'Okay lang, bibigyan kita ng space pero lagi ka dapat naka Astronaut suite.' |
Alam niyo mga brad, tohl at boyets isa na siguro sa pinakamisteryong nilalang na ginawa ng Diyos ay ang mga babae. Bakit? among all the living things and non living things with or without back bones, vertebrates or invertebrates man, sila yung hindi alam ang gusto, lahat ng emoticons sa social media at mga moods emojis ay taglay nila. Malas mo na lang kapag meron pang violent mood swing. From happy to sad, from sad to buying extra rice, from confusion to shopping at kung anu-ano pang conversions ng emotions. Wale eh ganun talaga pero kailangan mong intindihin, sabi nga ng isang tropa sa opisina "Annoying!" pero hindi ko na sasabihin kung sino, pero nakakatuwa dahil kapag kaharap na natin ang mga pinakamamahal natin sa isang relasyon eh hindi natin ito naibabahagi sa kanila dahil pinipilit pa rin natin intindihin sapagkat tayo ang suka sa toyo nila pa ra mabalanse ang lasa. Ganun lang talaga, pero kung paano sila naging misteryosa ay hindi lang sa mga moods, meron din silang mga cryptic codes na tinatawag, halimbawa na lang kapag nanliligaw ka pa lang, nagtapat ka ng iyong nararamdaman, pano kung sabihan ka ng: "There's plenty of fish in the sea". "Punyeta ayoko ng fish, ikaw ang gusto ko.!"; "Ayoko ng fish, vegetarian ako!"; "Ayoko ng fish bhe, allergic ako sa tinik." Eh, yun pala kapag sinabihan ka pala ng ganun eh parang pinagtutulukan ka niya sa ibang isda, so kinoconsider pala ng mga babae na isda pala. Ano kaya tingin nila sa amin, siyokoy? So kapag i-dinicode mo ang cryptic code na ito, natural mente hindi ka niya gusto, umibig ka na lang sa ibang isda at marami pa diyang iba. Aray ko bhe! Idinadaan pala nila sa mga ganitong bagay para hindi tayo masaktan ng biglaan, yun bang parang nagsosolve ka ng mga palaisipan sa tabloid. Hindi mo maiintindihan kung hindi mo iintindihin.
Meron pang isa, yung I NEED SOME SPACE. Patay tayo diyan, eto na nga siguro ang pinakamahirap i-encrypt.
Ganun ka nga ba kataba at kailangan na niyang manghingi ng space dahil nasisikipan siya. Nakamamatay na fats pala yan. Pero kung gusto niya ng space talaga sana kinausap mo siya kung bakit hindi niya agad naisip ang gusto niya maging paglaki niya, trip naman pala niya mapabila ng sa empleyado ng NASA eh di sana nag Aeronautics na lang siya, duon sagad sagad ang space at hindi lang space ang makikita niya, kung di comets, meteors at black hole at glo.....(eassyyy). Aba itong mga babaeng ito dinaig pa ang Da Vinci code, at kailangan mo pang i-decode kung ano ang nilalaman ng mahiwagang mensahe.
Kaya dito sa Ubas na may cyanide, susubukan nating analisahin ang mahiwagang mensahe. Ganito nga ka ya ang ibig sabihin ng I NEED SOME SPACE ng mga gurlaloo:
Dave Matthews Band - "Crush"
"She might fell out of love?"
Eto yung mga babaeng may pagka feng shui expert at naghahanap lang siguro ng lucky date at kung saan tatapat ang araw kung north,east, west or south kung kelan siya makikipagbreak. Pero siyempre dapat mas wais tayo, unahan mo na dre para lumabas na ikaw ng sumuko sa inyong dalawa. So for now, ayos lang yung sabihan ka niya nung "I need space" muna para kunware nagiisip siya, pero ang totoo dun din mauuwi sa break up yan.
"Hindi ikaw, ako."
Oo, hindi ka niya sisisihin so ang lumalabas siya ang may problema at wala naman talagang problema sa'yo o sa relasyon niyo. Baka kaya naiiisip niya na sumusobra na siya sa extra rice? dahil kapag magkasama kayo puro kayo kaen, at di niya mapigilan na umorder pa ng kasunod na rice. Kaya tumataba na siya dahil sa kalalamon niyong dalawa. Minsan sa ganitong sitwasyon hindi ka niya kakausapin, kaya pati yung relasyon niyo naapektuhan na. Ano ba talaga dear? Is it me or is it you? Meron bang ibang humans na involve? Magiging instant fisherman na ba ako at paghahanapin mo na ako ng better fish sa Pacific Ocean?
"Lagi ka kasing nasa tabi ko, nakakasakal na."
Annoying!!! natural lagi kaming andito kasi jowa niyo kame. Sino bang gusto mo na laging katabi? si James Reid o si Alden Richards? At kapag hindi niyo naman kame mahagilap, sabog ang inbox namen sa mga message niyo. "Asan ka, nambababae ka noh?" Nambabae agad? hindi namakla kami for a change!
"I need some space, may nakita akong pagkain, may titikman lang muna kong iba."
Tama nangako nga kayo sa isa't isa na "ikaw lang ang una't-huli kong mamahalin". Pero wala kayong sinabi na ikaw pa rin hangga't sa kalagitnaan ng relasyon niyo. Pero for sure na babalikan ka niya kasi ikaw nga yung huli diba? Kung baga nag "may I go out muna" siya o yun nga "I need some space", pero pagkatapos ng lahat ng nangyari sa kalagitnaan ng banyo, babalik na siya kasi na-release na niya ang dapat na irelease. Babalikan ka niyan and you two will live happily ever after. Pero wala pa ring forever.
Minsan talaga ang cryptic code na I need some space eh prelude to a break up, may mga bagay talaga sa mundo ng pag ibig na hindi maintindihan, hindi maunawaan at dumadating ang pagkakataon na hindi na alam ang gusto. May nagsasabing hindi na masaya, wala ng spark, wala ng fun kahit lagi kayong nasa Worlds of Fun na arkeydan sa SM.
Ang I need some space syndrome ay parang dry run para subukan kung kaya niyo bang igive-up ang relasyon na ito. Consolation na lang siguro yung "pilit na sinusubukan", pero malabo kung baga sa title ng isang basketball game is "do or die", "it's now or never", o di kaya "win or go home".
Ang matinding tanong: Gaano ba kalawak ang space na hinihingi niya? Puwede ba yan sukatin ng T-square o kaya medida?
Space pala ha!
Hindi mo alam gaano kalawak ang space na hinihingi niya, to the point na walang calls, text, chat? Aba malulugi ang Globe, Smart at Sun sa inyo niyan baka pati yung loading station ko dito sa bahay eh ma-olats. Wag ganun! Pero, ang totoo gaano kalayong space ang pagitan? Gaano kahabang space ang dapat niyang ilayo para marealize niya kung ikaw pa rin ba? O baka naman nanghingi na siya ng space kung pagbalik niya naman may kasama na siyang alien? Ang sakit nun, binigyan mo na ng space tapos pinapalit ka na pala sa predator. </3 Parang lumutang ka na lang bigla sa kalawakan at gusto mo nalang magpakaen sa black hole at naghihintay kung sasagipin ka pa ba niya o hindi na.
Ang demanding din naman pala nila eh no? Binigay mo na nga yung mundo mo sa kanya, lekat na yan buong space pa ang hinihingi. Kaya ang ending, walang wala ka. Ang natitirang space para sayo eh yung space bar na lang ng keyboard. Eh baka yun gusto niya ring hilingin?
Pero ang sabi nga, "Kung talagang mahal ka, babalik yan sayo na parang OFW, bitbit lahat ang sarili niya nung time na iniwan ka niya." Kaya asarin mo, kanta ka ng Babalik ka rin ni Gary V with matching kampay kampay ng kamay. Hindi ba kasi puwedeng "Kung talagang mahal ka, sa simula at sa gitna pa lang hindi ka na magagawang iwan?"
Pag iniwan ka, sama ka na lang sa akin sa black hole. = )
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento