Huwebes, Hunyo 4, 2015

Raffle Fever

'Malas lang, tohl'
Hindi naman masama alalahanin ang kamalasan sa buhay, minsan kapag naaalala  mo ang isang bagay na sa tingin mo ay pinaglaruan ka ng tadhana, ay matatawa ka na lang. Hindi dahil throwback Huwebes kaya gusto kong bumalik sa parte ng nakaraan ng aking buhay. Walang nagdidikta sa'yo kung kelan ka dapat mag-isip, magsulat o alalahanin ang mga tagumpay, kahihiyan, kamalasan o kalungkutan. Automatic kasi sa kasalukuyang panahon na sa Huwebes lang gagana ang memorya mo para maghukay ng mga detalye ng iyong mga naranasan habang nabubuhay ka sa mundong ito.
Minsan naisip ko na nga na bigyan na lang lahat ng araw na katumbas ng Throwback Thursday,  bakit hindi ba puwede sa Lunes mag-isip? Maaari naman #MondayMemories, #TakingBackTuesday, #WednesdayWayDownMemories at #FlashbackFridays yung dalawang araw magpahinga ka naman sa kaiisip. Over thinking is not good for your health.

Ang problema ko mababaw lang naman. Pero nakakainis.

OO MALAS AKO SA RAFFLE. Inuulit ko MALAS AKO SA RAFFLE.

Noon, palagi akong nawiwiling sumali sa mga raffle. Yung mga raffle na kailangan ng proof of purchase. Bibili ka ng ganito , ganyan  tapos isasali mo yung wrapper. Ewan ko ba. Hindi pa naman ako nananalo e, iniisip ko na kung ano ang gagawin sa premyo. Kaya siguro minamalas. Ni minsan di pa nanalo. Counting the eggs kasi kahit hindi pa ito hatched. 

Pero hindi. Hindi ko ata matatanggap na ako ay malas. Naghubad ako sa aming CR at tumalikod sa salamin, tumungtong ako sa  inidoro para makita sa salamin ang aking puwit. Sinilip ko sa salamin, aba eh wala  naman. Wala naman yung "marka" na sinasabi nila. Oo naniniwala ako na wala naman akong balat sa puwet para malasin ng ganito. Mas gugustuhin ko pa kasing isipin na ako ay dinaya. Tama. Dinaya ako! Imposibleng hindi ako manalo. Sinusunod ko ata ang mga regulasyon. Pinapaganda ko pa ang aking sulat kamay. The best pa ang aking signature. Kumpleto ang address. Kulang nalang lagyan ito ng autographed picture ko e. Kaya lang di ko na nilalagyan. Parang panunuhol na yun, kaya wag na lang.

Ayan! Ayan ang aking sandamukal na basura sachet ng Extra Joss. Araw-araw ko yang iniipon pero hanggang ngayon wala pa rin silang parapol!! Araw-araw kong ibinubuhos sa aking ngala-ngala sa pag-asang lumakas ang aking dating! pangangatawan. Ngunit ngayon ako'y  nanghihina at mukhang mapupunta sa wala ang pag-iimbak na ito.Natunugan ata ng kumpanya ang aking mga pagpanic-buying at minabuti na lamang na wag magpa-raffle kasi bumibenta naman sila. Langya talaga.,

Dapat kasi hindi na ako umaasa e. Dapat kasi hindi na ako nagpapadala sa mga ganitong buladas/marketing strategy para bilhin ang ganitong produkto. Dapat kasi itapon ko na ang mga wrapper ng kendi, karton ng toothpaste, sachet ng shampoo etc. na iniingat-ingatan ko. Ako kasi yung  taong naniniwala sa kasabihang "may pera sa basura." Buti na lang madalang ang raffle sa mga sanitary napkin.

Makakabuti siguro sa akin kung itatapon ko na ito sa lalong madaling panahon. Mahirap na. Baka masyado akong maging attached sa mga basurang ito. Nakakahiya at baka pagkamalang basurahan na ang bahay ko at baka dito na lang din magtapon ng basura ang mga kapitbahay ko. Baka isipin nila na may business akong junk shop.  

Punyeta may naalala pa ko, trip ko rin kasing uminom ng softdrinks at inaamin kong adik ako dito. Nag-ipon rin ako ng maraming tansan. Ang ganda sa mata ng mga tansan na ito kapag nagsama sama. Sa tindahan kapag may umiinom ng softdrinks talagang inaantay  ko siya matapos at pag umalis na siya dadakmain ko yung tansan. Sabi ko lokong yun hindi niya ba alam na may prize ang bawat tansan na ito ng Pepsi Bottling Company? Oo to make the story short, ito ang first time na nanalo ako sa isang raffle. Halos magtatalon ako nung inannounce ni Miss Susan Africa yung numero ko sa likod ng tansan. Ang numero 349. Ito yung Pepsi Number Fever na bawat numero sa likod ng tansan ay may katumbas na pera. At sa pagkakataong iyon ay P50,000 pesos ang katumbas ng hawak kong  tansan. Halos magswimming ako sa mga nakolekta kong tansan noon dahil alam ko talagang may 349 ako at memoryado ko lahat ng aking hawak na numero. 

Ang masaklap lang.................(mahabang silensiyo) Anak ng pitumput pitong puting tiger shark, nagkamali daw ng announcement ng numero. At naging scam pa, dahil napakarami ng may tansan holders na 349. Naging kontrobersiyal yang Number Fever na yan noong dekada nobenta. Pusang-gala talaga akala ko eh may instant singkwenta mil na ko. At sa isip-isip ko naka-ahon na ako sa kamalasan. Yun pala e hindi pa rin. Nangako ang Pepsi na bibigyan na lang lahat halos may isan daang mahigit na tansan holders  ng tig papayb hundred pesos, ang kaso sabi ko sa inyo na lang, dahil sa pamasahe pa lang luging-lugi na ako. Sa Quezon City pa kukurbahin yung limang-daan. Di bale na!

Bakit kasi ang malas ko sa mga ganyan. Bakit ba hindi ako mabunot-bunot ng walang hassle. Ano kaya sa susunod, pa bendisyunan ko ke pader ang lahat ng aking entries. Baka naman  pagbigyan na ako ni Lord manalo. Ah ewan, basta! 
                                                      . 




Miyerkules, Hunyo 3, 2015

Bakit Nga ba Single pa rin Ako Hanggang Ngayon?

'Tell me why?'

Ito na nga siguro ang tamang oras at panahon para itanong ko yan sa sarili ko. Sakto ang lamig ng temperatura na ito para pagnilay-nilayan ang mga bagay na hindi ko nabibigyang pansin sa aking sarili. Tama ang timpla ng aking kape, swabe ang usok na dadampi sa aking mga labi habang lumalagok-lagok at humihigop higop, dahan dahan at unti-unting guguhit sa aking lalamunan. All systems go para bigyang repleksiyon ang sarili. Haharap muna ko sa salamin, pagmasdan ang sarili, at sambay isasambit at isisigaw ang salitang Chitaeeeeehhhhh Ganda Lalakeeeeeee ke ke ke ke (alingawngaw) kukulog at kikidlat ng pagkalakas-lakas bilang pagtutol ng kalangitan at magdudulot ng isang masamang panahon. Pero siyempre scene na yan sa dating pelikula at natural mente ako ay nagbibiro lamang.

So katanungan: Bakit nga ba Single pa rin ako Hanggang ngayon?

Ipinaglihi ata ako dun sa taong nasa loob ng bilog sa tuwing ipapapalabas yung Kapwa ko, Mahal Ko yung puro lang hand gestures habang nagsasalita ang host. Para yata akong silent films. O isang naka-mute mode na TV. Ewan ko ba, hindi lang talaga ako masalita, ang sarap kasing ipunin yung lawa y sa loob ng bibig hanggang mapanis, pag panis na duon pa lang ako hihikab ng pagkahaba-haba at hindi pa rin ako magsasalita. Bukod kasi sa mas madalang pa sa pag-ikot ng mundo sa araw kung magsalita ako, di ako  tumitinag sa pagkakaupo na parang estatwa sa mga gusali ng Roma at Italya. Lotus position. Aayain nila a ko kumain, tatango lang ako.  Yosi raw, ngingiti lang ako. Para akong magmemeditate sa harap ng computer.

Oo nga no, ang tahimik ko talaga, kapag kinausap ako ng babae ngingitian ko lang kahit wala naman akong  killer smile at makalaglag panty na dimple na katulad kay Rico Yan eh ginagawa ko pa rin. Sa isang araw,  ito lang ang lumalabas sa bibig ko: "Bayad po". "Para ho". "Pabili". "Hello". "Tang-ina". "Una na kayo". "Di pa ako  gutom". at "Okay". Pero nababahala din naman ako minsan. Baka  tuluyan na kasi ako mawalan ng salita. Kaya 'yon, thinking aloud mode muna ako minsan. Parang drama sa radyo ni Papa Dudut: "A, manonood pala ako ng TV." "Um, buti nga sa'yo." "Huhugasan ko na ang mga gulay". "Hay ang init naman. Mabuksan nga ang bintana". "Tangina ang tanga ko."

Yan ganyan lang ako mag thinking aloud dito sa bahay.

Wala akong katalent-talent sa pagiging chummy. 'Yong iba, susme, wala pang isang segundong magkakilala, sobrang close na sa isa't-isa (literal na close ha). Nakakapagkuwentuhan na tungkol sa sex life, love life, family life at kung anu-anu pang life forms. Samantalang ako, hanggang hi-hello lang. Kahit ilang taon na kaming magkakilala. E ewan ko ba.

Allergic ako sa mga kasama sa aking kwarto, wala pa akong naisasamang kaibigan sa aking sariling hide out. Ayoko kasi minsan ng may nangengealam sa mga puwede nilang sabihin. Gusto ko may sarili akong rules na sinusunod at sisirain kapag ayaw ko na ng rules na yun. Kahit mga kasama sa bahay ayoko ng pinapatambay sa kwarto ko. At least walang sasaway sa akin kung gawin ko mang sampayan ng brief ang aking sariling electric fan. Di rin ako mag-aala Incredible Hulk kung may manggugulo sa pagkakaayos ng mga DVD  ko o kung may manlulukot ng mga naka display kong libro.

No'ng bata ako (hanggang ngayon), 'pag may reunion ang angkan  (tunog richness) namin, kulang na lang  ay hilahin ako ng mga kamag-anak palapit sa kanila. Eh,  yung mga ibang pinsanin ko hindi ko naman talaga yun nakakasama sa matagal na panahon. Ano naman ang kailangan kong sabihin sa kanila? Hi-hellow? Tapos nun? tara maglaro tayo ng jackstones? Ahhh wag ako iba na lang. Ayoko nun, bakit ba mas enjoy ako  magbasa ng libro o komiks eh. 

Concerned ang isang kaibigan. Naba-bother yata sa "mental illness" ko. Sabi niya mag reach out naman daw ako. Maging friendly daw ako. Sabi ko naman, "oo magrereach out ako 'pag may kelangan ako sa kanila." Bawas-bawasan ko rin daw ang pgsimangot, kasi nagmumukha daw akong masungit. Ako, masungit? Di naman ako kumakain ng tao. Ayy, mali lumalamon pala ako ng tanga.

Meron akong classma te noon sa college, nakita niya raw ako sa LRT, Sabi niya, di na raw niya ako tinawag. Para daw  kasing lukot na papel ang  muka ko. At baka supladuhan ko lang daw siya. Pwes, para sabihin ko sa kanya hindi ak o nagsusungit noong mga oras na yun. Nakakairita lang yung maraming pawisang balat na kumikiskis sa balat ko, At ayaw na ayaw kong may taong humihinga sa batok ko. Asar!

Aswang ang  tawag sa 'kin ng kapatid ko at ilang kapitbahay. Kapag umuuwi kasi ako ng probinsiya, never akong lumalabas ng bahay. 

Ako yung taong kapag tinanong mo kung may gerlprend na ako ay ngingitian lang kita. Pero kung ang tanong mo ay kung may crush ako dun kita masasagot, dahil hanggang crush lang ako sa isang babae. Marami sila just like an ocean that has   plenty of fishes to choose from but I don't know how  to fish them out from the shore. May problema ata sa paen kong mga bulate kaya hindi ako makabingwit ng isang fresh na dalagang bukid. Medyo torpe ata ang mga bulate ko sa katawan at ayaw magpakagat sa isang isda ang problema mga hipon ang kumakapit na paen sa aking mga bulate. 

Pero ang sabi nga nila bilog ang mundo, darating ang panahon na ang isang panget na Chitaeng katulad ko ay makakahanap at makakakilala ng isang prinsesa, prinsesang nakaupo sa tasa. Ang prinsesang makakapagpabago sa  prinsipeng walang alam  na salita kungdi "kokak, kokak" (hi-hello) at mula sa bpagkakataong yun, I will live my life happily ever after!

Tapos na ang ulan. Malamig na ang kape. Balik sa tamang-sarili.



Barrio Fiesta

'Sino ba naman ang ayaw pumunta sa isang Pistahan.'
Noong nakaraang post ay namaalam na ko kay Summer, pero siya ayaw pang bumitaw pilit pa ring kumakapit ang kanyang init sa aking katawan, at ramdam ko pa rin ang lagkit na kumakapit sa aking kasingit-singitan. Hindi ko mawari kung kelan siya lilisan at kailan niya ako tatantanan.

Pero alam ko rin naman na hindi na rin magtatagal si Summer at pagkalipas pa ng mga ilang araw ang magpapa-wet naman ng aking katawan ay sina Jolina, Ising, Lukring, Urduja, Chedeng, Ruby, Maring at ang pinakamatindi magpa-wet na may kasamang rumaragasang blow (hangin) ay yung mga katulad ni Yolanda. Pero kahit pa gaano yan kalakas na mga bagyo ay walang makakatigil, makakahadlang sa pinakasentro ng ating usapin ngayong tanghali ng Miyerkules. 

Pagkatapos ng Mayo, at pagpasok ng Hunyo ito ang isa sa mga pinakakaabangan kong mga aktibidades sa buhay. Uupo lang naman ako dito at magaantay ng mga papel, mga papel ng paanyaya, o di kaya ay mga paanyayang berbal ng aking mga kaibigan, friends of friends at mga public friends na hindi gaanong kakilala (parang Facebook lang).

Musika muna tol, inawit  ni Sylvia La Torre <3

Sino ba naman ang may ayaw pumunta sa isang pistahan/. Sino ba ang ayaw malangisan ang mga bibig ng taba  ng baboy? Sino ang may sabing naghihirap ang ating bansa? Sino?!?

Kahit hindi buwan ng Mayo marami pa ring pista sa ating bayan. Wala man  tayong pera mangungutang at mangungutang talaga tayo mairaos lang ang pista. Pasalamatan na tin ang mga Kastila. Kung hindi nila dito dinala ang Kristiyanismo malamang boring ang ating mga araw.

At kamakailan lamang nahila na naman ako sa isang malayo at liblib na pistahan. Tuwang tuwa na naman ako pero hindi nagpapahalata. May ilang dahilan kasi ako kung bakit gusto ko ang mga pistahan:

1. MARAMING PAGKAIN.

Siguraduhing gutom bago pumunta sa isang pistahan.
Kaya nga pista ang tawag diba. Ang daming masasarap na pagkain. At ang sarap ding tingnan ang mga kaharap mong nangingintaban ang mga bibig at di magkandaugaga sa mga kinakain.

2. WALANG UPUAN.

Sa sobrang dami ng taong gustong makalibre din ng kain e mahihirapan ka talagang maka-puwesto. Yun nga ang gusto ko e. Kapag nakatayo ka kumain, mas mabilis ka matutunawan. At kapag mabilis ka matunawan, apter payb minutes e pwede ka na uli kumain. O lumipat sa kabilang bahay.

3. ESPESYAL ANG TRATO SA'YO.

Hindi mo na kailangan sumayaw kasama ang Abstract dancers na merong lifting para lang mapansin. Kahit hindi mo kilala ang may-ari ng bahay e parang magkababata lang kayo na minsang naglaro sa mga pilapil ng palayan dahil nasa pintuan ka pa lang e bibigyan ka na ng plato. Kulang na lang lagyan ka ng place mat at bib sa leeg. At para mas masaya ang kainan eh may mga nagigitara pang naghahabaan ang bigote, parang lumang Katipunero/Mexicano ang OOTD at kakantahan kayo ng mga kantang pang Trio Los Panchos. Mga tropa ata ito ni Dora the Explorer e.

4. At eto talaga ang nagpapasaya at nagpapataba ng aking puso kaya't balik ng balik ang aking mga paa sa pistahan....


"Bago umuwi meron kang goodie bag----
este binalot na pala he he. Yun lang.
kaya....Maraming salamat Espanya!"

Wala akong tinatanggihang imbitasyon sa mga pista. Sabi nga ng aking Super Nanay wala daw akong absent sa mga pistahan a. Parang may listahan daw ako ng mga pista ng mga Santo sa buong Pilipinas.

Sabi ko, oo. Napa-nganga na lang ang aking Ina.

Eto ang listahan ko....(sabay dukot ng tinuping papel sa bulsa)

• January 21: Saint Agnes,
• January 22: Saint Vincent,
• January 24: Saint Francis de Sales,
• January 25: The Conversion of Saint Paul,
• January 26: Saints Timothy and Titus,
• January 27: Saint Angela Merici,
• January 28: Saint Thomas Aquinas,
• January 31: Saint John Bosco,
• February 2: Presentation of the Lord - t
• February 3: Saint Blase, bishop and martyr, or Saint Ansgar,
• February 5: Saint Agatha,
• February 6: Saints Paul Miki
• February 8: Saint Jerome Emiliani or Saint Josephine Bakhita,
• February 11: Our Lady of Lourdes -
• February 14: Saints Cyril, monk, and Methodius,
• February 21: Saint Peter Damian, Memorial
• February 22: Chair of Saint Peter,
• February 23: Saint Polycarp,
• March 4: Saint Casimir
• March 7: Saints Perpetua and Felicity,
• March 8: Saint John of God,
• March 9: Saint Frances of Rome,
• March 17: Saint Patrick,
• March 18: Saint Cyril of Jerusalem,
• March 19: Saint Joseph
• March 23: Saint Turibius of Mogrovejo,
• March 25: Annunciation of the Lord -
• April 2: Saint Francis of Paola,
• April 4: Saint Isidore,
• April 5: Saint Vincent Ferrer,
• April 7: Saint John Baptist de la Salle,
• April 11: Saint Stanislaus,
• April 13: Saint Martin I,
• April 21: Saint Anselm of Canterbury,
• April 23: Saint George, Saint Adalbert, April 24: Saint Fidelis of Sigmaringen,
• April 25: Saint Mark the Evangelist -
• April 28: Saint Peter Chanel, Saint Louis Marie de MontfortApril 29: Saint Catherine of Siena, April 30: Saint Pius V,
• May 1: Saint Joseph
• May 2: Saint Athanasius,
• May 3: Saints Philip and James,
• May 12: Saints Nereus and Achilleus, martyrs or Saint Pancras,
• May 13: Our Lady of Fatima
• May 14: Saint Matthias the Apostle
• May 18: Saint John I,
• May 20: Saint Bernardine of Siena,
• May 21: Saint Christopher Magallanes
• May 22: Saint Rita of Cascia
• May 25: Saint Bede the Venerable,; or Saint Gregory VII, pope or Saint Mary Magdalene de Pazzi
• May 26: Saint Philip Neri,
• May 27: Saint Augustine (Austin) of Canterbury,
• May 31: Visitation of the Blessed Virgin Mary -
• June 1: Saint Justin Martyr June 2: Saints Marcellinus and Peter,
• June 3: Saints Charles Lwanga
• June 5: Saint Boniface,
• June 6: Saint Norbert,
• June 9: Saint Ephrem,
• June 11: Saint Barnabas the Apostle
• June 13: Saint Anthony of Padua,
• June 19: Saint Romuald,
• June 21: Saint Aloysius Gonzaga,
• June 22: Saint Paulinus of Nola, bishop or Saints John Fisher and Thomas More,
• June 24: Birth of Saint John the Baptist -
• June 27: Saint Cyril of Alexandria,
• June 28: Saint Irenaeus,
• June 29: Saints Peter and Paul,
• June 30: First Martyrs of the Church of Rome
• July 3: Saint Thomas the Apostle –
• July 6: Saint Maria Goretti,
• July 11: Saint Benedict,
• July 13: Saint Henry -
• July 14: Saint Camillus de Lellis,
• July 15: Saint Bonaventure,
• July 16: Our Lady of Mount Carmel –
• July 20: Saint Apollinaris -
• July 21: Saint Lawrence of Brindisi,
• July 22: Saint Mary Magdalene -
• July 23: Saint Birgitta,
• July 25: Saint James,
• July 26: Saints Joachim and Anne -
• July 29: Saint Martha -
• July 30: Saint Peter Chrysologus,
• July 31: Saint Ignatius of Loyola,
• August 1: Saint Alphonsus Maria de Liguori,
• August 2: Saint Eusebius of Vercelli, , Saint Peter Julian Eymard,
• August 4: Saint Jean Vianney (the Curé of Ars),
• August 5: Dedication of the Basilica di Santa Maria Maggiore –
• August 6: Transfiguration of the Lord
• August 7: Saint Sixtus II, s, or Saint Cajetan, August 8: Saint Dominic,
• August 9: Saint Teresa Benedicta of the Cross (Edith Stein),
• August 10: Saint Lawrence,
• August 11: Saint Clare,
• August 12: Saint Jane Frances de Chantal,
• August 13: Saints Pontian, pope, and Hippolytus,
• August 14: Saint Maximilian Mary Kolbe,
• August 15: Assumption of the Blessed Virgin Mary -
• August 16: Saint Stephen of Hungary -
• August 19: Saint John Eudes,
• August 20: Saint Bernard of Clairvaux,
• August 22: Queenship of Blessed Virgin Mary -
• August 23: Saint Rose of Lima,
• August 24: Saint Bartholomew the Apostle -
• August 25: Saint Louis or Saint Joseph of Calasanz,
• August 27: Saint Monica -
• August 28: Saint Augustine of Hippo,
• September 3: Saint Gregory the Great,
• September 8: Birth of the Blessed Virgin Mary -
• September 9: Saint Peter Claver,
• September 12: Holy Name of the Blessed Virgin Mary -
• September 13: Saint John Chrysostom,
• September 14: Triumph of the Holy Cross -
• September 16: Saints Cornelius, pope, and Cyprian,
• September 17: Saint Robert Bellarmine,
• September 19: Saint Januarius,
• September 20: Saint Andrew Kim Taegon, priest, and Paul Chong Hasang and companions,
• September 21: Saint Matthew the Evangelist,
• September 23: Saint Pio of Pietrelcina (Padre Pio),
• September 26: Saints Cosmas and Damian,
• September 27: Saint Vincent de Paul,
• September 28: Saint Wenceslaus, martyr or Saints Lawrence Ruiz
• September 29: Saints Michael, Gabriel and Raphael, Archangels -
• October 4: Saint Francis of Assisi -
• October 7: Our Lady of the Rosary -
• October 9: Saint Denis or Saint John Leonardi,
• October 15: Saint Teresa of Jesus,
• October 16: Saint Hedwig, religious or Saint Margaret Mary Alacoque,
• October 18: Saint Luke the Evangelist -
• October 19: Saints Jean de Brébeuf, Isaac Jogues, companions, Saint Paul of the Cross,
• October 23: Saint John of Capistrano,
• October 24: Saint Anthony Mary Claret,
• October 28: Saint Simon and Saint Jude,
• November 3: Saint Martin de Porres,
• November 4: Saint Charles Borromeo,
• November 9: Dedication of the Lateran basilica
• November 10: Saint Leo the Great,
• November 11: Saint Martin of Tours,
• November 12: Saint Josaphat,
• November 15: Saint Albert the Great,
• November 16: Saint Margaret of Scotland or Saint Gertrude the Great,
• November 21: Presentation of the Blessed Virgin Mary - November 22: Saint Cecilia
• November 23: Saint Clement I, Saint Columban,
• November 24: Saint Andre Dung Lac
• November 25: Saint Catherine of Alexandria - November 26:
• November 30: Saint Andrew
• December 3: Saint Francis Xavier,
• December 4: Saint John Damascene,
• December 6: Saint Nicholas,
• December 7: Saint Ambrose,
• December 8: Immaculate Conception of the Blessed Virgin Mary -
• December 9: Saint Juan Diego -
• December 11: Saint Damasus I,
• December 12: Our Lady of Guadalupe -
• December 13: Saint Lucy
• December 14: Saint John of the Cross,
• December 21: Saint Peter Canisius,
• December 23: Saint John of Kanty,
• December 25: Nativity of the Lord -
• December 26: Saint Stephen,
• December 27: Saint John the Apostle
• December 28: Holy Innocents,
• December 29: Saint Thomas Becket,
• December 31: Saint Sylvester I,

Sasama ka ba? Tara...umpisahan natin sa San Andres Bukid sa aking hometown at ang patron naming si San Antonio De Padua....



Huwebes, Mayo 28, 2015

Last Plunge of Summer

'Goodbye Summer of 2015. Thank you for the memories in the bath-tub.'

Mayo 29, 2015, dalawang araw na lamang bago mag Hunyo, lumulungkot na sila, unti-unti nang na tatapyas ang mga araw  ng mga huling sandali, tila babalik na ang pinakaaayawan nilang  mga araw pero kinakailangan. Ganun talaga mga bata maski ang summer o araw ng tag-init at bakasyon engrande ninyo ay walang nakasulat na may poreber. Balik-eskuwela,  pagwawakas  ng vacation leaves at pagtatapos ng bakasyon summer. Pero ang gusto kong tukuyin ngayon ay kamusta ba ang naging bakasyon niyo? Kamusta ang araw ng tag-init?

Pero kung ako muna ang inyong tatanungin, paano ko ba sinabayan ang init ng araw? Sabihin na natin na isa ako sa may mga barkada na nag-aya sa tabing-dagat bago pa lang mag-umpisa ang Marso,  isa ako sa kanila na naging excited dahil sa kanilang paanyaya, pero alam mo Mayo na mga kaibigan , anyare  na usapan na magpupunta tayo sa dagat at magtatampisaw sa tubig-alat sa ilalim ng tindi ng sikat ng araw? Maaga pa lamang eh bumili na ako ng  aking mga summer stuffs, kagaya ng hapit na boxer shorts, sunglasses, off lotion (mali ang bili ko, hindi pala malamok sa beach), salbabida, hiram na kamera, beachwalk sandals, extrang abs (san nakakabili?) sando sa Baclaran na may disenyong plorera at kung anu-ano pa na may kinalaman sa Summer. Pero mukhang ang lahat ng ito ay nalusaw  ng dahil sa mga  paanyayang drawing nila. Ayos lang kaya  ko pa rin i-ispend ang tag-init kahit  hindi sa beach. Dito na lang ako sa bahay, kung tatalunin lang naman ang init ay maraming paraan.

Ngunit kapag titingin ako sa mga telebisyon, commercial ads, internet pop-up ads   at sa pagtulog ay hinahunting ako ng mga kasiyahang puwedeng idulot ng summer. Shet, tangna  nakakaiingit at sabi ko sa sarili ko, "mapalad ang mga taong kapiling ang dagat sa mga araw na ito." Yung mga ads sa TV ng ABS CBN na campaign ads nila tungkol sa Summer, yung makikita mo yung mga nakabikini na katulad nila Anne Curtis at Coleen Garcia,  napakaswabe. Yung mga pormahan ng mga kalalakihan na nakasandals, shorts, polka dots na manipis na polo shirts at naglalakihang abs eh hahanga ka sa kanilang OOTD. Ganun ang pakiramdam sabay sasabayan pa ng mga kantahang reggae na nagaayang magbabad sa tubig kagaya  nito:

Reggae + Summer = Relaxation (performing artist, Engkanto - Tubig-Alat)

Nakita ko rin sa mga commercials yung mga pampalamig na makakaen at  maiinom, kaya ko rin naman bumili ng mga yun kaso siyempre iba kapag nasa   tabing-dagat ka at white sands. Okay na sana kahit dito na lang ako pumuwesto sa tapat  ng ilog ng Tanzang Luma e, ang kaso puta bawat higop mo ng malamig na pampalamig  gaya ng Slurpee o Chillz siya ring langhap mo ng sari-saring amoy ng tae na sumasama sa hangin, oo may mga scenery din dito, yung mga nakapanty lang na tumatambay sa tabing ilog, mga nakapanty na mga batang-uhugin sa tabing ilog. May mga kalalakihan din naman na may abs ang kaso lang kulay charcoal na yung abs nila at ang sarap nila hiluran ng liha. Naging ganito sila dahil lagi sila  nakabilad dun sa   ilog at nangunguryente ng makakaing janitor fish na malnourished.

Hah! (gigil) nakakainis din itong mga ads na nagpo-pop up sa Internet, kaya gumamit muna ko software na ad-blocker hanggang sa  mag tag-ulan. Nakakaasar yung mga paanyaya sa mga free package trip sa Boracay, Dakak, Aman  Pulo, Ilocos beaches at kung anu-ano pa. Sunod-sunod ang pag-bulaga sa akin ng mga ads  na yan at malapit na akong mabaliw noon at pasalamat na lang  ako na gumana pa yung software. (Bitter amputa) Hindi, hindi ako ampalaya ayoko lang  muna talaga siguro ngayon ng summer fun. Kung katapusan pa lamang ng Abril ay puwede ko pa maremedyuhan kahit siguro wala akong makasama, o kaya kahit mag-imbita na lang ako ng mga taong-grasa sa kalye para may makasama okay lang at nakatulong pa ako sa social life nila kahit panandalian lang. At least puwede na ulet  silang hindi maligo pagdating ng  tag-ulan.
'sun-kissed'

Ang tagal ko na  rin kasing hindi nakakatapak sa mainit na puting buhangin at magvolleyball habang nakayapak. Na-miss ko na rin na iligtas ako ng isang katulad ni David Haselhoff na kilalang aktor sa Baywatch sa tuwing aakting ako na nalulunod, kahit tuhod lang ang nalulunod sa akin. Nakakamiss ang nagagandahang katawan sa beach, alam mo ba kung bakit ako laging may dalang sun block lotion? Hindi ko ito ginagamit sa akin, likas na akong negro at wala na akong pake kung mangitim pa ko sa ilalim ng matinding sikat ng sun. Ang mahalaga hawak ko ang lotion na ito at kapag may nakita akong sexy chiq na nakadapa sa buhangin na mala Erika Eleniak at Pamela Anderson ang wangkata, eh magooffer ako na pahiran ng lotion ang kanilang mga likuran. Minsan lang eh, napeke ako, maganda ang katawan, maputi at tisay, blonde ang buhok kaso nung tapos ko na pahiran ang kanyang likod sabay harap niya at sabay sambit na tinig ni Inday Badiday, "Salamat koya , sa uulitin" putang'na bakla pala!! Gusto ko na lang talaga magpakalunod nun at magpasagip ulet kay David Haselhoff na mala-slow motion ang takbo sabay babanat ng themesong ng Baywatch: "Some people stand in the darkness afraid to step into the light...."



Baywatch - sikat na palabas noong 90's sa TV primetime every Summer, Friday evening.

Iba rin kasi ang tsibugan kapag summer, yung simpleng hotdog on stick na karaniwang mong niluluto sa bahay eh mas lalong sumasarap habang kinakain mo sa tabing beach. Ba't nga ba ganun? Nadadala siguro tayo ng paligid at mga tanawin. Yung saya ng damdamin isa rin sa mga factor yan. Siguro  kahit ampalaya on stick makakaen ko basta kapiling ko ang kagandahan ng environment. 

Paano mo nga ba mabebeat ang heat kapag nasa bahay ka lang? Sabi ko  nga kanina maraming paraan basta kapiling ko ang rubber ducky ko sa aming bath tub okay na ako. O di kaya ay gawing beach ang bakuran, maglatag ng mini pool na puwedeng magkasya ang tatlo o apat  puwede ka na magtampisaw, magpagawa at magpa print  ng tarpaulin na ang design ay pang beach. Puwede mo rin isara ang kalye niyo at duon maglatag ng pool kung gusto mo talagang maramdaman ang rays ng sun.
Mag sunglass at buksan ng malakas ang DVD at patugtugin muli ang themesong ng Baywatch. Puwede ka ring manood ng mga pelikulang may kaugnayan sa beach stories ka tulad ng Jaws o kaya Piranha, budburan ng piranha ang pool para mas true to life ang panonood. Huwag kalimutang ipaskil ang life size poster ni David Haselhoff para sa inspirasyon ng summer. Kapag dadaan na ang trak ng basura sabihin na lang na sa kabilang kalye na lamang dumaan. 

Nagtanong ako sa ilang mga kabataan dito sa aming lugar na naglalaro ng  DOTA at COC kung ano pa nga ba ang ibang dapat gawin para mapawi ang init ng tag-init. At ito ang kanilang mga tugon na isinalin din natin sa Ingles para  naman sa mambabasa natin sa ibang sulok  ng mundo.

Question: Ano'ng ginagawa mo kapag mainit ang araw o panahon?
What do you do  when the weather is hot?

Ano'ng puwedeng gawin kapag matindi ang sikat ng araw?
What can one do when the sun is shining intensely?

Answers ng mga DOTA, COC, TETRIS and former FARMVILLE players

Umakyat ng puno
climb a  tree

Lumangoy sa dagat
swim in the ocean

Kumain ng sorbetes
eat ice cream

Uminom ng malamig na tubig
drink cold water (just be careful of tonsilitis)

Umakyat ng bundok
hike up a mountain

Maghanda ng inihaw
prepare a barbecue

Magtampisaw sa tubig
play in the water but not in the drainage or canal

Buksan ang bintana
open the window and the Windows 7

Mangisda (isa sa kuryente boys)
fishing

Mamangka sa dalawang ilog
betray your girlfriend 

Gumamit ng pamaypay
use a handheld fan

Buksan ang bentilador
turn on the electric fan

Magdilig ng halaman
water the plants

Mag pik-nik
have a picnic 

Tunay nga naman na naguumapaw ang saya kapag tag-init at bumabiyahe ng malayo para magbakasyon at magbabad tayong lahat sa lamig ng tubig, maraming paraan para mapawi ang taglay na init ng panahon pero ang pinaka perpektong paraan na alam ng nakakararami ay makapiling ang dagat at ang kaligayan na dulot nito. Tayong lahat ay may mga memorya sa nagdaang summer at ito'y magiging alaala na naman sa mga susunod pang taon. Mayroon   tayong kanya -kanyang aksiyon para labanan ang init ng araw mula sa simple hanggang sa pinaka engrande. Plain man o espesyal na pamamaraan ang mahalaga ay nakakapagdulot ng masasayang alaala at damdamin sa mga kapamilya man, mga kaibigan, at mga espesyal na minamahal. Kaya sa mga susunod na araw, kung may plano pa ang barkada gawin na yan. Huwag nang antayin ang tag-ulan at baka sa tubig-baha na lang tayo magtampisaw sa   mga susunod na araw.

Maligayang araw sa inyong lahat at nawa'y lagi ka sanang naliligo maski hindi man sa dagat. Kolektahin ang mga memorya ng nagdaang tag-araw at huwag kalimutang i-post sa Facebook sabay damihan ng hashtags #sunkissed #boracaybabe #beachselfie #sandalbida #instasummermoments #summerlovin

Goodbye Summer! sealed with a kiss! :*





Miyerkules, Mayo 27, 2015

Guitar Man's Good Vibes

"Uso pa ba ang haranaaaa? Marahil ikaw  ay nagta-tah-kaa, ay pota  ano nga ba lyrics nun?"
"Oy! Paps! Ano'ng bago natin diyan? Eto tol, "Sinking out loud'...."Su hane now...Teyk me into your labeng arms...kes me ander da layt of a towsand stars...Pleys your head on my beting hart....Aym sinking awt lawd..."

Meron lagi sa tropa ang marunong tumugtog ng gitara..95% ng lahat ng magbabarkada ay may musikero, sigurado yan pustahan pa tayo. Ultimo ang mga Tausug at Badjao ay  may designated na taga-tugtog, mapa-batingaw, gong man yan o banduria. (Teka...ano to, HEKASI?)

Kinig ka muna dito and chill with this song remake....

Moving on...

Malakas na power sa tropa ang taga-tugtog. Kung ano ang sikat sa radyo ay siyang inaaral ng sikat na gitarista specialist ng barkada. Para pagdating ng happy hour weekends  tambay o inuman eh hindi siya mauubusan ng kanta, lalo na 'pag nalasing na ang mga babae at paulit-ulit nilang nirerequest ang "Torn" ni Natalie Imbruglia.

"Nothings right am Torn! I'm all at a place...This is something real..I'm call and out ashamed..."

Siyempre  napag-aralan na ni gitara noy ang kantang yun. At madalas nyang pag-aralan ang songhits kesa sa mga libro niya. Mapa-strumming o plucking ay kabisado na niya, pati na din ang intro ng "Now and Forever" ni Richard Marx at "Heaven Knows" ni Rick Price.

Hinding-hindi mawawala sa hit list ang "Harana" at Pare ko". Duon sa kanto namin dati sa San Andres Bukid, Manila eh lagi mong maririnig yang dalawang kantang yan habang nabubusog sa isaw at betamax ang mga nakikinig. Kapag medyo nalasing na at gumanda na ang kanilang english accent ay babanat na yan ng panay plucking at kakantahin na ang "More Than Words" ng Extreme. Intro pa lang ay makalaglag-panty na, diba? yan yung mga nagpapanty pa ha.

Ikaw sa barkada mo ilang ang gitarista, ilan ang singer? Meron din ba na mahilig sa flute, violin o harp?O baka naman may kaibigan ka na sa dahon lang eh nakakagawa ng musika yun gtipong Levi Celerio, kaso sabi nalason daw si Manong Levi dun dahil yung tinira niyang dahon eh may lason sa dagta. Wag na lang, balik na lang tayo sa gitara.

Ang paggigitara  ay tamang pampalipas oras. Ang kadalasang eksena diyan eh pupunta ka sa bahay ng kapitbahay mo at magja-jamming kayo, mga bandang tanghali yan makatapos pananghalian. Yun kasi yung mga boring times eh kung ikaw eh hindi sanay matulog sa tanghali. Dala-dala ang songhits, pag-aaralan mo ang chord chart na nasa gitnang pahina. Magpapaturo ka sa barkada mong marunong at ang mga kadalasang itinuturo ay :

Pare ko by Eraserheads. Madali lang ang strumming at chords nito. Siguro e hindi lalampas ng tatlong chords ang magagamit sa buong kanta.

Harana by Parokya ni Edgar. Okay. medyo hindi pa naman gaanong kalumaan ito. Talaga nga naman pogi points ka dahil sa title pa lang ng kanta e halata na ang intensiyon mo kung bakit kmo gusto mong matutunan 'yan. Kaso ang tanong, "Uso pa ba ang harana?"

More Than Words by Extreme. Intro lang  naman ang gustong alamin ng mga lalake rito e. Konting plucking plucking lang (at tapik sa gitara) ready to go na at pagkatapos nun e uulit ulitin nila ang parteng yun at kuntento na sila.

Picha Pie by Parokya ni Edgar. Eto mabilis-bilis pero strumming lang din naman, hindi mahirap matutunan.

Ang Huling El Bimbo by Eraserheads. Walastik! Ewan ko na lang kung hindi niyo sinubukang tugtugin ang isa sa mga pinakasikat na kanta sa kasaysayan ng bandang Pilipino.

'Foo Fighter's Dave Grohl's bloody guitar pick.'
Mabalik tayo sa mga lalaking nagpapacute. Actually yung mga nagpapaturong mag-gitara ay hindi naman talaga nakakabuo ng isang  matinong piyesa. O kung matuto man sila ay parang parating paos ang tunog ng gitara. Ang siste, talagang gusto lan gnilang ma-feel na merong instrumentong pinapasadahan ang kamay. At masarap ang pakiramdam nang nagkakantahan kayo habang ngumangata ng tatlong supot ng Lechon Manok o kaya chicharon. Ang end result? Walang kinalaman sa chicks. Tamang pangrerelaks lang sa tambayan niyo at kahit na wala sa tiyempo ang pag-strum sa gitara e feeling good pa rin. Hayahay good life...

INTROBOY. Eto naman yung mga nagpapakyut lang sa gitara sa iskul, sa kanto, sa tambayan o kung saan man. Siyempre gets niyo na kung bakit yan ang tawag. Eh puro intro lang ng mga kanta ang alam eh. Basta makahawak lang ng gitara sa harap ng mga tao at maka-strum lang. Pakyut nga eh. Pakyu!

"O pare ko... (dyen dyen dyenen dyen). Meron akong problema (dyen wenk wonk  wonk).. Ay nakalimutan ko na." yan kadalasan ang banat ng mga introboy.

"Uso pa ba ang haranaaa? Marahil ikaw ay nagtaah-tah-ka. Ay pota, ano nga ba lyrics nun?" ang palusot na naman ni introboy.

"HOY GAGO!  Bitawan mo na nga yan at ibigay mo sa marunong talaga mag-gitara!" yan ang sigaw naming mga alaskador boys. "WAG  MO BITAWAN YAN AT IHAHAMPAS  NAMIN YAN SA NGALA-NGALA MO!" Weh, talaga? sabay takbo palayo si introboy at  kinukusot  kusot ang mata.

Hindi mo rin naman masisisi si introboy kasi malakas talaga ang dating ng mga lalaking nagigitara sa chicks. Eto ang kumakalaban sa pagka-cool ng mga varsity players at gwapong estudyante. Kahit hindi ka ganun kagwapuhan at katangkaran pero gitara boy ka, dale mo ang atensiyon sa chicks. Pakitaan mo lang ng isang buong  gitara ng "With a Smile" eh siguradong kasama ka na sa "Who is your crush?" nila sa autograph book or slam book.

Kapag susuriin mo ang bag ni gitara boy, bagong-bago pa rin ang mga notebook at libro pero ang songhits? Ang dami nang tupi-tupi at halos rumorolyo na yung dulo sa kakagamit. Yan ang peyborit subject niya.

Masarap talagang magkaroon ng gitara boy sa tropa lalo na kapag nakatambay kayo. May alak man o wala eh napapasaya pa rin ang tambay moments niyo. Mag-gigitara lang siya at sabay-sabay kakanta ang mga bopols sa gitara at magiging instant singer na ang lahat.

"Bakit, bakit ba? Iniwan mong nag-iisa!" ang kanta naming lahat. Siakol yan pards! Ohh yeah! \m/

"May libre kang tooth....paste toothpaste! may libre kang tooth...brush toothbrush! ang kanta namin sabay halakhakan, batukan at harutan. Wala lang hindi pa kasi ganon kahalaga ang oras nuon, hindi katulad ngayon magulo at komplikado ang lahat ng bagay.

Kaya kahit hindi ka marunong mag-basketbol, hindi kagalingan sa pagpapatawa o hindi pogi basta gitara boy ka eh marami ka pa ring magiging barkada at magkakacrush sa'yo. Masaya ang buhay kapag may gitara boy!

May gitara ba kayo diyan? Paheram naman!




Miyerkules, Mayo 20, 2015

Hanap ng Babae sa Isang Lalake

'Ano naman ang hanap ni girlie sa isang boyet?'
Kamakailan lamang hinimay himay natin na parang balat ng hipon kung ano nga ba ang nagugustuhan ng lalake sa isang babae, ngayon sa pagkakataong ito bigyan naman natin pansin kung ano naman ang hanap ng mga babae sa isang lalake. Ready na ba kayong mga  boyet? At para mas maging makatotohanan ang ating  paksa sa gabing ito ay nagtanong  tayo sa ating mga kilalang kababaihan kung anu-ano nga ba ang katangian ng  isang lalake ang kanilang hinahanap. Kaya ikaw boyet ihanda mo na ang iyong lapis at papel at mag write down notes ka na para malaman mo kung anong katangian ang nagugustuhan ng isang chiq sa ating mga kalalakihan.

Ibig ko lamang ipabatid sa mga mambabasa ng Ubas na may Cyanide na hindi eksperto ang inyong lingkod pagdating sa mga kababaihan. Siguro, kung ganun nga ako, eh malamang hindi ako single ngayon. Pero dahil naaliw ako sa pag-aanalisa at masalimuot na imbistigasyon ng mga g usto ng mga lalake sa mga babae, eh ngayon gusto ko namang isulat kung ano sa tingin ko ang hinahanap ng mga babae sa ating mga lalake.

Hindi ito sulit.com para itanong sa mga kababaihan natin  kung ano ang hanap nila, gusto lang natin bigyan ng isang patnubay o reference ang ating mga boyet sa dapat nilang malaman kung ano ang naiibigang kaugalian ng ating mga babae mapa-labas man na kaanyuan o panloob na kaugalian. 

Ang inyo pong mababasa eh pawang mga opinyon ko lamang, mga sagot ng ilang babaeng ating mga kaibigan, kakilala, kabatian sa umaga, hapon, tanghali at gabi, mga tambay sa labas, hot moms, single moms, mom bods, teenagers, call center agents, COC players,LOL players, Tetris battle players, babaeng naglaslas ng pa lengthwise, heartbroken girlies, taong-grasa girls, grade school students at kindergarten pupils. 

Gaya ng nakaraang kong pagbabahagi ng paksa tungkol sa nagugustuhan ng isang lalake sa isang babae, alisin na natin ang mga natural menteng hinahanap ng mga babae, mga pisikal at materyal na bagay. So out muna ang guwapo, maganda ang katawan, mayaman, at ang matitipunong "Jun-jun."

Gusto ko sana ilagay ito sa "battle of the sexes' na label, kaya lang wala naman atang papatol. So anyway, ready, aim, fire! Simula na natin ito...

PERSONALIDAD

Mas kapani-paniwala kapag ang mga girlie ang nagsabi na hindi importante ang looks para sa kanila, kesa sa  mga lalake na nagsasabi nun. Pansin ko ang mga babae eh mahilig sa mga lalakeng malakas ang personalidad. Mapakomedyante, bad boy ala Robin, hindi Robin ni Batman ha, (mga ilang araw pa maglaladlad na rin yan kagaya ni Iceman) ang ibig ko sabihin Robin Padilla yung kung maglakad eh parang talangkang sakang pero may porma, meron ding may gusto na nerdox pero kayang dalhin ang sarili nila, eh ok sa mga babae yun. Maglakad-lakad ka sa mall, makikita mo, andaming magagandang kababaihan na nakikipagholding hands sa mga lalaking mataba, pandak, napapanot, nakakalbo o di gaanong kagwapuhan ang karakas.Siguro, yung ibang lalake eh ubod ng ginhawa sa buhay, pero kadalasan, kapag nakikita mo sila, ang mga babae eh masayang masaya, kahit di kaguwapuhan ang kasama nila. Ang mahalaga kasi para sa kanila, eh yung napapatawa mo sila. Sa madaling salita, hindi boring. Aanhin mo nga naman ang isang guwapong lalake kung ang bibig naman ay pawang may ilang stitches at hindi nagsasalita, aanhin mo ang isang lalakeng cute dahil sa braces kung wala naman ginagawa kung di magselfie at laging inilalabas ang bakal sa   ipen niya at mas babae pa kumilos sayo? Aanhin mo ang lalake na mas  marami pang pulbo sa muka kesa sa foundation mo sa  pisngi?

SPONTANEOUS

Minsan may mga matatagal na ang relasyon, yung tipong higit sa lima o anim na taon nang nagsasama, kulang na lang yung papel para sabihin talagang husband and wife na sila, pero ayun sabi nga ng mapanghusgang lipunan ng social media "walang forever" at naghihiwalay pa rin. Ang madalas na sinasabing dahilan ng babae eh nagsasawa na sila sa isa't-isa. Wala na kasing bago. Oo wala nang bagong dahilan, kung puwede lang sabihin na, "o sige nagsasawa na tayo sa isa't-isa puwede bang ikaw naman ang maging babae at ako naman ang maging lalake for 5 years ulet ha." Lol pero walang ganun. Pero bakit nga ba nagkakasawaan? Ganun ba yun para lang mga apps sa phone na pabago-bago ang gusto at hilig ng mga tao sa isang laro. So ganun nga ba? Para lang isang laro ang pakikipagrelasyon o pag-aasawa? Masyado nang nasanay sa isa't-isa na nakakalimutang minsan kelangan lagyan ng anghang ang kanilang pagsasama. Kailangan pagsamahin ang tamis at anghang sa isang relasyon para bang UFC ketchup. Yung tipo bang, minsan sa isang taon eh lumabas ng Maynila, o di kaya ay umakyat ng bundok at duon gumawa ng bagong junior at puwede pangalanan si baby na "Pulag", "Daguldol", "Banahaw" o kaya eh "Hibok-Hibok". O kaya naman ay gumawa ng activities kapag may date. Dagdag pogi points sa ating mga boyet ang marunong manurpresa sa kanilang girlfriend. Na kahit sampung taon na kayong sagsasama, eh may mga bagay pa rin na noon niyo pa lang magagawa.

MAY EFFORT

Maaaring kahanay na ito ng pagiging spontaneous, hanap ng mga babae ang mga lalakeng marunong mag-effort. Eto yung kadalasan na kahit taga Tuguegarao si babae eh at taga Tondo si lalake eh tatlong beses sa  isang linggo bumibisita by means of biking (joke lang siyempre). Pero siyempre may mga ganyan pa rin naman na mga kalalakihan. Ang kaibigan ko, kapag nag-aaway sila ng boyfriend niya, kadalasan ang dahilan ng away na iyon eh wala siyang nakikitang effort sa kanya na iparamdam niya na mahal  niya yung babae. Yung simpleng bigyan siya ng pasalubong na kahit kornik o mani man lang na pasalubong kapag may lakad ito sa labas ng Maynila o kaya'y paminsan gastusan naman ang mga date nila (yung tipong di na sa Chowking at SM Cinema ang lakad nila, yung sa mga Resorts World Manilaaaaaahhh na dapat ang gala boyet). Yung kapag may tampuhan sila, yung lalake yung manunuyo kahit minsan yung babae ang may kasalanan. Hindi yung lalake pa ang magtatampo at hindi mangangausap. Talagang mababadtrip sa inyo ang mga girlie pag ganyan.

MAGALING SA SHERATON BEDS AT URATEX FOAMS

Oo likas kadalasan sa mga babae ang pagiging tahimik, pero wag ka tahimik man ang mga yan, sa  totoo eh malili..... din yan. Nasa loon ang kulo. Naku, kung naririnig niyo lang ang mga girl talk ng mga yan, kapag hindi sila nasatisfy.... kawawang Jun-jun. Dahil nga inherent sa babae ang pagiging ma-chikamosa, eh kelangan mo talaga magperform, mag enduranz sa sahig ay este sa kama. Pero mahalaga talaga na kaya mong dalhin ang moto ni Juan Ponce Enrile na "gusto ko happy ka" sa apat na sulok na kwarto na kasama ang babae. Mga boyet, minsan hindi masama makinig sa mga girl talk, kasi minsan, tuturuan  ka pa ng mga niyan ng technique na ginagawa sa kanila ng partner nila. Ano nga kaya gumawa ko ng group na "Girl Talk" sa aming Intranet social media  sa aming kumpanya at magpanggap na account na bilang babae at admin. Move on na tayo at masyado nang natutuwa ang mga boyets. (:

MAHABA ANG PASENSIYA

Siguro jackpot ang mga babae kung ang nahanap nilang boyfriend eh kaya silang samahan na mag-ikot-ikot sa mall ng walang naririnig na reklamo. Bibihira kang makakakita ng lalakeng papayag na magspend ng tatlo hanggang limang oras para samahan ang gelpren mamili ng damit at sapatos. Tapos wala namang bibilhin. Feeling ko nga ang mga lalakeng kayang gawin yun eh nawiwili ring magsukat ng damit ng babae sa sarili nila. Biro lang. Ang gusto kong ipabatid ay, ang mga lalakeng ganito eh mahahaba ang sandata este pasensiya. Hindi lang naman sa pamimili, makikita ito. Alam naman nating lahat na minsan sa isang buwan, ang mga girlie natin ay nagiging aswang. So sa panahon ng kanilang sapi, dapat kami'y mapagkumbaba. O kaya naman kapag hormonal. Actually, kahit sa paglatag ng mga desisyon (pabago-bago kasi ang mga isip ng mga babae) kailangan din ng mahabang pisi mas mahaba pa sa pisi ng saranggola ni Pepe, para walang maganap na away.

Alam ko marami pa. Si Bridget Jones nga, ang haba ng listahan eh. Pakidagdagan na lang kapag may naisip kayong bago na wala sa aking listahan. 

At eto na nga ang ating mga nakalap na mga datos sa ilang mga kakilala nating nagagandahan at nagseseksihang mga girlie. Nagtanong tayo sa kanila kung ano ang mga katangiang hinahanap nila sa mga kalalakihan. At ito ang  kanilang mga kasagutan:

"Iba-iba naman kami ng type eh. pro ako, gusto ko simple lang. Minsan naman kahit wala kang magustuhan sa guy, pag tinamaan ang girl, there's no question about it kung ano ang nagustuhan nya don.

Just remember be yourself kumbaga...Magpakatotoo ka brother!" - KLARIZ

"Hahahahahahaha hindi kasi ako natingin sa panlabas. para sakin bonus na kung may maganda kang mukha o katawan. Pero ang hanap ko kasi, una, mahal di lang ako pati yung mga mahal ko sa buhay. Pangalawa, kasundo ko. Aanhin ko ang gwapo o mayaman kung di ko naman nakakasundo sa mga trip ko. At siguro panghuli, God-fearing. Naniniwala ako na mas matibay ang relasyon kung si God ang pundasyon bwahahahahah!" :)) -ANNETTE

"simple lang naman mga girls eh...we r not really after sa luxury/wealth...the mere fact that the guy loves d girl,it's a great relief na." -OSANG


"Responsible, may respeto (kahit kanino,kahit sa sarili nya), may pangarap sa buhay, Mahal ako..mahal ko rin." -MAUREEN

"What do females want? sincere and unconditional love. you have to prove to her that you want to GIVE and not TAKE. you have to convince her that you're not playing around with her feelings, that's she's not someone you just want to score with. Easier said  than done." - SUMMER

-"Mabait sa Dios at sa tao, 
-may pagmamahal sa pamilya at sa kapwa
-may kusa sa paggawa ng mabuti.
-may mabuting kalooban its means maunawain etc pag cnbng may maBuTing kalo0bAn." -GEE

"Sa totoo lang, simple lang naman ang gusto ng babae eh. gusto nila ay ang isang lalaking totoo. yung lalaki na hindi sila gagaguhin. yung lalaki na pinapakita ang tunay niyang kulay habang nanliligaw kesa ang magpaimpress lamang. yung lalaki na mamahalin at aalagaan ang babae hanggang silay nagsasama. dahil siguro kahit ang mga lalaki ganyan rin naman ang hinahanap di ba?" - BUGSBUNNY

Godfear, sweet, responsible. as long as mahal ako at kaya akong ipaglaban,. ayun po,. sken ksi bsta my mabuting kalooban at parehas nman kmi ng nararamdam ok na ako,-BELLE

"Intelligence. And personally, I abhor guys that smell like perfume factories --- why do guys insist on pouring entire bottles of pabango on themselves all the time?" - DAGNY

-sweet
-maaalalahanin
-malakAs sense of humor

-understanding                   -CATHY

"Just be yourself. walang pretentions." - RYTZ 

"Good sense of humor, patient, respectful, adventurous." -KIRSTIN

"Be sweet and thoughtful, like paying attention to the littlest things...matutuwa ang halos lahat ng girls...malaking pogi points yan!!" - STEPH

"My sense of humor, magalang, madiskarte, understanding." -JHOAN

"MABAIT MATIYAGA MASIPAG MASIGASIG." - YEEE

"Gentleman. Courteous. Generous. Light-hearted." - CAMS

-Responsable
-sense of humor
-understanding

-family oriented -SHEREE

-mabait
-responsable
-understanding

-hindi seloso      - CHRIS ANNE

"Hmm. Im not into physical aspect masyado pero gusto ko sana matangkad saken at simple lang manamit. Saka mukang mabango. Haha. Attraction first bago mafall dba.
Second, gusto ko yung nkakakwentuhan ko ng different things. Deep conversation or not. Yung pede mo yakagin kung saan. Kasi komportable ko sa kanya. Siguro sa "chemistry" nyo na lang din yon.
Third, yung hindi mapag promise. Yung tipong basta nya na lang nya gagawin kasi alam nyang matutuwa ka sa gagawin nya. Well di ba some people make promises just to buy more time. And end up na drawing lang yon." - MILCAH

Smart
outspoken

chubby - QUINCY


"May taste sa music, someone na my sense of humour, intellegence." -TINZ

"Loyal, pasensyoso/kaya sabayan ang topak ko, witty, may sense of humour." - KATHERINE

"Confident, romantic, kind and syempre stick to one." -MISAKI

"Yung marunong makisama sa lahat ng tao. Maaalalahanin, masaya kasama (joker) at yung mapagmahal sa pamilya, at yung may abilidad sa trabaho." -AIRA

-Loyal 
-Honest
-Respectful

-Understanding - APRIL

"Chubby, may sense of humor, masarap kasama at ma effort." -AAIEY

"Honest, responsible and mukang malinis.." - NADINE KRISTINE

Ayan GABRIELA has spoken, siguro naman eh may napulot na diskarte ang ating mga kalalakihan kung ano talaga ang hinahanap hanap ng isang babae sa lalake. Pero kung bibigyan  mong pansin ang mga datos halos karamihan ay hanap ay may sense of humor, eto yung boyet na masarap kasama,  masaya makipagbiruan, joker at higit sa lahat mataas ang intelligent quotient. Hindi pa rin naman nawawala ang umaasa sa forever, ba't nga naman mawawalan ng pag-asa kung posible naman. At siyempre gusto nila yung mga lalakeng may yagballs, madiskarte, naeffort at kayang timbangin ang oras sa pamilya at trabaho. Eto nga marahil ang mga pantatag na pundasyon upang magkasundo sa relasyon ang mga lalake at babae.

And everybody wants to deserve that fresh-feeling kind of relationships at siyempre kapag nagtugma-tugma lahat ng kagustuhan ng isa't-isa, magiging masaya at masagana ang pagsasama at eto na ang susunod na destinasyon ng isang mag-irog.....

Ito ang ibig kong sabihin at mailalarawan sa kanta at bidyo na  ito. Gawin natin itong theme song sa post na  ito. Maraming salamat sa lahat ng partisipasyon at sa mga invisible readers  ko na nagbabasa. Magandang gabi sa inyong lahat! :)


Mula sa bandang Eels - "Fresh Feeling"








Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...

Certified Great Reads