'Nakakainis ang Mainis' |
Sabi nila inisin o asarin mo na ang lahat wag lang ang bagong gising, pero hindi rin e may mga tao kasing tipikal na madali mainis, humangin lang ng malakas at nagusot ang buhok ay naiinis na agad, puta kulang na lang awayin ang hangin o di kaya, wag ka minura na yung hangin. Weird noh? may mga tao naman na kahit hindi mo asarin kahit bagong gising eh nakalamukos na ang muka. Akala mo galing pa rin sa trabaho yung muka niya na hindi nakapagpahinga at parang sumagot ng isandaang sup call sa sobrang init ng ulo. Minsan napagdidiskitahan pa natin ang umaga at sasabihing "ang panget naman ng umaga" tohl baka ikaw ang panget sa umaga.
Hindi maubos ubos ang dahilan para tayo mainis. Halos sa araw araw sa loob ng bente kwatro oras may mga pagkakataon na naiinis tayo sa isang bagay. Minsan umaakyat yung dugo natin sa ulo kasi hindi nasusunod at nangyayari ang gusto mo. Mayroon tayong mga bagay na hindi mahanap, may mga taong nambabasag ng trip at dun mismo nagsisimula ang pagbabago ng mood o yung tinatawag na "violent mood swing" ng isang tao. O kaya galing sa isang taong naiinis din sayo at kaiinisan m rin naman kasi ikaw ang laging nakikita, ikaw ang laging nasisisi at ikaw ang laging may kasalanan. Pero hindi ko kinaiinisan si Ka Freddie ha.
Naiinis tayo dahil sa ating mga katrabaho na may mga sakit na Tzika Virus. Yung mabagal at mahabang pila sa MRT Station. Yung mga kasama natin sa parte ng ating buhay at yung walang mintis na traffic sa kalsada. Ilan lamang yan sa napakaraming dahilan ng pagkainis ng bawat isa sa atin.
Normal naman ang mainis, ang positive side naman ng pagkainis ay yung natural na response natin kapag tayo ay inaagrabiyado. Isa pa, ipinagkaloob ng Diyos sa atin ang emosyon na mainis, dahil dito ay para kainisan yung mga maling bagay at sablay na sistema o pamamalakad sa mundo. Pero kung ito ay gagamitin natin sa maling paraan then hindi ito makakatulong sa atin at mabubuhay lang tayo sa pagka inis at stress.
Limp Bizkit - "Break Stuff"
Lahat tayo minsan nagiging iritable. Walang tao ang nakapagsabing never siyang nainis sa tanang buhay niya. Ang mainis ay sapat lang pero ang pagiging mainisin ay hindi. Bakit? Dahil at the end of the day, may pagpipilian tayo kung anong gagawin natin sa inis natin. Pwede natin itong patulan, palalain at gawing issue, o may choice ka rin naman na palagpasin na lamang. Nasa sa atin pa rin ang desisyon.
Dapat matuto tayong mag LET GO hindi yan yung MOVE ON sa kawikaan ng pag-ibig, kaya tayo naiinis dahil sa nawawalan tayo ng KONTROL sa mga bagay bagay. Nababali ang sanga, naguumapaw na parang lava yung init ng ulo na nararamdaman. Pero sa realidad maaaring napakadaling sabihin ng salitang kontrol pero ang katotohanan hindi natin kayang kontrolin lahat. Tao lang tayo and we have LIMITATIONS. We have to LEARN to let go of the things that are BEYOND our control.
Kung sa traffic naman wala pa talaga ta yong kongkretong solusyon diyan. Just think of other things na lang siguro na pwede mong gawin na maaaring maging BENEFICIAL para sayo kahit naistak ka sa traffic. Kung may kasama ka siguro pwede kayo magkwentuhan muna o kaya ikwento mo sa kanya yung umpisa hanggang katapusan ng Daisy Siete o kaya yung Probinsiyano mas mahaba habang kwentuhan yun.
Pero yung 2016 'nang yan, hindi maalis alis yung inis, dahil parang binili lang natin sa CDR-King. May taglay talagang kamalasan. Nakakainis!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento