARDWORKING
Alam mong bukod sa pakikipagrelasyon, may mga bagay pa sa mundong ito na dapat mong gawin at kung estudyante ka man o working person, nagsisikap ka para sa mga hangarin mo sa buhay. But not to the point na workaholic ka at wala ka na halos time. Hindi ka Korean businessman sa mga Koreanovelas na ang laging tema ay napapabayaan ang pag ibig dahil sa business. Iba pa ri n yung mayroon kang nakalaan na oras sa romantic interest mo at lalo na sa official love partner.
Naaappreciate ng mga babae ang mga hardworking na tao dahil nakakaramdam sila ng security lalo na para sa future nila kapag ito ang naging partner nila. Hindi mo naman kailangang magpopopost sa Facebook na may business ka para ipagmayabang. Tandaan na hindi lahat ng babae nahahalina sa ganito. Kesyo magppopost ka ng mga quotes na tungkol sa pagiging hardworking mo. Ganito, ganyan pota nakakatawa na lang din minsan. Wala silang pakelam sa personal na oras o lakad mo kung saan tsong.Parang lumalabas lamang na kulang ka sa pansin kapag ganoon. Pero maraming hardworking na tao naman ang nagtatagal ang relasyon dahil kapwa nila naiintindihan ang mga sitwasyon niloa at kung hardworking din ang prospect mo, siguradong maaappreciate niya ng mas malalim ang mga efforts mo.
Ang lahat ng aking nabanggit ay pawang mga opinyon ko lamang at open for criticism.
At para naman mas maliwanagan ang ating mga boyet ay nagsurvey tayo sa mga chiks kung ano nga ba ang maaari nilang magustuhan sa isang lalake.
Ayan GABRIELA has spoken, siguro naman eh may napulot na diskarte ang ating mga kalalakihan kung ano talaga ang hinahanap hanap ng isang babae sa lalake. Pero kung bibigyan mong pansin ang mga datos halos karamihan ay hanap ay may sense of humor, eto yung boyet na masarap kasama, masaya makipagbiruan, joker at higit sa lahat mataas ang intelligent quotient. Hindi pa rin naman nawawala ang umaasa sa forever, ba't nga naman mawawalan ng pag-asa kung posible naman. At siyempre gusto nila yung mga lalakeng may yagballs, madiskarte, naeffort at kayang timbangin ang oras sa pamilya at trabaho. Eto nga marahil ang mga pantatag na pundasyon upang magkasundo sa relasyon ang mga lalake at babae.
And everybody wants to deserve that fresh-feeling kind of relationships at siyempre kapag nagtugma-tugma lahat ng kagustuhan ng isa't-isa, magiging masaya at masagana ang pagsasama at eto na ang susunod na destinasyon ng isang mag-irog.....
Ito ang ibig kong sabihin at mailalarawan sa kanta at bidyo na ito. Gawin natin itong theme song sa post na ito. Maraming salamat sa lahat ng partisipasyon at sa mga invisible readers ko na nagbabasa. Magandang tanghali sa inyong lahat! :)
Eels - Fresh Feeling (Music Video)
11:11AM Tangina wala talagang trak ng basura! Malamig na rin ang kape.
- End of topic -
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento