Biyernes, Enero 9, 2015

Saan mo dadalhin ang pag-ibig?



'Tatagan ang sarili. Matutong maghintay. Matagal siyang maligo.'
Unang-una wag mo siya paiiyakin, ang sabi nga sa tag line ads ng Newtex napkins "dalaga na siya hindi na bata". Huwag mo hahayaang mawala ang tiwala niya sayo. Sa panahong hindi ka na sigurado sa binabaybay ng kwento niyo. Matalino pa sa matsing ang taong minamahal  mo at trulalu din naman na sabihing napakapalad mo sa pagkakakilala sa kanya.

Pangalawa, matuto ka magbasa. Oo magbasa ka ng marami. Yung maraming marami. Dahil malamang hindi lamang iikot sa current events at showbiz ang usapan niyo. Wag na rin muna mangarap ng Dong-Yan wedding dahil kawawa naman ang Channel 7, sila na lang nga ang artista ng duon eh mawawala pa dahil nag-isang bigkis na ang kanilang mga puso. Si Kuya Germs na lang ang kilalang natira, tapos nagkasakit pa ata. Wasak! Sa pag-ibig puwede kang magsikap tumula o kumanta. Bonus points kung mata-translate mo sa tagalog yung mga malalalim na linya ni William Shakespeare.

Yayain mo siya laging kumain. Fishball man yan o kwek-kwek o pasta, lasagna, o pizza sa isang sosyal na resto, masayang makita kung paanong ang mga simpleng bagay tulad ng hamburger sa Minute Burger yung buy one take one (para mas makatipid) o di kaya isaw o betamax, paa ng manok. Lahat ng yan sa simpleng bagay ay kayang baligtarin ang simangot niya. At kung tumaba man kayo kakakain, panatag kang sa pagtaba niyo ng sabay, sabay niyo pa ring hawak ang kamay ng bawat isa ilang libong peanut butter sandwich man ang humadlang sa inyong daan. 

Ibahagi mo sa kanya ang hilig mo. Huwag mong ililihim na hindi mo talaga gusto ang mga kanta ng One Direction, Chicsers at Daniel Padilla. Wag ganun baka magalet siya sa mga simpleng lihim. Ok lang din naman na sabihin sa kanya na mahina siya sa Math, malay mo mahina din siya sa Math. At least magkakasundo kayo. Puwede mo sabihin na magaling ka sa Science lalo na kamo na kabisado mo ang Reproductive System at puwede ka kamo mag demo anytime, anywhere. Sa mundong ito may kanya-kanya tayong talent. Mahalaga na alam niyo ang limitasyon at kakayahan ng bawat isa.

Tatagan ang sarili. Matutunan ang paghihintay. Matagal siyang maligo. Huwag kang maiinip dahil inuubos niya sa katawan niya ang Kojic soap. Relax ka lang wag bara-barabay. Kung hindi bye-bye.

Sa kanyang piling ka laging umuwi. Ipagluto siya ng sopas tuwing umuulan, o kaya miswa basta masabaw at malapot para mas nakakaengganyo higupin. Yakapin mo siya sa pagtulog at pagkahimbing, pagmasdan ang kanyang kalumanayan. Hawiin ang buhok sa kanyang noo at unti-unti, ipikit ang mga mata saliw sa musika ng dahan-dahan niyang paghinga. Ramdamin ang kanyang paghinga at ilagay ang tenga sa kanyang malu.... na dibdib.

Sa tahanang bubuuin niyo ikaw ang mamuhunan ng pangarap sapagkat noong panahong hiningi mo ang kanyang "oo", bukas palad niyang ipinagkaloob sa iyo ang kanyang katauhan at iniwan ang lahat ng pangamba ng kung ano ang puwedeng mangyari bukas.

Huwag mona naising lisanin siya. Sa hirap at ginhawa kahit wala kayong Vicks Vapor rub sa bahay.

Gawin mong lahat ito at lahat ng iba pang mkapagpapasaya sa kanya (puwede sa Tom's World). Sapagkat sa pag-ibig mo siya mabubuhay, doon mananatili, at doon rin uuwi.

Ikaw? Saan mo dadalhin ang pag-ibig? 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento