Martes, Enero 27, 2026

The January Cold Affair


Nitong mga nakaraang araw ibang klaseng lamig ang bumabalot sa buong Pilipinas. Lamig na tila kumakapit sa ating mga balat na para bang mag-uumpisa pa lang ang Pasko at ngayon pa lamang magsisimula ang bibingka sessions sa bawat kalye ng ating bansa. Gusto ko rin sanang mas magtagal pa ang ganitong lamig ngunit habang tumatanda hahaha ay lalong hindi ako nagiging immune sa lamig at hindi puwedeng hindi ko kapiling ang aking kumot sa magdamag. Ang lamig na dati’y kaibigan lang, ngayo’y kaunting kalaban na rin—pero isang kalabang masarap pa ring yakapin.It feels like I've been torn between two lovers, but accepting that kind of love will put me in big trouble because bawal ang sobrang lamig sa mga may heart condition na katulad ko.

That every morning breeze makes me feel like I'm in Baguio City, presko, tahimik, at may halong lambing ang simoy na parang yumayakap sa’yo bago ka tuluyang magising. It’s that kind of weather that makes us extra lazy, the kind that convinces you to stay in bed just a little longer. This kind of weather also proves that you’re becoming older—dahil masaya ka na sa ganitong kasimpleng pamamaraan at pakiramdam. Hindi na kailangan ng bonggang lakad o mahabang plano; sapat na ang lamig, katahimikan, at pahinga. The extra comfort that your newly washed blanket brings, the familiar smell of the fabric, and the soft mattress waiting for you at the end of the day somehow make you feel a little extra old—in the best way possible.

It’s the kind of “old” that finds joy in stillness, that chooses rest over noise, and that understands comfort as a small but meaningful luxury.

Ang kalaban ko lang talaga sa ganitong panahon ay ang sipon na tila hindi kinakaya ng katawan ko tuwing sumasapit ang malamig na season ng mga unang linggo ng Enero. Ayaw na ayaw ko talagang magkasakit—sobrang hassle ng runny nose, at hindi rin ako komportable sa pag-ubo dahil pinapataas nito ang heart rate ko, na hindi puwedeng mangyari sa akin. At kung talagang minamalas pa, nauuwi ito sa asthma dahil sa naipong plema, isang pakiramdam na parang mas lalong pinapahirap ang bawat paghinga. Kaya kahit gusto ko ang lamig, may kaakibat din itong pag-iingat—dahil hindi lahat ng cozy moments ay kayang sabayan ng isang katawan na madaling bumigay.

Up Dharma Down - Tadhana

Mula sa malamig na simoy ng Enero na pilit nating tinitiis tuwing umaga at gabi, unti-unti tayong dinadala ng panahon papalapit sa Pebrero 14. Habang ang lamig ng Enero ay kumakapit sa balat at nagpapabalot sa atin ng kumot, ang tanong ay kung aabot ba ito sa lamig ng pag-iibigan ngayong Araw ng mga Puso 2026. Sa pagitan ng malamig na hangin at papalapit na selebrasyon ng pag-ibig, napapaisip ka kung may init pa bang sasalubong sa Pebrero—isang yakap, isang presensiya, o isang damdaming kayang tunawin ang lamig na matagal nang nananatili. Sapagkat kung ang Enero ay tungkol sa pagtitiis sa ginaw, ang Pebrero 14 ay tila paalala kung may init pang naghihintay, o kung mas malamig pala ang katahimikan kaysa sa mismong panahon.

Ngunit hayaan na natin ang pansamantala lamang na lamig ng January, minsan lang natin to maranasan na tayong lahat ay parang nasa de-aircon na bansa malayo man sa lamig ng Canada, Russia at Greenland sapat na ito sa balat ng Pinoy dahil baka kasi kapag nasobrahan pa ay baka hindi natin kayanin ang ngatog at nginig lalo na ang mga nagrarayumang katulad ko. Pasasaan ba't darating muli ang init ng Marso at doon ay makakakita ka na naman ng mga gusto mong makita. Pero sa habang ganito ang panahon parang ayaw ko munang magtampisaw sa dalampasigan, ayaw ko munang makakita ng mga girls jumping on trampoline o kaya ng mga beach girls na naka two piece bikini. Ayaw ko munang gumawa ng kastilyong buhangin, ayaw ko munang mag scuba diving sa Manila bay baka hindi pa nadadala ng alon ang mga tae at basura sa South China Sea, baka marumi pa.

Sa huli nanamnamin ko pa rin ang mga natitirang lamig ng Disyembre yung para bang iniwang lamig ng ilalim ng unan mo kapag kinapa mo ito. Ubuhin man, sipunin man ay ayos lang, wag lang darating sa ospitalan dahil sawang-sawa na ko. Hindi na rin naman magtatagal ang ganitong klima pero mas dapat tayong nakahanda sa nalalapit na tag-init. 

Ang lamig ng Enero ay hindi lang nasusukat sa temperatura ng panahon, kundi sa mga damdaming dala nito—ang paghinto, ang pagninilay, at ang paghahanap ng init sa maliliit na bagay. Habang papalapit ang Pebrero at ang Araw ng mga Puso, nawa’y mas mahaba ang panahong manatili ang init ng pag-unawa, lambing, at presensiya—dahil anuman ang lamig ng panahon, mas masarap pa ring harapin ito kapag may init kang inuuwian.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...

Certified Great Reads