Biyernes, Oktubre 24, 2014

Jerbaks



Naranasan mo na bang magpigil ng jebs?
Hindi ko alam. Pagpasensiyahan nyo na, ito na ata ang pinakawalang kwenta at pinakamabahong artikel na mababasa mo dito sa Ubas na may Cyanide. Hindi ko rin naman sinasadya nagkataon lang. So, kung ma-imagine mo man ang aking mga pinatutungkol sa post na ito, takpan mo na lang ang iyong ilong at pasintabi sa mga aksidenteng kakaen kung sumakto mang mabasa mo ito.

NARANASAN MO NA BANG MAGPIGIL NG TAE?

Oo mga sis, mga mars at pards. Itatanong ko ulet naranasan mo na bang makipaglaban sa pagpigil sa taeng naka ambang lumabas sa iyong puwit? Puwede ko bang marinig ang panig mo kung naranasan mo na ito? Ewan ko ha, pero para sa akin masarap minsan magpigil ng ebak. Hindi ko talaga alam, aksidente lang nuon at may gumagamit ng aming CR at tila nakaramdam ako ng biglaang tawag ng kalikasan. Mula duon, nakipag tunggali ako sa pagpigil habang pinipigil lalong nanggigil. Ito yung tipog pinipigil mong umire, sinusubukan mong pigilan ang kampon ng kadilimang lumabas sa iyong puwit. Talaga nga namang machachallenge ka, dahil mapapansin mong tumatagaktak na ang iyong pawis sa pagpigil. Bawal umupo at dahil baka mag-Hersheys at dumikit sa iyong Hanes o So-en na underwear. Kailangan nakatayo at hawak ang puwit with matching papikit-pikit at kagat labi habang pinipigilan ang animo'y bulkan na nakaambang bumulwak anytime, anywhere.

Minsan kasi out of nowhere bigla ko na lang mararamdaman na matatae na pala ako. Pero pansin ko yun na kapag walag-tao sa paligid o sa kwarto at kung halimbawang meron kang binabasang libro man o nag-Internet, at tahimik ang paligid may tendency na magkaron ka ng emergency na call of nature kahit wala sa oras ang pag jerbaks mo. Hindi ko alam kung meron kaugnayan ang Science dito o sadyang sira-ulo lang ako sa nararamdaman ko. Pero kahit na ano pa man masarap talagang magpigil eh. Minsan nga kahit nasa banyo ka na pipigilin mo pa rin, pero kapag feeling operation "Dumbo drop" na talaga, mabilisan at wala ng orasyon at sampa agad sa inidoro. 

IKAW PAANO KA JUMEBS?

Hihingi ako sa inyo ng permisyon para pumasok sa inyong mga pribadong comfort rooms at mag-iiwan ng katanungang paano ka ba jumebs? Ayokong live na makita ang sa akin lang idescribe mo na lang.

Meron tayong kanya-kanyang istilo ng pagsampa sa inidoro, lahat ng yan ay kung saan tayo mas komportable para ilabas ang pait na nararamdaman. Pero kung ako ang inyong tatanungin mas maginhawa ako sa posisyon na nakasampa ang dalawang paa sa labi ng trono, at para mas maliwanagan ka gusto ko kasi maririnig yung mahinang tunog na "plop" sa tubig pagbagsak ng black chocolate. At pag mas maraming "plop" na bumabagsak mas masarap. Meron namang mga tao na gusto nakalapat ang puwet sa may labi ng inidoro, pero ako ayoko nun dahil doble trabaho sa pagpapalubog ng barko. Bakit? eh ayoko na may sumasalapat pang jebs dun sa pababang slide ng inidoro, mas kadiri yun dahil  minsan madikit at hindi kinakaya ng flush. Baka gagamit ka pa ng plumb para tanggalin yung nanikit na tikoy dun sa inidoro. Pwe! Kaya mas gusto ko na at mas sosyal na siguro yung may maririnig kang "plop" dahil rekta na agad sa tubig. Meron din namang mga habit na o orasyon. May ilan naman na ganito ang trip, uupo na sa trono pero hindi pa sila eebak ang ginagawa ng iba magbabasa muna ng diyaryo, pocketbook o komiks bago jumebs. Dito ko asar na asar sa mga ganito dahil umuubos talaga sila ng 30 minutes bago makalabas ng kubeta.

Meron din namang iba't-ibang klaseng jebs. Merong mga matambakol sa laki, mga tipong matitigas ito ata yung mga taong madalang uminom ng tubig. Mga ga-Super Ferry ang lapad at hindi magkasya sa inidoro. Pwe! Meron din namang mga basa, may tatlong uri ng basa ito ang chocolatiest, yellowish at green tea este tae. Ang chocolatiest ito yung mga pururot na sobrang blackish tila ata isang dekadang hindi umebak, tila bulok na ang tiyan at number 1 sa category na pinakamabaho! Pwee! Yung yellowish naman ewan ko lang baka may sakit? Ewan wala talaga kong idea o nasobrahan lang sa cheese ang umeebak na ganyan. Pweee! At ang green naman siguro ay sa mga taong mahihilig kumaen ng gulay o vegetarian? Hahaha ewan ko lang ah oh baka dahil lang din sa sipon? O di kaya luga na o tulok ang itinatae nun. Punyetaaaahhhh! Pweeeehhhhhh! Ayoko na tama na naglalaway na ko habang isinusulat ko ito. Tigilan na at nasusuka na ako feeling ko matatae na ako. Pero heppppp.........

Pipigilin ko muna! 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento