Lunes, Disyembre 25, 2017

iPhone X

'Malas ako sa raffle'


Kung nabasa mo ang title ng blog na ito at napaisip isipan mong tungkol ito sa paguunboxing ng isa sa pinakamaluluhong telepono sa balat ng lupa ay nagkakamali ka ng napuntahan. Walang talakayan na magaganap tungkol diyan, wala akong balak na pag usapan ang kahit anong features na nilalaman ng teleponong ito. Ako yung taong walang hilig sa selpon, sawang-sawa na ko kakapindot sa keyboard at makipag usap, makipagtalo, makipag-girian sa mga Briton sa chat kaya bakit ko pa papagurin ang sarili ko na dapat ay ipinapahinga na lang ng mga daliri ko. Ayaw ko ng iPhone X, ayaw ko pero kung sakaling swertehin sa pag drawlots ng pangalan ko eh di salamat, pero walang confetti na sasabog sa loob ng isipan ko. Kung isigaw ang pangalan ko sa mikropono eh siguro parang naka half mask lang na watawat ng Pilipinas ang ipapakita kong ngiti. Ipapaalam ko sa paglapit ko at pag abot ng selpon na iyon na wala akong hilig sa ganyang uri ng teknikal na bagay. Baka masaya ko sa unang pagkakataon na yun kasi 1st time ever na isisigaw ang pangalan ko na hindi dahil sa pag-call out na naka status akong "away" sa chat. Ewan ko ba sa ganung pagkakataon kasi medyo natatawa ako feeling ko talaga nasa isang shop ako sa loob ng SM department store at sa tuwing may magsasalita sa mikropono feeling ko sumisigaw sila na parang ipinapaalam sa loob ng tao sa stock room kung meron bang size 7 na sapatos na request ng customer o di kaya ay nananawagan sa magulang ng batang nawawala sa loob ng mall. 

Balik tayo sa iPhone X, may oras din naman na gumagamit ako ng selpon. Meron akong app na alam na sinubukan ko lang naman dahil na curious cat ang inyong lingkod. Hindi ko gusto yung app pero natutuwa ako sa mga taong ipinapakitang sobrang bored na bored sila sa buhay nila sa BIGO Live, pota ewan ko ba at halos magkulong ang mga kwarto sa iba sabay sayaw ang mga haliparot at nanghihingi ng kung anong virtual coins para umakyat ng level ang mga damuho. Tsaka hindi rin naman kasi ko nagloload kung hindi rin lang may lakad at makikipagkita sa mga dating kaibigan para lang makapagtxt kung nasaan na sila. Eh kasi naman di ba, uso sa atin ang "Pilipino time" yung mga taong nagsasabing "on the way" na sila pero naliligo pa ang mga putangina. Bato bato sa langit ang tamaan bubulagta. Ano pa ba? Hmmmm... ayun ginagamit ko lang din ang selpon sa tuwing ako'y susulyap sa orasan. Hindi na kasi ko nagdadala ng relos buhat nang ipagbawal ng mga burikat ang Smart watch. Binili ko pa naman yung ng 600 pesos tapos hindi ko naman nagagamit.Ang dami daming bawal tapos wala naman ano... ham. Puta!

Hindi rin ako mahilig sa mga lekat na games na yan sa selpon. Kaya kung mabubunot ako't pagpalain na manalo baka gawin ko lang yang libangan sa musika. Oo, musika lang hindi ko trip manood ng porn sa selpon, mas gusto ko sa widescreen. Tsaka nakakahiya rin naman sa iPhone X na yan  kung gagamitin ko lang siyang alarm sa paggising ko para pumasok sa gabi o baka madaling-araw dahil nagdedelikado ata ang grupo namin sa shift bid na yan. 


                                        Itchyworms - Gusto Ko Lamang Sa Buhay



Hindi ako papasok ng 31 kasi baka mabunot ang pangalan ko, ayaw kong hawaan ko kayo ng pagka negatib ng muka ko pagpasok ng taon dahil hinding hindi niyo ko mapipilit na maging masaya o maging excited sa matatanggap ko. Ano ba yang iPhone X na yan? nakakadiri, magiging heartrob na ba ko kung sakaling mahawakan ko yan? At hindi rin ako yung taong mahilig magseselpi sanay pa rin akong may kasama sa picture at magbibilang yung kukuha ng 1,2, 3 at sasabihin munang say cheese para mas maayos ang ngiti ko. Kung solo ko sa mga litrato baka duon lang kapag magpapakuha ako ng ID picture. Isa pa sa kinaiinisan ko walang katapusan yang iPhone na yan nag umpisa sa ata sa 1st generation hanggang X = 10 na ngayon, putragis matatalo niyo na yung Shake, Rattle and Roll natapos ata hanggang sa 13 yun ee. 

Isa pa pala at higit sa lahat malas ako sa mga raffle. Hindi naman ako galet sa iPhone, hindi rin ako bitter sadyang wala lang talaga sa bituka ko ang gumamit ng mga high definition devices at baka maging mitsa pa ng buhay ko yang balang-araw. Hindi naman masama alalahanin ang kamalasan sa buhay, minsan kapag naaalala  mo ang isang bagay na sa tingin mo ay pinaglaruan ka ng tadhana, ay matatawa ka na lang.

Noon, palagi akong nawiwiling sumali sa mga raffle. Yung mga raffle na kailangan ng proof of purchase. Bibili ka ng ganito , ganyan  tapos isasali mo yung wrapper. Ewan ko ba. Hindi pa naman ako nananalo e, iniisip ko na kung ano ang gagawin sa premyo. Kaya siguro minamalas. Ni minsan di pa nanalo. Counting the eggs kasi kahit hindi pa ito hatched. 

Pero hindi. Hindi ko ata matatanggap na ako ay malas. Naghubad ako sa aming CR at tumalikod sa salamin, tumungtong ako sa  inidoro para makita sa salamin ang aking puwit. Sinilip ko sa salamin, aba eh wala  naman. Wala naman yung "marka" na sinasabi nila. Oo naniniwala ako na wala naman akong balat sa puwet para malasin ng ganito. Mas gugustuhin ko pa kasing isipin na ako ay dinaya. Tama. Dinaya ako! Imposibleng hindi ako manalo. Sinusunod ko ata ang mga regulasyon. Pinapaganda ko pa ang aking sulat kamay. The best pa ang aking signature. Kumpleto ang address. Kulang nalang lagyan ito ng autographed picture ko e. Kaya lang di ko na nilalagyan. Parang panunuhol na yun, kaya wag na lang.

Kung sino man siguro ang mabubunot sa iPhone X na yan ay para sa kanya ay napakaswerte na niyang nilalang. Hindi ako kokontra. Wala akong sasabihin magiging masaya lang ako sapagkat deserve mo ang selpon na yan. Gusto kong makakita ng kapwa ko na masaya dahil nabiyayaan siya ng isang pagkapetmalu loding mamahaling selpon sa balat ng sansinukob. Basta ako masaya ko ng mga araw na yan sa loob ng aking pamamahay, tsumitsibog ng hamon (san ako kumuha?), yumuyupyop ng malamig na softdrinks, pumapapak ng barbekyu't hotdog na may marshmallow, nagpapailaw ng Mabuhay Roman Candles, nagkikiskis ng watusi sa pader, tumitingin sa kalawakan ng mga naguumilaw na paputok mula sa kalangitan, maeexcite kung anong top 1 song sa yearly countdown sa radyo at makikinig ng Auld lang syne habang sinasabayan ko ng pagtalon kapag alas dose na.

Masaya ako. Masaya ka sa iPhone mo.

Happy New Year sa inyo!

Martes, Disyembre 19, 2017

Nagmahal.Nasaktan.Nagmahal Muli

'Dwell on your sadness.. until your thoughts and feelings slowly fade away'

Noong lumapag ang mga aliens sa kauna-unahang sightings sa New Mexico USA noong 1947, ang kauna-nahan niyang nasambit ay, “Doobi doobi dapp dapp Doobi doobi dapp dapp.” Choppy pa kasi sila sa pagbaba nila sa Earth kaya that time mali ang impormasyong nasagap ng mga taga US Air Force. Pero kung maitatransalate man ito ng mabuti, nais lamang niyang sabihin na, "mga orb ayos dito, dami chikas petmalu! lodi! wetpaks!."

Patunay lamang na kahit nasaan ka, kahit saang lupalop ka man ng daigdig, kahit saang planeta ka napadpad, makapasok sa blackhole o maging sa napakadilim na parte ng buhay mo o maging sa napakaimposibleng bagay na hindi kayang sukatin ng iyong pagiisip, magiging genuinely okay din ang lahat.

Kung nakaya mong mabuhay ng humigit kumulang 13,272 araw dito sa mundo, sigurado ako, kaya mong lagpasan ang isa o dalawa pang araw na dadaan. Lilisan ang bawat oras at segundo, maeexpire ang bawat delata sa aparador, malalagas at bubunga ang mga dahon sa puno, ngunit hanggat pinipili mong kumandirit sa takbo ng panahon, magiging okay din ang lahat.

Big Mountain - 'Baby I Love Your Way'

Kung nagmahal ka at nasaktan, well, pakyu siya. Pero laging sisiguraduhin na ang susunod na pandiwang gagamitin ay 'nagmamahal pa rin' (Nagmahal. Nasaktan. Nagmamahal pa rin.) Hindi mahalaga kung sa dati pa rin o sa panibagong tao naman. Ang mahalaga tuloy lang ang agos, patuloy kang magmahal. Sampung beses ka mang masaktan at mabigo, sampung beses ka rin dapat sumubok muli. At kung dumating man sa ikalabing-isang beses na pagkakataon, patuloy mo pa ring piliing magmahal. Wala naman ibang makakapansin niyan kung di ang tsismosa mong kapitbahay.

Sabi nga, 'we don't determine who we fall in love with, but we choose who to stay in love with'. Pero ang totoo mas olats ang isang taong hindi pinipili ang magmahal. Masasaktan ka lang din naman eh, e di magmahal ka na lang, sagarin mo na orb. Kapag nagmahal ka ng totoo, masasaktan ka din ng totoo. Ngunit hanggat may kapirasong laman na patuloy na pumipintig sa kaliwang dibdib mo, buo man yan o tuluyan nang nadurog na parang paminta, magiging okay pa rin ang lahat.

Survivor - 'The Search is Over'

Sa ngayon huwag mo munang pilitin. Tumahan ka muna sa pansamantala. Kabisaduhin mo sa videoke ang lahat ng kanta ni Moira, Adele o ang bandang Autotelic wag ka lang mapapariwara dun sa mga kantahan ng mga fuckboy na banda. Ubusin mo ang buong pulutan kahit walang ambag. Namnamin mo ang breakdown, downward spiral ng buhay mo. Solohin ang spotlight. Damhin lahat ng sakit tapos magpahilom ka. At kapag handa ka na at mas handa pa sa mga Kab Scout, ibigay mo ang isang daang porsiyento ng lakas na parang si Taguro para sa isang bilyong bagong emosyon na parating.

Magpasalamat sa lahat ng lamat.Sa pusong naghilom sa malalim na sugat. Hintaying maging muta ang lahat ng luha. Huwag matakot sumubok muli. Dahil kahit gaano man yan kasakit, wala pa ring katumbas ang sarap kapag mas lagi mong pinipiling magmahal. Naging roller coaster man ang buhay pag ibig mo, nalaglag ka sa tsubibo at isa ka sa mga pinaglakad sa riles ng MRT. Wag matakot na tahakin ang muling daan patungo sa pag ibig na wagas.

Biyernes, Disyembre 15, 2017

New Year's Resolution 2018

'Mam/Sir ano pong New Years Resolution nila?'

Bago ang lahat Merry Krisismas at Happy Hellidays sa lahat ng naliligaw at patuloy na umuusyoso't nakikitsismis sa blog na ito. Buti naman at hindi niyo pa rin tinitigilan ang pagpunta dito kahit wala naman kayong nababasang bago. O di kaya sarili ko lang din yung kinakausap ko at nagpapantasya lamang ako na mayroong bumibisita sa pahinang ito. Salamat pa rin sa interwebs at patuloy na binibigyang espasyo ang blog na 'to.

Siya nga pala, magtatatlong taon na ang blog na ito. Eh ano naman ngayon? Wala. Nasabi ko lang.

Dati dalawa lang kaming nagbabasa ng blog ko. Ako at ang aking konsensiya. Ala-Joy Dishwashing ni Michael V at Safeguard ni ateng kinokonsensiya siya na hindi safeguard ang napili niyang sabon sa grocery. Ganun din kame ng aking konsensiya, pagkatapos ko maisulat,babasahin ko naman kakausapin ang sarili kung may kailangang idagdag o  bawasan sa nabuong piyesa. Pero putangina! akalain mo yun?, madami na ang mga konsensiyang umaaligid dito! O di kaya nakokonsensiya lang sila sa akin? Ah, basta!

Nagsimula itong blog na ito bilang hamon sa aking sarili na kumpletuhin ang simbang gabi noong 2015. Sabi ko sa sarili na kapag hindi ko nakumpleto ang simbang gabi itutuloy ko ang pagsusulat. Gabi, noche buena sa dami ng kinain at halo halong putahe ang nilapang nagtae ang inyong lingkod at humingi ng patawad kay Papa Jeesas dahil hindi ko na naman nakumpleto ang simbang gabi. Nang dahil sa letseng leche flan at ubas na prutas sa hapagkainan ayun nasira ang plan at natuloy akong gawin ang Ubas na may Cyanide na pamagat ng blog na ito. Ngayon alam niyo na kung bakit may "ubas" dito ang haba kasi kung "leche flan na may cyanide" at dahil na rin sa isa sa linya ng liriko sa tugtugan ng Radio Active Sago Project ay doon naman nakuha ang cyanide, ang cyanide na dulot ng pagtatae ng inyong lingkod. Pasintabi po sa mga kumakain.

Kahit walang nagbabasa noon post lang ako ng post araw-araw. Baka sakaling maligaw si Lord at mapagtanto niyang mabait akong nilalang at ambunan ako ng kahit kaunting grasya. Kahit konting dagdag lang sa kaguwapuhan. Manipis lang.

Pero ewan ko di ata siya dumaan sa blog ko. Wala kasing grasyang dumating. Subalit grasya na ring maituturing na kahit papano ay humihinga pa rin ang walang kwentang blogosperyong ito. Andiyan kayo, andito ako. Solb!

Camera Obscura - "New Years Resolution"

At para lalo akong mainspire sa pag blog sa 2018, eto kahit hindi pa nadaan ang Pasko gusto ko na agad ishare ang aking New Year's Resolution.

*Babawasan ko ang pagrereply ng "Hahahaha" sa comment section. Nakakaloko na rin kasi minsan na kahit hindi ka naman natatawa talaga habang nagtatype ka magsisingit ka pa rin ng "hahahaha" kung simpleng "oo" lang naman ang irereply mo sa kausap mo kahit tinanong ka lang niya kung kumaen ka na ba? Oo, hahahaha! Puta! hahahaha!

*Pag-akyat ng taong 2018 gusto kong lumipat ng Lotto outlet. Halos naka ilang taya rin ako sa lotto netong taon kaso wala hindi ako dinadapuan ng swerte at grasya. Makalipat nga sa mas malapit sa simbahan. Para mas madaling makabulong kay Papa Jeesas.

*Magpapalet na ko ng alarm clock ring tone ang kasalukuyan kasi tiktilaok ng manok, eh sumakabilang buhay na yung buhay ko ng morning shift at halos magtatatlong buwan na akong nangungulila. Ang halay kung manok pa rin ang gigising sa akin ng alas siyete ng gabi at narealize ko na hindi nababagay tumilaok ang manok na lubog na ang araw. So pagsampa ng 2018 papalitan ko na pero farm animals pa rin at gusto ko mas nababagay sa pagkatao ko. Kaya papalitan ko na ng ring tone ng baboy. 

*Ititigil ko na ang pagtalon tuwing bagon taon. Sawang-sawa na ko putangina at wala namang nangyayari. Sino bang nagpauso ng kalokohang yan at sumasakit lang ang betlogs ko sa kaka alog.

*Babawasan ko na uminom ng sugar beverages, ninipisan ko nang magiinom ng Coke tutal magkakaron na ng hayup na tax sa mga softdrinks. Lahat na lang nilagyan na ng tax. Nakakasuya, nakakapikon pero ayos lang baka eto na yung pinaka greatest achievement ko sa 2018 kung sakaling "matuloy" hahahaha, ay putangina nag "haha" na naman ako.

Mababaw lang naman tayo gumawa ng NYR at kalimitan patungkol sa ating mga sarili gaya ng "magpapapayat na po ako ngayong taon", mamukat mukat mo ang taba taba pa rin niya sa kasalukuyang taon at nakaka ilang order na kanin kila Nanay Ling. Yung iba hindi na raw maninigarilyo o magyoyosi pero ayun from "isang bote lang, pampatulog" pero ginawang pampatulog ang alak sa araw araw. Sana uminom na lang sila ng sleeping pills. 

Sadyang napakahirap baguhin ang isang bagay na nakasanayan na, nakaugalian na.. Pano mo nga naman babaguhin ang ikot ng mundo? Pero ako ang mundo ko dito sa call center laging nababago yung body clock ko dating PST ngayon European time. Sosyal! Hindi mo pwedeng baguhin ang ruta ng sasakyan. Baguhin ang ikot ng relo (kung manual pwede) Gawing summer and winter (unless may climate change)

Bilang human beings ang mga bagay at pag uugali na nakasanayan na ay mahirap na baguhin pero maaari kung talagang gugustuhin maraming preparasyon ang kinakailangan at ilang beses na pag iisip nga lang, pero kaya basta gusto. 

Sa darating na 2018 pilitin nating baguhin ang mga bagay na gusto nating alisin sa ating mga sarili di man ganun ka perfect ang new years resolution na ginawa at least yung mga ibang bagay para sa ating sarili ay mabagi sa darating na bagon taon. 

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon  mula sa Ubasnamaycyanide! 


Biyernes, Nobyembre 17, 2017

Vietnamese Cooking @Nanay Ling's Karinderya at Atbp Larawang Tsibugan


"Sisty fi"

Kanya-kanya ang ating panlasa. Matanda man, lalo na ang mga kabataan, hindi puwedeng sabihing wala tayong paboritong pagkain. Masarap talagang kumain hindi ko maitatanggi yan ngunit sa bawat pagkain natin ay may mga nakaakibat na kapalit sa ating kalusugan. "Pero di bale na tsaka ko na iintindihin yan, ang mahalaga ay maubos ko itong pagkain sa aking plato", ganito ang ating sinasambit sa tuwing may magpapaalala sa atin ang tungkol sa wastong pagkain na dapat nating ipasok sa ating mga katawan. Ang wika nga ng aking kaibigang may (ka-edaran na) at laging nakakadalawa o higit pang extra rice... "Di bale nang mamatay sa sarap, wag lang sa gutom". Eh sa ganun naman talaga tsaka na natin iniisip yung mga bagay na sinusuway natin, yung kolesterol na naidudulot ng pagkain na maaaring magpataas ng ating presyon sa dugo. It doesn't matter! Hangga't masarap, malinamnam ang nasa hapagkainan ituloy mo lang ang pagkain ng walang pag-iimbot at buong katakawan. Ang sabi nga nila kain-construction worker lalo na't nakakagana dahil may mga special spices at sawsawan sa lamesa.

Hindi ko naman siguro kailangang maging magaling na food blogger upang makalikha ng isang magandang kritisismo sa aking mga natitikmang pagkain dahil mayroon din naman akong sariling panlasa. At mula sa blogpost na ito ay isusulat ng aking dila ang aking mga natikmang putahe sa isang simple, malinis at masarap na kainan sa tirahan-karinderya nila Nanay Ling dito sa Imus,Cavite

Sa ating mga Pilipino, pagkain ang kadalasang laman ng ating mga isipan, bukambibig sa bawat kuwentuhan o maari rin na pampalipas oras. Talaga namang hindi maiiwasan sa atin ang sadyang mahalin ang pagkain, di ba?


'Merc's CX - MOD Team Lunch out @Nanay Ling's
'May pa-free pakwan si Nanay while waiting for our orders'















'The colours of FiesTAnghalian'

'Team MOD @Loloboys'

'Team CX Bogchi time'

'Team Jukes at CEDZ'



Team HomeJoy CX buddies at Shakeys (ba't wala si Francis?)


                          w/ Chef Santi and HRM students 

Kaya dito sa karinderya ni Nanay ay ating pag-uusapan ang masasarap na lutong bahay na kapag iyong natikman ay iyong babalik-balikan.


FRIED CHICKEN

Nakakatawa man isipin pero Fried Chicken pa din ang paborito ng karamihan, mula noon, hanggang sa kasalukuyan. Sa dinami-daming putaheng aking natikman, di ko pa rin maawat ang sarili ko sa pagsandok ng kanin ng sunud-sunod kapag ito ang aking nasa pinggan. Kung oorder ka ng piniritong manok kay Nanay ay sisiguraduhin ko sayo na hindi ka lamang makakaisang tumpok na kanin sapagkat dalawang malalaking parte ng manok ang order dito sa halagang P50 walang panama ang manok ng mga kilalang fast food chain. Masarap kung sa masarap ang mga manok ng KFC, McDo at Chicken Joy ni Jollibee pero naman 'tol hinding hindi pahuhuli ang sarap at ang laki ng manok ni Nanay sa mga manok ng mga sikat na fast food chain na aking nabanggit. Walang special gravy si Nanay pero mas sapat yung Mang Tomas Siga ee. Lumalapat ang anghang nito sa crispy na balat ng manok habang unti unting mong ninamnam ang sauce ng Mang Tomas sa nagpuputukang batok este lutong ng balat sa manok. Kaya overall impact ay oks ang manoks sa karinderya ni Nanay.

SISIG

Hindi naman talaga ko nakain nito, ni hindi ko talaga natikman sa buong buhay ko yung totoong sisig. Mas panatiko kasi ako ng mga preservatives na pagkain at yun yung sisig ng Monterey. Nagkataon lamang na wala yung paborito kong menu na inoorder kila Nanay kaya ako'y napasisig ni hindi ko alam kung magusgustuhan ko ba o hindi pero dahil sa udyok na lang din ng aking mga kaibigang ka-extra rice ay aking sinubukan ang sisig. Tangina, nabighani ako sa sarap ng sisig kila Nanay. Ganun pala ang totoong lasa ng sisig. Ngunit kailangan ko iwasan ang pagkain nito palagi sapagkat hindi rin maganda ang maidudulot nun sa aking kalusugan. Ito ang ibang katangian ng sisig. Dahil kahit dapat ay paminsan-minsan itong kainin, sa sandaling kainin mo ito pagkatapos ng kaytagal na panahon, kakaiba pa rin ang sarap at saya na naidudulot nito.

Dito kila Nanay ay tinatanong muna kung lalagyan ba ng itlog o mayonaisse ang sisig mo bago ihain sa'yo sapagkat mayroon tayong kanya-kanyang panlasa kung anong mas malinamnam sa atin.

Jurassic Pards - 'RAPSABU'


LUMPIA VIETNAMESE STYLE

Eto na, isa sa pinaka petmalung pagkain na lagi kong inoorder at wala akong sawang pagtangkilik kada tanghalian. Ang lumpiang hindi pangkaraniwan para sa akin at may touch ng pagka-asian cooking ang dating. Malinamnam, malalaki, pino ang lamang giniling sa loob, malulutong ang balat, may sotanghon sa loob at may taba ng baboy na naninikit sa pagkalutong ng wrapper at isang sawsawang suka na ayaw ipaalam ni Nanay kung paano niya ginagawa. Kumbaga sa KFC may sikretong 7 herbs and spices. Samahan mo pa ng tinadtad na bawang at iispringkel mo sa mainit na kanin ay busolve ka sa sulit at sarap. Ang lumpia ni Nanay Ling ay palaging sold out sa merkado at kadalasan ay unahan pa sa pagpapareserve para lamang makasiguradong may tsitsibuging lumpia kapag pananghalian.

At sa pagkakataong ito hindi ko maikakaila na sobrang namimis ko na ang pagtsibog sa karinderya. Tatlo, apat o limang buwan nang hinahanap ng panlasa ko ang mga menu ni Nanay lalo na ang pamosong lumpia. Sinulat ko ito para na rin lamang tulong at maipamahagi sa ilan ang makabusog damdaming mararanasan ninyo sa pagkain sa karinderya nila Nanay. Halina't dumayo at halina't mag-tatlo o apat na extra rice. Wag na mahiya, wag na mag-inarte, wag na mag diet. Kung nagdadiet ka let this be your cheat day ika nga. Sa dinami dami ng aming kinakainan noong ako'y pang-umaga pa mula kay Lolo Boys, Quick Fry, Dongalos, Checos at iba pa ay madalas kay Nanay Ling pa rin kami nauuwi. Ngayong panggabi na ako sa trabaho, pota wala nang ibang option kung di ang magpasakop kay Jollibee.

Saan matatagpuan ang kainan?

'Map location: Nanay Ling's Karinderya'

Along Aguinaldo Hi-way at bababa ka ng abandonadong Imus Sports Complex, hindi ka lalagpas ng Maynilad dahil baka kay Bulalohan ka ni Pat tumuloy na pagkatapos mo kumain amoy ka na usok ng barbecue. Pagkababa ng Imus complex kung galing kang Imus tatawid ka sa kabilang kalye at didiretso ka bandang dulo sa paglakad. Kulay brown ang gate at may puno sa garahe at may tindahan. Kapag narinig mo na ang kalansingan ng pinggan at kubyertos at pag may narinig kang "sisty-fi" nasa karinderya ka na ni Nanay Ling.

Eh ano pang hinihintay niyo? punta na dito mga erp! enka na mga lodi!


Martes, Oktubre 24, 2017

Huling Tatlong Buwan

'Huling tatlong buwan ng taon, bow.'


Huling tatlong buwan ng taon. Tila marami nang naganap ngunit hindi kagandahan ang mga nangyari. May mga dumating at nawala at piniling mawala. Ang sabi nga ng ilan, iisa lamang ang pagtatapos at pagsisimula. Kailangang may matapos upang may bagong panimula. Sa pagsisimula ay kailangan munang may katapusan.

Ang una sa huling tatlong buwan ay mapangwarak. Pitong munting nilalang ang iniluwal ng aking alagang Puspin ngunit pitong nilalang rin ang nagkasakit at naglaho. Di mawari ang iyak ng Ina na nawalan ng mga anghel na kanyang isinilang. 

Ang una sa huling tatlong buwan ay magulo, madugo at masalimuot. Sinamahan ng pangingiliti  ng tadhana na hindi mo mararamdaman ang mapaliyad sa sarap ng pagkakiliti, kung saan kamalas malasang iniluwa sa kulay kahel na kahon. Ang kulay kahel na kahon na nagmistulang tahanan, duyan at pahingahan ng isang taon. Mapanakit, mapanghusga, masalimuot. Iniwang blangko ang mga isipan at naninibugho sa mga katanungan na kahit mismo ang tandang pananong ay hindi masinsin ang kasagutan sa utak na puno ng madidilim na ulap at pagtilamsik ng matalas na kapangyarihan ng kidlat sa kaitaasan. Walang nagawa ang ilan at piniling magpalapnos sa matatalim na dagitab sa kalawakan. Naiwan ang mga masasayang memorya sa kahon at magsisimula sa bagong pagkakataon.

Ang una huling tatlong buwan ay pagbusilak ng bagong panimula. Ang paggising sa kamalayan, ang paghugas ng mga kinalawang na gear at ugat ng karunungan. Pagsubok, trial at bagong pagsasanay, ang paghulma, ang paghihimay-himay sa mga bagong proseso at ang simula ng bagong paglalakbay sa mundo ng pag "hehello" is it me you're looking for?, paghingi ng paumanhin at pakikiramay sa mga bagay na hindi nararapat na maranasan ng kliyente. Tuloy ang buhay pagkatapos sa kahon. Kasabay ng mga bagong pitas na nilalang, magaganda't, maririkit, sariwa at ang ilan ay birhen sa tema ng trabaho't proseso. 

Ang unang linggo sa ikaunang buwan sa huling tatlong buwan ay busog sa pagpapakilala ng bawat isa at pakikipagkaibigan na may kasamang "kilig" paminsan minsan. Biniyaan ng lider na mahusay magpalaganap ng karunungan. Masalimuot, madugo, komplikado ngunit unti-unting natututo. Busog ang utak sa impormasyon na minsan ay halos kumokonekta ang utak sa tiyan at isuka ang mga kaalaman sa kabusugan. Overload! Ang hugot nga ng mga milenyal "susuka pero hindi susuko."

Ang huling tatlong buwan para sa kanila ay pagtapon ng alak sa mga sikmura dahil na rin sa hudyat ng pagtatagumpay sa pagsasanay. Mission complete ang Level 1 at 2. 

Kasalukuyang nasa level 3. Pamumugad. Ang pagpapanitili ng pupugaran. Kailangang matibay ang pundasyon, ang pagkakagawa. Dahil ikaw mismo ang gagawa ang magpapalakas ng sarili mong titirhan.

Level 4. Kailangang solido. Werpa mga orbs. Petmalu na repa. Anignatup kung hindi.

Pero sa isang banda.....
Alak pa!

"I'm a retired drunkard and I'm sorry for the inconvenience". Pasensiya na kung hindi ako nakakatagay dahil sa isang patak ng alak sa aking sistema pati ang nagsusulat dito'y mamamaalam ng maaga. 

Ang huling tatlong buwan ng taon. Tila marami nang naganap at umaasang mas magiging makulay ang bagong panimula. May mga dumating at inaasahang walang nang mawawala. 

Linggo, Oktubre 15, 2017

Sentihan 101: Hanggang Saan Ako Dadalhin ng Aking Pag-Ibig?

 
'PagdaramDAMN'

Hindi ko na alam mga lodi kung bakit 14 entries lang ang aking naisulat sa loob ng taong 2017. Marahil ay nawawalan na ng gana ang inyong lingkod dahil ako lang din naman ang fan ng blog na ito (drama). O di kaya'y unti unti nang naglalaho ang aking mga inspirasyon para magsulat ng isang petmalung piyesa. May mga pagkakataon din siguro na nasesentro ang aking sarili sa mga bagay na nakakapaglayo sa aking pagsulat katulad ng panonood ng Rick and Morty o ang pagsunod at pagtangkilik sa drama ni Bojack Horseman sa Youtube at ilang mga dark secrets na inihahain sa akin ng Internet.

I miss having something to write on, having someone to write for. Natutuyo na siguro yung utak ko, marupok na ang mga gears ng aking mga ugat, hindi na ganun kalakas ang kuryenteng nagpapagana sa aking sintido para makagawa ng isang malupit at dambalasek na post dito sa blog na ito. Minsan gusto ko na lang i-delete ang lahat dahil unti-unti na ring nawawalan ng saysay. Ang dami ko sanang gustong isulat, ang dami kong gustong ilathala at ikwento pero putangina lagi akong tinatalo ng katamaran. Ay, baka yun nga ang numero unong suspek kaya hindi na ako makakapagsulat. Pero hindi eh, minsan kasi kung makakatanggap ka lang ng kaunting komplimento sa mga mambabasa mo dun ka lalong mas ginaganahan. Oh well, the mere fact na may nagtitiyaga magbasa sa sinulat ko e nakakatuwa talaga, lalo na yung mga hindi mo talaga kakilala. Dati halos araw-araw kahit yung masakitna ipin ni Bimby papatulan ko at gagawan ko yun ng mahabang sanaysay, ngayon? wala eh hanggang isip at title na lang tapos wala na... hanggang draft na lang.Delete!

Gusto ko magsulat muli...gusto ko magsulat pa sa inyong lahat. Gusto kong magsulat para sa "kanya" (landi), pero di ko magawa. Gusto kong maramdaman  yung dating enerhiya at sinasapian ng sari-saring thoughts kapag may hawak na panulat, ewan ko ba pero susubukan kong muli. Kaya eto na tama na ang introduksiyon, sisimulan ko nang muli sa mga katanungang "Hanggang saan ako dadalhin ng aking pag-ibig?"

Dun tayo lagi sa Tagalog na salita para mas ramdam ang malulupet na emosyon na bibitawan kong salita. Love. Sabi ng propesor ko dati sa Art Appreciation class, isa lang daw itong "FEELING". Damndamin. Damdamin. Ganun ka simple ang konsepto ng pag-ibig para kay prop. Para sa akin kasi, hindi lang yun ee, marami pang iba. Ang pag-ibig ay hindi lang ukol sa puro damdamin o nararamdaman ng isang tao. Pota, kung puro ganoon lang, e bakit parang hindi ko naman nararamdaman? Hindi ba't nasa aksiyon din naman ang pagpapakita ng pagmamahal? Sa damdamin nga lang ba ng isang tao masusukat ang terminong paulit ulit niyang ipinararamdam sa isang tao? Hindi ba't dapat mong ipakita? (hindi ang tralala ha) Dahil hindi rin naman sapat kung panay paramdam lang, ano ka isang entity? multo? tangina paranormal ka lang ba? Syempre nararapat na may aksiyon din. May katapat din na aksiyon sa bawat damdamin na ating nararamdaman. Hindi puro palipad hangin lang. Aba, eh kung puro ganun lang din, olats ka na, hopya ka pa at hindi ka rin mamahalin ng taong iniibig mo, kaya wag na lang subukan kung wala namang tapang ang inihaing kape sa kanya.

Sabi ng ilan ang sarap daw talagang umibig. Kahit hindi pa masyadong seryoso, puppy love at mga bata pa ay masaya daw talaga ang umibig.


Kevin Roy - "Kailan pa man"

Hindi ko maintindihan
Pangakong magpakailanman
Nagsinungaling ka lang diyan

Ang bukas mo't sino man
Ay di nakikita at di maisasalba
Kung tangayin sa agos ng panahon
Kaya pangsamantala habang nandito pa
Tanggapin mo ang pag-ibig ko ngayon
Hanggang sa dulo ng mundo
Magmamahalan tayo dito
Huwag kang mangakong ganito
Mahal ang pamasahe mo
Kaya pangsamantala habang nandito pa
At di man kailan pa man ang ating samahan Sarilihin ang pagkakataon
Makulimlim man ang panahon
Tanggapin mo ang pag-ibig ko ngayon Tuwing kapiling lang kita Ang mundo ko'y sumisigla
Buhay ang buhay ko ngayon



Hanggang saan ako nadala ng aking pagmamahal?

WALA.

Wala pa akong napuntahan. Wala pa, wala pa namang nakapagpapatunay na meron nga talagang pag-ibig na nageexist sa mundo ko ngayon. Dahil hindi ko alam kung nao ngaba ang sinasabing tunay na pag-iibog. Sino ba ang may alam kung ano ang orig? WALA PA TOHL! di ba?

Sige recitation. Ano ang pag-ibig? Yun nga ba yung pakiramdam? Yung kung paano mo maramdaman ung mga kuryente sa palad mo pag hinawakan niya ang kamay mo as in HHWW? Baka naman carpal syndrome lang yan? Kung paano ka sumigaw at tumalon pag nagtext siya sayo o kung i-like niya ang mga post mo sa Facebook? Ganun ba yun?! Kung paano niya hawiin ang nakaharang na buhok sa muka mo, at pagkatapos, hahalikan ka niya sa iyong mga labi?

PUTANGINA!

Kung ganun ang pag-ibig, edi matagal ko nang natagpuan ang hinahanap ko...Kung ganun lang ka-smooth ang lahat, walana sanag umiiyak at nasaktan sa walang-hiyang pag-ibig na yan. Wala na sanang pumatay at nagpakamatay dahil sa pag-ibig. Hindi lang naman puro ganun di ba? Wala. Wala pang nakakapagsabi kung ano ang tunay na pag-ibig at kung saan lupalop na dimensiyon ka nito madadala.

Ano? ano nga kamo? Langit? Langit daw. Hindi ba't eto ang isang lugar kung saan napupunta yung mga namatay na? Edi pucha, patay na pala ako. At paulit-ulit pang namatay. Double dead? Triple dead? Quintuplet dead? Hahahaha! at mamamatay pa ulit ng paulit ulit. Tangina mga lodi, lakas pala maka walking dead ng pag-ibig.

Sa kabilang banda,, kahit ano pa mang kayang idulot ng pag-ibig na yan, wala akong pakealam. Alaws pakels! Masarap ang umibig at ang kapalet na ibigin. Ang tunay na pag-ibig ay pagtanggap mo kung ano siya lahat ng meron siya. Yayakapin mo kahit yung mga pinakapangit na bagay sa buhay niya. Bisyo, ugali, toyo sa utak. Ganun talaga mga paps. Kapag nagmahal ka, hindi mo iisipin o ipagwoworry yung mga bagay na hindi maganda sa kanya. Kapag nagmahal ka hindi mo kailangan malaman kung hanggang kailan at kung hanggang saan kayo madadala ng pag-ibig na inyong sinimulan. Basta ang isipin hanggat naroon ang pangangailangan sa isa't-isa, ang paghahanap at pagbibigay ng pagmamahal, ang pagnanais makasama sa bawat araw na meron ang kalendaryo nananatiling tunay at tapat ang pag-ibig.

Hanggang kailan ko kayang ipaglaban ang pag-ibig?

SAGOT: 'Pag wala nang ipis sa mundo, titigil na ko.

Hanggan saan ako makakarating sa pag-ibig?

SAGOT: Hindi ko alam. Pero kaya kong libutin ang mundo (kasama yung taong minamahal ko). Pero wag na pala, wag tayong mangako ng ganito. Mahal ang pamasahe natin, kaya't magmahalan tayo dito. 

Sabado, Setyembre 23, 2017

Accidental Sunday Relaxation

And the Lord said: 'Double pay dapat ang mga pumapasok ng Linggo'


Itong pagsusulat sa blog post na ito ay aksidente lamang dala ang bigat ng ulo na pinahihirapan ng sipon at trangkaso ay napahinto't nakapagpaalam na makapagpahinga sa araw ng Linggo. 

"Magpahinga sa araw ng Linggo" na kung iintindihin ng isang normal na nagtatrabaho ay magtatanong siya kung bakit hindi ka nga naman magpahinga ng Linggo, eh Linggo naman at araw talaga ng relaxation? Oo nga naman, maski nga naman ang Diyos ay nagpahinga noong siya mismo ang gumawa ng araw ng Linggo. Napagod siyang likhain ang buong uniberso kasama ang mga halaman, mga bundok, lawa, karagatan, himpapawid, ilog, burol, kagubatan at higit sa lahat ay tayong mga nilalang na inihalintulad niya at nililok niyang kapares ng kanyang katauhang may muka, ilong, bibig, mata, kamay, paa at higit sa lahat ay puso kung saan lahat ng emosyon ng tao ay nagmumula dito.

Nagagalak ang inyong taga-kwento dahil minsan lamang sa isang taon ang makapagpahinga sa tuwing araw ng Linggo pero ang consequence lang ng aking pagpapahinga ay may trangkaso. Tahimik at payapa ang umaga dahil ang lahat ay tanghali na gumising isang pagpapatunay na ang araw ng Linggo ay araw ng pagrerelaks ng katawang tao sa isang linggong pagkayod sa trabaho. 

Daniel Boone - "Beautiful Sunday"

Lumabas ako't nagtali ng aking buhok para bumili ng pandesal, alas sais ng umaga. Tahimik ang paligid at papasikat pa lamang ang araw. Nagmasid-masid at wala pa gaanong mga taong naglalakad sa aming kalye ngunit sa aking paglalakad nariyan ang amoy ng pinipritong bawang na siguro'y isasahog sa sinangag, sa isang banda naman ay aroma ng kape ang iyong malalanghap at sa kabilang dako ay aking natanaw ang isang aleng nagpiprito at ang usok ng kanyang piniprito ay lumalabas sa kanilang bintana. Walang duda tuyo ang aking naaamoy. Sarap! Habang nauulinigan ko naman ang mahinang tugtog na pampasko ni Jose Mari Chan na "A Perfect Christmas" sa tabi ng nagpiprito ng tuyo. Napakinggan ko lang yun at sa dami ng nalanghap kong pagkain papuntang panaderya ay good vibes na ako. 

Malulutong at maiinit na pandesal at palaman na Reno ay swak na umagahan na kasabay ng paghigop ng kapeng mainit ay ang tatapos ng aking umagahan at akoy babalik sa aking pagpapahinga kasabay ng pakikinig ng mga melodramang musika na karaniwang ating napapakinggan tuwing Linggo. 



Linggo, Agosto 27, 2017

1965


'mga gunita: mil novecientos sesenta y cinco'


1965

Atin na lamang nagugunita
ang kanilang mga pangalan
kung sila'y nawala na.
Subalit habang humihinga't nagdarahop
sila'y mga walang pangalan,
walang mga mukhang madaling matandaan
walang karapatang maimbita
at magtalumpati sa liwasan 
sa harap ng mga tao, sa buklod ng lahing Pilipino
mga pangalang hindi nailalathala ng pahayagan
ang kanilang mga blangkong larawan,
at kung sakaling makasalubong mo sa tawiran,
kahit anong halimuyak ng pabango ang yaring gamit
ay hindi ka mapapalingon.

Ang mga taong walang ngalan,
walang mga mukhang madaling matandaan
subalit sila ang mga makina at motor
ng kilusang mapagpalaya.
Sila ang mga magigiting na talampakang nagmartsa 
sa mga kalsadang binudburan ng bubog at alambreng tinik,
ang mga duguan at pawis sa kanilang bisig na nagwawagayway
ng bandila at pakikibaka
sa harap ng libu-libong batuta at bala,
ang mga sugatang kamaong nagbitbit ng naglalagablab na sulo
sa madilim na gabi ng walang hangganang dulong karahasan.

Walang mga pangalan
walang mga mukhang madaling tandaan
mga anino't magagandang layunin lamang ang kanilang bigkis
ito ay mga karaniwang mamamayan,
ang mahihirap na laging pambala ng kanyon.
Ang mga walang pangalan na walang imik 
ngunit magiting na lumaban
kahit kinakalaykay ng nerbiyos,
at dagang ibig kumawala sa dibdib

Sila'y mga walang pangalan
walang mga mukhang madaling matandaan
ngunit ipinaglaban ang sambayanan
kahit hindi kuhaan ng litrato para ilathala sa dyaryo,
kahit walang ginto o pilak na isinasabit sa leeg,
kahit hindi hinaharap ng Pangulo.
Sila'y lumaban para sa iisang lahi,
walang hinangad na luwalhati o gatimpala't medalya
kundi kaunting kanin at ulam na maipasok sa kumakalam na tiyan,
bubong na panangga sa araw at ulan,
damit na hindi gusot at gulanit,
ang laya ng bawat isang
lumakad sa gabi
nang hindi  sinusutsutan ng pulis
para ikulong, pagbintangan at kitilin ang buhay.
Isang bukas na may kaakibat na pag-asa't aliwalas
para sa yaring sarili't, pamilya't mga anak,
buhay na marangal,
mataas na kwalidad ng edukasyon,
yan ang tanging hiling
ng mga walang pangalan,
kahit walang mga mukhang madaling tandaan.

Sabado, Agosto 19, 2017

Thank you!

"Pabata na ko ng pabata: The Curious Case of Jack Maico"


Susmaryosep!

Siguro nga dapat eh Maligayang Araw ng Pagdagdag ng Edad at Future Kamatayan o Happy Death Day to you na lang para mas maigsi. Dahil habang nadaragdagan ang ating edad eh 1 pulgada rin ang paglapit sa hukay, hindi ka man ma-deads sa sakit, accident, sariling pakitil ng buhay o matokhang at mapagbintangang adik  ng mga kampon ni Duterte o kung ano man sa katandaan ka naman matetegi.

Parang kelan lamang eh sanggol pa ako sa sinapupunan ngayon sumasakit na ang mga tuhod ko at marami-rami na ring nararamdaman sa iba't-ibang parte ng katawan, bagkus ay pasalamat pa rin tayo sa Poong Maykapal na tayo'y pinagbigyan ng buhay para tumira sa mundong ito na maki baka sa ano mang klaseng buhay ang meron tayo.

Unang taon sa planeta hindi ko pa alam ang mga pinagagawa ko malamang panay atungal lang ako kapag naiinitan o kaya ay nagugutom at kailangan ko ng dede at gatas na guguhit sa lalamunan ko, pero sa kasalukuyan ay ibang likido na may sipang kabayo na ang gumuguhit at lagi kong iniinom sa kapanahunan ng aking kolehiyo. semi bad ass days noong high school at bad ass days ng college. Sa ating paglaki hindi ata puwedeng hindi tayo daraan sa mga minor sins, trouble at kung anu ano pang mga kaganapang hindi kagandahan. Ganyan daw ang buhay ng tao walang isinilang na anghel na gagawa ng buong kabutihan sa buong buhay niyang paninirahan sa mundong ito ang lahat ay may pinagdadaanang pagsubok at temptasyon. Apat na taon pa nga lang nakagawa na ako ng matinding kasalanan araw pa ng kapanganakan ni Kristo ng tinidurin ko daw yung ulo ng tita ko pagkatapos kong kumaen ng hotdog na may marshmallow ng Noche buena. Kaya ayun putangina palo ang sunod kong nalasahan.Pero ang lahat ng nadaraanan nating ito sa paglaki ang lahat ng ito ay may angking kakayahan upang magbago ang isang tao.

Lahat tayo ay nakagawian at naging tradisyon na natin ang paghahanda sa tuwing sasapit ang ating kaarawan, mayaman man o mahirap Meron diyan isang buwan pa lang bago dumating ang kaarawan ay naka plano na kung anong lulutuin, kung sino sino ang dadalo, kung saan idadaos, an ong susuutin, at marami pang dapat isakatuparan. Lahat ng iyan ay kung may pera ang mga magulang. Meron din naman na ipangungutang pa ng magulang ang pagdiwang ng kaarawan, at dahil na  rin kasi na tradisyon na sa at ing mga Pilipino ang idaos taon taon ang kaarawan.

Gusto ko idaos ang aking kaarawan sa simpleng pamamaraan lamang, kaunting handa, magsimba at magtirik ng kandila, hipan ang kandila sa mumunting minatamis na tinapay sa lamesa at mag wish, magpasalamat sa Panginoon sa mga biyayang natanggap sa loob ng kung ilang taon ka na nag eexist sa mundong ito. Hindi ko kailangan  ng magagarang damit, maraming pagkain na kapag hindi naubos ay itatapon na lamang sa basurahan o di kaya makatanggap ng mamahaling regalo (anyway wala naman talagang magbibigay sa 'kin nun) kung regalo man yan ay mapalad na akong mayroong erpats at ermats na nagturo sa aking ng pinakamamahaling regalo na hindi matutumbasan ng kung ano man. Ang mga gintong-aral na mas gold  pa sa Gold Extreme at Global Intergold na mga lecheng networking na yan. Hindi ko naman sinasabi na perpekto akong matino, pero sapat na sa aking ang mga tools ng kagandahang aral  na iniwan ni erpats para ako'y hindi maging salot ng lipunan.

Ang gusto ko ay maghanda ng pagkain hindi lang para busugin ang mga kakain kundi ay tulong na rin sa mga nagsasakitang tiyan ng mga aso at pusang gala. Kaya ganun na nga ang aking ginawa hindi man sapat sa kanila ang aking naibigay ay susubukan kong damihan sa susunod at magkakaroon ulet tayo ng strays party kahit hindi ko kaarawan.





"At the gates of Barcelona 1 where 30 strays cats and 8 dogs were adopted by our guard house woman."

Hindi ko man kayo naimbita sa tahanan ni Jollibee o mapainum ng sipang kabayo ay hindi ibig sabihin na nangunguripot ako kailangan lang talagang maghigpit ng sinturon. Pero balang araw kapag tumiyempo na at naglinya linya na ang mga paborito kong constellations at mga bituin sa langit at dininig na ng Maykapal ang pagtama ko sa Lotto ay higit pa sa tahanan ni Jollibee at mamahaling inuming pang pasigla ng espiritu ang ihahanda ko sa inyo. 

Pero eto na nga, meron lamang sapat na handa, wala akong programa para ipagdiwang ang birthday  ko. Ganon pa man,   kahit siguro sa pinaka-payak na dahilan ay naging makabuluhan ang araw na ito para sa akin. Naging masaya ang aking kaarawan dahil sa mga bumati sa akin sa pamamagitan ng text, tawag, comment sa blog, twitter at syempre sa facebook. Nakakatuwa lang dahil kahit mga hindi ko personal na kilala ay bumati rin. At nagpapasalamat ako sa mga kontribusyon nila para maipalaganap ko ang blog na ito.

At dahil sa sobrang kagalakan ko a y minarapat kong ilagay at ipangalandakan lahat ng pangalan ng mga bumati sa akin taon-taon. Maraming salamat muli:

Gina Garcia
Angela Carola
Marriott Lim
Benjie Rieta
MC Nicole
Joann Santarin
Epeng Bugna
Tin Felix
Trixie Camarce
Jayson Baculod
Summer Revilla
Nyle Sonsona
Jovanne Ocampo
Tonee Robles
Kenneth Camerino
Joshua Calianga
Marian Lopez
Donna Elzee Vintola
Honey Grace Guinita
Angelica Cabrera
Jessie Castillo Garcia
Cyr Sayo
Lee Marshall Brizo
Lorena Dunn
Teacher Abby Manalastas
MJ Ople
Anne De Castro
Jay Lotik
TL Nadine Kristine De Leon
Alexander Natcher
Ella Atienza
Lorie Anne Espiritu
Charles Flores
Jemma Papilla
Jec Dags
Aprilyn Garces
Lei Laurenciana
Pinky Chavez
Queen Bianca
TL Alexs Alano
Myra Fernandez
Anette Santelices
Anthony Fong
Novilyn Dizon
Crystal Gin Andanar 
Jasper Pandongon
Alyssa Kristie Roperez
Noah Espaldon
Aileen Onda
John Carlo Miranda
Joann Tagubader
Ian Gerbie Param
Kim Pena
Ellah Misona
Duncan Villarosa
Mam Joy Penecilla
Alyssa De Guzman
MJ Redondo
Maricelle Martinez
Dih Ambagan
Prof Harold Aquino
Jorene Abagon
Rozielle Mari Aquino
TL Aya David
Janelle Dreu
Joyce Santiago
Jinky Jarin
June Alvarez
Jielyn Porto
John Veil Raz
Jen Espiritu
Zarah Amor
Tash Manalang
Mommy Grace
Risse Molo Reyes
Sheila Decano
TL Jasmin Nabong
Brian Jay Bernabe
April Crystal Sapphire Martinez
Layca Gatmaitan
Maureen Constantino
Condrad "Potpot" Miane
Clarise Punzalan
Marvin Josh Pata
Son Tiu
Isay Amor
Dhelma Joy Alonzo Flores
Zia ZIa
Nino Sarmiento
Leo Salano
TL Cat Domingo
TL Jaq Clement
Jhigz Diego
Jaimee Pallera Legaspi
Mam Kreeya Tarobal
Jhec Villanueva
Ron Surbano
Kit Cristobal
Ashley Villar
Francis Saria
Jobelle Ongonion
Noreen Rodriguez
Gerald Sasis
Abby Remulla
Elvin Manuel
TL Reynaldo Gabion
Ate Len Laxamana
JM Alonzo
Ish Domingo
Vaughn Mendoza
Patrick Diaz
Cherry Anne Ignacio
Jelly Puno
Jacq Jarin < 3
Abigail Abadies
Liberty Toroy
Joshua Torio
Nica De Castro
Genieve Austin Erishka Telmo
Mary Gracr
Rya Pandain
Jose Cesista
Harold Tolentino
Hapon Casono
Sir Santi Pido
Yuri Monton
Lin Improso
Lei Mocorro
Nikki Navarette
TL Phi 
Jin Espiritu
at kay Nanay!
















Maraming marami pong salamat!!


Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...