Huwebes, Setyembre 26, 2019

Alak at Pagtanda



'Alkohol, alkohol utak mo'y buhul-buhol'


"Magsasawa ka rin."

"O kung hindi man ay babawian ka ng katawan mo." Palaging paalala ng mga nakatatanda, na walang nagtatagal sa ganitong pamumuhay, na oras lang ang hinihintay, na magsasawa rin ako, magsasawa rin tayo. Tulad nila, tulad nilang mga nanawa na.

College days, 2003, wala pang liquor ban noon, barkada kaming pupunta sa 711 para mamili ng alak, tag-iisang bote ng gran matador, emperador, generoso, tigdadalawang bote ng red horse bawat isa, si San Miguel, mani, kropek, chicharon, tagpipisong chichirya, century tuna at kung anu-ano pa. Minsan nabasa namin sa isang magazine kung ano ang pulutan ng isang rockstar, ginawa namin. Nagluto kami ng maraming pancit canton pinaghalong original at kalamansi flavor tsaka namin hinaluan ng corned beef. Kapag hindi na kasya ang pera, century tuna at skyflakes naman. Ganoon lang, buo na ang gabi bahala na sa umaga.

Sobrang stress kasi noong kolehiyo akala ko mas easy na ang buhay lalo na noong panahon na ng graduation. Baby thesis dito, Mother thesis doon kulang na lang samahan ng Father thesis para happy family ang pota. Samahan mo pa ng subject na Mathematics sa sidings na dapat mong maipasa eh talaga nga naman maisusuka mo talaga. Kaya yung mga group thesis namin noon ay nauuwi lang sa "happy good times", kaya ayun walang nagagawa, walang nauumpisahan at lalong walang natatapos. Yan ang college life kumpara sa high school life.

Eraserheads - 'Alkohol'

Hindi naman talaga ako palainum at lasinggero pero dahil sa word na "pakikisama" eh napapasama na ako sa tagayan. Pero kadalasan naman akong tumatanggi dahil ayaw ko rin naman ng lasa ng alak ang gusto ko lang talaga ay pumulutan at kapag lasing na ang lahat ay sisibat na ako para naman hindi halata sa pag-uwi ko ng bahay ay lasheng ako. Kaunti lang, tikim lang sabay sibat.

At dahil nga sa produkto ng rush at alak ang aming thesis sa Automata na kailangan niyo gumawa ng mga bagay na "robot" na gamit ang programming language ay puro andar pasulong lang ang nagagawa ng kotse namin. Hindi niya kaya umatras o lumiko ng pakaliwa o pakanan kaya ayun kailangan pa uli mag schedule ng re-defense at magbigay na naman ng pagkain ng mga put.....ng defense panelist. Pinakakain mo na pinahihirapan pa kayo. Ganyan ka stress sa kolehiyo magastos na, pahirap pa.

Nag-aral ako sa dalawang kolehiyo una ay sa Cavite School of St. Mark sa may Bacoor sa tapat ng SM Bacoor. Iyak pa ako noon sa erpat ko kasi gusto ko talaga pumasok sa mga kolehiyo sa Manila. Gusto ko kasi sa Letran, kung anong kurso ng crush ko eh yun din ang gusto ko "sana". Halatang wala talaga akong plano sa buhay noon ee. Apat na taon sa high school hindi man lang nakapag "hi", ngayon gusto pa sundan sa kolehiyo. Kaso nandito na kami nakatira sa Cavite kaya ayun di ako pinayagan dahil hassle daw sa biyahe. Kaya dito nauwi ang college journey ko sa kolehiyo sa Bacoor.

Teeth - Laklak

Ito na nga ata yung pinaka boring na eskuwelahan na napasukan ko. Wala kasi gaanong may alam na may kolehiyo dito mas kilala kasi dito ang nag-aaral ng high school at elementary. Kumbaga, starting pa lang sila ng college nung pumasok ako so ayun kaya parang saling-pusa lang kami dito. Aral-uwi-pasok uli yan lang ang buhay ko dito pasalamat na lang ako at nagkaroon ako ng mga kaibigan na trip ang laging manood ng sine kaya naman kapag mahaba ang break sa susunod na subject ee nanonood kami ng sine. Eh uso pa naman noon yung mga R18 movies kaya etong mga mokong laging yun ang pinapanood. Ewan ko ba ba't ganoon yung mga title ng mga pelikula noon akala ko mga vegan ee kasi halos lahat ng title ng pelikula mga gulay o masustansiyang pagkain kagaya ng "Talong", "Kang-kong", "Itlog", "Patikim ng Pinya". Uso pa yang mga ganyang mga adult movie noon eh. Kaya naman pagtapos ng pelikula at pagbalik sa eskuwelahan ee walang tigil ang kuwentuhan at tawanan ng barkada.

Lumipas pa ang panahon nasa 3rd year na ako 2nd sem pero pakonti na ng pakonti ang mga estudyante. Dito na nagsimula ang journey ng alak ko. Hindi na ako nakapasok ng 2nd sem dahil na-dissolve na ang kolehiyo sa eskuwelahang ito at kinakailangang makapaghanap na agad ng mapapasukang school. Suwertehan naman at tumatanggap pa ng estudyante ang National College of Science and Technology sa Dasmarinas, Cavite at wala na kaming entrance exam. Same course pa rin kami Bachelor of Science in Computer Science. Marami naman na credit pero yung may mga pre-requisite na subject kailangan naming i-take ulit at dito kami nahalo sa mga freshman. Nakakabwiset imbis na 3rd year ka na eh may mga kaklase ka ulit na kaka-graduate lang ng high school.

Dito na ako nagsimula makatikim ng guhit ng alak sa aking lalamunan. Ayaw ko man pero ayaw ko rin sumama sa mga nerds ee. Pero hindi naman ako sumasama araw-araw kasi yung iba kong kaibigan ewan ko ba halos araw-araw pagkauwian tsaka nagsesession uminom, eh panggabi pa naman ang pasok noon. Ang mga lugar ng shot session kapag may pera sila ay minsan sa Super Speed hindi ko lang alam kung naabutan pa ng mga laking Dasma ang tambayan na ito. Ito ang tambayan ng mga sosyalera ng LaSalle Dasma. Next stop naman ay yung tinatawag nilang "Kubo" na nasa likod lang ng school. Tambayan naman 'toh ng mga jologs na estudyante ng NCST. At kapag walang pera at patak-patak na ambagan lang ang kailangan eh duon kame sa bahay ng classmate namin sa Bayan. Diyan ako nagsuka ng husto at yung tipong hindi mo na alam kung paano ka nakauwi pero isang beses lang nangyari sa akin yun at ayoko na ulitin pa kasi may nangyari daw na muntik ko na sukahan yung driver ng jeep kasi nasa likod lang ako ng tsuper. Kinaumagahan, nalaman nila ermats na umiinom na pala ako. Kasi suka pa rin ako ng suka at amoy na amoy alak ako pagkauwi ko ng gabing yun. Lol!

May isang magsasabi, "hindi na ako iinom." pero muli itong mauulit. Ulit.

Itchyworms - 'Beer'

Alak ang huhubad sa'yo sa katotohanan, magbibigay sa'yo ng lakas ng loob para ikuwento ang pinakatinatago mong sikreto, mga problema at hinanakit mo sa lahat ng bagay. Alak rin ang magpapadama sa'yo ng tunay na kaligayahan lalo na sa mga panandaliang tagumpay, alak ang mag-aangat sa'yo para lalo mongmaramdaman. Alak.

Masasabi ko sigurong sa alak kami nag-umpisa sa patikim-tikim hanggang sa sasamahan ka na lang niya sa gitn a ng lungkot at ligaya. Ang once a week, magiging thrice a week, magiging araw-araw, hindi dahil kailangan mo kundi dahil gusto mo, ang mapag-usapan ang kinikimkim sa buongmaghapon, angmailabas ang mga saloobing hindi mo inakalang may makakaintindi. Ang magkaroon ng kausap para higit namaintindihan kung bakit ganito umiikot angmundong ating ginagalawan. Kaya sabay-sabay kayong lumalalim, nagkakakilanlan, nagkakaintindihan, nagkakamabutihan.

Pero kasabay ng unang salita sa taas. "Magsasawa ka rin". Magsasawang gumising at magagahol dahil hindi kanagising sa tunog ng alarm. Magsasawang magtrabaho nang masakit ang ulo, at hindi matapos ang trabaho dahil higit na mahalaga sa'yo ang matanggal ang amats bukod sa ano pa man. Ang dating paumagahan, alas dos na lang ngayon at baka lalo pang dumalang. Dahil ba tumatanda na talaga tayo? totoo ba? Darating pala 'to. Totoo pa lang nangyayari ito.

Mabuti na lang at nasaid at nasulit natin ang alak bago pa man tayo mangulubot at tumanda nang tuluyan.

Kampay!!



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento