Miyerkules, Disyembre 30, 2015

You're Safe from my Torotot




'Mas pipiliin kong manorotot kaysa magpaputok.'
Ang tanong, papaano nga ba tayo lalaya sa masamang tradisyon na nagpapaputok ng rebentador sa New Year?

Isa lang ang sagot diyan tohl! "The TOROTOT will SET US FREE!"



Mayroong larawan si Enrique Gil sa torotot kung gusto mo siyang turototin.

Oo bakit naman  hindi? Ang pagtotorotot na nga siguro ang mabisang pamamaraan kung pang-taboy lamang sa malas sa susunod na taon. Ang karamihan sa ating mga kababayan ay natuto na rin sa wakas na imbis na delikadong paputok ang kanilang gamit sa pag-iingay ay torotot na lamang ang kanilang binibili. Bukod sa iba't-ibang kulay, porma at istilo eh murang-mura pa at p aniguradong sasalubungin mo ang Bagong taon na kumpleto ang iyong mga daliri sa kamay at paa at maayos kang makakapagbilang ng 1 to 10 habang kinokompyut mo yung mga umutang sa iyo nitong taon.

Pagkatapos ng Pasko, itaga mo sa bato, diyan pa lang maglalabasan ang mga torotot sa palengke. Wala naman kasing torotot sa mall at hinding hindi ako bibili ng torotot sa mall kung meron man. Ang gusto kong torotot eh yung maihahalintulad  ko sa indie film na gawang kamay ng Pinoy na gustong maghanap buhay and I won't settle for a branded torotot. Anong torotot yan may tatak na Bench at Girbaud? Masasabi nating seasonal lang talaga ang pagtotorotot, kasi ibang torototan naman yung nangyayari kapag Pebrero katorse. 

Pero wag ka ha may babala pa  rin ang DOH sa mga torotot na yan.  Kailangan pa rin natin ng kaukulang pag-iingat at pagbabantay sa ating mga tsikiting. Bakit? Hindi dahil sa sumasabog ang mga torotot. Kapag bibili ng torotot suriin mabuti ang pinakadulo ng hinihipan. Ang ating tinutukoy ay ang pito ng mga torotot kung saan dito  natin hinihipan para lumabas ang ingay, may ilang mga kabataang apat na taon pababa ang nakakalunok ng pito ng torotot. Ang mga torotot na ito ay maluluwang ang pagkakabit ng pito at maaaring malunok ng bata habang ginagamit niya ito. Ang siste  kapag kinausap ng magulang at nagsalita ang bata, tunog ng pito ng torotot na lang ang kanyang tugon. Pero siyempre joke lang yun tohl. Totoong maari nilang malunok ang pito kaya suriing mabuti ang torotot na bibilhin at wag papadala sa ganda at kulay. Parang paghahanap lang   din yan ng tunay na pag-ibig, huwag magpapadala sa panlabas na anyo, mabuting tumingin pa rin sa ganda ng kalooban.

Kung wala naman torotot o ayaw manorotot marami pa rin namang alternatibong gamit pang-ingay. Nariyan ang palanggana at palo palo, pero siguraduhin mo kinabukasan kapag maglalaba ka meron ka ring pang alternatibong pambili dahil sa nabutas mong palanggana kakapalo. Puwede rin namang mag-ingay gamit ang mga loud stereos, pero wag naman sana puro death metal at satanic  tunes ang ipansasalubong mong ingay sa bagong taon dahil sa halip na umalis ang mga masasamang espiritu eh sa inyo pa mamahay. Puwede na yung mga One Direction at Justin Bieber tunes. Option mo rin mag-ingay sa pamamagitan ng pagsisigaw. Magsisigaw ka hanggang mapaos ka. Ngayon mo ipagsigawan na mahal mo si  ganito, si ganyan. Mas maganda kung ipagsisigawan mo sa microphone o di kaya para mas  malakas sa megaphone. Kantahin mo lahat ng kanta sa videoke machine wag na wag lang yung "My Way" kung gusto mo pang makatungtong ng 2016. Manghiram ng sampu o mahigit pang torotot sa ilang kabataan at sabay sabay ipasok sa bibig at hipan. O kung hindi mo talaga maiwasan, bahala ka, bahala ka sa buhay mo kung gusto mo pa rin magpaputok ng mga rebentador, kwitis, super lolo, five star. Sabayan mo ng alak para mas may thrill budburan mo pa  ng yabang sa daan paniguradong hindi lang mga daliri ang wala sa'yo kung di buong kamay at parang lagi ka na lang naka fist bump. Wag mo sabihing hindi ka binalaan ng blog na ito, kumpletos rekados na kame sa karne para bukas, imbitado ka naman wag ka lang magdadala ng sarili  mong bacon pagkatapos mong maputukan ng Crying Bading.

Kaya ako okay lang masabihan ng duwag at walang bayag. Hinding hindi ako magpapaputok kahit pa watusi o lusis. Ligtas na ako sa torotot kong kasing-lakas ng kanyon. Huwag ko lamang malulunok ang pito nito.

Mula sa mga mambabasa (kung meron man) ng Ubas na may Cyanide, Masaganang Bagong taon sa ating lahat  at maligo din tayo sa bagong taon!!!

Miyerkules, Disyembre 23, 2015

Of Woofs and Wags: PROJECT PAWPRINTS



'Cant care for an animal? DON'T GET ONE!


"If you can't help them, at least, don't hurt them".

If you think your life is tough on you, THINK AGAIN. There are innocent beings who have less than you have. This cruel world is too much on animals. Consider giving your time, effort, or money to help the homeless. For those of you here in our country, take personal charge of a homeless and needy animals. The world will be a better place because of your compassion.

I have started this campaign early this month by myself and I will promise to continue this little effort 2 days every week, every rest day from my work. It's called PROJECT PAWPRINTS!

Simple lang, walang halong kiyeme or cheche bureche. I'm on a bike and looking for homeless dogs and cats. It's just like on wheels delivery of foods for their hungry stomachs. You'll never know kung gaano na sila katagal hindi kumakaen. After the last day of work, I'll wake up at 3 AM to prepare foods in a styro. Six packs of fully loaded rice and adobo are enough on my bag. Passing by from Buhay na Tubig Palico 4 to Zapote Kabila Palengke route riding a bicycle, you can see a lot of poor innocent dogs and cats on the streets. Some of them sleeping on a sidewalk (despite the cold) and a lot of them scavenging raw foods from the trash. Others want to cross the street, but others are too weak, that cause many deaths from a road kill. This morning, I found 3 separate road kills one is a cat which I guess it was accidentally run by a speeding car. The cat was near the canvas, but maybe because of the hard impact, the cat didn't make it. In Aguinaldo Hi-way when I'm passing Barangay Malumot in front of Christian Values School a stray dog was brutally run over. I can't describe it, but we know when we say "brutal" it something like unrecognized.

'This what I give them on a  first try, a simple offer to provide food for their hungry stomachs'


But still, I just want to clear some things, for sure there are other people would say things like these "ang taos-pusong pagtulong hindi na kailangang pinapaalam sa iba". I don't need to be noticed by doing this kind of help. It's my passion since I was a kid, I've been doing this since my teenage days. Tama hindi na kailangang ipagladlaran na tumutulong ka, but posting this stuff would more help the homeless animals. It would give encouragement and inspiration to others, alam ko merong mga tao diyan na gusto tumulong pero hindi alam kung saan, paano at anong paraan. For others, they may think "kalokohan" or "kabaliwan" lang ito. But "NO" my friends, when you give and see those needy eyes looking at you there's nothing you can do, maaawa ka na lang because of their weak bodies.  It's an awesome feeling helping them and they will stare back at you saying "thank you" with their eyes looking at you. I wish that I could do this every day, but I can't. There is this dog near the intersection of SM Bacoor, this dog is a big furry friend, pero nahahalata mo na sa kanya na unti unti na siyang nagiging skinny. I guess niligaw ng amo, you can see from this dog na dati talaga siyang alaga.The dog keeps snipping the canvas, I notice him. I stop by, I parked my bike. I bring this brown bag in front of him and I was surprised because he's not running, hindi siya mailap unlike the others.


December 17, I started to prepare at 3 AM in the morning, with the same old packed foods of Nanay's Adobo. This time, the foods were prepared in a small plastic bowl container. I can only manage to arrange four bowls in my bag but all four were fully loaded with Adobo. Madilim at malamig ang pagpadyak and the headlight of my bike suddenly went down, I guess, the battery is already drained which is very dangerous for me to go along the highway. But still, I told myself that I'm already here and I don't want to get back, I just need to be extra careful manning the bike.

First stop was at Palico 4, I saw this dog patiently sitting and wagging its tail from a boy in front of the store, hoping that the boy will share his foods to our  fur baby. The human ignores him and I guess that's the time for me to show on the scene. I parked my bike for about 5 steps before him to avoid him being scared of me  and also to keep away from destruction. The dog seems to be friendly and wag his tail as I'm approaching. Those innocent eyes are waiting for what am I pulling out of the bag, the dog's eyes are delighted when he sees the happy bowl that I gonna give to him. With glee on his face and the speed of the  wagging tail might tell him that I am not a threat and I am not gonna hurt him. So I put the food down next to him, he walks slowly and started to feast on my Adobo (with the tails still wagging. Happy kid!

Thursday last week is also time for Simbang Gabi, so preno muna ang bike papuntang simbahan and for sure that I'm gonna see a lot of strays around the church, especially at the food area at the back of the  church. It was the second day of the  Simbang Gabi and I can't even find a parking area for the bike. So I just decided to stay outside and join the mass riding on my bike. The mass ended after 40   minutes, strolling at the back of the church to find a hungry fur baby. There were lots of food lugaw, arrozcaldo, puto bumbong, bibingka, mami etc. I believe I am at the right place to find my second stray for the night. While waiting, I buy taho to keep my stomach warm from the cold night. From the last gulp of my taho, suddenly I spotted a white dog approaching the mami-lugaw-arrozcaldo section. He sits in front of the people feasting on their hot noodles  with chunks of beef, but the dog was driven away. He's afraid and run a bit, crossed the street and looking for something to eat in the garbage. I crossed the street and went to him slowly before he messed up the trash bin. The dog didn't even scared of me and I managed to take pictures on him directly looking at the camera. I gave him the two bowls because the cat runs away.

Daniela Andrada - Christmas time is here ft. The Cutest Dog in the Galaxy

What breaks my heart while approaching the Nueno avenue, the street aside BPI, I saw a white dog with black spot and a spot on his eye similarly like Tagpi, skinny, and his back leg is injured. I hate to leave him without food, but there's nothing that I could do right now, I 'm out of food supplies.  I wish I can see you there again tonight for Round 3 of Project  Pawprints.  

People for sure, marami sa ating ang magkakaroon ng leftover foods on this Noche Buena tonight. Why don't we share a bit? Let's feed the hungry people/strays tonight because giving is absolutely the  true spirit of this Holiday Seasons! Wag maging  Ebenezer Scrooge, get out of your houses and do good, give love o those needy on this most wonderful event of the year! It's Christmas time bro! Buh  humbug!

Merry Christmas sa lahat ng nagbabasa at bumibisita sa Ubasnamaycyanide.                                                                                                                                                                                                  

Martes, Disyembre 15, 2015

Simbang Gabi



'Imus Cathedral Church, Imus, Cavite


"Ang kampana'y tuluyang nanggigising
Upang tayong lahat ay manalangin
Ang bendisyon kapag nakamtan na
Tayo'y magkakaroon ng higit na pag-asa"


Oo, tohl alam kong dapat ay nagrereview ako ngayon para sa aming exam ngayong linggo. Hindi na ako estudyante pero kailangang ipasa ang nasabing exam para makalikom ng mas higit na kayamanan. Hindi ginto at hindi rin pilak na kayamanan kungdi saktong tanso lamang. Pero dahil isang araw at Disyembre 16 na naman, may pumipitik pitik sa aking nerve cell sa  utak na magsulat ulit tungkol sa Simbang Gabi. Ito ay isang tradisyon nating mga Noypi na minana pa natin mula sa ating mga mananakop na Kastila. Simbang Gabi na  dinadagsa ng nakararami; lalake, babae, bakla, tomboy, teenagers, barely legals, jejemons, mga mukang hasht5, mga mukang hasht 5 na babae, magsing-irog, grupong SMP, magkarelasyon na minadali para di maging SMP, mga mexicanong trashers, punks, hip-hop at kung  anu-ano pang creatures of the night ay dumadalo sa simbahan.

Mabuhay Singers - Kampana ng Simbahan

Ang simbang gabi ay tradisyong makahulugan para sa ating mga Katoliko. Noong panahon na ako'y teenager pa lamang na kagaya niyo ay nakukumpleto ko ang simbang gabi taon-taon ng hindi pumuporma ng OOTD. Magbabarkada man kame pero ang tunay na layunin talaga ay manalangin at magpasalamat sa mga biyayang natanggap kay Ninong at Ninang, maliit man o malaki, Goya chocolates man or M&Ms, Spartan man o Crocs, Nike man o  baliktad na check na logo ng Nike, Adidas man o Adudoy. Ang mahalaga ay tunay na diwa ng pagbibigayan at pagpapasalamat sa blessings ng Panginoon through all this years. At siyempre magpasalamat na din dahil buhay pa  tayo sa gulo ng mundong  ito.

Masaya nga naman ang simbang gabi dahil pagkagaling mo sa simbahan at pagkatapos ng misa ay diretso ka na sa mala-Baga Manilang tanawin sa gilid hanggang likod ng simbahan. Hindi mawawala ang magka tag-team partners na pagkain gaya ng "Puto Bumbong" at "Bibingka". Nariyan din ang taho, mami, mami-pares,pares,mga "si" foods pero hindi po isda (tapsi, longsi, porksi at hekasi), suman, mga grupong balls (squidballs, fishballs, chicken balls at naftalin balls). Sa isang bangketa naman ay may nagtitinda ng pasalubong katulad ng yema, uraro, ampaw rice, barquillos, lengua de ga to,  kape barako, salabat, tsokolate. Habang mayroon ding mga pampainit sa tiyan na makakain katulad ng lugaw, arroz caldo at goto.




Pero tanong ko lang tohl  ha, bakit mas marami atang nagsisimba tuwing  Simbang Gabi kaysa sa simba kapag Linggo? Teka ano nga bang kaibahan nun? Dahil mas masaya ang magsimba ng gabi? walang-araw? Walang araw eh bakit nakashades ka pa ring animal ka? Dahil lamang ba talaga sa porma? Naka varsity jacket kahit sobrang init sa loob ng simbahan? Para maglandian lamang? Magsimbang tabi at   gilid gilid at hahayaang mag-init  ang katawan at pagkatapos ng wala namang natutuhan sa sermon ng pari eh bigla nalang maglalaho sa gilid gilid at alam mo na ang sunod na pinupuntahan? Putangna, utang na loob, magsitulog na lang kayo ng mutain pa kayo. Merong mga kabataan naman na naglalasing muna sila at pumupunta pa rin ng simbahan. Hindi  ko na   rin maintindihan kung naiintindihan ng mga taong ito ang tunay na kahulugan ng Simbang Gabi o para sa kanila ay pawang kalokohan lamang.

Ay meron pa palang mas malala pa, ewan ko  kung sinong mokong ang nagpauso nito na kapag nakumpleto mo  raw ang Simbang Gabi ay puwede ka nang makapgwish ng kahilingan. Ilan bang wish? Tatlo? Punyeta ano ito, instant "genie in a bottle"?  Actually  nakatapos ako ng Simbang Gabi noon nung ang inyong lingkod ay nasa siyudad pa ng Paranaque. Sino nga ba naman ang hindi makakatapos noon eh likod lang namin ng bahay ang maliit na kapilya. Wala ng OOTD-OOTD pa WUGU ang nagyari Wake Up and Get Up. Konting hilamos at paghigop ng kape sa bukana ng kapilya ayos na. Naka abot ako ng siyam na araw, wagas nakumpleto ko! Ngayon panahon na para subukan ang "wish upon a simbang gabi " trial. So sa isang gabing madilim, habang tulog na ang lahat at ako'y nasa taas ng aming balkonahe, isinikatuparan ko ang aking pagwiwish habang nakatingin sa   gabing maningning na punong puno ng bituin. Ang winish ko  "sana maglakas loob na akong makilala si ultimate crush ko nung highschool, at kung may instant bonus na wish sana mag ing kame". Pumikit at taimtim na nanalangin. Lumipas pa ang mga nagdaan na buwan sa bagong taon ay nakalimutan ko na  rin ang wish na yun ee. Hanggang sa dumating ang araw ng Foundation Day ng School, nakita ko siya noon at ang ganda ganda niya. Likas na mahiyain ang inyong lingkod kaya nangangailangan ng tulay, kilala pala siya ng aking kaibigan at sinabi niyang ipapakilala niya ko. Ayaw ko pa nga eh, pero biglang sumagi sa aking isip ang wish ko noong nakaraang taon na simbang gabi. Hinihila hila niya pa ko, sabi ko sana hindi ko na lang nabanggit sa kanya. Pero may the force be with him kasi nagpa-alalay pa sa iba, eh ayoko naman na para akong inahing baboy na hinihila sa harap niya. Kaya malaya na lang ako sumama sa kanila na para bang may mga kasama akong pulis at ako ang suspek. Ayun ipinakilala ako sa kanya at bilang simbolo ng bagong pagkakakilala kailangan niyong magkamay. Ayun habang ipinapakilala pla ko eh kasing bilis ng alas-kwatro sila gumawa ng kalokohan. Nung pagkakamay ko sa kanyang mala bulak na lambot ng palad ay nakatimbre na pala ang isang kanta ng Boyz II Men sa request booth. Mga walanghiya talaga at lumayo pa sa aming dalawa. Magkahalong  hiya, sayaw at bilis ng tibok ng puso ang aking naramdaman Papa Jack. Pero ang saya din pala ng  wish na yan kapag nakumpleto mo ang simbang gabi, medyo matagal nga lamang siguro ang epek. Dapat pala inuna ko yung instant  wish na maging kame or masyado daw atang overrated ang wish na yun sabi ni Lord. Okay na po ako duon sa nakilala ko siya.

Pero ewan, wag ka umasa na totoo nga ito, ang mahalaga ay magpunta sa simbahan nang alam ang dahilan kung bakit ka naroroon. Hindi para makipagharutan o makipaglandian. Nandoon ka para magdasal at  magpasalamat ng taimtim, nandoon ka para humingi ng kapatawaran ng mga kasalanan, hindi lamang sa pagfofoodtrip at hindi lamang sa kagandahan ng porma.

So what are you waiting for mga toohl, plug in the iron na at plantsahin na ang OOTN mamayang gabi. Alam ko naman na marami ka nang napamaskuhan at siyempre yung iba kaka 13th month lang kaya for sure todo get up na for tonight. Eksakto naman yung old school na "varsity jacket"   mo kasi umuulan at may bagyo. Aba eh unahan mo na rin ang pagsikat ng haring-araw bukas kaya gabi pa lang mag-shades ka na. At panigurado naman ako na makakailang shift ka ng simbang gabi mamaya para lang tumambay  at magsearch ng simbang gaBOYS at simbang gaBABES.

Oh siya balik review! Para sa ekonomiya!

Sabado, Disyembre 12, 2015

It's Christmas time, It's Jose Mari Chan's time



'Aangal ka ba kung kontrolado na niya ang sound system sa lahat ng malls?'

Ramdam niyo na ba ang Christmas season?

Ako hindi eh, sa panahon ngayon parang lagi nang may kulang at hindi na ganon kasaya di ka tulad ng mga nagdaang Pasko. Maaaring maisingit ko na naman ang dekada otsenta at nobenta, pero yun talaga ang katotohanang walang kasinungalingan. Maaaring hindi na masaya dahil hindi na kumpleto ang pamilya, alam natin na ang iba sa atin along the way may mga lumisan na at tayo'y iniwan ng ating mga mahal sa buhay. Wala naman sigurong pamilya na hindi pa namamatayan sa buong angkan nila, ano yun immortal?  bampira? Isa pang dahilan na nabawasan na ang galak tuwing Pasko  dahil napakamamahal na ng bilihin at hindi na kumpleto ang linya sa kantang "Kaysigla ng  gabi ang lahat at kaysaya, nagluto ang ate ng manok at tinola, sa bahay ni kuya ay mayroong litsunan pa..." Basta ako may ham actually Swift ham atsaka Sunshine  hindi yung green peas tohl, kung di Sunshine spaghetti, brand siya ng istapegi at karne norte na sponsor din ng Swift. At idagdag mo pa sa pagka mis tuwing Pasko ay yung mga nangangaroling, dun ko lang kasi nararamdaman na Pasko na  talaga. Ngayon kasi ang tahimik na ng gabi, hindi  kagaya nuon na maraming bata sa lansangan at may  mga dala dalang tambol, tamburine, lata ng Nido o kaya Birch Tree, habang sabay sabay na kumakanta ng awiting pamasko.

Medley: 1) sa may bahay 2) we wish you a merry christmas 3) kay sigla ng gabi 4) pasko na naman – tangina, ganito talaga ang pagkakasunud-sunod e noh?

May mga nangangaroling naman kaso mga matatanda, ayoko sila dahil mas feel ko ang Pasko kapag mga batang kakaahon pa lang sa incubator ang mga kumakanta para kasi silang mga chipmunks ang kukyut  habang yung isa nakanta habang tumutulo ang uhog! Hahahaha! Kapag matanda kasi obligado ka na mas mataas sa bente ang ibibigay  mo tapos pagdating umaga pagtsitsismisan ka na nila na ang kuripot mo. Eh kapag bata, ayos lang kahit piso lang ang iabot mo sa kanila, okay lang kahit kantahan nila ko pabalik ng "Thank you, thank you ambabarat ninyo. Thank you! Ayos lang at least hindi ka itsitsismis ng mga bata.

Isa sa pinaka hit song para sa Pasko ay yung Christmas in our Hearts ni Jose Mari Chan, aba naman naging National Anthem na ito ng mga kababayan natin kapag malapit na sumapit ang Pasko. Alam naman natin na maaga ang Pasko sa Pilipinas, Agosto pa lang marami nang mga si mpleng parol at magagarbong parol ang ibinibenta. Agosto pa lang puwede ka nang kumata ng "Kumukutikutitap" ni Ryan Cayabyab. Pero yung talagang "wenebel ay si  gels em boys sellin lantern on the streets", yan talaga ang tumatak sa ating isipan na kantang pampasko. Kapag pinagtugtog na ito sa mga radio stations noon, wow ramdam mo  na ang Kapaskuhan, unti-unti nang lumalamig at sumasaya ang paligid. Naguumapaw ang damdamin sa kagalakan at nagugumising ang pusong single at pinipilit na humabol na magkaroon ng jowa bago mag simbang gabi kung di mapapabilang ka sa grupong SMP o Samahan ng Maiitim ang Puwet.

Pero sino nga ba tohl si Jose Mari Chan?

Si Jose Mari Chan ay maituturing na isa sa mga pinakamalupit na singer noong late 80's hanggang 90's. Hindi lamang Christmas songs ang  kanyang nililikha at pinasisikat. Mayroon siyang iba't-ibang tema ng kanta, iba-ibang istilo at lahat yan award winning. Ang tamis ng unang pag-ibig na katulad na lamang ng "PLEASE BE CAREFUL WITH MY HEART". Hindi mo mapigilang kiligin at maihi sa underwear kapag nakita mo na si ultimate crush habang nagplaplay sa isipan mo ang kanta ni Jose Mari Chan na "TELL ME YOUR NAME, CAN WE JUST STOP AND TALK A WHILE" at ang classic na "BEAUTIFUL GIRL". Napaka pamoso nitong kantang ito at kung marunong lmang siguro akong magitara at biniyayaan ng boses ni Jose Mari eh malamang harana ang mangyari at hindi pangangaroling. Yung "CHRISTMAS IN OUR HEARTS", yan ang aming kinanta noong may pa-contest sa amin noong elementary, sabayang pagkanta o choir. Olats nga lang kasi may pumiyok sa bandang likod at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung sino yung classmate ko na  yun. Ang sabi sabi tinapakan daw ang paa niya nung katabi niya, siyempre mahaharot din at nasa likod pa at nasingitan din ng konting hagikhikan. Ayun sablay!

Maraming sumikat sa album niyang pang krismas at hindi lamang ang Christmas  in our Hearts, gustong  gus to ko din yung "A PERFECT CHRISTMAS", "A WISH ON A CHRISTMAS NIGHT", DO YOU HEAR WHAT I HERE?" at "THE LORDS PRAYER". Wala ka nang magagawa dahil sa mall kontrolado na niya ang buong sound system ng mga tugtugang pampasko. Bukod sa Coke (Holiday is Coming na patalastas) isa rin si Jose Mari Chan na simbulo at hudyat na malapit na ang Kapaskuhan.

Isa si pareng Jose Mari Chan sa mga lahing Pinoy na dapat nating ipagmalaki. Ang kanyang malamig at nakakamesmerize na boses na sadyang hindi nagbabago ng tekstura mula  noon hanggang ngayon ay tunay nga namang masarap pakinggan.

Kaya para ibalik ang kasiyahan at galak ngayong Christmas, kumanta na lang tayo!


"Christmas in our Hearts"



"A Perfect Christmas"



"A Wish on a Christmas Night"



"Do you hear what I here"

Huwebes, Disyembre 10, 2015

Must read! -> Women's Cryptic Code: I NEED SOME SPACE CHURVA



'Okay lang, bibigyan kita ng space pero lagi ka dapat naka Astronaut suite.'

Alam niyo mga brad, tohl at boyets isa na siguro sa pinakamisteryong nilalang na ginawa ng Diyos ay ang mga babae. Bakit? among  all  the living things and  non living  things with or without back bones, vertebrates or invertebrates man, sila yung hindi alam ang gusto, lahat ng emoticons sa social media at mga moods emojis ay taglay nila. Malas mo na lang kapag meron pang violent mood swing. From happy to sad, from sad to buying extra rice, from confusion to shopping  at kung anu-ano pang conversions ng emotions. Wale eh ganun talaga pero kailangan mong intindihin, sabi nga ng isang tropa sa opisina "Annoying!" pero hindi ko na sasabihin kung sino, pero nakakatuwa dahil kapag kaharap na natin ang mga pinakamamahal natin sa isang relasyon eh hindi natin ito naibabahagi sa kanila dahil pinipilit pa rin natin intindihin sapagkat tayo ang suka sa toyo  nila pa ra mabalanse ang lasa. Ganun lang talaga, pero kung paano sila naging misteryosa ay hindi lang sa mga moods, meron din silang mga cryptic codes na tinatawag, halimbawa na lang kapag nanliligaw ka pa lang, nagtapat ka ng iyong nararamdaman, pano kung sabihan ka ng: "There's plenty of fish in the sea". "Punyeta ayoko ng fish, ikaw ang gusto ko.!"; "Ayoko ng fish, vegetarian ako!"; "Ayoko ng fish bhe, allergic ako sa tinik." Eh, yun pala kapag sinabihan ka pala ng ganun eh parang pinagtutulukan ka niya sa ibang isda, so kinoconsider pala ng mga babae na isda pala. Ano kaya tingin nila sa amin, siyokoy? So kapag i-dinicode mo ang cryptic code na ito, natural mente hindi ka niya gusto, umibig ka na lang sa ibang isda at marami pa diyang iba. Aray ko bhe! Idinadaan pala nila sa mga ganitong bagay para hindi tayo masaktan ng biglaan, yun bang parang nagsosolve ka ng mga palaisipan sa tabloid. Hindi mo maiintindihan kung hindi mo iintindihin. 

Meron pang isa, yung I NEED SOME SPACE. Patay tayo diyan, eto na nga siguro ang pinakamahirap i-encrypt.

Ganun ka nga ba kataba at kailangan na niyang manghingi ng space dahil nasisikipan siya. Nakamamatay na  fats pala yan. Pero kung gusto niya ng space talaga sana kinausap  mo siya kung bakit hindi niya agad naisip ang gusto niya maging paglaki niya, trip naman pala niya mapabila ng sa empleyado ng NASA eh di sana nag Aeronautics na lang siya, duon sagad sagad ang space at hindi lang space ang makikita niya, kung  di comets, meteors at black hole at glo.....(eassyyy). Aba itong mga babaeng ito dinaig pa ang Da Vinci code, at kailangan mo pang i-decode kung ano ang nilalaman ng mahiwagang mensahe.

Kaya dito sa Ubas na may cyanide, susubukan nating analisahin ang mahiwagang mensahe. Ganito nga ka ya ang ibig sabihin ng I NEED SOME SPACE  ng mga gurlaloo:


Dave Matthews Band - "Crush"


"She might fell out of love?"

Eto yung mga babaeng may pagka feng shui expert at naghahanap lang siguro ng lucky date at kung saan tatapat ang araw kung north,east, west or south kung kelan siya makikipagbreak. Pero siyempre dapat mas wais tayo, unahan  mo na dre para lumabas na ikaw ng sumuko sa inyong dalawa. So for now, ayos lang yung sabihan ka niya nung  "I need space" muna para kunware nagiisip siya,  pero ang totoo dun din mauuwi sa break up yan.

"Hindi ikaw, ako."

Oo,  hindi ka niya sisisihin so ang lumalabas siya ang may problema at wala naman talagang problema sa'yo o sa relasyon niyo. Baka kaya naiiisip niya na sumusobra na siya sa extra rice? dahil kapag magkasama kayo puro kayo kaen, at  di niya mapigilan na umorder pa ng kasunod na rice. Kaya tumataba na siya  dahil sa kalalamon  niyong dalawa. Minsan sa ganitong  sitwasyon hindi ka niya kakausapin, kaya pati yung relasyon niyo  naapektuhan na. Ano ba talaga dear? Is it me or is        it  you? Meron bang ibang humans na involve? Magiging instant fisherman na ba ako at paghahanapin mo na ako ng better fish sa Pacific Ocean?

"Lagi ka kasing nasa tabi ko, nakakasakal na."

Annoying!!! natural lagi kaming andito kasi jowa niyo kame. Sino bang gusto mo na laging katabi? si James Reid  o si Alden Richards? At kapag hindi niyo naman kame mahagilap, sabog ang inbox namen sa mga message niyo. "Asan ka, nambababae ka noh?" Nambabae agad? hindi namakla kami for a change! 

"I need some space, may nakita akong pagkain, may titikman lang muna kong iba."

Tama nangako nga kayo  sa isa't isa na "ikaw lang ang una't-huli kong mamahalin". Pero wala kayong sinabi na ikaw pa rin hangga't sa kalagitnaan ng relasyon niyo. Pero for sure na babalikan ka niya kasi ikaw nga yung huli diba? Kung baga nag "may I  go out muna" siya o yun nga "I need some space", pero pagkatapos ng lahat ng nangyari sa kalagitnaan ng banyo, babalik na siya kasi na-release  na niya ang dapat na irelease. Babalikan ka niyan and you two will live happily ever after. Pero wala pa ring forever.  

Minsan talaga ang cryptic code na I need some space eh prelude to a break up, may mga bagay talaga sa mundo ng pag ibig na hindi maintindihan, hindi maunawaan at dumadating ang pagkakataon na hindi na alam ang gusto. May nagsasabing hindi na masaya, wala ng spark, wala ng fun kahit lagi kayong nasa Worlds of Fun na arkeydan sa SM. 

Ang I need some space syndrome ay parang dry run para subukan kung kaya niyo bang igive-up ang relasyon na ito. Consolation na lang siguro yung "pilit na sinusubukan", pero malabo kung baga sa title ng isang basketball game is "do or die", "it's now or never", o di kaya "win or go home".

Ang matinding tanong: Gaano ba kalawak ang space na hinihingi niya? Puwede ba yan sukatin ng T-square o kaya medida? 

Space pala ha! 

                           

Hindi mo alam gaano kalawak ang space na hinihingi niya, to the point na walang calls, text, chat? Aba malulugi ang Globe, Smart at Sun sa inyo niyan baka pati yung loading station ko dito sa bahay eh ma-olats. Wag ganun! Pero, ang totoo gaano kalayong space ang pagitan? Gaano kahabang space ang dapat niyang ilayo para marealize niya kung ikaw pa rin ba? O  baka naman nanghingi na siya ng space kung pagbalik niya naman may kasama na siyang alien? Ang sakit nun, binigyan mo na ng space tapos pinapalit ka na pala sa predator. </3 Parang lumutang ka na lang bigla sa kalawakan at gusto mo nalang magpakaen sa black hole at naghihintay kung sasagipin ka pa ba niya o hindi na.

Ang demanding din naman pala nila eh no? Binigay mo na nga yung mundo mo sa kanya, lekat na yan buong space pa ang hinihingi. Kaya ang ending, walang wala ka. Ang natitirang space para sayo eh yung space bar na lang ng keyboard. Eh baka yun gusto niya ring hilingin?

Pero ang sabi nga, "Kung talagang mahal ka, babalik yan sayo na parang OFW, bitbit lahat ang sarili niya nung time na iniwan ka niya." Kaya asarin mo, kanta ka ng Babalik ka rin ni Gary V with matching kampay kampay ng kamay.  Hindi ba kasi puwedeng "Kung talagang mahal ka, sa simula at sa gitna pa lang hindi ka na magagawang iwan?"

Pag iniwan ka, sama ka na lang sa akin sa black hole. = )



Biyernes, Disyembre 4, 2015

Wanted: Darna




'Sino nga ba ang susunod na Darna?'

Kung tatanungin ko kayo ngayon, sino ang nagiisang Superhero ng childhood niyo?

Eh siyempre di nama kayo agad makakasagot di ba? Kaya kung ako ang tatanungin niyo, ang gusto kong maging superhero sa Pilipinas at para na rin sa sarili ko ay si Iceman! Natural mente ang follow up question na "bakit?"

Oo nga bakit nga ba si Iceman?

"Si Iceman ay beki."
Eh kasi ayos siya eh, okay siya di ba? AyosMan! Joke lang pasensiya na sa hirit na Tito jokes, pagbigyan niyo na ako isang bagsak lang naman. Pinili ko si Iceman kasi cool siyang superhero, just like me Jack cool with spacing, wag pagdidikitin dahil nakaamba na naman yang berdeng substance sa utak mo. Bagay kasi si Iceman sa Pilipinas, kung saan ang halos lahat maiiinit ang ulo. Iba ang presence ni Iceman, siguro kahit trapik sa Edsa, maramdaman lang ang presensiya niya, lalamig na ang ulo ng mga tao. Magagawa rin kasi ni Iceman na isang bloke ng yelo ang baha, so hindi  tayo magkakaron ng problema sa baha, yung liquid state magiging solid state pansamantala. Kung nageexist siguro si Iceman sa kasalukuyang panahon, puwede niya gawing Winter Wonderland ang buong Pilipinas, hindi man umuulan ng yelo, pero puwede niyang palamigin ang buong paligid sa pamamagitang ng kanyang super powers na budburan ng snow ang buong paligid. E di wala nang tambay na nakahubad sa mga tindahan, lahat sila giginawin at mapipilitang mag T-shirt kahit butas. Ang mga bata na naglalaro ng LOL at COC maglalabasan para magbatuhan ng snow balls, kaso sa Pilipinas siguro ang snow balls na madadampot mo may halong ebak ng aso o kaya ng tao mismo. Makikita mo ang mga tao na naka jacket all the time, kaya kahit araw-arawin ang APEC hindi sila masusunburn sa paglakad sa kahabaan ng Roxas Boulevard. Si Iceman din ang magpapakalma sa mga taong laging sambit pag pasko ay SMP na naman ako. Ayan si Iceman ang magiging taga payo niyo kaso baka lalo sila ginawin kapag si Iceman ang naging chairman ng grupo na yan.

So much from my superhero na tohl, mukhang ang dami ko nang nasabi.

Doon naman tayo sa sariling atin. Lahat tayo balang araw nangangarap na may bigla na lamang susulpot na tagapagligtas o sugo mula sa kabutihan ng langit, bababa sa lupa at tutulong upang mapuksa ang lahat ng uri ng krimen sa bansa. Halos lahat ay kathang isip lamang at namamayani lang ang kuwento sa likod ng drawing sa mga komiks. Lahat ay nagsisilbing pangarap lang, mula sa maliit na espada ni Flavio na humahaba at umiilaw kapag sinasalakay na ng mga halimaw ang isang bayan at doon lalabas ang magiting na si Panday para puksain ang mga walang ka ener energy na halimaw, isang sipa lang tigok na. Pero tingin mo ba makakakita tayo balang araw na babaeng Panday? Kasi nabanggit niya ata na ipagpapatloy niya ang mga ginawa ng kanyang ama. Ano kayang itsura ng costume ng babaeng Panday? Panday 4 na ba ito?

Mula sa isang nilalang na nangangalakal lang ng bote,diyaryo at garapa na nagantimpalaan ng isang makapangyarihang barbel mula sa Gold's Gym na ngayon ay Mayor na ng Quezon City na si Bistek Herbert Bautista, hanggang sa mga instant bawang granade ni Kumander Bawang, hanggang sa minanang agimat ni Pepeng Agimat kay Pepeng Kuryente, mula sa meteorite powers ni Extranghero, mula sa Lastikman ni bossing Vic, at sa mga insta moves ni Leon Guerrero (Lito Lapid) huwag mo lang siya kakausapin ng Ingles kasi itutumba ka niya for sure at sa mga nagsuot ng pang aerobics costume ni Darna. Lahat ng yan ay Pinoy superheroes sa likod ng tabing at nagmula sa mapaglarong isipan ng mga manunulat sa komiks.

Pokus tayo kay Darna.

Alam mo ba na ang kapanganakan ni Darna sa komiks ay nagsimula panoong taong 1947? Mula sa malikhaing isipan ni Mars, (uuyyy Maarsss) Mars Ravelo binigyang buhay niya si Darna. Pero alam mo ba na hindi pa Darna ang alias niya. Ang pinakauna-unahang Darna ay pinangalangang "VARGA" hindi yung singer na si VERNIE, sadyang Varga lang na ang nag published ng komiks ay ang Bulaklak Magazine. Nilisan ni Mars ang Bulaklak at mula sa bagong publication ng Ace ay doon niya muling nililok ang katauhan ni Darna.

1950, unang lumabas si Darna sa Pilipino Komiks. Ang unang istorya ng kanyang pakikipaglaban sa kasamaan ay laban kay Valentina, alam kong kilala niyo yan, siya yung may sandamakmak na ahas sa ulo. Ano kayang shampoo ni Valentina?





Pero alam mo ba tohl na marami nang ag portrait bilang Darna. Narito ang ilang listahan ng aktres at pelikula:

1951 - Darna - Rosa Del Rosario / Mila Nimfa 

1952 - Darna at Babaeng Lawin - Rosa Del Rosario / Mila Nimfa

1963 - Si Darna at ang Impakta - Liza Moreno

1963 - Darna vs. Isputnik - Liza Moreno

1965 - Darna at Babaeng Tuod - Eva Montes / Coney Angeles

1969 - Darna at ang Planetman - Gina Pareño / Gina Alajar

1973 - Lipad Darna Lipad - Vilma Santos

1973 - Darna and the Giants - Vilma Santos

1973 - Darna vs. The Planet Women

1979 - Darna Kuno? (Darna Parody) - Dolphy, Brenda De Rio, Lotis Key

1979 - Bira Darna Bira! - Rio Locsin

1980 - Darna and Ding - Vilma Santos

1991 - Darna - Nanette Medved / Francine Prieto

1994 - Darna, Ang Pagbabalik - Anjanette Abayari

Meron din nagsa-Darna sa mga TV serye

1977 - Lorna Tolentino

1986 - Sharon Cuneta

2003 - Regine Velasquez

2005 - Angel Locsin

2005 - Katrina Halili (as the first Black Darna)

2009 - Angel Aquino

2009 - Marian Rivera

....at meron ding mga nagmuntikan na maging Darna pero hindi nagmaterialized:

1993 - Alma Concepcion

1993 - Daisy Reyes

2007 - Karylle

2007 - Rhian Ramos

2007 - Jackie Rice

At ngayong 2015 o sa susunod na taong muling lilipad si Darna at muka atang bagong TV series na naman ito, at ang mga pinagpipilian mula sa Kapamilya network ay sina:

*Jessie Mendiola

*Bea Alonzo

*Anne Curtis

*Erich Gonzales

*Iya Villania

*Iza Calzado

*Julia Montes

*KC Concepcion

*Kim Chui

*Maja Salvador

*Cristine Reyes

Ikaw tohl, sinong bet mo? Alam kong gusto mo maging si Ding pero hindi ka puwede dahil baka ibang bato ang ibigay mo kay Darna, kaya mabuti pang wag ka na mangarap. Ayoko isiping showbiz ka-cheapan ang topic sa post na ito, napapagusapan lamang naman po ang mga Pinoy Superheroes at ang sariling atin na si Darna. Pero kung ako mismo ang bibigyan ng pagkakataon para pumili ito ang mga nasa listahan ko:

Si Angelica Panganiban kaya?

Hmmm ano sa tingin mo tohl? Another tisay na darna in the making, ang kaso lang kapag nagkaroon ng billboard sa EDSA eh magbumper to bumper ang mga sasakyan o di kaya ay magkaroon pa ng aksidente sa tuwing titingala sa flyover. Kailangan niya rin siguro ayusin yung tono ng kanyang pananalita baka kasi....

"Tangina Ding! Ang bato akin na leche ka! DARNA!!!"

Eh si Gretchen Barreto?

The first ever sosyalin Darna in the making? babagay kaya ang role sa kanya? At pag nagkataon siya ang unang Darnang may balat sa braso. Tapos si Claudine daw ang gaganap na Valentina, ayos baka maging makatotohanan ang fight scene! Cut! cut! direk  hindi puwede ang sosyal.

"Ding. Where's the swarovski?!

Tohl, Anne Curtis?

Bagay sana at ayos na rin ang pananagalog ng magandang binibini, pero ang dating talaga ng beauty niya sa akin eh pang Wonder Woman. Siguro kung naging fil-american lang si Darna puwede. Pano kung hindi ibigay ni Ding ang bato?

"Ding! Ang bato!"

"Ayaw ko nga."

Anne: I can buy you Ding. Your friends and that stupid bato!"

Ryan Rems?

Orayttt ba't ko siya sinali sa listahan ko? Male version na tutugis sa mga adik.

"Ding ang bato!"

*Ding gives shabu* 

Eto pare, Ella Cruz?

Okay yan isa sa pinakapaborito ko ay super petite, maganda ang mukha at maliksi sa mga fight scenes kasi sanay ang katawan sa paggalaw at pagsayaw. Ang tangi ko lang naiisip, maikli ang mga galamay niya at binti, baka kasi hindi umabot sa kalaban ang mga suntok at sipa. Ito siguro ang version ng cute na Darna...

"Ding ang bato!" Nilunok pero para magtransform na Darna hindi siya iikot, magtutwerk muna siya bago makapagpalet ng  anyo.

Jolina Magdangal?

Aba kung may petite, puwede rin ang kikay na Darna, at yung bato nasa kikay kit. Kaso baka maging costume ni Rainow brite ang original costume ni Darna.

"Chuva chuchu chuva chuchu. DARNA!!!"

Kim Chui kaya?

Yun! mahaba ang galamay, pang roundhouse kick ang mga binti, ayoko lang isipin na sa sobrang fight scene eh ma-injured at magkalas kalas ang buto ng ating former PBB teen winner.

"Ding! Ang bato!!

"Saglet." (pinagmasdan ang bato, kinilatis)

"Parang ito na ata ang icing sa ibabaw ng cupcake ko."

Kris Aquino?

Ay, baka maraming mabuwisit. Tama, tama pang bagwa lang ito.

"OMG!! Nakakaloka ka Ding! Hwa! hwa! hwa! Make abot the bato na!! DARLAAA! oopsss DARNA!!!

Pero  alam mo tohl, isa lang talaga ang pinapantasya kong gumanap bilang si DARNA at sana ako ang kanyang Ding. :p Eto siya oh, boto ka ba sa personal choice ko? Para sa eknomiya!

"Ding ang bato!"
ako: "Oo, eto na nanginginig pa!"