'Why do we always hurt the one we love?' |
Ang mga ganitong katanungan ang kadalasang hinahanapan ng kasagutan ng bawat taong umiibig ngunit mga nasasaktan. Walwalan ng feeling toh eh. Ang mga ganitong katanungan ang hindi masasagot ng Google o kahit anumang search engine sa Internet. Ikaw lang ang makakasagot nun eh, bakit ka nga ba iniwan? bakit ka nga ba ipinagpalit? Masakit kung sa masakit ngunit hindi mawawala at laging magmamarka sa isipan ay bakit nga ba tayo iniiwan ng mga mahal natin? Dito sa ubasnamaycyanide ay sisikapin nating hanapan ng kasagutan ang mga bagay na yan. Sabi nga ni Popoy mula sa isang pelikula, "Siguro kaya tayo iniiwan ng mga mahal natin dahil may darating pang ibang mas magmamahal sa atin - 'yung hindi tayo sasaktan at paaasahin...'yung magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin.
Dahil may darating na mas magmamahal? Teka tohl, ano yun pakunswelo lang sa lahat ng sakit? Shet! Reward dahil nasaktan ka? Wow, thank you! Pero paano kung kuntento kana dun sa dating pagmamahal at hindi mo na kailangan ng mas magmamahal sa'yo? Ang unfair di ba?
Yung tipong nasabi mong "Ooh baby I love your way na" yun pala iiwan ka ng walang-hiya!
Pero ang katanungan pa rin, bakit nga ba iniiwan tayong ating minamahal?
*Siguro kaya tayo iniiwan ng mahal natin: KASI AYAW MONG LUNUKIN?
Op! op! bago yang kaberdehang iniisip mo ngayon inuunahan na kita. Hindi ganun! Pride tohl, pride! yan ang kailangang lunukin. Baka naman ang pride niyong dalawa ay mas mataas pa sa kilay ni Daniel Padilla? Tandaan, apologizing does not mean that you're always wrong and the other is right. It just means that you value your relationship more than your ego. Sa isang relasyon ikaw man ang may kasalanan o hindi magpaparaya ka, Laging isipin na ang Pride ay isang brand ng sabong panglaba, kung saan ikaw ang magkuskos at maglilinis, magbabanlaw ng problema para hindi na humaba pa ang pagdediskusyon at pag-aaway. Walang maidudulot na good shit ang pag-aaway at kagunggungan ang mga nagsasabing sa pag-aaway titibay ang isang relasyon. Edi sana wala ng naghiwalay na nasa relasyon ngayon dahil may mga relasyon na ginawang hobby na ang pag-aaway at may isa laging apektado. At yun ang taong mataas pa ang pride sa Eiffel Tower, lagpas milky way, hindi aabot kahit anong telescope sa taas ng sinabing pride.
*Siguro kaya tayo iniiwan ng mahal natin: KASI WALA TALAGANG "KAYO"
Eh yun naman pala ee, isa ka lang rebound, panakip butas at dakilang assumera. Ayun nasaktan ang gago na siya lang ang nakakaalam na mahal ka niya. Wag magpakahulog log log log suicidal yan bro sa hinaba haba ng prusisyon eh wala palang patutunguhan ang arko mo. Isa lang yang "rebound fling". Ang pagkakaalam ko ha ang mga ganitong bagon relasyon ay bunga ng isang nakaraang relasyon. Kuha mo? Masasabing isang rebound ang relasyon kung ang taong karelasyon mo ay kagagaling lamang sa isang katatapos na relasyon. Hindi ko lang alam kung may criteria ba sa kung gaano kahaba ba dapat mabakante ang isang tao bago siya magsimula ulet ng isang panibagong relasyon. Pero kung wala naman pala talagang "kayo" dapat ka lang iwanan kasi wala eh? pinaglalaruan ka lang ng sarili mong nararamdaman.
*Siguro kaya tayo iniiwan ng mahal natin: KASI NAGIENGLISH TAYO KAPAG LASING
Eh baka nabwiset ang hirap kasi sapian ng espiritu ni San Miguel at ng pulang kabayo di ba? Minsan di natin alam kung ano na mga pinagsasabi natin. Baka bigla na lang tayong nag eenglish eh saktong hindi pala kayo same level ng tama ng alak. Ayun! tapos di ka pa nag ambag leche ka ang siba mo pa sa pulutan.
*Siguro kaya tayo iniiwan ng mahal natin: KASI GUTOM NA GUTOM NA SIYA NAG-IINSTAGRAM KA PA
Alam mo tohl, alam mo bhe, oo masarap kumaen ng sabay lalo na pag nagkakamay. Hindi naman masama makipagsocialize sa social media e, makalikom ng likes and comments at shares pero naman....wag naman sa oras ng kainan lalo na kapag gutom na gutom ka na! Ang nakakabwiset pa may mga taong hindi ka muna pakakainin kasi hahanap pa ng perpektong anggulo para maganda ang presentation ng pagkain na ipopost sa Facebook o Instagram. Nakakabwiset di ba? Gusto mo na lantakan yung pagkain pero hindi pa puwede. Putangna malamig na yung inilatag na pagkaen sa lamesa hindi pa rin kuntento sa kakalitrato.
*Siguro kaya tayo iniiwan ng mahal natin: KASI WALA KANG GINAWA KUNDI MAG FACEBOOK LIVE
Di ka naman artista live ka pa ng live wala ka naman ginagawa kung di umawra. Kahit sino mabibwisit sa ganun kaya mas posible pa sa Globe na iwan ka ng taong minamahal mo. Papansin ka kasing hinayupak ka at pagkatapos pag nakita mo sa comment "teh taas mo naman tshirt mo" magbebeastmode ka. Pakurot ko kaya singit mo sa lola ko.
*Siguro kaya tayo iniiwan ng mahal natin: KASI PURO NA LANG TAYO HUGOT
Ay juskupo maraming ganito sa araw-araw na nakakasalamuha ko o baka ikaw na nagbabasa panigurado meron ka rin ganitong nakakasama. Yung tipong nag-abot ka lang ng pamasahe sabi mo agad "Keep the change, sanay naman po akong hindi nasusuklian." Eh wala ka naman talagang sukli hayup ka! Iwanan na yan! Pronto ngayon din!
*Siguro kaya tayo iniiwan ng mahal natin: KASI ANG REPLY NATIN LAGI, !k4w LhU@nGhZ zH4p4T nUaH!
Patawarin Diyos na mahabagin. Nagtext ka ng importanteng katanungan nagreply ng ganitong jejemon format at sumakit pa ulo mo sa kadedecode ng reply niya. Hindi natin kailangan ng jejemon sa life.
*Siguro kaya tayo iniiwan ng mahal natin: KASI BIBILI LANG NG MANTIKA NAGAWA PA NATING MAGFOUNDATION AT MAGLIPSTICK
*Siguro kaya tayo iniiwan ng mahal natin: KASI MABAGAL TAYONG MAGLAKAD
Baka kasi minsan feeling natin runway yung kalsada. Tatawid ka lang sa Ped xing nakailang kembot na ang puwet mo at may pa-'Pakpak ganern' pa tayong nalalaman.
*Siguro kaya tayo iniiwan ng mahal natin: KASI PANAY TAYO SNAPCHAT
Tapos panay aso na filter yung gamit natin para di tayo magmukhang pango. May pa flower flower crown pa tayong nalalaman mukha tuloy tayong paso.
*Siguro kaya tayo iniiwan ng mahal natin: KASI NAGPALANDI SIYA KAY BES
Oo si bes, si bes na mas makati pa sa kagat ng lamok na hindi kinaya ng Caladryl.
Pero ito lang at ganito lang ka simple sagutin ang katanungan na yan. Kaya tayo iniiwan ng mahal natin kasi hindi na nila tayo mahal. Dahil kung mahal tayo, hinding-hindi tayo susukuan. Yun lang naman yun, Popoy!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento