Biyernes, Agosto 25, 2023
90s Lifeline: Ang Tren ng Buhay
Lunes, Agosto 21, 2023
42
42. Forty-two. Kwarentay-dos. XLII at Quadraginta in Latin.
Ito na nga narating ko na ang pinakadulong numero ng 6/42 Lotto bilang aking edad sa kasalukuyang taon.
42 rin ang jersey number ng isa sa paborito kong NBA player na si Jerry Stackhouse ng Philadelphia 76ers at Detroit Pistons.
Aba 42 rin ang jersey number ko sa basketball nung nakakapaglaro pa ko sa mga pa-liga sa aming barangay sa Paranaque kung saan laging tuyo ang jersey kasi hindi naman ako naipapasok.
Eto kadiri, 42 pieces na bahagi ng katawan ni Osiris as in chop-chop ang ikinalat sa Ehipto nung tinigok siya ni Seth.
Sa mundo naman ng computer 42 days ang ibinibigay na araw bago ma-expire ang password sa Microsoft Windows domain.
42 is one of the title tracks of Coldplay's album in Viva La Vida
The Rockefeller Center of New York has 42 elevators that carry tenants and visitors up to the 66th floor.
In Japanese culture, the number 42 is an unlucky number because the numerals when pronounced separately—shi ni (four two)—sound like the word "dying"
Pero ang pinakanagustuhan ko about the number 42 is about science fiction novelist Douglas Adams' “The Hitchhiker's Guide to the Galaxy,” because that number is the answer given by a supercomputer to “the Ultimate Question of Life, the Universe, and Everything.” They said 42 is everything - the meaning of life.
Maswerte nga ba ang number 42?
Aba'y hindi ko alam pero simula nung ilang beses akong sinabihan na ako'y seswertehin ay itinigil ko nang maniwala lalo na kapag may nagsasabi sa aking niyan tuwing Christmas Raffle at Christmas party dahil hanggang ngayon bimpo at kalan pa rin ang aking naiuuwi. Gusto ko sanang gamitin itong edad na to sa pagtaya ng Lotto tutal nasa dulo na ako ng numero nila baka sakaling mapagbigyan at baka naman maambunan na ng swerte. Wala naman sigurong masama kung tumaya ako sa loob ng taong ito. Pero minsan ayaw ko na lang din swertehin kasi parang no bearing naman kung lagi kang swerte nakakatamad rin kumbaga para kang isang lider na lagi na lang ikaw ang nasusunod at malay mo lahat ng kasuwertehan sa buhay may kapalit naman na kamalasan. Kaya okay na ko sa pagiging mid-card lang pero main character sa buhay yung tipong what comes around goes around pero hindi ka kinaiinggitan at hindi ka kinaiinisan. Saks lang.
Sa totoo lang wala akong hilig sa mga materyal na bagay regaluhan mo ako ulit ng Good morning towel okay lang sa akin magagamit ko pa rin yan, bigyan mo ko ng set ng baso o kaya tasa pang kape malayo ka pa lang pumapalakpak na ang tenga ko lalo na kung "mug" kapag usapang kapehan wala akong talo diyan. Hindi na ako namimili ng kung ano man. Kapag nagkaka edad ka pala para ka na rin tinurukan ng anaesthesia wala ng nararamdaman kung ano man sabihin sayo, o kung anong marinig mong hindi maganda kasi mas marunong ka nang umunawa sa mga timawa o di ba rhyming. Habang tumatanda ka mas nagiging matured ang isipan mo puwera na lang sa usapang benteng bigas ni BBM at confidential funds ni Sara, at ang walang humpay na pagtaas ng mga bilihin. Pero kung marinig ko sayo na sabihan mo akong negro dahil sa aking pagbibisikleta eh ayos lang tanggap ko yan o kung sabihan mo akong Jacky malaki tiyan okay lang kukungfuhin lang kita ala Jacky Chan siyempre joke lang. Pero ganun na nga I just want peace, steady good health and prosperity in life.
As I grow old I begin to start appreciating simple things in life, like fresh satin sheets, malambot na unan sa aking paanan sa pagtulog, hugis hotdog na pang-akap, malamig na klima habang umiinom ng kape, ang pagmasid ng mga isda sa aking aquarium at mga love birds na nagtitweet-tweet sa umaga, mga asong nagpapakamot ng kanilang tiyan at yung amoy ng Downy sa mga bagong labada.
Sabi nila ang pag trigger ng kemikal na Dopamine sa katawan na nanggagaling sa iyong hypothalamus ay isang happy chemical na nagbibigay-daan sa iyo na makaramdam ng kasiyahan, kagalakan at pagganyak o magkaroon ng motivation sa isang bagay na magbibigay saya sa isang tao.
Sa ayaw man at sa gusto natin, ang ating kaarawan ay isang mabisang paalala sa mga kapalpakan o katagumpayan sa buhay. Pero sa taong ito titigilan na natin ang paghihimutok at magpopokus na lang siguro tayo sa mga bagay na magpapasaya sa atin ng hindi pa rin nakakalimot na tumulong o magbigay sa kapwa puwera lang yung mga nangungutang kapag akoy walang-wala. Nakakadagdag na rin kasi ng peleges at tigyawat sa mukha kapag matagal kang hindi kinausap sabay biglang bungad ay "pautang". Dumaan ang pandemic at natapos ito ni hindi man lang nangamusta pero sa unang mensahe sa tagal na hindi nakapag-usap, pautang. Hindi ko kailangan ng seasonal friends just to say we're friends. Nope, red flag yan sir, mam.
Noon ayaw na ayaw ko makakita ng keyk, spaghetti, carbonara, lumpiang shanghai, ham, bacon, hotdog at Hagen Daz sa aming hapagkainan. At pinanggigigilan ko rin ang mga taong kumakanta sa akin ng 'Happy Birthday to you" ang gigil ko na may pagkagat ng ipin na parang asong ulol. Nakakapanting kasi ng tenga. Gusto ko pasakan ng bulak ang loob ng aking kaliwa at kanang tenga pero siyempre nakakahiya din naman ang pag effort ng kanilang pagkanta ng sintunadong Happy Birthday to me. Eto pa, ang isa hindi ko rin trip ay ang makakita ng mascot. Ayoko si Jollibee kasi mukha siyang spoiled brat na pinag-aral lang sa magagarang eskuwelahan para lang maghanap ng party at disco. Ayaw ko si McDonald dahil ayaw ko ng clown marami na niyan sa gobyerno, ayoko si Hamburglar kasi mukhang takas sa preso at lalong ayaw ko si Jack in the Box dahil mukha siyang villain clown killer sa isang horror movie.
Pero simula ngayon iaappreciate ko na lahat lalo na yung mga nag inject sa akin ng dopamine sa simpleng pagbati sa akin mula sa Facebook, X at Instagram. Sa sobrang busy nila sa kanilang mga buhay at kahit ilang work from home ang meron ka nakaalala ka kaya, Salamat. Sa sobrang busy niyo sa mga bebe niyo, jowa at bebe time hindi ka nakalimot na ako'y batiin. Salamat. Sa simpleng nakaalala dahil nakita niyo ang aking pagmumukha sa timeline at ako'y binati. Salamat. Aminin natin na sa tuwing ating kaarawan nagiging manipis ang ating damdamin sa mga ganitong panahon nalulungkot tayo kung hindi tayo nabati o kaunti lamang ang nakaalala sa atin lalo na kapag hindi tayo nabati ni secret crush sa Facebook.
Pero eto na nga, meron lamang sapat na handa, wala akong programa para ipagdiwang ang birthday ko. Wala akong engrandeng pajama party o pool party, sleep over party o birthday sex party ganon pa man, kahit siguro sa pinaka-payak na dahilan ay naging makabuluhan ang araw na ito para sa akin. Naging masaya ang aking kaarawan dahil sa mga bumati sa pamamagitan ng text, tawag, comment sa blog at messenger, sa X, instagram at syempre sa facebook. Nakakatuwa lang dahil kahit mga hindi ko personal na kilala ay bumati rin. At nagpapasalamat ako sa mga kontribusyon nila para maipalaganap ko ang blog na ito.
Special mention and thanks to you:
- Elvin Manuel
- Sir Santi Pido
- Mhariel Marquez
- Sir Sol Rellita
- Sir Joseph Verdida
- Marvin Josh Pata
- TL Kelvin Rosete
- Tin Clemente
- Christopher Alcantara
- Jhoan Santarin
- Mark A. Garcia
- Arjay Legaspi
- Jervi Fallorina
- Mam Weng Rowena Estrada Simeon
- Sir Ronnie Sauler
- Jorene Abagon
- Fe Butingan
- Mr Dasmarinas Condrad Potpot Miane
- Joshua Torio
- Jhigz Memew Diego
- Inay "Mariah" Gerlan
- Sir Lodel Millo
- Miss MJ
- Noreen Tiano
- Jay Emmanuel Kuya J Corral
- Paolo Prado
- Dys Lexia
- Mam Ellen Caraan
- Donna Elzee Vintola
- Gerrieca Adiong
- Tatay Crispino Ebrado
- Sir Gerry Atabay
- Duncan Villarosa
- Sir Sonny Tan
- Camille Go
- Paula Maricris Anacay
- Joy Nino Sarmiento
- Miss Thet Alcodia
- Chingky Fuentes
- Joy Joy
- Mari Ella
- Teacher Abegail Quino
- Teacher Gina Garcia
- Sir James Andrew Grasparil
- TL Carlo Calantuan
- Jojo Salvador
- Ghia Tomas
- Jay R Del Rosario
- Andrimel Velasco
- Tonee Amora Robles
- Kenneth Camerino
- Chris Herrera
- Paolo Capitulo
- Geneva Millena
- Jake Co
- Jaz Pandongon
- Borgie Tolentino
- Tita Merly Pagar Lim
- Wymark Gerodias
- Dixie Jane Lim
- Miss Dianne Gabrillo
- Apple Figueroa
- Janelle Dreu
- Felix Anora
- Karlo Teves
- Gino Paulo Bautista
- Tita Rebecca Adiong
- Jayson Baculod
- Katherin Pabale
- Mizter Kris Trinidad
- Tito Boy
- Miss Jaq Redesa
- Myra Fernandez
- Sir Reggie Bhoy
- Principal Esmie De Guzman
- Miss Kyla Carter
- Toffee Lim
- Alexandra Nicole Real
Linggo, Agosto 13, 2023
Kwentong Tabi: The Tindahan Buyers
Sabado, Agosto 5, 2023
Ang Pagbabalik sa Blogging World
![]() |
'Its better to be quiet than shit for life' |
Para daw akong sa kanta ni Gary Valenciano, "nawawala, bumabalik heto na naman", ang sabi ko ganun naman talaga sa mundo ng blogosperyo minsan kang lulubog at minsan ka din naman na lilitaw, minsan kang magkakainteres pero kadalasan kang tatamarin. Maraming beses na rin akong nawala at bumalik sa mundong ito pero kahit anong mangyari nakakahanap ng paraan na pagpagin ang aking nangangalikabok at nangangalawang na panulat. Dito sa pamamagitan ng pagsusulat ako nahasa na magpalawak ng nilalaman ng kaisipan. Dito ako natutong magsarili, oh teka lang alam ko ang nasa isip niyo ang ibig sabihin kong magsarili ay bumuo ng magandang piyesa sa panulat ng wala akong inaasahang mga suhestiyong o tulong na gamit ang kaalaman ng iba.
Kaya sa lahat ng naging tagahangam umuunawa at patuloy na nagmamahal na aking mga onlyfans, Mahal ko kayo!! Natigil man ang paglalathala ng aking mga post ay nariyan pa rin yung mga lumang kaibigan na patuloy na sumusuporta at hindi niyo iniwan o inunfollow ang pahina higit sa lahat sa pagdaan man ng pandemiko. Salamat at nariyan pa rin kayo.
"It's better to be quiet than shit for life", ang motto ko simula sa pagkabata, ang motto ng kuwago. Ang kuwago kasi kumokolekta ng ideya at tinitimbang ang sarili bago humuni kesa sa huni doom, huni dito na wala namang ritmo at tyempo ang hinuhuni. Sa pagsusulat dapat ay mas marami kang nakukuhang reactions kumpara sa likes. Sa blog na ito ako natutong magpatawa, mamilosopo, manakot, magpaiyak, magpakilig, magpagalit, magpa-excite, magtanong, at mandiri ang mambabasa kasi ultimo tungkol sa tae ay may naisulat tayo dito.Click mo lang itong "Jerbaks" at "Rated SPG: Kwentong Banyo" kung interesado kayo pero huwag niyo lang itatapat ang pagbabasa sa almusal, pananghalian, meryenda at hapunan baka bigla niyo akong i-unfollow. Huwag rin palang makakalimot sa aking especialty na ibalik sa nostalgia ang aking mambabasa.
Tinataon ko ang aking pagsusulat depende sa mood, sa panahon, sa okasyon at sa kung anong nauuso o napag-uusapan pero mas marami sa aking piyesang naisulat kung anong naisip ko pagka-gising, kung anong ibinulong ng isipan habang nakaupo sa trono ng inidoro at sa kung anong nakikita kapag ako ay lumalabas ng bahay. Totoo nga na kapag nasa loob ka ng maliit ng kuwadradong espasyo katulad ng banyo ay mas maraming pumapasok na ideya sa iyong isipan hindi ko alam kung bakit pero mayroon na sigurong pag-aaral dito kumpara sa pagkakaupo mo sa harap mismo ng kompyuter. Sa banyo kasi walang destruction depende na lang kung barado ang inidoro at unti-unti mong nakikita ang tae mo na umaangat sa bowl habang binubuhasan nakakadestruct talaga yun hanggang panaginip.
Sa mga mambabasa ko kung meron, siguro naman ay naniniwala ka sa iba't-ibang kategorya ng aking naisulat kung nandiri ka sa Jerbaks at Kwentong Banyo, kinilig ka naman siguro sa Sentihan 101: Hanggang Saan Ako Dadalhin ng Aking Pag-Ibig?, Ang Pag-ibig ay parang Bisekleta by Papadyak, Saan mo dadalhin ang pag-ibig?, Kasiyahan 101: Ako minsan si Papa Jack.
Binuksan ang time machine para sa mga nostalgic writings katulad ng aking likha na Junkfood Nostalgia: Wonder Boy (Where Art Thou?), Tsitsirya: Ang mga Junk Foods sa Buhay mo, Throwback Memories: Field Trip Reminiscence (PILTRIP), 90's Nostalgia: Cartoons of your Time, Your Childhood Memories: BATIBOT, Super Throwback: Pinoy Klasik Komersiyal Ads and Tag lines Part 1 at marami ka pang babalikan na dadalhin ka sa panahon ng otsenta at nobenta.
Di rin natin pinaglagpas ang mga kwentong katatakutan na inilalathala natin kapag nalalapit na ang panahon ng Undas. Nakapagsulat din tayo ng mga nakakapanindig balahibong kwento katulad ng Halloween Special Throwback from 90's, Undas Specials: Ano Ang Nasa Dako Pa Roon?, Araw ng mga Buhay?, Aswang Association Inc, at Wag ka nang Humabol: Suicidal Boys and Girls Surviving Tips
Mayroon din naman tayong mga popular post at ito yung mga blogisodes na mas maraming nakapagbukas o nakabasa. Masasabi natin mas maraming nagkainteres basahin gaya ng Kaha de Lapis (Pencil Case), Kalye Games 101: Nasaan na ang Larong Pinoy?, Millennial Lingo: Expressions! Expressions!, Kenned Guds: Ang mga De-lata ng ating Kabataan, at Family Dinner Throwback Nobenta.
Alam natin na marami na rin ang nagpahinga sa mundo ng blogging dahil nauso na ang bagong kinahihiligan ng karamihan ang vlogging kung saan gamit ang mga makabagong teknolohiya kagaya ng mga advance cameras katulad ng mga GoPro at mga drones. Ganito na nga ang uso ngayon dahil mas kaaya-aya nga daw kapag mayroong nakikitang virtual objects ang mga manonood hindi katulad nitong blogging na panay panulat lamang ang laman. Pero guess what I'm sticking with the way of writing just like the old soul that we are hindi naman tayo yung naghahanap ng maraming likes o viewers ito lamang pahina na ito ay para sa mga mahilig pa rin magbasa at sa mga naghahanap ng kaunting aliw sa pamamagitan pa rin ng pagbabasa. Mas gugustuhin ko na magsulat kaya magvideo maghapon sa daan para makahanap lang ng maicocontent, hindi tayo naghahanap ng kamalian sa kapwa para tanungin ang mundo ng social media kung sino ang nagkamali at sino ang tama sa isang senaryo sa batas trapiko sa mga kalsada, hindi tayo naghihintay ng madidisgrasyang nagbubunking sa Marilaque at ipopost sa social media. Sa mundo ng pagsusulat makakamit mo ang kapayapaan, tahimik na nagiisip at nagpapatawa sa mga makakabasa, Mas gusto ng writer na maglaro ang mga emosyon ng kanyang mambabasa sa sari-saring emosyon na mangingiliti, mananakot, magpapaluha, magpapatawa, mamamangha sa bawat damdamin.
At eto na nga opisyal na nagbabalik ang inyong abang lingkod sa pagsusulat hindi ko lang alam kung hanggang saan, hindi ko lang alam hanggang kaylan. Pero isa lang ang gas na makakapagpatulo sa akin sa araw-araw sa paggawa ng mga piyesa ng panulat hindi ito Petron, di rin Shell, never na Total at hindi rin Phoenix Fuel at never na mga tsipipay na gas stations. Ang tanging kailangan ko sa pagsisimula sa kasalukuyan ay INSPIRASYON!
Sinsero,
Jack Maico
Biyernes, Disyembre 4, 2020
Divi - Soryah! Soryah!
Divisoria, ang one stop shop ng bayan
Ilang buwan na rin ata akong hindi nakakapagsulat. Since hindi muna tayo makakapagpadyak ngayon susubukan ko muli na ihatid ko kayong mga mambabasa ko way down memory lane sa ating kabataan (ang tanong meron nga ba talaga akong readers? hehe). Itong blog post na ito ay hatid sa inyo ng malamig at masarap magkape na panahon ngayong araw na ito.
Kapag binanggit ang dalawang letrang DV ano agad ang mabilis na pumapasok sa isipan niyo? Marahil noong bata pa tayo ay hindi pa natin alam ang acronym na ito para sa isang mataong lugar sa Maynila. Ang karaniwang naririnig mo na DV sa mga tao na nagpasalin-salin sa bibig ng ilan ang ibig nito sabihin ay Divisoria. Kaunting trivia muna tayo bago mamasyal sa aking isipan ng mga kuwento at dahan-dahan tayong babalik sa nakaraan. Ang salitang Divisoria ay salitang Kastila na ang ibig sabihin ay mga pader na naghahati sa dalawang lugar. Sa salitang Ingles at matematika ay "Division". Sinasabing hinahati nito ang dalawang lungsod ang Maynila at ang Quezon City. Anong klaseng lugar nga ba ang Divisoria? ano ang mga bagayo kadalasang pinupuntahan ng mga Pinoy sa lugar na ito. Bakit laging maraming tao? Maupo na kayo sa time machine at makinig sa aking kwento.
"Jack, anak, bumangon ka na diyan at ayusin mo na yang pinaghigaan mo at aalis na tayo."
"San tayo pupunta, nay?"
"Sa Divisoria at dun tayo maghahanap ng uniporme mo."
Lumaki tayo, tumanda na tayo at naging kakambal na ng ilang major events sa buhay natin ang pagpunta sa Divisoria lalo na kung lumaki ka sa mga kalye ng Maynila. Mapapasko man o umpisa ng pasukan, o basta kapag may kailangan kang bilhin, Divisoria ang nasa taas ng lineup ng mga options mong puntahan. Pwera na lang kung tipong kailangan na bukas yung kailangan mo sa eskuwela at ngayon mo lang sinabi sa nanay mo ay malamang na may libre kang kotong. Kapag ganyan ang sitwasyon malamang sa mall ang bagsak niyo kung may kailangang bilhin. Pero hindi pa rin gaano lang ba pumunta sa DV kung taga San Andres Bukid ka lang. Hindi gagastos ang mga nanay natin sa mahal ng bilihin sa mall. So 97.58% of the time eh biyaheng Recto na ang sasakyan naming jeep.
Divisoria ang pambansang SM ng Pilipinas hindi pa rin yan nabebreak ng Baclaran. Pero ewan ko ba ha yung mga malapit sa DV gusto pumunta ng Baclaran. Yung mga taga Baclaran naman gustong dumayo ng DV. Kung ang SM ay makamasa ang Divisoria naman ay makatindero at tindera. Wala lang gusto ko lang i-emphasize na maraming tindero at tindera dito. Noon kahit sa mga kalsada ay may nagtitinda ee. Pero ngayon alam ko ay maayos na pero hindi mo mafefeel na Divisoria ang Divisoria kung hindi magulo at maingay noh? Noon, sa isip-isip ko ano nga kaya ang pumasok sa utak ng mga naisip magdala ng sasakyan dito? Nakasinghot ba sila ng rugby na hinalo sa Sprite?
Lahat na yata ng kaya nating maisip na puwedeng ibenta eh nandito na sa DV. Magmula sa pigurin, tela, orasan, karayom, sinulid, krayola, pulseras at kung anu-ano pa. Ilan lamang ito sa mga samu't-saring panindang makikita saan mang lupalop ng Divisoria. Pagkababa mo pa lang ng jeep around 100 meters from Divisoria's boundary marami nang nagtitinda ng kung anu-ano kasama na food trip. Pero 16 minutes kami maglalakad ng nanay ko para matunton namin ang pinaka puso ng Divisoria, ang Tutuban Mall. Ito na siguro ang pinaka high end na mall dito. Ibig kong sabihin sa high end ay ito na siguro ang pinaka closest thing as a mall, hehe. Masarap naman kung kakain sa Tropical Hut pero andami nga lang tao. Kung hindi mo trip doon sa Tutuban Mall, maglalakad ka na naman ng mahigit sa labinlimang minuto para makapunta sa Divisoria Mall. Ito ang hari ng wholesale.
Madalas bilhin ng nanay ko ang white polo at brown pants. Idagdag mo pa ang black shoes na Bandolino, puting sando at siyempre ang Good Morning towel. Mura kasi talaga kung bibili ka ng maramihan. Habang sa paglalakad namin eh pasimple naman akong sumisipat kung saan yung bilihan ng water gun. Ang pagkakatanda ko eh sa 168 Mall pa ata kami nakabili nun. Ang hindi ko lang maintindihan eh bakit nakasama yung mga water gun sa itinitindang gamit sa kusina at punda ng unan.
Sa mga mahinhin, teenagers at mga tita, "Divi". Sa mga barker, "Sorya!" "Sorya!"
Ang Divisoria nga raw ang mas malagkit at pawisan na utol ni Baclaran. Kung masikip sa Baclaran puta para kang si Lotus feet kung maglakad dito. Mas masikip. Kung mainit sa Baclaran, e syet na malagkit, mas mainit dito. At kung may mga ligaw na snactcher sa Baclaran, e tangina, pati brip at panty mo, itahi mo na sa pututoy at pudaday mo para hindi madenggoy sa Divisoria.
Kailangan mo ng isang baldeng Elmer's Glue? meron dito.
Kailangan mo ng kawali na sinlaki ng bath tub? meron dito.
At kung kulang pa ang iyong impormasyon at kailangan mo ng limang libong placemats na may nakaburdang last supper sa bawat isa, nako siguradong meron dito. Walang bagay na hinahanap mo ang meron si Divisoria halos lahat ata ng mga bagay na nawawala at hindi mo makita eh sa Divisoria mo lahat sila matatagpuan. Puwera boyfrend. Pero available din naman daw si Dodong.
Dito ako nakakita ng mga tinderang nanghahaplos ng pera sa mga paninda nila. Para saan ba yun? Pampaswerte? Magandang feng shui ba yan ni Hanz Cua? Buena mano epek? Sa totoo lang hindi ko alam. Pero kung bibigyan mo ako ng 250% discount sa limang pirasong sandok, eh sige lang teh. Ihaplos mo yung beinte pesos ko kahit sa mukha kong oiling-oily na. Walang problema.
Luis Biton. Aduduy. Mike, Lacosta, Calvin Climb. Andito na lahat sa Divi.
"Miss, magkano itong LeeVice na pantalon?"
"800 po ser"
"Mahal naman. Wala na bang tawad yan?"
"Wala na po ser. Sagad na po yan."
"Ahh hanap na lang ako sa iba." (Paalis na ako, lilipat sa kabilang tindahan)
"O sige sir, 150 na lang!"
Pumunta ka dito ngayong Pasko at lahat ng klaseng Santa Klaus eh makikita mo dito - Santa Klaus na tumatawa na parang witch, Santa Klaus na kayumanggi, at may Santa Klaus na mas payat pa kay Pepe Smith.
Kasama na ito sa kultuta ng Maynila. Kahit hindi ka masyadong mahilig bumili ng gamit o damit, eh try mo lang pumunta dito para maramdaman mo ang Divisoria atmosphere. Doble ingat ka nga lang dahil nariyan pa rin si Covid. Kung gusto mo lang naman maging unforgettable ang experience mo dito, siguraduhing magdala ng madaming cash at isuot mo lahat ng mamahalin mong alahas.
Biyernes, Agosto 28, 2020
Please, Please Mister Postman
![]() |
'Nasaan na nga ba sila Mamang Kartero?' |
![]() |
Ganitong klaseng envelope yung ating natatanggap kadalasan, mapa-card man o pinakasweet na sulat ng isang magkasintahan |
Huwebes, Agosto 20, 2020
Cheers to the 39 Years of Existence
![]() |
'I want to live for 100 years more! |
![]() |
Jack@Dasmariñas |
![]() |
Jack@Baclaran Church |
![]() |
Jack@SM Dasmariñas |
![]() |
Jack@St.Anthony School Singalong, Manila (High School Alma Mater) |
![]() |
Jack@SM Southmall Las Piñas |
![]() |
Jack@Multinational Village Parañaque |
![]() |
Jack@Bamboo Organ |
![]() |
Jack@Alapan Flag Monument |
![]() |
Jack@Simbang Gabi 2019 |
![]() |
Jack@Aguinaldo Shrine Freedom Park, Kawit,Cavite |
![]() |
Jack@Manila Zoo |
![]() |
Jack@Chinese Garden |
![]() |
Jack@Luneta Park |
Mga Angel at Demonyo 2.0
Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba. Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...
-
'Ang klasik na speyship na pencil case na maraming kaha.' Ang Pencil Case na nga siguro ang isa sa mga naging inspirasyon kong ...
-
'Happy Father's Day Maraming tawag ang ginagamit patungkol sa ama - nariyan ang tatay, itay, tatang, itang, papi, papa, papan...
-
'Day 7, 4th week of Advent' Pitong araw ko na ring itinatago ang aking sungay. Bagamat hindi halata ang aking ka-naughtyhan, ...