Tanghaling tapat. Ala-una y media ng hapon. Katatapos lamang ng pinanonood naming Bulagaan 88 kung saan isa sa segment ng Eat Bulaga at pagkatapos ng huling banat na joke ay maghahabulan para magbatuhan ng keyk sila Tito,Vic at Joey, Toni Rose Guida, Ruby Rodriguez, Rio Diaz, Anjo Yllana at Christine Jacobs. Ang Eat Bulaga ang isa sa pinakamasaya at entertaining na palabas noong dekada 80s, 90s at hanggang sa kasalukuyan. Kasabay nito ang masarap na pananghalian kong hotdog with UFC banana ketchup at rice. Pagkatapos pananghalian ay kanya-kanya nang puwesto sa sofa upang manood o di kaya ay humiga sa lapag na may banig. Pagkatapos ng EB ay Agila na. Kabisadong kabisado ko ang introduction song nito noon ee. Pero pag ganitong oras pinapatulog kami ng nanay namin para daw kami ay tumangkad at lumaki. Pero eto tayo ngayon lumaki lang at hindi tumangkad. So, icoconsider ko na kasinungalingan yun para lang manahimik tayo sa tanghali at hindi mangulit.
Habang nakukuha ko na ang antok ko ay biglang:
"Manimbooooooooo!" animo'y tono ng ni mamang magtataho ang pagsigaw. "Manimbooooooooo!" Ayan na si Mamang Kartero. Kapag walang ginagawa si nanay ay dali-dali na siyang tatambay sa aming bintana upang magtanong kung meron siyang padalang sulat galing kay erpats. Si Manimbo nga pala ay ang apelyido ng kapitbahay namin back in the 80s era. Ito ang karaniwang uri ng komunikasyon noon ang pagpapadala ng sulat na ipinapadala naman sa postal office na kapag may natanggap kang sulat ay si mamang kartero naman ang magdedeliver nito sa yo. Sabi nga ng mga seller "on-hand". Si Nanay ko every weekend yan nagpapadala ng sulat kay erpats na nagtatrabaho noon sa Saudi. Ito ang kanilang komunikasyon simula't sapul na isinilang ako at isinilang ang kapatid ko. Walang humpay ang drama nila sa sulatan at ako rin naman ay laging nakakatanggap ng sulat kay erpats mostly mga greeting cards mapa-birthday man o Christmas cards. Nagpapadala din siya ng mga print na robots na puwede kong kulayan ng crayola.
The Carpenters - Please Mr Postman
"Dumating na ba si Mamang Kartero?". Ito ang sambit ng mga matatanda ng aming kapanahunan. Halos araw-araw nag-aabang sa pagdating ni mamang kartero upang malaman kung may dalang balita mula sa mga kamag-anak, kaibigan at mahal sa buhay.
Si Mamang kartero kabisado ang lahat ng kaniyang destinasyon. At siyempre kilala at kaibigan ng lahat si mamang kartero. Wala silang bisikleta o motor. Naglalakad lamang sila bitbit ang medium size na sling bag kung saan naroon lahat ng mga sulat. Dito ko din napatunayan na hindi pa ganun kainit noon kapag tanghali. Hindi katulad ngayon kung maglakad ka sa panahon ng summer sa katanghalian baka hindi ka tumagal at mag-passed out ka sa init. Ngayon kasi nakakadehydrate na ang init ng panahon.
Natatandaan ko pa ang pangalan at mukha ng aming kartero siya si Mang Mario. May puting balbas, nakasalamin, nakapolong puti na nakatuck in sa khaki na pantalon at may shoulder bag siya kung saan naroon ang mga sulat. Naging bahagi na rin ang kartero ng ating buhay sa tuwing naghihintay tayo ng padalang sulat o greeting card sa ating mga minamahal na nasa malalayong lugar.
Ganitong klaseng envelope yung ating natatanggap kadalasan, mapa-card man o pinakasweet na sulat ng isang magkasintahan
Si Mamang kartero din ang nilalapitan tuwing may problema na kailangan ng pagpapatunay ng isang katauhan at kaniyang tinitirhan. Sa mga tamad pumunta sa Post Office para mahulog ng sulat, si Mamang Kartero din puwedeng ikatiwalang ipahulog ang sulat.
Lumipas pa ang isang dekada hindi ko na nasilayan si Mamang kartero. Nasaan na siya? nasaan na sila? mayroon pa bang naghahatid ng sulat sa mga bahay? mayroon pa bang Post Office? May saysay pa rin ba ang pagsusulat sa panahon ngayon?
Mabilis ang takbo ng teknolohiya, nariyan na ang mga social media at email. Madali at mabilis na ang mga usapan, tsikahan, balitaktakan at balitaan. Isang click na lang at kung mabilis bilis ang Internet service mo ay puwede pa kayong magkamustahan sa pamamagitan ng mga webcam at video chat apps. Sa ganitong paraan hindi niyo na mamimiss ang isa't-isa kahit malayo man ang kanilang lugar.
Sa ganitong paraan hahanapin pa ba natin si mamang kartero? kailangan pa ba natin siya? may silbi pa ba ang post office?
Moonstar 88 -Sulat
Sa aking mga nabasa ay buhay pa ang Philpost o Philippine Postal Corporation. Puwedeng puwede pagkatiwalaan ang iyong liham at subok na makakarating sa paroroonan. Ang pahayag nila na kahit lumiit ang traditional letters/personal letters na ipinapadala sa koreo, umakyat naman daw ang bilang ng mga liham pangangalakal o yung mga business letters sa iba't-ibang porma. Sa katunayan ay hinihimok nila ang mga kabataan at publiko na ibalik ang kamalayan sa pagsusulat sa pamamagitan ng 'National Letter Day'. Ang liham ay naging bakas na ng panahon na maaaring isama sa paglikha ng kasaysayan. Sana nga ay maging matagumpay ang proyektong ito upang maibalik ang sining ng pagliham at madagdagan ang kasanayan sa pagsusulat.
Pero nasaan na nga ba si mamang kartero? maaaring nariyan pa rin sila pero hindi na sila gaanong pansinin o baka ay na-upgrade na rin ang paraan ng kanilang pagdidistribute ng sulat. Baka si mamang kartero ay nakamotor na o de-kotse na. Pero napakasarap pa rin balikan ang nakaraan kung saan nag-aantay ka ng sulat galing sa iyong sinisinta at yung galak at excitement sa pagbubukas nito. At dahil dito ay naaalala ko ang sulatan ng aking nanay at tatay noong nabubuhay pa ang aking tatay. Hanggang ngayon ay narito at nakatago kung saang kahon ang mga sulat ni tatay kay nanay.
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagbubukas muli ng pinto ng aking pagsusulat. Halos nagkatamaran, nagka walang ganahan na kasi simula nang tamaan tayo ng lintik na pandemyang ito naglaho ang ating mga thought balloons na maaari sanang makapagsulat tayo ng maraming piyesa. Lahat ng ating gusto magawa sa buhay ay pinabagal at pinawalang bisa ng pandemyang ito. Pero eto tayo ngayon kahit pa budburan tayo ng asin na parang mga bulate sa hirap ng buhay na ating dinaranas ngayon ay laban lang, hangga't humihinga tuloy lang ang layp. Ang sabi nga ni Alfred kay Batman, "why do we fall sir? so that we can learn to pick ourselves up". Balang-araw ay babangon muli ang mundo, babalik tayo sa normal na hindi na natin kailangan iterno sa ating mga isinusuot ang mga fashionable na face mask at face shields na kasama na rin sa ating buhay sa araw-araw. Muli tayong makakapunta sa mga lugar na gusto nating puntahan na walang alinlangan. Gagaan muli ang mga trabaho ng ating mga health workers at mababawi nila ang kanilang pagod at ako'y naniniwala na bibigyan na ng halaga ng "susunod" na gobyerno ang departamento ng kalusugan ng bansa sapagkat matinding leksiyon na itong ating naranasan at sana ay matuto na ang ating mga ihahalal na opisyal.
Naging bahagi na rin ng buhay ko ang gumawa ng birthday blogpost taon-taon bilang pasasalamat na rin sa Diyos na lumikha, sa aking pamilya, mga mahal sa buhay at mga kaibigan bilang pagbati nila sa aking kaarawan. Masaya kasi nabibigyan ka nila ng pagpapahalaga kahit sa maikling oras para maalala at mabati ka nila sa iyong Kaarawan kahit pa walang kang matanggap na regalo (parinig) galing sa kanila. Ramdam mong may kahalagahan ka dahil hindi ka nila nakalimutan lingid sa busy sila sa kani-kanilang buhay ay kumpleto na ang buong araw mo dahil naisingit ka nila sa gatiting na oras upang ikaw ay batiin. Kahit HBD lang ayos na yun.
Pero alam niyo ba na dalawa ang aking kaarawan? Ikaw gusto mo ba na dalawa ang birthday mo? Ang isa ay ang araw ng kapanganakan ngayong darating na Agosto 18,1981 at ang isa ay pangalawang buhay na ipinagkaloob sa akin ng Dakilang Lumikha noong ika-Marso 29,2019. Paano daw magkaroon ng pangalawang buhay? Yun yung hindi mo alam kung mabubuhay ka pa o kung susundan mo na ang puting ilaw ni Juan Karlos Labajo. Pero eto ako ngayon alive na alive kumakain ng KFC fries habang isinusulat ito, humihigop ng kape at binabantayan uminim ang sinaing.
Masasabi kong iba na nga talaga ang teknolohiya ngayon sa larangan ng medisina. Hindi na imposible na maaari pang madugtungan ang buhay mo. At wala rin imposible sa ating mga panalangin na ating ibinubulong sa Diyos. Hindi ako bumulong noon isinigaw ko talaga gabi-gabi sa aking pagtulog na "Panginoon, bigyan niyo pa po ako ng pangalawang buhay pa at pangako ko sa kanya na hindi ko sasayangin ang buhay na yun at gagamitin ko sa kagandahang loob." At lumipas nga araw ng operasyon, rough road na recovery periods hanggang sa marating ko na ang tinatawag na new normal. Kailangan mong pakisamahan ang new normal ng katawan mo kagaya ng hindi na ganoon kaganda ang paghinga mo kaya kailangan lagi kang kumikilos at nag-eehersisyo. Pansin ko talaga noon sa recovery period ko na mas nanglalata ako kapag hindi ako gumagalaw at mas nakakahinga ako ng maayos kapag marami akong ginagawa.
Walang imposible sa teknolohiya at sasamahan mo ng taimtim na panalangin. Eto ako ngayon yung dating mga lugar na dinaraanan lang namin na nakasakay kami sa taxi galing sa check-up ko sa Philippine Heart Center ay binibisekleta ko na lang ngayon. Bilang patunay ay nakakapadyak ako mula dito sa Imus, Cavite hanggang Paranaque sa dating bahay namin sa Multinational Village, nakapunta na rin ako ng Alabang, Muntinlupa, SM Southmall, SM Dasmariñas, DLSU-Dasmarinas, nakapadyak na rin ako sa kahabaan ng Molino Boulevard, inikot ko na ang buong Imus, Island Cove, Aguinaldo Shrine, Roxas Boulevard, Baclaran Church at binisita ko na rin ang Manila Zoo hanggang Luneta Park. Kapag okay na ang lahat ay babalik muli ako sa mga long rides sa Maynila at uumpisahan ko sa Intramuros.
Jack@Dasmariñas
Jack@Baclaran Church
Jack@SM Dasmariñas
Jack@St.Anthony School Singalong, Manila (High School Alma Mater)
Jack@SM Southmall Las Piñas
Jack@Multinational Village Parañaque
Jack@Bamboo Organ
Jack@Alapan Flag Monument
Jack@Simbang Gabi 2019
Jack@Aguinaldo Shrine Freedom Park, Kawit,Cavite
Jack@Manila Zoo
Jack@Chinese Garden
Jack@Luneta Park
Kung puwede ko lang kausapin ang aking bisekletang si "Lifesaver" ay magpapasalamat ako sa kanya. Nagkaroon muli ako ng confidence na magbisikleta sa open road. Iba ang kumpiyansa na aking nararamdaman at nawala ang aking mga anxieties simula nang pumadyak akong muli. Nawala ang takot ko sa mga bagay-bagay na nasa loob ng isip ko noon kapag ako'y mag-isa.
Pinangako ko rin noon sa sarili ko na muli akong magbibigay ng pagkain sa mga stray dogs and cats as soon as gumaling ako. Masaya ako dahil minsan may nagtatag sa akin sa isang post na tungkol sa mga strays at ako raw ang kanilang naalala sa article na yun. Talaga nga naman po na kaawa-awa ang kalagayan ng mga hayop na ito. Mahirap para sa kanila na wala kang boses at the same time gutom ka. May mga pagkakataon na ayaw ko talaga sila iwanan pagkatapos ko mabigyan ng pagkain lalo na yung mga may sakit at baldadong aso. Minsan pa during my ride may nakita akong kuting na tatawid sa kalsada binilisan ko ang pagpadyak para lang kunin ko at ibalik ko sa gutter. Nung ibinalik ko na naman tumatakbo na naman. Halos tatlong beses ko siyang ibinalik sa eskinita at ewan ko na lang kung ano na nagyari sa kanya. Eto yung mga bagay na masakit sa puso kapag nakakakita ka ng mga ganito sa kalsada. Tapos doon pala sa eskinita nakita ko na sa isang supot na puti naroon yung mga kapatid niyang kuting na wala nang buhay. Ganyan kalupit ang mga tao sa hayop. Kaya no wonder na binigyan tayo ng matinding pagsubok ng Inang kalikasan.
Pero alam niyo ba na isang piraso ng buhok na lang ang pagitan at matitikman ko na yung sinasabi nilang "Life begins at 40". Ano ba talaga ang ibig sabihin nun? Another chapter? Mid-way of being senior? Junior na senior? Anong klaseng enerhiya ang mayroon kapag nangawarenta ka na?
Pag-akyat ko siguro ng kwarenta I will live more peacefully. I will not waste my time on anger or regret. More stray dogs and cats feeding. Kasi gusto ko maalala ako ng mga tao sa ganitong way of sharing my blessings to these poor creatures na pinabayaan ng kanilang mga dating tagapag-alaga. If die I want to be remembered as one of the good people. I will enjoy every second of myself, forgive myself and be my own best friend.
Pero sa kasalukuyang panahon itatago ko muna yung sinasabi kong "live peacefully", ayaw ko munang manahimik hanggat pinuputakte ng kawatan ang sarili kong bansa. Kaya nga I have lost some friends along the way kasi maingay ako. Mahirap manahimik lalo na kung ang sariling mga kababayan mo ang tinatarantado at tinatapakan ng mga nakakataas. Kasi kung iisipin mo napaka makasarili mo nun. Kumbaga kapag ikaw na ang nakaranas ng paghihirap ng mga nasa ilalim tsaka ka lang magsasalita. Hanggat ayos ang buhay mo kokontra ka sa mga kritiko at nag-aastang maayos ang pamamalakad ng nakaupo. Wag ganun tohl. Mahirap magbulag-bulagan sa panahon ngayon. You won't see it coming baka sa susunod ikaw na ang ngumawa. Kaya dapat maging mapanuri, buksan lagi ang mga mata, magsalita ka rin kung kinakailangan kasi sayang yung common senses na isa sa regalo sa atin ng Maykapal. Nadedevelop yan bilang tao kaya gamitin mo. Losing a friend is not a weakness iniisip ko na lang na mas nakakaintindi ako ng nangyayari sa paligid ko at concern ako at binibigyan ko ng importansiya ang mga kaganapan hindi lang sa aking sarili kundi pati sa ibang tao. Mga pulitiko lang yan. Isipin mo na wala naman ginawa yan sayo. Pinakain ka ba niyan? Tinulungan ka ba niyan sa mga personal mong problema sa buhay? Binigyan ka ba niyan ng advice sa problema mo sa pera o sa pag-ibig? Wala di ba? Kaya wag na wag kag sasamba sa pulitiko. Wag mo silang gawing santo at wag sasali sa mga grupong kulto. May nagawa naman daw na mabuti? oo naman meron pero wag mo iisipin na utang na loob natin yun sa kanila. Dapat lang na gumawa sila ng mabuti dahil iniluklok at pinagkatiwalaan ka ng mga tao. Pero kasi ang nangyayari kadalasan mas inuna yung kapakanan ng ibang bansa. Hindi ako inutil para hindi ko malaman yun. Well yan lang naman ang gusto kong ipabatid sa mga kaibigang nawala pero kaibigan ko pa rin yan.
Five for Fighting - 100 years
Maraming salamat po talaga sa lahat ng ng nakaalala. Buti na lang may Facebook na nagpapaalala kung kelan yung kaarawan mo. Nung wala pa tayong Internet ang paraan ng pagbati ay telepono. Yung telepono na iikot mo pa yung mga numero ng daliri mo bago kayo magkausap o hindi kaya ay sa pamamagitan ng birthday cards. Bale ipinadala sayo sa araw mismo ng kaarawan mo at darating sayo yung card na may pagbati 1 week or 2 weeks na. At iaabot yan sayo on-hand ng mga kartero. Nakakamis na yung mga mailman noh? Yung tipong katanghaliang-tapat may sisigaw ng "Maico......Sulat po, may sulat po kayo", ang pagsigaw niyan sa mga apelyido niyo iba-iba rin ang tono parang sigaw ng nagtitinda ng balot o di kaya tahooooooo! Nakakamis yung ganoong panahon na sulatan. Excited ka pa sa paglaway sabay punit ng unahan ng sobre. Namimis ko rin ang tatay ko dito. Walang paltos yun lalo na pag birthday ko marami akong cards. Yung iba minsan natunog pa pagbuklat mo ng card. Tunog Happy Birthday at kapag Pasko naman tunog Christmas song.
Ito rin yung panahon na marami tayong nakakausap sa messenger noh, yung tipong kailangan mo silang replayan lahat kasi kahit sa kaunting oras binigyan ka nila ng panahon para ikaw ay batiin. Sabi ko nga parang gusto kong bumalik sa dati kong account na Deliveroo kasi doon marami ka talagang makakausap at tatarantahin ka pa kung habit mo talaga ang mag-chat. Iniisip ko kapag namatay ang tao at naka 1 year anniversary na siya dapat may pagbati pa rin, "Happy Death Anniversary!" aba, malay niyo may Facebook sa kung saan man siya mapunta. Anyway, kung anu-ano na ang sinasabi ko. Ang tagal ko rin hindi nakapagsulat at ang huli kong isinulat ay yung pagbubuntis ng pusa ko. Ngayon nabuntis uli siya at nanganak na uli. Isipin niyo gaano katagal yung pagitan. Hahahaha!
Bilang pasasalamat po sa lahat ng pagbati ay marapat na ipaskil ko dito sa post na ito ang mga pangalan niyo. Maraming salamat pong muli!!!