'Naglipana sila tuwing Linggo, kung saan sarado ang mga tindahan.' |
Maligayang pagbabalik sa akin at tila natagalan bago nasundan ang aking huling post sa nakaraang buwan ng Pebrero. Ewan ko ba at eto na nga ata ang pinaka ayaw kong Pebrero sa balat ng buhay ko. Hindi dahil nag eemo-emo ako dahil lagi naman natin kinakabit ang pagiging single kapag buwan ng mga puso. Wala akong pakealam sa ganun at hindi iyon ang naranasan ko netong nakaraang buwan. Sadyang napakamisteryo ng Pebrerong ito para sa akin, pero buti na lang Marso na. Kaya minsan naniniwala na ako dun sa mga nagpopost sa Facebook ng mga "Please be good to me (month)" mga ganyan. Kailangan ko nga bang sabihan ang taon na magpakabuti sa akin? Parang kalokohan din naman kasi, hindi naman kasi ang buong araw ng buwan na iyon ang magpapaikot sa buhay mo. Nasa iyo pa rin naman ang manibela kung saan mo dadalhin ang sarili mo di ba? Pero kambyo muna hindi buwan ng Pebrero ang pag uusapan natin dito. Ngunit isa ring misteryo, ang hirap iixplain at bigyan ng karampatang kahulugan. Sa tingin mo ba tohl, Instagram worthy ang magpapicture sa harap ng nakasaradong tindahan? Himayin nga natin.
*Baka naman sa saradong tindahan may forever?
Aba hindi natin alam, baka nga merong good urban legend sa mga galawang ito. Baka sa lugar na ito darating o matatagpuan ang tunay na pagmamahal. Baka nga "sweet spot" ang area at madaling mapansin kung sino man ang dadaan. Pwede rin na sa saradong tindahan ang tapuan ng magsing-irog, at meron din siguro na sa lugar na ito nagbabayaran ng utang o di kaya perfect palce din para mag abutan ng mga paraphernalia na droga at pera. Sabagay napakadali nga namang tuntunin kung dito kayo magkikita ng inaantay mo.
"Nasan ka na?"
"Tohl andito na ako sa kanto namin, sa tapat ng saradong tindahan. Ito lang saradong tindahan dito. At pagdating mo piktyuran mo ko."
*May rally ang mga empleyado
Baka dating mini palengke ito, tindahan ng mga botsang karne o dating kabaret. Nagwelga ang mga e mpleyado kasi di sila nabayaran sa huling sweldo nila at bumabalik balik kung sakaling naroon pa ang may-ari. Baka pinaglalaban lang nila yung karapatan nila kaya dinaraan nila ito sa pagpipiktyur sa tapat at lalagyan ng mapanirang caption sa Facebook.
*Uniqueness
Siguro nga nakakasawa na yung mga mala-palabok at maraming disenyong background. Gusto lang siguro ng tao na medyo kakaibang taste sa background nila at higit sa lahat hindi mahirap hanapin. Pero wag mo naman utusan na magsara muna ang tindahan sa inyo makapagpicture ka lang. Shout out nga pala sa pinagtatrabahuhan ko eto ang "in" at hindi yung mga disenyong mapalamuti. Gawan natin ng wall art ang katulad sa saradong tindahan. Hahahaha!
*Perfect lighting
Di mo na ata kailangan mag-edit kapag nagpapiktyur ka sa harap ng saradong tindahan e. Basta merong araw at may kagandahan ng kaunti ang kamera mo e maganda na ang kuha at maayos na ang blend ng lighting. Hindi mo na kailangan umangulo para makakuha ng maayos na liwanag. Iba talaga ang dulot ng saradong tindahan eh ano po.
*High fashion magazines
Wala kang karapatan pagtawanan sila kung malalaman mong matagal na palang ginagamit ng mga high fashion magazines ang mga saradong tindahan bilang back drop ng mga nagagandahan at nagagwapuhang models. San ka pa di ba, halos ilang beses na ito naging background ng magazines sa iba't ibang sulok ng bansa katulad na lang ng London, Paris at New York. Sa Linggo nga ma-try at makapaghanap ng saradong tindahan malapit sa amin at makapagpa picture. Nakakapagdulot pala ito ng high fashion feeelssss.
*Baka kasi uso?
Maaari. Wala na lang sigurong basagan ng trip. Trip nila yan e, hindi naman siguro nila tayo sinasaktan kung halimbawang magpapiktyur man sila sa saradong tindahan. Kaya hayaan na lang natin sila, ito ay napapagusapan lang naman at alam naman ng lahat ng wala naman masama. Nakakagulat lamang dahil dumadami na sila, pero ang bawat isa siguro ay may kanya-kanyang dahilan.
Kaya iiwan ko sa inyo ang tanong ngayon gabi, Ano ang nasa dako pa roon, at bakit lumalaganap ang pagpapapiktyur sa harap ng saradong tindahan. Kayo na po ang sumagot.
Magandang gabi!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento