Biyernes, Hunyo 24, 2016

Katarantanungan: Bakit nga ba tayo iniiwan ng mga mahal natin?



'Why do we always hurt the one we love?'

Ang mga ganitong katanungan ang kadalasang hinahanapan ng kasagutan ng bawat taong umiibig ngunit mga nasasaktan. Walwalan ng feeling toh eh. Ang mga ganitong katanungan ang hindi masasagot ng Google o kahit anumang search engine sa Internet. Ikaw lang ang makakasagot nun eh, bakit ka nga ba iniwan? bakit  ka nga ba ipinagpalit? Masakit kung sa masakit ngunit hindi mawawala at laging magmamarka sa isipan ay bakit nga ba tayo iniiwan ng mga mahal natin? Dito sa ubasnamaycyanide ay sisikapin nating hanapan ng kasagutan ang mga bagay na yan. Sabi nga ni Popoy mula sa isang pelikula, "Siguro kaya tayo iniiwan ng mga mahal natin dahil may darating pang ibang mas magmamahal sa atin - 'yung hindi tayo sasaktan at paaasahin...'yung magtatama ng lahat  ng mali sa buhay natin.

Dahil may darating na mas magmamahal? Teka tohl, ano yun pakunswelo lang sa lahat ng sakit? Shet! Reward dahil nasaktan ka? Wow, thank you! Pero paano kung kuntento kana dun sa dating pagmamahal at hindi mo na kailangan ng mas magmamahal sa'yo? Ang unfair di ba?

Yung tipong nasabi mong "Ooh baby I love your way na" yun pala iiwan ka ng walang-hiya!

Pero ang katanungan pa rin, bakit nga ba iniiwan tayong ating minamahal?




*Siguro kaya tayo iniiwan ng mahal natin: KASI AYAW MONG LUNUKIN?

Op! op! bago yang kaberdehang iniisip mo ngayon inuunahan na kita. Hindi ganun! Pride tohl, pride! yan ang kailangang lunukin. Baka naman ang pride niyong dalawa ay mas mataas pa sa kilay ni Daniel Padilla? Tandaan, apologizing does not mean that you're always wrong and the other is right. It just means that you value your relationship more than  your ego. Sa isang relasyon ikaw man ang may kasalanan o hindi magpaparaya ka, Laging isipin na ang Pride ay isang brand ng sabong panglaba, kung saan ikaw ang magkuskos at maglilinis, magbabanlaw ng problema para hindi na humaba pa ang pagdediskusyon at pag-aaway. Walang maidudulot na good shit ang pag-aaway at kagunggungan ang mga nagsasabing sa pag-aaway titibay ang isang relasyon. Edi sana wala ng naghiwalay na nasa relasyon ngayon dahil may mga relasyon na ginawang hobby na ang pag-aaway at may isa laging apektado. At yun ang taong mataas pa ang pride sa Eiffel Tower, lagpas milky way, hindi aabot kahit anong telescope sa taas ng sinabing pride.

*Siguro kaya tayo iniiwan ng mahal natin: KASI WALA TALAGANG "KAYO"

Eh yun naman pala ee, isa ka lang rebound, panakip butas at dakilang assumera. Ayun nasaktan ang gago na siya lang ang nakakaalam na mahal ka niya. Wag magpakahulog log log log suicidal yan bro sa hinaba haba ng prusisyon eh wala palang patutunguhan ang arko mo. Isa lang yang "rebound fling". Ang pagkakaalam ko ha ang mga ganitong bagon relasyon ay bunga ng isang nakaraang relasyon. Kuha mo? Masasabing isang rebound ang relasyon kung ang  taong karelasyon mo ay kagagaling lamang sa isang katatapos na relasyon. Hindi ko lang alam kung may criteria ba sa kung gaano kahaba ba dapat mabakante ang isang tao bago siya magsimula ulet ng isang panibagong relasyon. Pero kung wala naman pala talagang "kayo" dapat ka lang iwanan kasi wala eh? pinaglalaruan ka lang ng sarili mong nararamdaman. 

*Siguro kaya tayo iniiwan ng mahal natin: KASI NAGIENGLISH TAYO KAPAG LASING

Eh baka nabwiset ang hirap kasi sapian ng espiritu ni San Miguel at ng pulang kabayo di ba? Minsan di natin alam kung ano na mga pinagsasabi natin. Baka bigla na lang tayong nag eenglish eh saktong hindi pala kayo same level ng tama ng alak. Ayun! tapos di ka pa nag ambag leche ka ang siba mo pa sa pulutan.

*Siguro kaya tayo iniiwan ng mahal natin: KASI GUTOM NA GUTOM NA SIYA NAG-IINSTAGRAM KA PA

Alam mo tohl, alam mo bhe, oo masarap kumaen ng sabay lalo na pag nagkakamay. Hindi naman masama makipagsocialize sa social media e, makalikom ng likes and comments at shares pero naman....wag naman sa oras ng kainan lalo na kapag gutom na gutom ka na! Ang nakakabwiset pa may mga taong hindi ka muna pakakainin kasi hahanap pa ng perpektong anggulo para maganda ang presentation ng pagkain na ipopost sa Facebook o Instagram. Nakakabwiset di ba? Gusto mo na lantakan yung pagkain pero hindi pa puwede. Putangna malamig na yung inilatag  na pagkaen sa lamesa hindi pa rin kuntento sa kakalitrato. 

*Siguro kaya tayo iniiwan ng mahal natin: KASI WALA KANG GINAWA KUNDI MAG FACEBOOK LIVE

Di ka naman artista live ka pa ng live wala ka naman ginagawa kung di umawra. Kahit sino mabibwisit sa ganun kaya mas posible pa sa Globe na iwan ka ng  taong minamahal mo. Papansin ka kasing hinayupak ka at pagkatapos pag nakita mo sa comment "teh  taas mo naman tshirt mo" magbebeastmode ka. Pakurot ko kaya singit  mo sa lola ko.

*Siguro kaya tayo iniiwan ng mahal natin: KASI PURO NA LANG TAYO HUGOT

Ay juskupo maraming ganito sa araw-araw na nakakasalamuha ko o baka ikaw na nagbabasa panigurado meron ka rin ganitong nakakasama. Yung tipong nag-abot ka lang ng pamasahe sabi mo agad "Keep the change, sanay naman po akong hindi nasusuklian." Eh wala ka naman talagang sukli hayup ka! Iwanan na yan! Pronto ngayon din!

*Siguro kaya tayo iniiwan ng mahal natin: KASI ANG REPLY NATIN LAGI, !k4w LhU@nGhZ zH4p4T nUaH!

Patawarin Diyos na mahabagin. Nagtext ka ng importanteng katanungan nagreply ng ganitong jejemon format at sumakit pa ulo mo sa kadedecode ng reply niya. Hindi natin kailangan ng jejemon sa life.

*Siguro kaya tayo iniiwan ng mahal natin: KASI BIBILI LANG NG MANTIKA NAGAWA PA NATING MAGFOUNDATION AT MAGLIPSTICK

*Siguro kaya tayo iniiwan ng mahal natin: KASI MABAGAL TAYONG MAGLAKAD

Baka kasi minsan feeling natin runway yung kalsada. Tatawid ka lang sa Ped xing nakailang kembot na ang puwet mo at may pa-'Pakpak ganern' pa tayong nalalaman.

*Siguro kaya tayo iniiwan ng mahal natin: KASI PANAY TAYO SNAPCHAT

Tapos panay aso na filter yung gamit natin para di tayo magmukhang pango. May pa flower flower crown pa tayong nalalaman mukha tuloy tayong paso.

*Siguro kaya tayo iniiwan ng mahal natin: KASI NAGPALANDI SIYA KAY BES

Oo si bes, si bes na mas makati pa sa kagat ng lamok na hindi kinaya ng Caladryl.


Pero ito lang at ganito lang ka simple sagutin ang katanungan na yan. Kaya tayo iniiwan ng mahal natin kasi hindi na nila tayo mahal. Dahil kung mahal tayo, hinding-hindi tayo susukuan. Yun lang naman yun, Popoy!













Linggo, Hunyo 19, 2016

Haligi ng Tahanan: Remembrance of my Father



'Happy Father's Day

Maraming tawag ang ginagamit patungkol sa ama - nariyan ang tatay, itay, tatang, itang, papi, papa, papang papay, daddy, dad, dada at iba pa. Pero kahit iba't iba naman ang mga ito, ang kahulugan ng pagiging isang ama ay hindi pa rin matatawaran ng kahit anong salita. Madalas din ginagamit ang salitang "Ama" sa mga lider spiritwal, imbentot, nagpasimula ng ideya, produkto o serbisyo. Ganoon din sa mga Ama na iniuugnay sa kalinga at proteksiyon  bilang isang taong dapat mahalin at respetuhin.

Tohl umaga na ng Linggo, bago ka sana lumabas ng bahay at makipag gimikan o mag dota kasama ang mga tropa mo ay nabati mo man lang sana ang iyong tatay ng Happy Father's Day. Hindi naman ganoon kabigat ang tatlong salitang iyon para hindi mo mabigkas man lamang sa kanya. Hindi lalangawin ang bibig mo kung sakaling batiin mo siya. Minsan ang dahilan kahit gusto batiin ay nahihiya. Pero bakit ka mahihiya kasi corny? kasi malaki ka na? Bakit ka mahihiya nyeta ka eh tatay mo naman yun. Minsan kahit sabihin nating wala sa kilos ni erpat na maghanap ng lambing sa kanilang mga lalaking anak, eh dun ka nagkakamali. Naghihintay lamang sila na kayo ang kumilos at maglambing. Hindi yan bromance bro, nyeta ka uulitin ko sa'yo tatay mo siya at hindi kaornihan ang maglambing sa ating mga magulang. Magpapakita ka  ng pagmamahal kung kelang wala na sila? Eh di yakapin mo na lang yung lamig ng lapida.

Ang Father's Day ay ang araw ng paggunita sa espesiyal na lalaki sa buhay ng bawat tao - ang ama. Madalas nalilimutan ang sakrispisyo at ang papel na ginampanan nila sa paghubog ng buhay ng bawat indibidwal, kaya naman ang araw na ito ay pagkakataon upang ipakita at ipahayag  ang pagmamahal sa ama, na siyang karapat-dapat makatanggap ng ating suporta. Ang araw din anito ang pinaka-akmang pagkakataon upang makasama ang pamilya at gunitain ang ligaya at suporta na ibinigay ng mga haligi ng tahanan sa pamilya. Pero hindi lang ang mga sariling ama ang dinadakila sa araw na ito, kung hindi pati na rin ang ibang mga lalaki na tumayo bilang ama - mga pangalawang ama, tiyuhin, lolo, nakakatandang kapatid, at maging ang mga pari o pastor. Minsan daw si tito ang pumapalit  bilang iyong ama. Lol biro lang.

Black Stone Cherry - 'Things My Father Said'

Sadyang mapalad ang mga taong mayroon pang mga tatay sa kasalukuyan. Dahil two parents are better than one. Ang pagka-mis sa aking ama ay laging namumutawi sa aking isipan. Ito ay noong 2009 na isang tawag mula sa Amerika ang nagpabago sa aming buhay. Nakausap ko pa siya sa  telepono ngunit ipadinig ko na lamang daw ang aking huling mensahe para sa kanya ang sabi ng kamag anak. Dahil gulay na daw siya at ang tanging bumubuhay na lamang ay ang mga nakakabit na aparato. Nagkataon naman na ako lamang ang nasa bahay noon at ang mga kasama ko sa bahay ay nasa probinsiya namin sa Bulacan. At iyon ay isa sa mga pinakamapait na tagpo sa aking buhay. Hindi man lamang namin siya nakita dahil ang huling bilin niya ay cremation. Namatay si erpats dahil sa sakit na diabetes at nagkaroon na ng maraming kumplikasyon sa iba't-ibang vital organs niya. Siya yung walang bisyo alak o sigarilyo pero tinamaan pa rin ng sakit. Masusustansiya ang mga pagkain na kinakain niya ngunit di pa rin sapat upang di siya kapitan ng ganoong sakit. Minsan parang hindi patas kung sino pa ang malusog yun pa ang nauuna samantalang yung mga sobrang bisyo at kasing kulay na ng uling ang mga baga ay yun pa ang tumatagal ang buhay. Magbisyo na lang din kaya ko? Pero huli na kung magbibisyo ako dahil may sintomas na rin ang nagsusulat ng diabetes. Kailangang agapan hanggat wala pa sa rurok ng sakit na ito. Kaya naman ganoon na lamang  din ang disiplina sa pagkain at kailangan din ang ehersisyo dahil bukod sa sakit na yun ay may tama na rin ako sa puso sa edad na halfway na kalalampas lang sa kalendaryo. #ImDead

Pero kahit wala na siya, proud pa rin ako sa kanya kahit pa may mga bagay bagay na hindi napapagkasunduan minsan. Dito sa post na ito gusto kong ibahagi at sariwain ang mga bagay, lugar at pagkakataon na nagpapaalala sa aking tatay:

CHOCOLATES!



Naman hindi mawawala yan kay erpats at kada uwi niya mula Saudi Arabia kung saan siya nagtrabaho sa isang hospital ay lagi siyang may padala sa aming  tsokolate, sari-sari at iba't-ibang klase. Eto  yung mga panahon na feeling ko ang yaman yaman namin dahil andami naming tsokolate sa ref. Ayun punyeta kaya di malayo sa akin na may diabetes na sa ngayon. Pero siyempre  kabataan mo yun e wapakels ka sa mga ganyang sakit, eh masarap e. Dito ko rin nakuha ang lunchbox kong pula na may tatak na Kitkat. Ang yabang ko nun kasi sikat yung logo e at ako lang ang may lunchbox na ganun nung nasa prep pa lang ako.25 years si erpat sa Saudi  ang alam ko ipinanganak pa lang ako ay nagtatrabaho na siya sa ibang bansa. Kaya malimit  din kaming nagkakasama at ito siguro ang dahilan kung bakit mas naging malapit ako kay ermats. Sapagkat sa isang taon, isang buwan lang ang kanyang bakasyon.

ROBOTS at mga LARUAN





Noong araw okay na ako sa dela tang laruan na hinihila ng tali kung saan man dalhin habang naglalakad at hinihila ang kunyaring kotse-kotsehan na delata. Hindi ko inaasahang magkakaroon ako ng maraming robot na laruan. Yung robot na umiilaw ang mata at katawan , yung robot na nagsasalita at naglalakad. Walang sisidlan ang kasiyahan kasi sa TV ko lang naman nakikita ang mga yun e pero dahil may erpat ka na mapagmahal ay pinaranas niya sa iyo kung paano maging masaya ang isang bata. Hindi ko naman sinarili lang ang aking laruan sa halip ay ibinahagi at ipinalaro ko rin sa aking mga pinsan sa tuwing magbabakasyon sila sa aming bahay. The more the merrier ika nga. Ang dami kong laruang matchbox, yung tatlong penguin na bumababa at umaakyat sa hagdan pagkatapos ay mag-iislide, helikopter na lumilipad ng paikot ikot, barbie (ops hindi sa akin kay utol), riles ng tren at tren mismo ito yung bubuuin mo muna yung riles tsaka paandarin yung tren.

 RadioActive Sago Project - 'Alaala ni Batman'


DRAWINGS NA ROBOT



Hindi pa uso ang email nun eh, kaya ang siste sulatan sila ni ermats. Sa yellow pad paper pa nga nagsusulat si ermat ng mga love letter niya nun at galet na galet sa akin tuwing susulyap ako sa love letter niya. Lagi rin kameng dumadayo sa post office sa Lawton para ihulog yung sulat niya. Noong 90s uso ang brownout kaya ang past time ni ermat ay magsulat. Ang past time ko naman ay tumunganga at maghintay ng mga kapitbahay na sisigaw  na may kuryente na. Kapag sumagot na si erpat ay laging may dumadaan na kartero (mailman) sa amin at isisigaw ang apelyido para i-receive ang sulat  na natanggap. Sa sulat na iyon ay mayroon akong bahagi. Yun ay mga drowing na robot,  lam ko hindi drowings ni erpat yun kasi mukhang print. Pinadala niya yun para kulayan ko at para matuto akong magkulay dahl yung mga time na yun lampas lampasan pa ako magkulay atsaka gusto ko mejo LGBT yung kulay ng robot mala-rainbow.

TENNIS RACKET at mga TROPEYO



Ito yung sports niya at dito sa bahay ay punong puno ng tropeyo at hanggang ngayon ay nakadisplay pa rin ang mga achievements niya mula sa tennis. Gusto ko sana sundan ang yapak niya kaso tae ang naapakan ko kaya nauwi na lang ako sa badminton.

HUGO BOSS



Pabango ni erpat na lihim akong nakiki spray kapag may sariling lakad.

SINTURON




Ah hindi toh  good shit, may mga oras din naman sa sobrang tigas ang ulo at napakapasaway kaya minsan nabibiyayaan tayo ng palo ng ating mga magulang. Biyaya yan siyempre dahil kung di napalo ang bata paglaki maaring sunod sa layaw, laki sa layaw jeprox pati. Kapag nahahagupit ka kasi ng sinturon eh siyempre malalaman mo kung anong ginawa mong masama o kung saan ka nagkamali. Pinapalo  tayo para magtanda at hindi muling ulitin pa ang nagawang di mabuti. Kaya ang tanong ni erpats nun kapag di ka sumunod, "gusto mo ba ng turon?" ayoko tay umagahan pa lang mamaya pa ang meryenda.

MANILA ZOO



Kung lumaki ka sa Maynila, walang tatay ang hindi nagdala sa mga anak sa  Manila Zoo, bukod kasi noon sa mall  number one na puntahan ng pamilya ang Manila Zoo. Naaalala ko ang boat ride kung saan natuto ako mag sagwan kahit  bigat na bigat ako sa currrent ng tubig. Takot na takot ako nun dahil baka kako may buwaya sa mini ilog ng zoo. Mas lalo akong natakot dahil may ahas doon sa tubig at inilapit pa niya yung bangka doon sa ahas. 

PANGKAMOT



Hindi pa nauuuso ang pangkamot noon kaya manwal pa ang kamutan. Sabi ko nga ewan ko ba halos 90% ata ng tatay eh laging nangangati ang likod at bigla na lang magpapakamot lalo na pag galing sila sa labas. Pero alam ko naman  it's a term of a lambing lang yun sa kanilang mga anak. May time din na magpapabunot ng buhok sa kili kili pero siyempre piso isang bunot.



Alam mong maraming alaala ang lumipas na hindi mo na maibabalik. Kaya kahit wala na siya sa aming piling ay palagi pa rin siyang laman ng aming usapan. Napakaswerte rin namin dahil pinalaki niyo kame ng maayos kasama ang nanay. Kahit hindi pa gaanong magkasundo dahil sa magkakaiba ang ating hilig.

Ikaw tohl ano ang mga bagay at lugar na naaalala mo noong kasama mo si tatay?


Maligayang araw ng mga tatay sa lahat!!!


Miyerkules, Hunyo 15, 2016

Recto: Rekta Karma



'The Recto University'


"Isang transcript of records, isang birth certificate, isang diploma." Nilatag ng lalake ang mga pinagawa niya sa lamesa. "Bale 900 hundred lahat bossing".

"Wala bang bawas? six hundred na lang bossing", habang binubusisi niya ang kanyang mga ipinagawa. Inipit ito sa kanyang kili-kili.

"Boss mura na yan. Dapat nga one three yan. Dami ko pang ginising matapos lang yan agad. Kung di lang kayo bwena mano..."

Iniabot  ng nagpagawa ang buong isang libong piso. Umiling ang gumawa.

"Boss alas-sais y media pa lang ng umaga, kayo pa lang ang kostumer. Wala pa ho akong ipanunukli sa inyo. Wala po ba kayong barya?"

"Teka, baka yung kasamahan ko. Nandiyan lang siya sa palengke."

Tumawag sa cellphone ang nagpagawa. Umiling iling din ito at winika niya na wala na pala siyang load.

"Boss iwan ko itong one  thousand sa iyo, peram muna ng singkwenta. Papaload lang ako. Saan ba may paloadan dito?"

Ibinulsa  ng gumawa ang bayad sabay abot ng singwenta sa nagbayad mula sa kanyang pitaka. Nginuso nito ang  overpass at sinabing nasa kabilang kanto ang 7-11 at doon ay may nagloload.

Ipinampaypay ng nagpagawa ang envelope na naglalaman ng ipinagawa.

Hinatid ng tanaw ng gumawa ang nagpagawa sa kabilang lansangan. Pero laking gulat niya ng hindi ito sa 7-11 pumunta. Agaran itong sumakay ng jeep.

Kinutuban ang gumawa. Dinukot ang ibinayad. Sinuri ang pera. Napailing na lang ito at napakamot ng ulo sabay hampas ng malakas sa lamesa...

Linggo, Hunyo 12, 2016

The Last Devil's HairCut



'Barber's chair on prison cell'

"Gaya lang ng dati pards," ang wika niya sa paborito niyang suking barbero.

"Aba, kita mo nga naman ano, medyo matagal na rin kitang hindi nagugupitan nang ganito", habang naghahanda ito ng mga gamit niya sa paggupit. "Naka-ilang  postpone na rin ano?, tuluy na tuloy na ba ito ngayon?

"Ewan ko rin ho, tuloy-hindi, tuloy-hindi. Bahala na matuloy na kung matuloy, hindi kung hindi." 

"Ewan ko ba sa mga iyon pabago-bago ang mga isip. Parang babae sa pagdedesisyon, basta ako ano man ang maisakatuparan. Bahala na!"

Creed - 'My Own Prison'

Yan ang wika niya sa barbero habang nakamasid siya sa mga napuputol niyang buhok na nalalaglag sa puting telang saklob.

Maagap na pinapagpag ng barbero ang mga buhok na naiipon sa kanyang batok at tainga. "Sabagay alam mo ba na marami kayong nakaranas niyan? Sa tagal ko na dito, yung iba nga, halos mga anim hanggang walo bago natuloy."

Nang matapos ang gupitan, kalbo na naman siyang muli. Tumayo siya't nagsalamin at inayos ang sarili. Tinulungan siya ng barberong alisin ang buhok na dumikit sa kanyang kulay kahel na kasuotan. Hinubad niya ang kanyang itim na rosaryo at iniabot sa barbero.

"Mas kailangan niyo siguro ito," bilin niya.

"Hayaan mo ipagdadasal ko na huwag na sanang matuloy." wika ng barbero.

"Matuloy po o hindi, parehas lang din yun, ilang ulit na rin naman ho akong namatay dito sa Munti."

Bumalik siya sa selda na nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.......

Biyernes, Hunyo 10, 2016

One Week Diet Affair



D.I.E.T - Did I Eat That?


Lunes

Maganda ang umaga, sikat ang araw ngunit hindi pa gaanong kainitan. Gumising kang naguumapaw ang kompidens sa sarili. At dahil daw sa daily horoscope mo na nabasa sa Remate ay napagisip isip mong ngayon ang saktong araw, ito ang pinakamagandang alignment ng mga bituin para ikaw ay magdiet. At dahil araw ng sweldo excited kang mag-grocery. Bumili ka ng mga wheat bread at oat meals tapos bigla mong napagtanto sa isipan mo ang mga nutrional facts sa mga pagkain na yun. Binasa mo ito kasi you want to stay healthy sa kinakain mo. Eh saktong pagdating mo sa bahay hinahango na ni ermat sa kumukulong mantika ang paborito mong liempo. Mula sa lamesa naroon na rin ang sari-saring sawsawan mamimili ka na lang kung suka at toyo o Mang Tomas. Kaya ang sabi mo sa sarili mo, "bukas na lang ako magdadiet at mag eexercise........"

Martes

Suweldo eh, siyempre sa pangalawang araw may natira pa. Nagpunta ka ng SM-MOA at mega shopping ka ng sports items bumili ka ng running shoes at whey protein para mas lalo ka magmotivate mag exercise. Nagpunta ka sa gym suot ang bago mong sapatos at compression shirt. Nagpunta ka sa salamin at dahil siyempre Pinoy, nagselfie ka tapos ang caption, "Balik Alindog 2016" with a hashtag #ItsTime #TruetobeFit. Nag treadmill ka ng mga 2 minutes,  napagod ka, tumigil ka, na upo ka na lang at nakinig ng music sa earphones mo. Tapos yun na. Dun na na tapos ang araw mo. Kaya ang sasabihin mo na naman sa sarili mo, "bukas na lang ako magdadiet at mageexercise, pramis......."

Miyerkules

Kung baga sa client call  meeting, ito talaga yung 1st day ng pagdadiet mo. So naka pacific timezone pala ang schedule ng pagdadiet. And coming from he horse's mouth na babawasan mo na talaga ang pagkain ng madami. Pero sakto naman dumating yung friend mo na nagaaya sa bertdeyan. Pero siyempre pinuntahan ka pa niya at dahil bawal  tanggihan ang blessings pupunta ka naman. Tapos papipiliin ka ng mga mokong, GYM o GIN?, eh ano pa nga ba ang isasagot mo sa sarili mo?  "bukas na lang ako magdadiet at mag eexercise, pramis. Final na talaga."

                                  Radio Active Sago Project -'Gusto ko ng Baboy'

Huwebes

Eto na bumalik ka na ng gym na dala dala ang determinasyon sa sarili mo kase alam mo yung feeling na #ChangeIsComing na talaga. Pakiramdam mo na nagsasalita yung mga gym equipments at tinatawag ka nila. Sa sobrang motivated mo that day, eh treadmill lang yung na-accomplish mo for 4 hours. Pero para sa'yo considered na  yun as a heavy work out. Tapos napagod ka na. At siyempre kahit sino namang tao pag pagod ka na kailangan mong kumain ng madami pagod ka nga di ba? Hindi na kailangan ng paliwanag. 

Biyernes

Thanks God it's Friday ang wika mo. Time to level up. Mega-workout ka ngayong araw na ito. Tapos nag send ka ng gym selfie para kay bae for update. Then maya maya pa bae replied, "Hindi mo naman kailangang magpaganda ng katawan para sa kin. Mahal kita kahit ano pang maging itsura mo." Shet!! kilig to the  bones ka naman. Nung nabasa mo yun, pakiramdam mo na ikaw na ang pinakaswerteng nilalang sa buong sangkatauhan dahil may taong handa kang tanggapin ng buong puso't, buong vital organs ng katawan mo kasama kaluluwa. Kaya ang ending tinamad ka na mag-gym...coz bae is  your universe and  love is the greatest gift of all.

Sabado

Nasayo na ang buong kompiyansa ng araw na ito. Pupunta ka kila bae bitbit ang isang box ng Mister Donut kasi magfofoodtrip kayo, pigging up ika nga ng mga sosyal. Nang bigla mo na lang ito nabitawan, parang nabuhusan ka ng malamig na tubig at nagfreeze ka na lang sa  kinatatayuan mo, at para feeling shock ka talaga nakanga-nga ka dahil hindi ka makapaniwala sa nasaksihan ng dalawang eyeballs mo. Nakita mo si bae na may kasamang iba. Mas maganda, mas sexy, maliit ang bewan,  yung bewang na puwede mong sakalin ng buong palad mo mo mga ganun lang ang pulgada ng bewang, tapos malaki ang hinaharap mala Betty Boop ang katawan. Halos gumuho ang mundo. Biglang umulan at hindi mo ito pinansin. Hinayaan mo lamang na mabasa ka ng ulan. Kumulog.....kumidlat.....at sa sobrang bigat ng nadarama mong kabiguan,  you said to yourslef, in Amor Power's tone,

"MATITIKMAN NIYO.......ANG BATAS......NG ISANG..................DO.......DONUTS!!!!

Kumulog, kumidlat! 

Linggo

At hindi sa Mister Donuts natapos ang lahat. Pagkauwi mo ng bahay na basang basa ka sa ulan ay nagpadeliver ka ng pizza yung extra large ang size. Tapos nagbuffet ka pa nung gabi. Puwera pa yung midnight snack habang sinasariwa mo ang matatamis na alaala niyo ni bae. Yung feeling mo na pagkain na lamang yung nakakaintindi sa'yo. Then suddenly, na realize mo na bakit ka nga ba magpapakatanga sa isang tao eh marami naman pa lang nagmamahal sa'yo. Oo ganun kadali. Ganun mo makuha agad yung realizations mo dahil alam mo sa sarili mo na you are matured enough to handle a situation like that. Kaya ang ending, napa-stress-eating ka. 

Ang siste wala talagang nangyari sa diet mo. Niloko mo na ang sarili mo. Niloko ka pa rin ng ibang tao.

Ganyan talaga ang buhay, minsan akala mo win-win situation na yun pala na-Colombia ka.

Kaya ang naging advocacy mo na lang sa buhay, #FIGHTWORLDHUNGER #WORLDFOODPROGRAM