Marami akong napapanood na video ngayon—karaniwan ay mga street interview—kung saan tinatanong ng isang foreign vlogger ang mga turista at expat ng isang tanong:
“Which country has the friendliest people?”
What caught my attention is that almost 8 out of 10 respondents answered: Filipinos.
Nakakaproud pakinggan di ba? Kilala nga naman tayo bilang hospitable at mababait. Madaling ngumiti, madaling tumulong, at parang hindi nauubusan ng kwento. Pero napaisip din ako:
Talaga bang palakaibigan ang mga Pilipino sa lahat? O mas mabait lang tayo kapag dayuhan ang kaharap?
There’s no denying it—Filipino hospitality is real. When foreigners visit the Philippines, they often experience:
Being invited into homes by people they barely know
Being offered food, even when the host doesn’t have much
Strangers going out of their way to give directions or help
Endless smiles, jokes, and conversations
For many Filipinos, making visitors feel welcome is almost instinctive. We want guests to feel comfortable, safe, and happy. It’s part of our culture—and also our pride. Because of these treatments, others chose to come back to the Philippines, and others really fell in love not only with the nature and beautiful landscapes, but also with the people.
Pero paano kapag kapwa Pilipino na? Dito nagiging masakit na katotohanan ang tanong. Kapag sarili nating kababayan ang kaharap, tila minsan nawawala ang parehong init at malasakit. Sa araw-araw na buhay, makikita ang mabilis na pag-init ng ulo sa mga pampublikong lugar, ang panghuhusga batay sa itsura o estado sa buhay, at ang kakulangan sa pasensya at ngiti. Nakakalungkot isipin na ang kabaitang bukal nating naibibigay sa mga dayuhan ay hindi palaging naipapakita sa sarili nating kapwa Pilipino—lalo na sa mga mahihirap at nasa laylayan ng lipunan.
Pero bakit nga ba ganun?
Coldplay - Viva La Vida
Maraming posibleng dahilan:
Colonial mentality - ang pag-iisip na mas maganda, mas tama, o mas mataas ang halaga ng mga banyaga kaysa sa sariling kultura, produkto, o kapwa Pilipino. Nagmula ito sa mahabang panahon ng pananakop, kung saan unti-unting naitanim ang paniniwalang mas magaling ang galing sa labas kaysa sa atin mismo.
Paghahanap ng papuri at validation
Pagod at hirap ng araw-araw na buhay
Pamilyaridad– bisita ang tingin sa dayuhan, kakumpitensya ang kapwa Pilipino
Hindi ito mga dahilan para maging masama—pero paliwanag lang kung bakit nangyayari.
So… ulitin natin ang tanaong: Are Filipinos Really Friendly?
The honest answer?
Yes—but not consistently.
Filipinos are capable of deep kindness, generosity, and warmth. We prove this during calamities, fiestas, and moments of crisis. But true hospitality shouldn’t depend on nationality, skin color, or accent.
Imagine if the same friendliness we so freely show to foreigners were also extended to jeepney drivers, service crew, garbage collectors, and even random strangers on the street—if we treated one another with the same respect and warmth every single day. That kind of everyday kindness, shown especially to those we often overlook, would be something truly worth being proud of as a people.
Iyon ang klase ng pagiging “friendly” na tunay na kahanga-hanga at hindi lang limitado sa mga banyaga.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento