'Wala ng mas sasarap sa paglikom ng mga alaala hindi lamang gamit ang memorya kungdi pati na rin sa paglapat nito sa papel gamit ang utak at panulat' |
Hindi ko po ikakaila na napakasarap magsulat. Bukod sa responsibilidad ng isang nilalang na kumayod para kumita at mabuhay sa bilog na mundong ito ay bigla ko lang naisip na mainam pala ang mag-isip at magsulat. Noong kabataan ko kasi sa mga CR lang ako ng eskuwelahan nagsusulat gamit ang pentel pen at nagdodrowing ng kung anu-anong maseselang bahagi ng katawan, minsan nag-iiwan din ako ng selpon number baka kasi sakaling may bading na kumontak sa akin. Di ko rin kasi mawari na magiging libangan ko ang pagsusulat bukod sa betlog ang mga grado pagdating sa Filipino at Ingles na formal themes. Asahan mo na laging tinta ng pulang bolpen ang makikita mo dahil sa mga corrections ng pinakamagagaling ko daw na teachers. Eh paano ba naman kasi yung topic lang na kung anong ginagawa ko bago pumasok sa eskuwelahan ay hindi ko man lang magawaan ng isang sentence. Ni-hindi ko man lamang mapalawak yung isang bagay na ginagawa ko na katulad ng "gumising", "mag kape", "mag-inat" eh hindi naman puwedeng yun lang ang ilagay dun. Ano yun question and answer portion lang? Nahihirapan talaga ako pero hindi ko rin naman sinabing napakagaling ko na. Syet wala pa ngang napapatunayan ang munting tahanan kong ito. Ang sa akin laman eh hindi na ako siguro mabebetlog kung sakaling makasalubong ko man yung mga teachers ko na yun sa daan at pagawain ako ng written exercise real quick.
Stereophonics - "Mr.Writer"
Tatlong taon na rin akong nagsusulat, 193 post na ang aking na-published at 17 ang nasa draft na pilit kong tinatapos kapag libre ang oras. Hindi man tuluy-tuloy ang pagsulat...pero di ko pa rin siya nalilimutan i-update paminsan-minsan. Baka nga ako lang din ang bumabasa ng mga sinusulat ko, eh anu naman atleast may mga babalikan akong mga sariling kwento at puwede ko naman maibahagi sa mga may interes na magbasa. Teka, may naalala ako na may pumansin sa aking blog noon at nagpakilala na taga I-Juander ng GMA 7, wala lang nagpaalam lang siya kung pwede niya gamitin yung isang storya sa blog ko na katatakutan at gagamitin ata sa kanilang Halloween special at tinatanong kung kilala ko yung taong nasa kuwento. Eh wala tapos yun iniwan na ko ni mokong nung ni-research ko yung taong nasa kuwento ng aking blog at ibinigay sa taga I-Juander yung facebook account nung nasa aking blog post. Na-itchapuwera na ang Ubas na may Cyanide. Pero ayos lang atleast na sesearch na pala ang blog ko sa Google at mayroon na sa kasalukuyang 38,175 na mga kaluluwang ligaw na bumisita sa aking blog. Mayroon na ding 199 na ginusto ang pahina sa Facebook.
Ang mga sumusunod ay ang mga dahilan kung bakit hindi ako tumitigil sa pagsusulat at kung bakit kong pinipilit buhayin ang munti kong tahanang ito:
Ito ang naging tampulan ng aking mga kwento sa buhay at halos karamihan ay noong nag-aaral pa ako noong high school, nariyan ang mga classroom set-ups, mga escapades at kakulitan at kung anu-ano pang kagaguhang nakikita at pinagagawa noong mga araw na teenager pa si Shaider at kulay yellow pa ang panty ni Annie.
Marami akong nakikilalang mga bagong kaibigan sa mundo ng pagsusulat. Meron hanngang ngayon ay kaibigan ko pa rin, kahit medyo ang karamihan ay ka-social media ko na lamang.
Naging witness ng blog na ito ang puppy love ko na nahopia. Dito ko naikwento ang pagpunit ni crush ng love letter ko na itinapon sa basurahan ng 7-11. Paano ba naman imbis na sa stationery isinulat eh sa brown na balot ng pandesal isinulat ang mga mensahe ng pagkakilig. Wala na kasing time, at wala nang ring pambili ng stationery. Baka nandiri si kras dahil may mga mumo pa ng pandesal yung pambalot. Jusko sawing pag-ibig. Ayoko na maalala pa.
Dito ko rin naisulat ang ilang mga kwentong kathang-isip ko lamang. Mababawa man, feeling ko, eto ang magiging legacy ko. Kahit papaano naman, pakiramdam ko ay may mga naisulat din naman akong proud akong ginawa ko.
Sa blog na ito, maraming katatawanan akong nalikha, dahil gusto ko talagang magpatawa ng tao, yung hahalakhak sila hanggang lumubo ang sipon at lumabas ang utak sa ilong. Sa paglisan ko sa mundong ito, gusto kong maalala nila kong may ngiti sa kanilang mga labi.
Sa totoo lang masarap mag-back read ng blog. Minsan maiinis ka kasi sa sobrang babaw ng mga naisulat ko noon, pero di ako magiging ganito katino ngayon kung di ko maaalala yung mga pinagdaanan ko noon.
Anyway, maraming salamat sa mga nagbabasa at tumatangkilik sa mga kalokohan ko sa blog na ito. Maraming salamat sa mga nakilala ko sa blog at personal at sa mga kaibigan ko na sumusuporta, thank you din.
Magandang gabi po sa inyong lahat!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento