Miyerkules, Hulyo 13, 2016

Starving Point of View: The Diyahe Piece



'Will you grab the opportunity?'


Everytime na umoorder ang barkada ng pizza, 'matic na unahan agad sa pagdakma in all forms. Wala ng insta-instagram na ganap, wala ng upload upload ng picture sa Facebook. Ikaw ba naman makakapagantay ka pa ba? Pizza yan eh! Jackpot ang unang makakadampot ng pinakamalaking slice at pinakamaraming toppings. Pero napansin mo tohl kahit pa na gaano kagutom ang lahat, mayroon at meron pa rin diyang matitirang isa. "Last piece syndrome" or " victim of diplomacy" daw ang tawag dun. Yung tipong "dedmaw" (dedmang mga halimaw for short) yung mga kasama mo dun sa huling slice na parang di nila napapansin pero asahan mo lahat yan gustong-gusto naman kainin mula sa kaibuturan ng mga bituka nila. Oo tol, yung tipong nagpapakiramdaman lang. Ang paliwanag kapag kinain mo daw yun, parang ikaw ang lalabas na pinakamatakaw at pinaka PG (patay gutom) sa balat ng planet Earth. Wala naman kasing magbibilang kung ilan yung nakain mo pero palaging may maguusisa, palaging may herodes na magtatanong kung sino ang kumain ng huling piraso. Pero pwede din na may gustong kumain ng huling piraso ng slice na yun, bumubwelo at tumatiming lang. Minsan yung mga ganito lakasan ng loob, ang style niyan bigla nalang siyang magsasalita at yung tipong may ikukuwento kunwari sabay dampot sa diyahe piece na pizza. Pero kadalasan  talaga walang kumukuha. Ang tendency waiting game na may kumuha. Hanggang sa ang ending, walang kumain. Nanigas na ang crust pero walang pumansin.

*Napakalungkot na huling piraso*



Siguro habang nagiisa siya dun sa gitna ng karton, wala siyang ibang ginawa kundi magself-pity. "Siguro kaya hindi nila ako kinain, dahil ako ang may pinakamaliit na slice. Ako yung may pinaka kaunting toppings kaya walang may gustong kunin ako. Ang lupit ng mundo, bakit?" Ang totoo umaarte lang yung pizza kase moment niya yun. Ayaw niya mapunta sa dagat ng basura gusto niya maiaangat siya sa laylayan tulad ng pangako ni VP Leni.

Ngunit walang kaalam-alam ang pizzang yun na marami ang naghahangad sa kanya. Maaring nagparaya  lang yung isa dahil alam niyang merong mas higit na gutom kesa sa kanya. Kaya lang hassle kasi   hindi niya kayang ipaglaban dahil mas iniisip  niya ang sasabihin ng mga tao sa paligid niya. 

Minsan hindi kusang makikipaglaban ang isang bagay para mapunta sa'yo. Kailangan mo ng lakas ng loob at buong paghangad para mapasayo ang gusto mong ipaglaban. Hindi aayon ang gravity at ang pag-ikot ng mundo. Kung handa kang makipagtuligsa sa paghangad din ng iba, ipaglaban mo. Kung alam mong para sa'yo grab it wild, kunin mo, sagpangin mo. Kasi baka sa huli masaya lang. Kaharap mo na, kakainin mo na lang, napakawalan mo pa. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento