Sabi nga ng isang liriko sa isang kanta "Don't stop believing..." na-hopia ka man sa panliligaw sa isang pag-ibig na gusto mong makuha ayos lang yun huwag ka pa ring susuko. Magmahal ka ulet gaya noon unang beses mo itong sinubukan. Walang ibang dahilan para huminto sa paghahanap ng isang tunay na pag-ibig at tunay mong mamahalin. Huwag mo hayaang literal na tumibok lamang ang puso mo ng walang dahilan. Tumitibok lamang ang puso mo para mabuhay ka? Bakit hindi mo ulet subukan magpatibok ng puso ng iba? Failure is failure kung hindi naging matagumpay ang journey mo sa una mong minahal. Ang puso mo ay hindi isang sirang makina kung pumalya sa unang subok na pagmamahal ay titigil na ang pagsupply ng dugo nito para manatili kang buhay sa kasalukuyan.
Tandaan mo tohl na halos 100 milyong bagong cells ang nabubuo sa loob ng katawan natin sa loob lamang ng ilang minuto at halos isangdaan din ang namamatay. Araw-araw, halos daang pirasong hibla ng buhok ang nawawala ng hindi natin namamalayan kasama na ng mga balakubak at kuto. Ngunit ang buhok ay napapalitan din lahat sa pamamagitan ng mga bagong tubo. Iyang outer layer ng balat mo, hindi ka ahas pero hindi mo alam na napapalitan yan every 35 days. Yung mga patay na kuko mo tumutubo ulit at napapalitan ng bagong kuko after 6 months. Panibagong red blood cells ang dumadaloy sa ugat mo every after 4 months. Nabubuo at nadadagdagan ka ng bagong skeletons every 10 years at nagreregenerate ang mga maskels mo every 15 years.
Meatloaf - I'd do anything for love (But I won't do that)
Kung kaya ng iba't-ibang bahagi ng katawan mo, natural mente kaya rin ng puso mo. Darating din ang araw na yung taong kinabaliwan mo noon at pinag-aksayahan mo ng oras ay magiging parte na lamang ng malungkot mong nakaraan na hindi na dapat balikan. Put everything in history books tohl. Mag-umpisa ka ulet. Mawawala din siya sa sistema mo at hindi ka na kakainin ng nakaraan. Maghihilom ang lahat ng sakit at galit na taglay at pasan mo sa araw-araw. Mas may patutunguhan ka pa sa kilay ni Liza Soberano kung magagawa mo ang lahat ng ito. Hindi man ganun kadali, mahabang panahon man ang malilikom, ilang bilyong bagong selyula man ang magpalit-palit sa loob ng iyong katawan, pasasaan ba't darating ka rin dun.Hindi natin alam, sa pagpapalit-palit na yon, maaaring dahan-dahan ding pinapalitan ang emosyon moh hanggang sa magising ka na lang na naglaho na ang dating pagtingin. At paggising mo kinabukasan isa ka nang bagong nilalang. Nakakalanghap ka na muli ng sariwang hangin, ramdam mo ang gaan ng feeling, babatiin ka ng mga kakilala mo at sasabihin "uy ang blooming mo naman today".
"Umibig ka na parang si Jorah Mormont"
At kung magmamahal ka uli, tip lang tohl tularan mo si Jorah Mormont isa siya sa paborito kong karakter sa Game of Thrones at kahit na na-hopia sa pag-ibig ay kailanman ay hindi sumuko. Isa yan sa mga susubaybayan ng lahat ng panatiko sa darating na Season 7 ng nasabing palabas sa TV. Si Jorah kasi yung akala mo bes, bes mo lang at gagawin lahat para maproktektahan ang kanyang lihim na pagsinta. Nasaktan at pinalayas na't lahat ngunit nagbalik para ibuwis ang buhay, hahamakin ang lahat hanggang kamatayan. Pero yun lang nung umamin na siya ng kanyang totoong nararamdaman ay sadyang na-hopia pa rin ang ating loverboy sa ikalawang pagkakataon bukod pa sa magiging taong bato na siya dahil sa isang scene sa serye ay nakipaglaban at nakipagtuos siya sa mga taong-bato na kapag nahawakan ka ay magiging kamukha mo si General Bato. Unti-unting nagiging stone man si Jorah ngunit ang puso niyay mananatiling hopia...este mananatiling busilak at totoo sa kanyang sinisinta.
Magmahal ka ulit sa panibagong pagkakataon gaya noong unang beses mo ito sinubukan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento