Biyernes, Enero 24, 2020

Trending: The Kain Pepe Shirts at Ang Mapanghusgang Social Media






I really like a healthy conversation on social media on some comment section threads but I was really fired up when netizens are bashing a girl's picture wearing a brand clothing with a word printed in the shirt "Kain Pepe".



Yes,napakapanget naman talaga pakinggan ang salita na yun lalong lalo na para sa ating mga kababaihan. But what I didn't like are these common judgmental Filipinos bashing this poor girl's photo. They also include her graduation picture with a caption insults pertaining to the model:


"Graduate ka naman at may pinag aralan, Siguro marunong kang mag basa ng A E I O U. Sana binasa mo muna bago mo sinuot. Social Media Influencer ka tapos ganyan mo I impluwensya ang mga kabataan? Haaaist, Hindi ka naman ata gipit o na nangangailangan. Tang ina, Kahit magkano pa ang ibayad sayo kung matino ka at maayos ang pag iisip mo hindi ka basta basta mag susuot nang ganyan ka basura at walang kwentang clothing at lalo na kung babae ka.
You want to earn respect? Then respect yourself first. Di ako haters ayoko lang mamulat ang mga kabataan sa henerasyon ng xbatallion." - Linel Joeren (siya yung haters)
Gusto ko lang himay-himayin ang sinasabi ng kolokoy na ito na akala mo ay ipinanganak na santo. Ito yung mga taong feeling righteous pero malalaman mong sila pala yung mga gumagawa ng katarantaduhan sa kapwa nila.
Sabi niya "graduate ka naman at may pinag-aralan." So, what's the point? Nagsuot lang siya ng t-shirt na hindi ka sang-ayon sa kung anong nakasulat eh nawala na ba ang pinag-aralan niya all through her life? In the very first place kung isinuot niya yun it doesn't reflect naman sa buong pagkatao niya. Who are you to judge? By clothing alam na agad natin ang personality ng isa't-isa?
"Social media influencer ka tapos ganyan mo iimpluwensiya ang mga kabataan?" - ang matinong kabataan alam ang tama o mali para sa kanila hindi naman porke't sinabing social media influencer eh may kasamang hipnotismo na kung anong ginagawa niya sa video eh iaapply mo na rin sa buhay mo. Binigyan ka ng sarili mong utak para timbangin mo ang sarili mo kung tama ba o mali ang ginagawa mo. 
"Hindi ka naman ata gipit o nangangailangan". Hindi ka pala sure ee pero nakapanghusga ka na ng kapwa mo. Paniguradong marunong siya ng A E I O U pero bakit ba napakapakialamero mo sa kapwa. Tsaka isa pa lalake ka parang galit na galit ka sa babae? Naiingit ka siguro kasi wala kang pepe gusto mong magpakain pero wala kang pepe noh? Gipit man o hindi extra income pa rin yan eh wala ka naman ginawang masama at isinuot mo lang yung damit. Hindi naman porket isinuot mo yung damit eh matik na pornstar ka na. 
"Tang ina" - galit na galit na talaga siya, pero ang tanong bakeeet? 
"Kahit magkano pa ang ibayad sayo kung matino ka at maayos ang pag-iisip mo hindi ka basta basta magsusuot nang ganyan" - salamat sa concern mo brad kahit may pang-aalipusta. Ganito yung mga pa-righteous na kasama niyo sa inuman. Mag-iingat yung mga babae sa ganito. Sila yung kadalasan na kapag may alak may balak. Kunyari pa-goodboy pero kapag nalingat at nalasing ka na lalabas ang tunay na kulay. 
"Hindi ka basta basta magsusuot nang ganyan ka basura at walang kwentang clothing at lalo na kung babae ka."
Hindi ko naman nakita na nagsuot siya ng trash bag na kulay itim. Hindi naman sira-sira ang damit niya tohl kumpleto ang details ng tshirt, may manggas, round neck, malinis, presentable siyang tignan paano mo nasabing basura? Eto malupit "lalo na kung babae ka", so kapag mga ganitong text na nakasulat sa damit okay lang kapag lalake ang magsusuot? Pagawan din sana ito ng clothing brand na "Kain Titi" para hindi na siya nag-aalburoto. 
"Di ako haters" - Tang-ina ang dami mo naman. Wag mo na sana hayaang dumami ang lahi mong haters. Hindi ka pa pala hater ng lagay na yan samantalang napakaraming hindi magagandang salita ang binitawan mo sa kapwa mo.
At para sa huli hayop ka idinamay mo pa ang XBatallion.
"You want to earn respect, respect yourself first" - Hahahaha! I love your English it's very automatic ang sarap ibalik sa kanya ng salitang ito kasi ikaw yung walang respeto. Hindi kawalan ng respeto ang gustong madagdagan ang income. Kapag nakapagsalita ka ng hindi maganda sa kapwa mo yun ang kawalan ng respeto. 
At para sa kaalaman mo puwede kang kasuhan sa pagpopost ng pictures ng kanyang graduation picture ng walang pahintulot sa may-ari. Maling-mali.
Ang problema kasi sa tao madali tayong manghusga ng kapwa parang sa kaso lang din yan kapag nagpatattoo ka sasabihin sanggano ka na. Mahilig ka sa metal songs demonyo ka na. Walang pinagkaiba yan dun. Sabihin na natin na bastos yung clothing but it doesn't mean na pati yung ugali ng modelo eh ganun na. Now you're judging a person base sa sinusuot niya? Parang social media lang din yan matino ang mga ipinopost pero sa totoong buhay eh gago pala. Isa pa yung mga makamundong isipan doon nagkakaproblema kung pagiisipan mo siya ng masama dahil sa nakasulat sa damit niya eh sadyang malibog at manyak ka lang. 
Being liberated is not equivalent to being pokpok. Baka kasi namamali sila ng pagkakaintindi when we say liberated you are open at any sensitive topic especially about sex education but you're totally in control. Eto ang problema sa bansang ito kulang ang pang-unawa natin sa sex ed mas delikado kasi kapag hindi ito nabigyang pansin sa parte ng ating pag-aaral sa eskuwelahan. Dito sa Pilipinas napakaraming nagsasanto-santuhan na mga conservative kuno but at the end nagpapadala rin naman sa kamunduhan. 
Sa social media bash tayo ng bash wala tayong pagpapalawak ng utak. Tama na tayo kung hanggang saan lang ang kayang abutin ng pang unawa natin.
Again the issue here is not the girl but the clothing brand. Ang hindi lang tama dito ay yung pangbabash ng netizens dun sa model. Hindi natin ipinagtatanggol yung clothing brand which does not speak anything of women empowerment pagdating doon sa "Kain Pepe" issue.
Ang nakakatawa pa ay yung explanation ng clothing brand na kesyo yung pepe daw ay basic na  pangalan ng isang lalaking Pilipino and kain is to eat and they are encouraging people to eat properly. But I can't say "people" because you're only encouraging men to eat properly dun palang sablay ka na. Kung ang layunin talaga ng clothing company na yun ay ang tamang pagkain hindi siguro ganoon ang graphics na makikita natin. When you say eat properly mas kaayon-ayon siguro ang graphics ay mga prutas, gulay at isda. Hindi niyo kame maloloko dito. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento