'Ano ang mga tsitsirya sa buhay mo?' |
"Ngasab-ngasab...Kuya, penge pa po Chippy...."
Kuya: "Tanginamo inubos mo agad yung sayo para makahingi ka eh!"
Minsan noong sa buhay naming mga batang kalye ay nakakatsamba ka at nabibigyan ka ng barya ng magulang, lola o tiyahin mo. Minsan kapag 3 o'clock habit noon na araw araw na dasal sa TV, ganyang oras ka nabili ng tsitsirya at deretso ka agad sa sari-sari store. Titingin ka agad sa mga tsitsiryang nakasabit sa harap ng tindahan na madalas ay gawa sa screen o kahoy. Ano kaya ang masarap kainin ngayon? Talagang pinagiisipan mo yun eh, kahit pa yung uhog mo malapit ng tumulo at pinaglalaruan pa ng kamay mo ang dala mong barya habang nagiisip ng makakaing tsitsirya. 'Paano ko kaya masusulit itong pera ko?' 'Hmmm ao kaya dito ang may libreng tato sa loob?'
Tsitsirya o chichiria - Ito ang pagkaing sumisira sa rules ng isang tahanan. Bakeeet? Dahil itong pagkain na 'to ang nagpapalito sa mga kabataan pagdating sa kung anong puwedeng kainin o hinde. Ay, minsan talaga nga namang hindi ka papayagan ng magulang mo kumaen nito pero minsan naman pinapayagan ka. Magulo rin talaga ang mga magulang natin eh noh? Mas magulo pa sa bulbol ng Arabong tulisan. Ang rules: bawal kapag school day at puwede kapag weekends. Kaya naman talaga maraming may ayaw sa Lunes eh kahit pa sa panahon ngayon at maraming nagmamahal sa Biyernes ng gabi. Bawal sa bahay, pero puwede kapag may outing o Field trip. Haaay, hindi ko maintindihan talaga ang rule na ito.
Gayunpaman, lumaki tayo na nakasama ang mga chichiryang ito at madami sa kanila ay unforgettable.
PRITOS RING -
Puta! may kakalye pa ba sa junk food na yan? Ihanda na ang mga daliri at isa-isa mo nang lagyan ng Pritos Ring ang mga ito. Kakainin mo mula sa daliri mo, mangugulangot o katatapos mo lang tumae tapos lagay ulit. Banat lang ng banat hanggang sa maubos. Malas mo ang kung bawas ang daliri mo dahil naputukan ka ng Super Lolo nuong nakaraang taon, konti lang makakaen mo. Baka di ka mag enjoy. At wala din palang pupula sa balot nito.
Ri-chie - Hindi ito pinakasikat pero gusto ko 'to. Malagkit ito na lasang gatas. Usually, yung maliit ang binebenta nila kaya bitin ako. may litrato ito ng baka (cow) sa supot.
Chiz Curls - "Cheesy Chiz Curls, you're the waaaan! You make snack time, lots of pan! Cheesy chiz curls you're my favorite cheesy trit!" Ok din ito malambot at crunchy. Kulay powder blue ang supot.
Tortillos - Eto na...pasarap na ng pasarap. Ang sarap ng tsitsiryang ito lalo na kung papartneran mo ng inuming Coke. Yung tipong kakaen ka ng marami nito sabay iinum ka ng malamig at maraming yelo na Coke na masakit sa lalamunan. Haaaay syet. Anlupet mo! Ang gumawa ng tsitsirya ay Granny Goose.
Mr. Chips - Heto pa ang isang bwiset na napakasarap para sa akin eh. Favorite kong kainin 'to kapag nasa harapan na ako ng TV at nanonood ng mga katulad ni Shaider, Mask Rider Black at Bioman. Tangna bawat aksiyon na scene sa palabas na yan ginagaya ko habang ngumunguya ng Mr. Chips habang nahuhulog hulog pa sa bibig ko. Astig kasi si Alexis ang Pulis Pangkalawakan. Jack N' Jill nga pala ang may gawa nito.
Eh may nakaka alala pa ba sa Pom-Pom? Yung parang may maliit na blue na elepante sa balot? Naalala nyo pa ba yun? Basta sa supot nun ay may cute na character tapos parang maliit na chiz curls ang laman. Nasundan mo ba yun? Diba may ganun dati? Pucha naaalala ko 'to singkwenta lang 'toh dati eh. Tengkyu talaga sa gumawa nito. Kahit manlibre ka ng mga kalaro mo kayang-kaya. Cheese na cheese ang lasa o kung gusto mo naman chicken flavor ang tirahin mo meron din.
Iniisip ko dati kung paano sila kumikita na singkwenta tapos malasa pa. Ngayon ko lang nalaman ang kasagutan, hindi sila kumita dahil wala na ngayon yun. Pero bakit naman yung Wonder Boy dati piso na ang halaga sa kasabayan lahat ng tsistsirya na tig sisingkwenta ang halaga, bakit ngayon wala na rin ang Wonder Boy, masarap pa naman yun kahit tatlong piraso lang sa loob ng supot malalaki naman at maanghang ang lasa. Yun yung may batang nakasakay sa parang spaceship at puti ang balot.
Humpy Dumpy - Hahahaha naalala ko tuoy yung ginawa ko sa Field Trip noon eh, kainan na ng tsitsirya eh sabay yan ang baon ko. Ginawa kong air-freshener yan ng aircon ng bus eh. Hahahahaha! Mabantot kasi pero masarap. Amoy ano kasi.....hmmmmm wag na bawal sabihin.
Chickadees - Isa pa sa mga listahan ko ng paborito. Ito ay yung nasa kulay green na balot at bilog bilog. Ang pinakadahilan talaga kung bakit gusto ko 'to kasi may laruan kang makukuha sa loob. Dun talaga ako naeexcite kapag bumibili kami ng kapatid ko ito. Siyempre isa na sa laruang makukuha mo ay ang gomang paa. Puwede mo itong ipaltik sa kalaro mo kasi naiistretch ito. Kadalasan kulay blue ito eh.
Ang isa ko pang peyborit ay yung Lumpia Cheesedog. Pucha singkwenta lang din ito noon pero ngayon piso na. Sagana talaga sa cheese flavor. Tatlong piraso ito kaya solb ka talaga dito.
Noon hindi ako gaano nakain ng mga special na tsitsirya. Kasama dito ang bwiset na Piattos na yan. At ang iba pa ay V-Cut, Potato Chips, Kornets at iba pa pang hasel sa pagkamahal sa presyo. Nakakakain lang ako ng mga ito noon kapag bumibili ang tita ko o kaya kapag bumibili yung mga kalaro kong mayayaman.
Dami ko pang gusto eh Cheezles, Cheezums, Snacku, Moby, Zeb-Zeb, Sunshine Green peas tsaka yung Mimi! Shet namimiss ko yan lahat lalo na kapag ganitong weekends! Happy Food tripping!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento