Biyernes, Hunyo 10, 2016

One Week Diet Affair



D.I.E.T - Did I Eat That?


Lunes

Maganda ang umaga, sikat ang araw ngunit hindi pa gaanong kainitan. Gumising kang naguumapaw ang kompidens sa sarili. At dahil daw sa daily horoscope mo na nabasa sa Remate ay napagisip isip mong ngayon ang saktong araw, ito ang pinakamagandang alignment ng mga bituin para ikaw ay magdiet. At dahil araw ng sweldo excited kang mag-grocery. Bumili ka ng mga wheat bread at oat meals tapos bigla mong napagtanto sa isipan mo ang mga nutrional facts sa mga pagkain na yun. Binasa mo ito kasi you want to stay healthy sa kinakain mo. Eh saktong pagdating mo sa bahay hinahango na ni ermat sa kumukulong mantika ang paborito mong liempo. Mula sa lamesa naroon na rin ang sari-saring sawsawan mamimili ka na lang kung suka at toyo o Mang Tomas. Kaya ang sabi mo sa sarili mo, "bukas na lang ako magdadiet at mag eexercise........"

Martes

Suweldo eh, siyempre sa pangalawang araw may natira pa. Nagpunta ka ng SM-MOA at mega shopping ka ng sports items bumili ka ng running shoes at whey protein para mas lalo ka magmotivate mag exercise. Nagpunta ka sa gym suot ang bago mong sapatos at compression shirt. Nagpunta ka sa salamin at dahil siyempre Pinoy, nagselfie ka tapos ang caption, "Balik Alindog 2016" with a hashtag #ItsTime #TruetobeFit. Nag treadmill ka ng mga 2 minutes,  napagod ka, tumigil ka, na upo ka na lang at nakinig ng music sa earphones mo. Tapos yun na. Dun na na tapos ang araw mo. Kaya ang sasabihin mo na naman sa sarili mo, "bukas na lang ako magdadiet at mageexercise, pramis......."

Miyerkules

Kung baga sa client call  meeting, ito talaga yung 1st day ng pagdadiet mo. So naka pacific timezone pala ang schedule ng pagdadiet. And coming from he horse's mouth na babawasan mo na talaga ang pagkain ng madami. Pero sakto naman dumating yung friend mo na nagaaya sa bertdeyan. Pero siyempre pinuntahan ka pa niya at dahil bawal  tanggihan ang blessings pupunta ka naman. Tapos papipiliin ka ng mga mokong, GYM o GIN?, eh ano pa nga ba ang isasagot mo sa sarili mo?  "bukas na lang ako magdadiet at mag eexercise, pramis. Final na talaga."

                                  Radio Active Sago Project -'Gusto ko ng Baboy'

Huwebes

Eto na bumalik ka na ng gym na dala dala ang determinasyon sa sarili mo kase alam mo yung feeling na #ChangeIsComing na talaga. Pakiramdam mo na nagsasalita yung mga gym equipments at tinatawag ka nila. Sa sobrang motivated mo that day, eh treadmill lang yung na-accomplish mo for 4 hours. Pero para sa'yo considered na  yun as a heavy work out. Tapos napagod ka na. At siyempre kahit sino namang tao pag pagod ka na kailangan mong kumain ng madami pagod ka nga di ba? Hindi na kailangan ng paliwanag. 

Biyernes

Thanks God it's Friday ang wika mo. Time to level up. Mega-workout ka ngayong araw na ito. Tapos nag send ka ng gym selfie para kay bae for update. Then maya maya pa bae replied, "Hindi mo naman kailangang magpaganda ng katawan para sa kin. Mahal kita kahit ano pang maging itsura mo." Shet!! kilig to the  bones ka naman. Nung nabasa mo yun, pakiramdam mo na ikaw na ang pinakaswerteng nilalang sa buong sangkatauhan dahil may taong handa kang tanggapin ng buong puso't, buong vital organs ng katawan mo kasama kaluluwa. Kaya ang ending tinamad ka na mag-gym...coz bae is  your universe and  love is the greatest gift of all.

Sabado

Nasayo na ang buong kompiyansa ng araw na ito. Pupunta ka kila bae bitbit ang isang box ng Mister Donut kasi magfofoodtrip kayo, pigging up ika nga ng mga sosyal. Nang bigla mo na lang ito nabitawan, parang nabuhusan ka ng malamig na tubig at nagfreeze ka na lang sa  kinatatayuan mo, at para feeling shock ka talaga nakanga-nga ka dahil hindi ka makapaniwala sa nasaksihan ng dalawang eyeballs mo. Nakita mo si bae na may kasamang iba. Mas maganda, mas sexy, maliit ang bewan,  yung bewang na puwede mong sakalin ng buong palad mo mo mga ganun lang ang pulgada ng bewang, tapos malaki ang hinaharap mala Betty Boop ang katawan. Halos gumuho ang mundo. Biglang umulan at hindi mo ito pinansin. Hinayaan mo lamang na mabasa ka ng ulan. Kumulog.....kumidlat.....at sa sobrang bigat ng nadarama mong kabiguan,  you said to yourslef, in Amor Power's tone,

"MATITIKMAN NIYO.......ANG BATAS......NG ISANG..................DO.......DONUTS!!!!

Kumulog, kumidlat! 

Linggo

At hindi sa Mister Donuts natapos ang lahat. Pagkauwi mo ng bahay na basang basa ka sa ulan ay nagpadeliver ka ng pizza yung extra large ang size. Tapos nagbuffet ka pa nung gabi. Puwera pa yung midnight snack habang sinasariwa mo ang matatamis na alaala niyo ni bae. Yung feeling mo na pagkain na lamang yung nakakaintindi sa'yo. Then suddenly, na realize mo na bakit ka nga ba magpapakatanga sa isang tao eh marami naman pa lang nagmamahal sa'yo. Oo ganun kadali. Ganun mo makuha agad yung realizations mo dahil alam mo sa sarili mo na you are matured enough to handle a situation like that. Kaya ang ending, napa-stress-eating ka. 

Ang siste wala talagang nangyari sa diet mo. Niloko mo na ang sarili mo. Niloko ka pa rin ng ibang tao.

Ganyan talaga ang buhay, minsan akala mo win-win situation na yun pala na-Colombia ka.

Kaya ang naging advocacy mo na lang sa buhay, #FIGHTWORLDHUNGER #WORLDFOODPROGRAM  


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento