'Walang tulugan o walang matulugan' |
Aba sa hirap maghanap ng trabaho ngayon e, magiinarte ka pa ba? Kung maayos naman ang patakaran at boss sa iyong pinapasukan e huwag na munang maging choosy. Mahirap mawalan ng pagkakakitaan sa season na ito at marami na namang bagong graduate sa kolehiyo. Ika nga e mahirap makipagsabayan sa mga iyan dahil masakit man tanggapin sila ang mas binibigyang halaga ng mga kumpanya. Iba ang pagsusuri sa pagiging choosy, puwedeng mag research muna sa trabahong gustong applayan. Mahirap na. Sa panahon ngayon marami ang may matatamis na salita, papangakuan ka na kesyo ganito ganyan, mga ilang buwan lang manager ka na daw at hahawak ka na ng tao. Yun pala, kaya ka hahawak ng tao ee dahil hawak mo sila sa field. At doon mamimigay kayo ng flyers ng isang motel sa tabi ng creek na mabantot pa sa paa ng taong may halitosis. Teka nga humihinga ba ang paa niyan?
Sa trabaho mahirap din yung oo ka lang ng oo kung anong ibibigay sa iyo na dapat mong gawin. Baka pag tinanong ka kung okay ka lang sa field ilagay eh hindi ka na magtatanong at sasang-ayon ka na lang na "yes ma'm okay po sa akin". Yun pala ipapadala ka na sa Mindanao para sumanib sa MILF, o di kaya messenger ka, at ipapadala pala sayo at idedeliver mo ay mga droga. Tohl mahirap yung mga trabahong madaling makapasok, dahil baka pag ayaw mo pa hirapan din ang paglabas.
Pagkatapos ng pagsusuri sa trabahong gustong pasukan, ang dapat na sunod na gawin ay timbangin ang sarili kung karapat-dapat ka ba sa aaplayan mo, isipin mo rin baka mag-aksaya ka lang ng pamasahe dahil wala naman sa linya mo at skills mo ang pupuntahan mong applayan. Kung call center yan, siyempre kailangan mo magbaon ng Ingles at hindi lang "yes or no or maybe". Kung titser, ihanda ang mga natutunang strategy sa pagtuturo kung paano magiging lively ang pagdedemo mo sa harapan ng mga estudyanteng matitigas pa sa alloy ang ulo. Magprepare din lalo na kung kapwa guro na nagtitinda ng longganisa, polvoron at yema ang manonood ng demo mo. Bumili ka agad kapag inalok ka nila pagkatapos mo magdemo. Mahirap hindian yang mga ganyan. Base yan sa true to life story ko. Dahil mas malagkit pa sa taeng pururot ang pagtatampururot ng mga ganitong titser. Kung gusto maging office boy/girl, eh syempre dapat multi-tasking ang level mo. Una na diyan ang pagsagot sa telepono. Dapat may manners at hindi "Sino toh" ang tanong kung halimbawang mag-ring ang telepono. Mahusay ka rin dapat sa typing hindi typewriter ha. Kailangan bihasa ka na sa computer especially sa mga katulad ng Microsoft Word, Excel etcetera. Dapat maalam kung paano mag operate ng mga office machine kagaya ng printer, lalong lalo na kung saan isusuksok ang papel. Mahirap kainin ng buong buo ng mga machines na ito. Hindi ka pa naman si Arnold Szchwarzenneger sa "The Rise of the Machines" para malabanan mo sila. Kaya wag aanga-anga hindi ito oras ng pagbabasa ng manual ng printer dahil sa trabaho bawat tik tok ng orasan mahalaga.
At kung may trabaho ka na at sobrang stress ka sa araw araw dito sa Ubas na may Cyanide ay bibigyan namen kayo ng trip este tips and tricks para matanggal ang inyong pisikal na pagod habang workaholic (kuno) ka pa rin.
*Sa opisina at kung may sariling desk at kung ginugugol mo lang naman sa walong oras ay tumambay sa desk mo. Magpanggap na may iniisip na malalim, tumingin sa kisame kung kinakailangan, subo ang ballpen at gawing props ang pagkakunot ng noo at kilay. Ngayon iisipin nila na your mind is working, thinking of a plan that will boost the company's existence sa Earth. Pagkakagat ng ballpen, hawakan naman ngayon ng daliri, ipitin ng hintuturo at hinalalato ang gitnang parte ng ballpen at patamain ang magkabilang dulo sa desk na parang nagsi-seesaw. Magbuntong hininga kung kinakailangan, kunyari hindi mo maarok ung iniisip mong ideas. Kahit na ang totoong nasa isip mo lang naman e yung cover ng FHM ngayon na si Dawn Chang.
*Kung sekretarya naman, ugaliin ang pagbibitbit ng folder. Dito nila maiintindihan kung gaano ka kabusy sa paglalakad sa mga floor, elevators kahit na ang trip mo lang naman ay magpa-cute sa guard na copycat ang bigote ni Marcelo Del Pilar.
*Kung may planner ka n g Starbucks, ugaliing magsulat ng magsulat kahit wala naman talaga. Magdrawing ng mga facts and figures ng mga cheeseburgers, sausages at ham. Kapag wala na talaga maisip puwede ka rin mag FLAMES, ipunin lahat ang mga pangalan ng magagandang chiq sa trabaho at simulan kung saang letra ng tadhana mapupunta ang kagaguhan mo. Sa pagkurit ng parehas na letra gumamit ng ruler o kaya protractor para kunyari may pinaplano kang interior design ng isang building. At wag kalimutan na graphing paper ang gagamitin para pasok sa banga ang props.
*Dapat laging nakamagnet ang mouse at keyboard sa iyong mga palad at daliri. Para kung halimbawang may surprise visit ang pinaka boss ng kumpanya, dutdutan na ang laban sa mouse at giyerahin na ang lahat ng keys sa keyboard sa pagtatype. Kahit na nagyu-Youtube ka lang naman ng mga teleserye ng Daisy Siyete. Teka nga pala, kung manonood sa Youtube siguraduhing mabilis ang PC na ginagamit, mahirap na baka biglang maghung sa fullscreen ng pagkakapanood siguradong matetense ka at mahihirapan kang yumuko dahil hindi mo kaya natutupi ang tiyan mo para pindutin ang restart ng CPU. Maging alerto kung paano ang tunog ng engine ng kotse ni boss.
*Gawing World War 3 ang gamit sa desk, dapat full of chaos ang mga gamit para kunyari busy. Kahit ang ginagawa mo lang naman ay nagpepedicure at nagcucutix.
*Sa tuwing darating sa opisina kailangan tumatakbo paakyat ng hagdan o di kaya elevator. Dapat in a rush ang entry mo sa sliding door para kunware may state of emergency na kelangan magawa agad.
*Kung pinagbabawal ang social media, dumikit na lang sa pader. Ikwento na lang pader kung paano ka-brutal at kalungkot ang buhay pag-ibig mo. Kausapin ang mga thumbtacks at pushpins at manghingi ng sign kung kailangan pa bang umibig muli.
*Dalhin ang tanghalian sa sariling mong desk, buksan ang lunchbox at sa desk na mismo lumapang. Pumindot pindot ng paunti unti sa keyboard para kunyari hindi makapagfocus sa pagkain ng lunch kahit na ang totoong sinisingit sa pagtatanghalian ay ang pag order lamang ng brief sa Lazada. Sa gayon iisipin nilang sobrang busy mo at di ka na makatayo para kumain sa pantry. At isa pang katotohan ay nahihiya ka lang umorder doon kaya nagdala ka ng sarili mong kaldero ng kanin.
*Kung nagagawang umihi sa trabaho, aba bakit hindi mag upgrade? Ireserved ang pagtae ang gawin sa trabaho at least binabayaran ang oras mo at ang mahalaga bayad din ang pagtae mo wala nga lang sa payslip.
*Kapag malapit na mag alas singko ang last duty mo eh kapa-kapain ang mga kulangot na ipinahid mo sa ilalim ng desk mo, bilangin kung ilan ang naipahid sa araw na ito at ilista sa planner. Pag-isipan kung ano ang significance ng bawat isa sa buhay. At sa ganung paraan ay baka mahanap mo na ang sarili mo.
At pagkatapos nun....
Dapat in a rush pa rin ang pagkilos at huwag hayaang may mauna sa iyo sa pila ng Biometrics. Kung kinakailangan hawiin sila ay gawin. Huwag papakitang lowbat ka na pagdating ng alas-singko. Ipakita mong naka Enervon ang galawan mo, sabi nga ng Enervon "more energy, mas happy". Oo paanong di ka mawawalan ng energy wala ka naman talaga ginawa maghapon. Hahahaha!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento