San Andres Bukid, Singalong, Manila / San Antonio de Padua Catholic School |
Going back to the roots of Childhood.
SULIT at HASSLE yan ang masasabi
ko sa biyahe kanina, hassle kasi nang-iingit ang ilang nakapasok sa trabaho sa araw
na ito, Good Friday doble ang bayad sa mga pumasok. Ang sabi nga ng isang
kasama, pogi sana kaso sabi niya ‘Yes dalawang araw ang holy day.” Oo holy day
nga naman maaring fair lang siya at ginawan niya ng double meaning, holy naman
talaga ang araw na ito, at di rin naman na maikakaila na holiday din ngayon. Two
songs playing under one note diba? Magulo. Oo magulo parang siya. Sakto lang,
talagang natyempuhan lang sa akin na rest day kaya walang magagawa, kahit gusto
mong pumasok. Pero hindi ko rin naman
masasabi na Bad Friday walang ganon kelangan positibo ka pa rin. Sulit naman
ang nagamit kong term dahil nakapag Visita Iglesia ka na nakagala ka pa sa
lugar kung saan dun ka lumaki at hinubog ng tama ng mga magulang mo at panahon.
Gamit ang alarm-clock nag set-up
ng alas-kwatro ng madaling-araw sa saliw ng kantahang Pedicab “Dito tayo sa
dilim” as my alarm tune, nagising at piƱatay ang alarm, pumikit ulet at sinabi
sa sarili “extend pa 5 mins.”
Bumaba, nagmuni-muni, nagkape
yung puro, yung walang gatas para gising na gising. Nakinig muna ng radio baka
kasi may mga welga sa daan, prusisyon o di kaya’y may bangaan para makaiwas sa
Trapik Armageddon kung sakaling meron. Ok walang problema everything is clear
and everything is smooth along the way. Namalantsa habang nilipat sa FM
modulation ang radyo, anak ng pitumput pitong pating na tiger shark!! akala ko
na-invade na ng Korea ang Pilipinas sa mga tugtugan sa radyo. Tatlong station
panay Koreanong hilaw ang maririnig mo. Anong nangyari sa sariling himpapawid
patugtugan ng sarili kong bayan? Sa saliw lang ng tono masaya na sila? Kahit pa
hindi naiintindihan ang mga liriko sa kanta at meron pang caller na sumasabay.
Wala, iba na ang tama mas matindi pa sa lakas ng tama ng pulang kabayong
sumisipa. Sabi nga ng dakilang philosopher na si Ramon Bautista, “you are
indeed a lonely ugly teenage girl” kung magpapaka alipin ka sa mga ganitong
klaseng tugtugan o di kaya’y mga teleserye sa telebisyon. Di na bale ibabalik
ko na lang ulet sa AM station.
Kumaen lang ng tatlong pandesal
na palaman ay mantikilya sabay takbo sa banyo at naligo. Fast forward syempre
hindi ko na ikwekwento kung anong ginawa ko sa banyo. Pare-parehas lang naman
ang procedure pag naliligo ang tao depende na lang kung alien ka. Nagbihis suot
ang pulang t-shirt na nakasulat ang “Jesus Christ” (wow holy day talaga) na ang
font ay logo ng coke, pantalon at NBA rubber shoes na CP3 oo yung Clutch
Pandongon 3 na bansag ng tropang bullyador. Pero OK lang maganda naman ang
sapatos. Dala ang knapsack, sunglasses at kamera I’m ready to go. Nagpaalam na
sa aking Super Nanay at sa mga alagang kuting at dalawang asong mataba.
Here we go, unang lapag
Redemptorist. Hindi ko inakalang sobrang linis na, malapad na ang karsada at
maaliwalas sa paningin. Noon kasi halos hindi mo na makita ang semento ng daan
dahil panay nagkukumpulang vendors ng alahas, damit, ukay-ukay, sinturon,
sando, panty, brief, CD, DVD, laruan, kumot, banig pagkain ang naroon. Sabayan
mo pa na mga tao na naglalakad papunta sa Baclaran LRT at jeepneys. Hanggang
matunton ang Rotonda, lakad pakaliwa sa tindi ng init ng araw kahit maaga pa
lang sobra ng nakakapaso ang init. Naglakad hanggang EDSA station kung saan
doon na lang puwedeng makasakay ng mga jeep na papuntang pusod ng Maynila.
Nag-antay ng jeep sa tapat ng Mahal Kita inn, tahimik sa labas mukang diet din
muna sila sa karne. Hanggang sa makasakay, nagulat ng lumiko pakanan ang jeep
yun pala ay hindi na puwedeng dumiretso patawid sa EDSA station kailangang
umikot ang jeep pa U-turn ng pagkahaba-haba sa Magallanes station ng MRT. Doon
pa lang parusa na dahil maraming nakahambalang na bus at jeep sa daraanan.
Akala ko talaga makakarating na ko ng SM North sa pagkahaba ng U-turn. Tagaktak
ang pawis at uhaw pero doon lang medjo trapik dahil may ginagawang daan nabasa
ko “Kasunod ng abala, ay dadaloy din ang ginhawa.” Punyeta! Maynilad na naman
ang may sala.
Nakalampas ang jeep ng Libertad,
Gil Puyat at Vito Cruz isang istasyon na lang Quirino na hometown ko na. But
all of those stations are very special to me syempre sa pag-ikot ng buhay ko
araw-araw pagpasok nung highschool sila ang nadadaanan ko. Ito na nakalampas na
ng St.Benilde, konti nalang kabog na ang dibdib, di maipaliwanag sa
nararamdaman na excitement, dahil sa loob ng labing-limang taon ngayon lang ako
makakabalik pagkatapos makagraduate ng High School wala ng balikan. Hindi ko na
alam ang itsura, kung ano ang mga bakas ng pagbabago, nagtatanong sa sarili
nandito pa rin ba yung ganon? Yung ganyan? Nandun pa rin ba ang tambayan ng
tropa? Naroon pa rin ba ang komiks stand na umuubos ako ng isang oras bago
umuwi ng bahay makapagbasa lang? Ang eskuwelahan may nabago ba? Excited rin
dahil baka makita ang mga dating guro o may maligaw na kaklase nung highschool
at elementary along the streets and school.
Pumara. Simula na ng journey
dahil konting lakad lang ng ilang kilometro malapit na ang dating eskuwelahan
at simbahan. Balewala ang init dahil di ko mapigilan ang tuwa kahit pa may
nakita akong poster ng F4 sa sidecar ni kuya OK lang. Tahimik ang paligid,
walang gaanong byahe maliban na lang sa mga taong nagpapalamig sa labas ng
bahay, sa mga silong. Nandun pa rin ung malaking Condominium na halos katabi na
ng LRT station sa Quirino, lalong tumayog at maganda pa rin. Nagsimula ang
pagbaybay sa dating panaderyahan ang Laquis bakery kung saan masasarap at mura
ang mga tinapay. Dito huminto saglet at bumili ng maiinum dahil sobrang tuyo na
ang lalamunan dahil sa init. Walang nagbago sa pagkakaayos ng eskaparate na
lalagyan ng mga tinapay, ang ref dun pa rin nakapwesto andun pa rin yung mga
mahahabang upuan para sa gustong magalmusal at magmeryenda ng tinapay. Ang
nagbago lang ay wala na yung mga kakilala kong panadero at panadera. OK tuloy
ang lakad!
Tumigil panandali sa isang
kalsada na dating tirahan ng isang kaklase, hindi na ako nagtanong kung naroon
siya dahil ang alam ko lumipat na sila ng dating tirahan.
Konting lakad pa natatanaw ko na
ang simbahan at eskuwelahan na magkatabi lang dahil ang dating eskuwela ay
isang Catholic school kung saan pag-aari ng mga pari ang eskuwelahan. Ngunit
bago tumuloy sa bandang kaliwa napansin kong wala na ang Manels mart ang dating
grocery store ng San Andres Bukid. Napalitan na lang ng kung anu anong Food
stalls. Sa bandang kanan naman at
katapat ng Manels ay yung 7-11 convenient store na napakamemorable sa
pagkakafriendzone ko nung hayskul. Maraming di nakakaalam na kaklase pero hindi
ko na ikwekwento. Eh di sana ngayon Jack and Rose forever. Pero wala raw
forever kaya di bale na lang. At dahil alas-onse na rin at malapit na ang
tanghalian nag SEX muna ko na katapat lang ng 7-11. Oo SEX pare masarap,
malinamnam, masabaw pero tanggalin mo yang namumuong berde sa utak mo bawal ang
karne ngayon. SEX means Sinangag Express kumaen muna ng paboritong DaingSilog
at binigyan ng masabaw na sabaw. Isa sa hotspot ng Tropang Physics at Betchut boiz noong hayskul lalo na
pag uwian. It’s SEX time lugaw ang labanan minsan with egg, ung iba goto with
egg at ung iba tokwa ang tinitira. Pasarapan sa pagtimpla ng tamang anghang at
asim. Sino ba naman ang di maglulugaw noon na sais pesos lang ang plain at
sampung piso pag may itlog at lamang baboy. The best na food trip, araw-araw
ginagawa sa uwian lalo na pag tag-ulan.
Pagtawid lang naroon na ang
eskuwelahan at simbahan, katulad ng sinabi ko di maipaliwanag ang tuwa na
nararamdaman dahil hindi talaga biro ang labinglimang taong mawalay ka sa lugar
na kinalakihan mo. Pagpasok sa gate ng simbahan winelcome agad ako ng dalawang
anghel na istatwa na hawak ang holy water. Nilubog ang daliri at nagsign of the
cross at pumasok na sa loob ng simbahan. Naupo at nagmasid muna bago ko simulan
ang panalangin. Andun pa rin yung malaking crucifix sa harapan ng altar na
nakabalot na ng kulay purple. Ang altar at tabernakulo na walang pinagbago ang
mga naglalakihang santo sa gilid at ang imahe ni San Antonio de Padua.
Pagkatapos magmasid ay nagdasal at nanalangin. Inilabas ko na ang dala kong
English version na way of the cross pamphlet at nagsimula na sa First Station.
Bukas ang mga pinto sa gilid at tanaw ko mula doon ang building ng eskuwelahan
may mga nabago pero mamaya na ko magmamasid. Hanggang sa natapos ko na hanggang
Fourteenth station at muling lumuhod at nanalangin.
Lumabas ako sa pintuan sa gilid
ng simbahan at tuluyan nang magmasid sa dating campus, nadagdagan na ng
building, tinanaw ko yung 4rth floor ang huling room nung highschool, St. Ignatius
ang notorious section makukulet, wild at walang pakealam sa oras, happy go
lucky pero meron din naman matitino katulad ko. Hahaha! Meron na ring entablado
sa harapan ng building, maluwang pa rin ang Quadrangle kung saan ang laruan ng
tropa sa habulan sa larong block 1-2-3 (Touchdown edition) siraan ng uniporme
kapag nahablot at nahuli. Yung canteen nandun pa rin, naaalala ko tuloy yung
corned beef na may sabaw, hotdog, maling na kinse pesos lang as a student meal.
Ang basketball court sa Quadrangle kung saan naka 8 points in a row ako sa
fastbreak (konting ihip lng po ng hangin) nung Intramurals. Naalala ko din si
crush na 3rd year High School na nabangga ko siya dahil sa takbuhan
at nadapa siya pero tinayo ko siya naka extra holding hands ako nun sabay
Sorry, nagkatinginan kame mga 7 seconds, tumigil pansamantala ang mundo naming
habang nakahawak pa rin ako sa palad niya. Namalayan ko na lang na tumahimik
ang buong paligid at panay Uuuuyyyy!! At Ayieehhhh!! na ang narinig ko
kaliwa’t-kanan. Sabay bitaw. Isa sa pinaka matamis na memory. At nandun pa rin
yung clinic, uso nuon sa amin yung laging nahihilo kaya pasisinghutin ka ng
bulak na may ammonia . Pag di pa rin kaya patutulugin ka nlng sa clinic at yun
ang dating tactics ko pag ayaw ko ng subject lalo na kapag may reporting.
Next destination, gala na along
the streets of San Andres hanggang mapaabot sa South Super Highway hanggang dun
lang ako kasi dun lang ang boundary ng memories. Tsaka nakakatakot dun tumawid.
Paglabas ko ng simbahan konting lakad mejo nalungkot dahil wala na yung komiks
stand sa tabi ng isang sari-sari store. Hilig ko talaga ang pagbabasa, wala ang
Komiks akala ko pa naman makakabili ako ng Funny Komiks na kinalakihan ko sa
pagbabasa, ang Bata-Batuta na karibal ng Funny Komiks na kung ikukumpara sa
fast food restaurant ay parang McDonalds at Jollibee. Isa ring mabentang komiks ay yung Extra,
Divino Comedia yung iba di ko na matandaan. Kaya kung gusto nilang maibalik ang
pagbabasa ng kabataan, I suggest na ibalik ang mga Pinoy Komiks sa kasalukuyang
panahon.
Expected ko rin naman na wala na
yung Rental ng Betamax tapes, mas magugulat ako kung naroon pa yun napalitan na
siya ng tindahan. Dun naman sa bigasan store lagi akong may sinisilip na chick
pero siguro wala na siya at malamang nag-asawa na. Isa rin sa crush ko along
San Andres bukid. Wala na rin ang bilihan ng barbecue na pag-aari ng pamilya ng
classmate ko ang Ipapo’s barbecuehan. Ang Anakbayan Streets ang lugar ng
matatapang, a little Tondo town ng San Andres Bukid walang katinag-tinag. Kung aastig astig ka wag ka dadayo ng
Anakbayan baka lumabas kang may tama ka ng pana. =)))
Lakad pa malapit na dating bahay.
Sa kanto wala na ang dating pagupitan, wala na rin siguro si Mang Insiong ang
dakila kong barbero. The best ang hangout tumingin ka sa likod, sa kaliwa,
kanan panay posters ng kalendaryo ng mga nagseseksihang artista noong dekada
nobenta na luwa na ang mga boobsie. Yan ang barbero ko hardcore! Malupet mag
gupit mapa barber’s cut, kalbo, semikal, crew cut, whit side wall kabisado
nyan. Wag ka lang papagupit pag lasing baka nakainum ng Tanduay at baka madali
ng labaha ang tenga mo. Wala na rin ang mag-asawang sastre na katabi ng
barbershop kung saan ditto kame nagpapagawa ng uniporme ng eskuwelahan.
Ito na pagtawid, ang Ciriaco
Tuazon Street, ang kalsada ng dating bahay, nagtataka lang ako dahil parang
umikli ang daanan konting lakad lang tanaw na ang dating bahay. Dati hindi
ganoon. Ang Old Kastila house 2120 C. Tuazon Street, nandoon pa pero sira-sira
na nalipasan na ng panahon. May tumira
raw dati pero di nakakatiis dahil maraming nagpaparamdam na elemento sa loob.
Multo at kung anu-ano pang nakikita nila. Dati rin naman kame ay nakakaramdam
at hindi iyon makakaila. Pero ang alam ko hindi naman sila masasama. Sa harap
ng lumang bahay wala na ang malaking bahay kung saan kapitbahay namen ang mga
Barreto. Yup kung ang nasa isip mo ay ang magkakapated na Gretchen, Marjorie at
Claudine tama ka. Maliliit at musmos pa lang nga sila noon at nakakalaro pa
namen ng mga pinsanin ko. Oh dib a naging star-studded din ang buhay ko sa
maikling sandal. At ito pa ang nagtuli sa akin ay yung tatay ni Sunshine Dizon.
Artista dati ng Channel 7 doon lang din siya nakatira malapit sa amin. At
naging kasabayan ko din sa campus si Katya Santos oo yung sexy star na ngayon
sa Viva hot Babes, dating endorser lang ng Maggi Noodles ngayon siya na ang
masabaw Hahahaha! Biro lang. Lamang lang
ako ng isang taon sa kanya 4rth year ako 3rd year siya. Noong Grade
6 naman ako, 4rth year naman si Ate Jackie Forster yung asawa ni Benjie Paras.
At sabi ng mga pinsanin ko na doon din nag-aral ang mga katulad ni Hector Calma
at Yves Dignadice mga dating basketball player na naglaro sa popular na team ng
San Miguel Beer.
Kumbaga it was mix with faith and
gala ang nagyari today, kaya sinasabi kong sulit. Wala na akong mahihiling pa
dahil ito nangyari na ang kahilingan kong makabalik sa nakaraan. Hindi ako
historyador para balikan ang nakaraan ngunit para magbalik-tanaw sa masarap na
buhay ng kamusmusan kung saan wala tayong pakealam sa oras at malaya ang lahat.
Sabi nga nila make a life for a living but don’t forget to get a life and enjoy
the moment. So here it is, at pangako kong babalik at babalik sa lugar na ito.
A place that carved to my heart and one’s become a part of my life.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento