Remembering the Golden Era of the Yellow Taxis 🇵ðŸ‡
There are so many things that bring nostalgia, and it's worth remembering until now. Kasama na diyan ang kalsada sa araw-araw na marami rin ang ipinagbabago sa paglipas ng napakaraming taon, mga gusali, mga daan, mga bagong establisimyento, at pati ang mga sinasakyan ng tao. At ang napili kong pag-usapan sa blog ngayon ay ang isa sa mga means of transportation ng kapwa nating Filipino sa ating bansa. Noon, wala pang mga ride-hailing apps, wala pang surge pricing—ang meron lang ay usapan, metro, at konting diskarte.
When I was a kid, nakakasakay lang kami ng taxi sa tuwing umuuwi ang tatay galing sa ibang bansa para magbakasyon at makasama kaming pamilya niya. By means of riding a taxi, ipinapasyal niya kami sa mga espesyal na lugar katulad ng malls, restaurant, Luneta Park at Manila Zoo. Tandang-tanda ko pa nga ang Harrison Plaza na suking-suki naming puntahan para mag-mall at kumain, at nakasakay kami sa taxi. Parang noon kasi kapag sumakay ka sa taxi para ka nang nakakaangat sa buhay lalo na kapag aircon na taxi ang sinakyan mo, like "wow naka-taxi", hahaha. Feeling rich ka na talaga niyan kasi nasa pribadong sasakyan ka, may driver at may aircon pa, tapos siyempre mabango ang loob ng taxi. Salamat na lang din dun sa air freshener na hugis Christmas tree na nakadisplay sa dashboard mirror ni manong sa loob ng taxi niya. Ano nga tawag dun? Royal Pine ba? Basta ’yon, gustong-gusto kong amoy ’yon kapag sumasakay kami ng taxi. Mas mabango pa sa Albatross na laging nilalagay sa banyo namin.
Back in the 1980s and 1990s, taxis were considered one of the more “premium” ways to get around Metro Manila. There were no apps, no GPS—just instinct, hand signals, and luck.
Yellow taxis stood out on the streets, not just for visibility but also for identity. Unlike today, taxis back then didn’t follow a strict color scheme—companies had their own colors and branding.
May iba't ibang pangalan ang mga taxi sa Pilipinas na mapapansin mo sa kanilang pintuan: may nakakatawang pangalan, may buong pangalan ng operator, may mga abbreviation lang at kung anu-ano pa. Pero ang pinaka-standout sa lahat ay ang R&E taxis. Nakilala ito sa kanilang mga sasakyang may kombinasyong dilaw at berde na madaling mapansin sa kalsada. Dahil sa reputasyon nito na mas maayos ang serbisyo kumpara sa ibang operators, madalas itong piliin ng mga commuter na naghahanap ng mas komportable at maaasahang biyahe.
Ang R&E rin ang isa sa mga pioneer ng “phone-a-taxi” service noong late ’80s. Ang kumpanyang ito ay nagbigay ng mas convenient na paraan ng pagbiyahe sa pamamagitan ng pagtawag para magpasundo—parang early version ng modernong ride-hailing apps tulad ng Grab. Mula sa simpleng simula, mabilis itong lumago at umabot sa libo-libong units, patunay sa mataas na demand at tiwala ng mga pasahero sa kanilang serbisyo.
Hindi pa MPV o modern sedans ang taxi noon—mas simple at compact:
Toyota Corolla
Nissan Sentra
Mitsubishi Lancer
Isuzu Gemini
Later 90s: FX at vans tulad ng Tamaraw FX at Revo
Ang fare?
The old taxi meter
Walang eksaktong iisang fare rate na well-documented online para sa mga taxi noong dekada 80s hanggang 90s, pero base sa historical progression ng pamasahe, malinaw na mas mababa ito kumpara sa mga sumunod na taon. Noong early 2000s, nasa ₱30 ang flagdown rate, at tumaas ito sa ₱40 pagsapit ng 2011. Ibig sabihin, noong 90s, mas mura pa ang panimulang pamasahe—kadalasan nasa teens hanggang low 20s pesos lamang ang starting fare, kaya mas abot-kaya ito para sa maraming commuters noon.
Isa sa pinakanostalgic—at minsan pinaka-hassle—na bahagi ng pagsakay sa taxi noon ay ang katotohanang hindi lahat ng sasakyan ay may aircon. Marami sa mga taxi ang umaasa lang sa bukas na bintana, kaya kapag naipit sa trapiko, siguradong pawis mode ang mga pasahero. Dahil dito, naging mapili ang mga commuter at talagang naghahanap ng taxi na may aircon para mas komportableng biyahe. Sa katunayan, may mga pagkakataon pa na hinahayaan na lang nilang makalagpas ang isang taxi kapag alam nilang mainit sa loob nito.
Twenty One Pilots - "Taxi Cab"
Most of my taxi experience, masaya naman at nakatanaw lang sa tanawin ng aming dinadaanan, while sina Tatay at Nanay nakikipagkuwentuhan lang sa driver. Yan ang usual setup. Kadalasan, nasa AM radio ang radyo ng driver; panay balita, kaya doon nagsisimula ang kuwentuhan kung anuman ang topic tungkol sa pulitika, sa pang-araw-araw na buhay, presyo ng krudo, experience ni manong driver sa ibang pasahero at kung anu-ano pa. Kapag bibo ang driver niyo ay hindi kayo mauubusan ng paguusapan at mamamalayan niyo na lang na nasa destinasyon niyo na kayo. Noon, hindi pa rin uso yung mga Google destination maps na yan. Ikaw at si manong driver ang magpapasya kung anong ruta ang tatahakin, at kung hindi alam ng driver ang papunta doon, ikaw ang magiging guide niya. Nagkaroon din ng tampulan ng sindak noon para sa mga taxi driver noong dekada nobenta dahil uso ang carnap ng taxi, kaya ang ating mga driver minsan namimili na ng isasakay, lalo na kapag puro kalalakihan ang mga ito at mukhang mga goons. May mga driver din naman na nakararanas ng hilakbot sa mga pasaherong naisasakay nila na di pangkaraniwan, sapagkat bigla na lang nawawala ang pasahero sa likod nila, na ang buong akala nila ay naisakay nila, yun pala ay multo o di kaya ay white lady. Maraming driver ang nakaranas niyan sa history ng kanilang pagtataxi, lalo na sa dis-oras ng gabi, at ang kinatatakutang lugar ay ang Balete Drive o di kaya ay ang Loakan Road sa Baguio City. Napakaraming katatakutan at dokumento ang nailathala sa libro tungkol sa mga supernatural experience ng mga taxi drivers hindi lang noong dekada nobenta kundi hanggang sa kasalukuyan.
Itong lumang dilaw na taxi ay hindi lang basta sasakyan noong 80s at 90s era; isa itong bahagi ng buhay ng bawat Pilipino. Mula sa first date, late-night uwi, hanggang airport send-offs—lahat may kwento, mapa-drama, emergency, action hanggang horror, kumpleto ang kwento ng mga Pinoy taxi drivers.
Ngayon, isang pindot na lang ang sakay. Pero noon?
👉 Isang taas ng kamay, isang sigaw ng “Taxi!”, "Taxi"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento