Linggo, Hunyo 12, 2016

The Last Devil's HairCut



'Barber's chair on prison cell'

"Gaya lang ng dati pards," ang wika niya sa paborito niyang suking barbero.

"Aba, kita mo nga naman ano, medyo matagal na rin kitang hindi nagugupitan nang ganito", habang naghahanda ito ng mga gamit niya sa paggupit. "Naka-ilang  postpone na rin ano?, tuluy na tuloy na ba ito ngayon?

"Ewan ko rin ho, tuloy-hindi, tuloy-hindi. Bahala na matuloy na kung matuloy, hindi kung hindi." 

"Ewan ko ba sa mga iyon pabago-bago ang mga isip. Parang babae sa pagdedesisyon, basta ako ano man ang maisakatuparan. Bahala na!"

Creed - 'My Own Prison'

Yan ang wika niya sa barbero habang nakamasid siya sa mga napuputol niyang buhok na nalalaglag sa puting telang saklob.

Maagap na pinapagpag ng barbero ang mga buhok na naiipon sa kanyang batok at tainga. "Sabagay alam mo ba na marami kayong nakaranas niyan? Sa tagal ko na dito, yung iba nga, halos mga anim hanggang walo bago natuloy."

Nang matapos ang gupitan, kalbo na naman siyang muli. Tumayo siya't nagsalamin at inayos ang sarili. Tinulungan siya ng barberong alisin ang buhok na dumikit sa kanyang kulay kahel na kasuotan. Hinubad niya ang kanyang itim na rosaryo at iniabot sa barbero.

"Mas kailangan niyo siguro ito," bilin niya.

"Hayaan mo ipagdadasal ko na huwag na sanang matuloy." wika ng barbero.

"Matuloy po o hindi, parehas lang din yun, ilang ulit na rin naman ho akong namatay dito sa Munti."

Bumalik siya sa selda na nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.......

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento