Martes, Disyembre 27, 2016

Ang Pag-ibig ay parang Bisekleta by Papadyak



'Angkas na at ako'y papadyak'

Kung mayroon naman tayong huhuguting makabuluhan ngayong 2017 ilabas na natin. Kailangan na ng mundo ng pagbabago, mga pagbabagong sisimulan natin sa usapang pag ibig at pagmamahalan. Everything can changed by love ika nga, kahit pa gaano kagulo ang mundo nitong nakaraang taong 2016 (putangina!) basta nariyan pa rin ang presensiya ng pag-ibig hindi posibleng makamit natin ang kapayapaan. Kapayapaan para sa lahat. Kapayapaan para sa mundo. Kapayapaan sa buong kalawakan at sansinukob. Naniniwala ako dito, naniniwala ako sa kapangyarihan ni Little Nicky na ang kasagutan ay pag-ibig versus all forms of hate in the world. Kahit nga yung mga nasasailalim sa eksorsismo ay pinasusuko ng mga alagad ng Diyos ang masamang espiritu sa ngalan ng pag-ibig. Ngunit iba ang pag-ibig na pandalawahan lamang sa pag-ibig sa buong sangkatauhan. Madaling magpakita ng pagmamahal sa kapwa, sa mga tao sa paligid, sa mga alagang hayop at sa lahat ng living things at non-living things may back bones man o wala. Ngayon ang katanungan, marunong ka bang magmahal sa larangan ng pandalawahang pagmamahalan? 

Sabi mo:

*Takot akong Umasa.
 *Takot akong Masaktan.
*Takot akong Magmahal.

Ngayon hugutin natin ang bisekleta niyo mula sa inyong garahe. Trinx ba yan? itim? Gagawin natin itong medium para sa mga katulad nating biglaang kinukumbulsiyon sa  tuwing nakikita natin ang ating mga pinaghuhugutan ng inspirasyon at perpirasyon.

Atlantic Starr - Always

"Ang bisekleta kasi kung sa unang beses ka lang sasakay dito panigurado sa umpisa ang mararamdaman mo ay takot at pagkalito. Nariyan yung tinatawag na self doubt lalo na kung ang nagtutulak sa iyo para sakyan ito ay yung mga kaibigan mo. Kasi hindi natin alam kung totoo ba sila o dahil sa mga loko loko ang  mga friendship mo ay mahirap sila paniwalaan. Kaya one time umuwi ka sa inyo at nagtanong ka sa mga magulang mo. Inay, itay papayagan niyo ho ba akong sumakay sa isang bisekleta? Masarap po bang sumakay sa bisekleta? Ito ang mga katanungang iniwan mo sa mga magulang mo. At dahil walang pambili ng bisekleta ang mga parentals mo nauwi ka pa rin sa mga kaibigan mo ngunit dala ang payo ng mga magulang mo."

"Dadating ang puntong lalagyan ka ng dalawang gulong para unti-unti kang matuto...Yun naman pala hindi lang pala puro kagaguhan at pambubully ang ginagawa ng mga friends mo. Napaka supportive din naman pala at sa una mong pagsakay ay tuturuan ka ng dalawa mong kaibigan na bumalanse, at papayuhan kang huwag kang bibitaw at dapat mong matutunan ang mga bagay bagay para hindi ka mahulog. Matuto kang lumagay sa tamang daan at huwag kang magpapagulong sa mga humps at baka ka sumemplang."

"Iniwan ka na ng mga kaibigan mo, ngunit kahit marunong at bihasa ka nang magbisekleta hindi mo pa r in maiiwasan ang sumemplang na magiging dahilang para matakot ka ulit. Hindi ka man pulutin ng bisekleta mo,at hindi ka man tulungan ng pusonegrong pinagsemplangan mo, nariyan pa rin ang mga taong rerescue sayo at pagagalingin ang iyong nararamdaman na sakit sa iyong sugat na nagnanaknak na dahil sa pagka ilang beses mo na palang pagkahulog. Baka naman maluwang pagkakapit mo sa handlebars ng bisekleta? Hindi kaya?"

"Pilitin mo mang kalimutan ang mapapait na pagkadapa (huwag lang matyetyempo sa ebak), bahagi na ito ng iyong pagkatao.. Bagama't nangyari ang lahat ng ito, dadating ang puntong sasakay ka ulit..Ngayon, mas maingat kaysa sa dati. At sa puntong ito magsusuot ka na ng mga protective gear katulad ng con... ooopsss di yan, katulad ng helmet, elbow pads, knee pads at kung anu ano pa. Para kung masaktan ka man uli ay di na kasing sakit nung una. At least sa pagkakataong iyon hindi ka na mamemeklat at pahapyaw na lamang ang sakit. Ngunit sa mga bakas sa iyong tuhod at siko nariyan na sila, silang mga peklat na nag iwan ng hapdi at kirot. Andiyan na yan, andiyan na sila hindi na mawawala yan, unless gagamit ka ng cebo de macho."

At kung paulit ulit ang sakit kahit nakaprotective gear ka na. Leche! sumakay ka na lang ng bus o jeep wag ka lang mag MRT mas mapapadali ka.

~The End~



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento