Biyernes, Disyembre 15, 2017

New Year's Resolution 2018



'Mam/Sir ano pong New Years Resolution nila?'

Bago ang lahat Merry Krisismas at Happy Hellidays sa lahat ng naliligaw at patuloy na umuusyoso't nakikitsismis sa blog na ito. Buti naman at hindi niyo pa rin tinitigilan ang pagpunta dito kahit wala naman kayong nababasang bago. O di kaya sarili ko lang din yung kinakausap ko at nagpapantasya lamang ako na mayroong bumibisita sa pahinang ito. Salamat pa rin sa interwebs at patuloy na binibigyang espasyo ang blog na 'to.

Siya nga pala, magtatatlong taon na ang blog na ito. Eh ano naman ngayon? Wala. Nasabi ko lang.

Dati dalawa lang kaming nagbabasa ng blog ko. Ako at ang aking konsensiya. Ala-Joy Dishwashing ni Michael V at Safeguard ni ateng kinokonsensiya siya na hindi safeguard ang napili niyang sabon sa grocery. Ganun din kame ng aking konsensiya, pagkatapos ko maisulat,babasahin ko naman kakausapin ang sarili kung may kailangang idagdag o  bawasan sa nabuong piyesa. Pero putangina! akalain mo yun?, madami na ang mga konsensiyang umaaligid dito! O di kaya nakokonsensiya lang sila sa akin? Ah, basta!

Nagsimula itong blog na ito bilang hamon sa aking sarili na kumpletuhin ang simbang gabi noong 2015. Sabi ko sa sarili na kapag hindi ko nakumpleto ang simbang gabi itutuloy ko ang pagsusulat. Gabi, noche buena sa dami ng kinain at halo halong putahe ang nilapang nagtae ang inyong lingkod at humingi ng patawad kay Papa Jeesas dahil hindi ko na naman nakumpleto ang simbang gabi. Nang dahil sa letseng leche flan at ubas na prutas sa hapagkainan ayun nasira ang plan at natuloy akong gawin ang Ubas na may Cyanide na pamagat ng blog na ito. Ngayon alam niyo na kung bakit may "ubas" dito ang haba kasi kung "leche flan na may cyanide" at dahil na rin sa isa sa linya ng liriko sa tugtugan ng Radio Active Sago Project ay doon naman nakuha ang cyanide, ang cyanide na dulot ng pagtatae ng inyong lingkod. Pasintabi po sa mga kumakain.

Kahit walang nagbabasa noon post lang ako ng post araw-araw. Baka sakaling maligaw si Lord at mapagtanto niyang mabait akong nilalang at ambunan ako ng kahit kaunting grasya. Kahit konting dagdag lang sa kaguwapuhan. Manipis lang.

Pero ewan ko di ata siya dumaan sa blog ko. Wala kasing grasyang dumating. Subalit grasya na ring maituturing na kahit papano ay humihinga pa rin ang walang kwentang blogosperyong ito. Andiyan kayo, andito ako. Solb!

Camera Obscura - "New Years Resolution"

At para lalo akong mainspire sa pag blog sa 2018, eto kahit hindi pa nadaan ang Pasko gusto ko na agad ishare ang aking New Year's Resolution.

*Babawasan ko ang pagrereply ng "Hahahaha" sa comment section. Nakakaloko na rin kasi minsan na kahit hindi ka naman natatawa talaga habang nagtatype ka magsisingit ka pa rin ng "hahahaha" kung simpleng "oo" lang naman ang irereply mo sa kausap mo kahit tinanong ka lang niya kung kumaen ka na ba? Oo, hahahaha! Puta! hahahaha!

*Pag-akyat ng taong 2018 gusto kong lumipat ng Lotto outlet. Halos naka ilang taya rin ako sa lotto netong taon kaso wala hindi ako dinadapuan ng swerte at grasya. Makalipat nga sa mas malapit sa simbahan. Para mas madaling makabulong kay Papa Jeesas.

*Magpapalet na ko ng alarm clock ring tone ang kasalukuyan kasi tiktilaok ng manok, eh sumakabilang buhay na yung buhay ko ng morning shift at halos magtatatlong buwan na akong nangungulila. Ang halay kung manok pa rin ang gigising sa akin ng alas siyete ng gabi at narealize ko na hindi nababagay tumilaok ang manok na lubog na ang araw. So pagsampa ng 2018 papalitan ko na pero farm animals pa rin at gusto ko mas nababagay sa pagkatao ko. Kaya papalitan ko na ng ring tone ng baboy. 

*Ititigil ko na ang pagtalon tuwing bagon taon. Sawang-sawa na ko putangina at wala namang nangyayari. Sino bang nagpauso ng kalokohang yan at sumasakit lang ang betlogs ko sa kaka alog.

*Babawasan ko na uminom ng sugar beverages, ninipisan ko nang magiinom ng Coke tutal magkakaron na ng hayup na tax sa mga softdrinks. Lahat na lang nilagyan na ng tax. Nakakasuya, nakakapikon pero ayos lang baka eto na yung pinaka greatest achievement ko sa 2018 kung sakaling "matuloy" hahahaha, ay putangina nag "haha" na naman ako.

Mababaw lang naman tayo gumawa ng NYR at kalimitan patungkol sa ating mga sarili gaya ng "magpapapayat na po ako ngayong taon", mamukat mukat mo ang taba taba pa rin niya sa kasalukuyang taon at nakaka ilang order na kanin kila Nanay Ling. Yung iba hindi na raw maninigarilyo o magyoyosi pero ayun from "isang bote lang, pampatulog" pero ginawang pampatulog ang alak sa araw araw. Sana uminom na lang sila ng sleeping pills. 

Sadyang napakahirap baguhin ang isang bagay na nakasanayan na, nakaugalian na.. Pano mo nga naman babaguhin ang ikot ng mundo? Pero ako ang mundo ko dito sa call center laging nababago yung body clock ko dating PST ngayon European time. Sosyal! Hindi mo pwedeng baguhin ang ruta ng sasakyan. Baguhin ang ikot ng relo (kung manual pwede) Gawing summer and winter (unless may climate change)

Bilang human beings ang mga bagay at pag uugali na nakasanayan na ay mahirap na baguhin pero maaari kung talagang gugustuhin maraming preparasyon ang kinakailangan at ilang beses na pag iisip nga lang, pero kaya basta gusto. 

Sa darating na 2018 pilitin nating baguhin ang mga bagay na gusto nating alisin sa ating mga sarili di man ganun ka perfect ang new years resolution na ginawa at least yung mga ibang bagay para sa ating sarili ay mabagi sa darating na bagon taon. 

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon  mula sa Ubasnamaycyanide! 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento