Miyerkules, Hulyo 30, 2025

Bakit Hindi Mo Gugustuhin Maging Immortal?


Pangarap mo bang maging immortal?

Tambay ako kadalasan sa Threads app and sometimes dito tayo naghahanap ng libangan at nagshashare na rin ng ating mga sentimiyento sa iba't-ibang usapin. This app is for people connection. Kung gusto mo ng may makakausap maraming usapin dito na puwede ka sumabat sa mga problema nila sa buhay, mga rants, experiences, usaping pag-ibig at mga iba pang maramdaming usapin or kung anu-ano lang basta alam mo sa sarili na kung magcocomment ay lagi pa rin magbaon ng respeto sa kapwa. 

Kaya ako dinala sa blog post kong ito dahil may nakita akong post about health, and considering my health is not perfectly fine sa kasalukuyan I decided to comment on her Thread post, not in a dramatic way, but in a witty and funny way. Here is the screenshot of that post:


My health is not good because I'm stuck in a loop of stress and anxiety recently. If you don't know, my loving mom died last year me and my sister still cannot move on from that tragedy. Kasabay pa ng aking health issues at ilang beses na rin akong naitakbo sa emergency at the end of 2024 and the beginning of 2025. Ang pinakamahirap pa believe it or not ay sinabayan pa kami ng mga supernatural existence ng aming bahay na matagal na rin namin naeexperience. But, we don't mind it, and ang sabi ko nga the greatest fear that happened to my life already happened, and that is my mother's death. Wala na akong kinatatakutan pa, and (knock on wood) even if my dear life ends, my only fear is yung sister ko na maiiwan at yung mga pets na alaga namin na kasa-kasama namin as our physical protection dito sa aming house. Ikukuwento natin yan sa mga susunod na blogisodes about the paranormal experiences namin dito sa bahay. Alam niyo ba na una nang tumanggi sa aming kasambahay dahil sa mga naramdaman namin dito sa bahay. Soon, I'll tell you the stories. 

But yes, let's go to the main subject of this blog, well, tama naman si ate jajabolos dun sa thread post niya. Many youths of today died early or hindi kaya bata pa ay marami nang karamdaman. I'm at 43, turning 44 on August 18, and it feels like my functioning heart is already 70. Just in a blink of an eye, after ng mga humble rides ko kung saan-saang lupalop ay bigla akong nanghina hanggang sa mawala na yung aking hobby na mag-bisekleta because of the weakness I feel. I easily get tired, and the doctor says my disease has gotten back with a vengeance, blocking my two artery replacements last 4 years to 90% both.

Marami nga today ang sabihin nating gymrats, and strengthening their bodies to be fit and strong. Ang iba nagdadiet at nagpapapayat but it all boils down para sa akin into "genetics". Kahit pa gaano ka ka-able sa mga strenthening activities mo kung ang pamilya niyo ay may history ng chronic diseases there is always a possibility na maiinherit mo yun pagdating ng time. Which is really unfair, right? Stress and anxiety are also perfect ingredients to develop chronic diseases, like lack of sleep, nabasag ang circadian rhythm, fatigue from travel, pagod ang mental fatigue, mga usaping billings, and everything is an impending doom to get a chronic deadly disease.

At 40 may mga tao pa bang hindi stress? yung hindi nagkakasakit or once in a blue moon lang magkaroon ng matinding sakit o di kaya ay may mga tao pa bang hindi nagmamaintenance? Taas ang kamay. 

Nireplayan ko si ate sa Thread post niya since I got interested in the topic she brought to the table. I agree on everything she says pero naisip ko lang agad sa malikot kong kukote yung tungkol sa Bible times and I think about Methuselah. I admit that I am not an avid Bible reader, but I do like the Bible stories, not reading them, but watching them. The more visible mo na napapanood yung stories mas nagkakaroon kasi ng interest to gain knowledge from it, and not only knowledge, but knowing God's words. Dito na pumasok yung usaping immortal since the character of Methuselah lived for 969 years. Ewan ko na lang kung hindi ka pa magsawa sa buhay mo niyan, baka at your 800th year dun ka pa lang magpa-plan na ayusin na ang diet mo at kumain ng tama. I also agree that the food we eat is the food that makes us weak. Ngayon lang kasi tayo naniniwala na yung word na "moderately" can save you. Kahit anong bagay na gawin mo na ipapasok mo sa katawan mo dapat ay moderately mo lang gagawin lalo na yung mga pagkain na magpapaiyak ng katawan mo. 

Pero paano nga kaya kung isa sa atin ay binigyan ng gift na immortality? How will you take it? Will this be an advantage to you or pagdudusuhan mo sa huli at gusto mo na lang bawiin ang binigay na regalo sayo? Aabot ka sa point na magtatanong ka kung bakit hindi mo gugustuhin maging Immortal? Tara, pag-usapan natin. 

Queen - Princes of the Universe

Noong bata tayo, ilang beses nating inisip na *“Sana hindi ako tumanda”*, o kaya *“Gusto kong mabuhay habang buhay.”* Ang sarap nga namang isipin—habang lahat ng kaklase mo ay may puting buhok na at likod na tila may kargang kabundukan ng Benguet, ikaw ay kasing-presko pa rin ng bagong gupit na estudyante. Immortal ka, ‘ika nga. Hindi ka tinatablan ng tigyawat, ng rayuma, ng heartbreak (daw), at higit sa lahat, ng kamatayan. Imagine, habang lahat sila ay nagkaka-alzheimer’s, ikaw ay nagkakabisado ng lyrics ni Taylor Swift, kahit 100 years na itong hindi sikat at pumanaw na lahat ng artistang nakilala mo sa panahon ng kasikatan nila. You can travel the world without worrying about time—para kang may lifetime ticket sa buhay, habang lahat ay may expiration date. Tapos, kung makakita ka ng cute na tao, pwede mong sabihin, “I’ve seen beauty for centuries, but yours is the only one that made me forget time.” Naks. Immortal ka na, swabe ka pa.*

Pero teka lang. ‘Wag muna tayong lumipad sa pantasya, dahil kahit gaano pa kaganda ang ideya ng pagiging imortal—ang tunay na mukha nito ay hindi lang puro kasiyahan. Habang tumatagal ka sa mundo, unti-unti mong mapapansin na ikaw na lang ang naiwan. Una mong nilibing ang mga magulang mo, pagkatapos ang mga kaibigan mo, mga naging ka-love team mo, at maging ang mga taong hindi mo gusto—lahat sila ay dadaan sa buhay mo, pero ikaw... mananatili. Parang ikaw yung kinain ng eksena, pero hindi ka na makalabas. Imagine mo ‘yung paulit-ulit na tanawin: bagong presidente, bagong giyera, bagong TikTok trend, bagong heartbreak—lahat ng bago, paulit-ulit na lang. Mapapagod ka. Sa haba ng buhay mo pwede kang maging artista, piloto, mekaniko, business tycoon, sundalo, model, architect, presidente at kung anu-ano pa. Para kang si Highlander, di Duncan McCloud na nabuhay pa sa prehistoric times at buhay pa rin hanggang sa modern times. Pero gaano man ang haba ng buhay mo, garantisadong mapapagod ka rin at magsasawa. 

At huwag nating kalimutan ang puso. Oo, kahit immortal, nasasaktan. May pagkakataong iibig ka, mamahalin mo ng buong-buo, pero ‘di mo siya makakasama habambuhay. Habang ikaw ay nananatiling bata, siya ay unti-unting kakalasin ng panahon. Makikita mong unti-unting pumapangit ang tawa niya—hindi dahil hindi na siya masaya, kundi dahil wala ka nang magawa para pigilan ang pagtanda niya. Iiyak ka, at kahit ilang daang taon pa ang lumipas, hindi mo pa rin siya malilimutan. Ang immortal ay may memoryang masyadong matalim—lahat ng sakit ay hindi nawawala, parang sugat na hindi na kailanman gagaling.Parang replay na lagi mong maaalala sa panaginip paulit-ulit. Kasiyahan, kalungkutan, sari-saring sanglibng damdamin paulit-ulit. Immortality is a curse disguised as a gift.

Isa pa, wala kang permanenteng tahanan. Para kang nomad. Kapag nakita ng mundo na hindi ka tumatanda, pagtataasan ka ng kilay, o baka gawing science experiment. Magtatago ka, magpapalit ng pangalan, magdidisguise, magpaparetoke, sa madaling salita wala kang permanent identity. Sa una, exciting. Sa ika-labing-walong ulit mong gawin, nakakasawa na. Nakakapagod na. You will crave for rest, for an end, for stillness, for peace. 

Kaya kung iniisip mong gusto mong maging immortal para makaiwas sa sakit, mali ka. Sapagkat sa pagiging immortal, mas marami kang sakit na kailangang dalhin. Panghabambuhay ang alaala, panghabambuhay ang pangungulila. Parang tula ng isang makatang pagod:

Hindi lahat ng buhay ay buhay na masaya,

May buhay na naghahanap ng wakas at katahimikan,

May pusong nanatiling buhay, pero patay na sa loob.

Kaya kung may pagkakataon kang pumili kung mananatili kang mortal o magiging immortal, piliin mong tumanda. Piliin mong maramdaman ang bawat sakit, luha, at saya—dahil doon mo makikilala ang tunay na kahulugan ng buhay. Hindi natin kailangan ng habang-buhay para mahalin ang mundo; kailangan lang natin ng sapat na panahon para magpakatotoo.At sa dulo, ang pinakamasarap sa lahat ay ‘yung matapos mo ang biyahe, at masasabi mong: “Tapos na. Salamat.”

Dahil minsan, ang pagtatapos ay hindi kapus-palad… kundi isang mapayapang paalam. Kaya simula ngayon huwag ka na babati ng Mabuhay ka! kundi..

Alam niyo na...

Martes, Hulyo 29, 2025

Jack's Biking Chronicles: A Jungle in the City Ride at Malabon Zoo

 


There was a time that I go for a non-planned ride, yung tipong hindi ko alam kung saan ba ang ruta ko kahit nakalabas na ako ng bahay at tamang nasa biyahe na. One Sunday, I really don't know where I'm going kasi mnsan nakakasawa na rin magpunta s amga lugar na lagi mo na napupuntahan linggo-linggo like Intramuros rides or Binondo, Rizal Park. Pumunta muna ako sa Intramuros sa labas ng Manila Cathedral and breathe fresh air at nagrefresh sa inuming buko juice sa mahabang ride papunta dito. I sat for a while sa mga stone benches while just looking for people coming in and out of the cathedral. Finally, I remembered the ride that I promise to myself to visit since I've already saw the newly renovated Manila Zoo simula nang masunog ito noong 2015. The renovation was really worth it and ang ganda na ng Manila Zoo noong binisita ko ito 3 years ago.Sa mga rides ko I have  note sa cellphone and nakita ko doon yung Malabon Zoo, so sabi ko why not and it's too early and the sun is shining so there i sno worry na baka umulan. I decided to visit Malabon Zoo. I cycled from Quiapo to Sta Cruz Church at dumaan din ako ng simbahan para bumili ng sampaguita ang sent away my prayers.I love this route kasi hindi siya open highway kung saan delikado. Hindi rin naman trapik at hindi ganoon karami ang mga sasakyan at higit sa lahat hindi kainitan dahil sa ilalim ng LRT ang daan na aking binabagtas. Simula sa istasyon ng Carriedo, Doroteo Jose, Bambang, Tayuman, Blumentritt, Jose Abad Santos, 5th Avenue  hanggang Monumento ang aking pinadyak at sa kanto nga ng  SM City Grand Central ay tumawid ako sa circle ng pamosong Bonifacio National Monument. Pagkatawid ay marami kang pagpipiliang lagusan kung saang daan ka patungo. Bandang kanan ay papuntang EDSA at Quezon City, ang daan sa gitna sa harapan ng SM Hypermarket ay ang Manila rd kung saan naroon ang Malabon Zoo at papuntang Mac Arthur Highway, Valenzuela, probinsiya ng Bulacan at mga probinsiya sa Norte katulad ng Baguio at Ilocos Sur at Norte. Sa kaliwa naman ay ang Samson Rd na patungo naman sa Caloocan at Navotas. The journey was long but was fun discovering new places and a new route to learn.


The ride itself was an adventure. From Imus, I took the Aguinaldo Highway, passing by familiar landscapes before merging onto the Coastal Road. The route is a bit challenging, with some uphill climbs and heavy traffic in certain areas, but the sense of accomplishment as I pedaled closer to my destination was exhilarating. For fellow cyclists in Imus, this route is definitely doable, though I recommend checking traffic conditions beforehand and bringing plenty of water. It's a journey well worth the effort!

Malabon Zoo, unlike its more famous counterpart, Manila Zoo, holds a unique place in the history of Philippine wildlife conservation. Established much later, it carries a quieter, yet equally significant story. While precise historical records are scarce, from what I've gathered, it started as a smaller collection of animals, gradually expanding over the years. It’s a testament to community effort and a passion for preserving local fauna.

Ang mismong zoo ay isang kaaya-ayang lugar, kahit medyo maliit kung ikukumpara sa Manila Zoo. Ang mga hayop ay nasa mga kulungan na ngunit malapít ang experiece, na nagbibigay ng mas malapít na pag-obserba sa mga hayop sa kanilang mga kulungan. Ang pinakamaliit na naninirahan, ang maliliit at makulay na mga ibon, ay naglipad-lipad at kumakanta, isang kaaya-ayang kaibahan sa mas malalaking reptilya na nagbababad sa araw katulad ng kanilang dalawang buwaya. Kahit tinitignan ko lang sila sa kanilang kulungan ay natatakot pa rin ako. Nakakita ako ng iba't ibang uri ng mga butiki, ahas, at pagong, na ang mga kaliskis ay kumikinang sa ilalim ng liwanag. Ang mga unggoy, masayahin at maliliksi na naglalambaras sa mga dinisenyong kulungan para sa kanila, ang kanilang pag-ugoy sa sanga Siyempre, ang mas malalaking hayop, tulad ng usa at iba't ibang ibon na mandaragit katulad ng agila, ay nakakuha ng pansin dahil sa kanilang laki at maringal na presensya. Ang koleksyon ng zoo, bagaman hindi kumpleto, ay nagbibigay ng sulyap sa magkakaibang wildlife ng Pilipinas.

However, Malabon Zoo faces challenges. Funding seems to be a major constraint, impacting the quality of animal care and the overall upkeep of the facilities. There's a palpable need for more resources to ensure the animals' well-being and to enhance the visitor experience. Comparing it to Manila Zoo, the latter boasts a larger collection, more modern facilities, and arguably a better-established infrastructure. Yet, Malabon Zoo holds its own unique charm, a more intimate setting that allows for a closer connection with the animals. It's a zoo that needs support and recognition, a place deserving of investment to ensure its continued existence and contribution to wildlife conservation.

Malabon Zoo houses a variety of animals, though a definitive list of the "most common" is unavailable from readily accessible sources. However, based on available information, some animals frequently mentioned at the zoo include:

Commonly Cited Animals: Bengal tigers, lions, bears (likely brown bears), deer (possibly Philippine brown deer), orangutans, and various bird species such as owls (Philippine eagle owl, Philippine scops owl), hornbills (Southern rufous hornbill), and cockatoos (red-vented cockatoo). Reptiles are also present, including crocodiles (Philippine crocodile and saltwater crocodile), snakes (potentially reticulated pythons and Burmese rock pythons), and turtles. Additionally, monkeys (Philippine long-tailed macaques) and other smaller mammals are likely present.

Potentially Rare Species: A pure white lion cub was recently born at the zoo and is exceptionally rare. Albino Burmese pythons, also mentioned, are less common than their normally colored counterparts. Certain bird species native to the Philippines, such as the Philippine eagle-owl or specific hornbill species, could also be considered relatively rare depending on the zoo's collection size and the overall conservation status of these birds. The Philippine brown deer, while not globally endangered, might be considered relatively rare in a zoo setting.
Savage Garden - The Animal Song

Ang pagbisita ko sa Malabon Zoo ay higit pa sa isang pamamasyal; ito ay isang paglalakbay sa puso ng konserbasyon ng wildlife sa Pilipinas, isang paalala sa kahalagahan ng pag-iingat sa ating likas na yaman. Ang mga hamon na kinakaharap ng zoo ay nagpapakita ng pangangailangan para sa mas malawak na pakikilahok ng komunidad at suporta ng pamahalaan. Ito ay isang lugar na nararapat sa ating pansin at tulong, isang lugar na, sa tamang pangangalaga at resources, ay maaaring patuloy na magturo at magbigay inspirasyon sa mga susunod na henerasyon. Lubos kong inirerekomenda ang pagbisita, hindi lamang para sa mga hayop, kundi para sa kuwentong ikinukuwento nito tungkol sa pagtitiyaga at ang namamayani na kapangyarihan ng diwa ng komunidad. Mabuhay para sa mga walang pagod at haba ng pasensiya sa mga nag-aalaga ng mga hayop sa Malabon Zoo at ang kanilang dedikasyon upang mapanatiling malinis at kaaya-ayang bisitahin ang zoo. Sana'y suportahan din ng Mayor ng Malabon ang zoo para naman mas maraming lokal ang bumisita sa isa sa mga tourist spots ng Malabon. 

Gusto ko pa sanang dumiretso ng Valenzuela People's Park hanggang Meycauyan, Bulacan nang araw na yun, kaso ay napakatindi na ng init kaya nag decide nalang ako na bumalik na. Tumambay saglit sa Binondo upang mamili ng pasalubong na makakain tutal ay may dala naman akong lagi na bag pack sa aking mga rides para gawing sisidlan sa aking mga mabibili sa daan. I really recommend Malabon Zoo dahil sa tiyaga ng mga nangangalaga ng mga hayop doon and please support our local tourist spots lalo na kung mahilig ka rin talaga sa mga hayop. 
Ito ang aking Strava statistics ride:


These are my photos of the animals taken from the Malabon Zoo:

Linggo, Hulyo 27, 2025

My Bike is my MVP, My Most Valuable Possession

My adventure buddy for 4 years! What a journey together we have. 

May mga pag-aari tayo o bagay na lubos nating minamahal dahil sa nagpapagaan ito sa mga ginagawa natin sa araw-araw. Katulad na lamang nitong aking bisikleta na talaga nga namang personal na nakatulong sa akin lalo na noong nag-uumpisa akong makarecover sa aking operasyon sa puso. Ang bisikletang ito ang nagsilbing gabay ko sa aking cardio exercises tuwing umaga upang gumana ang aking mga ugat at dugo na kailangang dumaloy sa aking katawan lalong lalo na sa aking puso. Dahil sa bisikletang ito at sa determinasyon kong makabalik sa normal na buhay ay naging maganda ang mga resulta ng aking laboratory examinations. Nadagdagan ang kakayahan ng puso kong makapag-pump ng dugo mula sa 50% na ejection fraction ay umakyat ito sa 55% ang normal talagang equivalent ng ejection fraction o pagdidispatch ng dugo sa buong ugat ng ating katawan papunta sa mga organs katulad ng baga upang hindi madaling hingalin ay nagsisimula sa 55 porsiyento kaya natuwa sa akin noon ang aking doktor dahil nagkaroon ng magandang pagbabago ang performance ng aking puso.

Nabili ko itong bisikleta na ito anim na buwan matapos ang aking open heart surgery. Sa una nanginginig pa talaga ang binti ko dahil hindi pa ako sanay sa liwanag ng araw at sa dami ng tao ay madali akong nahihilo pero kailangan ko masanay muli para bumalik ang normal na buhay. Mahirap sa umpisa at sa awa ng Diyos, I know, I'm on the right track. I'm starting to feel comfortable sa pagsakay sa bago kong bike. I can feel the difference before noong nagbabike ako na may sakit pa ako at ngayon na nagsisimulang gumana ang mga bagong ugat na ikinabit sa puso ko. Wala na akong nararamdaman na pain sa dibdib though may mga kaunting kirot, but the doctor says it's normal because the wounds are slowly healing. Napansin ko rin na wala na, hindi na ako mabilis hingalin. Napapa-praise the Lord talaga ako nuong unang sabak ko ulit magbike dito sa amin. Tuwang-tuwa ako dahil nagagawa ko na ulit, napapangiti at nagpapasalamat habang pabilis ng pabilis ang aking takbo. Mga tatlong linggo ko itong ginawa ang ikutin ang aming buong subdivision. Another 3 weeks dinagdagan ko ang ruta ko sa pag eexercise ko sa umaga. Dito ko na sinimulang pumadyak sa labas ng subdivision, sa Buhay na Tubig hanggang Prima Rosa pabalik ulit sa amin at iikutin ulit ang buong subdivision hanggang makauwi. Ginawa ko yun tuwing umaga ng hanggang dalawang buwan.

Dumating ang Christmas season. Kasama ko rin ang bisekletang ito nang matapos ko ang Simbang Gabi. Isa sa pinakamasaya at meaningful na Pasko para sa akin dahil ito ang pangalawang beses lang sa buong buhay ko na nakatapos ako ng Simbang gabi na kailangang pumadyak. At sa pinakasiyam na araw ay namigay ako ng pagkain sa mga asong nagugutom sa kalsada o yung tinatawag nating stray dogs na inabandona at pinabayaan na lang ng kanilang mga iresponsableng amo. 2013 ng sinimulan ko ang Project Pawprints kung saan tuwing rest day ko sa trabaho ay kikilos ako ng madaling araw at maghahanda ng pagkain para sa mga asong makikita ko sa kalye. Natigil lang ito noong nadiagnosed nga ako na may sakit sa puso taong 2016. Pero walang sisidlan talaga ang aking kasiyahan dahil nagagawa ko na ulit tumulong sa mga aso at pusang kumakalam ang tiyan. Sobrang na-miss ko talaga ang gawaing ito. Simula noong Disyembre ay kada linggo na ako naghahanap ng mga asong kalye para magbigay ng aking mga adobo packs. Nakakalungkot nga lang at natigil ulit dahil sa paglaganap ng Covid-19. Malakas ang aking panalangin na muli kong makikita ang mga lingguhan kong pinapakain. Sana nga ay nariyan pa rin sila at hindi pa sila nawawala dahil sa gutom. Sana ay may mga taong nagpapakain pa rin sa kanila.

Humaba ang aking ruta at sinubukan ko kung kaya kong pumadyak mula dito sa amin hanggang Carsadang Bago palabas ng Bucandala pabalik ng Aguinaldo Highway. Wala naman akong naramdamang hingal o pananakit sa aking dibdib kaya okay naman ang rutang yun. Sinubukan ko pa ulit lumayo, at mula dito sa Buhay na Tubig ay sumubok ako ng bagong ruta. Sa unang pagkakataon ay tinahak ko ang papuntang Pag-asa, Imus, Cavite at tumigil pansamantala sa Pag-asa 7-11. Mula dito ay sumubok pa akong lumayo at mula sa Pag-asa 7-11 ay tumawid ako ng pakaliwa. Padyak lang ng padyak hangga't walang kapaguran kahit hindi nalalaman kung saan ako tutungo hanggang umabot na ako sa Brgy. San Nicolas, Bacoor, Cavite yun palang ruta na yun ay pagkalabas mo ay Zapote, Bacoor na. Mula sa amin ay hindi ko namalayan na naka 15 km na pala ako at palabas na iyon ng Manila. May natuklasan na naman akong ruta at mula sa kanto nun ay dumiretso na ako sa highway para umuwi at nagmistulang parang mini loop sa Strava ang aking ruta at halos 20+ km din ang itinakbo ng aking pag-ride. 

Rascal Flatts - Life Is A Highway

Lumipas pa ang mga sumunod na taon ay mas nakalayo ako sa aking pagbibisikleta kasama ang ilang mga kaibigan sa road trip at unang pagkakataon din na nakapag rekord ako ng pinakamahabang ride sa buong pagbibisikleta ko. Ito ay nangyari sa Sto. Tomas, Batangas kung saan pinadyak namin ang National Shrine of St Padre Pio. Espesyal sa akin ang lugar sapagkat nung nakaratay ako noon sa aking karamdaman ay dinarasal ko rin ang prayer ni Padre Pio para sa mga may heart condition. Kaya nung nagkayayaan ang grupo ng aking high school classmate na niyakag ako na sa Padre Pio sila pupunta ay hindi ako nagdalawang isip na sumama at makakapag pasalamat sa Diyos at kay Padre Pio sa kanyang nasyonal na dambana. Sobrang epic ng ride dahil ramdam ko ang proteksiyon ng Panginoon sa akin at ng aking mga kasama. Alas-kuwatro kami ng madaling araw umalis at nakauwi kami sa aming mga bahay ng pasado alas otso na. Nakaramdam ako ng pagod at hingal pero ayos lang at sulit talaga ang ride na yun. 

Sa paglipas ng mga buwan, hindi ko akalaing mararating ko ang mga lugar na dating imposible para sa akin. Mula Cavite, nakarating ako sa Los Baños sa Laguna, umikot sa Quezon City, Pasig, Pateros, Makati, at Maynila. Hanggang sa isang araw, nagising akong nasa kahabaan na ng Ilocos—nakarating sa malamig na hangin ng Pagudpud at sa makasaysayang kalsada ng Vigan. Sa bawat destinasyon, dala ko ang tibok ng puso kong unti-unting lumalakas, dala ng tapang at tiwala na hatid ng aking bisikleta. Hindi lang ito naging transportasyon—isa itong panata ng pagbangon, isang personal na tagumpay laban sa sakit.

Ngunit sa pagtatapos ng taong 2023, isang mapait na balita ang dumating. Bumalik ang aking dating karamdaman. Isang balitang muling sumubok sa aking lakas at pag-asa. Napilitan akong itigil ang mga mahabang biyahe sa bisikleta—ang mga araw ng malayang pagtahak sa mga lansangan ay napalitan ng katahimikan at muling pakikibaka. Ngunit kahit hindi ko na magamit nang tulad ng dati ang aking bisikleta, nananatili itong isa sa pinakaespesyal kong pag-aari. Tinitingnan ko ito at naaalala ko ang bawat tagumpay, bawat buhos ng pawis, at bawat patak ng luha ng kaligayahan.

Walang anumang bagay ang makapapalit sa aking bisikleta. Isa itong alaala ng pag-asa, lakas, at muling pagbangon. Isa itong paalala na minsan, sa kabila ng lahat, kaya nating lampasan ang mga unos. At kahit huminto man ang gulong ng aking paglalakbay sa ngayon, ang kwento ng aking bisikleta ay mananatiling buhay sa aking puso—habambuhay.

Biyernes, Hulyo 25, 2025

Oda sa Wala: "The Macabre Fragrance of Nothingness"

 

"Habang tumatanda ka mas lalo kang nagkakaroon ng dahilan para gawin ang mga bagay na akala mo di mo gagawin nung bata ka"

Kagabi habang ang sungit ng panahon ay patuloy na nananalanta sa Luzon ay sinubukan kong maghanap ng mga full movies sa YouTube. Ugali ko na rin kasi na maghanap ng pampaantok na pelikula bago ako matulog. This time gusto ko ng tagalog at inihatid nga ako ng Youtube sa isang pelikula na ang title ay, "Oda sa Wala". Na-curious ako sa title at nagulat din ako sa bida, si "Pokwang". Sabi ko sa sarili ko na mukhang ang napindot kong pelikula ay nakakatawa dahil kilala ang artista na si Pokwang bilang komedyanteng aktres sa Pilipinas. Mas lalo pang naging interesante dahil ang bungad ng pelikula ay tila hindi kakatawan. Mukhang mabigat, dark at gothic ang tema, pero sino ang bida? si Pokwang! Mas lalo pa akong nag-agree sa sarili na panoorin ang pelikula dahil ito pala ay indie film na pinalabas din sa ibang bansa sa 54th Karlovy Vary International Film sa bansang Czech Republic noong 2018. Inumpisahan ko na nga at natapos ang istorya. At nandito tayo ngayon sa ating blogosperyo para bigyang kritiko ang nasabing pelikula na bihira nating gawin dito sa Ubas na may Cyanide. 

Ang oda ay karaniwang isang liriko o isang uri ng tulang awitin na nakasulat bilang papuri o dedikasyon para sa isang tao o isang bagay na nakakakuha ng interes o pagtuon ng makata o nagsisilbing isang inspirasyon para sa mismong oda. Sa Ingles ito ay tinatawag na "Ode". 

Para sa aking ang Oda sa Wala ay isang malalim, mabigat, at tahimik na pelikula na sumasalamin sa matinding kalungkutan, pag-iisa, at ang desperasyon ng isang tao na maramdaman ulit na siya ay may halaga. Sa gitna ng dilim at katahimikan ng kwento, makikita ang isang uri ng pag-iyak na hindi sigaw kundi bulong—isang uri ng lungkot na walang luha pero mabigat sa dibdib.

Tampok dito si Pokwang bilang Melodina, siya'y isang matandang dalaga na namumuhay sa isang lumang punerarya na minana niya mula sa kanyang ama. Halos walang kliyente, walang kausap, at tila nakakulong sa isang nabubulok na espasyo, lumalalim ang kanyang depresyon. Isang araw, dumating ang isang hindi kilalang bangkay—isang matandang babae. Imbes na i-cremate o ibaon, piniling panatilihin ni Melodina ang katawan, na kalauna’y kinakausap niya, pinapaliguan, at tila itinuturing nang kaibigan o ina. Medyo weird di ba?

Habang lumalalim ang kanyang ugnayan sa patay na katawan, unti-unti ring lumalantad ang kanyang pinagmumulan ng lungkot: ang kapabayaan ng lipunan, ang pagkakait ng pagmamahal ng ama, at ang kanyang desperasyon na maramdaman muli na siya ay mahalaga.

Isang napakagandang sorpresa ang pagbibigay-buhay ni Pokwang kay Melodina. Malayo ito sa kanyang karaniwang comedic roles. Tahimik, pigil, at puno ng damdamin ang kanyang acting—tila bawat titig, bawat kilos, may dalang bigat at kwento. Isa itong career-defining performance na nagpapatunay na kaya rin niya ang malalalim at dramatikong papel.

The Cranberries - Ode To My Family

Unique din ang cinematogrpahy ng pelikula. Dalang-dala  ng desaturated colors at claustrophobic framing ang bigat at lungkot ng lugar at specially punerarya pa ang setting. Ang bawat eksena ay puno ng espasyo pero walang buhay, na sinasalamin ang emotional state ni Melodina. Ang punerarya ay isang karakter sa sarili nito—bulok, malungkot, at puno ng alaala ng kamatayan.

Tahimik ang pelikula sa kabuuan, ngunit ang mga tunog—langitngit ng kahoy, lagaslas ng tubig, at ang tila huni ng hangin—ay nagbibigay ng tensyon. Wala halos musical score pero iyon mismo ang nagpapalakas sa epekto ng eksena. Ang mga pag-uusap ay maiikli lamang at mas mahaba pa ang mga tunog ng mga bagay na ginagawa ng mga karakter. 

Ang “Oda sa Wala” ay isang tula para sa mga nakalimutan, sa mga hindi napansin, at sa mga pilit hinahanap ang kahulugan ng kanilang pag-iral. Ito ay alegorya ng kung paanong ang kakulangan sa pagmamahal ay maaaring magbunga ng kabaliwan. Sa kabila ng katahimikan nito, ang pelikula ay isang malakas na sigaw sa lipunan ukol sa mental health, pagkalinga, at ang sakit ng pag-iisa.

Hindi ito para sa lahat—sapagkat mabagal ang pacing ng kwento. Minimalist ang estilo, na maaaring ituring ng iba na “boring”. Mas dinig ko pa nga ang aking paghinga habang pinapanood ang pelikula dahil kadalasan sa mga scene ay tahimik. Malabo para sa mga naghahanap ng tradisyunal na kwento o resolusyon. Pero dahil kakaiba ang istorya ng pelikula at maganda ang presentasyon ng cinematography at disenyo ng produksiyon, binibigyan ko ito ng:

8 out of 10 para sa akin ang kanyang final rating. 

Isang obra maestra sa indie Filipino cinema. Hindi ito para sa kaswal na manonood, kundi para sa handang harapin ang kalungkutan ng katahimikan. Sa Oda sa Wala, makikilala mo hindi lang ang kamatayan, kundi pati ang pagkamatay ng koneksyon, ng pag-asa, at ng sarili.

Oda sa Wala (2018)
Direksiyon: Dwein Baltazar
Bida: Pokwang
Genre: Drama, Pyschological, Art House

Kung gusto niyo rin panoorin, narito ang link sa Youtube:
https://www.youtube.com/watch?v=JeT6BSsWd9s&t=821s



Miyerkules, Hulyo 23, 2025

Nobentimeline: Ano Ang Mga Nangyari Noong 1995?

 

1995 Pope John Paul II Papal Visit to the Philippines 🇵🇭

🎵 "Kamusta na ayos pa ba ang buhay natin kaya pa ba eh kung hindi paano na? ewan mo ba. Bahala na."🎵

Kung ang taong 1994 ay nababalot at puno ng kaguluhan, sa taong 1995 ay magpapatuloy ito at sinasabing mas lalala pa. Sa nakaraang video natin ay nabanggit ang ikaapat na zona ni dating Pangulong Ramos. Nagkamali tayo doon dahil ikatlong SONA pa lang niya. Ang taong 1994 at itong taong 1995 ay ang kanyang ikaapat na zona. Muli ay magiging priority niya ang pagpapalago ng ating ekonomiya na unti-unti namang naa-achieve ng ating bansa pero hindi naman ibig sabihin ng kapiranggot na pag-angat ng ekonomiya ay ang pagkakaroon na ng pagbabago sa buhay ng mga Pilipino dahil pwede namang tumaas ang ating ekonomiya na nananatiling mahirap pa rin ang karamihan. Sa pagpapalago ng ekonomiya ay naroon pa rin ang programa ng pagkakaroon ng mga foreign investor sa ating bansa ang pag-eexport ng mga produkto at siyempre ang pakikilahok natin sa Uruguay round agreement at ang paglahok din natin sa World Trade Organization. At dahil nga sa patuloy na kaguluhan sa ating bansa ay isusuling ni dating Pangulong Ramos ang anti-terrorism at crime control act nang sa ganoon ay maging maayos ang ugnayan ng gobyerno sa Cordillera at sa Mindanao na paraan na rin para matamo ang kapayapaan. Pero sa taong ito ay malabong malabong makamit ito ng ating bansa. Ang pagsulong ng Agrarian Reform, ang Armed Forces Modernization, ang pagkakaroon ng maayos na relasyon sa Amerika sa kabila na napaalis na ang kanilang mga base sa ating bansa, at ang issue sa China Sea kung saan sa panahon kasing ito, 1995 ay may mga maitatayo ng struktura sa Mischief Riff na bahagi nga ng ating bansa. 

Sa taong ito ay mare-release ang album na "Bagong Babae" ng solo singer na si DJ Alvaro, kung saan ay nakapaloob dito ang kantang, "Ang tipo kong lalaki",  ang kantang ito ay umagaw ng pansin sa mga tao hindi lamang dahil sa lyrics nito, kundi dahil sa ganda ng melodya kaya naman agad itong sumikat. Tulad naman ng Mandaluyong ng taong 1994, sa taong ito 1995 January 2 nang lagdaan din ni Pangulong Ramos ang Republic Act number 7854, ito'y para sa pagiging ikapitong highly urbanized City sa Metro Manila ng Makati at ang batas ngang ito'y tuluyan ng naaprubahan matapos ang plebisito. Nang sumunod na buwan February 2, maaga namang sumalubong sa taong ito ang isang trahedya o aksidente ng isang bus ng Florida bus lines nang nahulog sa bangin sa Echague sa Isabela kung saan tatlumpu't-isa ang binawian ng buhay at 36 naman ang sugatan. Ayon sa imbestigasyon alas-sais ng gabi umalis sa Maynila ang nasabing bus at karamihan sa mga pasahero nito ay yung mga nagdiwang ng holiday sa Maynila at dakong 3:00 ng madaling araw nang makatulog ang driver ng bus dahilang para mawalan ito ng kontrol na naging dahilan ng aksidente. January 6 naman ng matuklasan ng mga kapulisan sa Maynila ang hideout ng mga terorista na nagpaplanong paslangin si Pope John Paul II. Ang magpasabog ng mga eroplano at ng CIA headquarters o yung tinatawag na Bujinca Flat. Natuklasan ang kanilang kinalalagyan ng aksidenteng magkaroon ng sunog dito, kung maalala niyo ay pinasimulan nga nila ang kanilang misyon nang pasabugin nila ang isang eroplano ng Philippine Airlines at isang Hapon nga ang binawian ng buhay, bagaman nakatakas nga itong si Ramsey Yussef. Pero sa taon nga ito ng 1995 ay mahuhuli nga siya sa Pakistan at dito nga sa ating bansa ay nadakip din ang kanyang mga kasama kabilang itong si Abdul Hakim Murad na isa nga sa mga leader ng nasabing misyon.

 January 8 naman nang ganapin ng 1995 PBA draft kung saan ang first overall pick ay itong si Dennis Espino, second pick naman itong si EJ Feihl at third pick si Kenneth Duremdes at nakasama rin dito ang super Rookie na si Jeffrey Cariaso na pang number six sa overall pick at sa ika-1 naman ng Enero sa taong ito ay magpapasimula na ang World Youth Day ito ay selebrasyon ng mga kabataang Katoliko na magsisimula nga sa January 10 hanggang January 16 sa Maynila. Ito'y unang pagkakataon para sa isang bansang Asyano na mag-host ng event kung saan sa pagkakataong ito ay bibisita sa ating bansa si Pope John Paul II. Ito ang ikalawang pagbisita niya sa ating bansa mula 1981 at ang magiging huling pagbisita niya rin sa isang bansa sa pagtatapos ng 20th century. Siyempre alam naman natin na malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ay mga Katoliko kaya naman malaking event talaga ito sa ating bansa. Sa mga sandaling iyon kung saan kahit nga sa mga eskwelahan hindi man makapunta sa Maynila ay nag-practice ng kanta ang mga kabataan ang kantang"Tell The World of His Love", na kinompose ni Trina Bilamide. At noong January 15 na isagawa ni Pope John Paul II ang isang misa sa Luneta kung saan mga nasa apat na milyon ang dumalo dito. 

January 13 naman habang ginaganap naman ng World Youth Day sa Maynila ay ito naman ang panahon ng bakbakan ng mga militar ng gobyerno at ng Abu Sayyaf sa mindanao kung saan tinatayang mahigit 40 ang napaslang sa mga bandido at 7 naman sa panig ng gobyerno at sa labanang pangang ito ay makikilala ang kagitingan ni Captain Celito Sohana sa kanyang pamumuno sa labanan kaya naman siya ay ginawaran ng Medal of Valor noong 1996. January 16 naman nang magpasimula ang Destiny Cable, ang isa sa pinakamalaking Cable TV provider sa panahong ito na nasa ilalim din naman ng Sky Cable Corporation. Sa mga panahong ito kapag may cable ka masasabing nakakaangat ka talaga sa buhay at sa mga pagkakataon ding ito dahil dual type na wire lang ang ginagamit ng mga cable company ay nauso rin ang pag-tap sa mga cable line. Yung magugulat ka na lang na palabo ng palabo ang mga channel ng TV hanggang sa matutuklasan mo na lang na isang compound pala sa squatter ang nakakabit. 

 January 21 naman katulad din ng Mandaluyong at ng Makati naganap naman na maging highly urbanized City ang Pasig na niratipikahan ang Republic Act Number 7829. January 28 mula ABS-CBN ay lumipat ng GMA 7 ang programang Eat Bulaga kung saan ipinalit sa kanilang time slot na naiwan ang 'Sang Linggo Na Po Sila kasama ding lilipat ng istasyon ang teleseryeng Valiente na nasa ilalim din kasi ng Tape Incorporated. Sinubukan kasing bilhin ng ABS-CBN ang broadcast rights ng Eat Bulaga pero hindi pumayag ang may-ari ng Tape na naging dahilan nga ng paglipat nila ng estasyon. 

🎵 "Hindi ko pa raw alam kung paano umibig sa kanya sa karanasan daw ako ay hilaw pa mag-aral ka pa yan ang sabi nila" 🎵

Sa taon d ito ay mare-release ang kantang"Sabi Nila", ng bandang Agaw Agimat. Sa gitna ng kasikatan ng mga bandang lalaki ang bokalista ay makikilala sila na babae ang lead vocals. "Lahat tayo ipinanganak na kalbo walang buhok, wala ring kuto",  at sa taong ding ito a mari-release din ang "Long Hair" ng bandang The Weed, na isa sa mga kantang kinaaliwan nung panahong 1995. Ito'y dahil sa usong-uso nga ang banda kaya naman usong-uso rin ang mga nagpapa long hair. Sa taong ding ito ay mari-release din ang kantang "Manila Girl" ng bandang Put3ska. 

Pagpasok naman ng buwan ng Pebrero ay matutuklasan na ng ating gobyerno ang mga istrukturang binuo ng mga Chinese sa Mischief Reef sa Spratlys o Kalayaan Island Group at ayon sa mga Chinese ay pahingahan lang daw naman nila ito o pahingahan daw ng mga mangingisda, pero nagkaroon pa rin ng legal action dito ang ating bansa at magpapatuloy pa rin. Siyempre ang pagkakaroon ng atensyon sa pagitan natin at ng bansang China sa buwan ding ito February 2 na magpasimula naman ng programang Dong Puno Live, isa naman itong Philippine talk show na ang host ay ang komentarista at abugado na si Dong Puno kung saan ay kasama niya pa nga rito si Doris Bigornia. Tinatalakay nila ang mga maiinit na issue sa ating lipunan at February 2 rin nang malipat din sa GMA 7 mula sa ABS-CBN ang TV Series na Okay Ka Fairy Ko. Sa programa ia-announce na fairy ay si Dawn Zulueta, sa IBC 13 kasi ay si Alice Dixon at sa ABS CBN ay si Tweety De Leon at sa pagkakataon din ito ay makakasama rin sa cast itong si Spencer Reyes. 

The Weed - Long Hair

February 3 naman nang pasimulang ma-establish ang BGC o Bonfacio Global City at tulad nga ng mga napanood mo sa mga ibang vlogger na galit na galit nga kay President Ramos ito'y dahil nga daw mula sa pagiging military headquarters ay pri-nayvitize niya nga raw ang BGC. Sa panahon ni Pangulong Marcos ay naging kulungan ang lugar na ito ng mga political prisoners katulad nila Jose Diokno at Ninoy Aquino at ng ilang mga writers at mga journalist tulad nila Butch Dalisya, Ricky Lee,  Ben Benito Lumbera at marami pang iba at sa panahon naman ni Pangulong Cory ito'y bago siya bumaba sa kanyang posisyon noong March 19, 1992 ay nilagdaan niya ang Republic Act number 7227 o ang Basis conversion and Development Authority nang sa ganon ay ma-convert nga ang mga military bases sa isang integrated developments dynamic business centers and vibrant communities at taong 1994 na nga nang aprubahan naman nitong si Pangulong Ramos ang privatization ng Ford Bonfacio, ito'y sa halagang Php2 billion at taong 1995 na nga nang pasimulan na ang pag-develop sa lugar at naging BGC na nga ito sa panahon natin sa kasalukuyan.

February 3 naman nang ipalabas sa mga sinehan ang Mighty Morphin Power Rangers the Movie ito ay dahil sa kasikatan ng TV Series ay nalikha nga ang pelikula na tinangkilik naman ng mga Pilipino. February 5 naman nang i-launch ng ABS CBN ang Prime time on Daytime kung saan ay ma ila-launch nga ang programang Isang linggo Na Po Sila, ASAP at ang Cristy Per Minute at February 14 naman na magpasimula ang Medical Care Program sa ating bansa Noong 1971 ng likhain ang Philippine Medical Care Act of 1969 at 1990 naman ilang bills din ang naipasa para naman pagtibayin ang Republic Act 7875 at naipasa naman ang The National Health Insurance Act of 1995 na dahilan ng pagkakabuo ng PhilHealth. Sa buwan naman ng Marso, March 3 na magkaroon ng concert sa ating bansa itong si Janet Jackson na bahagi ng kanyang World Tour Series na Janet World Tour at March 8 naman na magpasimula ang Philppine Lotto Draw sa PTV 4, kung saan ay araw-araw ng ipapalabas dito ang pagbobola kung sino ang mananalo sa Lotto. At sa taong ito, March 17 ay magaganap ang isang malungkot na pangyayaring lumikha ng malaking bahid sa administrasyong Ramos dahil sinasabing kulang daw ang effort para mailigtas ang buhay ng ating kababayan na si Flor Contemplation kaya naman kaliwa't kaan ang batikos ang inabot ng mga kinauukulan lalo na nga yung mga sektor na nangangalaga ng mga kapakanan ng ating mga kababayan sa abroad. Bagaman kasi inamin nitong si Flor Contemplation ang ginawang krimen maraming naniniwala na baka pinilit daw lang siya, sana man lang daw ay nagawaan ng paraan na hindi siya hinatulan ng kamatayan. Naroon din ng pagtuturuan kung sino ba talaga ang nagkulang dito at sa huli nga bago ito bitayin si Flor contemplation ay sinabi niya na hindi raw siyang gumawa talaga ng krimen at pinipilit lang daw siya, tino-torture ng mga kapulisan ito'y ayon din sa isa nating kababayan na nakasama niya sa kulungan kaya naman maraming mga Pilipino ang naniniwala na inosente talaga itong si Flor Contemplation at naging biktima lang talaga siya ng injustice. Kaya naman itinuring siyang bagong bayani ng ating bansa.

Tell the World of His Love, music and lyrics by Trina Belamide

Sa buwan naman ng Abril ay mare-release ang kantang "Sigaw ng Puso" ng singing group na Father and Son, isang kantang naging tunog din ng radyo sa mga panahong ito at madalas din itong Tugtugin sa mga tambayan at maging sa mga lamay. Ito rin kasi ung panahon na kahit sa mga lamay ay napakarami talagang mga pumupunta at nagpupuyat lalo na ung mga kabataan na walang pasok. Kinabukasan, April 2 naman na magbukas ang ikalimang SM mall sa ating bansa, ang SM South Mall sa Las Piñas at ang SM Mall din na ito ang ikalawang SM Mall na magpi-feature ng Ice Skating Rink, pangalawa sa SM Megamall at April 4 naman bilang pagdiriwang ng anibersaryo ng bandidong Abu Sayyaf ay sinalakay nila at ni-raid katuwang ang MILF ang bayan ng Ipil sa Zamboanga Del Sur kung saan ay nanunog sila dito ng mga kabahayan at kumitil at  pumaslang pa ng 53 katao dahil dito, April 7 ay nagkaroon ng paghaharap ang Abu Sayyaf at ang militar ng gobyerno kung saan ay labing dalawa ang napaslang sa panig ng mga Abu Sayyaf at tatlo naman sa panig ng pamahalaan. Bukod pa sa kaguluhan sa Mindanao ay naroon din ang kaliwat-kanang krimen na naganap sa ating bansa at makikilala nga rin sa panahong ito si Jaime Santiago, isang sharp shooter na pulis mula sa Western Police District at dahil nga sa kanyang mga accomplishment sa taong ito 1995 ay pararangalan siya bilang Senior Non-Commissioned Officer of  the Year. April 22 naman nang maipalabas sa mga sinehan ang pelikulang Batang X isang pambatang superhero movie na nahahawig naman sa programang X-Men. Sa pelikulang ito ay bumida sina Aiko Melendez, Michael De Mesa, John A. Sabarte. John Pratts, Janus del Prado at siyempre ang isa sa ultimate crash ng mga kalalakihang batang 90s walang iba kundi si Anna Larucea. Ang pelikulang ito ay dinirek ni Peque Gallaga at ni Lorie Reyes at dahil sa nagustuhan naman ito ng mga manonood ay nagkaroon din ito ng TVseries. Sa buwan naman ng Mayo, May 8 nang ganapin naman ang 1995 National and Local Election kung saan ang nanguna sa pagiging senador itong sina Gloria Arroyo, Raul Rocco, Ramon Magsaysay Jr., Franklin Drilon, Juan Flavier, Miriam Santiago, Sergio Osmena, Francisco Tatad, Gringo Honasan at tulad din sa panahon natin sa ngayon ay marami ring mga naganap na kaguluhan sa panahong ito kung saan ay meron ding mga binawian ng buhay. Kasabay din ng eleksyong ito ang plebisito naman para paghiwalayin ang Kalinga at ang Apayao at naaprubahan naman ito matapos ang botohan at ganun din sa araw ding ito ay naratipikahan naman ang pagiging siyudad ng Muntinlupa sa pamamagitan naman ng Republic Act 7926. Makalipas ang isang linggo, May 16 ng maganap naman ang isang trahedya sa katubigan n ang MVV Antipolo 7 ay nasunog naman at lumubog sa Tayabas Bay habang ito'y papuntang Lucena. Umabot ng 52 ang binawian ng buhay bukod pa sa mga nawala. 

May 18 naman nang mapatay naman sa Quezon City ang labing-isang miyembro ng Kuratong Baleleng at dalawang miyembro pa nila ang natagpuan ding patay sa Pasig at sa Laguna. Bagamat sinasabing summary execution daw ito o robbed out na ginawa ng mga kapulisan kung saan nasangkot nga itong sina Chief Superintendent Panfilo Lacson at 26 pang miyembro ng mga kapulisan. Pero noong 2003 ay na-dismiss ang kaso.  May 20 naman na mag-release naman ng album ang bandang Grin Department, ito ay double album na "Melts in your Mouth" at "ha he hi ho hu", kung saan ay nakapaloob dito ang mga kantang "Miss you (sa loob ng jeepney)" "Tablahan", "Shota ng bayan", "Magbati na kayo", "Fininger", "Iskin",  at marami pang iba. Pumatok ang bandang ito dahil sa kakaiba nilang style talaga namang matatawa ka sa kanilang mga lyics na may pagkaberde. May 26 naman ang ipalabas sa mga senihan ang international film na Casper, isa itong supernatural fantasy comedy movie na pinagbidahan nitong sina Macaulay Culkin, Christina Richie, Bill Pullman at marami pang iba. Kinagiliwan ito ng mga kabataan dahil sa ganda ng kwento at siyempre sa special effects. May 31 naman dahil sa kasikatan ng paggamit ng roller blades sa ating bansa ay pinalabas ang pelikulang Roller Boys na pinagbidahan naman nitong si Patrick Garcia kung sana napasama rin dito sina John CJ Ramos, Eric Fructuoso, at marami pang iba at ito rin yung kasikatan ni Patrick Garcia na maraming gumagaya sa style ng buhok niya na hati sa gitna na mala Hollywood actor at sumalubong naman sa pagpasok ng buwan ng June ang bagyong Auring noong June 1, ito y may dalang napakalakas na ulan na dahilan din ng pagbaha sa iba't ibang lugar. June 11 naman nang bawian ng buhay ang actor singer na si Rodel Naval na nakilala sa kanyang ilang mga kanta tulad ng "Lumayo ka man" at muli naging kontrobersyal ang kamatayan nitong si Rodel Naval dahil nung una sinasabing pneumonia  lang ang kanya kinamatay, bagaman ang mismong pamilya niya ang nag-confirm na ang kanyang ikinamatay daw ay komplikasyon dahil sa sakit na AIDS.

 June 13 naman na ma-release ang International album na "Jagged a Little Pill" ng Canadian singer na si Alanis Morrisette, kung saan nakapaloob dito ang mga kantang "Hand in my Pocket",  "You learn",  "Head Over Feet" at "Ironic",  na talaga namang tinangkilik ng mga kabataan. Ito yung mga panahon na nauuso sa mga babae yung pagsusuot ng sapatos na Tretorn. June 27 naman na tuluyang ipahinto ng Supreme Court ng operasyon ng Jai Alai, kung saan tinuturing kasi itong illegal at sa taon ding ito ay magsisimulang ipalabas sa ABC 5 ang anime na Slam Dunk. Ito'y mula sa Tori animation na unang umere sa Japan noong 1993. Papatok ito sa Pilipinas dahil sa basketball concept nito at dahil sa hilig ng mga Pilipino sa paglalaro ng basketball. Nakakatuwa rin kasi yung twist ng bida sa pelikula na si Hanamichi Sakuragi na imbis na magaling, ay pulpol maglaro. Sa istorya ay inabangan din ang kanyang unti-unting pagkatuto at ang kanilang mga laban sa iba't ibang mga team. Makikilala dito sina Akagi o si Gori at Syempre ang pinakamagaling na player ng Shohoku na si Rukawa at may makakalimot ba ng pinakamatagal na three point sa kasaysayan at bukod naman sa Slam Dunk ay magpapasimula rin sa taong ito ang anime na Ghost Fighter o Yuyu Hakusho, ang anime na masasabing isa sa pinakasikat na anime noong dekada 90. Hindi na siguro kailangan ng mahabang paliwanag kung batang 90s ka dahil alam na alam mo tiyak ang kwento nito at kung sino ang mga karakter. Ako naaalala ko naaksidente ko lang napanood ang Ghost Fighter nang mapalipat ako ng channel, sa channel 13 hanggang sa ito'y malipat na nga sa GMA 7 kung saan lalo itong sumikat at nakasabay pa nga sa prime time ng Lupin the III. Tumatak talaga ang Ghost Fighter dahil sa ganda ng concept ng kwento at mga karakter na sa bandang huli ay medyo lamya na ang istorya dahil ayon din kasi sa mga nag-research ay medyo tinamad na raw ang creator nito na si Yoshiro Togashi at sa taon ding ito ay may makakalimot ba sa anime na Time Quest kung saan ay isa rin ito sa inabangan ng mg kabataan dahil sa ganda rin ng kwento nito. Makikilala dito ang mga cute na character niin Hayato Shindou, Yumi Arama, si Jenny, si Abdullah at marami pang iba. 

Eraserheads - Overdrive

July 19 naman napalabas naman sa mga sinihan ang pelikulang Run Barbi Run na pinagbidahan nitong si Joy de Leon,  Maricel Laxa at ng bandang Eraserheads, third installment ito ng Barbie trilogy. With Joey de Leon ay napasabak sa aktingan itong sina Ely, Buddy, Marcus at Raymond, bagaman sikat sa panahong ito ang bandang Eraserheads ay hindi naman pumatok sa takilya ang nasabing pelikula.July 31 naman na magpasimula ipalabas ang "Katok mga Misis" sa GMA 7, isang television talk show na ang nag host ay sina Giovanni Calvo, Ali Sotto, Bayani Agbayani, Arnel Ignacio at Sanjay Acosta. Sa buwan naman ng Agosto, sa taon dting ito 1995 na ma-release din ang kantang "You Are The Reason" ng Ketama. Isa itong ballad song na sumikat sa dekadang 90 at napagkakamalan pa nga itong International song kahit sa panahon natin sa ngayon at nung panahon ng dekada 90 ay makinig ka lang sa Star FM ay tiyak na mapapakinggan mo ito. August 3 naman arestuhin ng NBI ang RAM member na si Former Sergeant Felomino Maligaya, ito'y sa kasong pagpaslang sa Union leader na si Rolando Olalia at Leonor Alay ng sila ay makasuhan at alam niyo ba na umabot ng mahigit tatlong dekada bago nagkaresulta ang kasong ito. Ito y ng taong 2021 at sa pagkakakataong ito sa dalawang akusado ay tatlo lamang ang nasa kulungan at ang siyam ay nakakalaya pa. Dahil naman sa kasikatan ng Tekken 1 ay nilabas naman ng NAMCO ang Tekken 2 kung saan siyempre madadagdagan dito ang mga gameplay mechanics. Medyo nag-improve din ng graphics at nadagdagan din ng mga character tulad nila Jun Kazama, Nina Williams at Yoshimitsu. August 9 naman nang muling magtambal itong sina Aga Muhlach at Lea Salonga, ito naman ay sa pelikulang "Sana Maulit Muli", ang pelikula ring ito ay nakakuha ng mga parangal sa FAMAS at Gawad Urian.  August 12 naman nang magpasimulang ipalabas sa GMA 7 ang television drama series na TGIS or Thank God It's Sabado. Sinasabing hango ang mga salitang ito sa I love Sabado ng Jollibee, Sabado Nights ng San Miguel Beer at ang Thank God It's Friday na expression ang palabas sa pinagbibidahan nitong sina Bobby Andrews, Angelu de Leon, Onemig Bondoc, Michael Flores,  Raven Villanueva, Red Sternberg, Dingdong Dantes Antonette Taus, Anne Curtis at marami pang iba at dahil naman sumikat at tinangkilik ng mga manonood ay nagkaroon din ito ng pelikula noong January 4, 1997. Bago naman matapos ang buwan ng August 29 ay pumasok naman sa bansa ang Bagyong Hining kung saan ay naminsala ito sa Batanes at sa ibang bahagi ng Luzon dahilan para muling manalasa na naman ang lahar sa paligid ng Mt. Pinatubo kung saan mahigit dalawang libong katao ang apektado at lima ang sinasabing binawian ng buhay. 

Buwan ng Setyembre nag-release naman itong sina Vingo at Jimmy ng album nilang "April Boys", kung saan nakapaloob dito ang kantang "Sana ay Mahalin mo pa rin ako",  kantang pumatok para kiligin ang mga Pilipino mapabata man o matanda at bilang solo artist naman ay hindi rin papatalo itong si April Boy Regino, kung saan ay nag-release din siya ng album na "Umiiyak ang puso", kung saan ay nakapaloob naman dito ang mga kantang "Umiiyak ang puso",  at "Sana'y laging magkapiling".  Ang mga likhang musikang ito ng mga magkakapatid na April Boys ay talaga namang gagawa ng espasyo sa larangan ng musika ng dekada 90. Isang trahedya naman ang naganap noong September 6, 1995 nang mag-collapse ang isang bahagi ng crater wall ng Mount Parker ito'y sa South Cotabato at dahilan ito ng pagragasa ng tubig na mga nasa 50 million cubic meters mula sa Lake Mugan. Ito'y lumikha ng napakalaking baha sa lugar ng mga katutubo dahilan para 70 ang nasawi dito at meron pang mga nawala at nagkaroon din ito ng damage na 3.3 million pesos at ang pangyayaring ito ay ang sinasabing isa sa pinakamalaking flash flood sa Central Mindanao. September 9 naman nang maganap naman ng isa sa pinakanakakakilabot na krimen sa ating bansa ang Payumo Masscare, kung saan apat na miyembro ng pamilyang Payumo ang pinatay na sina Nancy Payumo ang nanay at ang mga anak na sina Joan, Rose, Maria Angela at si Anton ng mga salarin na sina Maximo Delmo, Edmund Delmo at Francisco Lapis. Himalang nakaligtas ang isa sa miyembro ng pamilya na si Helen Grace na siya ring naging susi ng pagkakaturo, dahil siya ang nagturo kung sino ang gumawa ng krimen. Isa ang pangyayaring ito sa lalong nagbigay ng takot sa mga Pilipino sa mga panahong ito, ito'y dahil na rin sa marami ang nalululong sa droga dahilan din ng pagtaas ng krimen at isang linggo lang ang nakalipas ng mahatulan naman ng Islamic Court sa Emirates ang kababayan natin na OFW na si Sarah Balabagan. 1994 nang ma-convict siya dahil sa kanyang pagpatay sa kanyang amo. Ito ay bilang self defense dahil gagahasain daw siya nito. Nung una'y nakakulong lang talaga itong si Sarah pero umapila ang pamilya ng napatay at sinabing ito daw ang kaso kaya naman umabot sa punto na hinatulan ng kamatayan  itong si Sarah Balabagan, pero sa kabila naman nito ay umulan din ng protesta sa iba't ibang bahagi ng mundo hindi lang sa Pilipinas dahilan naman para muling maibaba ang kaso nitong si Sarah at tumanggap na lang din ng blood money ang pamilya ng napaslang nitong si Sarah Balabagan kaya naman tuluyan siyang nakalaya at nakabalik sa ating bansa. September 20 nang pumasok sa bansa ang Bagyong Luding na dumaan naman sa Babuyan Group of Islands bagaman nagpaulan din ito sa ilang bahagi ng Luzon. ilang araw lang, September 29 naman nang pumasok pa ang isang bagyo, ang Bagyong Mameng at ang bagyo namang ito ay napakalakas na bagyo kung saan sinasabing  108 ang binawian ng buhay.  Sa katapusan ng buwan ng Setyembre taong 1995 ay biglang bumulusok ang pagtaas ng inflation sa ating bansa o tumaas ang mga bilihin ng 11.8%. Isa sa naging apektado nito ay ang bigas kaya naman napipilitan ang ilang mga Pilipino na pumila sa NFA nang sa ganon ay makatipid at dito sa mga pagkakataong ito ay unti-unti nang tumataas ang mga bilihin sa Pilipinas. Ito na rin yung pagbabago ng presyo ng bigas ay unti-unti na itong tataas hanggang sa magiging P15 na at magigising ka dalaang isang araw na P27 na at P25 na ang presyo ng bigas. 

October 1 naman na maganap ang sinasabing isa sa pinakamalalang lahar calamity sa bansa. Ito'y dulot din ng Bagyong Mameng. Walang tigil na pag-ulan na naging dahilan ng matinding flash flood kung saan ay nasalanta ang bahagi ng Bacolor, Pampanga at October 7 naman na maitala ang nasa 100 na binawian ng buhay at 252 naman ang nawawala, bagaman may mga nagsasabi pa na mahigit isang libo daw talaga ang binawian ng buhay dito dahil libo-libong kabahayan ang lumubog ng siyam na metro kabilang ang apat na barangay bukod sa Bacolor ay napinsala din ang ilang bahagi ng San Fernando. October 2 naman na magsimula maipalabas ang programang Saksi ng GMA 7 unang tinawag itong Saksi GMA Headline Balita at Saksi Liga ng Katotohanan. Ang mga host naman dito ay sina Mike Enriquez at Karen Davila. October 4 naman sa GMA 7 pa rin nang ipalabas ang Emergency, isa naman itong documentary show na orihinal namang pinaghosan ni Edu Manzano. At bandang 1996 nang bumalik sa GMA 7 itong si Arnold Clavio hanggang 2009 at ang palabas na ito ay tumatalakay sa kalamidad, aksidente at maging sa mga karamdaman at kung paano ito masosolusyunan. October 7 naman na magpasimula sa ABS-CBN ang educational show na Hiraya Manawari, ang programang ito ay naka-focus naman sa pagbibigay at pagtuturo ng mga mabubuting asal. Ang programang Hiraya Manawari ay isa rin sa mga programang kinaaliwan ng mga batang 90s at October 8 naman nang magpasimulang umere ang Star Talk, the only Showbiz Authority, isang Philippine television talk show na maibo-broadcast naman sa GMA Network at ito naman ay orihinal na pinaghosan ni Boy Abunda, Kris Aquino at Lolit Solis at October 11 nang ipalabas naman sa ABS-CBN pa rin ang programang Bayani, isa ring educational show na tumatalakay naman sa mga historical figure ng ating bansa. Kwento ito ng dalawang bata na matutuklasan ang isang kweba kung san ay makikilala rin nila dito ang isang matanda. Naatasan silang bumalik sa nakaraan nang sa ganoon ay saksihan ang kabayanihan ng mga Pilipino sa kasaysayan. Bumida naman dito sina Angelo Cometa, Mara Babor,  Caridad Sanchez at marami pang iba. Sa bandang ito, October 30 naman nang pumirma ang gobyerno at ang grupong RAM sa isang kasunduang pangkapayapaan at ito naman ay naganap sa Camp Aguinaldo ito'y para matapos na ang hidwaan sa pagitan ng dalawang kampo. Ito'y mula pa sa panahon ni Pangulong Aquino. October 19 naman na magsimulang mag-operate ang Enchanted Kingdom, isang team park sa Sta Rosa, Laguna na inistablish naman nila Mario at Cynthia Mamon matapos ang perya, Star City, Boom na Boom ay ito talaga ang dream place ng mga kabataan na mapuntahan at siyempre magiging simbolo na rin ng ating bansa. October 20 naman na magpasimula naman ang Bubble Gang, ang gag show na tumapat naman sa Tropang Trumpo kung saan mga orihinal na cast nito siyempre sina Ogie Alcasid, Michael V, Antonio Aquitana, Sunshine Cruz, Jackie De Guzman, Assunta Da Rossi, Eric Fructuoso, Susan Lozada, Aiko Melendez at Wendell Ramos. Nakilala ang programang Bubble Gang dahil sa mga pop culture at siyempre ang kanilang mga skit kung saan ay bibilib ka talaga sa tandem nitong sina Ogie at Michael V dahilan para tumaas ang kanilang rating at tumagal din ang programa. Sa taon ding ito ay mare-release din ang kantang "Vulnerable" ng bandang Roxette at isa rin ang kantang ito sa mga tinangkilik ng mga Pilipino na talaga naman laging inaabangan sa mga estasyon ng radyo kasabay din na sumikat sa mga panahong ito ang kantang "Dream About You" nitong si Stevie B. na talaga naman kapag pinatugtog sa mga radyo ay nire-record pa ng ilan sa kanilang mga stereo o hindi kaya mga karaoke. October 24 naman nang masaksihan ang total Solar Eclipse sa gawing Tawi-Tawi sa ating bansa kung saan itoy tumagal lamang ng dalawang minuto. Kaya nga lang ilan sa mga nanood nito ay nadismaya pa dahil nagkataong natabunan pa ng ulap ang nasasabing senario at sa katapusan din ng buwan ng Oktubre ay dalawang bagyo ang nanalasa sa ating bansa ang Bagyong Onang at ang Bagyong Pepang na lumikha rin ng malawakang pagbaha at pagdaloy ng lahar kung saan sa bagsik ng epekto ng dalawang bagyong ito ay umabot sa 265 ang binawian ng buhay at umabot naman sa 424 million ang halaga ng pinsala.

 Sa buwan naman ng Nobyembre, November 2 hanggang November 3 ay muling nasundan ang dalawang bagyo nang pumasok pa sa ating bansa ang super typhoon, ang Bagyong Rusing, ang bagyong ito ay tumama sa Luzon na may dalang napakalakas na hangin, isa rin ang Bicol Region sa malubhang tinamaan ng hagupit ng bagyong ito gayon din ang iba pang mainland part ng Southern Tagalog region, ang Metro Manila, at ang Bataan. Sa tindi ng bagyong ito na masasabi talagang isang delubyo ay umabot sa 936 ang binawian ng buhay at at mahigit 1 bilyong piso naman ang naging pinsala nito. Ganoon kalaki sa dami ba naman kasi ng mga nasira at nawasak sa araw na yun. November 14 naman nang baliktarin ng Court of Appeals ang 1992 Libel Conviction ng Manila RTC laban sa Philippine Star publisher na si Maximo Soliven at ang journalist nito na si Louie Beltran kung saan ay naaquit na sila laban sa ikinaso sa kanilang libelo ni dating Pangulong Aquino ng sabihin ba naman itong si Louie Beltran na nagtago daw itong si Pangulong Cory sa ilalim ng kama sa panahon ng 1989 coup d' etat. November 27 naman nang pasimulan na ang construction ng Skyway Project na nagkakahalagang 1.5 billion dollar. Ang proyektong ito ay isa sa pinakamalaking proyekto ng gobyerno na layuning ibsan ang mabigat na traffic sa Metro Manila.

 December 1 naman ang magsimulang umere sa ABS-CBN ang isang television drama documentary anthology series na pinaghosan nitong Si Tony Calvento, ang Calvento Files. Ito yung isa talaga sa tumatak sa mga kabataan na crime TV series na habang nanonood ka ay makakaramdam ka talaga ng takot sa mga krimen at dahil naman sa kasikatan ng programang ito ay nagkaroon din ito ng film version na pinagbidahan nitong si Claudine Barreto at Diether Ocampo na pinamagatang "Balintuwad" at ang isa pang kwento na "Inay May Mumu", na pinagbidahan naman itong si John Estrada, Sharmaine Arnaiz at Chris Villanueva. December 4 naman nang isa pang bagyo ang pumasok sa ating bansa ang Bagyong Sendang na isang napakalakas ring bagyo na lumikha rin ng pagbaha at kumuha pa ng 14 na buhay. December 8 naman sa tindi ng pagtangkilik ng mga Pinoy sa nauna at ikalawang album ay agad namang nag-release ng ikatlong album ang bandang Eraserheads ang "Cutterpillow" nang mailaunch ito sa Sunken Garden sa UP kung saan sinasabing 12,000 tao ang pumunta. Ang album na ito ang sinasabing pinakasikat na album ng bandang Eraserheads. Ito'y dahil na rin sa laki ng benta nito. Sobrang gaganda ba naman kasi ng kanta na kapag pinatugtog mo sa cassette ay wala ka talagang iiskip kahit isa. Ako sa part ko sa album na ito ng Eraserheads ay pakiramdam ko'y nakikinig lang ako sa isang napakahabang kanta yung tipong kapag natapos na yung isang kanta ay alam na alam mo na kaagad kung anong kasunod. Kapag natapos yung kantang Fine Time ay alam mo na ang kasunod nito ay ang Kama Supra at ang Overdrive,  isang masterpiece na album kung saan nakapaloob din dito ang ilang mga kantang napakasikat talaga tulad ng "Torpedo", "Huwag mo nang itanong" at siyempre "Ang Huling El Bimbo." December 9-17 naman nang ganapin sa Thailand ang 18th Southeast Asian Games, kung saan muli na naman tayong pumangatlo sa rank. Nakakuha tayo ng 33 golds, 46 silver at 64 bronze at sa Southeast Asian Game na ito ay makikilala si Elma Muros. Isang trahedya naman ang naganap nangg masunog naman ng isang inter island passenger ferry na MV Kim-Melody Cristy. Ito naman ay malapit sa Fortune Island sa Batangas kung saan ay 24 naman ang binawian ng buhay bukod pa sa mga nawala.

 December 15 naman ay pinalabas naman sa mga sinehan ang pelikulang Jumanji at sa pelikulang ito ay kinagiliwan nung dekada 90 mapabata man o matanda at December 18 naman nang bawian ng buhay itong si Panchito, Alfonso Tagle y Discher sa tototong buhay. Isa sa legend ng Philippine comedy halos kahilera na ni Dolphy, Babalu, Chiquito, Redford White at marami pang iba. Dahil isa siya sa nagbigay ng katuwaan lalo na sa mga kabataan ng dekada 80- dekada 90. December 19 naman nang magtapos ang 1995 PBA Season kung saan ang tinanghal na MVP ay itong si Vergel Meneses. Nag-champion naman sa All-Filipino Cup at sa Commissioner's Cup ang Sunkist at ang Alaska Milk naman sa Governor's Cup. Sa Metro Manila Film Festival naman sa taong ito ay nakasali ang mga pelikulang "Dahas:, "Father and Son",  "Huwag mong isuko ang laban", "Adventures in Animasia", "Magic Combat" at "Muling Umawit ang Puso".  Nagwagi naman bilang best picture ang Muling Umawit ang Puso. Best actor naman itong si Richard Gomez at Best Actress naman si Nora Aunor muli sa taong ito. Bagamat tadtad ng kahirapan at mga hindi magandang pangyayari ang ating bansa ay masaya pa rin naman nating ipagdiriwang ang Araw ng Kapaskuhan at masaya rin nating sasalubungin ang Bagong Taon, ang taong 1996 kung san aalamin din natin ang mga nangyari dito tulad ng Ozone Disco Tragedy, ang 1996 Olympics, ang APEC Summit at marami pang iba.

Making Drama, Ulan at Chasing Pavements

 

Ngayong umuulan, kakaiba ang pakiramdam ko. Wala namang bago sa paligid—basa ang kalsada, malamig ang simoy ng hangin, tahimik ang mga kapitbahay, tuluy-tuloy pa rin ang patutsadahan ng mga bading at ng bingot sa social media at tila pati ang langit ay nakikidalamhati hindi dahil sa kanilang pagtatalo, kundi ay binisita na naman tayo ng mga bagyo at habagat.  Pero may kung anong drama na sinimulang pukawin ng ambon sa kaibuturan ng aking puso. Para bang bawat patak ng ulan ay tumatama sa isang sugat na matagal ko nang itinatago.

Ulan. Ito ang panahon kung kailan mas lumalalim anga ating mga alaala. Ulan ang saksi sa mga huling salitang binitawan ng ating mga minahal. Ulan ang saksi sa kung paanong dahan-dahang naglaho ang mga pangarap ng bawat nagmamahalan ngunit hindi nagtagumpay sa mga buhay na nais tahakin.  At sa bawat patak nito ngayon, para tayong ibinabalik sa mga sandaling iyon—ang hapdi, ang sakit, ang tanong na hanggang ngayon ay wala pang kasagutan.

At doon sa sulok ng aking kwarto, habang nakatanaw sa salamin, narinig ko ang himig na tila perpektong kaagapay ng ulan at madilim na kalangitan. Ang kumakanta, ang kanyang tinig ay parang ulan din—malamig pero malambing, malungkot pero totoo. Tila bang bawat letra ng kanyang kanta ay sinulat niya mula sa mga pusong sugatan katulad ng sa atin. 

“Should I give up, or should I just keep chasing pavements, even if it leads nowhere?”

Minsan tumtigil tayong lahat sa ating mga ginagawa. Pipikit ang nanamnamin ang bawat linya ng Chasing Pavements. Parang ako. Parang kwento natin. Parang pag-ibig na pilit na hinabol kahit walang patutunguhan. Kahit malinaw pa sa araw na wala nang babalikan.

Naalala ko noong ako’y umaasa pa. Gumigising araw-araw na umaasang babalik siya. Na baka bukas, maririnig kong bumukas ang pinto at nandoon siyang muli—ngumingiti, dala ang mga pangakong dati nang binuo. Pero sa bawat araw na lumilipas, napagtanto kong ako na lang pala ang humahabol. Ako na lang ang naniniwala. Ako na lang ang umiibig. Ako na nagbabakasakali. 

Pero sa kabila ng lahat, ang mga kanta humehele sa atin ay ating nagiging pansamantalang kanlungan. Hindi ako kilala ng kumakanta, pero ramdam ko siyang naiintindihan ako. Sa mga araw na ayaw ko nang magsalita, siya ang nagsasalita para sa akin. Sa bawat ulap na tumatakip sa langit ng damdamin ko, siya ang paalala na hindi ako nag-iisa.Umaasa na balang-araw ay may hahawi ng kumakapal na ulap na nakapaligid sa akin. 

Minsan, kailangan nating damhin ang bawat patak, kahit gaano ito kasakit. Dahil sa ulan, natututunan nating hindi lahat ng pagmamahal ay may kasagutan. Minsan, sapat na ang pagmamahal, kahit hindi ito bumalik. At minsan, sapat na ang musika para tayong aliwin.

Kaya ngayon, habang ang langit ay patuloy sa pagluha, hayaan mo akong maging bahagi ng kanyang pag-iyak. Hayaan mong sa bawat patak ng ulan, mailabas ko ang lahat ng sakit. At hayaan mong sa kantang ito ni Adele, unti-unti nating matanggap na ang mga bagay na hindi na maibabalik ay kailangan ding bitawan.

“Should I give up… or should I just keep chasing pavements?”

Siguro, oras na para huminto. Hindi dahil sumuko ako, kundi dahil karapat-dapat din akong tumigil sa paghabol sa taong hindi na kailanman lilingon.


CHASING PAVEMENTS

I've made up my mind

Don't need to think it over

If I'm wrong, I am right

Don't need to look no further

This ain't lust

I know this is love, but

If I tell the world

I'll never say enough

'Cause it was not said to you

And that's exactly what I need to do

If I end up with you

Should I give up?

Or should I just keep chasing pavements?

Even if it leads nowhere

Or would it be a waste?

Even If I knew my place, should I leave it there?

Should I give up?

Or should I just keep chasing pavements?

Even if it leads nowhere

I build myself up

And fly around in circles

Waiting as my heart drops

And my back begins to tingle

Finally, could this be it, or?

Should I give up?

Or should I just keep chasing pavements?

Even if it leads nowhere

Or would it be a waste?

Even if I knew my place, should I leave it there?

Should I give up?

Or should I just keep chasing pavements?

Even if it leads nowhere, yeah

Should I give up?

Or should I just keep chasing pavements?

Even if it leads nowhere

Or would it be a waste?

Even if I knew my place, should I leave it there?

Should I give up?

Or should I just keep on chasing pavements?

Should I just keep on chasing pavements?

Oh-oh

Should I give up?

Or should I just keep chasing pavements?

Even if it leads nowhere

Or would it be a waste?

Even if I knew my place, should I leave it there?

Should I give up?

Or should I just keep chasing pavements?

Even if it leads nowhere

Lunes, Hulyo 21, 2025

Jack's Biking Chronicles: A Journey Through Pinoy & Tsinoy Time and Culture @Chinatown Museum

  

Once Upon a Time in Chinatown Museum

As per my Strava app, this is my 364th ride. Riding about 64 km to Lucky Chinatown Mall to visit a museum called Chinatown Museum. That day was clear and sunny, and it was a great ride to add knowledge by visiting a different kind of museum in Manila. Sinimulan ko ang paglalakbay alas-singko ng madaling araw sa Linggo ng umaga ng October 16, 2022 (uy, birthday pa ng ultimate crush ko yan). This was 3 years ago, but I'm gonna document and write a blog post about this ride. Bago ako dumiretso sa aking main destination that day ay bumisita muna ako sa Ongpin at Mendiola at sa simbahan ng dalawang kambal na simbahan sa Bustillos, ang Our Lady of Loretto at St Anthony Shrine upang manalangin. Finding new churches was also a part of my journey. Lagi akong naghahanap ng bagong simbahan para bisitahin at umattend ng misa. Halos lahat ata ng simbahan sa Maynila ay akin nang nabisita sa pamamagitan lamang ng pagbibisikleta. This road trip was special because of the museum na aking bibisitahin. Para saan nga ba ang museo na ito at ano ang makikita natin sa loob nito? Tara, pag-usapan natin. 

Sumakay ako ng bisikleta mula Imus, Cavite, patungong Maynila. Dinaanan ko ang mga bayan ng Bacoor, Las Piñas, at Pasay. Pagdating sa Maynila, dama ko na ang init ng lungsod ngunit dala ko rin ang excitement na makita at maranasan ang kasaysayan ng Binondo. Sa pagdating ko sa Lucky Chinatown Mall,naghanap ako ng bike parking at agad akong nagtungo sa ika-apat na palapag kung saan naroon ang Chinatown Museum.

The Chinatown Museum is located at the 4th Level, Lucky Chinatown Mall, Reina Regente St., corner Dela Reina St., Binondo, Manila, Philippines.

This museum is a hidden gem inside a modern mall, a time capsule that quietly holds the vibrant story of the world’s oldest Chinatown — Binondo, which was established in 1594 by the Spaniards.

The Chinatown Museum is a cultural and historical museum that explores the 400+ years of Chinese-Filipino heritage in the Philippines. It opened in 2019, curated with interactive displays and multimedia exhibits across 18 themed galleries.

It showcases the unique evolution of Binondo, a community that has stood at the heart of commerce, culture, and connection between Filipinos and Chinese settlers.

Malamig sa loob ng museo dahil airconditioned at mayroong entrance fee na 300 pesos. Malinis at maaliwalas at talaga nga naman instagrammable ang mga display dito. 

Sa loob ng Chinatown Museum, para kang bumalik sa panahon ng mga Intsik na negosyante, mangangalakal, at artisan noong panahon ng Kastila hanggang modernong Binondo ngayon. Ilan sa mga tampok na gallery ay:

  • Calle Escolta Gallery – ipinapakita ang dating kabisera ng komersyo ng Maynila, kung saan makikita ang mga art deco buildings at trading houses.
  • Botica de Binondo – isang lumang parmasya kung saan mabibili noon ang mga halamang gamot ng Tsinoy.
  • La Essencia del Comercio – nagpapakita ng mga produktong ipinagpapalit noon tulad ng tsaa, seda, at ginto.
  • Carvajal Alley – isang makitid ngunit masiglang eskinita na puno ng mga kainan at tindahan.
  • Chinese Opera and Lunar New Year Gallery – tampok ang mga kasuotan, maskara, at kasaysayan ng tradisyong Tsino sa sining at selebrasyon.

Each gallery is designed with real-life artifacts, replicas, and immersive soundscapes that make you feel like you're walking through history.

Binondo is not just any district — it is the oldest Chinatown in the world, founded in 1594. It was originally created by the Spanish colonizers as a settlement for Chinese immigrants who converted to Christianity. Over time, it became a melting pot of cultures, faiths, languages, and business.

Bakit Mahalaga ang Binondo?

  1. Sentro ng Kalakalan – Mula noon hanggang ngayon, Binondo ay naging lugar ng mga negosyanteng Pilipino at Tsinoy. Dito nagsimula ang ilan sa pinakamatatagal na negosyo sa bansa.
  2. Pinagtagpong Kultura – Sa Binondo, naghalo ang paniniwalang Katoliko at Buddhist, ang pagkaing Filipino at Chinese, pati na ang wika.
  3. Pamana ng Ugnayan – Ipinapaalala sa atin ng Binondo ang mahabang kasaysayan ng pakikipag-ugnayan at pagkakaibigan ng Pilipinas at Tsina.

Sa bawat kanto ng Binondo, mararamdaman mo ang pinagtagping kwento ng ating mga ninuno — isang kasaysayang isinulat hindi lamang sa libro kundi sa mismong mga kalye, tindahan, at templo ng distrito.

Post Museum Food Trip Suggestion:

Kapag namasyal ka sa Binondo, siyempre hindi mawawala ang food trip. Palalampasin mo pa ba ang pagkakataon na hindi tumikim ng pinakamasasarap na pagkain sa mga restaurant at food store katulad ng: 

  • Dong Bei Dumplings – authentic hand-made dumplings
  • Wai Ying Fast Food – roast duck rice, siomai, and milk tea
  • Eng Bee Tin – famous for tikoy and hopia

Ang pagbibisikleta mula Imus hanggang Binondo ay hindi lang isang pisikal na biyahe — ito’y naging isang paglalakbay pabalik sa ating pinagmulan. Sa Chinatown Museum, nakita ko kung paanong naging mahalaga ang Binondo sa paghubog ng ating pagka-Pilipino.

In this journey, I didn’t just pedal through kilometers — I pedaled through centuries of shared culture.

Kung naghahanap ka ng lugar kung saan mo mararamdaman ang kasaysayan, kultura, at pagka-Filipino sa iisang sulyap — Chinatown Museum in Binondo is the place to go.

Narito ang aking mga kuharang larawan mula sa Chinatown Museum sa Binondo, Maynila:






















Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...