'Ang bandang Deadnails' |
Deadnails is a 4 piece group from the Philippines who gained prominence in the local Pinoy rock boom of the early 90's spearheaded by the now-defunct Home of New Rock NU107 and LA 105.9 Rocking to Save the World radio stations. With hits such as "Bogsa", "Nanay Ko", "Aling Pepay" and "Dianne", the groups minimalist approach to composing songs dubbed "tunog bata" or "dead metal" gave them a number of fans as well as a number 1 hit with the LA 105.9 radio station.
They were tag as "Dead metal", I don't know what kind of genre is this but I do believe na yung datingan ng kanilang musika pagdating sa mga liriko ay parang wala lang, may mailapat lang na kuwento sa saliw ng tunog punk-rock. Pero sa aking palagay ay istilo nila ang kantahan at tono ng pagkanta ng sikat na bandang "Nine Inch Nails." Kumbaga sila yung banda na kapag boring ka at gusto mong matawa ay papakinggan mo lang yung lyrics ng kanilang kanta ay matatawa kang talaga. Walang kwenta, mema lang pero mapapasabay ka at malalast song syndrome ka, yun ay kung trip mo ang mga ritmo ng metal sounds.
Nasundan ko ang mga musika ng bandang ito taong 1995. Hit na hit kasi noon ang mga bandang sikat na at mga bandang naguumpisa pa lang o yung tinatawag na "underground bands". Mabuti na lamang at mayroong LA 105.9 Rock of the Worldn na istasyon sa radyo at nabibigyang tsansa ang mga katulad nilang banda na may ibubuga naman pagdating sa industriya ng musika.
Ako mismo ay naging taga-pakinig at avid fan ng mga ganitong tugtugan. Noon kasi ang tawag sa ganitong type ng music ay "hanep" o "astig", "ibang klase", "bagong panlasa". Ilang beses din naging number 1 sa top 50 countdown ng LA 105 ang tugtugan ng bandang Deadnails. At ang matindi pa sa kanila ay maraming kanta sa kanilang first album ang nag numero uno sa top charts.
Deadnails released their first album "Tunog Bata, Mag-Ingat ang Matatanda" in the year 1995.
Tracklist:
- Nanay Ko
- Bangungot
- Aling Pepay
- Dianne
- Saturday Din
- Barbie Doll
- Prokopyo
- Pulbo
- Bless University (Rock and Roll High School)
- B.E.M.
And to give you a taste of their music at para matawa na rin kayo o di kaya mainis eto ang ilang sample ng kanilang tugtugan. Tugtugang kalye nobenta. Yung mga kantahang bahala na basta mapapasabay ko sila.
Deadnails - "Prokopyo"
Deadnails - "Nanay Ko"
Deadnails - "Aling Pepay"
Deadnails - "Dianne"
Deadnails - "Pulbo"
Deadnails - "Bless University"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento