'Di kaya nagpapaapekto na tayo sa mga kadramahan sa telenovela, kaya ang buhay natin eh puno na rin ng drama?' |
Telenobela sa umaga, sa tanghali, sa hapon at sa gabi, ay putangina kaya tinanggal ko na ang buhay sa harap ng telebisyon eh. Parami na sila ng parami. Nasasakop na tayo ng mga ito at patuloy naman tayong nagpapasakop. Leche! kaya ang dadrama ng buhay ng bawat Pilipino eh. Nakakatakot na rin, dahil dumadami na rin ang mga walang trabaho at nakatutok na lang sa telebisyon. Padagdag na ng padagdag ang Pilipinong libangan na lang ang pagluha sa maghapon. Iyak-tawa nakakapraning, meron din namang panay iyak lang, kaya nababalot ng negatibong elemento ang buong kapaligiran dahil sa mga ganitong galawan.
Hindi ko rin naman sinisisi, yan ang gusto niyo eh, pero sobrang nawili na ang mga network na akalain na ganoon katanga ang mga manonood, kaya sige ipapalamon natin sa kanila ang mga istorya na sarili nilang likha.
*Karamihan sa mga kuwento, aba siyempre laging may involve na ampon, ganun daw kasi talaga kasalimuot ang buhay mo kapag ampon ka. Minsan nagkapalitan ng anak sa ospital at nagkaroon ng switching na kagaya ng ginawa ni Viveka Babajee noon sa isang envelope para iproklama ang pekeng nanalo.
*Kahit pa magpanggap na taong grasa ang bidang lalake at babae eh sobrang gagwapo at gaganda pa rin nito at ang kikinis pa rin ng mga balat. Sana nga lahat ng taong grasa at pulubi eh ganyan para naman may option kameng mga panget kapag gusto dumiskarte sa isang chiq.
*Puro tisay at soyti ang mga bida. ( O diyos ng mga kulugo, sumanib sana sa amin ang kanilang kutis banyaga).
*Laging may pulis na handang tumulong o di kaya eh kasabwat ng mga kontrabida. Eto yung mga pulis na hindi malalaki ang tiyan. Kaya pinagloloko ako ng telenobela hindi ganyan ang pulis sa Pilipinas, ang kailangan parang kabuwanan na ang tiyan sa laki.
*Kapag unti-unti nang namamatay ang mga main cast, hudyat na ito na malapit na magtapos ang telenobela. Kumbaga, parang Walking Dead, nagagalak tayo kapag may natotodas na bida o kaya kontrabida na isa sa main character.
*Flawless at maganda ang bida na sagad sa hirap at mabait, tapos mapaghiganti kapag yumaman. Kapag mayaman na siya tutulungan niya ang poorest of the poor ala Manny Villar ang datingan at kulang na lang kumanta ng "Dagat ng Basura".
*Second sa kagandahan ng bida ang kontrabida, mayaman as in super yaman, matalino, may hacienda o mansion tapos ubod ng sama at malakas ang kapit sa mga pulitiko o di kaya ay walang takot gumawa ng masama dahil maraming magagaling na lawyer.
*Siguradong hahaba pa ang telenobela kapag napansin mong parang kabute na nagsusulputan ang mga bagong character. Kung di ka fan ng telenobela, mapapamura ka na lang kasi akala mo todas na yung kontrabida tapos biglang may sumulpot eto pala yung "God" o kaya "boss sa pinaka-boss" kung ikukumpara sa mga video games.
*Eto nakakatawa, kahit anong yaman ng mga tauhan kapag breakfast scene na ang makikita mo lang sa hapagkainan eh hotdog tsaka loaf bread, asahan mo yan isang subo lang sa pagkain ta pos magpapaalam na at aalis na dahil may meeting o kaya conference. Basta isang kagat, lunok, inom ng juice sabay batse na!
*Sa hapagkainan naman ng mahihirap hindi mawawala ang all time "tuyo" hindi dahil sa minamaliit natin ang tuyo ha, wag maging mangmang para isipin na ganun, isisi niyo yan sa mga writer kung bakit laging tuyo ang nakahain eh ang sarap sarap ng tuyo sa umagahan. It's so unfair!
*Alam na ng sambayanan, sangkalawakan ng social media, keyboard warriors, tambay, lasenggo, drug addict at tanim bala groups ang solusyon sa problemang nilulutas ng isang telenobela, maliban na lang sa mga tauhan ng telenobela. Mamamangha lang ang mga tsismosa dahil mali sila ng tsismis na ganoon nga ang mangyayari sa inaasahan nila dahil merong tinatawag na "twist of fate" sa isang kuwento.
*Expected na rin ang shampoo,sabong panlaba,conditioner,sabong pampaputi,fastfood resto, lotion ang mga patalastas sa isang telenobela. Asahan na rin ang iniendorsong produkto ng artista, minsan naisasama pa yun sa kwento eh. Tangna talaga maisingit lang, "Oh anak uminom ka na muna ng gatas mo bago matulog." (sabay ifofocus pa sa kamera yung pangalan ng produkto) at ang pinakamalala mababanggit pa yung tag line ng commercial. Hahahaha! sinapian ata ako ng Diyos ng mga tawa.
*May mga bata rin na mas matalinghaga pa magsalita kesa kay Confucius, 7 years old pa lang alam niya na yung mga dinaranas ng tao sa buhay. Hindi ba dapat nanonood ba siya ng Teletubbies. Ang weird.
*At ang ending.....they live happily ever after.
O Diyos ng kagalakan at Panginoon ng mga halakhak mangyari nawa sa lupa ang mga nangyayari sa telenobela.
Hindi malayo na yung mga cartoons gawan na rin ng mga istoryang pang telenobela, halimbawa si Spongebob nagkaron ng lihim na pagtingin kay Dora, samantalang si Dora mas gusto niya si Nobita pero hindi siya pinapansin dahil ang gusto ni Nobita ay si Sailor Moon.
Masaya na ako sa cartoons kaya wag naman sanang maiba pa ang tema. Ang kasiyahan ko sa panonood ng cartoons ay katulad lamang din ng pinanonood niyong telenobela, ang kaibahan lang sa cartoons, alam kong ginagago lang ako ng lumikha nito. Sa telenobela, akala nila, ako ang gago at hindi gago ang mga gumagawa nito.
Pero kung may mga ganitong aksiyon na mapapanood sa telenobela, ay wala ng pagdadalawang isip pa a t makikipagpatayan pa ko sa remote control ng TV......
Kung may mga ganitong super epeks lang sa isang telenobela at gawang Lito Lapid brand ang tema, di nakakasawa. Hahahaha!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento