'Dwell on your sadness.. until your thoughts and feelings slowly fade away' |
Noong lumapag ang mga aliens sa kauna-unahang sightings sa New Mexico USA noong 1947, ang kauna-nahan niyang nasambit ay, “Doobi doobi dapp dapp Doobi doobi dapp dapp.” Choppy pa kasi sila sa pagbaba nila sa Earth kaya that time mali ang impormasyong nasagap ng mga taga US Air Force. Pero kung maitatransalate man ito ng mabuti, nais lamang niyang sabihin na, "mga orb ayos dito, dami chikas petmalu! lodi! wetpaks!."
Patunay lamang na kahit nasaan ka, kahit saang lupalop ka man ng daigdig, kahit saang planeta ka napadpad, makapasok sa blackhole o maging sa napakadilim na parte ng buhay mo o maging sa napakaimposibleng bagay na hindi kayang sukatin ng iyong pagiisip, magiging genuinely okay din ang lahat.
Kung nakaya mong mabuhay ng humigit kumulang 13,272 araw dito sa mundo, sigurado ako, kaya mong lagpasan ang isa o dalawa pang araw na dadaan. Lilisan ang bawat oras at segundo, maeexpire ang bawat delata sa aparador, malalagas at bubunga ang mga dahon sa puno, ngunit hanggat pinipili mong kumandirit sa takbo ng panahon, magiging okay din ang lahat.
Big Mountain - 'Baby I Love Your Way'
Kung nagmahal ka at nasaktan, well, pakyu siya. Pero laging sisiguraduhin na ang susunod na pandiwang gagamitin ay 'nagmamahal pa rin' (Nagmahal. Nasaktan. Nagmamahal pa rin.) Hindi mahalaga kung sa dati pa rin o sa panibagong tao naman. Ang mahalaga tuloy lang ang agos, patuloy kang magmahal. Sampung beses ka mang masaktan at mabigo, sampung beses ka rin dapat sumubok muli. At kung dumating man sa ikalabing-isang beses na pagkakataon, patuloy mo pa ring piliing magmahal. Wala naman ibang makakapansin niyan kung di ang tsismosa mong kapitbahay.
Sabi nga, 'we don't determine who we fall in love with, but we choose who to stay in love with'. Pero ang totoo mas olats ang isang taong hindi pinipili ang magmahal. Masasaktan ka lang din naman eh, e di magmahal ka na lang, sagarin mo na orb. Kapag nagmahal ka ng totoo, masasaktan ka din ng totoo. Ngunit hanggat may kapirasong laman na patuloy na pumipintig sa kaliwang dibdib mo, buo man yan o tuluyan nang nadurog na parang paminta, magiging okay pa rin ang lahat.
Survivor - 'The Search is Over'
Sa ngayon huwag mo munang pilitin. Tumahan ka muna sa pansamantala. Kabisaduhin mo sa videoke ang lahat ng kanta ni Moira, Adele o ang bandang Autotelic wag ka lang mapapariwara dun sa mga kantahan ng mga fuckboy na banda. Ubusin mo ang buong pulutan kahit walang ambag. Namnamin mo ang breakdown, downward spiral ng buhay mo. Solohin ang spotlight. Damhin lahat ng sakit tapos magpahilom ka. At kapag handa ka na at mas handa pa sa mga Kab Scout, ibigay mo ang isang daang porsiyento ng lakas na parang si Taguro para sa isang bilyong bagong emosyon na parating.
Magpasalamat sa lahat ng lamat.Sa pusong naghilom sa malalim na sugat. Hintaying maging muta ang lahat ng luha. Huwag matakot sumubok muli. Dahil kahit gaano man yan kasakit, wala pa ring katumbas ang sarap kapag mas lagi mong pinipiling magmahal. Naging roller coaster man ang buhay pag ibig mo, nalaglag ka sa tsubibo at isa ka sa mga pinaglakad sa riles ng MRT. Wag matakot na tahakin ang muling daan patungo sa pag ibig na wagas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento