Alam mo ba na ang pinaka-interesting na fact tungkol sa nostalgia ay dati itong itinuturing na sakit? Para daw itong lagnat sa puso. Noong unang panahon, akala ng mga doktor na kapag sobra kang nagbabalik-tanaw, may psychological imbalance ka raw—samantalang sa totoo lang, miss mo lang yung lumang buhay na hindi ka pa nagbabayad ng kuryente. Pero ayon sa modern psychology, nostalgia is actually good for you. Para siyang multivitamins ng emosyon: nagpapalakas ng mood, nagpapababa ng stress, at minsan pa’y nagbibigay ng lakas ng loob na magpatuloy sa buhay. Hindi mo man mapapansing may pakinabang pala yung pagngiti mo habang naaalala mong sinubukan mong maligo noon sa malaking drum na punong-puno ng tubig o yung alaalang inilagay ka ng nanay mo sa batsa dahil pinasok ng baha ang buong buhay mo, kapag naalala mo ang mga bagay na yun ay bigla kang mapapa-instant ngiti. At ang mas nakakatuwa? Hindi natin kailangan ng malaking dahilan para ma-trigger ito. Kahit simpleng amoy ng nag-mumura pang pandesal, tunog ng lumang ringtone, o pagkakita ng tsinelas mong may “bakbak corner”—ayun, balik ka na agad sa panahon na ang problema mo lang ay bakit ang bilis maubos ng teks dahil lagi kang natatalo sa laro. Kaya ayan, ang nostalgia—dati raw sakit, ngayon pampagaan ng loob. Sana lahat ng sakit ganun kadaling maging comfort.
Isa pang nakakatuwang fact tungkol sa nostalgia: hindi lang pala ito tungkol sa pag-alala—pangmalakasang emotional DJ din ito ng utak. Kapag may naaalala kang masayang memorya, nagre-release ang brain mo ng feel-good chemicals tulad ng dopamine. Kaya pala kapag naaalala mo yung unang beses mong binilhan ng mama mo ng Happy Feet, pakiramdam mo biglang gumaan ng pakiramdam kahit overdue na yung bills niyo.
At eto pa—hindi daw tayo nagno-nostalgia kapag bad mood lang. Minsan, nangyayari ito dahil masaya tayo. Parang celebration ng utak na, “Uy, okay buhay mo ngayon… pero naaalala mo ba yung sarap ng childhood mo?” Kaya pala habang masaya ka sa inuman, bigla mong ikukuwento yung crush mong katabi mo sa flag ceremony noon.
May isa pang kaaliw-aliw: ang nostalgia ay universal. Hindi mo kailangan maging millennial, Gen X, o batang 90s para maramdaman ito. Kahit Gen Z ngayon, nagno-nostalgia na sa era ng K-zone, Friendster, at Touch Mobile; samantalang tayo naman, nagno-nostalgia sa panahon ng teks, tirador, at Sunny Orange juice. Ika nga, walang pinipiling edad ang lungkot-saya ng pag-alala.
At ang pinaka-swak na fact: nakakatulong ang nostalgia sa identity mo. Yup, yung simpleng pag-alala mo sa lumang tropa, first school crush, o paboritong laruan mo—yan ang bumubuo sa “ikaw” ngayon. Emotional scrapbook kumbaga. Kaya pala minsan, kahit alam mong cringe yung mga pinaggagawa mo nung elementary, hindi mo pa rin mabitawan—kasi bahagi ‘yon ng naging kwento mo, kung sino ka talaga.
Sa madaling salita, ang nostalgia ay hindi lang trip down memory lane—life hack din siya para maalala mong minsan, naging bata ka ring masaya, walang iniisip, at naniniwalang pwedeng maging hotdog ang hotdog sandwich mo kapag sinawsaw mo sa ketchup.
At siyempre, hindi kumpleto ang usapang nostalgia kung hindi natin isasama ang Gen Z, ang henerasyong mas bata pero parang may senior citizen card pagdating sa pag-aalala ng nakaraan. Totoo—nostalgic na rin sila, kahit 2010s lang ang childhood nila. Pero huwag maliitin! May sariling flavor ang Gen Z nostalgia.
Para sa Gen Z, ang nostalgia ay amoy bubblegum ng 90s pero puwede na ang mga tattoo, tunog ukulele cover ng mga OPM hits, at visuals na parang washed-out Instagram filter noong 2014. Nagno-nostalgia sila sa Touchscreen-Era Childhood—mga panahon ng Flappy Bird, Vine, Musical.ly, at yung panahong buo pa ang One Direction. At nakakatawa pa dito, mas mabilis ata silang tamaan ng nostalgia kaysa sa ibang henerasyon. Isang kanta lang ni Taylor Swift bigla silang magtatype ng “I miss 2016” kahit kagabi lang naman sila masaya.
Pero ang pinaka-interesting? Gen Z treats nostalgia like an aesthetic. Hindi lang memorya—branding din. May “retro 90s,” “early 2000s,” “2014 Tumblr era,” at “pre-pandemic vibes.” Kung tayo, nagno-nostalgia dahil naaamoy natin ang pandesal na bagong hurno, sila naman nagno-nostalgia dahil nakita nila sa TikTok yung lumang layout ng Friendster at biglang nalungkot.
At sa huli, pare-pareho lang pala tayo. Boomers, Millennials, Gen Z—lahat tinatamaan ng nostalgia kapag pagod na sa buhay. Ang kaibahan lang? Iba-iba ang trigger, pero iisa ang pakiramdam: yung biglang nagiging kumot ang alaala, at kahit sandali, feeling mo safe ka ulit.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento