'Palaspas by the window' |
Isa munang pampaantok.
Ang pananampalataya ng isang tao para sa akin ay hindi nasusukat sa kung ilang beses ka magsimba. Kung anu-anong berso ng gospel at mga palamuting quotes na ipinopost natin sa Facebook. Kung anu-anong dasal ang nagagawa mo, kung anu-anong pagpapahirap sa sarili sa pamamagitan ng penitensiya at pag-aayuno dahil hindi naman talaga naququantify ang faith natin sa Kanya as long as naniniwala ka sa Kanya at kinakausap mo siya sa kahit anong paraan na alam at kaya mo.O baka naman kapag kinakausap nga natin siya sa simabahan ay panay kahilingan lamang ang ating ipinagdadasal? Tandaan mo na hindi siya si Prinsipe K ng Okay Ka Fairy Ko na pagbibigyan lahat ng kahilingan mo, hindi mo siya napulot sa isang bote at hihimashimasin para humingi ng tatlong kahilingan. Siya ang Dakilang Lumikha, Ang Walang Hangganang Pag-ibig at Ang Umpisa't Katapusan. Lahat tayo'y magbabalik sa kanya sa pagdating ng panahon.
Hindi ko rin alam pero ang mga katanungan nila para sa akin ay paano daw ba ako magbabalik loob sa Diyos? Wow ha! Teka.... bakit naman? Kamukha ko na ba si Hell Boy? Hindi naman kasing-pula ng Johnson's floor wax ang aking mga balat para magmistulang kampon ni Satanas ah? Ganun na ba katulis ang sungay ko para tanungin niyo ako ng ganyan? Sir/mam hindi po sungay ang matulis sa akin.
Alam ko naman na monthly lang ako nakakabisita sa simabahan. Mas madalas akong dinadala ng aking mga paa sa tagayan ni San Miguel at siya lang ata ang santong nakikilala ko. Minsan naman ay nagagawi rin ako sa tayaan ng Lotto, o sa bilihan ng porno. Kaya marahil ay hindi pinagpapala ang aking kapalaran dahil sa mga nababalot na kademonyohang ito.
Ewan ko ba pero nagawi naman ako sa Simbahan noong Pebrero 14 upang magpalagay ng krus na abo sa noo kesa magpakasilaw sa mga pulang bagay na katulad ng mga lobo't, mga rosas. Hindi ko pinili ang matatamis na tsokolate dahil wala naman akong matatanggap at wala din naman akong pagbibigyan. Hiniling ko na lang na sunduin ko ng mga pulang kabayo na luabas sa isang bote at magpahatak papalayo mula sa simbahan dahil naduwag ako't gusto ata ni padre na ibaon ang krus sa aking cerebrum. Namemersonal ata si Father at may galit at diin ang pag-ukit ng krus sa aking noo. Kulang na lang iyon umusok at umikot ang aking mga ulo at maghahalakhak ng walang dahilan sa loob ng Simbahan.
Pero alam niyo hindi ko naman talaga kelangan magbalik kay Bro este sa Diyos pala. Dahil hindi naman talaga nawala ang loob ko. At para maniwala kayo magpapapako ako sa krus sa darating na Semana Santa at magpapahagupit ng latigo at kadenang pang thugz sa aking likod. Siyempre biro lang yun. Kapag ginawa ko yun parang sinabi ko na rin na titigil na ang korapsyon at political dynasty sa ating bansa.
Huwag kayong maniniwalang malapit na sunugin ang kaluluwa ko sa impiyerno. Tsika lang yun. Hilig ko lang talaga ang paglalaro ng apoy. Naiingit ako sa mga taong tinu-toothbrush at ipinangmumumog ang apoy, sumasayaw na may umiikot na apoy, naglalakad ng nakayapak sa apoy at yung mga taong kayang pasuin ang kanilang mga sarili ng hindi nasasaktan. Aliw na aliw ako sa mga ganyan at kadalasang makikita mo sa mga katulad ng Pinoy Got Talent o Tarantadong Pinoy este Talentadong Pinoy. Pero infairness na sa kanila diba, hindi sila mahihirapang mag-adjust kung sakaling hindi sila sa langit magupunta.
At sa mga darating na Linggong ito para mas mapalalim ko ang aking pananampalataya, ako ay mag-aayuno. Alam kong hindi ito gaanong sakripisyo kung tutuusin. Sa mahal ng presyo ng mga pagkain ngayo'y aban'y mapipilitan ka talagang bawasan ang iyong nilalamon. Ay pota , teka may Food Forward nga pala, pero ayos lang papapakin ko na lang yung mga gulay at ibibigay ko sa gustong magkaron ng kasalanan yung mga karne. Pero pangako talaga ibahin niyo ko dahil hindi ko kakainin lahat ng klase ng karne sa panahon ng ayuno. Hindi ako titikim, kahit singhot, kahit kalabit. Kahit yung karneng masarap pisilin, iiwasan ko.
Pagpalain nawa ako.
Isa pa, kailangan din daw magbawas ng sakripisyo. Kailangan gayahin ang Tagapagligtas na namuhay ng simple at payak. Well, wala naman talaga akong kapasidad para maging maluho. Hindi naman siguro luho ang magpagupit kung saan nagpapagupit si James Reid di ba?
Pero sana maging sapat na muna ang tanging paraan ng pagsisisi na alam ko. Ang maging mabait, ang magsakripisyo, at laging magsuot ng karusunsilyo tuwing gagawa ako ng isang blog post na kagaya neto.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento