'Wer art thou?' |
Una sa lahat wala akong natanggap na supply ng thigh part sa Jollibee kapalit ng pagsulat ko sa post kong ito. Ito'y bilang pag-alala na rin sa ating mga musmos na isipan noong panahon na pinatatahan tayo ni Jollibee sa pag-ngawa sa tuwing susumpungin tayo ng bugnot noong ating kabataan. Bukod sa karaniwang panakot ng ating mga magulang na mayroong kukuha sa ating mama sa tuwing nasa loob tayo ng simbahan, mayroon din namang ibang pinaka sweetest na paraan upang tayo ay mapatahan sa ating pag-iyak. Iyon ay ang pangalang "Jollibee". Ganito ang dating ng mahika ni Jollibee sa mga bagets, sabihan lang na ipapasyal tayo para kumain nila Nanay at Tatay sa Jollibee pagkatapos ng misa ni Father ay kung anong mirakulo na lang na bigla tayong mananahimik sa pag-ngawa, siguro dahil naiinitan tayo sa loob ng simbahan o di kaya'y habang karga ka ni Nanay ay may nag faface making na tao sa likuran, siguro nginingitian tayo o binebelat tayo kaya minsan iiyak na lang o di kaya ay bored na bored ka sa homily ni padre.
Jollibee 1992 Old Commercial - 'I love You Sabado'
Hindi ko mawari pero kasi si Jollibee animo'y anghel na bubuyog na pinababa sa langit para magbigay ng kasiyahan sa mga bata. Gusto ko rin kasi yung lagi akong niyayakap lalo na pag fluffy ang itsura. Minsan na rin ako humawak sa paa ni Jollibee habang hinihila niya ko habang naglalakad siya, ok lang kahit naging human map ako noon, wala naman sa akin yun eh kasi nga bata. Gawin ko kaya ngayon yun, malamang ang iisipin ngayon ng tap ay may sayad ako, kaya hindi na lang. Pero sa edad kong ito nakukyutan pa rin ako sa bubuyog na yan eh. Si Jollibee yung dapat na maging inspirasyon ng mga kabataan. Aba naman nag evolve na ang bubuyog na yan hindi lang siya nagpapasaya sa mga bata kundi nariyan na rin ang pagtulong niya sa mga matatanda. Meron akong nakitang picture at video niyan na itinatawid ang mga matatandang may ka-edaran na sa pedestrian lane. Makabayan din ang ating pambansang mascot sa mga larawang nakikita ko sa mundo ng social media. Kaya kayo Mc....palitan niyo na yung mascot niyo, naku lalo na nitong mga nakaraang buwan nauuuso ang mga killer clowns.
Jollibee helps an old lady across the street
Kilala niyo ba si Tony Tan Caktiong? aba tohl siya lang naman ang CEO ng Jollibee. Kung hindi niya siguro nakilala ang management consultant na si Manuel Lumba noong 1975 ay walang kabataang napapatahan ngayon, siguro binaha na tayo ng luha ng mga bata sa simbahan, baka di na tayo nakatikim ng pinakamasarap na thigh part. Ang tsika ay mas naunang pagkaabalahang business ni Ginoong Tony ay ice-cream. Nagkaroon siya ng dalawang ice cream parlors sa Cubao. Hindi rin naman pipitsuging sorbetes dahil may brand din naman ang Magnolia. Sumikat din naman ngunit hindi siya huminto na hanggang ice cream lamang. At dahil na rin siguro sa pag aaral ng entrepreneurship ni Lumba ay napagtanto niyang sa mga panahong yun mas mataas ang demand ng mga hamburgers. At kahit pa sikat na noon ang Mc Donalds ay hindi pa rin nagpakatinag ang dalawa at dito na nagsimula ang isa sa pinaka tanyag na fast food chain sa bansa and the rest is history. Nagbukas ang unang Jollibee franchise noong January 28, 1978 sa Quezon City.
Bukod sa kyut na tutubi mayroon pang ibang mascot na tropa ni Jollibee pero sa paglipas ng napakaraming taon bigla na lang silang nawala at hindi na natin masyadong nakikita. Ito ang mga ilan.
CHICKEE
Si Chickee ang kumakatawan sa Chicken Joy. Ang pagkakaalam ko siya ay isang inahen, matabang manok kulay puti, may palong at dilaw ang paa. Isipin mo na lang kung anong itsura ni Big Bird ng Sesame street ngunit nagkakaiba sa kulay. Wala na si Chickee ang kontrata niya sa Jollibee ay hanggang 1993 lang. Asan na kaya siya ngayon?
LADY MOO AT MICO
Silang dalawa naman ang kumakatawan sa Milkshakes. Si Lady Moo ang pa-girl na baka kulay pink at animo'y ballerina ang get-up, may tatlong rosas ang ulo at
naka pink na stilleto. Si Mico naman ay human, aww pinagpartner pala dito ang baka at tao. Nagkaanak kaya si Lady Moo at Mico? Si Mico ay may sumbrerong may pagka magician na kinortehan lang ng handle ng tasa para magmukhang tasa ang sumbrero.Naka americana sa loob at may kurbatang kulay kahel sa labas na suot naman ay mukhang V-neck na sando at nakapajama. Puta anong porma yan. Mas naunang natapos ang kontrata ni Mico dahil 1985 pa lang nasibak na siya, samantalang si Lady Moo umabot hanggang 1993.
CHAMP
Champ represents the premium burger offered by the fast food chain. Si Champ naman yung pinaka astiging mascot ng Jollibee. Minsan na rin napagkamalan kong Street Fighter character si Champ dahil na rin sa parehas nilang get-up ni Balrog. Isipin mo lang kung anong itsura ng boxer na may manas yun ang itsura ni Champ. Natapos ang kontrata ni Champ noong 1984.
MR.YUM
Si Mr.Yum cool kid, bagets, na kung pagmamasdan mo siya yung batang laging nabebeat ang energy gap. Ang kanyang sumbrero ay hamburger. Siya ang nagrerepresent ng lahat ng regular burgers may keso o wala. Natapos ang career ni Mr. Yum noong 2008 dahil muka na rin kasi siyang fuccboi.
TWIRLIE
Si Twirlie yung tita mo na nagbihis ng pang teenager. Twirlie represents Sundae ice creams. Siya yung naka skirt pero may leggings sa loob na naka boots. Blonde ang hair na korteng Sundae twirl, muka ring troll ang buhok pero mas galante tignan. Meron siyang headband na may disenyong double star. Nasibak si Tita Twirlie noong 2008 kasabay ni Mr.Yum.
POPO
AY! eto ang pinaka paborito ko sa lahat. Popo represents french fries! Si Popo yung pinaka fit sa get up palang. Naka pormang pang jogging, naka jacket at jogging pants na blue tapos naka sun visor. Mukang reggae na blonde ang buhok na yari sa french fries. Ngunit natapos din ang takbo ni Popo noong 2008.
HETTY
Kung mauuuso ulet ang bangs sa mga babae gusto ko yung katulad ng hair style ni Ms.Hetty. May dalawang pony tails sa magkabilang gilid at nakabagsak ang blonde na bangs. Makukumpleto ba ang Jollibee kung walang spaghetti that Hetty represents? Hetty probably is the cheerleader of your dreams. She can cheer up those childrens who had the saddest face in that day. Pero ayun hindi rin pinatawad ng kontraktwalismo si Hetty at nasibak noong 2008.
I wonder if nag-apply silang lahat sa Krusty Krab kung saan lahat ata ng nag-aapply ay tinatanggap.
Sana ok lang silang lahat. Lagi na lang kasing si Jollibee ang nabibigyan ng projects. Minsan kailangan nating ibagsak ang patriarchy.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento