Biyernes, Setyembre 27, 2019

Family Dinner Throwback Nobenta



'Masarap mag-kwento lalo na't matatamis ang mga alaala'

"Time Space Warppppp, ngayon din!!"

1992. Noli De Castro.

"Magandang Gabi....Bayan!"

"Hoy! Kain na! Lalamig na ang pagkain! Susmaryosep..."

Tinatawag na kami ng tita ko para kumain. Ayos! Nakatakas na naman ako sa pagse-set ng lamesa! Yahoo! Ayoko kasi talagang gawin yun ee, yung mag-seset ng lamesa. Actually madali lang naman yun pero lagi kasing wrong timing yung pag-uutos nun ee. Matatapos mo na ang stage 3 ng Contra., saka ka tatawagin para ayusin ang lamesa. Papaunahin mo na pakainin yung alaga mo sa Tamagotchi tsaka bubulyawan na maghanda na ng mga plato't-kubyertos. Umininit na ang kamay ko sa pagsasagot ng homework, "Oy, mag-set na ng lamesa!" Mapuputol ko na yung paa ng Barbie ng pinsan kong si Jun-jun, "ano ba, hindi ka pa ba magseset ng lamesa?" Nakalabas na ang kalahati ng ebak kong inipon ko nang dalawang linggo, "DALIAN MO DIYAN AT MAG-SET NA NG LAMESA!"

Anyway, nakaligtas ako ngayong gabi. Sinipag ang tita ko kaya siya ang nagset. Siyempre ang sosyal kasi ng ulam namin ee - adobong sitaw. Walang karne. Oyster sauce at sitaw lang. Pupurgahin ka sa sitaw di ko malasahan kung nasaan ang adobo. "Tita sarap neto ah!" Sabay inom ng tubig kada subo. Nabusog ako ee - sa tubig.

Masarap din naman talaga in fairness ang hapunan. Usually, nasa bahay na ang karamihan sa pamilya. Para sa dun sa mga late na umuwi, eh kelangan nila umasa na may ulam pang matitira pag-angat nila ng plastik na bubong ng pagkain. Lahat ba ng pamilya ay may ganun? Alam niyo ba yun? Yung plastik na parang Araneta Coliseum na pinapatong sa tirang ulam para hindi langawin? Actually, hindi epektib sa bahay namin yun kasi may napakalaking langaw sa bahay, -si Uncle Ricardo. Sapul lagi  ang mga tira sa kanya. Kakain siya ng madami sa hapunan at ang kanyang panghimagas ay yung ulam na tinira namin para sa pinsan ko.

Ipinapaalala sa atin ng hapunan na may bahay tayong kelangang uwian at pamilyang dapat saluhan. Oo nga, hindi ko naman nakalimutan 'to ee. Parati ka ba naman tawagin ng nanay mo nang pasigaw ee. "Diyan ka nalang ba matutulog sa labas ha?!"

Pagdating ng ala-sais ng hapon, tatawagin na ako para punasan ang pawis at maghugas ng paa sa banyo. Nakaupo na silang lahat at naka-fighting stance na, maliban sa aming nanay. Sinasalok pa ni nanay ang mainit na sabaw ng sinigang na baboy. Tatayo sandali si erpats para kumuha ng toyo at platito. Ako naman, pinapanood sila habang pasimpleng kumukuha ng Coke 500. "Wala panglaman ang tiyan mo Jack!"  "Eh kumain naman ako ng Rinbee sa labas ee." Yare.

Masarap kumain ng hapunan na kumpleto ang pamilya. Heto ang mga kadalasang nangyayari:

1. Manonood kayo ng balita sa TV at panay ang comment ng tatay at nanay mo. "Puro patayan nanaman! Wala na talagang matinong balita ngayon!" "Um, loko buti nga sa'yo kalaboso ka." Ngumunguya pa yan sila habang nagkokomento.

2. Magtatanong ang nanay at tatay m tungkol sa skul kung mataas ba ang grades mo, kung kasama ka sa top ten, bakit may bitbit na Dunkin Donuts yung isa ninyong titser habang may PTA meeting. 

3. Kumikindat-kindat ang ilaw sa lamesa. "Mag-b-bra-awt"

4. Tatapon ang Coke pag-abot mo. Dun mismo sa kanin. Sa kanin ng tatay mo. Ikaw na tuloy ang kakain ng kanin niya. Pero papaluin ka pa rin.

5. Uutusan ka bigla ng tatay mo na bumili ng yelo sa labas. Sabay tapon ng basura, na guguluhin nanaman ng pusa o aso ng kapitbahay.

6. Ipapaabot sa'yo yung remote at ipapalipat sayo sa Channel 4 at manonood daw siya ng Blow by Blow yung boksing na palabas tuwing Linggo. Magagalit naman nanay mo kasi nanonood siya ng Mel and Jay.

7. Kapag nagbrawn out magkakailaw kaagad pagkasindi na pagkasindi ng kandila. Ganyan noong 90s ee tapos mag-uunahan kayo ng mga pinsan mo hipan yung kandila.

8. Mag-b-brawn out ulit. Sabay hindi na maaalala ni nanay kung saan niya nailapag ang posporo.

Zac Brown Band - 'Family Table'

Masayang hasel ang hapunan. Masaya siyempre kasi kadalasan talaga eh kumpleto ang buong pamilya. Kwentuhan, asaran at tawanan. Si Lolo medyo nale-late dumating kasi galing sa trabaho at may pasalubong sa amin lagi na Serg's o di kaya ay Moonbits. Namimiss ko si lolo at mga pasalubong niya na nagiging panghimagas naman namin pagkatapos maghapunan. 

Ang hasel? Syrempre una na nag pagputol ng paglalaro mo. Nabuburot ka man sa langit-lupa sa labas, naglalaro ng family computer o game n' watch eh ititigil mo yan dahil kakain na kayo. At huwag mo nang hintayin na tatay mo pa ang tumwag sa'yo. Alam natin lahat yan. Tapos papaliguin ka pa bago kumain kaso nanlilimahid ka na sa dumi sa kakalaro mo sa kalye.

Wala rin nakakatakas sa'tin sa pagtapon ng kung anu-ano sa mesa. Sabaw ng iba't-ibang ulam, natapon ko na. Tubig, natapon ko na. Coke, natapon ko na rin. Sawsawang suka o toyo, natapon ko na. Kulang na lang talaga na ako ang itapon ng nanay ko. Kapag may natapon ako eh tatahimik na ako at matatapos agad ang pagkain ko sabay alis na sa mesa. Baka bigla pang mahalungkat mga iba kong kasalanan ee.

Eto ang makulit, malikot, aking escape plan pero masasaya kong alaala sa hapagkainan kasama ng aking pamilya noong dekada nobenta. Lumungkot na kasi hindi ko na kasama ang mga tita at pinsan ko. Wala na rin akong lola, lolo at tatay kaya mga matatamis na alaala na lamang ang natira at naisulat ko ngayon dito. Maraming salamat pa rin sa mga alaala niyo! Mahal ko kayo!



Huwebes, Setyembre 26, 2019

Alak at Pagtanda



'Alkohol, alkohol utak mo'y buhul-buhol'


"Magsasawa ka rin."

"O kung hindi man ay babawian ka ng katawan mo." Palaging paalala ng mga nakatatanda, na walang nagtatagal sa ganitong pamumuhay, na oras lang ang hinihintay, na magsasawa rin ako, magsasawa rin tayo. Tulad nila, tulad nilang mga nanawa na.

College days, 2003, wala pang liquor ban noon, barkada kaming pupunta sa 711 para mamili ng alak, tag-iisang bote ng gran matador, emperador, generoso, tigdadalawang bote ng red horse bawat isa, si San Miguel, mani, kropek, chicharon, tagpipisong chichirya, century tuna at kung anu-ano pa. Minsan nabasa namin sa isang magazine kung ano ang pulutan ng isang rockstar, ginawa namin. Nagluto kami ng maraming pancit canton pinaghalong original at kalamansi flavor tsaka namin hinaluan ng corned beef. Kapag hindi na kasya ang pera, century tuna at skyflakes naman. Ganoon lang, buo na ang gabi bahala na sa umaga.

Sobrang stress kasi noong kolehiyo akala ko mas easy na ang buhay lalo na noong panahon na ng graduation. Baby thesis dito, Mother thesis doon kulang na lang samahan ng Father thesis para happy family ang pota. Samahan mo pa ng subject na Mathematics sa sidings na dapat mong maipasa eh talaga nga naman maisusuka mo talaga. Kaya yung mga group thesis namin noon ay nauuwi lang sa "happy good times", kaya ayun walang nagagawa, walang nauumpisahan at lalong walang natatapos. Yan ang college life kumpara sa high school life.

Eraserheads - 'Alkohol'

Hindi naman talaga ako palainum at lasinggero pero dahil sa word na "pakikisama" eh napapasama na ako sa tagayan. Pero kadalasan naman akong tumatanggi dahil ayaw ko rin naman ng lasa ng alak ang gusto ko lang talaga ay pumulutan at kapag lasing na ang lahat ay sisibat na ako para naman hindi halata sa pag-uwi ko ng bahay ay lasheng ako. Kaunti lang, tikim lang sabay sibat.

At dahil nga sa produkto ng rush at alak ang aming thesis sa Automata na kailangan niyo gumawa ng mga bagay na "robot" na gamit ang programming language ay puro andar pasulong lang ang nagagawa ng kotse namin. Hindi niya kaya umatras o lumiko ng pakaliwa o pakanan kaya ayun kailangan pa uli mag schedule ng re-defense at magbigay na naman ng pagkain ng mga put.....ng defense panelist. Pinakakain mo na pinahihirapan pa kayo. Ganyan ka stress sa kolehiyo magastos na, pahirap pa.

Nag-aral ako sa dalawang kolehiyo una ay sa Cavite School of St. Mark sa may Bacoor sa tapat ng SM Bacoor. Iyak pa ako noon sa erpat ko kasi gusto ko talaga pumasok sa mga kolehiyo sa Manila. Gusto ko kasi sa Letran, kung anong kurso ng crush ko eh yun din ang gusto ko "sana". Halatang wala talaga akong plano sa buhay noon ee. Apat na taon sa high school hindi man lang nakapag "hi", ngayon gusto pa sundan sa kolehiyo. Kaso nandito na kami nakatira sa Cavite kaya ayun di ako pinayagan dahil hassle daw sa biyahe. Kaya dito nauwi ang college journey ko sa kolehiyo sa Bacoor.

Teeth - Laklak

Ito na nga ata yung pinaka boring na eskuwelahan na napasukan ko. Wala kasi gaanong may alam na may kolehiyo dito mas kilala kasi dito ang nag-aaral ng high school at elementary. Kumbaga, starting pa lang sila ng college nung pumasok ako so ayun kaya parang saling-pusa lang kami dito. Aral-uwi-pasok uli yan lang ang buhay ko dito pasalamat na lang ako at nagkaroon ako ng mga kaibigan na trip ang laging manood ng sine kaya naman kapag mahaba ang break sa susunod na subject ee nanonood kami ng sine. Eh uso pa naman noon yung mga R18 movies kaya etong mga mokong laging yun ang pinapanood. Ewan ko ba ba't ganoon yung mga title ng mga pelikula noon akala ko mga vegan ee kasi halos lahat ng title ng pelikula mga gulay o masustansiyang pagkain kagaya ng "Talong", "Kang-kong", "Itlog", "Patikim ng Pinya". Uso pa yang mga ganyang mga adult movie noon eh. Kaya naman pagtapos ng pelikula at pagbalik sa eskuwelahan ee walang tigil ang kuwentuhan at tawanan ng barkada.

Lumipas pa ang panahon nasa 3rd year na ako 2nd sem pero pakonti na ng pakonti ang mga estudyante. Dito na nagsimula ang journey ng alak ko. Hindi na ako nakapasok ng 2nd sem dahil na-dissolve na ang kolehiyo sa eskuwelahang ito at kinakailangang makapaghanap na agad ng mapapasukang school. Suwertehan naman at tumatanggap pa ng estudyante ang National College of Science and Technology sa Dasmarinas, Cavite at wala na kaming entrance exam. Same course pa rin kami Bachelor of Science in Computer Science. Marami naman na credit pero yung may mga pre-requisite na subject kailangan naming i-take ulit at dito kami nahalo sa mga freshman. Nakakabwiset imbis na 3rd year ka na eh may mga kaklase ka ulit na kaka-graduate lang ng high school.

Dito na ako nagsimula makatikim ng guhit ng alak sa aking lalamunan. Ayaw ko man pero ayaw ko rin sumama sa mga nerds ee. Pero hindi naman ako sumasama araw-araw kasi yung iba kong kaibigan ewan ko ba halos araw-araw pagkauwian tsaka nagsesession uminom, eh panggabi pa naman ang pasok noon. Ang mga lugar ng shot session kapag may pera sila ay minsan sa Super Speed hindi ko lang alam kung naabutan pa ng mga laking Dasma ang tambayan na ito. Ito ang tambayan ng mga sosyalera ng LaSalle Dasma. Next stop naman ay yung tinatawag nilang "Kubo" na nasa likod lang ng school. Tambayan naman 'toh ng mga jologs na estudyante ng NCST. At kapag walang pera at patak-patak na ambagan lang ang kailangan eh duon kame sa bahay ng classmate namin sa Bayan. Diyan ako nagsuka ng husto at yung tipong hindi mo na alam kung paano ka nakauwi pero isang beses lang nangyari sa akin yun at ayoko na ulitin pa kasi may nangyari daw na muntik ko na sukahan yung driver ng jeep kasi nasa likod lang ako ng tsuper. Kinaumagahan, nalaman nila ermats na umiinom na pala ako. Kasi suka pa rin ako ng suka at amoy na amoy alak ako pagkauwi ko ng gabing yun. Lol!

May isang magsasabi, "hindi na ako iinom." pero muli itong mauulit. Ulit.

Itchyworms - 'Beer'

Alak ang huhubad sa'yo sa katotohanan, magbibigay sa'yo ng lakas ng loob para ikuwento ang pinakatinatago mong sikreto, mga problema at hinanakit mo sa lahat ng bagay. Alak rin ang magpapadama sa'yo ng tunay na kaligayahan lalo na sa mga panandaliang tagumpay, alak ang mag-aangat sa'yo para lalo mongmaramdaman. Alak.

Masasabi ko sigurong sa alak kami nag-umpisa sa patikim-tikim hanggang sa sasamahan ka na lang niya sa gitn a ng lungkot at ligaya. Ang once a week, magiging thrice a week, magiging araw-araw, hindi dahil kailangan mo kundi dahil gusto mo, ang mapag-usapan ang kinikimkim sa buongmaghapon, angmailabas ang mga saloobing hindi mo inakalang may makakaintindi. Ang magkaroon ng kausap para higit namaintindihan kung bakit ganito umiikot angmundong ating ginagalawan. Kaya sabay-sabay kayong lumalalim, nagkakakilanlan, nagkakaintindihan, nagkakamabutihan.

Pero kasabay ng unang salita sa taas. "Magsasawa ka rin". Magsasawang gumising at magagahol dahil hindi kanagising sa tunog ng alarm. Magsasawang magtrabaho nang masakit ang ulo, at hindi matapos ang trabaho dahil higit na mahalaga sa'yo ang matanggal ang amats bukod sa ano pa man. Ang dating paumagahan, alas dos na lang ngayon at baka lalo pang dumalang. Dahil ba tumatanda na talaga tayo? totoo ba? Darating pala 'to. Totoo pa lang nangyayari ito.

Mabuti na lang at nasaid at nasulit natin ang alak bago pa man tayo mangulubot at tumanda nang tuluyan.

Kampay!!



Lunes, Setyembre 23, 2019

Karsib Writing



'The year of the cursive writing'


Sinu-sino dito ang natuto ng mabilisan sumulat nang dikit-dikit (o cursive para sa mga hindi nakakaintindi ng Tagalog na nagbabasa pa din ng Ubas na may cyanide)? Dati ang feeling ko, matanda na ang tingin sayo kapag marunong kang magsulat nang dikit-dikit. Sino kayang epal ang nag-imbento nun, no? Talagang ayaw nang hiwa-hiwalay ang letra eh! Gusto niya na magkakadikit ang mga letra tapos pakurba at pa-slant pa lahat ng sulat eh! Teka ba't ba ako nagagalit?!

Ang topic nating ngayon ay tungkol sa pagsusulat. Ewan ko ba noon kay ermat kung bakit big deal ang matuto ako ng magandang pagsusulat o penmanship na katawagan sa Ingles. Wala naman award noon na "Best in Penmanship" sa school para manalo ako. Ilang beses kayang napitpit ang mga daliri ko makapagsulat lang ng maganda. Mamaya ipapakita ko sa inyo ang sinasabi kong pagsulat ko sa kwaderno kung may makikita pa akong dating notebook ko sa baul. Noong una mukha talagang kinahig ang aking pagsulat pero dahil strict si Nanay eh nagawan ng paraan at di nga sa pagmamayabang ay gumanda ang sulat ko.

Hindi ako mahilig magsulat noon kaya naman parang kinahig na may tipus ng manok ang sulat ko. Natuto naman ako magdikit-dikit pero nung hindi na kelangan sa eskuwelahan ay hindi ko na din siya ginamit. Aaminin ko, na-enjoy ko siya nung simula dahil feeling ko, matanda na ako. Mas nakakatanda pa ng image ang karsib kesa sa pagiging tule ee. Ang karsib, pwede mong ipakita para patunayan na tumanda ka na. Eh pag tule ka, alangan naman ipakita mo si Manoy sa lahat ng nagsabing "supot!" sayo di ba?

Iba na ang panahon, ngayon ay nagsulputan na ang text at chat kung saan hindi na talaga kailangan ng sulat kamay. Maaari nating masabi na ito ay unti-unti nang nagiging "lost art" at dahil dito, papangit na nang papangit ang sulat ng tao. Siyempre dahil old school ako, hindi ako naniniwalang lost art ang pagkahig sa papel. Madami pa din akong kilala sa baranggay namin na magagaling gumamit ng lapis o bolpen. Si Mang Jun na nakilala ko sa dating tirahan namin sa Paranaque ang pinakamakisig na kubrador sa amin. Ang kanyang especialty ay siyempre jueteng at ending. Kukuha siya ng karton ng isang rim ng Marlboro at tutupiin niya ito nang pa-lengthwise. Ito ang kaniyang listahan ng mga taya, iskor at mga utang.

Aba hindi rin padadaig ang mga mahjongero't, mahjongera. Maglalatag sila ng Manila paper sa lamesa at yun ang kanilang sapin at listahan in one! Siyempre andiyan din si Ka Taba (hawig na hawig ni Bella Flores na may katabaan pero totoo ang kilay! Dagdag mo pa yung mga rollers na kulay pink sa kaniyang buhok) na napakagaling magsulat ng mga utang gamit ang kanyang Juday Spring Notebook - Juday in front, Wowie at the back!

Hangga't may tumataya....hangga't may umuutang....hangga't may essay part sa likod ng quarterly exam, hindi mamamatay ang pagsusulat.

Mabuhay ang Kilometrico!
Mabuhay ang Panda ballpen!
Mabuhay ang Tombow!
Mabuhay ang Apache!
Mabuhay ang Parker (wow ingatan mo yung ballpoint wag na wag ibabagsak)

Half Life Half Death - 'High School Life'

Ang pagsusulat ang isa sa mga basic skills na itinuturo sa ating mga bata. Maliban sa pagbabasa, pagtutula at pangungupit, ang pagsusulat ay binubuo ng mga mumunting hakbang para ma-master mo ng husto.

Siyempre dapat alam mo a ng tamang paghawak sa lapis. Madali lang sa akin itong step na ito. Gagamit ka lang ng tatlong daliri para mahawakan ang lapis.

Alam mo rin dapat kung hanggang saang mga linya ka lang puwedeng sumulat. Kung blue-red-blue ang papel e dapat hanggang doon lang sa tatlong linyang 'yun ang laki ng mga capital letters. Kung small letters naman e red-blue lang ang dapat sakop na linya. Ayan medyo palya na ako dito. Ewan ko ba pero lumalampas 'yung sulat kokahit hindi ko naman talaga pinapalampas kasabay ng pagpapawis ng aking noo ay ganun din ang pawis ng aking palad. Takte na yan pasmado! Minsan nakapagtatakang parang may sariling desisyon ang kamay natin at hindi natin mautusan nang maayos kung paano dapat gumalaw. Parating maliit ang butas sa letter B ko. Sumosobra sa haba angletter E. Parating butas ang papel kapag letter i. Nagiging number 5 ang letter S ko. Nakakabwiset! Nakakaiyak sa inis!! Ayoko na!

Ang lakas ko pa mang-asar na parang kinahig ng manok ang sulat ng kaklase ko pero mas masahol pa ang sulat ko sa kanya ee. Kahit bagalan ko pa yung sulat ko ganun pa rin. O sige medyo  magiging maayos naman pero pangit pa rin, gets? Inggit na inggit ako kay ermats noon kasi parang ang dali-dali sa kanyang magsulat ng maganda habang nagsusulatan sila ni erpats sa Saudi. Ayaw niya pa nga ipakita yung sinusulat niya dahil alam ko naman na naglalandian sila ni erpats sa sulatan nila pero sabi ko naman gusto ko lang tignan yung hand writing niya.

Totoo bang may kinalaman ang pagiging doktor sa pagkakaroon ng pangit na sulat? Buti pa yung kaklase ko, kahit may pagka-pangit siya e ang ganda-ganda ng sulat niya.

Naaalala niyo ba yung sa subject na Filipino at Ingles siyempre tanda niyo pa yung Rewriting at Original na Formal Themes. Bwiset na bwiset ako diyan. Sobrang nakakatamad talaga. Ilang beses mo isusulat ang bawat letrang karsib. Nakakaumay siya.

Yung isa naman Writing Workbook. Hasel din yan ee dapat magaya mo talaga ang sample letra na naka-print na. Meron pang step-by-step instructions na susundan mo para magaya mo talaga siya. Ayos na sana kung puro "v" at "u" lang ang letra sa workbook eh. Patay na kapag yung capital "K" at "Z" na haselicious talaga ee.

Ang magaling sa pagsusulat ng dikit-dikit eh mga babae. Ang ganda ng sulat nila pantay-pantay talaga. Minsan nga parang ang sarap lang tignan ng notebook nila ee. Akala mo sinukat talaga bawat letra at mabilog talaga.

May nag-magandang loob sa akin dati na kaklase kong babae. Tinuturuan niya akong makapagsulat ng maayos na dikit-dikit. Binigyan niya ako ng teknik. Eto ang pagtabingi ng notebook mo. Itatabingi mo siya para pagsulat mo eh automatic slant na. Ginawa ko naman pero kahit anong pagtabingi ko ng notebook eh diretso pa rin sulat ko at parang kinahig pa rin ng manok na pine-pressure ng lawin na mahanap na ang singsing.

Pero natuto rin ako ng magandang pagsusulat ito ang sample ng aking penmanship noong high school na ako at itinigil ko na ang cursive writing. Panay capital na ang sulat ko noon, minsan pag trip ko halo siya na maliit at malaking mga letra:

Ewan ko kung maganda sa inyo ang ganitong type ng aking pagsulat. 





Ngunit noong hindi na ako nagpapratice magsulat at magkaroon na ng trabaho eh bumalik na ulit sa kinahig na manok ang aking pagsusulat. Wala nang practice ee at nasa age na tayo na susulat ka na lang kapag may fifill-upan kang mga papel. Lahat kasi ngayon eh type written na sa kompyuter.





Sabado, Setyembre 21, 2019

Resignation



'5 years, 6 campaigns, tons of friends and only happy memories....I'm done here!! Thank you!\


Marami ang nagre-resign sa trabaho dahil hindi makayanan ang striktong boss, sobra-sobra sa overtime, at hindi gusto ang trabaho. Pero may mga survey na hindi naman ganito talaga ang mga dahilan kung bakit gusto nang umalis ng isang empleyado sa pinapasukan.

Sa aking nabasang survey ng LinkedIn kung saan aabot sa 10,000 katao ang respondents, nanguguna sa mga dahilan ng resignation ay ang pakiramdam na wala na silang ikauunlad pa at tingin nila ay hindi sila nag-grogrow sa kumpanyang kanilang pinasukan.

Ito ang nangyayari sa modern lifecycle ng isang trabahante. Hindi na uso ngayon ang mga empleyadong umaabot ng 30-40 taon sa iisang kompanya. Ngayon, palipat-lipat na ng trabaho ang nakararami upang mas mabigyan ng iba pang oportunidad na career, at dagdag na suweldo dahil na rin sa pataas na pataas na demand sa mga bilihin ay hindi nagiging sapat ang nakukuhang suweldo ng ilan.

Bukod dito, iilan pa sa mga rason ng resignation ng mga trabahante ay "Poor Leadership" o kawalan ng kakayahan ng lider na pamunuan ang mga empleyado. Ang ilan naman ay nagiging biglaang branch ng "Jollibee" dahil na rin sa nagiging "bida-bida na sila lang ang masaya" ang ilang mga bagong nasa position.

Pangatlo, mas gusto nila ng pagbabago sa Work Culture at mas gusto ng mas challenging na trabaho.

Panghuli naman sa mga rason, ay ang maliit na sahod at walang maayos na recognition o pagkilala mula sa kompanya, o di kaya ay biglang nagkaroon ng pangmatagalan na sakit o biglaang problema sa kalusugan dahil na rin sa stress sa uri ng trabaho.

Dumarating talaga ang pagkakataong kahit na ayaw nating umalis sa trabaho, kailangan nating gawin. Puwedeng dahil sa maraming problemang kinakaharap natin. Maaari din naman para sa sariling kinabukasan. Kumbaga, dahil may mas magandang offer kaya't ang iba ay nagre-resign.

Mahirap nga naman ang magdesisyong umalis sa trabaho lalo na kung nakapalagayan mo na ng loob ang  mga kasamahan mo. Mabigat sa loob ang umalis lalo na kung kinakabahan ka sa lilipatan mo. Kung matagal ka na sa pinagtatrabahuan mo tapos bigla kang aalis dahil sa malaking offer at magandang hinaharap, kahit na excited tayo, hindi pa rin mawawala ang kaba. Puwede kasing hindi tayo magustuhan ng magiging bago nating katrabaho. Kaya nag-aalangan tayo. Malaki rin ang porsiyentong baka hindi tayo magtagal doon.

Maraming dahilan kung bakit nagre-resign ang isang empleyado. Una, dahil sa dami ng mga problemang dumarating kaya't sumusuko ang isang empleyado. Kapag nga naman hindi mo na kayang solusyunan ang problema at paulit-ulit na nangyayari, hindi nga naman maiiwasang mag resign o sumuko.  Kung minsan, ang pagbibitaw sa trabaho ang nakikita nating dahilan para mawala ang stress at problemang hinaharap natin. Ang isa sa example nito ay kung may boss na nanghaharass sa isang empleyado o di kaya ay may kailangang iwasan sa ating mga nagiging ka-trabaho. May mga taong hindi maiwasan na magkaroon ng pagseselos ang mga kinakasama lalo na kung laging magkakasama ang isang babae o lalake sa trabaho at kung ang bawat isa ay mayroon nang relasyon. Totoo ito at may mga ganitong sitwasyon lalo na kung ikaw ay nagtatrabaho sa isang call center.

Ikalawa, puwede ring dahil sa mas malaking mundong nakaabang sa atin sa labas. Ito iyong pagkakaroon ng mas malawak na mundong gagalawan kapag umalis ka sa kasalukuyang trabaho. Iyong pagkakaroon ng mas magandang hinaharap, mas malaking tyansa at mas maraming pagkakataong mapalawak ang kaalaman at kakayahan.

Hindi porke't nahihirapan tayo sa pagtatrabaho at sandamakmak na problema ang kinakaharap natin, aayaw na kaagad tayo o susuko. Lahat naman ng trabaho ay nagkakaroon ng problema. Mag isip muna ng solusyon.

2004 nang ako'y nakagraduate mula sa kolehiyo ngunit isang taon bago ako nakahanap ng kauna-unahan kong trabaho para kumita at makatulong sa aking mga magulang. Ito yung mga panahong napakahirap maghanap ng mapapasukan dahil kakaunti pa lamang ang mga job post noon hindi kagaya ngayon na parang ang easy na makapaghanap ng mapapasukan. Taong 2004 pa lang kasi unang sumibol ang mga call center sa Pilipinas sa tingin ko ay kailangan talaga nila ng matibay na pundasyon at magagaling talagang mag Ingles at yung mga ahenteng may kakayahan mag decide sa isang problema ng customer na minimal lang ang supervision ng kanilang team leader.

Graduate ako ng BS Computer Science pero gusto ko makahanap ng trabaho sa isang call center industry. Hindi ako pinalad sa dami ng inapplyan namin. Napadpad ako sa Alabang, Quezon City, Manila at kung saan saan pang applayan. Final interview na ako noon sa isang establishment sa Alabang ngunit tinamaan ng lintik ang traffic at buntis pa yung nagpa-final interview sa akin. Na-late ako ng kinse minutos at pagkatapos ng interview na kahit maayos naman ang aking mga pagkakasagot sa katanungan ay hindi ako pinalad na matanggap. Kapag sinabihan ka ng interviewer na tatawagan ka na lamang ay huwag ka nang umasa na pababalikin ka.

NF - 'When I Grow Up'

Hayup din ang kapaguran ko noon sa pag-aaply sa Epza. Sa ilalim ng tirik ng araw ay kailangan mo maglakad sa lawak ng magkakadikit na establishment sa loob nito. May jeep ngunit laging punuan at marami pang dadaanan na ibang building bago marating ang pag-aaplyan mo. Ramdam ko pa ang mga tagaktak ng pawis sa loob ng aking polo na halos parang naligo ka na sa sarili mong pawis. Hindi ako pinalad dahil ang karamihan ay mayroong height limit para sa kanilang kumpanya. Eh di uwi, sayang pamasahe at pagod pero di susuko subok ulit sa iba.

Ang una kong trabahong pinasukan at natanggap ako ay sa Dasmarinas, Cavite. Isa itong eskuwelahan para sa mga Koreanong gustong matuto ng Ingles. Ang HLI o Hannah Language Institute na pag-aari ni Kim Young Bok. Nagtrabaho ako dito bilang maintenance personnel ng mga computer na ginagamit ng mga Koreans. Bawat cubicle ay may computer at dapat ay mapanatili ko itong walang sira dahil ito ang ginagamit ng mga teachers ng HLI para turuan ang kanilang mga kliyenteng teenage Koreans na ipinapadala dito sa Pilipinas para mag-aral at turuan mag-Ingles. Mabait naman si Mr. Kim Young Bok ngunit madali itong ma-highblood. Talaga nga naman kapag nagalit ito ay matatakot ka at tuwing kinakausap niya ako ay hindi ko siya maintindihan kahit Ingles bale yung asawa niyang Pinay ang nagiging translator namin sa isa't-isa.

Anim na buwan lamang ako kila Mr. Kim at nagpaalam din ako sa kanila dahil sa tingin ko ay hindi ako magkakaroon ng growth at di ako makakaipon kung magtatagal pa ako sa aking trabaho.

Nagresign ako noong 2006 at naghanap ako ng panibagong trabaho na magagamit ang pinag-aralan ko noong kolehiyo. Nagamit ko naman ito ngunit hindi bilang big time na programmer kung di ipamahagi ang aking mga natutunan at pinag-aralan para maging College Instructor sa Imus Business and Technological College na ngayon ay kilala na sa pangalang Southdale International School.

Hindi ko talaga linya ang pagtuturo sa kadahilanan na rin na napakamahiyain ko talaga at hindi ko malubos isipin na naging teacher ako. Alam ko sa sarili ko na hindi ko kaya magsalita sa harapan ng maraming tao pero kinakailangan para magkaroon ng work experience. Hindi ko ipinagkakaila na sobrang kabado ko sa unang araw ko ng pagtuturo talaga nga namang makikita mo ang nginig ko sa aking boses at mga kamay habang nagdidiscuss sa aking klase sa subject na "Computer Concepts" at "Basic Troubleshooting". Pero lumipas ang mga araw, taon ay nakagamayan ko na rin ang magturo. Tumagal ako ng hanggang pitong taon sa pagtuturo at kailanman ay hindi ko ito pinagsisihan dahil hanggang ngayon kapag nakakasalubong mo ang iyong mga estudyante ay hindi mawawala ang katawagan nilang "sir" sayo kahit na matataas na katungkulan ng iba sa kompanyang kanilang pinapasukan. At higit sa lahat nagiging proud ka na rin dahil taon-taon kang may napapagraduate at makikita mong nagiging successful sila sa kanilang buhay pagkatapos nilang makagraduate.

Lumipas pa ang taon at panahon ay dumadami na ang aking nagiging trabaho bukod pa sa pagtuturo ay inaabot na kami sa gabi dahil ako na rin ang nagiging marketing designer sa aming mga tarpaulins, fliers at kung anu-ano pa. Ako rin ang gumawa ng website noon ng eskuwelahan at ako na rin ang nagmamaintenance ng website na ito. Maging lahat ng school activities ay kasama ako sa mga nagpeprepare ng mga kinakailangan. Nagiging DJ din kung minsan at kailangang tumao sa sound system sa tuwing may mga programa ang school. Ang sabi ko sa sarili ko ay nagiging sobrang stressful na at ang iba kong kasamang teachers ay unti-unti na nagreresign. Naging sobrang mas nakakapagod pa noong pinagsama na ang aming pre-school, elementary at high school. Naging malayo na rin ang eskuwelahan dahil mula Tanzang Luma ay inilipat ito sa Carsadang Bago. Madalas akong nalelate dahil medyo malayo din sa aming lugar bukod pa ay may kaltas kapag nalelate ka at kapag na-late ka ng dalawang magkasunod ay wala kang bayad sa araw na iyon pero wala kang magagawa kundi magtrabaho pa rin dahil nandoon ka na sa school at nag-aantay na ang klase mo.
Pagkalipas ng 7 years na pagtuturo ay sumuko rin ako sa stress at nagresign.

Taong 2013 ay sumubok akong muli na mag-try sa call center. Jackpot naman sa pagkakataong iyon at nagkaroon ng call center na malapit sa amin at mula dito ay pinag-igihan ko na ang pag-aapply. Natanggap naman ako bilang project basis muna para sa isang campaign. Success naman dahil na-extend ako at maganda ang performance ko at  nailagay ako sa ibang campaign na probisionary naman ako for 6 months at dito na nagtuloy-tuloy ang aking call center lifestyle sa TaskUs.

Another 6 years added in my work experience and it could be extended until now kung hindi lang ako nagkasakit ay malamang nandito pa rin ako ngayon. Life was fun and comfortable in my first year here. Noon kasi kakaunti pa lang ang mga empleyado and first time ko sa ganitong environment. I'm proud of myself that I was considered as part of the success of this company. Noon kasi makikita mo na talagang naguumpisa pa lang sila mula sa ilalim ng talyer call center hanggang magkaroon na ng maraming branch around the globe you can see them grow. The question here is does the employees grow kasabay ng paglaki ng kompanya? Mamaya ay susubukan natin yang sagutin.

Sobrang gaan sa pakiramdam since I shift to a different environment mula sa mga hebigats na gawain sa school na madalas ay madaling-araw na kayo nakakauwi dahil sa pag-aayos ng programs at activities bukod pa sa pagdating ng may-ari ng school ng alas-singko na kapag inabutan ka na dahil pauwi ka na ng 5 pm ay duon pa lang magmamando ng kaniyang mga iuutos at magpapameeting ng pagkahaba-haba. Putangina talaga noong mga time na yun kaya I really do quit teaching. Hindi kagaya sa paglipat ko ay feeling ko na ang aga-aga lagi ng aking pag-uwi. Fresh na fresh pa ang feeling dahil sa lamig ng airconditioned working environment sa loob. We were the luckiest batch dahil noong time namin ay napakaluwag pa ng mga rules and regulations kagaya ng puwede ka kumain sa harap mismo ng work station mo. Naabutan ko pa rin ang paikot-na-yellowpad para sa attendance everyday. Mga computer unit na maalikabukin pa pero ok naman ang speed, yun lang duon sa tinatawag na "Aquarium room" ay nagkalat ang daga at matatakot ka sa octopus connection ng mga kable. Kapag may gagalaw ng upuan at matamaan ang plug ng saksakan ng computer mo eh malas mo lang dahil magrerestart ka. Bawal ang manood ng movies "kung" magpapahuli ka. Pero mostly pagkatapos ng gawa namin ay nanonood na lang kami ng pelikula pampaubos oras. Halos araw-araw yan ay ganyang kasarap ang siste kaya noong nagkaroon ng mga pagbabago ay napakahirap mag moved on dahil nga naman para talaga kaming na-baby noon. Isa pa na naging komportable ako ay dahil malapit lang sa amin ang opisina at hindi magastos sa pamasahe dahil isang sakay lang naman ako papasok at pauwi. Yung bente pesos mo na pamasahe may sukli pa. Iba rin talaga pag lunch time dahil may kanya-kanyang bugong o baon na dala-dala, kadalasan nagpapasobra ng baon ang iba para i-share. Marami pa akong naisulat at naikwento sa unang taon ko sa aking unang call center experience. I-klik at basa kayo dito https://ubasnamaycyanide.blogspot.com/2014/09/a-long-and-lifetime-diary-with-ht.html

I enjoyed my working years naman with TU duon pa lang sa first year ko is solved na parang wala kang pagod kasi very easy lang talaga ang type of work. Makakakain ka pa sa desk mo with matching the comfort of the seats and your choice of movie yun eh kung tapos ka na sa workloads mo ng araw na yon. Wala pa noong sleeping room kaya you can your head down and go to sleep/idlip. Kaya minsan nagdadalana ako ng alcohol kasi yung iba naglalaway dun sa desk kapag napasarap ng tulog ee. Yung pangalawang account ko nagtagal din ng isa't-kalahating taon bago nagtuluy-tuloy ang journey ko sa iba't-ibang campaigns. That is one of the best thing that TU do ihahanap kanila ng next chapter ng buhay mo kung sakaling magsasara na ang huli mong pinasukan na campaign kaya sureball na may work ka pa rin. Basta aayusan mo lang ang performance mo at hindi ka pala-absent. 

I have a lot of good memories with them. There were not so bad memories pero may mga time talaga na nakakainis yung matataas. Ewan ko ba nailagay lang sa puwesto nagka hydrocephalus na ang ulo. Bat nga ba may mga ganun?Hindi ka naman nasa pinakataas na puwesto pero bakit maraming nalulula? Isa pa sa pinaka-ayaw ko sa loob is the palakasan system, well sa lahat naman ata ng opisina eh may mga ganito. Pero sana noh malinis at masupil na yung mga ganyang "boss" kasi hindi makatarungan at hindi kaaya-aya para sa lahat ng gustong umangat. Yun lang dumami na kasi ang mga kupal. Too many to mention at baka maipasara pa ang blog site na ito. Hahahaha! But 85% of my stay are all good experience and 100% of the girls are fine and hot moms. Lol! Kaya naman it always feast my eyes kaya hindi ako pala-absent. Sksksksksksksk!

NF - 'Stress'

But today that I have already resigned, I'm still a happy man seating on my comfortable tumba-tumba habang nagagantsilyo at minsan hawak ang isang manikang maraming karayom at kandila. Siyempre wala naman akong boss na kukulamin, joke lang. Masaya pa rin kasi nakahanap naman agad ng "work from home", ganito na talaga ang bagay sa aming mga Tito kailangan isilid na lamang ang sarili sa loob ng bahay at dito magtrabaho. Minsan mo na lang ako masisilayan sa labas. Ganito ang adulting life, pagtapos magtrabaho ang pinakanamimis mo agad ay yung lambot ng kama, katinko at magbalot ng sarili sa kumot at humimbing at bukas ay sasabak ulit sa trabaho. Trabahong wala kang iisiping traffic. Eh bababa ka lang naman ayan na ang opisina mo. Ang dapat pala dati na ako nagtrabaho ng ganito. Sobrang komportable. Tapos team leader mo yung nanay mo kapag hindi ka pa gumigising eh siya mismo gigising sayo sa pamamagitan ng pagbukas ng radyo na pagkalakas na naka tune sa AM radio.

MAS MAPAPABUTI KA BA SA LILIPATAN MO?

Kailangan mo rin siyempreng isaisip o itanong sa sarili kung mapabubuti ka ba sa iyong lilipatan. Yes, excited tayo lalo na kung maganda ang trabahong lilipatan at maganda rin ang posisyong in-offer. Pero dapat ding tumatak sa ating isipan ang katanungang "mapabubuti ba tayo sa ating lilipatan." Puwede kasing masaya tayo o excited pero wala rin namang pagbabagong mangyayari.

Kung sa tingin mo ay mas mapapabuti ka sa iyong lilipatan, sunggaban mo na. Huwag mong palampasin. Pero kung nag-aalangan ka naman, magisip-isip ka na muna. Maganda rin at makakatulong kung may nakakausap tayo at nalalaman ang kanilang iniisip o pagtingin sa pasyang ating gagawin.

Marami talaga ang nag-aalangang umalis o baguhin ang kanilang working environment. Hindi naman kasi lahat ng nagbabago ng daan o lumilipat ng opisina ay nagtatagumpay. Siyempre mayroong hindi. Pero marami rin ang nagtatagumpay.

Mahirap magdesisiyon. Pero kung alam mong para ito sa ikabubuti at ikauunlad ng iyong sarili, huwag mo nang palampasin pa. Dahil gaya ng pag-ibig, minsan lang ito kung dumating lalo na kung tunay. Kaya't hindi na dapat na pinalalampas.

Sabado, Setyembre 7, 2019

All About Gilas: My Gilas Pilipinas Viral Tweet



'Do you think Gilas Pilipinas needs a new naturalized player?'


I really loved basketball culture here in our country and yesterday my tweet became viral when recently import re-enforcement of the newly crown Commissioner's Cup Champion San Miguel Beermen quoted my tweet.

Since I was a kid I really love playing basketball. I remember those times that even the sun is up in the noon sky I'm on the court hustling and dribbling even if our skin roast in the heat of the sun.

Basketball in the Philippines has been a  huge part of its culture. Wherever you will go - be it in the streets of Metro Manila or in the provinces - basketball court will always be present. Just by walking in the streets of a certain community, there will always be a place where boys will be playing basketball. It can be  makeshift half court with a D.I.Y. ring, or a covered court complete with other facilities like the scoreboard and the benches.

Despite a lack of height, basketball fanatics-mostly boys go through their interest in the sports in their young years, which can be pursued as they grow older.

Yesterday our national team dealt its super massacre lost in FIBA World Cup 2019 at the hands of the Serbs, the Serbia team, a super team which is currently have the most number of NBA players in its roster and this team is at the World Rank no. 3. Third of the most prolific ballers in the world. Philippines lost to Serbia by a big margin of 59 points, 126 - 57. The lost of the Gilas Pilipinas sparked an outrage of the Filipinos of the so, so low quality of basketball they shown against the Serbs. Even our naturalized NBA naturalized play Andray Blatche didn't perform well. We are not the same team back in 2014 where we show the world that we belong to this clash of champions tournament. 2014 was amazing year for Philippine basketball where we go head to head against Croatia, Argentina, Greece, Puerto Rico and African champs Senegal team which we beat on our last game via double-overtime.

Jason Derulo (feat. Tia Ray) - 'Champion'

I wish that we still have that fighting spirit way back 2014. Today was very different performance. There's lack of energy, turnovers all over the floor, poor shooting from the arc and most specially we aren't able to execute a play. We also lost to powerhouse Italy on our first game with a blow out as well. It was a 46-point lead deficit.

I really love our chances, however the teams who beat us execute well rather than us. We were outplayed several times and we early put into penalty due to our fouls.

Everybody thinks that our naturalized Gilas player Dray Blatche was out of condition. He gained a lot of weight before he came here in the Philippines. He is tremendously out of shaped during the first two games of the Nationals. That leads me to a tweet that I never knew that it would gone viral.

I followed San Miguel Beer's Chris McCollough account on Twitter. He was a late substitution to San Miguel's line up before SMB struggled for wins with their old reliable import Charles Rhodes. Rhodes was replaced and McCollough came in. From the cellar of standings San Miguel immediately got back to track and C-Mac showed up with great performance and played well. They reached the Semifinals by beating Rain or Shine and also defeated Talk N Text ;ed NBA Houston Rockets veteran Terrence Jones into six games. San Miguel became the newly crowned champion for the Commissioners Cup.

Philippines vs. Serbia highlights


Chris McCollough, for me fits for the National team. He's young, got discipline, athletic, he had the reached that can defend and blocked shots, a mighty defender and most of all a tall guy with pure shooting on the trey area. I hope that SBP evaluate him and consider him as a candidate to be a naturalized Gilas player in 2023.

When Chris registered his first tweet on September 2, I immediately sent a tweet to him letting him know that Team Gilas Pilipinas might need his service on the next FIBA World Cup tournament as we went really flat on the current World Cup in China. 

A minute later, quoted my tweet and replied that the only thing we really need to do right now is to "Sign him up."






Chris McCollough a former NBA player of Philadelphia 76ers quoted my tweet and replied "Sign me up"


After the quoted tweet posted online it looks like many of the Filipino fanatic basketball fans agreed on my tweet to let Chris play on the Gilas side. Even former naturalized player Kuya Marcus Douthit nod on this player's performance.
Marcus Douthit's follow up tweet.











The tweet was also featured on ESPN 5 Facebook's timeline and it went viral. I never thought that it will become viral all I want is to let him know that Gilas Pilipinas in my opinion Gilas needs his services in the next FIBA World Cup window. Gilas is currently winless in four games. There last assignment will be the Asian rival Iran this coming Sunday. We are officially bowed out on our chances and out of contention on the 2020 Tokyo Olympics. I hope we finally get a big W on Sunday's last game.




Linggo, Setyembre 1, 2019

Rated SPG: Importante ba talagang Mahaba't-Malaki?



'How deep is your love?'




Nagdownload si Dax ng isang app kung saan ang app na ito ay puwede makipagkilala gamit lamang ang cellphone camera. Random-matching app kung saan puwede kayo mag-usap ng nakikita niyo ang isa't-isa.

Sabihin na natin na si Dax ay yung tipong napuno na ng boredom sa katawan dahil naging alipin na ng stress sa trabaho sa pagsasagot ng mga emails and inquiries ng kanyang mga kliyente. Naisipan niyang kailangan na niyang magpalamig, magbawas ng pagod at higit sa lahat ay mag-explore.

Malimit na rin ang paggamit ng cellphone nito at tila tumutunog na lamang ang kanyang cellphone sa pag-seset ng kanyang alarm cock clock sa tuwing papasok sa trabaho. Isang umaga ng Linggo ay ginamit ni Dax ang kanyang bagong download na app na tawagin na lang nating "JoyApp". Binuksan niya ito ngunit kailangan pa na magregister at gumawa ng username at password upang ito ay magamit. Buti na lamang at mayroon pa siyang isang email address. Tinype niya ang email address "performancemaster@gmail.com" at inilagay ang password ******. Gumawa ng unique username "buknoy69" at sinave ang password para dito.

Automatic matching ang app na dinownload ni Dax at minsan ay di maiwasang naipapartner siya sa kaparehas na lalaki. Kaya swipe, swipe, swipe ang gaming. Swipe to the left para mag-like ng profile at hahayaang ang app mismo ang mag match sayo sa iba't-ibang bansa. Mga ilang minuto rin ang nakalipas bago magkaroon ng matching na babae si Dax. At sa pagkakataong ito ay na-match siya sa nagngangalang "tisay96".

Bumungad kay Dax and video live feed ni tisay96 na nakatapat sa kisame. Halos sampung segundo itong walang galawan habang ang muka naman ni Dax ang nakikita sa video camera ni tisay. Maya-maya pa ay gumalaw ang kamera nito at tumapat sa dibdib ng nasa kabilang kamera. Maputi, makinis ngunit mapekas na dibdib ang bumulaga kay Dax. Napalunok ang binata sa kanyang nakikita dahil animoy mapangahas ang nasa kabilang kamera at bigla pa nitong nilalamas ang kanyang hinaharap at kitang-kita naman na talagang malaki ang kinabukasan ni tisay. Maya-maya pa ay nakikita ni Dax sa screen na ito ay nagtatype ng message sa kanya (tisay96 is typing......).

"Ayaw mo ba?"

"Hubarin mo na, sabayan mo ako"

Napatunganga si Dax ng mga ilang minuto bago siya makakilos sa nakikita. Tumayo sa kanyang kinauupuan at dali-daling inilock ang pintuan ng kanyang kuwarto.

"Ang tagal!"

Tumayo si Dax sa harap ng kamera ng kanyang cellphone at unti-unting hinuhubad ang kanyang karsunsilyo habang umiindayog sa pagsayaw na animoy macho dancer. Ginaya pa nito ang mga moves ni Dante Gulapa. Habang ang babae naman ay nilalabas ang kanyang dila at tuluyang inaakit ang binata.

"Hubarin mo na!"

Tumalikod muna sa kamera si Dax at unti-unting hinubad ang kanyang brief. Hawak niya ang kanyang kargada ay dahan-dahan siyang humarap sa kamera. Ipinakita nito ang kanyang pinakakatago-tago. Nang huhubarin na ng babae ang kanyang panty ay bigla nitong hindi itinuloy at nagsend ng message kay Dax. Mga mensaheng hindi niya makakalimutan habang naliligo siya at habang nakikita niya ang kanyang manoy.

"Putangina ang tagal-tagal hubarin, pinasabik mo lang ako mas maliit pa pala yan sa bala ng kwarentay-singko. Yan na yun?"

Sabay out at nawala ang babae sa kamera.

Kagaya nang nangyari ay bibitinin ko na kayo sa kwento. Kawawa naman ang binatang si Dax at ito ang ating pag-uusapan ngayon. Tigil muna tayo sa throwback blogs at ito ang ating pag-usapan. 

How Deep is Your Love?



Kailangan Ba, Mahaba? | Tagalog Spoken Word Poetry



Importante nga ba ang malaking etits sa mga lalake?

Karamihan ng mga babae ay nahihiyang i-open ang topic na ito pero hindi nangangahulugang wala silang opinyon tungkol dito. Ang mga tanong na, "Importante ba talaga ang malaking tite sa lalaki?" ay pangkaraniwan ng napagdidiskusyunan ng mga kababaihan. Kaya naman madaming mga nagsisilabasan na mga gamot, ehersisyo, at kung anu-anong produkto na nagpapalaki ng ari.

Mayroon akong nabasang survey ng 800 na lalaki at napag-alaman na ang average na haba ng pututoy ay 5.5 inches. Samantalang ayon naman sa isang report, 6.2 inches naman daw ang average na haba sa mga rumisponde sa pag-aaral nila.

Kaya naman ang napagkasunduang average na size ne penis ay nasa pagitan ng 5.1 hanggang 6 inches.

May dalawang karaniwang sagot pagdating sa tanong na kung mahalaga nga ba ang haba:

WALA SA HABA AT LAKI NASA GAWA.

May mga naniniwala na wala sa haba at laki ni dodong ang pagkakaroon ng masayang sexual experience kundi kung nasa paano ito gamitin --pressure, speed, at iba pa niyang talento sa kama ang labanan. Isama na rito ang kung paano niya gamitin ang ibang parte ng kanyang katawan para makapagbigay ng happy pleasure sa partner niya.

Kadalasan daw kasi na kapag malaki ang ari ng isang lalaki ay hindi na siya adventurous sa kama. Hindi na daw siya nagiging explorer eh ano? conqueror na lang? Hahaha! Iniisip na lang niya na dahil mayro'n siyang malaking potato, e, sapat na iyon para ma-satisfy ang babae.

Para sa akin ang mga naniniwala sa unang pananaw na ito ay mas nagbibigay ng halaga sa kalidad ng pagtatalik.

DAPAT LONG SI DODONG.

Siyempre meron din namang mga Inday na gusto ng malaking Dodong. Ang mga pananaw na ganito ay iniisip na kapag may mas malaking penis, mas pleasurable at makakapag-bigay ng vaginal orgasm.

Sa isang survey ng mga kababaihan, mahigit sa 80% ang nagsabi na  gusto nila mas nasa-satisfy sila sa mahabang talong. Hiling nila na sana ang laki ng ampalaya ay nasa 5.75 hanggang 6.25 inches. 

Ngunit kung papipiliin ang mga ito kung mas gusto nila ng mahaba o matabang ari, mas marami ang gusto ng matabang etits.

Suggest ko lang na "upo" ang kailangan nila.

KALINISAN NG ESPADA (dapat walang kalawang)

Ngunit kung may pagkakasunduan man ang dalawang kampo ng pananaw, ito ay ang kalinisan. Para sa mga girlie, ito ang pinaka-importante. Sunod nito ang haba, kinis, at itsura ng penis.

Flex ko lang may kilala nga pala akong baliko ang sandata, gusto rin kaya ng ganun ng mga kababaihan?

Balik tayo, sino nga ba naman ang mag-e-enjoy na kasing-laki nga ng Superferry pero sagad din sa baho at nakakasulasok ang amoy! Pwe!

Ayon sa mga survey, hati man ang sagot tungkol sa circumcision, nagkaka-isa pa rin ang mga babae na dapat malinis ang penis, tuli man o hindi. 

Bilang pagtatapos sa diskusyon, mahaba man o malaki, mataba man o hindi, baliko man o straight-edge, tuli ka man o supot, isa lang naman talaga ang hinahangad ng karamihan -- na sa isang vagina lang pumapasok ang tubo ni mister or ni jowa.

One way lang ang daan tohl!