Huwebes, Marso 24, 2016

Ang Semana Santa sa Bayan ni Juan



'Panalangin at Pagbabago'


Unang araw ng Semana Santa. Linggo ng Palaspas 2016. Araw ng pananampalataya.

Tohl, we all have faith, everyone is religious but some are righteous. Hindi ako judge para hatulan ang kapwa sa kanilang mga gawain tuwing magmamahal na araw. Pero naman tohl, ang tanong ko lang bakit sa tuwing may  mga okasyon lang natin nabibigyan ng pokus ang isang bagay. Bakit tuwing Pasko, doon lamang tayo nagbibigayan, mamimigay ng mga pagkain sa pulubi, doon lang sa season na iyon mararamdaman ng puso mo ang diwa ng pagbibigayan ng pagkain o mga pinaglumaang damit sa kapwa. Bakit kapag Araw ng mga Puso, doon lang ibinubuhos ang atensiyon sa mga mahal sa buhay? Bakit sa araw lang na  ito kailangang magsulputan ang mga rosas. Ibig ba sabihin, na sa tuwing Pebrero na ngayon namumulaklak ang mga bulaklak? Ito na ba ang bagong buwan ng pag-ani natin ng mga bulaklak na ibinibigay natin sa ating mga kasintahan o sa ating mga Nanay at Tatay? Tuwing Enero, ah ito naman daw ang panahon na kailangan ng pagbabago sa buhay. Ito yung tinatawag na New Years Resolution kung saan kailangan mong baguhin ang mga kupal things na ginawa mo sa kapwa mo noong isang buong taon. Para naman sa mga balyena at butanding, kailangan daw sa unang buwan ng taon dapat ay maging fit na ang kanilang pangangatawan. So ganun na lang ba tayo? Nakasang-ayon lang ang ating mga dapat baguhin sa ating mga sarili tuwing may mga espesyal na okasyon at Holiday?

Bassilyo - 'Lord Patawad'

"The smile on our faces behind the dirty truth". Yes, totoo aminin mo man o hindi ito ang panahon kung kailan biglang nagpapakatino ang karamihan. Huwag na tayong magkaila, sabi ko nga hindi ako judge pero wag na tayong magpakatanga dahil nakikita naman natin ang katotohanan. Pagkatapos ng isang linggong ito panigurado puro pangkukupal na naman ang ating gagawin sa ating mga kapwa. Lahat ng sakripisyo at kabutihan na pambayad utang sana sa kalangitan eh bigla nalang lahat yan maglalaho. Back to basic na naman tayo. 

Ito rin ang panahon kung saan tahimik ang mga radyo. Walang tugtugang maingay sa himpapawid ang maririnig mo lamang ay mga love songs from 60's to 90's halo halo at non stop yan, kasi pati ang mga DJ ay nasa mga bakasyunan at ang mga patalastas sa radyo ay karamihan  mga bible quotes. Sa TV naman ganun din ang siste, kaya wag kang mag-inarte kung hindi mo muna mapapanood pansamantala yung mga hinayupak na teleserye sa gabi na wala namang kabutihang aral na ma ituturo sa mga kabataan at panay kalandian lamang. Kesyo mga pag-ibig na walang hanggan, may bulol pa kunyari tapos iibig sa isang foreigner at sasagutin naman ng matamis na oo ng huli. Niloloko lang kayo niyan dahil alam niyo rin naman ang magiging ending. So ang tanging purpose lang ng panonood ay para kiligin. Ang ibang istasyon sa TV ay naghahanda rin naman ng isang drama special kung saan ang pagsisisi sa kasalanan ang pinaka paksa ng programa. Mas okay na ko sa mga ga nitong palabas dahil namumulat ang ating mga sarili sa m ga bagay bagay na hindi dapat nagagawa ng mga tao. May mga istasyon naman na wala talagang palabas at ang tanging makikita mo lang eh yung klasik na standby na iba't-iba ang kulay. 

Sa labas naman ng bahay at sa mga kalye, sarado ang mga malls. Dahil kailangan din naman magpahinga ng mga saleslady na sinusungitan mo kung minsan ay mabagal sila kumilos. Aba dapat rin naman sigurong magpahinga ang pera ni Henry Sy (SM). Walang mga estudyante at empleyado sa lansangan. Pero wag kame, oo wag kameng mga call center peeps, kahit pa siguro unahin ang pagguho ng mundo sa Pilipinas eh may pasok pa rin kame. Kahit ano pa sigurong trahedya basta may Internet at hindi pa nasisira ang upuan mo sa station mo ay dapat lagi ka pa  rin present sa harap ng mga kliyente. Putangnang mga call center yan mga hudyo e. Pero sa panahon ngayon  iba na talaga. Dati, saradong sarado ang lahat ng lugar, maliban na lamang sa mga simbahan at piling kainan. Pili rin ang mga bumabyaheng sasakyan kahit mga pampublikong sasakyan wala. Pero ngayon kailangan na bumiyahe ng isang jeepney driver at kailangang samantalahin ang luwag ng kalye at ang mangilan ngilan na mga mananakay ng jeep. Ito ang pagkakataong kumayod ng doble, depende na lang kung nandiyan pa rin ang mga buwaya sa kalye.

Pero toohl, wag ka   hindi porket Semana Santa ay hindi na trapik. Matrapik pa rin sa ilang lugar lalo na kung nag trip na naman ang Maynilad maghukay sa gitna ng kalsada. Dun ka matatrapik at sa mga road reblocking na yan. At kung maitatanong mo kung may mga balita sa TV noon, wag ka na umasa pa; dahil 'di ibig sabihin na hindi natutulog ang balita ay hindi na rin natutulog ang mga tagapagbalita. Siyempre, pahi-pahinga nga rin pag may time, ano? 24/7 na nga sila kung makapagtrabaho para lang may mapanood, mapakinggan at may mabasa ka eh. Di robot sila Mike Enriquez, siguro yung tinig at dating niya lang mag report.

Dito rin magsusulputan ang mga palabas na katulad ng "7 Last Words," at  iba pang mga relihiyosong palabas sa TV na hindi mo makikitang ipinapalabas sa normal na araw kahit sa Araw ng Linggo. Ganyan tayo ka-ipokrito di ba? Magpapakabanal kung kelan lang natin gusto at kung kelan lang tayo may hihilingin sa kanya. Ito ang panahon na biglang mag-iiba ang tema ng entertainment para sa'yo. Oo hindi ito ang pag-aaliw na panay ang kasiyahan. Pero ito ang mga araw na tinuturing nila na inspiring, kasi oo nga naman para magbagong buhay ka naman at walang masama dun. Ang kailangan lang ay ang katotohanan ng pagbabago. Minsan kailangan din natin ng tinatawag na 'food for the soul'. Kaya tohl, ngayong panahon ng Kwaresma ay  tayong lahat ay mangilin, tigilan na muna ang katarantaduhan, iwasan ang karne (lalo na yung masarap pisil-pisilin), humito muna sa pamumulitika at higit sa lahat tayoy taimtim na magdasal para sa ating mga personal na mga panalangin, pamilya at sa kapayapaan ng buong sangkatauhan. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento