'How can I not love my mother — when she carried me first in her body, then in her arms, and then for a lifetime in ur heart' |
"There are a million ways to die but only one way for birth. Respect and love your mother the most. She is your universe."
Kung ang nanay mo ang pinaka da best, ang nanay ko naman ang pinakadakilang ina sa buong uniberso.
Ikaw sinong nanay mo? Ano para sa'yo ang nanay mo?
Hindi ako ipinanganak na nakahiga sa ginto at salapi, kaya umaga pa lang bunganga ng nanay ko ang maririnig sa munti naming tahanan. Ito ay para gisingin kaming magkapatid lalo na pag araw ng Sabado at walang pasok, tumutulong sa mga gawaing bahay, kaagapay sa pagbitbit ng basket na aming pinamili sa palengke, pagtitiklop ng mga damit na nalabhan, paghugas ng plato at marami pang iba. Napaka espesyal ng nanay ko sa akin dahil simula't sapul na iniluwal ka niya sa mundo wala kang ibang mararamdaman kundi pag aaruga at pagmamahal.
Your Universe - Rico Blanco
to my mother: "I'll always be the lucky one!"
Minsan ay nakakainis ang mga pangaral na paulit-ulit, kadalasan ay halos na mabingi na ako at ayaw ko nang marinig. Latay ng tsinelas o tambo ng walis ang hahagupit sa'yo kung hindi ka makikinig sa kanyang mga pangaral. Pero ang lahat ng latay na ito ay magsisilbing pasasalamat sa aking ina dahil hindi naman kami naging sakit ng ulo ng aming mga magulang. Ang tanda ng kanilang mga palo ay nagsisilbing alaala na mahal ka nila at gusto ka lamang nilang masuheto at maging matinong nilalang hanggang sa iyong pagtanda. Aminado ako na sawa ako at fiesta ako sa palo noong aking kabataan dahil nga sa sobrang kulit, matigas ang ulo at mahilig mambully sa nakababatang kapatid. Mula tsinelas, sinturon, mongol ng walis, keyboard (dahil sa kakakompyuter) hanggang sa all time winning pamalo na hanger. Salamat po at hindi niyo ako pinalaking spoiled, maraming salamat sa mga gintong pangaral ni Nanay na ang sabi niya ay kapag siya'y lumisan na sa mundo ito, ay walang ibang tutulong sa iyong mga pangarap kundi ikaw lang din kaya pag husayan ninyo ang inyong pag-aaral.
Tandaan na hindi ka iniri ng nanay mo para lang maging gago sa mundo. Kaya't kung anong hirap na dinanas ng ating mga nanay nuong tayo'y inilabas sa kanyang sinapupunan ay marapat na ating suklian ang kanilang pag-aaruga at pagmamahal sa kanilang pagtanda.
Ang ating mga ina ay matatawag ding mga ilaw ng tahanan. Sila ang nagbibigay liwanag sa ating mga simpleng tirahan. Hindi sila kahit kailanman ay maikukumpara sa Meralco, sapagkat ang liwanang na kanilang hatid ay mas hamak na mas maliwanag pa sa ibinibigay ng Meralco, at hindi sila nagpapadala ng mga "Disconnection Notice", baka tayo pa ngang mga anak ang nagbibigay ng "disconnection" sa ating mga magulang di ba? Ang tanging hiling ng ating mga ina ay pagmamahal mula sa kanyang pamilya, mga anak at kabiyak.
Shinedown - Simple Man
"Mama told me to be a simple kind of man"
Pagmamahal ang pinakamatibay na pundasyon na maaari nilang iparamdam at ibigay sa atin. Kung wala ang ina, hindi magiging tunay na masaya ang isang pamilya. Mga bayani ding maituturing ang ating mga ina, dahil isinusugal nila angkanilang mga buhay para lang mailuwal ang kanilang mga anak, wala ang kahit sino mang bayani, popular na mga tao kung di dahil sa kaniyang ina di ba?
Ganyan lahat ng ina, nanay, mommy, mom, mama, ermat, mudra, mumshie, inang, o kung ano pa man. Alalahanin natin ang ating mga nanay hindi lang sa araw na ito, hindi lang ngayon, hindi lang mamaya, hindi lang bukas, hindi lang sa isang bukas, hindi lang sa makalawa, hindi lang sa mga susunod pang buwan. Atin siyang respetuhin at mahalin hanggang sa mga huling segundo ng buhay ng ating mga nanay hanggat nasa tabi pa natin sila at nakakausap.
Maligayang araw ng Nanay sa lahat!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento