Martes, Abril 22, 2014

Pinoy Ang Bahay Mo Kung.......

"Kung meron kayong McGyver poster sa kwarto dahil idolo mo siya noong '80s at '90s"



Simple lang ang katanungan, hindi ka Pinoy kung hindi ka makakasagot. Nagsurvey tayo sa ilan para sa kasagutan at ang iba ay galing sa inyong abang lingkod. So paano nga ba malalaman kung Pilipino ang may-ari ng isang haybol...

1. May imahe ng Last Supper.
2. May malalaking wooden kutsara at tinidor na nakasabit somewhere else sa kusina.
3. May picture frame sa salas na mga asong nagsusugal o kaya nagbibilyar.
4. May plastic cover yung remote control tapos pag matagalan punit na dahil nag-aagawan ang buong pamilya sa kalilipat mapa basketball, cartoons o kya mga dramaserye.
5. Kapag may mga nakasabit na medal at diploma.
6. May wooden picture frame kayong magkakapatid ng graduation pic simula Kinder hanggang High School.
7. Butas ang bubong nyo.
8. May gulong ng sasakyan sa bubongan.
9. Kung ang basahan nyo ay lumang brief or panty.
10. May mga lumang barya na nakabaon sa sahig ng pintuan.
11. May doormat na gawa sa recycled goma.
12. Kapag may poster kayo ni McGyver na nakadikit sa likod ng pinto ng kwarto.
13. Kapag Pasko at may nangangaroling patay lahat ng ilaw para kunyari tulog na at hindi na puntahan.
14. Kapag may mga trophy na nka display.
15. Kung may tabo at balde sa banyo.
16. Kung meron kayong banig at kulambo sa pagtulog.
17. Kung may lutuan at gamit ay uling.
18. Kapag may kalendaryong give away na nakasabit sa bahay nyo.
19. Kapag may poster ng mga Japanese pornstar (note: wala pa si Maria Ozawa noon)
20. Kapag nakasabit ang sirang wall clock.
21. Kapag may plastic na bulaklak sa salas.
22. Kapag may kalendaryong teka na may apelyido ng pamilya na nakatahi.
23. Kapag sa labas ng bahay may mga bulaklak ng Gumamela.
24. Ginagawang patuyuan ng skul uniform ang repredyereytor.
25. May wooden picture frame ni Jesus na umiilaw sa likod.
26. May kape at asukal sa lamesa.
27. May mga natuyong palaspas na nakasabit sa pinto.
28. Kung meron kayong "Welcome" na basahan.
29. Kung meron kayong Good Morning towel na nakasabit sa pinto ng repridyereytor.
30. Kung minsan ang laman lang ng ref ay tubig.
31. Kung merong ice candy sa ref lalo na kapag Summer.
32. Kung ang kanin mo ay tutong.
33. Kung baso o tasa ang pantakal ng bigas.
34. Kung maraming sapot ng gagamba sa likod bahay.
35. Kapag may upos ng katol na nagkalat sa sahig.
36. Kapag malamok.
37. Kapag ang sapatos ay nakalagay sa mga baitang ng hagdanan o ilalim ng hagdanan.
38. Kung may plantsang de uling.
39. Kung may mini sampayan sa loob ng bahay kapag tag-ulan.
40. Kapag may poster ka ng mga Koreanong chekwa.
41. Kung puno ng tsinelas sa labas ng pinto.
42. Kapag may bahid ng mga kulangot sa pader.
43. Kapag may mga naka stock na canned goods at bubuksan lamang kapag espesyal ang bisita.
44. Kung tuyo at sinangag at umagahan sa lamesa.
45. Kung nasa probinsiya at maraming manok sa palikuran ng bahay.
46. Kung merong crucifix sa pintuan.
47. Kung meron kayong poso.
48. Kung kumakaen ka sa hapagkainan nyo na nakakamay.
49. Pinoy ang bahay kung dun din nakatira ang lolo, lola, tito, tita at kalahati ng buong angkan nyo.
50. May aso.
51. May pusa.
52. May Love birds.
53. May aquarium.
54. May tirang ulam palagi sa mesa.
55. Kung ang graduation picture ng mga anak ay nakawood laminate at nakasabit sa bawat baitang ng hagdan.
56. Sofa na nakabalot pa rin sa plastik.
57. May mga butiki sa pader.
58. Kapag basta na lang may maglalabasang ipis.
59. May malaking gagamba sa banyo.
60. May picture frame sa ibabaw ng TV.
61. Kapag may pitsel at may yelo sa ref.
62. Kapag nakahanda ang pamaypay lalo na kapag brownout.
63. Kapag ginagawang display ang lalagyan ng Pringles, Piknik, at Lays cans.
64. Kapag may bagua sa taas ng pinto, pangontra sa kidlat.
65. May lumang poster ni Marvin at Jolina.
66. Nakatago ang magagandang baso at plato at ilalabas lang kapag may okasyon.
67. Kapag may grad pic, family pic, baby pic.
68. May natutulog sa sala.
69. May halamanan gaano man kaliit ang bahay.
70. May mga stickers sa ref.
71. Kung sa ref nakasabit ang mga bills ng kuryente at tubig.
72. Kapag maraming sampaguita na nakasabit sa mga Poon.
73. May kotseng owner sa garahe lalo na kapag Kabitenyo.
74. May mga bote ng datu puti, suka, toyo at patis.
75. Kapag may ketchup sa hapag kainan.
76. Pinoy ang bahay kapag may lenoleum ang sahig.
77. Kapagisang taon di pinapalitan ang mga kurtina.
78. Kapag ang higaan ay yari sa kawayan.
79. Kapag may folding bed.
80. Kapag may nakapark na bisekleta sa garahe.
81. Inaalayan ng barya ang mga Poon.
82. Kapag may Gel sa banyo.
83. Kapag maraming stock ng dyaryo.
84. Kapag may collection ka ng pocketbooks.
85. Kapag hindi pwede ipasok ang tsinelas at sapatos.
86. Kapag may tumba-tumba na upuan.
87. Kapag may bunot sa salas.
88. Kapag stock na sa AM frequency ang radyo.
89. Kapag may nakaiwan ng pustiso sa banyo.
90. Kapag may mga bagay na yari sa pagkakarsunsilyo.
91. Kapag abot hanggang Pebrero ang Christmas decorations mo.
92. Kapag may doorbell na hindi gumagana.
93. Kapag yari pa sa capiz ang bintana.
94. Kapag may walis at pandakot sa garahe.
95. Kapag nakatambak ang basura sa garahe habang hinihintay ang trak ng basura.
96. Kapag nilalagyan ng alkohol ang mainit na tubig na pampaligo.
97. Kapag magkahiwalay ang lalagyang ng de kolor at puting damit pag naglalaba.
98. Kapag may TV set complete with karaoke, videoke at component.
99. Kapag may gitara sa bahay.
100. Kapag may malamig na extra rice na pwedeng ipang-meryenda.

Day 8. QUESADILLAS (keɪsəˈdiːjə)

'Magpasalamat ka kay Dora at Rey Mysterio' 100 Hungry Days!
"Cha! cha! cha! ola muchacha delicioso queso salado y cebolla."

"Por pabor Pepito Muchacho dela Gracia! Andale andale ariba! Oo sa tagalog andaleng aribahin ng ating pang otso días hambrientos food trip! We are filled with Mexican love in our 8th day with Quesadilla mi amor." 

"Pasalamat tayo sa mga forefathers ni Dora at Rey sa Central and Southern Mehiko dahil sila ang orihinal na nakatuklas ng food trip na ito. Ang tawag sa tortilla ay cooked corn or 'masa' sa lengguwahe nila. Pinainitan para maging malambot at para mafold ng kalahati and then filled with cooked vegetables, katulad ng patatas na may chorizo, kabute (mushrooms) iba't-ibang type ng cooked meat such as chicken, beef or pork."

"Sa ibang lugar nilalamnan ito ng ibang ingredients, in addition sa mga nasabing fillings kanina pwede rin itong lagyan ng avocado or guacamole, dinurog na sibuyas, kamatis at silantro. Kanya-kanyang trip kung ano ang nasa loob pero hinding hindi mawawala ang queso! Pampa cheesy kasi ang keso kahit sa anong bagay." 

"So get ready to turn Mexican in every bite of your Quesadilla."

PS: "Mamborat" by RadioActive Sago Project ang tugutgan habang sinusulat ko 2 malakas maka pang Mehikano. (:

Day 7. FRIED SIOPAO/SIOPAO (sio-pau)


"Kapag binato ka ng bato batuhin mo ng Fried Siopao."
"Kasalanan na naman ito ng mga tsekwa kung bakit may siopao sa mundong ginagalawan mo, almost half of the foods ata ng kinakaen ng Pinoy ay galing at namana natin sa mga tsekwa pero wag nmn sana pati fetus. Biro lang! Siopao is a Hokkien term for baozi na ang literal na ibig sabihin ay "steamed buns". Kinalangkap din ito sa isang Thai cuisine kung saan ang tawag naman nila doon ay "salapao."


"Rektahan ito kung kainin, you don't need to have utensils or a bread knife pra mag slice slice at tinidorin mo bago mo kainin. Hindi ito bulalo na sinusutsot ito'y nginangasab ninanamnam dahil sa filling nito sa loob.There two main flavors of siopao anjan ang 'asado' at 'bola-bola' (which may use pork,chicken, beef, shrimp or salted duck eggs). Kahit ano pwede mo i-stuff sa loob basta kaaya-aya pa rin sa panlasa."

"So ano naman ung Fried Siopao? kung ang common na siopao may pagka albino ang usual color naman ng fried siopao ay brownish kasi nga fried eh diba? Pag may galet ang nagluluto malamang blackish at yun yung oras na pwede mo ibato ito sa kanya pabalik. Dayo ka lang sa mga kalye ng Binondo, Chinatown o Sta.Cruz makakatikim ka na ng pinaka malinamnam na fried siopao. Ganun lang din naman ang siste mejo pinaka crispy lang ng kaunti. Pero there is a special ingredient known as 'kuchay' it's for you to find out how does it taste. A fried siopao is more like a modern Kariman yung tig bebente singko pesos na mabibili mo sa Mini-stop. Alas-kwatro! Teka Meryenda na pala.............................. #100HungryDays 

Day 6. DOUGHNUTS (ˈdōˌnət)


Sweets for my sweet sugar for my honey!♫ ♪ I'll never ever let you go. ♪♫ 100HungryDays


"Raised yeast donut filled with raspberry jelly topped with chocolate frosting and a pretzel stake, with maple frosting and bacon on top, oozing with bavarian cream. Free your hunger with vanilla frosting, captain crunch filled with fruit loops on top! Indulged with chocolate frosting and coco puffs with luscious cream top with a circled candy bar with all the colors of the rainbow." 


Whew! that's a long diabetic description!
Kalimutan muna natin ang bitterness ng mundo and take a heavenly bite on the sixth day of our pagod-gutom days. Ang DOUGHNUT BAY! Ito ay ang maliit na fried keyk (monay na sosyal) na pinatamis na galing sa tapay o masa ng harina (dough) na hinugis sa korteng bilog, ball or ring. At pinasarap ng kung anong mga anik-anik na sangkap na pampatamis katulad na lamang ng mga iba't ibang flavor ng frosting, nuts, marshmallows, sweet springkles, bacons, caramels at kung anu-ano pa.

Konting kaalaman: Ang butas sa gitna ng doughnut ay iniuugnay kay Capt. Hanson Gregory, a Dutch sailor whose mother made him some doughnuts for a voyage. On the night of June 22,1847 Captain Gregory’s ship hit a sudden storm. He impaled the doughnut on one of the spokes on the steering wheel to keep his hands free. The spoke drove a hole through the raw center of the doughnut. Captain Gregory liked the doughnuts better that way, minus the raw center. Bongga! and that's the HOLE story! #100HungryDays 

Sabado, Abril 19, 2014

Via Crucis at Balik-Tanaw sa Nakaraan sa San Andres Bukid, Singalong, Manila

San Andres Bukid, Singalong, Manila / San Antonio de Padua Catholic School

Going back to the roots of Childhood.

SULIT at HASSLE yan ang masasabi ko sa biyahe kanina, hassle kasi nang-iingit ang ilang nakapasok sa trabaho sa araw na ito, Good Friday doble ang bayad sa mga pumasok. Ang sabi nga ng isang kasama, pogi sana kaso sabi niya ‘Yes dalawang araw ang holy day.” Oo holy day nga naman maaring fair lang siya at ginawan niya ng double meaning, holy naman talaga ang araw na ito, at di rin naman na maikakaila na holiday din ngayon. Two songs playing under one note diba? Magulo. Oo magulo parang siya. Sakto lang, talagang natyempuhan lang sa akin na rest day kaya walang magagawa, kahit gusto mong pumasok.  Pero hindi ko rin naman masasabi na Bad Friday walang ganon kelangan positibo ka pa rin. Sulit naman ang nagamit kong term dahil nakapag Visita Iglesia ka na nakagala ka pa sa lugar kung saan dun ka lumaki at hinubog ng tama ng mga magulang mo at panahon.

Gamit ang alarm-clock nag set-up ng alas-kwatro ng madaling-araw sa saliw ng kantahang Pedicab “Dito tayo sa dilim” as my alarm tune, nagising at piñatay ang alarm, pumikit ulet at sinabi sa sarili “extend pa 5 mins.”

Bumaba, nagmuni-muni, nagkape yung puro, yung walang gatas para gising na gising. Nakinig muna ng radio baka kasi may mga welga sa daan, prusisyon o di kaya’y may bangaan para makaiwas sa Trapik Armageddon kung sakaling meron. Ok walang problema everything is clear and everything is smooth along the way. Namalantsa habang nilipat sa FM modulation ang radyo, anak ng pitumput pitong pating na tiger shark!! akala ko na-invade na ng Korea ang Pilipinas sa mga tugtugan sa radyo. Tatlong station panay Koreanong hilaw ang maririnig mo. Anong nangyari sa sariling himpapawid patugtugan ng sarili kong bayan? Sa saliw lang ng tono masaya na sila? Kahit pa hindi naiintindihan ang mga liriko sa kanta at meron pang caller na sumasabay. Wala, iba na ang tama mas matindi pa sa lakas ng tama ng pulang kabayong sumisipa. Sabi nga ng dakilang philosopher na si Ramon Bautista, “you are indeed a lonely ugly teenage girl” kung magpapaka alipin ka sa mga ganitong klaseng tugtugan o di kaya’y mga teleserye sa telebisyon. Di na bale ibabalik ko na lang ulet sa AM station.

Kumaen lang ng tatlong pandesal na palaman ay mantikilya sabay takbo sa banyo at naligo. Fast forward syempre hindi ko na ikwekwento kung anong ginawa ko sa banyo. Pare-parehas lang naman ang procedure pag naliligo ang tao depende na lang kung alien ka. Nagbihis suot ang pulang t-shirt na nakasulat ang “Jesus Christ” (wow holy day talaga) na ang font ay logo ng coke, pantalon at NBA rubber shoes na CP3 oo yung Clutch Pandongon 3 na bansag ng tropang bullyador. Pero OK lang maganda naman ang sapatos. Dala ang knapsack, sunglasses at kamera I’m ready to go. Nagpaalam na sa aking Super Nanay at sa mga alagang kuting at dalawang asong mataba.

Here we go, unang lapag Redemptorist. Hindi ko inakalang sobrang linis na, malapad na ang karsada at maaliwalas sa paningin. Noon kasi halos hindi mo na makita ang semento ng daan dahil panay nagkukumpulang vendors ng alahas, damit, ukay-ukay, sinturon, sando, panty, brief, CD, DVD, laruan, kumot, banig pagkain ang naroon. Sabayan mo pa na mga tao na naglalakad papunta sa Baclaran LRT at jeepneys. Hanggang matunton ang Rotonda, lakad pakaliwa sa tindi ng init ng araw kahit maaga pa lang sobra ng nakakapaso ang init. Naglakad hanggang EDSA station kung saan doon na lang puwedeng makasakay ng mga jeep na papuntang pusod ng Maynila. Nag-antay ng jeep sa tapat ng Mahal Kita inn, tahimik sa labas mukang diet din muna sila sa karne. Hanggang sa makasakay, nagulat ng lumiko pakanan ang jeep yun pala ay hindi na puwedeng dumiretso patawid sa EDSA station kailangang umikot ang jeep pa U-turn ng pagkahaba-haba sa Magallanes station ng MRT. Doon pa lang parusa na dahil maraming nakahambalang na bus at jeep sa daraanan. Akala ko talaga makakarating na ko ng SM North sa pagkahaba ng U-turn. Tagaktak ang pawis at uhaw pero doon lang medjo trapik dahil may ginagawang daan nabasa ko “Kasunod ng abala, ay dadaloy din ang ginhawa.” Punyeta! Maynilad na naman ang may sala.
Nakalampas ang jeep ng Libertad, Gil Puyat at Vito Cruz isang istasyon na lang Quirino na hometown ko na. But all of those stations are very special to me syempre sa pag-ikot ng buhay ko araw-araw pagpasok nung highschool sila ang nadadaanan ko. Ito na nakalampas na ng St.Benilde, konti nalang kabog na ang dibdib, di maipaliwanag sa nararamdaman na excitement, dahil sa loob ng labing-limang taon ngayon lang ako makakabalik pagkatapos makagraduate ng High School wala ng balikan. Hindi ko na alam ang itsura, kung ano ang mga bakas ng pagbabago, nagtatanong sa sarili nandito pa rin ba yung ganon? Yung ganyan? Nandun pa rin ba ang tambayan ng tropa? Naroon pa rin ba ang komiks stand na umuubos ako ng isang oras bago umuwi ng bahay makapagbasa lang? Ang eskuwelahan may nabago ba? Excited rin dahil baka makita ang mga dating guro o may maligaw na kaklase nung highschool at elementary along the streets and school.

Pumara. Simula na ng journey dahil konting lakad lang ng ilang kilometro malapit na ang dating eskuwelahan at simbahan. Balewala ang init dahil di ko mapigilan ang tuwa kahit pa may nakita akong poster ng F4 sa sidecar ni kuya OK lang. Tahimik ang paligid, walang gaanong byahe maliban na lang sa mga taong nagpapalamig sa labas ng bahay, sa mga silong. Nandun pa rin ung malaking Condominium na halos katabi na ng LRT station sa Quirino, lalong tumayog at maganda pa rin. Nagsimula ang pagbaybay sa dating panaderyahan ang Laquis bakery kung saan masasarap at mura ang mga tinapay. Dito huminto saglet at bumili ng maiinum dahil sobrang tuyo na ang lalamunan dahil sa init. Walang nagbago sa pagkakaayos ng eskaparate na lalagyan ng mga tinapay, ang ref dun pa rin nakapwesto andun pa rin yung mga mahahabang upuan para sa gustong magalmusal at magmeryenda ng tinapay. Ang nagbago lang ay wala na yung mga kakilala kong panadero at panadera. OK tuloy ang lakad!
Tumigil panandali sa isang kalsada na dating tirahan ng isang kaklase, hindi na ako nagtanong kung naroon siya dahil ang alam ko lumipat na sila ng dating tirahan.

Konting lakad pa natatanaw ko na ang simbahan at eskuwelahan na magkatabi lang dahil ang dating eskuwela ay isang Catholic school kung saan pag-aari ng mga pari ang eskuwelahan. Ngunit bago tumuloy sa bandang kaliwa napansin kong wala na ang Manels mart ang dating grocery store ng San Andres Bukid. Napalitan na lang ng kung anu anong Food stalls. Sa bandang  kanan naman at katapat ng Manels ay yung 7-11 convenient store na napakamemorable sa pagkakafriendzone ko nung hayskul. Maraming di nakakaalam na kaklase pero hindi ko na ikwekwento. Eh di sana ngayon Jack and Rose forever. Pero wala raw forever kaya di bale na lang. At dahil alas-onse na rin at malapit na ang tanghalian nag SEX muna ko na katapat lang ng 7-11. Oo SEX pare masarap, malinamnam, masabaw pero tanggalin mo yang namumuong berde sa utak mo bawal ang karne ngayon. SEX means Sinangag Express kumaen muna ng paboritong DaingSilog at binigyan ng masabaw na sabaw. Isa sa hotspot ng Tropang  Physics at Betchut boiz noong hayskul lalo na pag uwian. It’s SEX time lugaw ang labanan minsan with egg, ung iba goto with egg at ung iba tokwa ang tinitira. Pasarapan sa pagtimpla ng tamang anghang at asim. Sino ba naman ang di maglulugaw noon na sais pesos lang ang plain at sampung piso pag may itlog at lamang baboy. The best na food trip, araw-araw ginagawa sa uwian lalo na pag tag-ulan.

Pagtawid lang naroon na ang eskuwelahan at simbahan, katulad ng sinabi ko di maipaliwanag ang tuwa na nararamdaman dahil hindi talaga biro ang labinglimang taong mawalay ka sa lugar na kinalakihan mo. Pagpasok sa gate ng simbahan winelcome agad ako ng dalawang anghel na istatwa na hawak ang holy water. Nilubog ang daliri at nagsign of the cross at pumasok na sa loob ng simbahan. Naupo at nagmasid muna bago ko simulan ang panalangin. Andun pa rin yung malaking crucifix sa harapan ng altar na nakabalot na ng kulay purple. Ang altar at tabernakulo na walang pinagbago ang mga naglalakihang santo sa gilid at ang imahe ni San Antonio de Padua. Pagkatapos magmasid ay nagdasal at nanalangin. Inilabas ko na ang dala kong English version na way of the cross pamphlet at nagsimula na sa First Station. Bukas ang mga pinto sa gilid at tanaw ko mula doon ang building ng eskuwelahan may mga nabago pero mamaya na ko magmamasid. Hanggang sa natapos ko na hanggang Fourteenth station at muling lumuhod at nanalangin.
Lumabas ako sa pintuan sa gilid ng simbahan at tuluyan nang magmasid sa dating campus, nadagdagan na ng building, tinanaw ko yung 4rth floor ang huling room nung highschool, St. Ignatius ang notorious section makukulet, wild at walang pakealam sa oras, happy go lucky pero meron din naman matitino katulad ko. Hahaha! Meron na ring entablado sa harapan ng building, maluwang pa rin ang Quadrangle kung saan ang laruan ng tropa sa habulan sa larong block 1-2-3 (Touchdown edition) siraan ng uniporme kapag nahablot at nahuli. Yung canteen nandun pa rin, naaalala ko tuloy yung corned beef na may sabaw, hotdog, maling na kinse pesos lang as a student meal. Ang basketball court sa Quadrangle kung saan naka 8 points in a row ako sa fastbreak (konting ihip lng po ng hangin) nung Intramurals. Naalala ko din si crush na 3rd year High School na nabangga ko siya dahil sa takbuhan at nadapa siya pero tinayo ko siya naka extra holding hands ako nun sabay Sorry, nagkatinginan kame mga 7 seconds, tumigil pansamantala ang mundo naming habang nakahawak pa rin ako sa palad niya. Namalayan ko na lang na tumahimik ang buong paligid at panay Uuuuyyyy!! At Ayieehhhh!! na ang narinig ko kaliwa’t-kanan. Sabay bitaw. Isa sa pinaka matamis na memory. At nandun pa rin yung clinic, uso nuon sa amin yung laging nahihilo kaya pasisinghutin ka ng bulak na may ammonia . Pag di pa rin kaya patutulugin ka nlng sa clinic at yun ang dating tactics ko pag ayaw ko ng subject lalo na kapag may reporting.

Next destination, gala na along the streets of San Andres hanggang mapaabot sa South Super Highway hanggang dun lang ako kasi dun lang ang boundary ng memories. Tsaka nakakatakot dun tumawid. Paglabas ko ng simbahan konting lakad mejo nalungkot dahil wala na yung komiks stand sa tabi ng isang sari-sari store. Hilig ko talaga ang pagbabasa, wala ang Komiks akala ko pa naman makakabili ako ng Funny Komiks na kinalakihan ko sa pagbabasa, ang Bata-Batuta na karibal ng Funny Komiks na kung ikukumpara sa fast food restaurant ay parang McDonalds at Jollibee.  Isa ring mabentang komiks ay yung Extra, Divino Comedia yung iba di ko na matandaan. Kaya kung gusto nilang maibalik ang pagbabasa ng kabataan, I suggest na ibalik ang mga Pinoy Komiks sa kasalukuyang panahon.

Expected ko rin naman na wala na yung Rental ng Betamax tapes, mas magugulat ako kung naroon pa yun napalitan na siya ng tindahan. Dun naman sa bigasan store lagi akong may sinisilip na chick pero siguro wala na siya at malamang nag-asawa na. Isa rin sa crush ko along San Andres bukid. Wala na rin ang bilihan ng barbecue na pag-aari ng pamilya ng classmate ko ang Ipapo’s barbecuehan. Ang Anakbayan Streets ang lugar ng matatapang, a little Tondo town ng San Andres Bukid walang katinag-tinag.  Kung aastig astig ka wag ka dadayo ng Anakbayan baka lumabas kang may tama ka ng pana. =)))
Lakad pa malapit na dating bahay. Sa kanto wala na ang dating pagupitan, wala na rin siguro si Mang Insiong ang dakila kong barbero. The best ang hangout tumingin ka sa likod, sa kaliwa, kanan panay posters ng kalendaryo ng mga nagseseksihang artista noong dekada nobenta na luwa na ang mga boobsie. Yan ang barbero ko hardcore! Malupet mag gupit mapa barber’s cut, kalbo, semikal, crew cut, whit side wall kabisado nyan. Wag ka lang papagupit pag lasing baka nakainum ng Tanduay at baka madali ng labaha ang tenga mo. Wala na rin ang mag-asawang sastre na katabi ng barbershop kung saan ditto kame nagpapagawa ng uniporme ng eskuwelahan.

Ito na pagtawid, ang Ciriaco Tuazon Street, ang kalsada ng dating bahay, nagtataka lang ako dahil parang umikli ang daanan konting lakad lang tanaw na ang dating bahay. Dati hindi ganoon. Ang Old Kastila house 2120 C. Tuazon Street, nandoon pa pero sira-sira na nalipasan na ng panahon.  May tumira raw dati pero di nakakatiis dahil maraming nagpaparamdam na elemento sa loob. Multo at kung anu-ano pang nakikita nila. Dati rin naman kame ay nakakaramdam at hindi iyon makakaila. Pero ang alam ko hindi naman sila masasama. Sa harap ng lumang bahay wala na ang malaking bahay kung saan kapitbahay namen ang mga Barreto. Yup kung ang nasa isip mo ay ang magkakapated na Gretchen, Marjorie at Claudine tama ka. Maliliit at musmos pa lang nga sila noon at nakakalaro pa namen ng mga pinsanin ko. Oh dib a naging star-studded din ang buhay ko sa maikling sandal. At ito pa ang nagtuli sa akin ay yung tatay ni Sunshine Dizon. Artista dati ng Channel 7 doon lang din siya nakatira malapit sa amin. At naging kasabayan ko din sa campus si Katya Santos oo yung sexy star na ngayon sa Viva hot Babes, dating endorser lang ng Maggi Noodles ngayon siya na ang masabaw Hahahaha! Biro lang.  Lamang lang ako ng isang taon sa kanya 4rth year ako 3rd year siya. Noong Grade 6 naman ako, 4rth year naman si Ate Jackie Forster yung asawa ni Benjie Paras. At sabi ng mga pinsanin ko na doon din nag-aral ang mga katulad ni Hector Calma at Yves Dignadice mga dating basketball player na naglaro sa popular na team ng San Miguel Beer.

Kumbaga it was mix with faith and gala ang nagyari today, kaya sinasabi kong sulit. Wala na akong mahihiling pa dahil ito nangyari na ang kahilingan kong makabalik sa nakaraan. Hindi ako historyador para balikan ang nakaraan ngunit para magbalik-tanaw sa masarap na buhay ng kamusmusan kung saan wala tayong pakealam sa oras at malaya ang lahat. Sabi nga nila make a life for a living but don’t forget to get a life and enjoy the moment. So here it is, at pangako kong babalik at babalik sa lugar na ito. A place that carved to my heart and one’s become a part of my life.



Biyernes, Abril 18, 2014

Day 5. FRIED EGGS


Early to rice and early to egg! Batihan at Pritohan sa pang-limang araw! 100 Hungry days.

A typical Filipino morning comes with a coffee, a hot-crunchy pandesal and a deep-fried eggs! There are different ways how we cooked it. The first is 'Sunny side-up fried egg' the process is to fried on one side (unturned), with the yolks golden and runny. And the other one is the 'Scrambled eggs', in this procedure you need to make bati-bati the egg whites and yolk just don't make gigil in BATIzation process just run in smooth and slow para naman hndi magtitilamsik sa bowl." 


But in some other ways of frying:
There are different ways to fry eggs. 
'Over hard', also called 'hard' — cooked on both sides until the yolk has solidified. 
'Over medium' — cooked on both sides until the yolk is fairly thick but still a liquid. 
'Over easy', also called 'runny' — cooked on both sides (not clear) but yolk is still liquid. This is occasionally called 'sunny side down.' So every morning, start a day with a positive note by frying your egg perfectly accompanied by coffee aroma and mga tsismis sa umaga ng tsismosang kapit-bahay. #100HungryDays

Day 4. HOTDOGS



"Kids can tell."
Sabi nga sa isang slogan doon sa isang hotdog commercial 'ONLY KIDS CAN TELL' kung bakit paborito nilang ulam itong ating pang-apat na food trip. Ang HOTDOG!....bow! Siguro naman pinagdaanan mo rin ito nung kabataan ka, kung may gulay sa hapagkainan pilit mong ipapaluto kay nanay ang hotdog sa ref nyo kahit na tinakot ka noon ni tatay na gawa yan sa dinurog na bulate hindi ka maniniwala kasi nga angkop sa panlasa mo at malinamnam eh. Today, the Hotdog evolution began, marami nang naglabasan na uri ng hotdog gaya ng corn dog, hotdog longganisa, cheese dog, chili dog at marami pang iba lalo na kung lilibutin mo ang buong mundo para tumikim ng iba't-bang variations ng hotdog. Anjan pa ang mga uri ng sawsawan at condiments para lalong sumarap ang hotdog. Sabado nga pala ngayon, wala kang pasok sa eskuwela a perfect time to have a big bite for your Jumbo juicy hotdog!   Pa-prito na kay ermats! Kaso wala na pala kayong mantika.#100HungryDays

Day 3. PANGAT/PINANGAT na ISDA (pa-nga-'t)


PANGATlong araw! 100 Hungry Days! 

Mainit dahil summer na? Plunge in na sa deep sea with a double purpose and catch a fish. Catch a bangus, a tilapya or sapsap, for this will be a match fish for our third gutom days recipe. Pangat hindi dahil pangatlong init na ulam. Pangat means to stew or ilaga/nilaga. Pwedeng sapsap, tilapya at bangus na ilalaga sa tubig with suka and salt and with a variety of masustansiyang gulay like kamias and kamatis. Ihanda na ang super extra rice bowl and eat like a castaway sa tabing-dagat with our 'pinangat na isda.' #100HungryDays

Sabado, Abril 12, 2014

Mga Kasinungalingang Puwedeng Sabihin sa mga Mang-mang

Pare! kwentuhan muna tayo...
          Abril  a-dose Sabado ng tanghali alas-tres, walang magawa,ang buga ng electric fan ay parang blower sa init, nasa harapan ng computer, nag-iisip, gustong magpakabaliw dahil sa tindi init ng panahon na nararamdaman. Sabi ko sa sarili magbo-blog ako under the influence of insanity without alcohol. Pero mainit di makakapag-isip ng mabuti. Gusto kong umiskapo sa init, magpalamig ng bukas ang ref? hindi pwede magsasaya ang Meralco, maligo ng paulit-ulit hindi rin pwede magsasaya ang Maynilad. Tumambay sa bukid? Wala ng fresh na hangin, ang tangi mo lang malalanghap sa hangin eh yung simoy ng babuyan sa harap ng subdivision. Lalabas na lang ako mangbuburaot hahanap ng pwedeng makausap kung saan may aircon ang bahay. Bigla kong naisip ang tropa. Tama! Sa bahay ni Indoy dun na  lang makapaglaboy. Sakto, hanap ko lng naman pampalipas oras mapawi lang ang init tutal aircon naman bahay nito. Nagpabili ng tsibog, tsitsiryang Oishi at Snacku at 1.5 na Coke ayos na kwento ko na lang ang kulang. Eh sabi ko nga sa bahay gusto ko magpakabaliw, maglalatag ako kay Indoy ng kwento, kwentong hindi niya mapupulutan ng aral, mga kuwentong kasinungalingang puwedeng sabihin sa mga Mang-mang. Ready ka na Indoy?
                Nakatingin lang siya sa akin at naka nga-nga, Indoy mayroon akong sasabihin sayong mga bagay-bagay na hindi mo pa nalalaman sa buong buhay mo. Nguya, ngasab lunok nakikinig siya at seryoso. Iisa-isahin ko sayo ang lahat ng facts na nalalaman ko…..

1.       Ang mineral water ay vitamins!
2.       Dumadami ang Lego dahil ang lalaking lego ay pumapatong sa babaeng lego pagsapit ng alas-dose ng madaling-araw.
3.       Jakult ang tawag sa Yakult sa Japan.
4.       Taong-grasa ang ermitanyo ng siyudad.
5.       Lahat ng buhok na ginugupit sa Barber shop ay itinatago at yun ay ipinagbebenta sa mga nakakalbo na at napapanot.
6.       Bading lang ang nagiistraw
Indoy: ay ganun?
Ako: Yes indoy, yes!
7.       Ang tawas ay nagiging diamante pagdating ng panahon.
8.       Noong unang panahon, Bobo lang ang nag-aaral kaya wag ka na malungkot.
9.       Mabubulag ka kapag natulog kang di mo napatay ang gripo o shower sa banyo.
10.   Pwedeng gamitin ang toothpick 5 times after first used kaya ibalik mo ulet sa lalagyan.
11.   Pwede kang kasuhan kapag nag tsinelas ka sa mall.
12.   Hindi totoo na ang tao ay galing sa unggoy. Tao muna tapos magiging unggoy.
13.   Ang tae ng pusa ay nagpapakapal ng bigote sa mga nagbibinata.

Indoy: totoo?
Ako: Ofcourse, may pusa ka ba?
Indoy: Oo
Ako: Oh eh di kolektahin mo tapos lagay mo sa isang garapon parang gel ba.
Indoy: Ok yan sige!

14.   May sayad ang tawag sa baliw, para hindi mauwi sa ganito pingutin ang tenga counter-clockwise kapag sobra na pagkabaliw pingutin ng sobra pero hinay lang baka masobrahan at puwede ring matulog ng nakapatiwarik.
15.   Nasa dulo ng Rainbow ang palayok na ginto, kambal lang ang puwede makakuha. Kailangan sabay maghukay bago mawala ang Rainbow. Hindi kailangan na mabuti ang budhi.
16.   May aswang sa paligid kapag naglalabasan ang ipis at nagfoform na parang logo ng Olympics.
17.   Iwasan lagi ang pahina 13 sa kahit anong libro wag basahin kahit gaano kaimportante malas ang pahina 13.
18.   Ang unang ulan ng Mayo ay nakakawala ng tigyawat, buni, athletes foot at piliges sa mukha.
19.   Pag nadaanan ka ng pusang itim sigurado kang mamalasin, maghanap ng pusang puti at pagsabungin. Kailangan may miron at may tumataya. Kapag nanalo ang itim mamamatay ka. Kapag nanalo ang puti hamig mo lahat ng itinaya.
20.   Pag nasobrahan ka sa Marijuana pwede kang huminga sa tubig bente kwatro oras.
21.   Ang halo-halo ay pareho lang ng kanin-baboy.
22.   Pwedeng gawing tester ang tinidor kung meron kuryente sa socket wag na mag gloves.
23.   Pag sinampal ka ng mag-asawang sampal gusto ka niya maging asawa.
24.   Kaya tinawag na Highway dahil dito ligtas, at walang huli tsumongki, napatunayan ito ng mga hippie, ginagawang pwestuhan ang Highway at tsumongki sila  non-stop.
25.   Ang Vetsin ay dinurog na mga buto ng matatanda sa China.
26.   Ang Paminta naman ay dinurog na mga buto ng isang tribo sa Aprika.
27.   Ang nakakasalubong mong ipis ay pagpapa-alala ng iyong mga kasalanan.
28.   Nakakapagsalita ang mga pipi sa isip.
29.   Colored din ang panaginip ng mga bulag.
30.   Ang kalabaw ay dating baka, nabilad lang sila ng husto kaya umitim ng todo.
31.   Ang uling ay ang kidney ng mga naninigarilyo, pinatigas at pinira-piraso.
32.   Sa bawat kasalanan ng tao, may nabubuhay na ipis.
33.   Pwede ka magwish pag nakita mo ang buwan na square.
34.   Hindi nakamamatay tumawid, yung mga sasakyan ang pumapatay.
35.   Kapag tinibuan ka ng buhok sa loob ng ilong ibig sabihin nanood ka ng porno.

Pagpapatuloy na lang natin ito…….


Biyernes, Abril 11, 2014

Day 2: ADOBO / CHICKEN PORK ADOBO (əˈdōbō/) #100HungryDays


Hey Joe are you hungry? Mr. Frenchman says 'bon apetite' an Italian man says 'delicioso'. Ito na nga siguro ang isa sa maipagmamalaking dish ng Pinoy ang Adobo comes into different variations, pork or chicken or mix it up both. Although 'adobo' coined in a Spanish word that means marinade sauce or seasoning. Ito yung mag-tropang Chic-boy na inatsarahan sa suka, toyo, bawang na pina-kayumanggi sa mantika ginawang malutong at sinamahan ng paminta at patatas. OK na extra rice na langang kulang! Mga ilan kaya? Onga pala araw ng pahinga araw ng Adobo. Sinong hindi matatakam? weh diet ka? di siguro.

Day 1: KIKIAM (kik-ki-yam') #100HungryDays


Isa sa pinakamasarap na meryendang Pinoy namana natin sa mga Tsinoy. Oo! streetfood na naturingan pero OK lang masarap naman depende na lang kay Manong na naglalapot na parang sauce ng Kikiam sa pawis sa ilalim ng init ng araw. Pero ganun talaga tradisyonal na sa panlasang Pinoy. Tunay na nakakapagpagutom kaya isa ito sa listahan ng aking....#100HungryDays

100 Hungry Days

"Masarap kumaen wag ka na mag-diet."
When the world is busy discussing their happy days, I on the other hand love Foods. And this year I am going to introduce you to a part of this blog the 100 Hungry days. 

Ika nga 'a blog not for the diet ones' dahil ang makakabasa at makakakita ng food item or food entry for that day will leave the Gym dahil magugutom talaga kayo for sure sa mga fefeature nating pagkaing Pinoy. Sabaw, inumin, ulam, dessert, chichiria, pika-pika, gulay, isda at marami pang food trip andito lahat at isa-isa nating paguusapan. This is a No diet policy zone kaya step back na sa mga nag da DIEt. Ang sarap-sarap kaya kumaen. Let's go sago! 


Sincero,

Your Hungryman Chef Jack

Huwebes, Abril 10, 2014

"Ano'ng Gusto mo Paglaki mo?"

Ano'ng Gusto mo Paglaki mo?

Anong gusto mo paglaki mo? Sa ganyan natin tinatanong kung hanggang saan masusukat ang mararating ng isang indibidwal na nag exist dito sa Planet Earth. At wag ka walang batang Filipino na hindi sinagot ang katanungang yan. At nasagot. Maliban sa akin. Oo sa akin!

Noong panahon ng kamusmusan, nung edad na uso pang tinatanong sa mga bata ang "paglaki mo ano ang gusto mo maging?" May patlang ang bawat sandali, pag ako ang tinanong.

Ewan.

Dahil ba sa hindi ko alam. Hindi ko ba alam kung ano ang gusto ko? Wala ba kong pakealam sa sinasabing pangarap o kinabukasan? Hindi ah. Marami nga akong gusto eh. Ang hindi ko lang alam ay kung bakit iisa lang ang puwedeng sabihin, yun bang pipili ka ng pinaka the best.

 OO isa lang. Walang option. Walang choices. One question. One best and final answer. Parang final answer mo na ba yan? Who wants to be a millionaire ang sagot.

Eh paano nga kung iba-iba. Tsaka paano kung ibang iba ang nasa isip nila? Hirap na hirap akong sagutin yun. Dahil baka hindi magtugma yung sasabihin ko sa gusto nila akong maging. Mahirap na baka sila ma-dissapoint. Hirap kasi lito, hirap kasi dahil ano, eh ano bang paki mo, hirap sagutin kasi may pagtataka... 

OO. Lalo sa pag-aaral hindi mo naisip nag-aral ka ng Grade 1 eenrol ka pa uli sa Grade 2, 3, 4, 5? Bat ba may ganun parang laro lang na kailangan ng level up.

Tatanungin ka pero sa school naman pauli-ulit din naman ang ginagawa: ABCDE, AEIOU, 1,2,3,4,5......
Paulit-ulit na nga hirap pa rin ako matutunan. Namamaga ang kamay ko sa kasusulat ng pangalan ko tsaka bakit ba minsan kailangan pa daw naka slant? hindi ba puwedeng diretso na lang eh halos magka stiffneck nako dahil nakatagilid din ung muka ko habang nagsusulat. Pambihira! Grade 1 palang hard level na agad. 

Pahirapan dahil maraming arte sa eskuwelahan. Minsan si Supernanay ka allied pa ng teacher, kailangan ko raw matutunan yun, ang alin? yung magsulat na naka slant? Bakit? magagamit ko ba yan sa pagtanda? Kaya siguro pati buhay ng tao tabingi dahil sa pagtuturo ng slant na pagsulat. Minsan kailangan pa bayuhin ng patpat ng kawayan ang kamay mo matutunan mo lang. Hindi ko namalayan dahil sa hagupit natuto din naman ako magsulat pati na rin magbasa. Tapos magbilang. Tapos maligo na rin. Paulit-ulit yun diba? Kung magmintis man, may bagyo na o kaya holiday at walang pasok.

Pero gusto ko rin naman sa school andun ang ata ang matamis na mabolo. Poor man's apple, mabalahibo yun. Kailangan lang ikuskos sa damuhan para makain. Lasang kamote pero may tamis ng mansanas. Malaking puno, ang kalaban mo lang higad pag nagapangan ka yari ka, dahil magkakamot ka magdamag ihanda mo lang ang  Caladryl. Madali ding akyatin at puwedeng pagtaguan pag hinahanap ka ni mam at sir dahil magrereport ka sa harap ng klase.

Sana puno na lang ako ng mabolo o di kaya higad. Hindi para hindi ako tanungin. Paglaki ng mabolo, mabolo pa rin eh. Tsaka hindi ako matatanong, puno ako eh. Hindi sasagot. At excuse ang walang imik, puno ka nga kasi. Pero malay ko ba kung naguusap-usap din ang puno. Pero out na yung gusto nila paglaki.

Ewan! please wag ako, iba na lang.

Hindi sa hindi ko alam ang isasagot pero sadyang sumasayad ang kaba, kabadong-kabado. Tipong kasabay ng pintig ng puso ang kaba. Ayaw ko ng ganung feeling, yung tipong lalakas ang kalabog kapag mag-aattempt akong sagutin na yun. Kaya ang nangyayari, hanggat makakaiwas nga ako sa magtatanong ay iiwas ako.

Sa una madali umiwas, ngiti-ngiti ka lang, tapos yung mata mo ibaling mo pakaliwas o pakanan taas baba mo itong gawin na may panaka-nakang baling sa nagtatanong tapos ngiti ka lang ulet. Tsaka mo i-extend ang panga mo at kagat-kagatin ang labi. Sabayan mo ng pinahabang  aeeeeennggggggeeeiuuuummmmmnnmmmmmmmm...Kailangan bata ka ha. Baka ngayon mo gawin, lalabas pa na ikaw ay may sayad.

So, anong gusto mo paglaki mo?

Pwede naman din, pagtanong, turo mo agad ang mas bobo mong pinsan or kahit sinong slow na alam mong slow, "Siya muna" sabay turo at wag mo na ibaba ang kamay yung tipong nagtuturo ka ng suspek sa isang krimen, panatilihing nakaturo para mahiya siya at tuluyang sagutin...

Pero kapag sinagot agad, "kung ano gusto mo paglaki"? Pulis! Bago pa man humanga ang nagtatanong unahan mo na agad "pulis-pulis eh supot ka pa nga wehhhh" Sabay tawang papilit para magtawanan din ang mga kalaro mo. Epektib yun. Lumayo ka nga lang ng ilang distansiya, kasi noong ginawa ko yun, sinapok agad ako. Ako pa ang umiyak.

Pero wala ng dadaig sa pagtakbo. Kahit sa ano, ang takbo ay laging panalo. Pag tinanong ka "anong gusto mo paglaki?" Takbo agad.

Wag kang babalik.
Hangga't hindi ka nagugutom.
Malayong-malayo
Gawin mo yan 3 beses, tiyak ko hindi na tatanungin ng tiyuhin o tiyahin mong pang-asar.

Eh ano bang gusto ko paglaki?

Pag na-corner na talaga ako noon, ginagaya ko na lang din yung sagot ng iba pang mga bata. Kung may sumagot ng bumbero, ganun din ako. Pag tinanong kung bakit, sagot ko "para may katulong siya, di naman niya kaya pumatay ng apoy mag-isa eh." Pero sa loob ko nung kung ako na lang ang taga-sunog para may gagawin ang bumbero? Eh kung ako na lang ang magnanakaw para may gawin ang pulis? Eh kung ako na lang ang maysakit para may gamutin ang doctor? Hindi nga lang puwedeng isagot yan. Mapapalo ka.

Pero magpasa hanggang ngayon, gusto ko pa rin yung gusto ko sa paglaki.

Pakiramdam ko kasi ako lang ang may gusto nun. Natatakot ako baka kasi paluin ako, o baka mapagtawanan. Gusto ko man ipagmalaki pero hindi ko alam kung saan may pag-aaral ng ganun. Sa TV ko lang kasi napapanood. Wala din akong ideya kung may trabahong ganun sa probinsiya namin.

Hindi ko lang talaga alam kung merong ganun sa amin. Ewan. Wala kasi akong nakikita, secret kasi yun. Kahit naman sa mga palabas hindi sila nakikilala at misteryoso. Pero kung sa kilos talagang hahanga ka kasi magaling! sobrang galing! At kung sa pag-uugali at disiplina mas daig pa ang sundalo. At higit sa lahat ang kapangyarihang taglay walang papantay kundi kapwa lang din nila. Totoo yun.

OO. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung maaalam ko lang at mabibigyan ng tsansa iiwanan ang trabaho ko ngayon. Iniisip ko pa rin. Gusto ko talaga.

SIGE HANDA NA AKO! Kahit ano pa ang sabihin niyo. Kasi alam ko rin naman kahit papano, sa ilang bahagi ng buhay nyo nagnais din kayo nito. E di baka pareho lang tayo. Baka iba lang ang pinatunguhan ng mga buhay natin sa kasalukuyang panahon.

So ano nga ang gusto ko paglaki?
Paglaki ko gusto ko maging isang NINJA!
ikaw?
Ano'ng gusto mo paglaki mo?

Miyerkules, Abril 9, 2014

A Trip to Downtown Quiapo (Ang kwento ng isang Lakwatsero)

Trip to Quiapo 
Gala! Lakwatsa! Stokwa!yan ang buhay ko noong dekada nobenta, oo masama daw ang palaging taong-gala yung tipong akala mo lagi kang kasali sa Amazing Race na kailangan mong magpunta sa mga lugar na malalayo, yung tipong wala nang uwian sa bahay at panay happy time na lang sa paglalakwatsa sa kalsada. Sa totoo lang hindi masama ang pagagala nakakadagdag impormasyon o kaalaman pa nga ito sa mga travelers dahil nakakapag explore sila sa isang lugar at marami silang nadidiskubra tungkol dito. Nagiging pinsala lang naman ang paglalakbay ng isang magagala unang-una lalo n akung estudyante ka pa, alam kong sanay ka sa cutting-classes o cutting trip nuong hayskul pero alam ko rin kaya kayo tumatakas dahil boring ang teacher na subject na yun magturo sa mga oras na yun. Pero cannot be borrow one from two mali pa rin. Pangalawa kung bakasyon mo naman sa eskuwela kailangan naman syempre tumulong ka sa kay Nanay na maglinis ng lababo, kwarto at palikuran nyo bago ka naman mag-ala Dora the Explorer sa pagliliwaliw. O kung gusto mo naman ng tour guide sa paggagala humanap ka lang ng taong grasa dahil alam nyan panigurado ang paikot-ikot sa Maynila pero para sure magdala ka na rin ng cellphone yung may GPRS para hindi ka maligaw, nakakahiya taga MAynila ka na maliligaw ka pa sa sarili mong lungsod.

Pero let's go downtown to the main course ika nga, Naranasan mo na bang mag travel mag-isa? Naka-ikot ka na ba sa mga lugar na di mo pa napupuntahan? Natakot ka bang hindi ka na makabalik at maligaw? Dyahe naman kung magiiwan ka ng tracks o marks para hindi ka maligaw noh ang alam ko kasi sa mga masukal na gubat lang yun ginagawa. Hindi naman jungle ang lungsod pero maraming tao na asal hayup. Mag-iingat ka nga lang lalo na sa mga buwitre at buwaya dito.

Bago pa man maitapon sa Kabite, nagtagal ako ng labing-siyam na taon sa Maynila, tatlong taon sa Paranaque at kasalukuyan nasa Cavite hindi ko na sasabihin kung ilang taon nako sa Kabite at baka mag-ala Mathematician ka at ikompyut mo pa ang edad ko. Sa lahat ng lugar na napuntahan pinaka the best ang pagtigil sa Maynila sa may bandang San Andres, Bukid kung di mo pa rin alam sa Malate at kung di mo pa rin alam ma-Google Map ka nalang nyeta! Probinsiyano ka kasi! Pero joke lang baka di ka na magtuloy magbasa ng blog ko eh. My lifetime of gala never ended in Manila especially teenage days kung saan mapusok, walang takot, complete energy from A to Zinc, walang pakealam sa oras at kapanahunan nila Maskman, Bioman at Ultraman actually sa knila ko nakakakuha ng lakas ng loob. Isa sa mga famous destinations ko ang mga mall ang Harrison Plaza sa Taft, Quad Mall sa Makati, SM City Manila, mawawala ba ang Luneta Park, Manila Zoo kung gusto kong  bumisita sa mga tropang Urangutan, Paraiso ng kabataan malapit din sa Manila Zoo na ngayon naging Paraiso na ng Rugby boys at kung ano-ano pang  masasamang elemento, sa Cultural Center kung saan masarap magpagulong gulong dun arkitekto ng buiding na parang slide sa kaliwa at kanan, makipag badminton sa taong-grasa kapag walang makalaban actually PE days nung hayskul kapag di ko trip mag PE gagala lang ako sa likod ng cultural center at maghahanap ng kalaro hanggang sa matyempuhan ang isang taong-grasa na full battle gear makipag tennis. Pero higit sa lahat na napuntahan at napadpad ako ang pinaka gusto ko at binalik balikan ay ang Downtown Quiapo!

Pure heart Manileno na may pusong Mexican dahil sinapian ko ng espiritu ni Dora the Explorer sa paglalakwatsa. Quiapo is usually portrayed and identified as one of the notorious districts of Manila. Sa lahat naman ng lugar lahat mayroong dark elements, dark past. Naging pugad ng mga snatchers, naging playground ng mga Magdalena at minsan na ring naging tading places ng mga droga, adik at mga halang ang bituka. Pero lahat ng yan binalewala ko, musmos na teens pa lang naman ako nun eh kaya hindi nila ako aanuhin at halata naman sa muka ko na walang yaman sa aking ngiti at alam nilang mahirap lang akong kabataan na mahilig lang mag-istokwa. Proud pa nga yang mga yan eh kasi nka uniporme ka ng eskuwela at alam nilang di ka pumasok at nagcucutting lang. Gusto nilang bad ka diba. Gusto nila rock on and join the forces  of evil empire. Pero di ako ganun boring lang talaga si Mam at Sir.

Pero despite of the obscene scene in Quiapo you have to open your eyes and see the beauty wag lang lahat masama. Kung merong lugar na kumpletos rekados na matatawag wala ng iba kung di QUIAPO! Just feel the vibes and blend in. Quiapo is beautiful. Marahil sa Quaipo makikita yung iba't-ibang paniniwala at relihiyon kung saan ang Kristiyano at Muslim ay magkasama sa isang lugar. Pero ang pinaka puso ng lungsod ay ang Minor Basilica of Nazarene or simply the Quiapo Church isa sa pinakamatandang simbahan at pinaka popular sa Pilipinas at dahil na rin sa imahe at nagmimirakulong Poong Mahal na Itim na Nazareno. Kada ika-siyam ng Enero ang kapistahan, kung saan  lahat ng deboto ay magsasama-sama bilang taunang prusisyon. Lalake, babae, bata matanda amy ipin o wala may social status, at may propesyon, artista o mambabatas ay sumasali sa prusisyon umaasang makahawak sa Poon sa animoy karagatan ng tao, kailangan makalapit ka at maipahid mo ang dalang bimpo sa katawan ng Poon. For whatever prayer, purpose, belief or wish ang lahat ng deboto ay winawagayway ang kanilang panyo habang kumakanta ng "Nuestro Padre Jesus Nazareno" paulit-ulit. Dahil kapag nakapahid ka daw sa katawan o paa ng Poon maari kang mag-wish pero sasamahan mo siyempre ng dasal para dinggin ka ng Poon at iyon ay matutupad.

Pagdating naman sa foodtrip, marami talagang mabibili sa Quiapo. Pero hinding-hindi ko makakalimutan noong bata ako, tuwing pagkagaling namin ng simba ni Ermats across the street andun ang Jollibee, masasabi kong espesyal ang Jollibee na yun dahil sa pagkatagal na ng panahon andun pa rin sila walang nagbago at tuloy ang service. Sa tuwing makikita ko ang Jollibee na yun naaalala ko ang kabataan at kamusmusan. Kumpleto rin ang streetfoods the haven of a poormans meal pero walang kong pakealam dahil masarap nariyan ang fishballs, squidballs, hotdogs, iskrambol, samalameg, palameg, betamax, tenga ng baboy, paa ng manok o adidas, instant fried chicken deep fried on the street, sago-gulaman on the side, balot-penoy, chicharon, puto, kutsinta, maja blanca, pitchi-pitchi,siopao, donut, siomai at ang special kalamay sa streets ng Carriedo. Ilista mo na rin yung mga Chinese food haus na nagbebenta naman ng mga Mami. Anjan rin syempre ang mga tropang silog, tapsi, longsi, hotsi, tosi, malingsi, porksi at marami pang kung-anu-ano na hindi mo pa natitikman. Kumpleto rin dahil lahat meron hardware, drugstore, convenient store, palengke, ukay-ukay, bilihan ng CD/DVD players at bala, barberya, school supplies, auto supplies,books, pocketbooks, bags, shoes, gift items, fruits, plants and other novelty items lahat meron in very affordable prices!

Try walking around tutal gala ka na rin lang eh and know the streets and what they offer as a service, Lakad ka ng Evangelista and Paterno streets kung gusto mo ng optical stores; photo and camera shops sa bandang Padre Gomez at Hidalgo; native handicrafts under the Quezon Bridge, wet market ng Quinta; Electronic gadgets and computer shops in Gonzalo Puyat ito yung RAON na tinatawag; Sports and music equipments in Sales street; mga anting-anting, stones, charms, feng shui artifacts,herbal medicines, pamparegla around the Church at ang mga pirated DVD,CD's and VCD's sa Elizondo!

Yan ang Quiapo, notorious, filthy and chaotic pero sabi ko nga open your eyes, try to see beyond what you can see, feel the vibes and blend in, you will see the beauty of it and you will never look at the place the same way again. Despite of the negative images and chaotic senes everyday STILL there are treasures we often overlooked and neglected.

Puwede ka sumang-ayon o hindi pero sa isang banda bilang lakwatsero ng kabataan ko marami akong natutunan  sa lugar na ito at lubos rin ang pasasalamat ko sa Poong Nazareno dahil pinanata ako ni Ermats sa kanya dahil nung kabataan lagi ako nagkakasakit at kadalasang bisita ng ospital, minsan na nga raw akong nilagyan ng tubo sa ulo hahaha kaya siguro lumaki akong siraulo. Pero ayos lang kontolado naman lahat ng bagay at lumaki naman tayo ng matino. Pinakahuling salita ang Quiapo ay mistikal, exotic at beautiful, it will be part of Filipino's life, as it is a part of mine. 

Lubos na gumagalang,
Jack the Istokwa

Martes, Abril 8, 2014

Kamusta naman Lapis mo?

Musta naman Lapis mo utoy? nene?

Anak ng tipaklong title pa lang weirdo na. Sino nga ba naman ang magtatanong at kakamustahin ang bagay na hindi naman kumikilos o humihinga? May social life din ba ang lapis mo para kamustahin siya? Yun bang pangangamusta may kasamang feelings at concern? Pero bago ka bumuo ng Inter Tropical Convergence Zone sa utak mo at sabihin mong siraulo na ang author ng blog na ito hayaan mo munang mabasa ng buo ang gusto kong isalaysay at bigyan ng saysay sa iyo. Relaks kalang dahil ako na nagtanong nito ay garantisado namang ginagamit ko ang utak ko ng mahusay at hindi ko pa ibebenta sa sulit.com este olx.ph na pala. At
syempre kung matino ka rin naman, tiyak na magkakaintidihan naman tayo. So here we go, sago...

Mahilig ako sa lapis. Bata palang amazed na ako sa lapis. Ito ngang pagkakatanda ko, kapag nakakahawak ako at gumagamit ng lapis, may kakaibang yanig o thrill akong nadarama. Para sa akin, mas higit pa ito sa baril-barilan, espadang patpat, lightsaber swords, bola, goma, eroplano, bangkang papel, robot, karton, tansan, jackstone, balat ng kendi, kahon ng posporo and the rest are fragile and trash toys. Napakadali kasing ihandle ng lapis at paglaruan. Parang lite version ng asking espadang patpat. Andun pa rin yung nakasanayang tulis na sapat ipangtusok ng mata ng bawat buskador, alaskador, bullyador at mapang-alipin mong mga kalaro. Panigurado kapag hawak ko na ito wala ng makakalapit pa. Bagaman, hindi naman talaga yun ang purposed ng hawak kong lapis, may gumagawa lang talaga ng ganun, pero hindi ako yun ha. Honesto! Promise!

Pero sa panahong nagigipit at naiipit, sa lapis ako kumakapit. Alam kong pwede ko na rin yun magamit as a weapon. Swerte na lang nila at maputi ang aking budhi at never ko pa naman talaga nagawang manusok ng eyeballs. Dahil kadalasan, matino ako mag-isip, resonable at fair ako sa lahat ng bagay (naks!). Lagi kong iniiisip yung consequences pag ginawa ko yun at siyempre naniniwala tayo kay Mama Karma baka sa pagdating ng panahon eh mas matindi yung balik kaya di bale nalang. Mang-asar man sila mapapagod din yan at lalawit lang dila ng mga yan. Iniisip ko rin baka mabakli yung lapis ko kawawa naman. Kapag nabali manghihinayang ka rin sa mga advance features na meron sa lapis kumpara sa paborito kong espadang patpat. Ang lapis  pwedeng ipansulat malamang sa papel, pader, sahig, damit at marami pang iba. At sana ako ang unang makagawa ng graffiti sa wall n ayari sa pagkakasulat ng lapis! Hayup yun! naiiisip ko pa lang pumapalakpak na tenga ko sa tuwa! So kung pantusok lang din naman may mga alternatib katulad ng ting-ting, barbekyu stiks ang pwede gamitin just in case di ka na makapagpigil. Tapos nung pumasok ako sa skul nagkaroon ng maraming kabarkada ang lapis ko. Sobrang tuwa ko dahil meron nang iba't-ibang kulay, tulis, tigas at tingkad. At sabi naman sa akin ng Super Nanay ng buhay ko ang tawag dun ay "krayola". Sabi ko naman sa kanya colored lapis lang yun 'nay. Until nalaman kong mag-nanay nga kame dahil mali ang aming bawat saloobin, ang tawag pala duon ay "Crayons". Tatak lang pala yung Krayola. Parang yung Frigider na tatak pala ng Refrigerator, yung Colgate na tatak ng toothpaste, at Xerox na tatak ng photocopier minsan nakakaumay....nakakalito. Tapos naging aware na rin ako na pagsamahin ang paggamit ng crayon at paborito kong lapis. Kaya kong drowingan at kulayan ang lahat ng surface na pwede. Parang paggawa ng Diyos sa mundo drowing muna, lahat muna draft bago lalagyan ng nakabibighaning mga kulay lalo na kapag fuschia pink o di kya kinky pink.

Basically, anglapis ay ginagawa kong panulat. Kahit puro lines, zigzags, abstracts, small circles at big circles lang ang nagagawa ko sa umpisa hanggang sa natuto ng iba pang symbols, numero at letra. At itong symbol na ito ang pinaka obra maestra kong nagawa "8===D " ang buto ng aso, hindi yang kung anong bastos ang nasa utak mo ngayon, walang ganun! burahin mo yang nasa isipan mo ng pambura kong lapis.

Gudnews!, dahil marami akong natutunan. Hanggang sa feeling ko lumelebel up na ako dahil tumataas na yung nakalagay na numero sa mga ginagamit kong mongoloid pencils. Hanggang sa malaman kong may sistema at pagkakaklasipika pala sa mga ginagamit kong panulat. Yun bang mga numerong (1,2,3,4) o letra (H-ard, B-lack, F-ine) na pangkaraniwang makikita sa katawan ng lapis. Tsk! ako lang pala ang nag-aakalang lebel up na yun. Hindi pala.

Sa panahong lumipas, iba-ibang klase na rin ang nagamit ko. Merong mahaba, mataba, matulis ang tasa, hubad o yung walang bahay, nawalan ng pambura, pudpod ang pambura, mar marka ng kagat ng ipin. Pero lagi pa rin akong may lapis no matter what. Madalas ko pa rin itong pinaiikot sa mga daliri ko pag meron akong iniisip na malalim o kahit kapag wala lang. Minsan isinasabit sa tenga o sa ilong kapag yung tipong wala ka na talagang magawa sa buhay mo o bored na bored ka na. Minsan naman gumagawa ng beat sa pamamagitan ng marahang paghampas ng lapis sa mesa nagiging little drummer boy for a while with pencil drumsticks. Gayunpaman, lagi kong iniingatan ang lapis ko, iniingatan ang lahat ng bagay na mahalaga sa akin. Hindi na rin ito basta-basta nababakli kahit ilang beses pa bumagsak. At sinisigurado ko ring  always sharp and bold ito for whatever purpose it may serve. Hindi na ako masyadong mapili sa kulay, kinis o brandname na makikita sa panlabas nitong itsura. Ang mas inaakaka ko na ngayon ay yung purong lapis na nasa loob ng kahoy.

Dahil kung yun ang mismong sa loob ang mabali o masira, kahit pa sabihing buo pa naman yung nakabihis ditong bahay ay wala na rin kwenta, wala ng silbi. May cancer na lapis at may taning na ang buhay. Wala na sa katinuan. Hindi na ito kayang lumikha linya, o hugis, o anumang letra o numero. Hindi na ito mabisa para makabuo ng salita, ng pahayag, ng komento, ng inspirasyon, ng sining. Hindi na pwedeng  tasahan pa ulit, upang tumalas pa at mahubog. Ito'y kahalintulad na lang ng ordinaryong patpat para ipanusok sa kapwa o ipansaksak. Naglaho na ang malikhaing  kagamitan. Ang natira ay yung pisikal, yung brutal, yung sandatang nkakapinsala ng lupang katawan. Yung pwedeng-pwede na itapon. Iwala. Dahil wala namang laman. Wala na. Paalam lapis kong mahal.

Kaya nga ang tanong ko ngayon sa'yo, "Kamusta naman ang lapis mo?"
Ako? Ayos na ayos pa naman. Sharp, Bold and Deadly!.



Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...