Linggo, Hunyo 16, 2019

LIFE at Five Months after Open Heart Surgery

#HeartStrong 

On the 29th of this month will be the 5th month to date since my OHS. To recap, they bypass my blocked arteries with the saphenous veins in my legs, they done the sternotomy on my chest cut my breast bone in half, they harvest 3 veins on my left leg to bypass my three blocked arteries in the heart, they cleaned out my aortic arch, they harvest again an artery from the left side of my chest wall. What can I say? They hacked me up pretty good. 

Life has been s-l-o-w-l-y creeping back to 'normal' in the past 5 months whatever that 'normal' means nowadays. 

I have really good days when I move freely and I can accomplish a lot, physically (commuting just fine, cooking my own breakfast, a little house chores cleaning, light malling) and I have days when everything screams in pain: my chest, my back, my whole upper body, generally my hips. My left leg is still numb. Some days they aggravate me, and they feel swollen, and some days the pain is bearable, and they just feel like annoying needles poking me. There are night chills and cold sweats where my body is fighting an infection.

"Before bypass surgery, this used to be my life song, especially on the Christmas time last year." - DEMON HUNTER - The Wind

These city lights illuminate your breath
As you tell of all the ways that you feel dead
December left you cold and alone
I'm sorry but I have enough to fear on my own
Dying to care
I'm searching for some solace in this air
But the wind
It cuts to my bone
The wind
This hollow breath of cold
The snowflakes fall like ashes into dirt
Like every hope that rose and dissolved into hurt
Dying to care
I'm searching for some solace in this air
But the wind
It cuts to my bone
The wind
This hollow breath of cold
The wind
It cuts to my bone
The wind
In winter's arms, I feel at home


My blood pressure has inched itself up to close to normal values. Finally, I'm slowly recovering from hypotension the lowest BP I had is 81/55 which is considered very low and there was also my time when I got the lowest heart rate of 49. I was rushed to the emergency in the morning because of this and the doctors adjusted my medicines. Last time I took it, it was 110 over 70, so slowly getting the diastolic closer to 70 now (used to be in the 50s for months)

I am still not able to carry much weight but I can push grocery carts with my mother. Unloading and loading them from commuting is hard, so I can't do it my mother and my sister did this every time. I tried a couple of times and start panting like a dog.

My chest is very sensitive, still. My incision (full sternotomy) has keloids from space to space, and it's still very sensitive and bright red. Sun hurts it even more, so I cover it pretty carefully when I am outside. I have days when my drainage tube scars on my stomach are very touchy, as well, and sometimes itchy.

I went on a family trip overnight in Baguio City last April. The drive up there was about 5 and a half hours, and the time in the car bothered my ribs a bit in a wild turning of Baguio's zigzag road.

The trip was great, overall, but I did get very tired the one full day we were there, from walking around in the heat. There were destination spots that I can't go especially when climbing up so I just wait for them patiently until they come back. 

I have had a couple of episodes of feeling dizzy and feeling like my head is too heavy, where I have to sit down and rest a bit, but those are very rare now, maybe once a week or so, and they are very short lived. They usually come when I am extremely tired, after doing too much, or when I am in the heat. Thank God it's rainy season now. I used to like summer before but now I turned into a pluviophile emo trash person. Lol!

There are days when you feel very strong and there are days when you're really weak and drained out energy. But when I feel the weakness, I'll nap, sit on the couch, and just catch up on life.

Five months ago, or even 2 or 3 months ago, all this would not have been possible! I am amazed every day at what my body can do. I still get no warning about being tired. When I have the stamina (and that has improved amazingly over the past 5 months!), I just go-go-go and usually the following day, the tiredness hits and I have to just stop the show!

I sometimes lie awake at night thinking of my new parts inside of my heart, the saphenous veins harvested from my leg and the left internal mammary artery harvested on my chest wall. I am visualizing them, and imagining them at work, and praying and casting a small blessing on them, asking them kindly to keep working for me. Let the continuous blood flow work inside my heart and arteries. Do not block easily. It's kind of eerie what they can do nowadays. I am so grateful that I had something that could be fixed. There are so many hundreds of thousands of afflictions out there that are hopeless for so many people. For innocent babies and unborn children, even. I got lucky! I am also learning to trust them more and more and seeing them as part of me, and not a strange 'body' anymore.

 My recovery song #HeartofCourage

The one thing that open heart surgery has taught me so far, a very powerful thing, is just how much our hearts work. Right after surgery, when my poor heart was beaten up senseless, and so tired and so weak, for a month, everything, even breathing, walking up a flight of stairs very slowly, showering took a Herculean effort. Sitting up was an effort, for days and weeks. Putting my shoes on took forever, and it rendered me breathless. This is how I knew my heart was not ready to do all these things yet, it was still recovering. I never take any move of my body for granted anymore, because I know of the amazing hard work that goes into it from my heart. I am so thankful and so humbled!

The 'rhythm' of the past five months has been just 'one day at a time', and I continue to keep that stride. I never have two days alike, and every day teaches me new things about myself, and about this heart disease journey. As one of my favourite songs goes, "Mask of steel, silent words, Waiting till the coin has turned", so I'm happily carrying through until the coin has turned for me, for my time to feel fully recovered. This is a lucky journey. I have been cast on and eagerly waiting what is behind every corner, of every day.

I would also like to share this wonderful quote from my favourite Christian band, Demon Hunter:

"When the sun is shining in our lives, it's important to remember that it's raining down upon someone else. It can be difficult to truly see outside yourself - especially when everything seems to be coming up roses. When we suffer, we expect the world to stop and suffer with us... But when we're basking in the glow of good fortune, we're often blind to those whose lives are in turmoil. This is a reminder to myself, as much as anyone else, to be mindful at all times of the difficulties others face." - Ryan Clark

Always be kind to someone you don't know what storms someone has just walked through.

Much health to everyone, ALWAYS!





Lunes, Hunyo 10, 2019

Rated SPG: Kwentong Banyo

'My peace of mind rest at our banyo.'


"Love hurts...oooohhh-wooohhhh....Love hurts...." ♪ ♫

Yan ang laging kinakanta ni tita habang pinapaliguan ako nung bata pa ako. Klasik ang banyo ng isang batang kalye. Ang mga pader ng banyo ang nagsisilbing saksi sa atingmusmos na hubad na katawan at iba pang mga ritwal.

Hindi ka huhusgahan ng pader ng banyo. Kahit pa napakabaho ng tae mo ay wala kang maririnig na panghuhusga. Kahit labing-dalawa pa ang daliri mo sa paa ay wala kang maririnig. Ang mga pader ng banyo ang totoong "man's best friend". Napaka-walang basehan ng sinasabi ko anoh? 

Walang mga katulad nating batang kalye ang hindi nagkaroon ng banyong may lumot. Siguradong may isang sulok sa mga tiles ng banyo na maraming lumot.Tignan niyong mabuti yung gilid ng tiles at makikita niyo ang kulay green na hindi mo alam  kung saan gawa na talaga namang kadiri pero dahil nasanay na tayo kaya hindi na talaga siya kadiri. 

Meron ding mga banyo na may malaking bato sa lagayan ng sabon. ito ang pang-hilod. Karaniwan ay nakukuha natin ito bilang souvenir kapag tayo minsan ay nakapaligo sa beach. Yung iba talaga sa atin ay nangongolekta ng bato na kasinglaki ng sabon para ipanghilod sa ating mga katawan. Kung walang "luffa", bato ang gamitin. Siguraduhing pumili ng magaspang na bato. Tanggal na ang libag, tanggal pa ang balat.

Pagkagising sa umaga, rekta sa banyo. Sa mga lalake, siguradong matitigas ang mga manoy niyo sa umaga kaya galingan ang pag-ihi dahil talaga namang mahirap i-shoot ang ihi sa inidoro kapag naka-saludo si junior mighty meaty hotdog. Huwag na huwag sasabihin kay ate kapag nalagyan ng ihi ang sabon niya sa mukha. Bad idea.

Unang buhos ng tabo. Mahirap tumayo ng kalmado sa unang buhos. Lagi akong napapatalon at kandirit na parang boksingero dahil sa lamig ng unang buhos. Hindi ko mapigilang kuskusin agad ang aking mukha sa unang buhos ng tubig.

Baradong inidoro - impiyerno ng buhay ko. Wala nang mas nakakapanic pa sa itsura ng tubig na tumataas habang tumataas din yung tae mo na akala mo isasama ka. Nakamamatay lalo na kapag hindi sayo ang taeng umaangat. Sa mga nagtataka, oo, kilala ko ang tae ko dahil kumain ako ng mais kagabi. At hindi ko tae 'tong umaangat ngayon dahil balat ng munggo ang nakadikit sa taeng ito.

Nakakadiri talaga ang tubig na umaangat sa baradong inidoro. Pero teka....ba't ako tuwang tuwa 'pag nagsu-swimming sa baha?

"ooohhh---woohhhhh, Love hurts" ♪ ♫

Razorback -  Banyo Song

Sarili mong mundo ang banyo. Isa rin itong masayang palaruan. Walang makakakita sa'yo kundi ang apat na sulok at mumunting ilaw sa itaas. Minsan dilaw na ilaw minsan naman ay puting ilaw. Ayaw ko ng puting ilaw dahil mas cleared yung itsura ng tae mo sa ganitong uri ng liwanag. Okay na yung dilaw para medyo may filter. 

Hindi kumpleto ang banyo kung walang tabo at inidoro. 'Yang dalawang 'yan madalas kong maisip kapag banyo ang pinag-uusapan. Nawawala talaga ang poise kapag nauupo sa inidoro e noh? Mag-isip ka ng artistang tumatae sa inidoro. 'Di ba napaka wa-poise?

Pa'no ba kayo jumebs? Para bang tumutulak ng mabigat na aparador ang ginagawa niyong tunog? Wala naman sigurong humahalinghing kapag tumatae anoh? O di kaya ay ma-pride kayong hindi nag-iingay? Ang sarap kayang sumigaw habang tumatae. Try niyo kahit mamaya pagpasok niyo ng banyo.

Ako kasi ang style ko sa pagtae medyo kapag nararamdaman ko na ay gusto ko muna mapag-isa habang pinipigil ko muna. Ang sarap kasing magpigil muna bago mo ibulwak sa banyo. Pero wag ka magpipigil kapag alam mong basa ang ebak mo siguradong magtutunaw ka na Hershey's diyan sa brief mo at baka umabot pa ang sabaw sa iyong salawal.

Madalas akong naririnig ni nanay kapag tumatae, kaya tuwing natatapos ako e automatic na ang, "o-i-flash mo agad yan," samantalang ako naman e busy sa kakapanood ng naglalanguyang kulay brown sa ilalim ng puwet ko. Ewan ko ba, pangit naman ang itsura at mabaho pa ang tae, pero parang mina-magnet angmgamata ko kaya napapanood ko silang umiikot-ikot at nag-d-disintegrate. Hihinga ba ako sa ilong o sa bunganga?

Nakakakabang nakakatawa ang paliligo sa umaga. Pagbuhos pa lang ng tubig eh hindi puwedeng hindi ako sumigaw nang pakanta at magjogging in place ee. Tapos automatic nang kukuskusin ng kamay ko ang dibdib ko. Minsan e maiisipan kong maglaro at i-splash ang tubig sa tabo sa kisame hanggang sa mapundi nang tuluyan ang ilaw. 'Pag basa na ang kisame e tutulo ang tubig na parang umaambon. Realistic! Realistic talagang may latay ka ng sinturon pagkatapos ng fresh mong pagligo.

For some reasons e tuwang-tuwa akong laruin ang tubig sa tabo. Isasaboy ko sa ding-ding, sa pinto, o salamin ng banyo. O di kaya sa tao sa tapat ng banyo. Basta may mabasa lang eh tuwang tuwa na ko. Gusto ko rin 'yung thrill kapag nilulublob ko 'yung muka ko sa balde na para bang nalulunod ako. Kapag feeling ko e mamamatay na ko sa pagkalunod e iaangat ko nang mabilis ang ulo ko at mauuntog ako sa gripo. Tanga. 

May nakapaligo na ba sa inyo sa drum? Syet ito ang isa sa pinakasamasarap na naranasan ng isang batang kalyeng katulad ko yung pagkatapos niyong maglaro ay papayagan ka ng nanay mo na lumublob sa naguumapawa at napakalamig na tubig sa drum o kaya minsan naman tuwing Summer ay ipaglalatag ka nila ng mini swimming pool hindi sa banyo kundi sa gate at dun kayo magbababad. Haaaayyy ang sarap bumalik sa pagkabata anoh?

'Ligo sa drum days' (photo not mine)

Swerteng hindi naman ako nabagsakan sa paa ng malaking batong panghilod. Hassle naman ang paggamit nito dahil ambigat kaya ang hirap linisin ang buong katawan nang maayos. Basta puting Safeguard ang gamit ko e sigurado akong 99.9% of germs ang natanggal sakin. Hay, gusto ko rin singhutin ang amoy ng Johnson and Johnson's Shampoo. Yan yung nasa kulay na dilaw na bote. "No more tears."

May mga oras din naman na takot ako pumunta sa loob ng banyo kahit pa taeng-tae na ako. Dahil minsan bumibisita ang mga pinaka kinatatakutan kong mga friendly kisamehood na creepy crawlers katulad na lang ng mga giant spiders. Taena magkamatayan na ayoko maligo o tumae ng may gagamba diyan sa loob ng banyo. Bumaho na kung bumaho, magkalat na ko sa brief ayoko sila maka jamming sa loob. Alam ko ugali nila akala mo nakatambay lang sa pader pero tinitignan ka ng mga yan minsan trip nilang talunan ka. Ewan ko ba idol ko si Spiderman pero takot na takot ako sa malalaking gagamba. Di bale na ipis ok lang ako sa ipis ee. 

'Gagamba sa banyo' (Titi not mine)


Lalong tumatagal ang pagligo ko kapag kasabay ko ang mga pinsan ko. Syempre may mga kalaro na ko! Isa sa mga nilalaro namin ang patagalan sa pagpigil ng hininga. Sabay sabay  naming ilulubog ang ulo namin sa balde ng tubig at kung sino ang unang umangat, syempre siya ang talo. Ako naman ang palaging talo pero minsan eh nananalo rin ako.

Siyempre hindi rin mawawala ang bugahan ng tubig sa mukha galing sa bibig. Tapos ka na maligo at ang bango-bango mo na eh bigla kang bubugahan ng tubig galing sa bibig ng kalaro mo. Pupunasan mo na lang ng tuwalya ang mukhamo at tatamarin nang maghilamos pang muli.

Pagkatapos maligo... Tuwalya!! Yan ang palaging eksena pagtapos maligo. Out of 10 times na papasok ka sa banyo para maligo ee isangbeses mo lang maaalala na magdala ng tuwalya bago ka maligo.

Kaya ko lamang talaga naisipang isulat ito dahil barado ang aming CR. Kailangan nang tawagan ang Malabanan All-Stars.







Martes, Hunyo 4, 2019

Horoscope

'Mag-relax at makinig ng mga klasikal na musika'



LEO  (July 23 -- August 22)

Makakahiligan ang mga klasikal na musika at ito ay makakatulong sa depresyon at problema. Mababawasan ang paghanga ng isang lihim na nagmamahal dahil sa sobrang kayabangan. Lucky numbers at color for the day ang 18, 29, 38 45 at navy blue.

Yan ang sabi ng tabloid para ngayong araw. Kaya kailangan bawas yabang muna habang nakikinig ng klasikal na tugtog at naka navy blue. Pota, hindi ata ako yan.

Kapag nakakalito ang buhay-buhay, horoscope ang syang takbuhan ko sa susunod kong mga hakbang. Pumalpak man, syempre horoscope lamang ang masisisi.

Noon yun.

Nadala na ako. Ayoko na. 

Kalimitang pumapalpak ang aking buhay sa kakasunod niyan. Ngayon binabasa ko na lang ang horoscope ng ibang tao. Gemini: ang zodiac sign ng taong nagpapatibok ng puso ko. Scorpio: zodiac sign ng taong nagpapapintig ng aking puson. Binabasa ko ang kapalaran nila araw-araw para malaman kung sumasang-ayon ang mga bituin sa aking masasamang balak.



Mas trip kong basahin ang Tagalog na horoscope. May lucky numbers kasi. Na kapag tinayaan mo sa lotto ee unlucky naman. Kaya sa susunod naisip ko, bago tumaya, basahin muna ang lucky numbers, tapos ibang numero ang tatayaan. Baka mas malaki ang tsansang maka tsamba.

Ang kapalaran kasi kung minsan tsambahan. Hindi natutumbok ng kutob ng horoscope. Pero eto basa pa rin naman ako ng basa. Parang hinihintay ang hulang magpapasaya sa akin. Kung ako ang gagawa ng sariling prediksiyon, malamang ganito ang isusulat ko:

LEO (July 23 -- August 22)

Hindi ka lamang yayaman sa lotto bukas, mapapasakamay mo pa sina Gemini at Scorpio ng sabay. Kaya magrelax muna at makinig ng klasikal na musika. At para mapanatili ang lakas, limitahan lamang sa pitong beses ang pakikipagtalik.



Linggo, Hunyo 2, 2019

Tocino: The Kiddo Tocino Story

'Ang mga sugat at peklat na nagpapa-alala ng ating kabataan'


Na-miss ko na naman mag-blog ng isang bagong mala-throwback na blogisode. Medyo matagal tagal na rin ang huli kong piyesa. Kaya let's go down memory lane ulet at tayo'y magkwentuhan.

Sabado. Mga alas-kwatro ng hapon. Ayan na, matataya na ako ni Bokyong baldog! Takbo, Takbo pa! Sige! Hapit lang ng hapit! Huwag mo akong bibiguin, Sandal Bida kong kulay pula! Ayan... parang bumabagal na si baldog...ay puke! Ayan na naman siya! Takbo! Sige pa! Pagod na ako! Hindeeee! Hindi pa! Mabuburot ka 'pag nataya ka sigurado dahil bano ka sa mataya-taya! Wag! Kang! Mag-pa-pa-ta-arekup!!!

Squiiirrrkkkkk!!!! Hinto ang lahat.

(a moment of silence)

ARAAAAAAAAYY!!!

Dagsaan ang mga kaibigan ko sa akin para palibutan at panoorin nila ako habang pinipigil ko ang dalusdos ng aking luha at sipon. Ang haba ng sugat ko at kulay tocino sa pula. "Huwag niyong sasabihin sa Nanay ko." Asa pa. Siyempre nakita na ako nung bata kong kapatid at ibinalita na agad sa bahay kung anong nangyari sa akin. Dali-dali at tumakbo na si Manang para kunin ako. Kumakandirit na ako pauwi sa bahay at nanginginig nginig pa ang binti.

Pagdating sa bahay ay naghihintay na ang nanay ko, hawak ang mini-palanggana at bulak.Siyempre nakatago ang malulupit na armas na siya naman talagang magpapaiyak sayo hanggang lumuha ka ng dugo. Bago ang lahat may mini-sermon muna yan bago ka kunin at i-torture - lines tulad ng "Ayan, lalampa-lampa ka kasi eh! Sinabi nang dahan-dahan sa paglalaro eh... (Puta 'Nay kung dahan-dahan akong maglalaro eh di lagi akong taya!) Pero siyempre sa isip ko lang yun.

Pagkatapos ng sermon at hahawakan na ni Manang at Nanay ang binti ko nang napakahigpit. At 'pag naka-lock na ang kapit nila, ayan na! ilalabas na nila ang mga demonyo sa buhay ko!

Ang unang test ay ang Agua Oxinada! Ito ang unang atake.Ipapahid ito sa sugat ko. Napakalamig sa simula, tapos kapag nakita mo nang bumula ang sugat mo, pumikit ka na at mag-imagine ng mga eksena sa Takeshi's Castle dahil papatayin ka agad neto sa hapdi. Nung first time kong nagamitan ng Agua Oxinada na  yan ay nagwala ako at natabig ko ang lalagyan nito. Tumalsik ang laman at napunta sa buhok ni Manang. 

Simula pa lang yan.



Merthiolate - heto ang second layer ng parusa. Mamula-mula ito at parang katas ng sili na mas magpapahapdi pa sa naunang naidulot ng Agua. Parang sinusunog nito ang sugat mo. In other words, "niluluto ang tocino" mo.

Betadine - haay sa wakas...ito ang pinakagusto kong stage dahil hindi ako nahahapdian sa betadine na yan. Kaso nga lang, yung tocino kong mamula-mula kanina ay magiging mukhang inadobo na may ginto sa paligid. Medyo kadiri ang kulay neto dahil parang black-gold ang tuhod mo.

Lahat ng batang ka-dekada nobenta ko ay dumaan sa tocino stage. Sa mga magulang na nagbabasa neto, kapag nagkatocino ang inyong mga anak ay huwag kakalimutang sabihin sa kanila ang pinaka-comforting na words habang nilalagyan mo ng alkohol ang sugat nila....

"Hala ka... lalabas na yung pari!"

Totoo ba yun? Na kapag bumubula pa ang Agua eh madumi pa sa sugat mo? Ilang beses ako nagtiis hanggang sa hindi na bumula yung Agua ee.

Kapag natuyo na ang sugat mo eh tatapalan na ng Mediplast ban eyd (band-aid). Palagi kong tinatakasan ang nanay ko sa pagpalit nito araw-araw. Hindi ko talaga ipinapaalala sa kanya para hindi niya matandaan. Eh ang sakit kaya tanggalin ng band-aid kapag hindi pa tuyo ang sugat mo. Ilang araw ko 'to papatagalin sa sugat ko para pagtanggal ko nito, swabeng-swabe at walang kasakit-sakit. Magmamarka nga lang ito sa balat mo na parang paikot na libag.

Ang mga sugat - ito ang nagpapahasel at nagpapasira ng momentum ng pag-e-enjoy sa kalye. Parating sumasaktong sa tuhod tayo nagkakasugat para talagang hindi tayo makakalaro sa labas. Pwede namang sugat sa siko o di kaya sa tenga.

Ang sugat ay isang marka ng pagiging batang kalye. Kumbaga sa frat, ito ang patunay na naranasan mong maging kawawa pero bida pa rin sa huli. Cool pa rin 'yun!

Automatic na kapag nasugatan ako e iiyak ako. Bata e. At parating nangyayari 'to kapag nagtatakbuhan. Sa di malamang kadahilanan, matitisod na lang ako at hahalik ang tuhod ko sa tigas ng semento sa daan, o kahit sa lupa pa yan. Namumula, may kasama pang lupa at buhangin, paramg tocinong may paminta. Sarap!

Meron pang isa. Rhea Rubbing Alcohol. Walang patawad sa mikrobyo!

Ang hapdi talaga ng alkohol! Bakit ba walang gumagawa masyado nung huhugasan nalang 'yung sugat tapos sasabunan? E hindi naman masakit? Eh uso na naman ang Lifebuoy noon ah. Ang Lifebuoy yung matinding ka-kompetensiya ng Tender Care at Safeguard noon ee. Anyway, gamit ang bulak e dadahan-dahanin pa ni nanay ang pagpahid ng bulak na may alkohol sa sugat ko. Tapos iilag-ilag pa ko na para namang maiilagan ko talaga 'yung alkohol. Uhmm! Hapdeeehh! Ihip ihip ihip (na nakakunot ang noo)!

Ilang araw pagkatapos kong masugatan e sisilip-silipin ko 'yun sa ilalim ng band-aid. Tapos e dahan-dahan kong tatanggalin ang band-aid hanggang sa makikita ko na lang ang mga kamay ko na binabakbak ang sugat ko. Ang sarap bakbakin! Sana may isang malaking sugat para babakbakin ko 'yun nang babakbakin maghapon! Pagkatapos ng umaatikabong bakbakan habang labas pa ang dila ay....

Balik na uli sa kalye para maglaro.

Game!





Linggo, Abril 7, 2019

Tatlong Kahilingan (KaHILIGan)

'Your wish is my command'

Nakatingin siya sa poster ng isang grupo ng kababaihang mananayaw na nakadikit sa dingding ng kanyang barong-barong. Gigil na gigil siya sa mga ito. 

"Kelan ko kaya matitikman ang mga ito? Mamamatay na yata akong mahirap at hindi nakakatikim ng magagandang babae."

Napagdiskitahan niyang ayusin na ang mga napulot na kalakal sa sako para maibenta.

Unang dukot ay boteng plastik ng softdrinks. Ikalawa ay mga bungkos ng papel. Ikatlo ay alangang bakal at tanso. Isang nangingitim na lampara. Kinuskos niya ito para malaman kung ito ba ay tanso, bakal, alloy o kung ano man.

Nabigla siya nang may lumabas na usok sa lampara. Napatakbo siya sa sulok ng kanyang kwarto. Nanginginig na siya sa takot. 

Sumunod ang usok sa kanya  Nag-anyong tao ito. At narinig ang isang tinig. "Wag kang matakot. Utang na loob ko sa iyo ang kalayaan ko mula sa libong taon pagkakakulong sa lamparang iyan," itinuro nito ang hawak niyang lampara. "Tatlong kahilingan ang ibibigay ko sa iyo."

Hiniling niyang bigyan siya ng isang baul ng kayamanan. Nakuha niya ito. Hiniling niyang itira siya sa mala-palasyong tahanan. Ipinagkaloob sa kanya. Hiniling niyang ibigay sa kanya ang grupo ng nagagandahang babaeng mananayaw na naka-display sa dingding ng barong-barong na dati niyang tahanan. Ibinigay sa kanya ito. At biglang naglaho ang nagkatawang taong-usok.

Inalok niya ng tig-iisang bara ng ginto ang mga kababaihan basta't pagbigyan lamang siya nang gabing iyon. Walang anu-anoy nagsipaghubarang ang kababaihan.

Abot-abot ang kabog ng kanyang dibdib. Nilapitan niya ang isa, ang pinakamagandang mukha sa buong grupo. Pinahiga. Nanginginig ang buo niyang katawan. Habol niya ang hininga. At nang tangka niyang umibabaw sa babae, biglang nanikip ang kanyang dibdib. Hindi siya makahinga. Napahandusay siya sa ibabaw ng babae. Sumabay ang tili ng iba pang babae. Nagtakbuhan papalabas ng mansiyon ang mga ito.



"미안, 그건 정욕이야!." (Korean trans)

("Putangina, ang tanda tanda na kasi ang libog libog pa!") -sigaw ng babaeng kanina'y nadaganan.







Biyernes, Marso 15, 2019

Yes Sir! Yes Ma'am!

'good ol days'

May mga bagay na gusto kong balikan sa loob ng apat na sulok ng aming silid-aralan. Mga pangyayaring nagaganap sa araw-araw mapa-estudyante man o teacher. Ang pawang mga pangalan na mababangit sa blog post na ito ay gawa-gawa lamang ngunit naglalarawan ng mga katutuwang ganap sa loob ng isang paaralan.

Ang aming classroom teacher ay napakabait si Mrs. Dumaguinding. Papasok siya sa silid-aralan namin, hawak ang kanyang record book sa kanang kamay at ang plastik na puno ng pastilyas sa kaliwa. Akala mo mamimigay siya sa buong klase noh? Diyan ka nagkakamali.

Ang mga guro ay talaga namang mga haligi ng edukasyon. Kung wala sila, siyempre walang pers onor, walang piltrip at higit sa lahat, walang latay ng ruler ang aking mga kamay! Ipapakilala ko sa inyo ang ilan sa aking mga naging guro nung elementarya at hayskul.

1. Shempre, unang una ay ang negosyanteng mala-Henry Sy si Mrs. Dumaguinding. Lahat ay kanyang ibinebenta - pastilyas, kaldereta, binatog, champorado, kilawen, Marvin and Jolina notebooks at madami pang iba. Kulang na lang ay pumasok siya sa skul nang naka-daster at may hawak na pambugaw ng langaw. "Hoy! H'wag n'yong pisat-pisatin ang notebook na yan! Baka maging bilasa si Jolens diyan! Andami niyong tanong hindi naman kayo bibili! Ok, turn your books to page 34."

2. Mr. Reyes - siya ang panot kong titser sa Math. Napakagaling neto sa mga numero. Alam niyang sagutin lahat ng tanong namin. Lahat ng bagay ay alam niya ang sukat. Basta numero yan, walang tatalo kay Mr. Reyes. Kamakailan lang ay napadaan ako sa Sta.Ana. Nakita ko si Mr Reyes, kubrador na ng jueteng at ng karerahan. Kaya pala nagresign si sir. Ayos!

3. Si Maestro Celerio - Siya ang aming 85 years old music teacher. Siya na malamang ang nakita kong pinaka-gurang na tao sa aming skul. Ngunit hindi pa din siya pinapalitan at siya pa din ang kunduktor ng skul band. Isang araw, habang nagmimisa kami sa skul, tinugtog ng banda ang "Bahay Kubo" habang nagkokomunyon. Nagtaka ang lahat kung bakit Bahay Kubo ang ibinackground music pota! At nung variety show naman ng skul ay "Ama Namin" ang tinugtog ng banda. Haay Maestro...

The Lazy Song (teacher edition)

4. Miss Buenafe -  ang seksing seksi si Miss Buenafe... Haay ilang leeg na ang nabale dahil kakaboso sa kanya. Science naman ang kanyang tinuturo. Nasa plants pa lang kami ay gusto na naming tumalon sa human anatomy. Sa tingin ko naman ay alam niyang binobosohan siya dahil lagi siyang nagsusuot ng mga kaboso-boso at makamundong pananamit tulad ng see-through sa pantaas at mga maninipis na damit na talaga nga namang nagpapabakat sa lahat ng mag puwedeng bumakat sa katawan niya. Uggghhh. Sana ay kunin na siya ng Seiko Films.

5. Si Mr. Versoza - Kulot, bigotilyo at mabalahibo ang dibdib. Siya ang aming official na manyakis na P.E. titser. Puro kami lalake at kitang kta ang tuwa sa kanyang mga mata tuwing nagbibihis kami at nagpapalit ng aming P.E. uniform. Maigsi ang kanyang shorts at halos kumaway na ang kanyang yag-balls sa amin kada P.E. Dati ay tinawag niya kami isa isa para mag physical test. Nung ako na ay....ay.... teka.... (hikbi!)....uh....sandale....hindi ko ata kayang ituloy....let's move on to the next teacher...

6. Ms. Mendoza - siya ang matandang terror na walang asawa. Sa tingin ko'y lahat ng ekwelahan ay may katulad niya. Grabe pa sa T-rex ang lupit ng titser kong 'to! Matignan lang niya ko e para na akong natutunaw sa takot. Kapag hindi mo naisulat ang pangalan mo sa test paper mo ay pupunitin niya ito sa harap mo. Kulang na lang ay hugutin niya ang  puso mo mula sa katawan mo at nguyain ito sa harap ng buong klase. Nasa chapter 1 pa lang kami ay nagtatanong na siya tungkol sa chapter 10. Tanginang titser yan!

"Ma'am ma'am ma'am ma'am ma'am!" nakataas ang kamay ko at halos nasa muka niya na ang muka ko. Nakakainis! Talagang ayaw akong tawagin para makasagot sa recitation.

Kahit bwisit na bwisit ako sa  titser kong mukhang may peyborit na tawagin, lab ko pa rin siya. Totoong pangalawang magulang na natin sila ee, dahil maliban sa nanay at tatay ko ay siya ang pumapalo sa pwet ko.

Tipikal nang nauuna ang mga estudyante sa kanya sa klasrum, para may 'effect' pagpasok niya. Bababa talaga ang happy school day meter ko ee. Feeling ko parati niya akong tatawagin bigla para itanong kung ano ang bagong science news report na alam ko.

Ito ang kadalasang mga armas ng aking butihing guro:

1. Chalk at pambura. Minsan nakalagay pa sa bulsa ni mam ang pambura. Sulat nang sulat. Bura nang bura. Pwede rin niyang ipambato ang chalk sa makulit na daldalero sa row 4. Minsan kapag todo meter ang galet pambura ang inihahagis sana lang target lock si mam sa madaldal na yun dahil iba ang tatamaan.

2. Big eyeglasses. Matalinaw talaga. Kayang-kayang hulihin ang mga nagkokopyahan sabay dilat na paranf kakain ng bata.

3. Patpat. Panturo ng mga salita sa pisara. Panghampas din sa pisara kapag maingay na ang klase. At syempre, hahampas din 'yan sa mga palad mo 'pag makulit ka.

4. Teacher's table. 'Yan ang base niya. Bigla na lang sumasakit ang ulo kapag lumalapit ako diyan ee. Parang may electromagnetic waves.

5. Spy. Tangina ito ang sipsip na kaklase mong hindi mo alam eh nagchuchuchu na pala sa titser niyo. Madaming ganyan ee.

(special mention: ang takong ng sapatos ni ma'am na pang-apak sa sapatos mo, at ang mahahabang kukong pangkurot sa singit mo)

Tanya Markova - Linda Blair


Pero hindi naman lahat ng titser eh terror talaga. Nagkataon lang na nakakatawa ang eksena 'pag nagkakahulihan ng mga maiingay at natutulog sa klase.

Napansin niyo bang may mga titser na parang balisa magturo? Kung mapapansin niyo, kaliskisin ang mga kamay nila. 'Yan ay dahil nagmamadali na silang umuwi para isilong ang mga sinampay nilang damit sa labas ng bahay nila. Hindi na nga nagpapa-pray yan ee.

Meron din mga titser na 'cool'. At diyan ako kadalasang walang natututunan. Mas madalas kasi silang magpakopya sa blackboard kesa magsalita. Sila rin madalas magpauwi ng maraming assignment sa libro. 

Si sir. Hindi naman lahat ng mga naging titser ko e babae. Meron din namang lalake, pero kadalasan eh P.E. teacher yun. At hindi kayo nag l-lesson. Puro laro lang kayo sa quadrangle ng kahit anong sports. Isa rin siya sa mga pinaka-laidback na uri ng titser. Mabilis pang mag-check ng papel. Hindi sinasadyang nakakuha ako ng 98 sa isang exam na dapat sana ay 89 lang. Yahooooo!

Ang napakabait at maluwag - eto ang paborito naming lahat, si Mrs. Tolentino. Bihira siya magalit at mananway ng mag-aaral. Basta magtuturo siya at bahala na kayo kung ano gawin niyo. Daldalan at kulitan to the max na! Inggit na inggit na naman ang kabilang klase dahil parang palengke sa gulo ang klasrum namin. Palaging hirit ng mga mahigpit na titser yan, ang palengke hirit. "Nasa iskul ba ko o nasa palengke? Ang iingay niyo parang palengke ah!". O mabalik na tayo kay Mrs.Tolentino.
Pinakapaborito talaga namin siya kapag exam.  Huwag ka nang mag-aral at siguradong parang "xerox copy" ang mga test papers namin sa kopyahan. Kulang na lang eh pati pangalan namin magkakapareho (pero nangyari na talaga 'yun dati isang beses. Ambobo ng kaklase ko eh!).

Salamat sa inyo aking mga guro. Iimbitahin ko kayong lahat kapag kinasal na ako at sana naman Mr.ersoza, magpantalon ka sa oras na 'yon.


"Goodbye teacher! See you to-mooh-rroooow!"






Miyerkules, Enero 2, 2019

Tanghaling-Tapat Throwbacks

'Memories of your tanghaling-tapat childhood TV'


"Ayan, tapos na ang Teysi ng Tahanan!" Magre-ready na ako para sa Eat Bulaga. Actually, channel 2 pa ang Eat Bulaga noon at bago pa man ako magkamalay ay nasa Channel 9 pa siya. 9 minus 2 equals 7, kaya nasa GMA na siya ngayon. Klaro?! Yan ang scientific explanation kung bakit nasa GMA na ang Eat Bulaga. Lol, seryoso yan maniwala kayo."

Anyway, napakaimportanteng oras ng araw ang tanghali sa buhay ng usang kalye boy na tulad ko noong panahon ng nobenta. Para sa mga pang-umaga sa skul, ito ang ang sumasalubong sa kanila pagdating sa bahay. Para naman sa mga pang-hapon, ito ang sinusulit na oras tuwung half-day dahil bihira sila mag-spend ng oras sa bahay tuwing tanghali. Cartoons naman sa tanghali ang kanilang naaabutan pagkauwi kapag scheduled cleaners ka ay nako TV Patrol na ang aabutan mo kung minamalas malas ka.

Para sa akin, ang Teysi ng Tahanan ang pampainit o "warm-up" show para sa tanghali. Dito, magpapakita sila ng mga recipes at mga issues na pang-tita o pang-nanay o pangkatulong. Pagkatapos nito ay deretso na sa star ng tanghali - Eat Bulaga sa Ch 2 ay Lunch Date naman sa Ch 7. Kung nasa kolehiyo pa lang kayo ngayon ay malamang hindi niyo alam 'tong mga pinagsasabi ko dahil baka hindi niyo na naabutan ang mga palabas na 'to pero yung EB nandito pa rin naman pero nasa ibang channel na.

Teysi ng Tahanan

Habang pinapalabas ang mga shows na ito ay  tatatak sa utak ng mga manonood ang mga patalastas tulad ng C.Y. Gabriel Soap, Lydias Lechon, Dakak, Caronia Nail Polish at Caress. Naaalala ko kapag medyo boring ang hapon ay may kaunting games kame kapag patalastas. Unahan kami manghula kung ano ang produkto ng patalastas ang ipinapakita. Skoran minsan race to 10.

"...with magic Caressss, Caresssss... Color every magic  mohmeeent...."

Eat Bulaga, Bulagaan '88

Kung ikaw naman ay avid fan ng PTV 4 ay siguradong maaalala mo ang Vetracin Multicaps - ang gamot para sugpuin ang bulate ng mga alaga mong baboy. Ito ang patalastas ng sikat na drama anthology noon na "Balintataw".

Kung RPN 9 fan ka naman ay siguradong alam mo ang palabas sa tanghali na Buddy en Sol na later on ay inilipat sa gabi.

"Buddy en Sol! Hindi mapaghihiwalaaaay! Laging magkasama, sa saya at lumbay, magkaibigang tunay na tunaaay... Buddy en Sohoooool...."

Dito ko nakilala si Ces Quesada at ang paminsan-minsang pag-gueguest ni Soxy Topacio. Channel 9 din ang tahanan ng Champoy at ng Reycards. Kung hindi niyo naaalala si Carding ng ReyCards ay tignan niyo na lang yung mga kaibigan niyong malalaki ang bibig. 

Siyempre hindi mawawala sa listahan ang Agila, Valiente, Annaluna at Mara Clara. Heto ang mga palabas na kinalakhan ko noon habang pinipilit akong matulog ng nanay ko.

Paiba-iba ang pasok ko noon. Nung grade 1 ako pang-umaga ko, nung grade 2 pang-hapon at grade 3 pang-hapon ulit. Kaya naranasan ko ang makanood ng Teysi ng Tahanan bago pumasok na palaging kinokomersiyal ang Tiki-tiki.

"Tiki-tiki for baby..."

Nakanood rin naman ako ng Buddy en Sol pagkauwi nung pang-umaga naman ako. Isa rin sa mga napapanood ko sa tanghali eh ang Bistek starring Herbert Bautista. May pinapanood din ako noon sa hapon yung kapatid naman ni Herbert si Hero Bautista pota nakalimutan ko title basta may powers yung reading-glasses niya.

Buddy en Sol

Ang lakas rin ng loob ng Lunch Date nun para kalabanin ang mighty Eat Bulaga. Pero kahit papaano lumalaban naman kasi yung lola ko ay yun ang pinapanood eh. Napapanood rin naman ako kasi naging crush ko nun si Ms. Toni Rose, ang ganda eh! kaya medyo inis ako nun kay Louie Heredia kasi parang sila ang pinagpapartner nun ee.

Tangina isa pang tumatak sa isip ko yung Student Canteen ee prep ako nun ee kumakanta si Randy Santiago nung "Hindi Magbabago" ginugulpi ako ni Nanay dahil mababa ang nakuha kong score sa 1st Quarter exam eh nagkabigayan ng result ng exam at di ba kailangan papirmahan sa magulang yun. Tangina na-hanger tuloy ako habang kumakanta si Randy Santiago may background song pa tuloy ako habang ngumangawa sa iyak. 

Student Canteen, 1986

At yung Mara Clara naman, tingin ko siya na ata ang pinaka-mahabang telenobela sa kasaysayan ng telebisyon higit pa sa ngayon na Probinsiyano. Hindi pa kasi uso noon ang memes baka kung sakaling nauso na nagawaan din ito ng sari't saring nakakaaliw na memes. Eh biruin mo ba naman sinabayan ako sa paglaki ko nito ee. Puchang diary yan napakatagal mahanap at maisiwalat ang nilalaman. Pero medyo natakot rin talaga ko kay Gary (ang akalang tatay ni Mara) nun. Ang angas rin kasi talaga ng mukha eh at parang papatay talaga ng tao eh. Kulot na hindi maputi at hindi rin talaga artistahin yung mukha. Lamang lang siya ng isang paligo sa mga goons ni FPJ.

Mara Clara

Ang parang isa sa mga naging closing shows naman ng mga tanghaling palabas eh ang Cristy Per Minute.

"Cristyyy Per Minte!!! tug tak, tug tak, tug tug tak!!!"

Kaya medyo naging updated rin ako sa showbiz nun dahil hindi rin pinapalagpoas ng mga tita ko ang programang yan. Impiyernes ok ang showbiz na yan. Trenta minutos lang yan araw-araw eh pero sinusulit talaga nla bawat minuto mabalita lang lahat ng showbiz tsismis noong araw.

At tsaka sino ba naman ang hindi makakalala sa kanang kamay ni Ate Teysi na si Eagle Riggs na may segment na, "Eagle's Nest?"

"Salo-Salo Together!" SST! Sa channel 7 din 'to at nadikitan ng SST sticker ang pintuan ng bahay ng kapitbahay ng kaklase ko kaya nanalo sila ng pangkabuhayan showcase! Astig!

Jollibee friends @SST

Pero alam niyo wala na sigurong mas kaklasik pa sa Bulagaan Portion ng Eat Bulaga. Talagang bentang-benta sa masa ang "knock-knock who's there" at ang batuhan ng pie ee. Ang tatatak namang komersiyal sakin nun ay ang walang kamatayang United Home Ferrous Sulfate at iba pa nilang gamot. Natutunan ko rin na ang Landmark noon ang biggest department store in Makati.

Nung lumipat ang Eat Bulaga sa channel 7 ay nagkaroon ng 'Sang-Linggo nAPO Sila sa channel 2 na sinusundan ng...

"Cristyyyyy Per Minute!!! tug tak, tug tak, tug tug tak!!!"

"Bawat ... ng chika, sobra sobra! Kaya dito ka na sa (sabay-sabay!) Cristy Per Minute!"

(bubungad si Cristy Fermin na nakaupo sa high chair.)

Cristy Per Minute Showbiz talk show

Yan nga yung talk show na maikli lang ang oras pero busog ka sa Chika. May mga celebrity guestings pa araw-araw sa Tik-Tak-Talk segment, at konti lang talaga ang itatanong sa kanila ni Ate Cristy.

Sometime around 1991, Valiente ang pinapanood ko pagkatapos ng Eat Bulaga. Dito naman takot din ako sa isang karakter yan ay si  Theo Braganza. At takot rin pala ko kay Odette Khan isa sa mga kakila-kilabot at magaling na kontrabida.

Teka may isa pa akong naalala, malamang eh naalala niyo pa ang isa sa mga unang hosting stint ni Arnel Ignacio. Tinapat ito ng Channel 9 sa Eat Bulaga at 'Sang Linggo nAPO Sila..

"Chichichibog chibog chibog chibog chibugan na.

Chibugan naaaa! Chibugan na!

Chibugan naaa! Chibugan na!

Chibugan  naaa! Chibugan na!

"Chichichibog chibog chibog chibog chibugan na!"

Orient Pearl band @Chibugan na noontime show

Noon talaga ang dami mong pagpipilian na noon time shows at quality drama tuwing tanghaling tapat ee kaya busug na busog na naman ang memory lane ko sa paglikha ng post na ito.

Teka pala meron pa palang isa na hinding-hindi ko makakalimutan na hanggang ngayon ay nandito pa rin pero hindi na original. Hindi siya noontime show at hindi rin drama serye. Tatahimik ang harutan naming magpipinsan kapag alas-tres na bilang respeto sa pagdarasal sa tanghali. Ito yun ee at ito yung original:

3 o'clock prayer habit







Biyernes, Disyembre 21, 2018

Yesterday Once More: Ang Pasko Noon at Ngayon

'Ang Pasko Noon at Ngayon sa Pilipinas'


Lumipas ang napakaraming taon marami ng mga pangyayari ang nagpabago sa buhay ng tao. Dala ito marahil ng patuloy na pag unlad ng lahat ng mga bagay sa ating kapaligiran.

Noon sulat lamang at wired telephone ang komunikasyon. Namimis mo ba si mamang kartero na isinisigaw ang apelyido mo sa tuwing may sulat kang dumating? Nakakamis din ang teleponong paikot mong ididial ang phone number na gusto mong tawagan. Pero ngayon bukod sa maari mo ng dalhin kahit saan ang tinatawag na cellular phone eh pwede ka pang mag-send ng mensahe o text messages.

Masarap na ring manood ngayon ng mga palabas sa telebisyon dahil puro high defnition na ang mga flat screen TV set na ating mabibili sa mga appliance store. Naalala ko noon yung TV namin na de pokpok kapag ayaw lumabas ang pictures sa TV frame at kapag panay linya lang ng alon ang makikita sa isang pokpok lang eh aayos na bukod pa sa black and white ang TV namin at de antenna pa. Gayundin sa mga sine at maging ang dating tinitipang mga makinilya o typewriter ngayon ay isang pindot mo na lang sa computer ay madali na ang komunikasyon. Lahat halos ng ating mga lumang teknolohiya ay nabago na, naging komersiyalismo na ika nga.

Maging ang selebrasyon natin ng Kapaskuhan na siyang nakamulatan nating araw ng kapanganakan ng dakilang manunubos na si Hesukristo ay naimpluwensiyahan na rin ng bagong mundo ng siyensiya, dahil parang isa na lamang itong ordinaryong selebrasyon, na bagamat naroon pa ang kasayahan ay tila ba parang wala ang dating tunay at ganap na diwa ng ating pagdiriwang na lilipas din pagkaraan ng maghapon.

The Carpenters - 'Yesterday Once More'

Dati, may mga nakikita tayong parol na nakasabiy sa mga bahay-bahay na mayroon pang mga kumukutikutitap na mga ilaw at Christmas tree, pero ngayon iilan na lamang ang mayroon nito. Madalang na rin ang mga batang nangangaroling na siyang tradisyon sa lahat halos ng panig ng mundo na naniniwala sa Kristiyanismo.

Naging tradisyon na sa mga Pilipino ang magdaos ng isang selebrasyon tuwing sasapit ang araw ng kapanganakan ng Panginoong Hesukristo. Hindi mawawala ang makukulay na kalsada, palamuti sa labas at loob ng bawat tahanan, mga handang pagkain para pagsaluhan ng pamilya. May iba't-ibang paraan ang bawat pamilyang Pilipino sa pagsalubong sa kaarawan ng Diyos. Ang iba'y nasa simbahan upang magpasalamat sa handog na ligaya at kaligtasan para sa kanilang pamilya, mayroon din namang mga pamilyang nagpupunta sa iba't-ibang lugar upang doon magdaos ng Pasko ay mayroon din pamilyang nasa kani-kanilang tahanan lamang na sabay sabay nagsasalu-salo sa hapagkainan at masayang nagbubukas ng ga regalo para sa bawat isa.

Sa aming pamilya noong dekada nobenta at nasa iisang tahanan pa ang bawat kamag-anak ay isang maligayang pasko ang laging bida. Hindi maaaring mawawala ang piniritong manok, ham at keso de bola sa la mesa at halu-halong putaheng pagsasaluhan naming magkakapamilya para sa Noche Buena. At kaysarap bilang musmos pa ay ikaw ang taga tikim sa tuwing may matatapos na putahe. Ang saya tignan ng may nag-iihaw, may nagpiprito, may nagpapaikot ng lechon, may nagagayat ng mga rekado para sa bawat ulam na niluluto habang kayong mga kabataan ay punung puno ng galak at laro habang  hinihintay ang gabi para salubungin ang Kapaskuhan at siyempre excited ka para buksan ang regalo mo. At pagdating ng Noche Buena mapapagod ang panga ng bawat isa hindi lamang dahil sa walang tigil na kain kun'di pati na rin sa walang katapousang kuwentuhan ng pamilya na tila hindi nauubusan ng mga bagay na pupuwedeng pag-usapan at kawilihan. Kuwentuhan dito, kuwentuhan diyan. Kain dito, kain doon. Kain mul kasabay ng walang tigil na kuwentuhan, ngunit titigil kapag bukasan na ng regalong makikita sa ilalim ng Christmas tree sa tahanan. Makikita ang ngiti ng bawat isa, habang isa isa na nilang binubuksan ang mga regalong natanggap nila. Sa mga ganitong pagkakataon masayang makatanggap ng mga materyal na bagay kahit pa anong presyo nio, maliit man o malaki dahil hindi lang ito isang bagay o gamit na iniregalo sa bawat isa; ito'y mga regalong mula sa puso dahil gusto ka nilang mapasaya.

The Carpenters - 'Merry Christmas Darling'

Fast forward. Pagdaan ng maraming taon, hindi na pala ako bata. Mahigit dalawampung taon na rin pala ang nakalipas noong huli kong maranasan ang ganiyang klaseng selebrasyon ng pasko sa aming tahanan. Noong ako'y bata pa, lahat ng pagkain sa lamesa ay unti-unti kong titikman lalo na ang paborito kong fried chicken ni Nanay. Pagkatapos ay makikipagkulitan sa mga pinsan at kapatid na kapwa ko kabataan, na tila walang katapusan ang tawanan at tila susulitin ang mga oras na kami'y magkakasama dahil pagkatapos ng Kapaskuhan, hindi na muli kami pupwedeng maglaro at magkuwentuhan na aabot ng madaling-araw. Pero ang pinakapaborito kong pa rte ng Pasko noong ako'y musmos pa ay 'yung bukasan ng regalo dahil tiyak kong kung hindi mga bagong kasuotan ang matatanggap ko, mga bagong laruan ang makikita ko pagkatapos kong pilasin ang balot ng mga regalo. Galak, tuwa, saya. Iyan ang aking nadarama noon tuwing Pasko.

Dahil ngayon, wala na gaanong masasarap na pagkain sa lamesa. Hindi na rin buo ang pamilya sa hapagkainan, kahit pa sa pagsalubong sa Kapaskuhan. Ngayon, wala na rin ang pinakapaborito kong parte ng kapaskuhan noong ako'y bata pa dahil wala na rin ang mga regalo sa ilalim ng Christmas Tree na tila lumisan na rin ang aming Santa Claus para mag-iwan pa ng mga regalo rito. Lungkot, sakit at luha. Iyan na ngayon ang nadarama ng karamihan sa tuwing sasapit ang Pasko.





Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...

Certified Great Reads