Martes, Oktubre 24, 2017

Huling Tatlong Buwan



'Huling tatlong buwan ng taon, bow.'


Huling tatlong buwan ng taon. Tila marami nang naganap ngunit hindi kagandahan ang mga nangyari. May mga dumating at nawala at piniling mawala. Ang sabi nga ng ilan, iisa lamang ang pagtatapos at pagsisimula. Kailangang may matapos upang may bagong panimula. Sa pagsisimula ay kailangan munang may katapusan.

Ang una sa huling tatlong buwan ay mapangwarak. Pitong munting nilalang ang iniluwal ng aking alagang Puspin ngunit pitong nilalang rin ang nagkasakit at naglaho. Di mawari ang iyak ng Ina na nawalan ng mga anghel na kanyang isinilang. 

Ang una sa huling tatlong buwan ay magulo, madugo at masalimuot. Sinamahan ng pangingiliti  ng tadhana na hindi mo mararamdaman ang mapaliyad sa sarap ng pagkakiliti, kung saan kamalas malasang iniluwa sa kulay kahel na kahon. Ang kulay kahel na kahon na nagmistulang tahanan, duyan at pahingahan ng isang taon. Mapanakit, mapanghusga, masalimuot. Iniwang blangko ang mga isipan at naninibugho sa mga katanungan na kahit mismo ang tandang pananong ay hindi masinsin ang kasagutan sa utak na puno ng madidilim na ulap at pagtilamsik ng matalas na kapangyarihan ng kidlat sa kaitaasan. Walang nagawa ang ilan at piniling magpalapnos sa matatalim na dagitab sa kalawakan. Naiwan ang mga masasayang memorya sa kahon at magsisimula sa bagong pagkakataon.

Ang una huling tatlong buwan ay pagbusilak ng bagong panimula. Ang paggising sa kamalayan, ang paghugas ng mga kinalawang na gear at ugat ng karunungan. Pagsubok, trial at bagong pagsasanay, ang paghulma, ang paghihimay-himay sa mga bagong proseso at ang simula ng bagong paglalakbay sa mundo ng pag "hehello" is it me you're looking for?, paghingi ng paumanhin at pakikiramay sa mga bagay na hindi nararapat na maranasan ng kliyente. Tuloy ang buhay pagkatapos sa kahon. Kasabay ng mga bagong pitas na nilalang, magaganda't, maririkit, sariwa at ang ilan ay birhen sa tema ng trabaho't proseso. 

Ang unang linggo sa ikaunang buwan sa huling tatlong buwan ay busog sa pagpapakilala ng bawat isa at pakikipagkaibigan na may kasamang "kilig" paminsan minsan. Biniyaan ng lider na mahusay magpalaganap ng karunungan. Masalimuot, madugo, komplikado ngunit unti-unting natututo. Busog ang utak sa impormasyon na minsan ay halos kumokonekta ang utak sa tiyan at isuka ang mga kaalaman sa kabusugan. Overload! Ang hugot nga ng mga milenyal "susuka pero hindi susuko."

Ang huling tatlong buwan para sa kanila ay pagtapon ng alak sa mga sikmura dahil na rin sa hudyat ng pagtatagumpay sa pagsasanay. Mission complete ang Level 1 at 2. 

Kasalukuyang nasa level 3. Pamumugad. Ang pagpapanitili ng pupugaran. Kailangang matibay ang pundasyon, ang pagkakagawa. Dahil ikaw mismo ang gagawa ang magpapalakas ng sarili mong titirhan.

Level 4. Kailangang solido. Werpa mga orbs. Petmalu na repa. Anignatup kung hindi.

Pero sa isang banda.....
Alak pa!

"I'm a retired drunkard and I'm sorry for the inconvenience". Pasensiya na kung hindi ako nakakatagay dahil sa isang patak ng alak sa aking sistema pati ang nagsusulat dito'y mamamaalam ng maaga. 

Ang huling tatlong buwan ng taon. Tila marami nang naganap at umaasang mas magiging makulay ang bagong panimula. May mga dumating at inaasahang walang nang mawawala. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento